You are on page 1of 6

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL TUNGKOL SA DEPRESYON

Ano ang depresyon?

Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang
tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at
hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa
katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring
pangmatagalan o pabalik-balik.

Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga bata at teen ay nalulungkot,
nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay
maaari silang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad.

Ang depression ay isang karaniwan at seryosong sakit na negatibo ang epekto sa


nararamdaman, iniisip at ikinikilos. Ang depression ay nagbubunsod ng malungkot na damdamin
sa isang tao at nawawalan siya ng interes sa mga aktibidad na dati niyang ikinakasiya. Maaaring
magbunga ito ng sari-saring emosyonal at pisikal na problema at nababawasan ang abilidad ng
tao na kumilos sa trabaho o sa bahay.

Ano ang sintomas ng depresyon?

Ayon sa espesyalista, importanteng malaman ang sintomas ng depresyon lalo't posibleng


maapektuhan ang mga kaanak ng mayroong ganitong kondisiyon.

Paliwanag ng mental health advocate na si Dr. Gia Sison, ilan sa sintomas ng depresyon
ay matagal na pagiging malungkot, iritable, at pagiging balisa.

Pero nilinaw niyang magkaiba ang depresyon sa pagiging malungkot lamang.

Ayon pa sa Department of Health (DOH), maraming dahilan ang pagkakaroon ng


depresyon tulad ng stress sa araw-araw na pinagdaraanan, problema sa relasyon, pera, trabaho,
at marami pang iba.

Ilan sa mga palatandaan at sintomas ng teenage depression ay kalungkutan at kawalan


ng pag-asa, walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan, iritable at magagalitin, madalas
na pag-iyak nang walang dahilan, lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan, pagbabago ng gawi
sa pagkain at pagtulog, hirap sa konsentrasyon, mababa ang tingin sa sarili, pagod at kulang sa
sigla, at sumasagi sa isip ang pagpapakamatay.

Bakit mayroong depresyon?

Bagamat sumasang-ayon ang mga siyentipiko na ang depresyon ay isang sakit sa pag-
iisip patuloy pa rin ang debate kung ano talaga ang sanhi nito. Maraming kadahilanan na
nagdudulot ng depresyon at kabilang dito ang:
Genetic
Ang depresyon ay maaaring namana na kondisyon. Malamang na malaki ang tsansa na
makaranas ka ng karamdaman na ito sa isang punto ng iyong buhay kung mayroon kang
kapamilya na mayroong depresyon. Hindi naman alam ang eksaktong gene na may kinalaman
dito.

Biochemical
May mga tao na madaling mapapansin ang pagbabago sa kanilang utak kapag may
depres-yon. Bagamat ang potensyal na sanhi na ito ay hindi maintindihan, nagmumungkahi
naman ito na ang depresyon ay nagsisimula sa paggamit ng utak. May ilan ding mga psychiatrist
na tinitingnan ang brain chemistry sa mga kaso ng depresyon. Ang mga neurotransmitters ng
utak tulad ng serotonin, dopamine o norepinephrine ay nakakaapekto sa pakiramdam natin
tuwing masaya tayo at posibleng mawala ito sa balanse sa mga taong may depresyon. Ang
paggamit ng antidepressants ang nagbabalanse sa mga neurotransmitters lalo na ang serotonin.
Subalit hindi pa rin maintindihan kung bakit nawawala sa balanse ang mga neurotransmitters at
kung ano ang eksaktong ginagampanan nila kapag dumaranas ng depresyon.

Hormonal
Ang pagbabago sa produksyon at paggamit ng hormone ay maaaring humantong sa
pagsisimula ng depresyon. Ang anumang pagbabago sa estado ng hormone kabilang na ang
menopause, panganganak, problema sa thyroid o iba pang karamdaman ay nagiging sanhi ng
depresyon.

Seasonal
Tuwing umiigsi ang liwanag ng araw, maraming tao ang nakakaramdam ng antok, pagod
at kawalan ng interes sa mga araw-araw na gawain. Ito ang tinatawag na seasonal affective
disorder o SAD at isa itong kondisyon na agad naman nawawala kapag ang mga araw ay muling
humahaba.

Situational
Ang panahon ng trauma, malaking pagbabago o pagsubok sa buhay ay nagiging mitsa ng
depresyon. Ang pagkawala ng mahal sa buhay, pagkakatanggal sa trabaho, pagkakaroon ng
problemang pinansyal at iba pang seryosong pagbabago ay nagiging malaking dagok sa isang
tao.

Sino-sino ang mga nakararanas ng depresyon?

Kahit na sino ay maaring makaranas ng depresyon gaya ng mga sumusunod:

Artista
Sa kaniyang 17 taon sa broadcasting, naging kilala nang sportscaster at news anchor si
TJ Manotoc. Pero sa kabila ng pagiging masayahin at masigla, minsan na rin siyang nakaranas
ng depresyon.
Noong 2010, matagal na hindi lumabas sa telebisyon ang singer-comedian na si Janno
Gibbs. At tuwing tinatanong siya kung bakit, wala siyang ibinibigay na direktang sagot. Pero sa
pagharap niya sa publiko kamakailan, inamin niya na dumanas siya ng matinding depresyon.“I
have to admit I kept on denying kapag tinatanong ako. Pero I’m saying it now na yes, dumaan
ako sa depression,” pahayag ni Janno sa panayam na naipalabas sa “Kapuso Mo Jessica Soho.”

Sundalo
Noong Pebrero 2011 nagulantang ang bansa dahil sa pagbaril sa sarili ni Angelo Reyes,
dating chief of staff ng Armed Forces na humawak din ng posisyon sa iba’t ibang ahensya ng
gobyerno sa ilalim ng Arroyo government.

Magulang
Sinuri ni Dr. Erika Cheng, at ilang kasamahan niya sa Department of Pediatrics ng Indiana
University School of Medicine, ang dami ng tatay na nakararanas ng postnatal depression. Ito ay
isang uri ng depresyon na nararanasan ng mga ama matapos isilang ang kanilang anak. Nang
tanungin si Dr. Cheng, sinabi niya na maaaring stressed ang mga ama ng isang sanggol dahil
nakaaapekto sa pagtulog nila kung umiiyak ito sa madaling araw, dagdag pa ang financial
pressure na dulot ng pagkakaroon ng anak.

Estudyante
“PATAWAD mama and papa, patawad po sa lahat, love na love ko po kayo, thank you po
sa lahat, sorry kung nagawa kong tapusin ang aking buhay, I love you, sorry, thank you”. Ito ang
nakasaad sa suicide note na iniwan ng 17-anyos na estudyante matapos magbigti dahil umano
sa problema sa paaralan sa Caloocan City, Nobyembre 6 nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si ‘Bernard’, Grade 12 student, na nadiskubre ng kanyang tiyahin


na si ‘Melly’ na nakabigti sa 5th floor ng kanilang bahay sa Bagumbong, gamit ang nylon cord,
ala-1:25 ng madaling-araw.

Gaano na karami ang nakararanas ng depresyon?

Nasa 3 milyong Pilipino ang nakakaranas ng "depressive disorder", ayon sa pag-aaral ng


World Health Organization at sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN Investigative and Research
Group.

Kaugnay nito, nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil maaari
itong humantong sa suicide o pagpapakamatay kapag hindi naagapan. Mahigit 2,000 kaso na ng
suicide ang naitala ng WHO sa bansa noong 2012.

Sa buong mundo, ang suicide ang naitatalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng
pagkamatay ng mga nasa edad 15-29.

Ano ang maaring idulot ng depresyon?

Ang maaring idulot ng depresyon ay ang mga sumusunod: walang gana sa pagkain,
pagbaba ng timbang, at iba pang pisikal na sintomas. Maaring din itong magdulot ng problema
sa tulog katulad ng insomnia (hirap sa pagtulog) at hypersomnia (sobra sa pagtulog), na siya
naming magdudulot ng pagkabilis mapagod. Naapektuhan din nito ang talas ng memorya. Ang
pinakmalala at pinakamasamang dulot ng depresyon ay ang mauwi ito sa pagpapakamatay o
pagpapatiwakal.

Paano maiiwasan ang depresyon?

May mga epektibong paggagamot ng depresyon. May mga health-care provider na


nagbibigay ng mga psychological treatment tulad ng behavioral activation, cognitive behavioural
therapy at interpersonal psychotherapy o kaya antidepressant medication (tulad ng selective
serotonin reuptake inhibitors at tricyclic antidepressants). Kasama rin sa iba pang psycholo-gical
treatment ang individual o group face-to-face psychological treatment hatid ng mga propesyonal
na doktor at mga nangangasiwang therapist.

Ayon sa mga doktor, malaking tulong sa mga taong nakakaranas ng depresyon ang
pagkakaroon ng mga taong handang makinig sa kanila.

Sa panayam sa "Magandang Gabi Dok" sa DZMM Teleradyo, ipinaliwanag nina Dr. Jerome
Go at Dr. Susan Mercado ang kahalagahan ng pakikinig.

"Itong sakit na depresyon, ito ay treatable. Mayroong gamot ito, at ang importanteng first
step, pag-usapan mo, huwag kang mahihiyang magsabi sa kaibigan mo, sa mahal mo sa buhay,
na malungkot ako," ani Go.

Dagdag rin ni Mercado, mas makakabuti kung makipag-usap sa doktor sa halip na


magpakalulong sa bisyo.

"Kung pupunta ka sa doktor, bibigyan ka ng tamang gamot, you'll actually feel better.
After 1 or 2 weeks, makikita mo 'yung diperensiya nung umiinom ng tamang gamot," aniya.

Ayon din kay Go, hindi lahat ng nagpupunta sa mga doktor ay kinakailangang uminom ng
gamot, dahil may mga pagkakataon na kailangan lang ng mga pasyente ng taong handang
makinig sa kanila.

"Hindi naman lahat ng nagkakaroon ng ganitong karanasan, ginagamot agad agad. It's
very important pa rin for the patients to come to the doctors, and the doctors to assess kung
kailangan na talagang bigyan ng gamot," aniya.

Payo rin ni Mercado, matutong makinig kung sakaling may kaibigan o kapamilya na
nakakaramdam ng kalungkutan.

"Affirm that you heard na the person is in pain," aniya.

Mas makakabuti rin umano iwasan ang pagkukumpara sa sariling karanasan, o kaya ang
pagbalewala sa nararamdaman ng isang taong nakakaranas ng depresyon.

"It does not actually help. Akala nila nakakatulong, nakaka-motivate pero hindi. Kasi ang
naiisip ng taong nade-depress, hindi niyo ako naiintindihan," paliwanag ni Go.

Maituturing bang suliraning panlipunan ang depression?

Maituturing na isang suliraning panlipunan ang depresyon dahil sa naidudulot nitong


pisikal, emotional at pinansyal na danyos sa lipunan.
Tulad ng ipinakikita ng mga istatistika na ito, gaya ng bilang ng mga pamilya at mga
kaibigan na hinawakan ng matinding kalungkutan.

Kapag ang isang bata ay nawala sa kanyang mga magulang ay tinatawag siyang isang
ulila. Kapag ang isang babae ay nawala ang kanyang asawa siya ay tinatawag na isang biyuda.
Kapag ang isang lalaki ay nawala ang kanyang asawa, siya ay tinatawag na isang biyuda. Ngunit
walang salita upang ilarawan ang isang magulang na nagdurusa sa pagkawala ng isang bata, o
ang sakit ng isang kapatid na lalaki o babae.

Ang ganitong matinding kinalabasan ay simula pa lang ng mas laganap na problema ng


depresyon na nagsisimula sa pagtanda. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng aberya sap ag
graduate, na madadala hanggang sa trabaho na maaring magdulot ng madalas na pagliban sa
pasok.

Ang mga gastos sa mga gamot na inireseta para sa depresyon, sa ospital at mga pagbisita
sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ay napakalaki, para sa mga pamilyang
madalas na hindi kayang bayaran ang mga gastos na ito, pati na rin ang pasaning pangkalusugan
para sa lipunan sa kabuuan.

Suicide ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na
problema.

Kapag hirap na at wala ng pag-asa, ang pagpapakamatay ang short cut para makatakas.

Isa sa iniisip ng mga nagpapakamatay, tulong ito sa kanilang pamilya para hindi na sila
makadagdag pa ng problema. Ganito ang maraming kaso ng mga may malubhang karamdaman
na nagsu-suicide.

Pero sa pamilyang naiwan, lumilikha ito ng karagdagang problema hindi lang sa usapin
ng emosyon. Sa ulat ng World Health Organization noong 2012, ang Pilipinas ay ika-150 sa 170
bansa na may pinakamaraming bilang ng suicide cases.

Malayo man sa top 10, hindi nangangahulugan na hindi ito dapat pansinin. Kahit isang
buhay lang ang nawala dahil sa suicide, buhay pa rin ang pinag-uusapan dito, at pighati ang hatid
sa naulila.

May tinatayang 2,558 self-inflicted death sa bansa noong 2012 (550 babae at 2008 lalaki)
o 2.9 kada 100,000 populasyon.

Sa buong mundo ay umaabot sa 800,000 ang nagpapakamatay taon-taon o isa kada 40


segundo, ayon sa WHO. Noong 2015, ang pagpapakamatay ang ika-17 sa mga pangunahing
sanhi ng pagkamatay ng tao.

Sa pag-aaral noong 2013, lumabas na ang age bracket na 20-24 ang may pinakamataas
na kaso ng pagpapatiwakal.

Sa bukod na pag-aaral ng Department of Health noong 2007, 15 sa 900 teenager ang


nagtangka na kitilin ang kanilang sariling buhay.
Sanggunian
ABS-CBN NEWS. (2017, March 22). ALAMIN: Paano tutulungan ang taong depressed. Retrieved from
ABS-CBN NEWS: https://news.abs-cbn.com/life/03/21/17/alamin-paano-tutulungan-ang-taong-
depressed

Adams, M. (n.d.). Depression Symptoms, Causes and Effects. Retrieved from PsychGuides:
https://www.psychguides.com/guides/depression-symptoms-causes-and-effects/

Bandera Inquirer. (2017, May 8). May solusyon sa DEPRESYON. Retrieved from Bandera Inquirer:
https://bandera.inquirer.net/152008/may-solusyon-sa-depresyon#ixzz5XDgpxuEU

Begas, L. (2017, October 9). DEPRESSION, SUICIDE: Seryosong problema na di dapat balewalain (1).
Retrieved from Bandera Inquirer: https://bandera.inquirer.net/165490/depression-suicide-
seryosong-problema-na-di-dapat-balewalain-1

Bernardo, R. M. (2017, October 7). Depression: Ano ba ito? Retrieved from Philstar:
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2017/10/07/1746625/depression-ano-ba-ito

Dumaual, M. (2018, January 17). TJ Manotoc, ibinahagi kung paano nalampasan ang depresyon.
Retrieved from ABS-CBN NEWS: https://news.abs-cbn.com/life/01/17/18/in-revealing-video-tj-
manotoc-opens-up-about-surviving-depression

Fernandez, R. (2014, August 19). Singer-comedian Janno Gibbs: Yes, dumaan ako sa depression.
Retrieved from GMA NEWS:
http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/375443/singer-comedian-
janno-gibbs-yes-dumaan-ako-sa-depression/story/

Javier, B. (2012, October 12). Salamat Dok: Teenage Depression. Retrieved from ABS-CBN NEWS:
https://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-depression

Quintos, K., & Banez, O. (2017, October 14). 'Depresyon kapag hindi naagapan, maaaring humantong sa
suicide'. Retrieved from ABS-CBN NEWS: https://news.abs-cbn.com/life/10/12/17/depresyon-
kapag-hindi-naagapan-maaaring-humantong-sa-suicide

R., L. (2018, July 20). Mga dapat Malaman Tungkol sa Depresyon sa mga Bata at Teens . Retrieved from
AKO ay Pilipino: https://www.akoaypilipino.eu/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-depresyon-
sa-mga-bata-teens/

Santos, M. (2018, November 7). Problemado sa iskul | ESTUDYANTE NAG-SUICIDE. Retrieved from
Bulgar Online: https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/11/07/Problemado-sa-iskul-
ESTUDYANTE-NAG-SUICIDE?fb_comment_id=1757606520963149_1758390410884760

The Anika Foundation. (2016, July 15). Depression as a Major Social Issue. Retrieved from The Anika
Foundation: http://www.anikafoundation.com/social_issue.shtml

The Asian Parent. (n.d.). Mga daddy nakakaranas din ng uri ng depresyon matapos ipanganak si baby .
Retrieved from The Asian Parent: https://ph.theasianparent.com/uri-ng-depresyon

You might also like