You are on page 1of 18

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Tradisyon at paniniwala Ukol sa Homosekswalidad

Ayon kay Morris (1983), hindi lang basehan ang pagiging homosekswal ng isang

indibidwal kung ano ang oryentasyon ng kanyang sekswalidad, ito rin ay inuugnay sa kanyang

kultura o tradisyon. Ang pagiging homosekswal ng isang tao ay malawak na nangyayari sa

iba’tibang mga lipunan.

Ayon sa mga kaulatan ng kabihasn ang griyego patinarin sa mga relikong pasona may

iba’t-iba pinta ng pagpapatunay nanuong panahong iyon ay talamak ang homosekswal

nakaisipan. Isa sa mga tradisyong griyego ay ang kaisipan mas kaayaayang tularan ang relasyong

sekswal nalalaki sa lalaki. Isa sa mga patunay dito ang mga relikong parsona may pintang

maseselan tulad ng dalawang lalaking nagtatalik. Malawak ang tinatanggap sa lipunang griyego

ang relasyong sekswal sa pagitan ng parehong lalaki.

Ayon kay Abd Allah (1917), ang mga Siwan ng Hilagang Africa ay inaasahan nila na

lahat ng mga lalake ay may mga homosekswal narelasyon. Ang ginagawa ng mga magulang ay

ipagkasundo ang mga anak nila sa isang mas matandang lalake. Ang isang lalaki ng Siwan ay

maaari lamang magkaroon ng relasyon sa iisang mas batang lalake. Halos lahat ng mga lalaki ay

naiulat na nagkaroon ng relasyong homosekswal noong sila ay bata pa, nang umabot na sa edad

na 16-20, nagpakasal ang mga lalaki sa mga babae.

Ayon naman kay Kelly (1972), ang mga Etoronaman sa New Guinea ay mas gusto ang

relasyong homosekswal kay sa heterosekswal. Bawal sa kanila ang relasyong heterosekswal,

bawal rin ang relasyong ito sa loob o malapit sa bahay o hardin. Hindi nila ipinagbabawal ang

pagiging homosekswal dahil na niniwala sila ng magiging masagana ang kanilang mga tanim

dahil dito at lalakas ang mga lalaki nila.


Batay kay Kroeber, A. (1990) isang etnograper, ayon sa mga record ng alamat na nakalap

niya ang mga may “Berdache’s Spirit ay may natural na pagnanasa na maging babae, at saka

nilang paglaki na raramdaman nila ng sila’y nagiging babae. Ang isang indibidwal na normal sa

pisikal nakatauhan ay maaaring mabiyayaan ng ibang kasarian kasalungat sakanyang pisikal na

katauhan sila ay tanggap bilang “di-lalake” sa ispiritwal na kaugalian. Sa paniniwalang Indian ay

may mga ispiritwal na eksplenasyon. Ang mga may berdache’s spirit ay may pagnanasa sa

lalake, nagpapakasal sa lalake at may mga milagrosong kakayanan na wala sa lalake. Katulad ng

“Navajo Creation” ang berdache ay natural na produktong pagnanasa at bahagyang nagiging

babae.

Sekswal na Oryentasyon ay KonektadosaIbang Pang-kasariangKatangian

Ayon kina Ellis et al. (1990) at Glaude & Bailey (1995), na maraming pag-aaral ang

nagkumpara sa mga katangian, personalidad at ugaling mga bakla at mga tunay na mga lalaki.

Ang mga bakla daw ay may kasariang hindi tipiko sa ilang mga katangian. Katulad ng ibang

pag-aarala ng nakatuklas na ang mga bakla ay hindi masyadong agresibo kumpara sa mga tunay

na lalaki. Ayon naman kina Hall & Kimura (1995) at Rahman & Wilson (2003), na lumalabas

din sa ilang pagsusulitna sila ay mahina sa mga “male-favoring” na pagsusulit gaya ng “mental

rotation” at “targeting accuracy”, at mas mabuti sa iilang “female-favoring” na pagsusulit gaya

ng “verbal fluency” at “object-location memory”. Ang nagging resulta naman para sa mga babae

ay hindi tiyak ang kahulugan, ngunit may pag-aaralna may malaking sakop na nakatukoy na ang

mga tomboy naman ay may kasariang hindi tipiko sa modang iilang pagsusulit, gaya ng pagiging

magaling sa ilang pagsusulit kumpara sa mga babaeng heterosekswals tulad ng “mental rotation”

at hindi gaanong kagalingan sa “object-location memory”.


Ayon kay Lippa (2000), karaniwan sa mga bakla ay inilalarawan ang kanilang sarili na

“less masculine” kumpara sa mga tunay mga lalaki at ang mga tomboy naman ay karaniwang

inilalarawan ang kanilang sarili na sila ay “less feminine” kumpara sa mga tunay na babae. Ayon

kina Bailey & Oberschneider (1997), kadalasan sa mga bakla at tomboy ikinukubli ang mga

kaugaliang pang-kasarian gaya ng pagpili ng kanilang trabaho at kinalilibangan. Ilan sa mga

pinipiling mga trabahong mga bakla ay nasalarangan ng sining, teatro at sayaw, ito ay hindi

madaling maipaliwanag alinman sa terminong “gender conformity” at gender unconformity”

Nonconformity o Hindi Pagsunod sa mga Kaugalian ng Kasarian

Ayon kay Whitam, (1980) at Whitam at Mathy,(1991) isa sa pinakamalinaw na

natuklasan na may kinalaman sa kabataan o childhood ng mga bakla ay ang kanilang

pamumuhay bago sila na gingganap na kasaping pangatlong kasarian. Bilang minorya ng grupo,

ang mga batang nagging mga bakla o binansagang “pre-gay children” ay kadalasang hindi

nakasalig sa mga norms o gawing mga totoo ng mga lalaki. Maadalas sila ay hindi interesado sa

mga bagay na kinaaaliwan ng mga totoong lalaki. Ang mga “Pre-Gay Children” ay kadalasang

hindi nakikisali sa mga isports na panlalaki tulad ng Basketball, Soccer, Sepak-Takraw, Lawn

Tennis at iba pang mga isports na siyang larangan ng mga timpalak na mga lalaking bata. Mas

madalas pa silang nakikisalamuha sa mga babaeng ka-edad nila at nakikilaro din sa kanila.

Mababakas sa kanila ang tumahak ng mga karerang hindi panlalaki tulad ng mga kilalang

trabahong pambabae. At dagdag pa rito, ang relasyon sa pagitan ng hindi pagsalig o pagsunod sa

mga norms ng kasariang kinapabibilangan at homosekswalidad ay mababakas natotoo sa lahat ng

kulturang mundo.

Halos sa lahat ng mga datos, ang mga tuklas naito ay base sa mga interbyu sa mga batang

nagging bakla na sariwain nila ang kanilang kabataan. Dito, madalas na mababatid na noon pang
kabataan nila ay nagpapakita na sila ng mga gawi at kilos na sila ay napapabilang sila sa

ikatlong kasarian. Mahalaga ring bigyan ng pansin na kahit may matibay na koneksyon ang hindi

pagsalig ng mga “pre-gay child” sa mga norms ng kasaria ng kinabibilangan ay hindi pa rin ito

matibay na salik upang hatulan ang kasarian ng isang indibidwal. Mahalaga pa rin ang kabuuang

proseso ng paglaki ng isang indibidwal at preperensiya upang mabatid ang tunay na sekswal na

oryentasyon ng bawat nilalang. Ang karamihan sa mga bakla ay may “mildly gender-

nonconformist childhood”katulad ng ilang tunay na lalaki. Katulad din ng isang tomboy na hindi

na ngangahulugang magiging Lesbiano Bisexual sila pagdating ng panahon.

Ayon na man sa pag-aaral ng Australian Marriage Equality (2010), ang mga Australians

ay naniniwala na lahat ng tao ay may karapatan o pantay-pantay. Kanya may 62% ang

pumapayang sa “same sex couple” na maaring magpakasal. Pero hndi pa rin pinahihintulutan ng

batas ang “same sex partner” na ipaglalatan ang kanilang pagmamahalan o ang kanilang relasyon

sa mata ng publiko at opisyal na tao. Noong 2004, binabalewala ng gobyerno ang “Marrige Act”

upang maipakita o ipaalam ang pag-iisang dibdib lamang ay para lang sa babae at lalake sa

Australia. Na kahit ang malayong pakikipagrelasyon ng mga “ same sex marriage”. Sapagkat

nagpapakita lamang ito ng isang malaking diskriminasyon kontra sa kanilang pamilya at sa mga

tao.

Ang pagpapakasal ay nagbibigay mensahe kung paano natin binibigay ng importansya

ang ating pagmamahal sa relasyon sa mata ng lipunan. Ang tawagan ng mag asawa ay

sumisimbolo ng pagmamahal, relasyon at ang kanilang pag-iisang dibdib. Pagsinabing ang

pagmamahalan ng “same sex couple” ay hindi maari sa ating institusyon at ito ay hndi

importante na ang kanilang pagmamahalan ay walng saysay, lahat nito ay isang kamalian o

walang katotohanan.
Maraning tao na may mga relasyon sa parehas nilang kasariaan at nagmamahalan ay may

mga pangarap katulad rin ng pagpapakasal. Ngunit ang nasa batas, ang pagpapakasal ay nasa

pagitan laang ng dalawang magkaibang kasarian o sinasabing para sa nagmamahalang babae at

lalake lamang, pero kahit ganito pa ang paniniwala sa panahon ngayon at tanggap na ang “same

sex marriage” ngunit nagkakaroon pa rin nang problema sa kanilang legal na titulo.

Sa mga pag-aaral ay mayroon negatibong epekto sa kalusugan at kaayusan ng mga “same

sex partners”. Masakit ito para sa mga bakla na mataas ang moralidad. Simple lang naman ang

solusyon sa mga suliranin na ito. Ito ay pabayaan o payagan na maikasal ang mga pares na may

parehas na kasarian, at wag nang baguhin ang ibang aspeto nang nagpapakasal. Mayroon naman

silang kalayaan na magdesisyon kung magpapakasal at ang magiging maayos rin ang lahat.

Ayon kay Bill Hayden (2000), ang homosekswal na relasyon ay tanggap pa pere sa

kanyang palagay, ang pag-papakasal ay ibang usapin na, ayon pa sa kanya hindi katanggap-

tanggap ang pagpapakasal ng dalawang tao na may kaparehas na kasarian. May mga batas rin na

nakapaloob para sa mga ganitong pangyayari. Sa mga ganitong pangyayari mayroong proteksyon

na nakaalay sa kanila, para sa pantay-pantay na pagtingin sa mga bakla, pere hindi ito

nagpapahiwatig sa pagsang-ayon sa kanilang kasalanan. Ang mga nagmamahalan ay

pupuwedeng pupunta sa Canada para kumuha nang kanilang certificate na tinatanggap sa buong

mundo na sumisimbolo ng kanilang sumpaan sa isa’t isa. Marami mang magagawa ang mga

partido tungkol sa usaping para magagawa ng pagbabago sa bansa. Matagal man bago

nagkakaroon nang pag-uunawa sa kanilang, 2008 naipasa na rin ang buong rekognisyon sa

karapatan na maipakasal ang mga taong napabilang sa pangatlong uri ang buong rekognisyon sa

karapatan na maikasal ang mga taong napabilang sa pangatlong uri ng kasarian, ito na rin isang
dahilan kung bakit nawala na ang diskriminasyon tungo sa mga bakla at hindi na tumututol sa

pagpapakasal ng mga taong napabilang sa pangatlong kasarian.

Mga Kaugnay na Panitikan

Homosekswalidad sa Iba’t Ibang Lipunan

Maraming lipunan ang hindi tanggap ang homosekswalidad ngunit, mayroon din namang

ibang lipunan na tanggap ang homosekswalidad pero limitado lamang sa tiyak na panahon at

tiyak na indibidwal. Kabilang sa mga lipunang ito ay ang Lepchan ng Himalayas, Papago ng

Timog-kanluran ng Amerika, Siwans ng Hilagang Afrika, at Etero ng Papua New Guinea.

Sa Papua New Guinea, ang grupo na Etero ay isa sa pinaka-“extreme” na halimbawa ng

homosekswal na relasyon. Naniniwala sila na ang mga semen ng lalaki ay kinakailangan sa

pagbuhay ng isang “fetus” at hindi nakakapagprodyus ng semen ang mga lalaki ng sila lang.

Para maging ganap na lalaki at magkaroon ng mga anak, ang lalaki ay dapat magkaroon ng

semen at mapaparami ito sa pamamagitan ng oral sex sa mga nakakatandang lalaki sa edad na

sampu hanggang katandaan. Para sa kanila, mas binibigyang pansin nila ang lalaki-lalaki

(homosexual intercourse) na pagtatalik kaysa sa lalaki-babae (heterosexual intercourse). Ang

homosekwal na pagtatalik ay maaaring gawin ano mang oras o panahon habang ang

heterosekwal napagtatalik naman ay pwede lang gawin sa loob ng 100 days. Tuwing tatlong

taon, may mga grupo ng kalalakihan na edad biente ay pormal ng inaanusyong ganap na lalaki

(manhood). Pumupunta sila sa mga bundok na may nakatayong mga lodge para doon gawin ang

seremonya kung saan gagawin nila ang oral sex sa mga nakakatandang lalaki. Para sa kanila,

mas esensyal kung ang relasyon ay sa pagitan ng matanda at batang lalaki kaysa sa bata at bata.
Naniniwala rin sila na kapag ang lalaki ay lumaki ng sobra, ibig sabihin nasubrahan siya sa

semen at sila ay matuturingan na mga mangkukulam (witch).

Para sa mga Lepchan ng Himalayas, naniniwala sila na nagiging homosekswal ang isang

lalaki kapag kinain niya ang laman ng “uncastrated” na baboy at ito ay di kaaya-ayang tignan.

Ang mga Papago sa Timog-kanlurang bahagi ng Amerika mayroong tinatawag na “nights of

saturralia”. Dito, maaaring maipahayag ng malaya ang pagiging homosekswal. Ang mga lalaking

binabae, ginagawa ang mga trabahong pambabae, at kung hindi pa kinasal, maaari ring dalawin

ng isa pang lalaki sa kanilang tahanan.

Inaasahang ang lahat ng kalalakihan sa Siwans ng hilagang bahagi ng Afrika ay

magkaroon ng homosekswal na relasyon. Sa katunayan, ang mga ama ang gumagawa ng mga

“arrangements” para sa kanilang mga lalaking anak na wala pang-asawa na mapunta sa mga

matatandang lalaki para sa homosekswal na relasyon. Sa una, ginawa itong sekreto ng gobyerno

dahil sa takot ngunit noong 1909 ginawa na itong lantaran sa madla. Dahil dito , maraming lalaki

na kabataan ang nagkaroon ng homosekswal na relasyon ngunit karamihan naman sa ito,

nagpapakasal pa rin sa mga babae pagdating ng labing-anim hanggang dalawangpung taong

gulang.

Sekswal na Oryentasyon

Ang Sekswal na Orientasyon ay nabigyan ng pagkakataon na pansinin ito ng mga tao

noon na dati naman ay hindi pinapansin ngunit nang dahil sa pag-usbong ng unang lupon ng

homosekswalidad nagkaroon ng mansinsinang kaalaman ang mga mamamayan.


Ang pagkakaroon ng lupon ng mga bakla ay bunga sa kanilang ginagawang riot sa New

York City’s Greenwich Village na naganap noong Hunyo 1969. Sa taon na iyon nabuo ang

pinaka-unang lupon ng homosekswal ng mga tao.

Sa di kalaunan na panahon, nagkaroon na ng mga iba’t ibang termino ukol sa mga bakla,

ngunit para sa mga “gay activists” mas gugustuhin nilang matawag ang mga bakla na “gay” sa

kadahilanang maraming negatibong pahayag tungkol sa “homosexuality”.

Maraming eksperto ang nagbigay ng kani-kanilang pahayag tungkol sa homosekswal

(Fyfe, 1983, Hudson &Ricketts) . Homophobia, takot sa mga homosekswal. Iba sa mga iskolar

ay di gusting gamitin ang terminong homophobia, ang iba sa kanila ay mas gusting gamitin ang

antigay prejudice kahit ang ibig sabihin ng phobia ay mga negatibong reaksyon. (Herek, 2000),

Heterosexism, isang terminong na nagpapahayag na ang heterosexual at heterosexuality ay

normal; homosekswal na ugali ay hindi normal (Berkman & Zinberg, 1997).

Sa pagdaan ng panahon na ging malinaw na ang homosekswal na mga tao ay ang paksa

ng mga negatibong ugali. Gaya ng mga myembro ng maliliit na grupo, sila ay nakakaranas ng

diskriminasyon sa trabaho. Kung ang Black-American at mga babae na dati’y hinahadlangang

makapagtrabaho, ang mga homosekswal naman ay hindi pantay pagdating sa pagbibigay ng

sweldo. Ayon sa pananaliksik, mas edukado at may alam ang mga bakla kumpara sa mga tunay

na lalaki. (Black et al, 2000).

Sa katunayan, ang mga bakla ay karaniwang pinapatawan ng di makatarungang

pagpapatanggal sa military o sa kahit ano mang armed forces, na naging isang malaking isyu sa

panahong naka-upo sa pwesto si Pangulong Bill Clinton noong taong 1993. Naging bunga ng

naturang balita ang polisyang “Don’t ask, don’t tell “na nagsasaad na ang mga bakla ay maaaring

maging isang myembro kung itatago nila ang kanilang tunay na kasarian.
Lalong lumala ang pagtingin ng ilan sa mga homosekswal sa pagdaan ng panahon. Isa na

dito ang pagbintang sa kanila bilang isang taga-molestya ng mga bata. Ngunit ang paratang na ito

ay napatunayang walang katotohanan sapagkat dalawa o tatlong porsyento lamang ang

nagsasaad na umaabuso sila ng mga bata. (Jenny et al.,1994).

Upang mabigyang hustisya noong 1980’s, ilang estado at siyudad ang nagpasa ng batas

na nagbabawal ng diskriminasyon sa mga homosekswal. Halimbawa nito ay ang Wisconsin na

itinuturing na bawal at illegal ang diskriminasyon laban sa mga bakla sa trabaho man at pabahay.

Di kalaunan nagkaroon din ng naturang batas sa Massachusetts, Hawaii at labing pito pang

lugar.(Ebstein,1995).

May kalamangan ang mga homosekswal kesa sa mga ibang minoridad. Madaling matago

ng mga homosekswal ang kanilang istatus at madaling makipaghalubilo sa mga tao kesa sa mga

minoridad, pisikal na anyo pa lamang ay malalaman mo na ang kanyang kaibahan sa mga tao.

Ngunit ang meron ring di magandang epekto nito sa mga homosekswal, sila ay nabubuhay sa

isang malaking kasinungalingan at ang pagtanggi ng kanyang tunay na kasarian.

“Male-Male Friendship”

Ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang magkaparehong lalaki kung minsan ay

nalalampasan na ang batayan ng tunay na pagkakaibigan tungo sa isang bagay na pinagmulan

nang tuligsain ng mga manunulat ilang dekada na ang lumipas. Bahagi ng mga panunuligsang ito

ang konting tuksuhan tungkol sa mga gawain sa “male bonding” at pinalalaki ng mga seryosong

mga akusasyon na ang pagkakaibigan ng mga lalaki ay “patago” (Nardi, 1992).

Ayon kay C. Savin-Williams ( Gay and Lesdian Youth: Expressions of Identity, 1990),

ang homosekwal na oryentasyon ay nagpapakita ng pangingibabaw ng sekswal o erotic na

pakiramdam, pag-iisip, pantasya at pagkilos na nagpapakita ng kagustuhan sa kapwa kasarian.


Ito ay maari ng Makita sa murang edad pa lamang. Ito ay ang pakakaroon ng mga gawain

kasama ang kapwa kasarian. Sa kabilang banda, ang sekswal na pagkakakilanlan ay nagpapakita

ng pamalagian ng pagkakakilanlan sa mga kahulugan na ang sekswal na oryentasyon at pag-

uugali ay para sa sarili

Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng homosekswal na pag-uugali ay kuryosidad at pag-

e-eksperimento sa katawan ng kapwa kasarian. Sinasabi dito na ang isang tao ay mausisa sa

bahagi ng katawan na meron siya. Nagkakainteres daw ang tao sa mga pribadong bahagi ng

katawan. Sa kadahilanang nakababahala para sa isang lalaki na eksperimentuhan ang sex organ

ng isang babae, sa kapwa lalaki nalang siya lumalapit. Ang nais din ng mga binatilyo ay

mailabas ang tindi ng pakiramdam sa sekswal na aspeto na mahirap gawin kasama ang babae

sapagkat ito’y maaaring mabuntis

“Part of Stereotypical Notions of Romance”

Nang lumaki na, nakita at nakabasa na ang mga tao tungkol sa mga kahiwagaan ng pag-

ibig sa pagitan ng dalawang maatraktibong tao. Ang mga ito ang nagsisilbing mga mala-

pantasiyang modelo ng mga relasyong romatiko. Ang mga imaheng iyon ang humulma sa ating

kultura upang magkaroon ng pagpapahalaga sa paghahanap at pagkakaroon ng isang “desirable

partner”.

Ang sitwasyong ito ay “challenging” para sa mga bakla at tomboy na kadalasan ay

lumaking walang mga imahe o modelo, sa buhay nila o sa buhay ng ibang tao; bagkus,

pagkakaroon ng labis na kilig sa tambalan ng magkaparehong kasarian, na rumeresulta sa

pagkakaroon nila ng mas malaking kurba sa pagbuo at pagpapanatili ng mga relasyong

romantiko kumpara sa karanasan ng mga taong “heterosexual”.


Anumang sekswal na oryentasyon ng isang tao, ang pagkakaiba ng panaginip at reyalidad

ng mga relasyong romantiko ay maaaring magdulot ng labis na kalituhan, paggising mula sa

ilusyon at maging ng kaguluhan (Arlis, 2001).

Ang Pagkakilanlan at Sikolohiyang Sitwasyon ng mga Homoseksuwal

Homosexuality ang tawag sa sekswal na atraksyon at interes ng isang indibidwal sa

pakikipag-relasyon sa kapwa niya indibidwal na nasa parehong kasarian (Rathus et al., 2008).

Tinutukoy ng terminong homosexuality ang sekswal na interes ng lalaki at babae sa mga

miyembro ng kasariang kanilang kinabibilangan. Taliwas sa inaakala ng iba, ang terminong

homosexuality ay hindi lamang tumutukoy sa sekswal na kilos ng isang indibidwal. Ito ay dahil

sa ang depinisyon ng sexual orientation ay hindi limitado sa sekswal na kilos lamang. Ayon kina

Diamond et al. (2003 as cited by Rathus et al., 2008), maraming homosexual ang nakabatid na sa

kanilang sexual orientation bago pa man sila magkaroon ng karanasang sekswal. Sa Pilipinas,

bakla or binabae ang lokal na katawagan sa mga lalaking homosexual habang tomboy o lesbian

naman ang katawagan para sa mga babaeng homosexual.

Ang paksa ng homosexuality ay naging sentro na ng interes ng iba’t ibang mga tao.

Maraming iskolar at siyentista ang nagging interesado sa pagtalakay at pagpapaliwanag ng mga

dahilan ng nasabing paksa at kung ito ba talaga’y maipapaliwanag ng natural science. Maraming

tao ang nais malaman kung ang mga homosexuality ba ay likas na sa mga homosexual o kung ito

ba ay nadedebelop.

Sa sikolohiya, maaaring pag-usapan ang paksang ito sa konsepto ng “Nature vs. Nurture.

“ Tinutukoy ng “Nature” ang mga pundamental na proseso at istraktura na may kinalaman sa

biyolohiya, genetics at maaaring maipaliwanag ng siyensya. Ang Nurture naman ay tumutukoy

sa mga environmental factors na maaaring makaapekto sa isang indibidwal na maging isang


homosexual. Ayon kay Brian A. Glaude sa kanyang research study, The Biopsychology of Sexual

Orientation, (as cited in the Current Directions in Human Sexuality and Intimate Relationships,

2010), na ang homosexuality ay maaaring hereditary. Pinatunayan ito ng pag-aaral ng mga

kambal. Ang identical twins na mula sa isang fertilized ovum share 100% ng kanilang heredity

habang ang fraternal twins na mula sa dalawang magkaibang fertilized ova share 50% ng

kanilang heredity. Dahil ang mga kambal ay karaniwang lumaki sa parehong kapaligiran, ang

kaibahan ng degri ng kanilang concordance ay isang indikasyon ng genetic origin. Maraming

patunay na malaki ang posibilidad ng isang taong may identical twin na homosexual na maging

homosexual rin. Sa pag-aaral ni Bailey (2003), 52% ng identical twins ay parehong homosexual

habang 22% naman ng fraternal twins ay parehong homosexual.

Batay sa Neurohormonal Theory of Sexual Development, ang utak ay nagiging

“masculinised” ng eksposyur nito sa androgens sa puntong kritikal ng debelopment, karaniwang

tuwing prenatal or postnatal life. Ang kawalan o kakulangan ng eksposyur nito sa androgens ay

nagreresulta sa “feminized brain.” Kung gayon, ang hormonal exposure sa mga puntong kritikal

ng debelopment ay may kinalaman sa anatomical, physiological at behavioural na pagsasaaayos

ng utak.

Noong 1991, si Simon Levay (as cited in Human Sexuality in a World of Diversity), ay

nangasiwa ng autopsies sa mga utak ng 35 AIDS victims kung saan 19 ay homosexual (binabae)

at 16 ay heterosexual. Napag-alaman niyang ang laki ng ikatlong interstitial nucleus ng anterior

hypothalamus ng mga homosexual ay kalahating mas maliit kung ikukumpara sa mga

heterosexual. Mas maliit naman ang parteng ito ng mga babaeng heterosexual kung ikukumpara

sa mga lalaking heterosexual. Bagamat maraming ebidensya ang maaaring magpatunay sa


paniniwalang likas ang sexual orientation sa isang indibidwal, ang mga ito nama’y nakabatay ng

malaki sa pag-aaral sa mga hayop. Kulang pa rin ang mga direktang ebidensya batay dito.

Sa seksyon ng pananaliksik ni Savin-Williams (2010) na pinamagatang, “Biology of

Homosexuality,” nakasaad na ang teorya ng homosexuality ay may kinalaman sa gender-

atypical behaviour and personality characteristics.” Ito ay ang tendency ng isang lalaki na

kumilos na parang isang babae o maging mahinhin o ng isang babaeng kumilos na parang lalaki

o katulad ng isang tomboy. Ayon kina Bailey at Zucker (1995 as cited by Fisher and McNulty,

2010), ang homosexuality ay may kaugnayan sa gender nonconformity ng isang indibidwal o

yaong pagkilos ng isang tao na kaiba sa dapat niyang ikilos batay sa kanyang kasarian. Ayon rin

sa kanila, ang mga mahihinhing lalaki ay mas maaaring maging binabae at ang mga babaeng

lalaki ang kilos o “tomboy girls” ay mas maaaring maging lesbian o homosexual.

Saykoanalisis

Isang pagpapaliwanag ng sanhi o dahilan ng homosexuality ay batay kay Sigmund Freud,

“Ang Ama ng Psychoanalysis” Kadalasang ang mga konspetong ito ay nangyayari sa

unconscious level at hindi batid ng mga indibidwal.

Ayon sa teoryang psychoanalitiko, ang bata ay likas na bukas sa lahat ng stimulasyong

sekswal. Kapag nalampasan ng maayos ang Oedipus complex ng isang lalaki, maglalaho ang

pagnanasa niya sa kanyang ina at kilalanin niya ang sarili bilang miyembro ng kasariang

kinabibilangan ng kanyang ama. Bilang bunga, ang sekswal na atraksyon niya ay malilipat sa

miyembro ng kabilang kasarian. Kapag nalampasan naman ng babae ang Electra complex,

mawawala ang kanyang pagnanasa sa kanyang ama at magsisimula siyang maghanap ng

stimulasyong sekswal mula sa ibang lalaki kilalanin niya ang sarili bilang miyembro ng

kasariang kinabibilangan ng kanyang ama.


Ayon sa pananaw ni Freud, ang homosexuality ay resulta ng pagkabigong ayusin ang

Oedipus complex sa pamamagitan ng pagkilala sa sarili bilang kasapi ng kasariang

kinabibilangan ng ama. Halimbawa na lamang ay kapag ang batang lalaki ay mas malapit sa ina.

Ang emosyonal na ugnayan ng lalaking anak sa kanyang ina ay magtutulak sa kanyang kilalanin

ang sarili bilang kasapi ng kasariang kinabibilangan ng ina. Ayon rin kay Freud (1922/1959 as

cited in Human Sexuality in a World of Diversity, p. 40), ang lalaking anak ay baguhin ang

kanyang sarili na maging katulad ng kanyang ina. Dahil ditto, maaari siyang maging binabae at

magdebelop ng atraksyon sa mga lalaki.

Ang castration anxiety o ang takot ng isang lalaki na maalis ang maselang bahagi ng

kanyang katawan. Malaki ang papel nito sa gay male-orientation. Kapag ang isang lalaki ay

nagkaroon na ng Oedipus complex, alam na niyang maaari siyang magkamit ng sexual pleasure

sa pamamagitan ng kanyang ari. Ang sexual pleasure na ito ay iniuugnay niya sa mental images

ng kanyang ina na kanyang binubuo sa kanyang mga sexual fantasies. Bagamat hindi rin lingid

sa kanyang kaalaman na ang mga babae ay walang ari na katulad ng sa kanya. Dahil nga wala

sila nito, mabubuo sa isipan ng batang lalaki na ang mga babae kabilang ang kanyang ina ay

mayroon aring tulad ng sa kanya at ang mga ito’y naalis lamang. Dahil dito, makakapagdebelop

siya ng takot na mawawala rin ang kanyang ari kung siya lamang ang makakapag-stimulate nito.

Matatakot din siyang alisin ito ng kanyang ama sa kanya kapag hindi niya ma-repress ang

pagnanasa niya sa kanyang ina. Dahil dito, inililinya niya ang kanyang sarili sa kasariang naroon

ang kanyang ama. Kapag hindi niya ma-repress ito, magpapatuloy ang takot o ang castration

anxiety. Kung kaya, hindi niya maaatim na magkaroon ng sekswal na ugnayan sa mga babae.

Sa isyu ng mga homoseksuwal na babae, nagsisimula iyan sa pagkakaroon nila ng Electra

complex kapag sila’y bata pa. Magkakaroon sila ng pagnanais na magkaroon ng ari na katulad ng
sa mga lalaki. Dahil dito, maiingit sila sa mga lalaki at sisihin nila ang kanilang mga ina sa

kanilang sekswal na deperensya. Dito magsisimula ang pagnanasa nila sa kanilang ama dahil na

sa kanilang ama ang kinaiingitan nila sa mga lalaki. Pero dahil sa takot na hindi mawawala ang

pagmamahal ng kanyang ina sa kanya kapag nanatili ang mga pagnanasang iyon, nire-repress

niya iyon at ilalagay ang sarili sa kinabibilangan na kasarian ng ina. Mawawala ang pagnanais na

magkaroon ng ari na tulad ng sa mga lalaki at kikilalanin niya ang sarili bilang babae. Kapag

hindi ito nangyari, magiging homoseksuwal o lesbian ang babae.

KABALINTUNAAN SA IDENTIPIKASYON NG MGA HOMOSEKSUWAL

Ang pagkakakilanlan ng mga homoseksuwal na nakatali sa talinghagang “the closet”

(Betsky 1997; Brown 2000; Sedgwick 1990; Urbach 1996). Ang pagkakaugnay na ito ay

pinakamahusay na halimbawa sa pamamagitan ng parirala na "paglabas sa closet, "ang gawa

kung saan ang isang tao ay nagbubunyag ng pagiging homoseksuwal na pagkakakilanlan. (Butler

1997; Fuss 1991; Gross 1991), Ang paglabas ng pagkakakilanlan ay ang “pinaka-canonical na

ekspresyon ng pagiging homoseksuwal” (Perez 2005:177), ng "gitnang pasalaysay ng isang

positibong karanasan ng homoseksuwal"(Plummer 1995:84), isang talinghaga na kung saan ang

isang homoseksuwal ay madalas lumabas upang mabuhay (Lakoff at Johnson 1980). Habang ang

“closet” ay minsan inilarawan bilang Eurocentric (Jolly 2001; Kong, Mahoney, at Plummer

2002; Labi 2007; Phellas 2005), naglalarawan ng puting karanasan (Fung 1996;Johnson

2001;Lee 2003;McCune 2008), at lalaking may kiling(Creet1991; Halberstam 2005;Tillmann

2009), naniniwal na maraming parehong-“sex desiring”na mga indibidwal na maayos ang closet

sa ilang oras. Tulad ng mantsa (Goffman1963;Marvasti 2006), ang closet pagbuo ng pamanggit:

ang iba ay maaaring humawak ng isang taong nananagot sa iba't ibang mga pagkakataon, sa

iba't-ibang mga lugar. Kahit na parehong-kasarian na tao ay isa lang ang minimithi. Kahit na ang
same-sex desiring person ay hindi makaramdam na talinghaga sa paglalarawan ng kanyang

pagkatao o ang kanyang karanasan, pero may iba pa rin na binibigyan ito ng kahulugan at, dahil

diyan, sinusuri ang mga karanasan ng tao sa mga tuntunin ukol sa closet.

Homosexuality and Hope

Ayon sa homosekswal na propaganda, ang homosexuality ay normal at ang buhay ng

isang bakla ay masaya. Dahil sa propaganda ito isang European phychtherapist ang nagbibigay

ng daan upang maipakita ang katotohanan at pag-asa. Ang homosekswalidad ay hindi genetically

based ayon kay Gerald van den Aardweg sapagkat ayon sa kanyang katulad ito ng isang sakit na

psychological pathology at ibang mga sikolohikal na problema na kung saan maaring mabigyang

lunas. Isang sikolohikal din na problema ang pinag-ugatan ng homosekswalidad at ito ayon sa

mga ebidensyang kanilang nakalap. May pag-asa pa para sa mga hindi masayang homosekswal

na gustong magbago.

Wika ni Dr.Van den Aadweg ay isang Dutch psychologist na maraming nang mga

homosekswal na natulungan dahil sa kanyang mga naibahaging matagumpay na lunas para sa

matagumpay ding pagbabago. Ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman noon gang mga

counselor, mga pastor at mga homosekswal ah handa nang tumatanggap ng mga bagong

kaalaman at pamamaraan tungkol sa pagbabago sapagkat ang mga homosekswal ay nagkakaroon

na rin ng replekasyon sa kanilang sarili sa isang banda, ayon sa kanila ay hindi magbabago ang

isang homosekswal sa isang iglap lamang. Ang treatment o lunas na ginagamit sa pamamagitan

ng mga oryentasyon at psychotherapy ay nangangailangan ng mahabang pagpapasensiya mula sa

mismong homosekwal.

Sa kasalukuyan, ating naririnig sa paligid na ang pagkakaroon ng homosekswal na

damdamin ay normal. Isang basehan ng preference o teste. Kaya marami ang nagnanais na
maging pormal ang pagkakaroon ng same sex marriage at pagkilala sa mga tulad nila bilang

normal. Ang nais lamang ng mga homosekswal na nagsusulong sa propagandang ito ay

matanggap sila ng lubos ng mga tao sa lipunan. Ngunit dahail sa AIDS Crisis at iba pang mga

problema sa dulot ng pagiging isang homosekswal, ang kanilang pamumuhay ay hindi

matanggap ng mga tao sapagkat hindi lamang nakakasira sa mga homosekswal ang mga

problema ito ngunit pati na rin sa iba pang tao na maaring mapalapit ditto. Kaya nasabi ng may

akda na ang paraan ng pamumuhay ng mga bakla ay hindi dapat na sundin ng mga homosekswal

Ayon kay Dr. Aardweg , ang isyu tungkol sa homosekswalidad ay mailalagom: may

rason tayo na makialam, magkaroon ng pakialam sa homosekswal upang ating mas

maintindihan. Hidi siya dapat balewalain at ayon nga sa nakasaad kanina lamang, hindi mo

maibabago ang isang homosekswal sa napakaikling panahon lamang. Kung gayon. Tinatanggap

nina Dr. Aardweg ang problema sa homosekswal bilang isang napakahalagang problema na

kailangan ng pansin

Sa mga nakalipas na dekada ay may mga pag-aaral nakatuon sa pinagmulan ng

homosekswalidad. Marami ang may matibay na ebidensya na ang homosekswal ay maaring

mabago at nabago na. Ito ang isan sa mga dahilan na nagpatibay ng pag-asa upang matulungan

magbago ang mga homosekswal na nais baguhin ang paraan ng pamumuhay. Bakit nga ba

mahalaga ang pag-asang ito? Kung ating iisipin marami nga na mga homosekswal ang gusto at

nagsusulong na matanggap na ang kanilang paraan ng pamumuhay. Ayon sa awtor.

Napakaraming homosekswal ang hindi Masaya sa kalse ng kanilang pamumuhay. Kapag

nalaman nila na sila ay isang tomboy o bakla, halos lahat ng mga homosekswal ay nagkakaroon

ng deprestion mula sa kaalamang ito. Dagdag pa ng akda, ang pamaraan ng pamumuhay ng mga

homosekswal ay nagreresulta ng malaking guilt sa parte ng homosekswal. Ito ay tinatawag na


true guilt na kung saan ang homosekswal ay may guilt sa pagkakaroon ng ibang kasarian at hindi

pagiging babae o lalake sa siyang natural natin na basehan. Ang isang pang guilt na tinutukoy ay

sa mga kasinungalingan tungkol sa permamenting relasyon ngunit sa totoo ay may mga ilang

buwan. Lingo o araw ang ang itatagal. Lahat ng guilt na ito at pati na rin ang nasisirang pag-asa

ay isang mabigat na pasanin para sa mg homosekswal. Ang pag-asang ibibigay dito ay para sa

kaginhawaan mula sa mga masasakit na emosyon at pag-iisip.

You might also like