You are on page 1of 28

KABANATA I

Suliranin
Ang mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Bakit nahikayat ang mga estudyante sa pagsali sa extra
curricular activities?
2. Ano ang naging epekto ng pagsali sa mga extra curricular
activities sa pag-aaral ng mga estudyante?
3. Sa paanong paraan binabalanse ng mga estudyante ang
kanilang oras?

Layunin
Ang mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga
sumusunod na layunin:
1. Mailahad kung paano nahikayat ang mga estudyante sa
pagsali sa extra-curricular activities.
2. Matukoy ang epekto ng pagsali ng mga estudyante sa mga
extra-curricular activities.
3. Malaman kung paano binabalanse ng mga estudyante ang
kanilang oras.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang anumang pag-aaral na pinagbuhusan ng panahon ay
mayroong kaakibat na kahalagahan hindi lamang sa
makakabasa nito kung hindi maging sa gumawa ng pagaaral.

Estudyante:
Sila ay makakatanggap ng pangunahing impormasyon at
insentibo kasama na din ang suporta sa kanyang sarili,
nahuhubog din ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng
pagsali sa mga extra-curricular activities. Isa pa, mas
nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili at natututo silang
magkaroon ng magandang pakikisama sa ibang tao o
pakikipagkaibigan. Bukod pa rito, silay nagiging popular o
tanyag dahil sa kanilang pagsali sa mga kompetisyon.

Puno ng organisasyon:
Sila ay nabibigyan ng pagkilala dahil sa mga estudyanteng nanalo
sa mga kompetisyon na kasapi sa kanilang organisasyon. Isa pa,
sila ay nagkakaroon ng magandang samahan sa ibang tao at mas
tumataas ang tingin ng ibang tao sa kanila dahil sa mahusay na
pagtuturo nila sa mga estudyante.

Magulang:
Ang extra-curricular activities ay malaki ang naitutulong sa
kanila. Sila ay nagkakaroon ng diskwento sa matrikula sa
paaralan, bukod pa dito, ang karangalan na makukuha ng
kanilang pamilya ay dahil sa nakakamtang tagumpay ng kanilang
mga anak na nagiging tagumpay na din ng buong pamilya.

Unibersidad:
Ang tagumpay ng mga estudyante ay tagumpay din ng paaralan
o unibersidad na kanilang pinapasukan sapagkat, nirerepresenta
nila ito sa tuwing sila ay lumalaban sa ibat-ibang paaralan. Ang
bawat parangal at tagumpay na nakakamtan ng mga estudyante
ay kumakatawan at nagrereplek din sa kanilang unibersidad.

Sa Mananaliksik:
Ang kahalagahan ng pag-aaral nito sa kanila ay ito ang
magsisilbing gabay nila sa mga susunod nilang pananaliksik.
Ang mga magiging kasagutan o mga impormasyon na kanilang
makakalap mula sa kanilang mga respondante ay maaari nilang
gamitin bilang basehan kung sila ay maging interesado din na
sumali sa mga extra-curricular activities.

KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay
tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa pagaaral, pamamaraang sampling, mga instrumento
sa pangangalap ng datos, disenyong ginamit sa
pagsusuri at paraan ng pangangalap ng datos.

Sosyo-demograpikongkatangian:

Edad

Kasarian

Tirahan

Kurso

Buwanangkitangmagulang

Ang aming pananliksik ay nakabase


sa sumusunod na paradaym

Title:

EpektongExtra-CurricularActivitiessaKasanayang
Pang-AkademikongmgaEstudyante

Extra-CurricularActivities:

Positibongepekto

Negatibongepekto

Ang sosyo-demograpikong katangian ay naglalarawan ng mga


personal na impormasyon ng mga respondante. Ito ay layong masagot
sa talatanungan na ipinamudmod ng mga mananaliksik.
Ang mga positibo at negatibong epekto ng extra-curricular activities
ang sasagot sa suliranin ng pag-aaral ng mga mananaliksik.
Ang ikatlong bahagi ay ang naging kalabasan o output ng pag-aaral na
nagsasaad ng mga epekto ng extra-curricular activities sa kasanayang
pang-akademiko ng mga estudyante.

Balangkas ng Konsepto
Ang aming pananaliksik ay ibinase sa pag-aaral ni
Kimiko Fujita na The Effects of Extracurricular
Activities on the Academic Performance of Junior High
Students na isinagawa sa Masters College mula 2002
hanggang 2016.

Nakasaad dito na:


Research indicates that participation in extracurricular activities affects students
academic performance. More specifically, studies have been conducted assessing
the effects of specific extracurricular activities on academic performance. The
purpose of this study was to determine whether or not the activities in which junior
high school students choose to participate have an effect on their academic
performance. The studys survey instrument which was distributed to students
enrolled in grades 6 through 8 at Walnut Creek Christian Academy during the
2004-2005 school year requested demographic information in addition to the five
Liker t-type scale questions. The data revealed that, according to the students
surveyed, playing sports, watching television, and participating in community
service improves academic performance, while playing a musical instrument does
not improve academic performance. Therefore, it was concluded that
extracurricular activities affect academic performance and that the effect depends
on the specific activities in which the student is involved.

Nakakaapekto ang ekstra-kurikular na gawain depende sa kung anong


particular na organisasyon kabilang ang isang estudyante.

Pamamaraang Sampling
Ang sampling na ginamit ay purposive para sa
organisasyon at incidental para sa mga respondante.
Ang purposive sampling ay tinatawag ding
Judgmental Sampling. Ang mga respondante ay
pinipili batay sa kaalaman ng isang populasyon at
ang layunin ng pag-aaral. Ang incidental sampling
naman ay isang paraan ng sampling na kung saan
ang mga mananaliksik ay pinipili ang kanilang
respondente sa kung sino lamang ang maaari sa oras
na sila ay mangangalap ng impormasyon.

Instrumento ng Sampling
Ang instrumento ng sampling na ginamit sa aming pananaliksik
ay isang talatanungan na sasagutin ng mga respondante. Ito ay
nahahati sa dalawang bahagi: ang unang bahagi ay tungkol sa
sosyo-demograpikong katangian ng mga respondante at ang
ikalawa naman ay sasagot sa suliranin ng pag-aaral na ito.

Paraan ng Pangangalap
Ang mananaliksik ay personal na nangalap ng mga datos para
sa pag-aaral na ito gamit ang talatanungan na kanilang
inihanda. Ang mga talatanungan na ito ay ipinamudmod at
kinolekta mula sa mga respondante upang makalap ang mga
kinakailangang impormasyon o datos na sasagot sa suliranin ng
pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng metodong
deskriptiv at kwaliteytiv upang maipaliwanag ng
mabuti ang mga epekto ng extra-curricular activities
sa kasanayang pang-akademiko ng mga estudyante.

Pagsusuri ng mga Datos


Ang mga nakalap na datos mula sa mga respondante
ay itinala, itineybol, ipinaliwag at sinuri gamit ang
frequency counts at percentage means.

Formula:

X 100

%=Percent
f=Frequency
N=Kabuuangbilangngrespondante

KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISIS, AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga interpretasyon
ng mga nakalap na datos na may kaugnayan sa epekto
ng extra-curricular activities sa kasanayang pangakademiko ng mga estudyante. Kinapapalooban din ito
ng mga impormasyong pangsosyo demograpiko.

Impormasyong Pangsosyo-Demograpiko
Ang mga impormasyong pangsosyo-demograpiko ng
mga mag-aaral ay may malaking gampanin sa pag-aaral
na ito.

Teybol1:ImpormasyongPangsosyo-Demograpiko
KURSO

BILANG

PORSIYENTO

BS NURSING

1.35%

BSMC

1.35%

BSIT

2.70%

BS CRIMINOLOGY

4.05%

BSA

4.05%

BS POLITICAL SCIENCE

5.41%

AB ENGLISH

6.76%

BSTM

6.76%

BSED

9.46%

BSBA

10.81%

BSHRIM

12.16%

BS PSYCHOLOGY

10

13.51%

BSMT

16

21.62%

KABUUAN

74

100%

Ayon sa mga datos na aming nakalap, 16 ang may pinakamataas na


bilang ng respondante ay nagmula sa kurso ng Bachelor of Science in
Medical Technology (BSMT) na may porsiyentong 21. 62% at dalawa
naman ang nakakuha ng bilang na 1 na siyang may pinakamaliit na
bilang. Ito ay ang mga nasa kurso ng Bachelor of Science in Nursing
(BSN) at Bachelor of Science in Mass Communication (BSCM) na
may porsiyentong 1.35%.
EDAD

BILANG

PORSIYENTO

16-17

40

54.79%

18-19

23

30.14%

20-pataas

11

15.07%

KABUUAN

74

100%

Mula sa kabuuang bilang na 74 ng mga respondante, ang


may pinakamalaking bilang ng edad ay 40 na nasa 16
hanggang 17 na may porsiyentong 54.79% at ang
pinakamaliit na bilang ay 11 na nasa 20 at pataas na edad
na may porsiyentong 15.07%.
KASARIAN

BILANG

PORSIYENTO

Babae

37

50%

Lalaki

37

50%

KABUUAN

74

100%

Mula sa kabuuang bilang na 74 ng mga respondante,


pareho lamang ang bilang ng mga babae at lalaki. Ito
parehong may bilang na 37 at may porsiyentong 50%.

TIRAHAN

BILANG

PORSIYENTO

Aliaga

1.35%

Aurora

1.35%

Laur

1.35%

Pampanga

1.35%

Quirino

1.35%

San Isidro

1.35%

Tarlac

1.35%

San Leonardo

2.70%

Bongabon

4.05%

Gabaldon

4.05%

Gapan

5.41%

San Jose

6.76%

Talavera

12.16%

Cabanatuan

41

55.41%

KABUUAN

74

100%

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pinakamalaking


bilang ng mga respondante na 41 ay nakatira sa Lungsod ng
Cabanatuan na may porsiyentong 55.41% at pito naman sa
mga ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bilang na 1. Sila ay
nakatira sa Laur, Aliaga, Tarlac, San Isidro, Pampanga,
Aurora, at Quirino na may porsiyentong 1.35%.
BUWANANG KITA

BILANG

PORSIYENTO

P1,000-P10,000

16

21.62%

P11,000-P20,000

24

32.43%

P21,000-pataas

34

45.95%

KABUUAN

74

100%

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pinakamalaking


bilang ng buwanang kita ng mga magulang ng mga respondante
ay P21,000 at pataas na may bilang na 34 at porsiyentong
45.95% habang ang pinakamaliit naman na may bilang na 16 ay
P1,000 hanggang P10,000 na may porsiyentong 21.62%..

You might also like