You are on page 1of 3

Kabanata III

Metodolihiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay may disenyong kwalitatibo -diskritibong pag-aanalisa

sa mga opinyon at saloobin ng mga datos na nakalap . Ito ay nakabatay sa mga opinyon

ng respondanteng napili at sa sagot na maging batayan ng resulta hindi ito humihingi ng

mga numerong eksakto sa mga sumagot . Ito ay deskriptibong nakabatay sa opinyon at

saloobin sa hinggil sa talatanungan ibinigay na ginamit sa surbey .

Respondente

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng surbey kung saan ang mga

respondente ng ay mga mag-aaral ng Senator Ninoy Aquino National High School ng

SHS kung saan hindi kumulang at humigit sa eksaktong isang libo`t limang daan

respondent na nag-aaral sa naturang paaralan kung saan kabilang sa taong panuruan

2022-2023.

Tritment ng mga Datos

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang

Epektong dulot ng ‘’Persepsiyon ng mga mag-aaral sa pagkakaiba ng Wikang

Filipino,Pilipino at Tagalog sa kamalayang Emosyonal , Sosyal ,Sikolohikal , ng mga

SHS, Senator Ninoy Aquino National High School S.Y. 2022-2023’’ ayon sa mga piling

mag-aaral na ginamit ang simple ramdom sampling kung saan ang pagpili ng mga

respondente ay nakabatay sa kinabibilangan nilang grupo o seksyon .Ang mga napiling


respondent ay ang mga piling mag-aaral ng SHS,Senator Ninoy Aquino National High

School .

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa kalagitnaan ng pandemya kaya ang lugar

ng saklaw ng pananaliksik na ito ay konkretong ilalahad sa paaralan ng Senator Ninoy

Aquino Nantional High School kung saan lahat ng mga mag-aaral na nakasali sa taong

panuruan 2022-2023.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkakalap ng mga datos na magagamit ng mag-aaral.

Survey ay nagbibigay ng ideya sa mga mag-aaral kung ano ang epekto ng pagkakaiba

ng Wikang Filipino,Pilipino at Tagalog sa mga mag-aaral .Ang mga talatanungan ay

ibinisa sa pamamagitan ng internet kung saan ito ang naging daluyan ng mga

mananaliksik upang kunin ang datos ng pag-aaral na ito .

Teknik sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sag a libro at mula sa

internet upang lubos na maunawaan at maipaliwanag ang saklaw at posibilidad sa pag-

aral upang matiyak ang kalidad ng iprepresentang datos.Ginamit ng mga mananaliksik

ang talatanungan na gamit ng hatirang pang madla o social media sa pangkolekto ng

mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga taga sagot .Ang

mga mananaliksik ay nagsagawa ng orientasyon sa mga mag-aral at sinuguro ang


pagiging kompidersyal ng mga nakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan

upang mas maipahayag ang mga sasagot ng tanong .

You might also like