You are on page 1of 4

KABANATA I

Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula
Isa sa mga suliranin ng isang bansa ang umuusbong problemang sosyal o isyu tungkol sa pagtanggap
ng isang seskwalidad na sa grupo ay kilala bilang kumonidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender
(LGBTq). Ang LGBT ang tinitingalang paguusbong ng ibang inaasam na sekswalidad dahil sa kognitibong
pagbabago sa nararamdaman ng isang indibidwal. Ang LGBT, subalit kahit nagpapalakas ito ng
karapatang pantao para sa indibidwal na malayang ibahagi ang kanyang sarili ay hindi katanggap
tanggap para sa iba. May mga paktor na pinaglalaban para sa kontradiksyong LGBT; ang halimbawa nito
ay ang mga nakasulat sa bibliya. Ang mga kritisismo o simpleng pag-aaral tungkol sa pagbabago ng
sekswalidad ay higit na sikat at palaging ginagawa ng mga tao. Ayon kay Karen G. Duffy, ang awtor ng
Psychology 98/99 ang pagbabago ng isang tao ay nakabase sa kanyang kognitibong abilidad para
maintindihan ang kanyang sarili at kapaligiran. Ang konsepto nito para sa mga tao ay nakabase lagi sa
biological na kaanyuan ng isnag tao kaya ang problemang sekswalidad ay nakakaalarma. Ang mga
karaniwang nakakaranas ng problemang ito ay ang mga batang gulang ay labindalawang taon pataas
kaya ito ay karaniwan sa mga nag-aaral ng high school. Ang isa dapat na nakakaagaw pansin dito ay ang
maabusong diskriminasyon ng mga LGBT, hindi lamang sa iskwelahan pero sa lahat na ng pinupuntahan
nila. Nagiging sosyal na pag-asa ng pagkakaroon ng isang sekswalidad. Ang mga LGBT ay kinokonsinti ng
ibang tao na ito ay problema lamang sa utak. Ito daw ay isang mental disorder. Hindi nila alam na ang
mental disorder lamang na meron ay ang pagkakasakit ng kanilang damdamin dahil sa mga
diskriminasyon. Ang hindi rin nila alam ay nakaranas ng pagsasakit ay hinihila nila ang mga sarili nila
pababa. Ang mga nararamdaman nila ay parang hindi tanggap dito sa munto upang mabuhay na
malayang nagpapakatotoo. Ang ikatlong kasarian ay dapat na kinokonsinti na totoo dahil nasa lugar na
tayo ng modernisasyon. Isipin sana ng mga tao na nagpapakatotoo lamang sila. Ang mga kritisismo na
natatanggap ay maaring mas umusbong na problema. Ayon naman kay Merl E. Bonny, sa kanyang ulat
na Mental Health in Education 1960, sa parte ng dalawang kasarian ay dapat na nagkakampihan at
sinasapuso na din ang pagtanggap at pagsaayos sa isa't isa. Mas makagagalak kung lamang sila ay bukas
sa pag-aaral ng LGBT. Ang higtaan ng dalawang kasarian ay malamang, ang mga bukas lamang na
tumanggap ang may kakayahan para tawirin ang tulay. Ito ay makakadulot ng galak kung lamang ay
ganun mag isip ang mga tao.

Layunin:
Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay ang mga sumusunod:
1. Para malaman ang mga pananaw ng mga estudyanteng miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer (LGBTQ+) sa Divine Word College of Laoag, Senior High School Department tungkol
sa mga diskriminasyong nararanasan.
2. Para malaman ang mga diskriminasyong nararanasan ng mga mag-aaral ng Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer (LGBTQ+) sa Divine Word College of Laoag, Senior High School Department.
3. Para magkaroon ng mas malawak na pag-uunawa tungkol sa epekto ng diskriminasyon sa
estudyanteng miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ+) sa Divine Word
College of Laoag, Senior High School Department.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pananaliksik na ito, dito makikita na ito ay nakakatulong sa pag-aaral ng Diskriminasyong
Nararanasan ng Mag-aaral na Miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ+) sa
Divine Word College of Laoag, Senior High School.
Mga respondante na miyembro ng LGBTQ+ sa DWCL, SHS. Sa pagsusuring ito, dito maipaparamdam nila
ang kanilang pananaw hinggil sa iba’t ibang aspekto ng disrkiminasyong nararanasan nila.
Mga mananaliksik. Sa pagsusuring ito, malalaman nila ang mas mailalimang pag-uunawa sa pananaw ng
mga mag-aaral na miyembro ng LGBTQ+ sa DWCL, SHS.
Mga magulang ng mga miyembro ng LGBTQ+. Para malaman nila ang diskriminasyong nararanasan ng
mga anak nila na may kaugnayan sa kanilang sekswalidad at ang kanilang pananaw tungkol dito, at para
makikita nila ang kahalagahan ng kanilang pagsususporta at pag-gabay ng anak nila na miyembro ng
LGBTQ+.
Mga guro. Para mabigyang-pansin ang mga diskriminasyong nagaganap sa kanilang mga estudyanteng
miyembro ng LGBTQ+.

Saklaw at Limitasyon
Ang isinasagawang pag-aaral ay tumatalakay sa mga miyembro ng LGBTQ community at kung ano
angkanilang estado sa lipunan. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang mga pangyayari sa kanilang buhay,
malaman nila sa kanilang mga sarili na sila ay miyembro ng LGBTQ community at kung tanggap ba silang
kani-kanilang mga pamilya.
Pagtanggap ng lipunan na nakapalibot sa kanila,at ang pagtanggap nila sa kanilang sarili nilang
desisyon. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito kung papaano ba sila tinatanggap ng mga studyante na
nakapalibot sakanila at kung nakakaranas ba sila ng diskriminasyon o panglalait sakanilang kasarian.
Ang mga respondente sa aming pananaliksik ay mga mag aaral sa divine word college of laoag na nasa
grade 11 at 12 na pangkat. Kumuha kami ng hindi baba sa tatlo hanggan limang studyante kada section
na miyembro ng LGBTQ community.
KABANATA II
Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura

Ang depinisyon ng homosekswalidad ay maraming interpretasyon. Ito ay maaaring batay sa kaalaman


ng nakararami o galing sa siyentipikong pag-aaral. Subalit ang karamihan ng interpretasyong ito sa tunay
na depinisyon ng homosekswalidad ang nagbibigay ng maraming pananaw sa mga tao sa ibang bansa
(Stryker 2006).
Ang homosekswalidad ngayon ay ayon na sa persepsyon ng tao. “Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya
at may pare-parehong dangal at karapatan. Sila’y binigyan ng budhi at ng kakayahang mag-isip at dapat
makitungo sa isa’t isa sa espiritu ng pagkakapatiran.”—Artikulo 1 ng Pandaigdig na Deklarasyon ng mga
Karapatang Pantao.
Ang republic act 10627 o mas madali sa tawag na Anti-Bullying Act of 2013 na nagsisilbing polisiya na sa
lahat ng paaralan pribado man o pampubliko,elementarya o sekondarya ay kailangan ng batas na ito
laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon. Kailangang magkaroon ng kopya ang lahat na mag-aaral at
magulang nila upang malaman nila ang tungkol sa polisiya. Kabilang sa batas ay ang pagbabawal sa
bullying sa loob ng mga paaralan at kahit sa mga school related na activities.
Nakasaad na ang paaralan ay dapat na ligtas para sa mga mag-aaral lalo na sa mga bantang nag
pagbubully. Pero, madalas na dumadanas sa eskuwelahan ang mga estudyanteng lesbian, gay, bisexual,
at transgende (LGBT) ng bullying, diskriminasyon, kawalan ng akses sa impormasyon tungkol sa LGBT, at
sa ibang kaso, may pisikal at sexual na pananakit. Humahantong ang ganitong abuso sa malalim at
matagalang pinsala at nagkakait ng karapatan sa edukasyon ng mga estudyante, na protektado sa ilalim
ng batas ng Pilipinas at batas internasyonal., na protektado sa ilalim ng batas ng Pilipinas at batas
internasyonal.
Isang solusyong magagawa ng mga eskuwelahan sa bullying at diskriminasyon at mapabuti ang epekto
nito ang pagbibigay ng mga edukasyunal na resources sa mga estudyante, guro, at kawani para maging
pamilyar sila sa mga taong LGBT at sa mga isyung kaugnay nila.
Sa kasamaang palad, ang positibong impormasyon at mga resources tungkol sa oryentasyong sexual at
identidad sa kasarian ay napakadalang sa mga sekundaryang paaralan sa Pilipinas. Kapag natuto naman
ang mga estudyante tungkol sa LGBT at ang mga isyung kinahaharap nila sa loob ng paaralan,
kadalasang negatibo ang mensahe, di-katanggap-tanggap ang mga relasyon ng may-parehong kasarian
at imoral o di-natural ang transgender na identidad.
May makasalamuha man tayo na mga ganitong LGBT, napakahalaga parin na bigyan natin sila ng maayos
na pakikitungo at respeto dahil di natin alam ang pinagdadaanannila.Madaming LGBT na dumadanas ng
matinding depresiyon dahil sa mga taongnang huhusga sa kanila. Marami rin ang dumadanas ng
matinding kalungkutan dahil sa pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila.
Ayon din kay Georgina Marie Moya (2017), iilan na lamang sa atin angmarunong umintindi, marunong
makinig. Ang ating LGBT community, kailanma’y hindi pinakinggan, kailanma’y hindi pinaniwalaan.
Mayroon man tayong iba’t ibang paniniwala, dapatay pagkakaintindihan pa rin ang nananaig sa puso’t
isipan ng bawat isa, kabilang man sa LBGTo hindi. Tayo’y nilikha ng Panginoon nang may kaibahan sa
isa’t isa. Lahat tayo ay nararapat narespetuhin sa kung sino o ano man tayo.
KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik o deskriptibo. Sa paraang deskirptibo, dito
maiilarawan ang unang ideya ng mismong pananaliksik.
Instrumento ng pananaliksik
Ang instrumentong nagamit sa paghahanap ng impormasyon at datos ay sa pamamagitan ng survey
tungkol sa mga diskriminasyong nararanasan ng mga estudyanteng kabilang sa Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer (LGBTQ+) ng Divine Word College of Laoag (DWCL), Senior High School (SHS).
Istadistikal Tritment ng mga Datos
Ang lahat ng impormasyon ay isinuri at ginamitan ng pagsusuring istadistikal tritment tulad ng mean. Sa
tulong ng mga sumusunod na pang-istadistikal na pormula ay naging tiyak ang kinalabasan ng
paanaliksik na ito buhat sa mga nakuha at nakalap na datos.
Simpleng bahagdan- ito ay ginamit sa pagkuha ng pangkalahatang saloobin ng mga mag-aaral sa Divine
Word College of Laoag—High School Department patungkol sa Diskriminasyong Nararanasan ng mga
Mag-aaral na Miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ+).
Sa pagtukoy ng bahagdan ng bilang ng mga mag-aaral na nakaranas ng diskriminasyon, ginamit ang
pormulang:
P=B/N×100%
kung saan:P= percentage o bahagdanB= bilang ng mga sumagot
N= kabuoang bilang ng sagot

KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang mga datos na ito ay nakuha ayon sa mga surbay na ginawa ng mga mananaliksik. Ito ay natipon sa
mga larawang 1-30 na nahahati sa tatlong bahagi. Nahati ito ayon sa aspektong kapaligiran at aspektong
pananaw. Ang unang bahagi ay hango sa mga larawang 1-10. Ito ay nagpopokus sa aspektong
kapaligiran, kung ano ang mga nararanasan ng mga membryo ng LGBTq sa mga pampublikong lugar lalo
na sa paaralan kung saan ang pukos ng pananaliksik na ito. Ang ikalawang bahagi na nasa larawang 11-
20 naman ay patungkol sa mga sitwasyon na maari nilang naranasan. Ang mga tanong ay linikha ng mga
mananaliksik, ito ay hango sa tingin nila na posibleng maranasan ng mga membryo ng LGBTq. Ang huling
parte ay tungkol sa mga mananaliksik kung sila ay sang ayon dito o hindi.
Ang mga mag-aaral mula sa Divine Word College of Laoag—High School (DWCL-SHS) Department
ang siyang sumuri sa mga kahingiang kinakailangan upang malaman ang mga diskriminasyong
nararanasan ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual Transgender Queen (LGBTq)
Bilang gabay, hahatiin ang mga nakalap na resulta sa tatlong bahagi upang mas maunawaan sa
pamamagitan ng paggamit ng legend ang mga natuklasang bunga ng isinagawang pagsasarbey sa pag-
aaaral na ito.

You might also like