You are on page 1of 1

`

Sa pagdating ng mapaminsalang virus na lubhang napakadelikado sa ating kalusugan


na nagsanhi ng pagsara ng bansa. Maraming establishimento ang nagsara ,
edukasyon na pansamantalang nahinto at maraming tao ang natigil ang mga
hanapbuhay. Sa pangyayaring iyon ay nagdulot ito ng pagkainip sa kanikanilang mga
tahanan . Marami ang sumubok ng ibat ibang mga application upang maibsan ang
nararanasang pagkabalisa isa na rito ang tiktok. Dito ay unti unting sumikat at
marami ang naging interesado sa paggamit Tik tok . Nagmula ito sa bansang China
na ibig ibahagi ang kasiyahan ,pakikipag ugnayan ng bawat mamayan sa
pamamagitan ng pagamit ng tiktok. Ito ay nakapanghikayat ng mga kabataan upang
gamitin ang application na ito.

Sadyang nakakaaliw ang paggamit ng Tik tok . Nagpapakita lamang ito ng higit 15
sigundong bidyo upang ipakita ang nais ipahiwatig ng isang influencer.Agad itong
naging pupolar hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo . Ito ay
kadalasang naglalabas ng mga balita at mga mahahalagang impormasyon . Mayroon
din itong ibat ibang genre tulad ng mga sumasayaw , kumakanta ,
komedy,nagbibigay ng mga kaalaman, at marami pang iba. Kadalasan din itong
ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon sa ating nasa kapaligiran.

Nakatutulong ito sa pang araw araw na pamumuhay ng tao.Masasabing lubhang


nakakalibang ang paggamit ng application na ito. Marami na ang gumagamit at
tumatangkilik dito at sapaglipas ng panahon mas dumarami pa ang nais na gumamit
nito.May maganda dulot ito ngunit ito rin ay nagdudulot ng masamang epekto sa
mga tao.Ang labis na paggamit nito ay nakaaapekto sa mentalidad ng mga
manonood . Sa mga kabataan na nais sumubok ay magkaroon lamang ng limitasyon
sa paggamit nito dahil alam naman natin na lahat ng sobra ay nagdudulot ng
masama.

You might also like