You are on page 1of 2

Annaliza Pamilar

E12G

Depresyon

Panimula
Sa bawat ngiti ng mga tao na nakakasalamuha at nakakasalubong natin sa
araw-araw. Sa likod nito ay may mga kanya-kanyang problema o pinagdadaanan sa
buhay. Isa na rito ay ang mga kabataan, ito ay nakakabahala sapagkat sa murang edad
ay nakakaranas na agad ang mga ito ng depresyon. Ano nga ba ang depreayon? Ito ay
isang karamdamang pangkaisipan kung saan ang tao ay nakakaranas ng matinding
kalungkutan at kawalang gana sa lahat. Mahalagang pagusapan ang depresyon upang
mabatid natin kung nakakaranas ang isang tao nito upang mabigyang solusyon o
aksyon. Hindi biro ang may depresyon sapagkat maaring ikamatay ito ng tao.

Counter Argument
Sa isang segment ng Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga naging usap-
usapan sa social media naging pahayag ni Joey De Leon na gawa-gawa lamang ng
tao ang pagkakaroon ng depresyon.

Ebidensya at Pananaw
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, ang depresyon ay isang
seryosong sakit at hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga nakakaranas nito. Ang
pananaw ko dito ay hindi biro-biro lamang ang depresyon. Sa mga kaibigan at mga
nakakasalamuha ko, saksi ako sa mga galaw o kilos nila na nagpapatunay na isa ito sa
mga senyales na may depresyon ang isang tao.

Ayon kay Valle, 20% ng natatanggap na tawagng kagawaran ng kalusugan


Suicide Hopeline simula nang inilunsad ito noong nakaraang taon (2018) ay tungkol sa
depresyon. Karamihan sa mga tumatawag ay nagmula sa edad na 13 hanggang 29.
Ang mga senyales ng may suicidal behavior ay pagkawalan ng pagasa, biglaang biro
tungkol sa suicide at paggawa ng mga bagay na makakasakit sa sarili niya.Ang mga
komento sa depresyon ay dapat sineseryoso ,ayon sa mga opisyal ng DOH.
Konklusyon
Sa mga nakalap ko na impormasyon tungkol sa depresyon , ito ay hindi madaling
makita sa isang tao kung hindi mo ito kikilatisin o pag-aaralan ang mga galaw nito.
Naitatago nila nila ito gamit ang kanilang mga ngiti. Ang solusyon para sa depresyon ay
kumausap ng isang propesyunal na doktor ukol dito. May mga opisyal din ng gobyerno
na handang tumulong katulad ng talking therapy at ang anti-depressant medication.

You might also like