You are on page 1of 1

Produkto, Presyo, Paraan at Pang-Eengganyo: Estratehiya sa Panghihikayat

Marilyn S. Luzano, Ph.D.


Kathleen Joy V. Capellan
09161064563 /lynlenangel@yahoo.com
Institute of Teacher Education,
Isabela State University – Roxas Campus,
Rang-ayan, Roxas, Isabela, Philippines 3320

Tunugunan sa pag-aaral na ito ang mga tiyak na mga katanungan: (1) Ano-ano ang
ginagamit na estratehiya sa panghihikayat ng mga nagtitinda?; (2) Ano-ano ang batayan ng
mga mamimili sa pagbili ng produkto?; (3) Ano-ano ang salitang ginagamit sa panghihikayat
sa mga mamimili?; (4) May mahalaga bang kaugnayan ang mga ginagamit na estratehiya sa
panghihikayat ng mga nagtitinda sa batayan ng mga mamimili sa pagbili ng produkto?
Ang mga respondente ay mga nagtitinda na may isang daang bilang at gayundin ang
mga mamimili sa pamilihang-bayan ng Roxas, Isabela. Palarawan ang disenyo na gamit ang
talatanungan at obserbasyon. Ginamit ang instrumentong pang-istatistika na frequency count,
weighted mean, at Spearman Row. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, ang mga nagtitinda
ay gumagamit ng napakabibisang estratehiya sa panghihikayat batay sa produkto
(PRODUCT), paraan ng distribusyon o lugar (PLACE), at pang-eengganyo (PROMOTION).
Sa presyo (PRICE) ay walang lumabas na napakabisa.
Ang mga batayan ng mamimili ay dahil sa maganda ang produkto, magandang
kalidad, pagkakaroon ng malinaw na panuto kung paano ito gamitin o kainin, malinis, may
benepisyong hatid sa buhay ng tao, malinis ang paligid, maganda ang pasilidad, Sale, Buy1
take-1, nagbibigay ng diskwento, ang presyo’y ibinabatay sa SRP, marunong
makipagkaibigan, at sa husay sa pagdedemo ng produkto. Ang mga salitang ginagamit sa
panghihikayat ay bargain, sale, buy 1 take 1, at free gift. Nalaman na may mahalagang
kaugnayan ang mga ginagamit na estratehiya sa panghihikayat sa batayan ng mga mamimili
sa pagbili ng produkto.

Susing Salita: Produkto, Presyo, Paraan, Pang-eengganyo, Panghihikayat

You might also like