You are on page 1of 1

Ang Kuwadrong Konseptuwal sa Masining at Makaagham na Pagtuturo

at Pagkatuto ng Wika at Panitikan

Myrna Gatdula-Rabina
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Daang Taft Avenue, Maynila

Ang pag-aaral ay naglalayon masuri ang paraan ng pagpapahayag ng tema sa mga


maikling katha; matukoy ang mga bisang pampanitikang nakapaloob dito bilang estetikong
aspekto ng literatura; makalikha ng sariling iskrip bilang pagpapanibagong bihis; at, mailahad
ang impluwensya ng kasaysayan sa mga piling maikling katha. Ginamit ang palarawan o
“qualitative research” sa pagsusuri ng mga piling kathang mula sa Kanon ng Literatura gamit
ang paglalapat ng apat na Kwadrong Konseptwal na paraan: literatura bilang paraan ng
pagpapahayag ng tema; literatura bilang likhang estetiko; literatura bilang iskrip; at, literatura
bilang likha ng kasaysayan. Limang piling maikling katha ang sinuri na kinabibilangan ng
“Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg, “Tata Selo” ni Rogelio Sikat, “Walang Panginoon” ni
Deogracias Rosario, “Yumayapos ang Takipsilim” ni Genoveva Matute at “Uhaw ang Tigang na
Lupa” ni Liwayway Arceo.
Batay sa ginawang pag-aaral at masusing pananaliksik, napatunayan na ang maikling
katha ay tunay na paglalarawan ng buhay at ang mga tauhang gumaganap ay tunay na repleksyon
ng karaniwang mamamayang walang humpay na nakikibaka sa mga hamon ng buhay.
Kaalinsabay nito, ang paggamit ng kwadrong konseptwal ay malaking tulong sa pagsusuri ng
mga akdang pampanitikan tungo sa isang mas malalim at malawak na pagpapahalaga sa ating
sariling panitikan.

Mga Susing Salita: Literatura; Tema; Iskrip; Estetiko; Kasaysayan

You might also like