You are on page 1of 26

1

Kabanata 1:

EPEKTO NG PANONOOD NG TELESERYE SA MGA MAG-AARAL NG

GRADE 11-HUMSS-1 SA ANTONIO UY TAN SENIOR HIGH SCHOOL SA

TAONG 2019-2020

Panimula:

Ito’y pangmasang pang-hatid ng libangan, edukasyon o mga balita.

Ngunit ano nagagawa o tulong ng telebisyon sa pag-unlad ng wikang

Filipino? May masama ba itong dulot sa mga kabataan lalo’t higit sa

maling paraan ng paggamit nito? Sa wikang Filipino?

Sa paggamit ng telebisyon ay nakakapagbigay ito ng impormasyong

pormal at di-pormal na mayroong malaking epekto sa ating mga

manonood. Hindi katakang-takang nagagawa nitong ma-

impluwensyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang

wika. Nagdudulot ito ng madaling pagkakatuto at madaling pagbigkas

ng mga salita lalo na sa mga kabataan ngayon. Ngunit sa kabilang

banda nito ay nagdudulot pa rin ito ng masama o mga salitang hindi

naaangkop sa pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng

pagkakaikli ng mga salita at ang mga binabanggit o naririnig sa

tlesbisyon na mga salitang hindi na masyadong makahulugan.


2

Dahil sa mga sinasabi sa mga teleserye natututo silang magsalita ng

maikli at ng mga masasamang salita, magiging sanhi din nito ng pag-

aaway at pananakit sa isa’t isa. Hindi nila nagagamit ng maayos ang

wikang Filipino at dahil dito nakakalimutan na natin ang ating kultura.

Maliban sa negatibong impluwensya ng panonood ng TV ng mga ama

ay isa sa itinuturong dahilan kung bakit mas tamad ang mga batang

lalaki kaysa sa mga batang babae. Ang ginagawa nga raw ng isang

lalaki sa free time nito ay pakikipag-socialize, pag-eexercise o

pagrerelax na kadalasan ay sa pamamagitan ng panonood ng TV.

Mahalagang maging maingat sa pinapanood at matutong maglimita

sapagkat maaaring makuha ng manunood ang mga pag-uugali na

nasasaksihan sa mga teleserye. Huwag masyadong magpapaniwala sa

mga teleserye sapagkat ito ay gawa-gawa at kathang-isip lamang.

Hindi masamang manood ng mga teleserye ngunit importante na

matuto pa rin na malaman ang kaibahan ng mga kwento sa teleserye

at sa realidad.
Tunay ngang mahalaga ang paggabay ng mga magulang at pamilya sa

panonood dahil sa paraang ito ay nalilimitahan at nasusubaybayan

kung ano ang napapanood ng mga anak. Bilang mga kabataan na may

sapat ng kaalaman upang magdesisyon para sa sarili, importante na

maging matalino sa pagpili sa kung ano ang panonoorin at

mahalagang matutunan din na maglimita sa pinapanood.

Mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga indibiduwal, particular

na ang mga mahilig manood ng teleserye sa paksang ito. Maging

masuri sa panonood ng mga palabas sa telebisyon, lalo na ang mga

teleserye sapagkat ang mga ito ay maaaring magdala ng positibo at

negatibong impluwensya sa isang indibiduwal na maaaring magdulot

ng mga pinagmatagalan na epekto.


4

Layunin ng Pag-aaral:

Ang mga mananaliksik ay naglalayong makapagbigay ng mga

posibleng solusyon hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa

pagkakatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel mananaliksik,

gayundin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1.Anong aral ang napupulot sa panonood ng teleserye?

2.Anu-ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa kultura ng mga

teleseryeng Mexicano at Pilipino?

3.Paano nakaaapekto ang teleseryeng Kadenang Ginto sa mga

manonood?
5

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ito ay importante dahil dito natin malalaman kung ang panonood ba

ng teleserye ay nakakabuti o kung ito ay nakakasama sa atin. Sa pag-

usbong ng mga teleserye sa telebisyon ay agad itong tinangkilik ng

mga tao lalo na ang mga Pilipino hindi nila batid kung ano ang

magiging epekto nito sa kanilang kultura o tradisyon.

Gayunpaman, malaki ang maitutulong ng mga teleserye sa buhay ng

tao namumulat ang mga tao sa reyalidad ng buhay,

nakapagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga bagay-

bagay. Subalit minsan ay nadadala sa mga eksena ng mga

teleserye at nagiging sanhi ito ng pagbabago ng ating mga

ugali, opinyon at minsan ay unti-unti nitong nababago ang pananaw

sa reyalidad ng buhay at mga nakagawian nating kultura. Kung kaya’t

lubos na naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito

ay lubos na makakatulong sa mga manonood, magulang, sa mga

kapwa mananaliksik upang lalong mahalin ang ating kultura

at lalo pa itong pagyabungin.


6

Tagaplano ng Kurikulum:

Guro-Maituturo kung ano ang pwedeng mangyari kung tayo ay

manonood ng teleserye.

Magulang-Maigagabay tayo kung ito ba ay nakakabuti sa atin o kung

ito ba ay nakakasama.

Mag-aaral-Mas mapapalawak ang kaisipan nang isang mag-aaral

kung bibigyan pansin ba ang panonood ng teleserye.

Saklaw at Limitasyon:

Hindi maitatangging malaki ang porsyento ng mga kabahayan ay

mayroong telebisyon, kung kaya naman patuloy ang marami sa

pagtangkilik at pagkahuhumaling sa mga teleserye. Ang panonood ng


teleserye ay tila naging parte na nga ng pang araw-araw na

pamumuhay. At dahil nga sa pagkaaliw sa mga teleserye ay hindi na

napapansin na ang mahabang oras na nilalaan para dito ay unti-unting

nakakaimpluwensya sa mga indibiduwal.

Napili ang paksang ito sapagkat ang panonood ng telebisyon ay parte

na ng pamumuhay ng marami, at ito ay nakakabahagi sa pagkatao ng

isang indibiduwal, kung kaya’t nais ng mga mananaliksik na

magkaroon ng mas malawak na pag-iintindi sa teleserye at upang

magkaroon ng kaalaman sa mga magaganda at hindi magandang

impluwensya ng panonood nito. Ang mga kaalaman na makakalap sa

pananaliksik na ito ay maaring magsilbing kamulatan sa maraming

indibiduwal.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa impluwensya na

nakukuha ng mga manonood sa mga teleserye at kung anu-ano ang

mga dahilan ng patuloy na pagtangkilik nito. Saklaw din ng pag-aaral

na ito ang mga paraan upang maiwasan ang mga hindi magagandang

dulot ng mga teleserye.


Maglagay ng mga limitasyon kung kailan makakapanood ang mga

bata.Huwag maglagay ng TV set sa mga kwarto ng mga bata.

Maglagay ng isang globo sa tabi ng TV para matingnan ng mga bata

ang mga lugar na nakikita sa mga programa. Samahan ang mga bata

sa panonood ng telebisyon upang maipaliwanag ang mga bagay na

gaya ng pagkakaiba ng pantasya at ng realidad. Hindi ito laging

napag-uunawaan ng maraming bata na wala pang sampung taon.

Ilayo ang telebisyon mula sa isang prominenteng lugar sa inyong

bahay. Ilagay ang TV set sa loob ng kabinet na may sarahan. Magiging

mahirap nang kaunti na buksan ito at magpalipat-lipat sa mga

channel.

Sa murang edad ay nagkakaroon na ng impluwensya ang telebisyon sa

mga bata at sa paghantong sa pagiging tinedyer ay kasabay nito ang

potensyal na pagiging negatibong impluwensya naman ng telebisyon.

Maraming hindi magaganda ang naipapalabas sa mga programa gaya

na lamang ng karahasan, krimen, bangayan, paksa patungkol sa seks,

bisyo gaya ng alak at sigarilyo, droga, at pagmumura.


9

Depinisyon ng mga Terminolohiya:

Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay

maaaring i-uri sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama

ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi

makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay

totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para

sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series” at

“drama” para naman sa drama.

Ang telebisyon(TV) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa

pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at

tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa

at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.

Ang Telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na

kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na mga bansa noong unang

panahon. Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa

isang linggo at nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba man


ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na

buwan.

10

Balangkas/Konseptuwal:

INPUT PROCESS OUTPUT

Epekto ng panonood Paggamit ng tama sa Sukatin ang implu-

ng teleserye sa mga panonood ng telebisyon wensya ng pano-

mag-aaral ng Grade 11 at tamang paraan ng nood ng mga soap

HUMSS-1 sa Antonio Uy panonood ng mga pa- opera sa mga pa-

Tan Senior High School labas para sa mga na- nanaw ng mga ta-

sa taong 2019-2020. kakabata pagpapahalaga gatugon. Dahil na-

sa oras sa panonood ng kaiimpluwensya

teleserye. nang malaki sa

pagbabago ng

pananaw at pag-

uugali ng mga ma-


nonood tungkol sa

mga palabas na

may karahasan.

11

Sa pananaliksik na ito ipinahihiwatig dito ang epekto ng panonood ng

teleserye sa mga mag-aaral ng Grade 11-HUMSS-1 sa Antonio Uy Tan

Senior High School sa taong 2019-2020.

Gabi-gabi, araw-araw, at hapon-hapon ay nakatutok sa mga

telebisyon para manood ng mga palabas na ito. Kadalasan pa nga ay

tinitigil ang anumang ginagawa para lang huwag mapalampas ang

bawat eksenang mangyayari sa mga paboritong programa.

Mahalaga ang paggabay ng mga magulang at pamilya sa panonood

dahil sa paraang ito ay nalilimitahan at nasusubaybayan kung ano ang

napapanood ng mga anak.

Kabanata 2

Literaturang Konseptuwal:

Ayon kina Barrie Gunther at Jill McAleer(2005), maraming mga

mananaliksik ang nagpahayag ng mga gamit at kasiyahan na


naibibigay ng midya. Ang midya ay nakakapagbigay kaalaman,

kapahingahan at iba pa. Ang mga pangangailangan na ito ang

nagtutulak na maghanap ng midya na nakakapagbigay ng gusto at

pangangailangan bilang isang indibiduwal. May isang sarbey na

12

isinasagawa ni Bradley Greenberg kung saan ang mga dahilan daw

kung bakit nanonood ang mga bata na may edad ng 9, 12 at 15 ng

telebisyon ay dahil dito ay nagsisilbing pampalipas oras, libangan,

ginagamit upang matuto ng mga bagay-bagay, magkaroon ng

kaalaman patungkol sa sarili, upang makapagpahinga, bilang isang

kasama at dahil dito ay isang kagawian.

Ang telebisyon ay nakakapagbigay ng kaalaman gaya na lamang sa

mga dramatikong paglalarawan at ang mga kuwento na naghahatid sa

mga manonood ng kaalaman patungkol sa sarili, upang

makapagpahinga, bilang isang kasama at dahil dito ay isang kagawian.

Patungkol ito sa kung paano makitungo sa mga tao, paano

masolusyunan ang mga problemang personal o pampamilya at mga

alitan, ang telebisyon ay nagbibigay din ng kaalaman sa

pagkakaibigan. Hindi lamang napapabuti ng telebisyon ang kaalaman

ng isang tao, kundi ito rin ay nagbibigay impormasyon sa mga


nangyayari sa paligid. Ang telebisyon din ay pangunahing pinagmu-

mulan ng social learning.

13

Ayon sa isang teorya na ang karahasan sa telebisyon ay maaring mag-

aktiba ng ideya at kaisipan patungkol sa karahasan. Ang telebisyon ay

ginagamit din bilang paraan upang makatakas sa realidad ng ibang

manonood. Halimbawa na lamang ang isang bata na nakaranas ng

mahigpit na pagdidisiplina ng mga magulang ay nanonood ng

telebisyon upang may ibang pagkaabalahan at mawala sa isipan na

hindi kaaya-ayang atmospera sa loob ng tahanan. Ngunit may positibo

din namang dulot ang telebisyon, gaya na lamang na maari itong

maging dahilan upang magkasama-sama ang buong pamilya at sabay-

sabay na manonood sapagkat ito ay nakakapagbigay aliw at

katuwaan.

Sinabi ni Wilbur Schramm(1961) na karamihan sa mga kabataan ay

natutuwang manood ng telebisyon dahil ang panonood ay

nakakapagbigay aliw at nakakatanggal ng pagod at mga suliranin,

ngunit para naman sa ibang kabataan ang panonood ng telebisyon ay


nagbibigay ng kalituhan dahil nagiging dahilan upang mahirapan sa

paghihiwalay ng realidad sa pinapanood. May isang dahilan ukol sa

relasyon ng bata sa pinapanood na mas importante pa sa ibang salik

na nagpapakita ng epekto ng panonood ng telebisyon. Ito ay ang

koneksyon o kaugnayan sa pagkatao o pag-uugali ng karakter na

14

napapanood ng mga bata na nagiging dahilan kung bakit mas

nahihikayat ang mga kabataan na manonood. Ang telebisyon ay may

malaking gampanin sa pagkatuto ng isang indibiduwal lalo na sa mga

kabataan. Nagiging dahilan din ang telebisyon sa pagkatuto ng

indibiduwal ng mga hindi magagandang pag-uugali gaya na lamang

ng pagiging bayolente dahil sa mga palabas na napapanood na may

ganitong tema. Isa sa pinakamahalagang paksa sa pag-aaral ng

epekto ng telebisyon ay ang kaugnayan ng karanasan sa panonood ng

isang indibiduwal sa mental health dahil nakakaapekto din ang

panonood ng telebisyon hindi lamang sa pag-iisip o pananaw ng isang

indibiduwal kung pati na rin sa pag-uugali. May mga pag-aaral na

nagsasabing isa ang panonood ng telebisyon o pelikula ay nagdudulot

ng sakit sa pag-iisip ng isang indibiduwal o tinatawag na mental

illness. Gayunpaman, may mga naidudulot ding kabutihan ang

panonood ng telebisyon sa mga indibiduwal kung saan mas pinipili ng

maraming kabataan ang manatili sa loob ng mga tahanan upang


manood kaysa ang lumabas na maaari pang maging dahilan ng

kapahamakan. Nakakatulong din ang panonood ng telebisyon upang

magkaroon ng mas magandang relasyon sa pamilya o kaibigan.

15

Batay naman kay Spencer Rathus(2014), si Albert Bandura at ang

mga kasamahan ay nag-experiment tungkol sa observational learning,

kung saan ang mga tao ay natututo sa pamamagitan ng pag-oobserba

sa mga ginagawa ng ibang tao. Ang observational learning ay

nagaganap habang pinapanood ng mga estudyante ang guro kung

paano sagutin ang mga tanong sa blackboard. Ito ay nagaganap

habang pinapanood ng mga anak ang mga magulang na magluto,

maglinis at marami pang iba. May parte sa katawan ng tao na

awtomatikong nagtutulak upang gayahin ang kilos o pag-uugali ng

ibang tao sapagkat mayroong tinatawag na mirror neurons na nag-

uudyok sa isang indibiduwal na gawin o gayahin ang naoobserbahan

na kilos. Ang mirror neurons din ang dahilan kung bakit ang isang tao

ay humihikab kapag ang mga tao na nasa paligid ay humihikab din, ito

rin ang dahilan kung bakit ang pagtawa ay nakakahawa.


Literaturang Pananaliksik:

Mula sa pananaliksik ni Ma.Rita R.Aranda(2014) ang telebisyon ay

isang mahalagang uri ng libangan na may malaking impluwensya sa

lahat ng tao. Ito ay may mahalagang gampanin sa paghubog ng

16

kamalayan ng tao at kung paano niya tinitingnan at hinuhugis ang

mundo. Ang mahabang iras na inilaan sa panonood ay mahalagang

gampanin sa paghubog ng kamalayan ng tao at kung paano niya

tinitingnan at hinuhugis ang mundo. Ang mahabang oras na inilalaan

sa panonood ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa pag-

iisip at pag-uugali ng manonood. Maraming programa ang maaaring

panoorin ngunit ang pinakapopular na programang madalas panoorin

ay ang mga teleserye. Ang panonood ng soap opera ay

nakaiimpluwensya nang malaki sa pagbabago ng pananaw at pag-

uugali ng mga manonood tungkol sa kasalukuyang konsepto ng

pamilya, pagdidisiplina sa mga anak at pagdedesisyon sa loob ng

tahanan. Maaaring makuha at magaya ng manonood ang ugali at

pananaw ng mga tauhan nang hindi sinasadya dahil dito, maaari

siyang kontrolin at diktahan ng mga tauhan ng teleserye.


Napatunayang naimpluwensyahan ng teleserye ang pananaw at pag-

uugali ng mga manonood lalo na sa paglutas sa mga suliraning

pampamilya. Higit sa lahat, ito ay nagbibigay ng impormasyon at

pattern kung paano nilulutas ang mga problemang pampamilya at

natutulungan ang mga manonood na magkaroon ng positibong pag-

17

tingin sa pamilya sa kabila ng mga problemang nararanasan ng bawat

miyembro nito.

Ang pag-aaral nina Rizza Salado(2014) ay nagsasaad ng tunay ngang

napakalaki ng epekto ng mga teleserye sa buhay ng mga tao lalong

higit dahil halos lahat ay nakapanood ng mga ito na umaabot na ang

epekto nito sa paraan ng pag-iisip at paggawa ng mga desisyon sa

buhay ng mga kabataan sa kasalukuyan. Ang pagkahumaling sa mga

teleserye ay nagkaroon ng epekto sa aspetong moral man o pisikal ng

mga kabataan.

Ayon kay Nicholas Johnson(2000) ang telebisyon ay isa sa

mga pinakamakapangyarihang pwersa ng tao na kailangan ay hindi


pinakawalan sa kanyang sarili. Ang kalidad ng buhay ng tao ay

maaaring nakadepende sa sobrang pagsusumikap upang intindihin at

kontrolin ang lakas na iyon. Inilalahad dito na ang mga mag-aaral ay

higit na maniniwala kapag sila ay may nakikita tulad sa telebisyon.

Samakatuwid, mas lalong lumalawak ang kanilang kaalaman at

karunungan patungo sa pagkatuto ng isang mag-aaral.

18

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik:

-Ang pamamaraan diskriptib ang disenyong ginamit sa isinasagawang

pag-aaral. Nais na ilarawan ng mananaliksik ang pananaw at saloobin

ng mga mag-aaral ng Grade 11-HUMSS-1 sa Antonio Uy Tan Senior

High School hinggil sa Epekto ng panonood ng teleserye sa kanila

bilang mga mag-aaral.

Respondente:

-Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral ng

Grade 11-HUMSS-1 sa ikalawang semester ng taong 2019-2020 sa

Antonio Uy Tan Senior High School.


Instrumento ng Pananaliksik:

-Sarbey-kwestyuner ang ginamit sa pagkalap ng mga

impormasyon.Ipinasagot ito sa mga 28 respondanteng napili sa

pag-aaral. Ito ay ang aming napili, dahil ang impormasyong

kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng

19

bawat respondante, at ang tanging paraan upang malaman ito ay sa

pamamagitan lamang ng interbyu o di kaya ng sarbey. Upang

makatipid sa oras at makaiwas sa abala, sarbey ang aming napiling

gamitin.

Tritment ng mga Datos:

Itinally ang mga nakuhang impormasyon saka nilapatan ng

karampatangpormulang istatistikal. Ginamitan ng pormula ang

mga datos upang malaman ang mga bahagdan ng markang

ibinigay ng mga respondante sa bawat bahagi.Ang pormula nito ay:

P= f

N P = bahagdan
f = dalas

N = Bilang ng mga respondante

Samantala, weighted mean naman ang ginamit para

m alaman ang kabuuang markang ibinigay ng mga respondante. Ang

pormula nito ay:

20

 fx f-dalas

X= f x-weight o marka

Kabanata 4

Pigura 1: Bilang ng taga-sagot batay sa kasarian

Kasarian Bilang ng taga-sagot Bahagdan


Lalaki 17 60.72%
Babae 11 39.28%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 1 ay ang bilang ng taga-sagot batay sa kasarian kung saan

sa dalawampu’t walo(28) na taga-sagot, ang labing isa(11) o 39.28%

ay Babae samantalang ang labing pito(17) o 60.72% ay mga Lalaki.


21

Pigura 2: Bilang ng taga-sagot batay sa edad

Edad Bilang ng taga-sagot Bahagdan


16-17 24 85.71%
18-19 3 10.71%
20-21 1 3.58%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 2 ay ang bilang ng taga-sagot batay sa edad kung saan sa

dalawampu’t walo(28) na taga-sagot, ang dalawampu’t apat(24) o

85.71% ay may edad na 16-17, sa tatlo(3) o 10.71% ay may edad na

18-19,samantalang ang isa(1) o 3.58% ay may edad na 20-21.


22

Pigura 3: Bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na

Nakaaapekto ba sa pag-aaral ang panonood ng teleserye

Tanong 1 Bilang ng taga-sagot Bahagdan


Oo 8 28.59%
Hindi 3 10.71%
Pwede 13 46.42%
Di ko alam 4 14.28%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 3 ay ang bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na

Nakaaapekto ba sa pag-aaral ang panonood ng teleserye kung saan

dalawampu’t walo(28) ay taga-sagot, ang walo(8) o 28.59% ang

sumagot ng Oo, ang tatlo(3) o 10.71% ang sumagot ng Hindi, ang

labing tatlo(13) o 46.42% ang sumagot ng Pwede, samantalang ang

apat(4) o 14.28% ang sumagot ng Di ko alam.


23

Pigura 4: Bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na Kailangan ba

natin limitahan ang panonood ng teleserye

Tanong 2 Bilang ng taga-sagot Bahagdan


Oo 16 57.14%
Hindi 1 3.57%
Pwede 8 28.57%
Di ko alam 3 10.72%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 4 ay bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na

Kailangan ba natin limitahan ang panonood ng teleserye kung saan

dalawampu’t walo(28) ay ang taga-sagot, ang labing anim(16) o

57.14% ang sumagot ng Oo, ang isa(1) o 3.57% ang sumagot ng

Hindi, ang walo(8) o 28.57% ang sumagot ng Pwede, samantalang

ang tatlo(3) o 10.72% ang sumagot ng Di ko alam.

24
Pigura 5: Bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na Kung

kailangan natin limitahan ang panonood ng teleserye, ilang oras lang

dapat tayo manood

Tanong 3 Bilang ng taga-sagot Bahagdan


1 Oras 5 17.86%
2 Oras 11 39.28%
3 Oras 7 25%
4 Oras 5 17.86%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 5 ay bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na Kung

kailangan natin limitahan ang panonood ng teleserye, ilang oras lang

dapat tayo manood kung saan dalawampu’t walo(28) ay ang taga-

sagot, ang lima(5) o 17.86% ang sumagot ng 1 Oras, ang labing

isa(11) o 39.28% ang sumagot ng 2 Oras, ang pito(7) o 25% ang

sumagot ng 3 Oras, samantalang ang lima(5) o 17.86% ang sumagot

ng 4 Oras.

25

Pigura 6: Bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na Sino ang

makagagabay sa atin sa panonood ng teleserye

Tanong 4 Bilang ng taga-sagot Bahagdan


Magulang 26 92.86%
Guro 0 0%
Kapatid 1 3.57%
Mga Kaibigan 1 3.57%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 6 ay bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na Sino

ang makagagabay sa atin sa panonood ng teleserye kung saan

dalawampu’t walo(28) ay ang taga-sagot, ang dalawampu’t anim(26)

o 92.86% ang sumagot ng Magulang, at wala namang tumugon sa

sagot na Guro,ang isa(1) o 3.57% ang sumagot sa Kapatid,

samantalang ang isa(1) o 3.57% ang sumagot sa Mga Kaibigan.

26

Pigura 7: Bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na

Nakaaapekto ba ang panonood ng teleserye sa ating kaugalian at

pagkikilos

Tanong 5 Bilang ng taga-sagot Bahagdan


Oo 10 35.72%
Hindi 4 14.28%
Pwede 13 46.42%
Di ko alam 1 3.58%
Kabuoan 28 100%

Ang Pigura 7 ay bilang ng taga-sagot na sumagot sa tanong na

Nakaaapekto ba ang panonood ng teleserye sa ating kaugalian at

pagkikilos kung saan ang dalawampu’t walo(28) ay ang taga-sagot,

ang sampu(10) o 35.72% ang sumagot ng Oo, ang apat(4) o 14.28%

ang sumagot ng Hindi, ang labing tatlo(13) o 46.42% ang sumagot ng

Pwede, samantalang ang isa(1) o 3.58% ang sumagot ng Di ko alam.

You might also like