You are on page 1of 18

Mga halimbawa ng ibat-ibang uri ng teksto

Tekstong Impormatibo

Steven
Sa Facebook
Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na kinahuhumalingan na
ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala,
hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong dalawang libo’t
apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga
kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa
Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa
ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad
sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa
iba’t-ibang institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social networking
website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Ditto, maaaring
madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan
ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang
mga kasapi nito.
Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man ang nais
sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha
na may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may
#friendshipforever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa
buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at
kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat
(literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong
klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag
pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang binibisita, ay games. At
ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.
Aban
TEKNOLOHIYA

Habang ang oras ay patuloy sa pag-ikot. At ang araw ay patuloy sa pag daan. Patungo sa
bagong panahon. Na mumulat na ang mga tao sa mga modernong bagay na nag bibigay ng malaking tulong
sa buhay ng tao. At sa mga pagbabagong ng yayari sa ating bangsang kinagisnan. Halimbawa na lamang
nito ang teknolohiya na may malaking ambag sa buhay ng tao . Pati na rin sa pag unlad ng ekonomiya.
Ngunit di maiaalis dito ang mga positibo na may kasamang negatibo na maidudulot sa pamumuhay ng
isang tao.
Ang teknolohiya ay napakaimportante sa lahat ng tao sa mundo, lalo na sa mga kabataan
ngayon na siyang kinahuhumalingan at kinaaadikan ng mga tao ngayong panahon.Ngunit di maikakaila na
ang paggamit nito ay may kaakibat na negatibo sa pamumuhay ng isang tao. hindi lahat nito ay mabuti
ang naidudulot . kailangan parin nito ang masining na paggamit at maingat sa lahat ng bagay. sa paggamit
nito ay kailangan alamin muna kung ano ba ang tamang proseso , paano ba ang gumamit nito magkaroon
dapat ng limitasyon sa paggamit nito . Sapagkat ang lahat ng sobra ay nakakasama at nagsisilbing lason,na
siyang hadlang sa pag kamit ng minimthi Ayon sa http.teknolohistang
pinoy.wordpress.com na mula paman noon at hanggang ngayon marami nang mga tao na nagtatalo talo
dahilan sa kung ang teknolohiya ba ay may masamang naidudulot sa pamumuhay ng isang tao.Hindi iyan
mawawala sapagkat lahat ng bagay maganda man ito may kapangitan ding tinatago. dahil sa
teknolohiyang ito naipapadali ang mga gawain lalo na sa mga kabataan ngayon kapag sila ay may mga
gawain na na aangkop sa mga pag aaral nila . ito ang pinagkukunan nila ng mga ibat ibang inpormasyon.At
naipapaunlad din nito ang ating lipunan. Subalit laging tandaan ma ang teknolohiya ay nakakatulong
ngunit gaano man ito nakatulong ay ganun ito nakakapahamak kung pabanayaan ang sarili at pag inabuso
ito. Disiplina ang kailangan.
Ayon naman sa cjefo1.blogspot.com na ang teknolohiya ay may napakalaki na ang
naitulong nito sa mga tao at kabataan simula't sapol na naimbento ito .. Noon wala pana man masyadong
masama naidudulot nito ngunit habang tumatagal umaabuso na ang ibang tao sa paggagamit nito kaya
marahil ngayong panahon marami na ang gumagamit na walang disiplina sa sarili at walang limitasyon sa
pagamit nito kaya naman napapahamak ang mga tao dahil sa sariling ginagawa.
May malaki nang naitulong ang teknolohiya sa buhay ng tao imbes na itoy abusuhin
.Mas mabuti na ito'y payamanin. At alamin at piliin lamang ang mga positibong bagay na maidudulot nito
sa pamumuhay ng tao.

Nerissa

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang 19 ay isang
malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi marunong maghintay
madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating naririnig sa mga nakakatanda. Palagi
nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol ang isinisilang ng mga
teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult Fertility and Sexuality(YAFS)
strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may edad na 15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina
na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa
ng Southeast Asia. Maraming eksperto ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor
de edad na babae sa ating bansa. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis
ng mga batang babae.
Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay
pamilya at kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang tahanan. Maraming eksperto
ang nagsabing sintomas ng kahirapan ang teenage pregnancy. Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring
napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa
rin sa pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga teenagers. Ang mass media lalong lalo na
ang internet ang isa sa sinisisi sa teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th community
Pediatrics Society of the Philippines (CPSP) annual convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo
ay pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-2014. Ito ay dahil sa kanyang pag
serbisyo sa mga nangangailangan.

Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan pito sa sampung
buntis na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito ng world bank at sinasabing ang pilipinas
ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Malaking porsyento ng mga
kabataang nabubuntis ay nabibilang sa low income generating group. Dahil wala pa sa hustng gulang
karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy ay
mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa
mga sanggol na isinisilang ng kabataang babae.

Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng gabay ang mga anak upang hindi
maging ina sa murang edad. Gayunpaman, panahon na upang patatagin natin ang ating mga pamilya.
Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng aksyon. Tayo na't magising sa katotohanan, mahirap
ang maging batang ina. Wala itong maidudulot na kabutihan saatin.

Cabiling

Iba't ibang Epekto ng Teknolohiya


Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa ibang tao? At sa mga taong hindi na kayang
mabuhay kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong ito'y naglalaman ng iba't ibang
epekto ng teknolohiya sa ating buhay kung paano nabago ang ating buhay ng dahil lamang sa
teknolohiyang ito at kung paano naorganisa ang iba't ibang uri ng teknolohiya maging sa mga applikasyon
nito.

Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman sa sining ng industriya at napapadali ang mga
gawain ng isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na maililipat mo sa makinarya o anumang
bagay na nagagamitan ng kuryente. Mas malaking porsyento ang napapakinabangan ang teknolohiya sa
araw-araw na gawain ng tao. Nakatutulong din ito sa larangan ng edukasyon dahil napapadali lamang ang
pagsasaliksik ng mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.

Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang
kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala din
nya ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa kanyang blog ito ay ang mga sumusunod na
epekto na nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong Epekto. Sa Positibong epekto'y
naglalaman ng: Pag unlad ng antas ng libangan na kung saan nakawawala ng stress at nakakaenganyo
pang gamitin. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan gaya nito ay ang mga CCTV na kung
saan nagsisilbing ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo ay Global Networking na kung saan dito
napag uusapan ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo. Sa ikalima at
ika anim na epekto naman ay, Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan na komunikasyon gamit ang
teknolohiya at Mas makakamura sa ibang paraan, na aking nakapahulugan na ang tinatawag na Social
Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa mang bagay na magagamit sa pakikipagkomunikasyon sa
ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang lugar.

Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim na magiging gabay at babala sa paggamit ng


teknolohiya. Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na magiging sanhi ng pag iisip ng hindi tama.
Ikalawa, ay Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa ng krimen buhat sa paggamit ng
teknolohiya. Ikatlo naman ay technicism na nakapahulugang pagiging kampante sa paggamit ng
teknolohiya. Ikaapat ay Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong sa mali-maling
sitwasyon. At ang pang huli ay ang teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access na maaring
makasira o makaapekto sa pag- aaral ng kabataan gaya nito ay DOTA at COC.

Kung pagsama- samahin ang mga epekto ng teknolohiya, mayroong itong mabuti at masamang
epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng teknolohiya ay malaki ang kapakinabangan sa
lipunan, at higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng mga mag - aaral. Kung merong mabuti
siyempre meron ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao na maging tamad sa kanilang
gawain

Chavez

Ang Martial Law sa ilalim ng pangulong Ferdinand Marcos ay ipinatupad noong ika-21 ng Setyembre
1972.Ideneklara ni Marcos ang Proclamation no.187 o ang Batas Militar.Ang pagdeklara nito ay
isinapubliko at napanuood ng karamihan.Matapos itonf ipatupad sa dalawang araw na pagpapatibay ng
batas na ito ay ipinaaresto ang mga demonstrador,ipinsara ang telebisyon,radyo at ang palimbagan ng
dyaryo.Naghigpit rin ang mga seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Sa ilalim ng batas na ito ay mas lalong mapanganib.Raid dito,raid doon, kahit sino pweding dakpin.Walang
korteng paglilitisan dahil guilty sinumang lumaban kay Marcos.(Ito ay ayon kay Ricky Lee).
Sa Batas Militar mas lalong tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ng komunista kaya
maraming inosente ang namatay.Ang mga mamahayag ay napagbintangan na silay kasapi ng mga grupong
NPA.Kaya marami ang kaso ng Extra Judicial Killing sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong
Marcos.Maski ang mga ordinaryong tao ay pinagbintangan ang iba sa kanila ay pinatay,sinaktan a
ipinahiya sa harap ng mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Sa panunungkulan rin ng pangulong Marcos hangad nito na ang Bagong Lipunan sa pagpapatupad ng
Batas Militar.Nabago nga ang lipunan ng dahil sa takot ng mga Pilipino sa kanya. Maraming nabago sa
kalagayang pang kalusugan at pang kalinisan, nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga
tahanan ay naging malinis at napanatiling maayos ito na mga Pilipino.Higit sa lahat nabawasan ang mga
pasyalang ipinagbawal lalo na sa Maynila.Nagakaroon ng karapatan at katahimikan sa mga pook na dati
ratiy may ligalig at karahasan.Sa ilalim ng Batas Militar ay napaloob ang programa ng reporma ng
pamamahala ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay Peace and Order (Kapayapaan
at Kaayusan)
Land Reform (Reporma sa Lupa)
Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan) Development of Moral Values Government Reform
(Mga Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon ) Social Service ( Serbisyong Panlipunan).Ngunit ang repormang
naipangako ay hanggang papel lamang.Nagdulot lamang ang mga bagong lipunan ng pangamba at takot
sa mamamayan.

Ngunit hanggang ngayon ang pamumuno ng Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng Batas Militar ay
buhay na buhay parin sa alaala ng mga nabiktimang Pilipino.Ika nga magsilbi itong arak na kung saan
ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.Higit sa lahat ay unawain ang mga sigalot na pamumuno ng
gobyerno.Hindi lang para sa sarili kundi para sa bansa na na nabalot ng karahasan sa ilalim ng Pangulong
Marcos.Na ito ay magsisilbing aral at ating imulat ang ating mata sa katotohanang nagaganap sa ating
bansa sa pamamalakd ng gobyerno.

JD

Kabagungtauhan
ni Lorens A. Pellejena

Ipinanganak tayo sa mundo hindi tumigil ang oras. Ngunit maaari para sa mga talisik na tao, kung
aalisan ng baterya ang orasan. Subalit talaga bang napatigil ang oras? Hindi. Sapagkat ang panahon ay
patuloy wala pa namang taong naka imbento ng "Time Machine" sa wikang ingles, isang makina na kung
saan may kakayahan ang tao na bumalik sa nakaraan at pumunta sa hinaharap. Ang panahong lumipas ay
mananataling isang alaala, alaala na parang isang larawan sa ating nakaraan kung saan ang maari na
lamang nating gawin ay ang titigan pero di na natin maaaring balikan.
"Kabagungtauhan" isang salitang sa tingin ko'y bago rin sa inyong pandinig
Ito ay ang lebel ng katauhan ng tao, ang lebel mula sa batang kaisipan patungo sa isang responsableng
kaisipan. Ayon sa wikipideang tagalog, ang "kabagungtauhan" ay ang pagbibinata o pagdadalaga, isang
proseso na pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging
ganap na may kakayahang magparami ng "sekswal" simula sa pagka-panganak, tayo ay mulat sa mga
pagbabago na dumarating di lamang sa mental na aspeto, ngunit pati na rin sa pisikal. Kaugnay nito tayo
ay dapat na makasabay sa paunti-unting pag-usbong ng ating isipan sa mga kaalamang nararapat lamang
nating maunawaan. Subalit ang mga pagbabagong ito'y kadalasang hindi pa gaanong nauunawaan ng iilan
sa atin. Kung kaya't madalas sa mga pagkakataon tayo'y napapasama. Kung minsan nama'y mulat na tayo
sa mga usapin tungkol dito, pero di naman alam kung paano mapanghahawakan upang makasabay sa mga
pagbabagong ito sa ating sarili. Ang kailangan natin ay magkaroon ng sapat nakaalaman upang sapat na
makaunawa. Ayon parin sa wikipediang tagalog, ang pagbabago ito sa ating sarili ay pinasisimulan ng mga
hudyat ng hormones mula sa utak patungo sa gonad: ito ay ang mga obaryo para mga babae at testes
naman para sa lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng hormones na nag uudyok
ng libido kalamnan , dugo , balat , dibdib at ari. Ang pisikal na paglaki taas at timbang ay bumibilis sa unang
hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
Patuloy nito , karaniwan ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11.
Samantala ang mga lalaki ay nagsisimula namang sa gulang 11 hanggang 12 . Ang mga babae ay karaniwan
ring dumadaan sa ganap ng pagdadalaga sa gulang 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na nagbibinata
na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng pagdadalag ang menarche, ito ay ang panimulang regla, na
karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13; para sa mga kalalakihan ito ay ang pangunahing pagpapalabas
ng simelya na karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika 21 na siglo ang karaniwang gulang kung
saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan , na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung
ihahambing sa ika 19 na siglo , kung saan 15 ang gulang ng babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay maaring dulot
ng isang salik , kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa matuling paglaki ng katawan,
pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya'y pagkababad sa endocrine disruptors tulad ng
yenoestogens , na maaring dahil sa pagkunsumo ng pagkain o iba pang pangkapaligirang salik, Ang
pagdadalaga o pag bibinatang na mas maagang magsimula ay tinatawag ding precocious puberty.
Samantala ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na delayed puberty.
Mahalaga sa morpolohiyang pagbabago sa sukat , hugis , nilalaman, at pagkilos na lumaking katawan
ang pagsibol ng pangalawang pansekswal na katangian ang "pagpuno" sa katawan ng bata mula sa batang
babae tungo sa kadalagahan, mula sa batang lalaki tungo sa pagbibinata. Nagmula sa latin
puberatum(gulang nga pagbibinata o pagdadalaga), ang salitang puberty ay tumutukoy sa mga pisikal na
pagbabago tungo sa pangsekswal na pagsibol, hindi ang sikososyal at kultura na paglaki na tinutukoy ng
salitang "adolescent development" sa kulturang pang kanluran , kung saan ang adolescence ay ang
panahon ng mental na pagbabago mula pagkabata patungo sa pagtanda na kadalasang nasasapawan ang
panahong paglaki ng katawan.
Ang mga pagbabagong nabanggit ay dapat nating sapat na maunawaan upang mas lalong
maintindihan na normal lamang sa atin ang mga di madalas maintindihang pagbabago sa ating sarili sa
tingin ko'y lahat naman tayo'y nakakaalam nasa mga ganitong bagay , subalit di alam kung ano minsan
ang dapat na gawin. Di tayo dapat na mangamba sa mga inaasahang maisakatuparan natin sa ganitong
edad , sapagkat kahit ang mga guro ay ipinapayo na ito ang pinakamahirap na lebel sa pagbabago sa sarili.
Mula sa dating mga bata nilalaro patungo sa mga responsableng gawain na ating dapat naisasakatuparan.
Di dapat matakot, imbis isipin natin ito sa positibong paraan. Upang sa positibo rin mag resulta at hindi sa
mga masamang kinahihinatnan ng mga kabataan sa kasulukuyang panahon.

Paula

Rape Case sa Pilipinas


ni: Josie Valenzuela ABM-A

Ang panggagahasa, ayon sa Batas ng Pilipinas ay itinuturing na isang kriminal na pagkakasala sa lipunan
ng mga Pilipino, ito ay isang kasuklam-suklam na kreming napaprusahan ng pag kakabilanggo habang
buhay. Ayon sa American Medical Association 1995 ang sekswal na karahasan lalo na ang panggagahasa
ay pinakamadalang maulat ng pang gagahasa kumpara sa ibang marahas na krimen. Ang panggagahasa
ay maaring maging sahi ng pisikal na pinasala at karagdagang resulta ulad ng sakit na nakukuha sa pag
tatalik o pagbubutis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa maaring harapin ng karahasan
o pagbabanta sa biktima mula sa nanggahasa at sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag anak ng
biktima.
Ayon sa istatistika ng Philippines National Statistical Coordination Board (PNSCB) ng taong 2002 ay may 7
kababihan ang napagsasamantalahan sa bawat araw. Ayon din sa pag aaral ng PNSCB ay mayroong 3,913
na panggagahasa ang naisampa sa korte noong Enero hanggang Septyembre nang taong 2003 lamang.
Tinutukoy din sa istatistikang ginawa na sa bilang na 478 na isinampa sa korte ay may apat na pung
porsyento (40%) nito ay nangyayari sa sarili nilang pamamahay, dalawangput-siyam na porsyento (29%)
ay nangyayari sa sarili nilang pamamaha, dalawangpung porsyento (20%) ay kakilala ng biktima o ng mga
magulang nito ay salarin , labing limang porsyento (15%)ay sariling ama o tumatayong ama at walong
porsyento (8%) naman ay kaibigan. Sinasabi naman ng Women’s Legal Bureau noong 1995 na ang
pinakabatanng biktima ay 8 buwang sanggol at pinakamatanda naman ay 67 taong gulang .
Maliit na bilang pa rin kung tutuusin ang istatistikang lumalabas sa kadahilanang marami sa mga biktima
ang nasasawalang kibo na lamang. Ayon sa Asian Women’s Resource Exchange (AWORC) iasng internet
based service ay may datos silang lumalabas sa bilang na 794 na panghahalay ang naganap sa unang apat
na buwan lamang ng traong 1997
Sa unang semester ng taong 1999 pa lamang ay may report si8lang 2,393 sa mga batang nakakaranas ng
aktwal na kahalagahan, muntik ng panggagahasa, panghihipo o act of lasciviousness at prostitusyon. Sa
taonng 2006 ay may datos na nakalap sa PNP na 685 bilang panghahalay at ilan pa rito ay nangyayari sa
presinto o pangangalaga mismo ng kapulisan. Mga kababaihanng nahuhuli sa maliliit na kaso tulad ng
pagnanakaw, panluluko, prostitusyon o mga kababaihang may mababang antas ng kalagayan sa buhay.
Sa batas ng pilipinas ang sinumang nasa posisyon ng pamahalaan, mga nagpapatupad ng bats tulad ng
kapulisan at militar na mapapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa kababaihan ay mapapatawan ng
pinakamabigat na parusa o kamatayan.
At kadalasan sa mga kababaihan ay hindi nabibigyan hustisya dahilan sa mas pinapanigan ng korte ang
mga suspek na may kakayahang kumuha o magbayad ng malaki sa kanilang abugado na mapatunayanna
sila’y walang kasalanan sa ginawa niyang krimen at dahilan rin sa mga kababaihan ang kahirapan kaya nila
kayang kumuha ng abugado para mapatunayan na siya ay hinalay o ginahasa.

Geo

JAKARTA (PNA) – Tatangkain ng Team Philippines na maagaw ang atensyon ng crowd sa pakikipagtuos sa
Indonesia sa first round ng Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II tie na nakatakda sa Pebrero 3-4 sa Gelora
Bung Karno Tennis Stadium Complex dito.

Nakaatang sa balikat nina Francis Casey Alcantara, Jeson Patrombon, Albert “AJ” Lim Jr., John Bryan Otico,
at Jurence Mendoza ang tsansa ng Pilipinas na makabalik sa Group 1 tie.
Tatayong playing captain si Cris Cuarto.
Hindi kasama sa team sina Filipino-Americans Treat Huey at Ruben Gonzales bunsod nang career sa Tour
circuit. Kapwa pinangun ahan nina Alcantara at Lim ang bansa sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala
Lumpur, Malaysia.
Nakopo nina Alcantara at Gonzales sa doubles silver medal sa biennila meet.
Si Otico, 18, ang reigning Philippine Columbian Association Open men’s champion, habang si Mendoza ay
athletic scholar sa Oklahoma State University (OSU).
“I feel excited and honored to have the opportunity to represent my country once again,” pahayag ni
Mendoza sa online interview.
Isinamana naman ang 21-anyos na si Mendoza ng Philippine Tennis Association para mapatatag ang
kampanya ng Philippine Team na mahila ang bentahe sa Indonesia (6-5).
“I’m expecting to play with Alcantara in the doubles,” sambit ni Mendoza, pambato ng University of the
Philippines.

Tekstong Deskriptibo

Steven

Ang Ginto sa ating Kapaligiran


May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw.
Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa
ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan
ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang,
mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa
sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at
matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang
araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang
iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na
walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig
na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin
natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde
na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa
paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng
ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating
planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Aban
Winasak Na Salita
Sa bilyong taong nabubuhay dito sa napakalaki at napakalawak na mundo, ilang tao na kaya ang
nabiktima ng linyang “Peksman, mamatay man?” o kaya ng “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.” O
ng “Itatayo kita ng napakataas na bahay sakaling maging tayo.” Sus, grades mo nga hindi mo makuhang
pataasin, bahay pa kaya? Alam ko na alam mo na mayroon pa rin talagang mga taong naniniwalang kayang
mapagdikit ang Neptune at Mars o kaya nama’y maibalik ang planetang si Pluto. Marami pa rin talagang
mga taong madaling maniwala sa kung anong namumulaklak na salita na sinasabi ng isang tao lalo na kung
ang taong ito ay ang higit na malapit sa kanya o ang mismong pinagkakatiwalaan niya.
Napakamakapangyarihan talaga ng mga salita. Kaya nitong manghikayat, magpasaya/magpatawa,
magpalungkot, mangsira at higit sa lahat, magpabago ng paniniwala ng isang tao.

Lahat naman siguro tayo ay napangakuan na, at ang ilan sa mga ito ay maaaring natupad na, ang
ilan naman ay hindi o kaya’y hindi pa. Sa mga taong nagsasabing hindi pa, umaasa pa rin ba yang
naghihintay na puso mo o kaya’y pilit na pinapaniwala niyang makitid na utak mo na baka isang araw o sa
makalawa o sa susunod baka sakaling gawin niya na? Mahirap hintaying mapuno ang butas na tabo,
mahirap maghintay ng eroplano sa terminal ng bus. Sa madaling salita, mahirap ang umasa at mahirap
ding sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung mangyayari talaga. Lalo pa kung umaasa kang
gagawin ito ng taong minsan nang winasak ang salitang binitawan niya sayo.

Napakaraming sitwasyon ang maaaring iugnay dito. Siguro nasabihan ka na ng isa sa klasmeyt mo
na “gagawan ka ng assignment o kaya’y papakopyahin ka sa pagsusulit basta pakopyahin mo muna siya.
Pero pagdating ng araw, makikita mo na lang siyang parang pagong na pilit na nagtatago at pawang
binabalot ang sarili sa kadahilanang ayaw niyang ibahagi ang kahit isang letra o numero ng sagot
niya.” Maaari ring sinabihan ka ng nililigawan mo na“Pasensya na, pero sabi kasi ni Nanay na bawal pa
akong magpaligaw,” pero makalipas ang isang araw o mahigit, ayon at sumama na siya sa taong halos
pagmamay-ari na ang buong mundo dahil sa magagarang sasakyang dala niya at nagniningningang
mamahaling palamuti na bumabalot sa kanyang katawan, ngunit parang binagsakan naman ng langit at
lupa ang pagmumukha. Nakakatawa ring pagmasdan ang mga bagong magkasintahan na halos hindi na
mapaghiwalay dahil sa parang linta kung magdikit ang dalawa. May mga pagkakataon naman na parang
aso at pusa kung mag-away, at minsan rin ay abot langit ang tuwa dahil sa kung anong mga paru-paro ang
kumikiliti sa kanilang tiyan. Pero kapag lumipas na ang ilang buwan, halos mag-iwasan ang dalawa sa
tuwing magkakasalubong. Walang pagbuka ng bibig at paggalaw ng mata ang makikita sa kanila. Aakalain
mo na lamang na hindi talaga sila magkakakilala at kailanma’y hindi nagtagpo ang kanilang mundo. Ang
saklap hindi ba? Pero palagay ko, wala na yatang mas sasaklap pa sa salitang “Pangako.”

May taong minsan na ring nagbitaw sa akin ng salitang “Ikaw lang.” Hindi ko maipagkakaila ang
katotohanang unti-unting gumuguhit sa labi ko ang ngiti sa tuwing maririnig kong sinasambit niya ang mga
salitag iyan. Naniwala ako. Naniwala ako sa kanya dahil nakita ko rin sa nangungusap niyang mata na totoo
ang sinasabi niya. Pinaniwalaan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ngunit sadyang
napakamapagbiro ng tadhana. Ilang taon ang nakalipas, natuklasan at nakita mismo ng aking mata kung
paano niya bigyang tunog ang bawat tawa niya sa tuwing kasama niya ang taong iyon. Nasaksihan ko rin
ang saya sa kanilang dalawa na minsa’y kami ang nakaramdam noon. Parang may kung anong karayum
ang pilit na tumutusok sa loob-loob ko kapag nailalarawan ko sa aking isipan kung paano niya sinasabi sa
akin ang salitang “Ikaw lang.” Ang hirap isipin na ang taong dating nagsasabi sayo nito ay ngayo’y
pinapaniwala at pinaparamdam na iyon sa iba. Hindi ko makakalimutan ang araw na ipinagtapat niya sa
akin ang lahat. Unti-unting nangingilid ang luha ko ng mga pagkakataong iyon habang hinihingi niya ang
kapatawaran ko. Hindi ko na mabilang kung ilang salita na ba ang nagamit niya ngunit dalawang salita
lamang ang naisauli ko “Okay lang.” Iyon ang dalawang salita na magpapaniwala sa kanya na tapos na.
Dito ko napagtanto na hindi lang pala angsalitang winasak niya ang siyang wawasak sa akin kundi pati na
rin ang salitang binitawan ko.

Totoong napakamakapangyarihan ng mga salita dahil kayang-kaya nitong magkontrol sa kung anong
dapat na maramdaman ng isang tao. Siguro napakadali lamang sa isang tao na magbitaw ng salita pero
napakalaki ng impak nito sa taong nasabihan. Hindi biro ang bawat salitang iyong binibitawan dahil hindi
lamang pagbabago sa nararamdaman ng isang tao ang maaaring maging dulot nito bagkus maaari rin
nitong sirain ang ilang ulit ng pinukpok ng pako upang lalong tumibay gaya lamang ng relasyong hindi pa
naghihiwalay. Ngunit kung ang salita ay maaaring makasira, maaari rin nitong tapalan ang nagdudugong
sugat para madaling humilom. Maaari nitong maibalik ang dating nasira. Nasa sa atin lamang kung paano
natin iingatan ang bibitawan nating salita.

Chavez
Mundo ng Kamusmusan
Sa paglubog at paglipas ng mga araw, sa pagdaan ng mga taon, unti-unti tayong nalilibang ng panahon
sa mga bagay-bagay na nagiging dahilan upang tayo’y makalimot sa kasiyahang hatid ng ating
kamusmusan. Ngunit kahit isang libong taon pa ang lumipas, lumain man ng panahon, sariwang-sariwa pa
rin sa aking ala-ala ang mga panahon kung saan ako nakaramdam ng labis na kasiyahan. Mga panahong
walang pakundangan ang aking pagtakbo sa masikip at maduming lansangan. Mga ala-alang naiwan namin
sa bawat sulok ng luma, malaki at abandonadong bahay. Mga tawanan, iyakan, harutan na hanggang
ngayon ay dinig na dinig ko pa sa ilalim ng mataas na puno ng kamusmusan. Ngunit masakit isipin na
hanggang ala-ala ko na lamang magagawa ang lahat ng ito. Mga ala-alang puno ng kasiyahan, kalungkutan
at kamusmusan.
Papasok sa maliit, masikip at maruming eskinita, makikita ang pinaghalong balot ng kendi na nabili sa
maliit na tindahan ni Aling Juliet at mga yupi at tuyong dahon na nagkalat sa maliit na espasyo nito. Kahit
walong taon na ang nakalipas, nababakas ko pa rin ang sarili kong yapak na abalang-abala sa pakikipaglaro
ng habulan sa mga kapwa kong musmos na walang tigil sa pagtakbo. Maiingay ang maliliit na boses na
parang bolang tumatama sa magkabilaang dingding ng dalawang lumang bahay na kumokonekta sa
masikip na eskinita.
Sa dulo nito, makikita ang isang malaking bato na naging tambayan namin pagkatapos ng
nakakapagod na paglalaro. Sa unahan nito, matatagpuan ang maliit na tindahan ni Aling Juliet kung saan
mabentang-mabenta ang “banana cue” na binubudburan ng isang kutsarang asukal at iniluluto sa mainit
at kumukulong mantika. Nabibili lamang sa halagang limang piso ang bawat isang piraso at kung
masuwerte akong nabibigyan ng aking mga magulang ng pera, nakakabili ako ng apat na piraso na masaya
naming pinaghahatian pagkatapos ng paglalaro.
Sa paglubog na araw, magkakasunod na yapak ng mga tao na tinutungo ang iba’t-ibang direksyon
pauwi sa kanilang munting tahanan ang tanging maririnig. Kasabay nito ang unti-unting paglakas ng
nakakabinging huni ng mga kuliglig, hudyat ng unti-unting pagkagat ng dilim. Sa loob ng aming tahanan,
makikita ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesang yari sa puno ng Narra kung saan nagtipon-tipon
kaming mag-anak upang pagsaluhan ang masarap na pagkaing nakalatag dito. Habang masayang
kumakain, nanonood kami ng popular na teleserye noon sa aming di-kalumaang telebisyon na nakapatong
sa mesang may kulay tsokolateng disenyo na gawa sa kahoy at karaniwang nabibili sa “mall”.
Sa muling pagsikat ng araw, bandang hapon, maririnig muli ang masasayang yapak at maiingay
na tinig naming mga musmos. Ngunit hindi ito patungo sa makitid na eskinita, kundi sa isang
abandonadong bahay na may kalakihan at halatang napag-iwanan na ng panahon dahil sa lumang disenyo
nito at butas butas na bubong. Hindi namin alintana ang lahat ng ito, matibay ang pundasyon ng bahay at
maraming pasikot-sikot na siyang dahilan kung bakit ito ang napili naming lugar upang paglaruan ng tagu-
taguan. Masasayang tawanan na halatang nage-enjoy sa paglalaro at mga maliliit na paghakbang ang
tanging maririnig sa bawat sulok ng lumang bahay. Mga munting tinig, hagikhik na halatang pag-aari ng
mga musmos.
Di matatawarang saya ang aking nadama sa bawat ala-alang hatid ng aking kamusmusan. Mga ala-
alang puno ng tawanan, kulitan at kalokohan. Mga ala-alang mananatiling nakatatak sa aking isipan at
hinding-hindi malilimutan kahit dumating pa ang panahon kung kailan ako ay uugod-ugod na, pumuti man
ang lahat ng hibla ng aking mahabang buhok at maging marupok man ang aking buto. Masasabi kong ito
ang pinakamasasayang araw ng aking kabataan kung saan ako ay isang musmos at walang ibang alam na
gawin kundi ang maglaro at damhin ang saya at kagandahan ng buhay

Nerissa
Sikreto ng Dilim
Kapag sinabi nating dilim iba agad ang pumapasok sa isip ng mga tao sa kadahilanang hindi nila
pinapalawak ang kanilang isip. Para sa ibang tao ang ibig sabihin ng dilim ay katahimikan. Dito ka lang
namna kasi magkakaroon ng pagkakataong magmuni-muni, sapagkat napakaginhawa sa pakiramdam ng
katahimikan na dulot ng dilim.
Maraming bagay ang "mae-enjoy" natin sa dilim. sadyang napakakomportable naman kasi ng
katahimikan dahil sa may oras ka nang mag-isa at gawin ang lahat ng iyong nais na walang kumokontra at
humuhusga. Sino nga ba naman ang aayaw sa tyansang magpahinga sa katahimikan? Kailangan mo lang
naman na alisin ang iyong takot upang makapagrelaks. Napakasimple nga naman ng dinudulot ng dilim
ngunit lubhang nakakatuwa ang katahimikang ito. Posible itong makatulong sa iyong pag-aaral sapagkat
maaayos nito ang iyong isipan, maging sa pag-ibig ay makakatulong ito. Katahimikang nakakabingi na hindi
mo pagsisisihan dahil magagalak ka sa maitutulong nito sa'yo.
Hindi man kaaya-ayang pakinggan para sa iba, wala naman silang karapatang manghusga dahil wala
ka namang ginagawang masama. May posibilidad kasi na nag-iisip lamang ng solusyon sa problema ang
isang taong nakatambay sa dilim. Mas napapalinaw at napapalawak kasi ng katahimikan ang pag-iisip ng
tao, at makakamtan lamang ito sa dilim, wala naman talaga kasing maglalakas ng loob na mang-istorbo sa
kagitnaan ng dilim. Malay ba nila kung anong meron ka kaya andun ka lang. Maaari kasing mayroon ka
lang ng napakasarap na pagkain na ayaw mong ipamahagi sa mga kasamahan mo kaya nagtatago ka sa
isang madilim na sulok. isang tyansa rin ang dilim para makapag "star-gazing" ang isang indibidwal o grupo
ng magkakaibigan.
Mahirap isa-isahin ang mga bagay na maaaring gawin sa dilim na hindi sinasamahan ng kalibogan.
Dumedepende naman kasi sa isip ng tao kung anong papasok sa kanyang kokote pag narinig ang katagang
"Sikreto ng Dilim." Dilim na kumakain sa liwanag pagsapit ng gabi, liwanag na nagdudulot ng ingay.
Liwanag na literal na kasalungat ng dilim. Dilim na hindi nakakasilaw ngunit may pag-asang dala. Ang pag-
asang padatinmg ng bukas ay maaayos na ang ating mga problema. Gabi na sobrang dilim na hindi man
lang nila maaninag kahit konting pag-aalala sa ating mukha. Katahimikan tinatago ang ating tunay na
nararamdaman.
Tanging dilim na lamang ang ating makakapitan sa oras ng ating pangangailangan. Dilim lamang ang
matitira nating sandalan. Ang diling na tatangay ng mga sama ng ating loob. Mga bagay na dilim lamang
ang makakapagtago.

Paula
Sikreto ng Dilim
Kapag sinabi nating dilim iba agad ang pumapasok sa isip ng mga tao sa kadahilanang hindi nila
pinapalawak ang kanilang isip. Para sa ibang tao ang ibig sabihin ng dilim ay katahimikan. Dito ka lang
namna kasi magkakaroon ng pagkakataong magmuni-muni, sapagkat napakaginhawa sa pakiramdam ng
katahimikan na dulot ng dilim.
Maraming bagay ang "mae-enjoy" natin sa dilim. sadyang napakakomportable naman kasi ng
katahimikan dahil sa may oras ka nang mag-isa at gawin ang lahat ng iyong nais na walang kumokontra at
humuhusga. Sino nga ba naman ang aayaw sa tyansang magpahinga sa katahimikan? Kailangan mo lang
naman na alisin ang iyong takot upang makapagrelaks. Napakasimple nga naman ng dinudulot ng dilim
ngunit lubhang nakakatuwa ang katahimikang ito. Posible itong makatulong sa iyong pag-aaral sapagkat
maaayos nito ang iyong isipan, maging sa pag-ibig ay makakatulong ito. Katahimikang nakakabingi na hindi
mo pagsisisihan dahil magagalak ka sa maitutulong nito sa'yo.
Hindi man kaaya-ayang pakinggan para sa iba, wala naman silang karapatang manghusga dahil wala
ka namang ginagawang masama. May posibilidad kasi na nag-iisip lamang ng solusyon sa problema ang
isang taong nakatambay sa dilim. Mas napapalinaw at napapalawak kasi ng katahimikan ang pag-iisip ng
tao, at makakamtan lamang ito sa dilim, wala naman talaga kasing maglalakas ng loob na mang-istorbo sa
kagitnaan ng dilim. Malay ba nila kung anong meron ka kaya andun ka lang. Maaari kasing mayroon ka
lang ng napakasarap na pagkain na ayaw mong ipamahagi sa mga kasamahan mo kaya nagtatago ka sa
isang madilim na sulok. isang tyansa rin ang dilim para makapag "star-gazing" ang isang indibidwal o grupo
ng magkakaibigan.
Mahirap isa-isahin ang mga bagay na maaaring gawin sa dilim na hindi sinasamahan ng kalibogan.
Dumedepende naman kasi sa isip ng tao kung anong papasok sa kanyang kokote pag narinig ang katagang
"Sikreto ng Dilim." Dilim na kumakain sa liwanag pagsapit ng gabi, liwanag na nagdudulot ng ingay.
Liwanag na literal na kasalungat ng dilim. Dilim na hindi nakakasilaw ngunit may pag-asang dala. Ang pag-
asang padatinmg ng bukas ay maaayos na ang ating mga problema. Gabi na sobrang dilim na hindi man
lang nila maaninag kahit konting pag-aalala sa ating mukha. Katahimikan tinatago ang ating tunay na
nararamdaman.
Tanging dilim na lamang ang ating makakapitan sa oras ng ating pangangailangan. Dilim lamang ang
matitira nating sandalan. Ang diling na tatangay ng mga sama ng ating loob. Mga bagay na dilim lamang
ang makakapagtago.

Rhona
Di Mabayarang Pagmamahal

"Bakit gabi ka na naman umuwi? Saan ka na naman galing? Nagsaing ka na ba? Para kang may
katulong, Linisan mo na yan!" Iyan ang walang katapusang linya ni nanay araw-araw na halos maisaulo ko
na. Kulang na nga lang na iyan na ang maisagot ko sa mga pagsusulit namin sa paaralan. Para bang isa
itong ritwal na kailangan kong matanggap mula sa kanya. Ngunit kaakibat naman ng mga salitang iyan ang
linyang, "Bibi, kain kana. Huwag magpapagutom baka magkasakit ka." Sa ganitong sitwasyon, hindi ko
maiwasang palihim na mapangiti dahil, dito nararamdaman ang kanyang pagkalinga't pag-aaruga. Alam
ko rin na sa likod ng mga sermon niya nakatago ang tunay at dalisay na pagmamahal ng isang ina.
Nanay, inay, mama, mommy, ermats, mudra kahit ano pa ang tawag natin sa babaeng nagluwal sa
atin, sila pa rin ang pinakamagandang biyaya mula sa Diyos. Ang biyayang may angking dakilang
pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong halaga. At ang pagmamahal na ito ang nagbigay
buhay sa atin. Ang pagmamahal na walang pinipili, mamahalin ka maging sino ka man. Ganyan ang
pagmamahal ng isang ina. Ito'y hindi rin naghahangad na mahalin siya, kahit na galit, inis o pagkamuhi pa
ang isauli ng kanyang anak, patuloy pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Sa katunayan isa rin ako sa mga
anak na nagalit sa sariling ina.
Sobrang pagkamuhi ang aking naramdaman noong panahong may problema kaming pinagdaanan,
sa kadahilanang hindi ko gusto ang nagawang desisyon ni mama. Ang desisyong nagpa-alab ng galit sa
puso ko na siyang dahilan ng paglisan ko sa aming tahanan. Pumunta ako noon sa lugar na milya-milya
ang distansya mula sa kanya. Sa lugar na wala siya. Walang inang mag-aasikaso, magluluto, mag-aalaga at
magmamahal sa akin. Gayunpaman, tiniis kong mabuhay sa panahong iyon na wala siya. Sa loob ng
dalawang buwan, dumaan ang araw ng mga ina o ang Mother's Day at hindi man lang siya nakatanggap
ng bati mula sa akin. Kinain ng sobrang galit ang puso ko, kaya hindi ko nagawang magparamdam sa kanya,
kahit text o tawag man lang. Alam ko ring labis na pag-aalala ang nararamdaman niya, dahil araw-araw
niya akong pinadadalhan ng mga mensaheng, "Nasaan ka? umuwi ka na dito sa bahay. Nag-aalala na ako
sayo. Miss na kita. Mahal na mahal kita anak." Ito ang mga salitang nagpalambot ng puso kong bato at
ang pumatay sa lumalagablab na galit ng puso ko. Kaya sa araw ng aking pagbabalik, ang puso't isip ko ay
puno ng pag-aalinlangan kung tama pa bang bumalik ako. "Tatanggapin niya pa kaya ako? Mahal niya pa
ako?", iyan ang mga katanungan na gumugulo sa isip ko. Ngunit naglaho ito noong makita ko ang isang
pamilyar na babae, na nakatayo sa bukana ng aming tahanan. Kitang-kita ko ang mga kislap ng kanyang
mga mata noong dumapo ang kanyang paningin sa akin. Agad niya naman akong sinalubong at binigyan
ng isang mahigpit na yakap kasabay ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Wala akong
naramdamang galit o kahit konting pagkamuhi mula sa kanya, tanging pagkalinga't pagmamahal lamang.
Sa kabila ng mga sakit at pahirap na naiparamdam ko sa kanya, tinanggap at minahal niya pa rin ako.
Tunay ngang hindi nagbabago ang pagmamahal ng ating mga ina. Kahit gaano pa kasakit ang
naidulot natin sa kanila, walang labis at walang kulang pa rin kung magmahal sila. Makalimutan man o
talikdan natin sila, nariyan at nariyan pa rin sila naghihintay sa pagbabalik ng kanilang mga munting anak.
Hindi natin makikita sa iba ang ganitong uri ng pagmamahal, tanging sa ating mga ina lamang. Kahit
nakakarindi na talaga pakinggan ang mga paboritong linya nila sa sermon, mahal na mahal pa rin nila tayo
at hindi na iyon magbabago pa. At ito ang pagmamahal na hindi nating kayang bayaran. Kaya naman
suklian na lamang natin ito ng pagmamahal na nararapat rin para sa ating mga ina.

JD
Traysikel:
Karwahe sa Byahe ng Buhay

Sa gitna ng “peep-peep” ng mga mamahaling kotse, mga naglalakihang bus at trak, at mga
pampasaherong dyip, “broom-broom” ng iba’t ibang humaharurot na motorsiklo, at iba pang malalakas
at halo-halong busina at ungol ng sari-saring mga sasakyan, may isang ordinaryong behikulong
nakikisabay din sa mga sasakyang ito na tanging nakaagaw ng aking pansin. Isang pangkaraniwang
behikulo lamang sa paningin ng iba ngunit para sa akin ang traysikel na ito ay isang karwahe sa bayahe ng
buhay ng aming pamilya.
Isang musmos na bata pa lamang ako, pag-aari na ng aking uliran at butihang ama ang isang kulay puti na
may halong kulay- dalandang Kawasaking traysikel. Isang traysikel na may kulay pulang upuanna kung
saan makakaupo ka nang kumportable dahil sa kalambutang taglay nito, at may nakasulat na “OBIAS
Family” sa unahan. Ang traysikel na ito ay isa sa pinagkukunang kabuhayan ng aking ama sa pamamagitan
ng walang kapagurang pamamasada niya gamit ito. Bukod sa pangkabuhayang handog nito, ang traysikel
ding ito ang siyang saksi sa byahe ng buhay ng aking pinakamamahal na pamilya. Kasabay nang pagtahak
ng traysikel na ito sa maayos at sementadong daan, ang pananatiling ligtas, buo at masaya ang aming
pamilya. Saksi ang traysikel na ito sa mga panahong pagmamahalan at kasiyahan parin ang naghahari sa
aming pamilya. Gamit ang traysikel na ito, nakakapasyal kaming buong pamilya at nakapagliwaliw kami
kahit saan tulad na lamang sa mga magagandang dalampasigan sa aming bayan at iba pang pasyalan sa
mga karatig- bayan. Sumagi sa aking isipan ang alalang ito, na kapag naririnig na naming magkakapatid
ang malakas at pamilyar na ungol ng makina nito dulot ng pagpapaandar ng aming ama ay magtatakbuhan
na kami papunta rito at maingay na mag-aagawan ng pwesto na siyang aming uupuan habang tinatahak
naming ang hindi naman kalayuang daan papunta sa bahay ng aming lolo at lola na nasa karatig-sitio
lamang.
Hindi lamang mga masasayang kabanata ng aming buhay ang nasaksihan nito kundi pati na rin ang parte
ng aming buhay kung saan nakaharap naming ang iba’t ibang dagok na parang unos na dumating sa aming
pamilya. Isa na rito ang pagkawala ng lisensya ng aking ama na nagging dahilan upang malimitahan ang
rutang maaaring puntahan gamit ang aming traysikel. Dahil din dito nagsimulng dumating ang iba pang
problema na siyang naging dahilan upang tuluyan ng magbago ng 360-digri ang aming pamumuhay.
Naalala ko noon na muntik ng mawala sa amin ang aming pinakamamahal na traysikel dahil na isipan ng
aming mga magulang na isangla ito, buti na lamang at nakahanap ng ibang paraan ang aming ama upang
masolusyonan ang aming problema. Bukod sa problemang iyon, isang napakalaking dagok sa aming
pamilya ang dumating na siyang nasaksihan ng aming traysikel. Gamit ang traysikel na ito, naihatid ng
pabalik- balik sa ospital ang aking nakababatang kapatid dahil sa dinaramdam nitong malubhang
karamdaman. At napakalungkot isipin na ang sasakayang ding ito ang nagging karwahe upang maiuwi sa
amin ang maputla, malamig at walang buhay na katawan ng aking nakababatang kapatid na siyang
munting kerubin ng aming pamilya. Isang napakalungkot na pangyayaring bumabalik sa aking memorya
sa tuwing mag-isa akong nakaupo sa pulang kutson ng aming munting traysikel.
Napakahalaga ng traysikel na ito sa aming pamilya dahil sa mga hindi makakalimutang alaala na naipon
naming dito. Ngunit totoong kahit gaano pa man kahalaga ang isang bagay, may mga pagkakataong
kailangan nating itong isuko para sa ikabubuti ng lahat. Tulad na lamang ng aming traysikel na itinuturi
naming kayamanan na puno ng mga alaala ng mga karansang pinagdaanan ng aming pamilya, na
isinakripisyo ng aking mga magulang kahit alam naming napakalabag sa kanilang kalooban upang
masuportahan lamang kami sa aming mga pangarap. Ngunit kahit wala na sa amin ang traysikel na ito,
ang mga alaala nito ay patuloy parin naming itatago at iingatan ng buong puso.

Geo
“Kaibigan: Kabalikat ng Buhay”

Para sayo, ano ba ang isang kaibigan? Anong klaseng kaibigan meron ka, mabubuting kaibigan o
masasama, mapagkakatiwalaan ba o hindi, tunay na kaibigan o hindi? Kung may kaibigan ka, gaano ba sila
kabuti sa iyo? Tanggap ka ba nila kung sino ka? Natutulungan ka ba nila? Nandyan ba sila palagi sa tabi
mo sa oras ng iyong pangangailangan? At higit sa lahat tunay ba sila sayo? Nagkaroon ako ng maraming
kaibaigan, pero hindi lahat ay naging mabuti sa akin. Naranasan ko rin ang mabully. Pero ito ay wala
kompara sa mga tunay kong kaibigan na nagging malaking parte ng buhay ko.
Noong ako ay Junior High School pa, naranasan ko ang magkaroon ng malaking problemang
nagkapatung-patong at dumating sa puntong na hindi ko na alam ang gagawin ko. Noong Grade 10 ako,
ako ang Vice-President ng organisasyon na Yes-O/Science Club at President ng organisasyon na Math Club
sa aming paaralan. Nagkataon na nagkaroon ng sabay na proyekto atactivity ang parahong
organisasyaon. Mas nabuhos ko ang aking oras sa Math Club kaya naman hindi ko nagawa ang
responsibilidad ko bilang vice-president sa Yes-O kaya naman napagalitan at napagsabihan ako. Kitang-
kita ko ang gigil at inis sa kanilang mukha, habang pinapagalitan at pinagsasabihan nila ako. Yumuko na
lang ako sa harap nila. Sa puntong iyon, takot at kaba ang nabuo sa aking puso. Kapalit ng nagawa ko ay
mabigat na trabaho naiwan nila.
Kasabay nitong problema ay ang mga bayarin sa aming paaralan. Pera, perang pambili ng mga libro,
pambayad sa miscellaneous fees, kontribyusyon, activities, at iba pa. Sa mga oras rin nayon ay kinakapus
ang pamilya ko sa pera kaya naman nahirapan ako sa pag-aaral. Kasabay pa nito, ay ang paulit-ulit na
pagpapaalala ng guro namin sa research. Kaya habang naglalakad ako at nakita ko ang guro namin na
papalapit sa akin ay takot at kaba ang nararamdaman ko kaya mabilis akong tatago, at kapag nakaalis na
siya ay anong ginhawang nadadama ko sa aking kalooban.
Dahil sa mga problemang ito, napuno ang isip ko ng pangangamba. Naisip ko rin na baka bumagsak ang
mga grado ko sa iba’t ibang asignatura. Mga pangangambang na dulot ng mga problemang hindi matapos-
tapos.
Pero ang mga problemang ito ay napawi dahil sa mga taong nagsilbing kabalikat ng buhay ko. Nandyan
sila noong kailangan ko ng katuwang sa trabahong naiwan sa akin dahil sa hindi ko pagtulong. Ang mga
kaibigan ko ang tumulong sa akin para mabayaran ko ang mga bayarin sa aming paaralan. Sila rin ang
naging katuwang ko sa paggawa ng aming Research. Higit sa lahat nandyan sila para iparamdam sa akin
na hindi ako nag-iisa.
Kaya laki ang pagsasalamat ko sa puong may kapay sa pagbigay sa akin ng mabubuti, mapagkakatiwalaan
at higit sa lahat ay nadyan palagi sa aking tabi sa oras ng aking pangangailangan.

Tekstong Persweysib

Steven
SANG-AYON KA BA SA PROGRAMANG K - 12?
ni: Kris May Rotairo

Ang programang k-12 ay ipinatupad ng DepEd na kung saan nangangahulugan nan g pagaaral ay
nagsisimula mula kinder hanggang sa biatang ika-12.
Sa programang ito ang mga mag-aaral sa senior highschool ay ipiniprepara para sa kanilang gustong
kurso sa kolehiyo. Sa tulong nito mas mahahasa nag kanilang kahusyan at abilidad. Sila ay sinasanay ng
mabuting para maging preparadong preparado na para sa kolehiyo. Ngunit sa kabila nito may ibang tao
pa rin ang hindi sang-ayon sa k-12 dahil iniisip nila na madagdagan ng 2 taon ang pag aaral sa high school.
Madagdagan na anamn ang kanilang gastusin kahit na may voucher pa. Hindi nila kinokonsedera ang
magandang oportunidad na maidudulot nito para sa mag-aaral.

Alam mo bang ayon sa aking pananaliksik na halos lahat ng bansa sa mundo ang naipatupad na ang
programang k-12 mabibilang na lamang ay naipatupad na ang programang k-12 mabibilang na lamang ang
mga bansang hindi pa nakakapag patupad ng gantong programa. Ang mga bansa naming nakapagpatupad
na ngganitong programa ay ang mga bansang kasalukuyabf nagunguna sa mga mauunlad na bansa sa
buong mundo.
Aban
"ISANG BASONG TUBIG"
BY:PAUL ANUNSAON

UNANG HAKBANG : KUMUHA NG BASO


PANGALAWANG HAKBANG: HUMANAP NG TUBIG
PANGATLONG HAKBANG : LAGYAN NG TUBIG ANG BASO
PANG-APAT NA HAKBANG : ISILBI

Chavez
"POKUS SA PAG-AARAL"
BY:PAUL ANUNSAON

Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan ka dali? Isipin mo muna ang
hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang pag aaral mo, ang supporta nila sa
iyo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag-aral, Sana'y pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag
ang sarili ang unahin.

Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, Pinapahirapan mo pa ng sobra ang magulang
mo, sana man lang mag-ayos ka sapag- aaral mo. iyan na nga lang ang maibibigay mo sa iyong mga
magulang sa ngayon, ang mapasaya sila. Marami ka namang mga pagganyak gaya nang parating sinasabi
ng magulang natin na, ayusin mo pag-aaral mo ha? para sa hinaharap hindi kana mahihirapan sa buhay
mo. Tiyaga at Hindi pagbabago ng grado sa skwela para sa hinaharap may pirmi ka na na trabaho at hindi
kana mahirapan pag dating ng panahon. kaya simula ngayon huwag niyong aksayahin ang panahon na
ikaw ay nakakapag-aral pa. Ikaw lang din naman makikinabang kung ano matatapos mo sa pag-aaral."Keep
that in mind"

Hinding hindi mo pagsisihan kung ikaw ay makapag-tapos at magkaroon ng magandang trabaho para
sa pamilya mo at sa susunod na pamilya mo yung sa iyo na talaga.
Paula
"EBOLUSYON NG TAO SA MUNDO"
By: Paul Anunsaon
Bibliya Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba(ang unang
lalaki at unang babae) Ang mga unang tao sa mundo. Sila ang magulang ng sangkatauhan: sapagkat si
Adan ang pinakaunang tao, samantalang si Eba ang pangalawa. Nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok
sa lupa ayon sa wangis ng Diyos o bilang isang kalarawan. Nilikha namanng Diyos si Eba mula sa mga
tadyang ni Adan. Atomic Theory Isang teorya ng mga istraktura ng atom. (kimika) anumang teorya kung
saan ang lahat ng bagay ay binubuo ng maliit na maliit na maliit discrete. Teorya sa Cell
Isinasaad ng teorya ito na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa simpleng selyula. Mula rito, ang iba't ibang
anyo ng buhay (life-forms) ay nagbago at dumami sa iba't ibang kaparaanan sa paglipas ng panahon. Sa
ibang salita, ang mga simpleng organismo ay nagbigay-daan sa pglitaw ng iba't ibng uri ng higit na
maslimuot na organismo makaraan ang libo o milyong taon ng pagbabago o ebolusyon. Halimbawa, ang
gorilya ay sinasabi ng mga siyentipiko na nagmula sa iisang ninuno. Isa ngang inaatupang ng mga
siyentista ang pagtuklas sa ninunong ito gayundin ang mga pagbabago nito hanggang sa maging
modernong tao. Sir Chevalier de Lamarck Isang propesor ng zoology sa Pransya, ang nagsabi na ang mga
simple, maliit at buhay na mga bagay ay nagbabago dahiol sa klima, temperatura, taas ng tirahan o
kapaligiran nito.
Nerissa
"IIBIGIN NA LAMANG ANG LARONG DOTA"
BY: PAUL ANUNSAON

Mayroon akong kaibigan, simula pagkabata naglalaro na sya ng sinasabing laro "Dota".
Kaya't lumaki siyang manlalaro nang dota, mejo maypagka geek itong taong to. kaya nung pag pasok niya
nang haiskul sa isang pribadong eskwelahan, napadaan itong si Jay sa tambayan namin sa campus, mejo
ta-tanga kase itong si Jay. Nakita na niya na may nakaharang ewan bakit na bundol pa siya dun. At dun
tumawa kami ng malakas, lumingon siya sa amin parang papalag pa. Kinabahan kami, pero wala lang pala
parang takot, walk out eh.

Palagi siyang duma-daan sa tambayan namin. Ilang araw o buwan sa pag daan niya sa harapan
namin napag desisyonan na ng tropa na kausapin si Jay. Napag-alaman kasi nila na wala palang kaibigan
sa campus si Jay. Sinasabay na nila sa gimik itong si Jay, makasabay naman pala siya. Kase lumaki din pala
sya sa labas nang kanilang bahay. Marunong siyang makihalobilo sa iba pero nga lang mahiyain sya kaya
ayon hinihintay lang niya na kakausapin siya o i "approach". Natanong nang bago niyang ka barkada kung
ano ang kanyang hilig na laruin. kase ang sa kanila basketball. Sinabi ni Jay na isa lang talaga ang hilig niya
ang paglalaro ng dota magdamag. napa "wow" ang bago niyang ka tropa sa word na "Magdamag".
Naimpluwensyahan ni Jay itong mga kaibigan niya na lalaro ng dota, at doon na addict silang lahat sa
larong iyon. Pero ang mabuting bagay eh. Hindi nila pina pababayaan ang kanilang pag-aaral. Years past
by, Magkakaibigan parin sila dota parin nilalaro, masaya ang barkadahan, nagtatawanan, may iyakan,
pagtatapat ng dinaramdam o marami pa yun.

Ika-apat na taon na ni Jay sa kanyang paaralan (4th Year). Sila parin ng tropa niya ang
magkakasama palagi, hindi na classmate pero nagkikita parin sa tambayan. Okay na rin kesa
magkakahiwalay o magka watakwatak. Nagkikita parin sila ng barkada niya pero nagtaka itong mga
kaibigan niya kung bakit itong si Jay, Limit na kung makalaro nang dota. Kaya tinanong nila. "Oy pre bat
limit kanang naglalaro ng dota?" Sabi ni Jay "wala akong pera eh" tropa "eh noon nga kung wala kang pera
palagi kang naghahanap ng paraan makalaro lang kasama namin" Jay "walang nasabi" Tropa" may
problema ba? eh kung meron bakit hindi mo sasabihin iintindihin ka namin" at dun sinabi ni Jay sa kanyang
Barkada na "Pre, ayaw ko nang mag laro. Hindi kase gusto nang nililigawan ko na maglaro ng dota. kaya
bibitaw na ako sa larong iyan." Bumitaw si Jay sa larong dota, at hinihintay na sagutin ng kanyang
nililigawan. Inlove na inlove itong si Jay sa kanyang nililigawan hanggang dumating ang panahon na
sinabihan siya nung babaeng nililigawan niya na "ayaw ko muna magka Boyfriend" Dayum, Napaiyak si
Jay,Napainom, kasama barkada.. Ewan ko bakit naiyak din kami noon. Pero siguro napaasa si Jay kaya sakit
din sa parte nang barkada niya. at dun sinabi ni Jay na "Ayoko na ng love life nakakasira sa pagdodota
(lasing) buti pa nung una eh dota nalang inibig ko, hindi pa ako masasaktan, kasi kung iiwan ko siya tanggap
parin niya ako, 20 pesos lang masaya na ako mas masaya pa pagkasama ang tropa, pasensya mga tol. Cant
help falling in love" at dun wala nang mapuntahan itong si Jay kaya't bumalik na lamang siya sa paglalaro
nang dota. Yun yung bagay na nagpapaligaya sa kanya simula pa noon. Hindi ang mainlove.
Cabiling
PAGGAMIT NG INTERNET
ni: Kris May Rotairo
Sa henerasyon ngayon ay napakasikat nan g internet halos kahat ng tao ay gumagamit nito. Hindi
maipagkakaila na halos lahat ng tao. Hindi maipagkakaila na halos lahat ng tao ay ginagawang pangpalipas
oras ang pag iinternet.
Maraming magandang dulot sa’tin ang internet. Makakakuha ka ng maraming impormasyon.Sa tulong
nito maari kang makipagkomunikasyon sa iyong mga kakilala, kaibigan , lalong lao na sa iyong pamilya.
Nakakatulong din ang internet na amalaman ang mga balita sa kasalukuyang bansa.

Ngunit sa kabila nito, marami ring hindi magandang maidudulot ito sa atin, Maaring lumabo ang iyong
mata dahilan ng radiation na galing sa computer o cellphone.

Paula
PAANO MAGHUGAS NG PINAGKAINAN?
ni: Kris May Rotairo

Sa paghuhugas ng pinagkainan ang unang gawin ay banlawan ang mga lahat ng mga gamit. Pangalawa
unahing sabunan ang hindi masyadong masebong gamit tulad ng baso at pitsel. Pangatlo, sabunan ang
mga ginamit na kutsara at tinidor. Pangapat, sabunan ang mga pinggan. At panghuli ay banlawan ang mga
gamit hanggang sa mawala ang mga sabon nito.
JD
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Ni : Ronalyn Eslao
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay
ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas
ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas
ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa
tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin
ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni
Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni
Maria.

Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos
kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay
naghampas siya ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong
kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang
Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon
na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon
ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot
at pangamba sa kanilang puso.

Geo
Tinolang Manok
ni: Ronalyn Eslao

1 kilo manok, hiniwa sa maliit na piraso


3 kutsara mantika
4 kutsarita dinikdik na bawang
2 kutsara ginayat na luya
½ tasa tinadtad na sibuyas
2 kutsara patis
4 tasa hugas-bigas
2 tasa hiniwang berdeng papaya o sayote
½ tasa dahon ng sili
Paraan ng pagluto
Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
Idagdag ang manok at patis.
Timplahan ayon sa panlasa.
Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola.
Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili.

You might also like