You are on page 1of 12

DESKRIPTIBONG

TEKSTO
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng
impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panglasa, pandinig at
pansalat, Itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng
mga detayle na kaniyang nararanasan.

Ito ay naglalayong magsaad ng kabuuang larawan ng


isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay
ng isang kseptong biswal ng mga bagay bagay pook,
tao o pangyayari.
LAYUNIN
Ang paglalarawan ay may layuning
makapagpamalas sa isip ng
tagapakinig o mambabasa ng isang
malinaw at buong larawan.
KAHALAGAHAN
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto
dahil mas nakakatulong ito upang mas
malawak na maintindihan ng mambabasa
ang mga imahe na nais iparating ng
manunulat. Nakatutulong ito upang mas
malawak na maipagana ang imahinasyon
ng mambabasa. Mas madaling
maintindihan at ang tekstong binabasa
kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat
Deskriptibo ang isang teksto kung
ito ay nagtataglay ng mga
impormasyon na may kinalaman sa
pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ang mga
katangiang taglay ng isang tao o
pangkat ng mga tao, kalimitang
tumutugon ito sa tanong na ANO?
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Deskriptibo ang isang teskto kung ito ay nagtataglay ng


mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian
ng isang bagay, lugar at maging katangiang taglay ng isang
tao pangkat ng mga tao, kalimitang tumutungon ito sa
tanong na ano.
 Batay sa pandama -nakita, naamoy, nalasahan,
nahawakan at narinig.
 Batay sa nararamdaman –bugso ng damdamin o
personal na saloobin ng naglalarawan.
 Batay sa obetbasyon –batay sa oberbasyon.
Limang pangunahing cohesive
device o kohesyong gramatikal

Reperensiys (reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaring tumutukoy o
maging reperensiya ng paksang pinaguusapan sa
pangungusap.
Substitusyon (substitution)
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na huling ulitin
ang salita.
Hal. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago
Ellipsis
- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw parin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makakatulong ang unang pahayag para matukoy ang gustong
ipahiwatig nito.

Pang-ugnay
- Nagagamit ang salitang pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay
sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay mas mauunawaan ng mambabasa o taga pakinig ang
relasyon pa pagitan ng mga pinag-ugnay.

Kohesyong leksikal
- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa, Reiterasyon at Kolokasyon.

Reiterasyon- kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.


Maaari itong mauri sa tatlo, pag-uulit o repetisyon, pagiisa-isa at
pagbibigay kahulugan.
Kolokasyon- mga salitang karaniwang ginagamit nang magkapareha, may
kaugnayan sa isa’t isa. Kaya’t kapag nabanggit ang isa, maaaring magkapareha o
magkasalungat.
May mga bagay na hindi natin
napapansin na mahalaga saating
pamumuhay at sa pang araw-araw.
Mga bagay na ating napagkukunan
ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga
bagay na matatagpuan natin sa ating
paligid na nagsisilbing ginto saating
mga tao. Kapag sinabing ginto, ang
pumapasok sa ating isipan ay
maaaring ito ay mahiwaga, mahal,
mabigat, at makinang.
Done!

You might also like