You are on page 1of 3

Paglaganap ng Fake News

Ni Stephanie P. Frondoso BSCE 1B

Sa patuloy na pagunlad at pagbago ng mundo, katulad ng mga bagay na hindi kontrolado,

kasama ang mga teknolohiya na lagi-laging may naiimbento, halimbawa na lamang ng mga

makabagong social media platforms na naging tulay ng pakikipag-ugnayan at

pakikipagkomunikasyon, at pageensayo ng demokrasya. Ngunit tila ang pagkakaroon ng

sinasabing karapatang makapagsalita at pagpapahayag ng mga sariling opinyon ay sumusobra na.

Noong mga nakaraang taon ay naging talamak ang sinasabing fake news sa iba’t ibang social

media platforms katulad na lamang ng Facebook at Twitter.

Ang Facebook pa rin ang may pinakamaraming gumagamit at naga-access nito sa ating

bansa. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng We Are Social at Hootsuite ay 76 milyon ang naga-

access ng internet. 97 percent ang gumagamit ng Facebook, samantalang 54 percent sa Twitter.

Ayon kay Professor Clarissa David ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ng

Unibersidad ng Pilipinas na ang fake news ay nahahati sa dalawang uri: ang misinformation at

disinformation. Ang misinformation ay ang maling impormasyon na hindi sinasadyang magleak

o maikalat sa online platforms. Walang intensyong propaganda at mas lalong walang intensyong

politikal. Samantalang ang disinformation ay may layuning manghikayat ng mga online users

para suportahan ang isang politikal na grupo o indibidwal. Ang disinformation ay planado,

pinondohan at pinapatakbo ng propesyonal.

Ang misinformation ay nagpapakita lamang ng kapabayaan at kulang sa pagkalap ng mga

impormasyong may pinagbatayan at makatotohanan. Pwede ring ito’y magrepleka sa kung gaano

kagaling, kahina o kapabaya ang sumulat ng isang balita. Ngunit kung sinumang tagasulat ng

nasabing balita ay dapat aminin na siya’y nagkasala. Samantalang ang disinformation naman ay

S.P.F. BSCE 1B
ay paninirang lubos sa isang tao. Ito ay mas mabigat kumpara sa misinformation dahil ito ay

sinasadya na magpalabas at magpakalat ng mga balita tungkol sa isang tao na siguradong

ikasisira at magbibigay atensyon sa online users.

Ayon kay Professor Danilo Arao ng Departamento ng Pamamahayag, Kolehiyo ng

Komunikasyong Pangmadla, na ang pagkakaroon ng ganitong mga fake news ay posibleng dahil

sa mga mamamahayag na hindi nakakuha ng mga maayos na impormasyon na kailangan upang

mas lalong maipaliwanag at mapalalim ang istorya na galing sa iba’t ibang sanggunian.

Samantalang ayon naman kay Professor Rachel Khan, ang problema sa fake news ay ang

panggagaya ng mga ulat sa mga news media organizations lalong lalo na sa mga mas kilalang

media. Ang panggagaya sa mga news media organization ay kung minsan nagiging sobra na sa

kung pano ito isinulat. Kung minsan naman ay ginagaya ang mga websites na may parehas na

mga Website Addresses o Uniform Resource Locators (URLs).

Ang nakakakilabot na bagay tungkol sa fake news ay pinapahina nito ang demokrasya.

Ang social media sa kasalukuyan ay nagiging kagamitan para sirain o pabanguhin ang

pangalan ng isang kilalang personalidad. Sa halip na ito’y maging tulay sa pagkakaroon ng mas

maayos na komunikasyon ay napapalitan ng pagkakaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang

magkaibang politikal na grupo. Dahil nga sa kahiligan ng mga Pilipinong pagpiyestahan ang

buhay ng ibang tao, tila ba mas naaaliw pa sila kapag ang isang tao ay nasisira dahil lamang sa

mga tsismis o impormasyong nagpasalin-salin na sa mga dila nito na wala namang batayan ng

pagiging makatotohanan.

Dahil sa paglaganap ng fake news ipinanukala ni Senador Joel Villanueva ang isang batas

na magpaparusa sa mga gumagawa nito. Sa panukala, mapaparusahan ng isa hanggang limang

S.P.F. BSCE 1B
taong pagkakakulong ang nagkakalat ng fake news at pagmumultahin ng hanggang limang

milyon. Mas mabigat naman ang parusa sa government official na mapapatunayang nagkalat ng

fake news. Pagkakakulong ng hanggang 20 taon at multa na aabot sa sampu hanggang 20

milyong piso.

Ito’y walang pinipiling tao. Dahil kahit sino ay pwedeng mabiktima ng fake news. Sa

simpleng paganunsyo ng pagkakaroon ng mga kalamidad kahit hindi naman totoo ay magdudulot

ng pagkabigla at kaba sa mga makakabasa. Kahit si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay

nabiktima ng fake news nang i-linked niya sina Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino sa

Marawi Siege. Pinagbasehan ni Aguirre ang isang litrato na lumalabas na ito’y luma na at hindi

mismo sa Marawi kuha ang litrato.

Kaya nararapat lamang na may kaukulang parusa na ang kung sino mang magkakalat ng

fake news dahil ito ay nakakaapekto sa taong nilalaman ng mga bash at mga walang saysay at

walang katotohanang balitang isinusulat ninuman.

Bawat galaw sa internet ay may mabilis na epekto sayo at sa mga makakakita. Kaya

nararapat lamang na maging maingat at pagisipan muna ang kung ano mang ipo-post sa online.

Dahil isang click lamang ay maaaring makasira sa pagkatao at buhay ng iba. Totoo ngang may

karapatan tayong magbigay ng sarili nating opinyon ngunit mas makabubuti kung ito’y hindi

inaabuso para lamang makasakit at mang-apak ng ibang tao. Bagkos, ay maging responsable sa

pagkakaroon ng matalinong kuro-kuro tungkol sa mga bagay bagay.

S.P.F. BSCE 1B

You might also like