You are on page 1of 6

6

pagsalin nito sa Filipino na siyang higit na makapagpapadama ng hipo, kulay at


tunog ng orihinal na wika para maisakatuparan na ang paggamit ng wikang
pambansa bilang batayang wika ng pananaliksik sa buong bansa. (Mula sa
Pabliser, De La Salle University Press, 1986: viii-ix)

Ang maaring maging resulta ng proyekto ng seryeng pampanitikang ito ng 3 university presses
ay ang pagbuo ng kanon ng pambansang panitikan sa isang banda, at ang pagsasaisantabi
naman ng iba pang mga akda, sa kabilang banda.
Bukod sa mga akdang kritikal na nabanggit sa unang seksyon ng papel na ito, nariyan
ang pag-aaral ni Nicanor G. Tiongson (isa na nagpasimuno ng seryeng pampanitikan ng 3
university presses) sa Kasaysayan at Estetika ng Sinakulo at Ibang Dulang Panrelihiyon sa Malolos
(1975), ang The Iloilo Zarzuela, 1903-1930 ni Doreen Fernandez (1978), ang Origins and Rise of the
Filipino Novel, A Generic Study of the Novel until 1940 ni Resil Mojares (1983) at marami pang iba.
Sa paglabas ng bawat libroy unti-unti na nating nabubuo ang larawan ng kulturang bayan.
Napapanahon na kung gayon
ang pag-aaral na magsusuri sa pag-unlad ng
kritisismong pampanitikan sa Pilipinas na nagsasaalang-alang sa

mga kinaugatang katutubong tradisyon ng ibat ibang anyong pampanitikan,


mga masalimuot na pwersang panlipunan at pampulitika na nagluwal ng mga
spesipikong anyo, nag-impluwensya sa uri ng pagtanggap, naghikayat sa mga
tagatanggap na bumuo ng sarili nilang pakahulugan, at humubog sa kanilang
pananaw,
mga dinamikong proseso ng pagtanggap at pag-angkop ng impluwensya ng mga
dayuhang teoryang pampanitikan.

Sa gayon, maari na tayong bumuo ng sariling mga teorya at pamantayang kritikal na nauukol
at nababagay sa ating kultura.
(Tala: Hindi ko sinama dito ang huling seksyon ng aking papel. Nakatuon ang papel sa mga nalimbag
na libro. Kung gayon, hindi naisama ang ilang mahahalagang pag-aaral, halimbawa, ang Metakritisismo
sa Nobelang Tagalog ni Ma. Luisa Torres Reyes. Mula nang naipresenta ang papel na ito, marami nang
pag-aaral [ang ilan nailimbag, ang ilan di nailimbag] na maituturing na pagpalawak ng kritisimong
pampanitikan sa Pilipinas [hal. Ang Pagkukrus ng Kasaysayan at Talinhaga sa Poetika ng Babae ni
Benilda Santos, ang mga kritikal na sanaysay ni Roland Tolentino atbp. 9/29/11, TGMaceda)

You might also like