You are on page 1of 3

KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pamamaraan at disenyo na gagamitin upang

maunawaan ang at maiintindihan ang mga maidudulot ng SOGIE Bill sa atin at maging sa

komunidad ng LGBTQIA+.

Pamaraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin

Sa bahagi na ito ay maihahayag at maipaliliwanag ang gagamitin na instrumento

at paraan sa pangangalap ng datos para sa pagsusuri, pag-aaral at pag-aanalisa nito.

Kabilang na ang mga respondenteng lalahok sa pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Kwantitatibong metodo ang napiling disenyo ng mas madaling maipresenta ang

nakuhang mga datos mula sa tugon ng mga lumahok na respondente. Napili ang ganitong

disenyo upang organisadong mailarawan ang pag-aanalisa ng mga mananaliksik base sa

pagsagot ng respondente sa talatanungan. Talatanungan ang gagamitin sa pag-aaral na ito

upang makuha ang kanilang mga tugon. Mga mag-aaral sa unang taon sa ilalim ng CASS

ang napiling mga respondente para sa pananaliksik na ito.

Ang mga Instrumento

Ang gagamiting instrumento para sa pag-aaral na gagawin ng may pag-iingat at

sinisiguro na ang magiging datos ay magiging kumpidensyal.


1. Pangangalap ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral- Sa pag-aaral na ito

ay naghanap ng mga kaugnay na pag-aaral at mga literature mula sa mga iba’t ibang mga

hanguan gaya na lamang ng Internet, libro at mga artikulo. Ang mga ito ay nagsisilbing

gabay sa paggawa ng pag-aaral na ito.

2.Pagbuo ng Talatanungan- ang talatanungan na ito ay isinagawa sa Google

Forms at binubuo ng apat na bahagi, ito ay ang mga sumusunod:

a.) sosyo-demograpikong katangian ng mga respondent batay sa kanilang edad,

kasarian, at kurso.

b.) interpretasyon ng mga mag-aaral sa unang taon sa ilalim ng CASS tungkol sa

pagpasa ng SOGIE bill

c.) mga salik na nakaapekto sa pagbuo ng kanilang interpretasyon ukol sa pagpasa

ng SOGIE bill

d.) magiging epekto nang nabuing interpretasyon ng mga mag-aaral sa unang taon

ng CASS sa SOGIE bill.

Bago isagawa ang pag-sarbey, ipapaalala muna sa mga respondente na magiging

kumpidensyal ang makukuhang datos.

Sa unang bahagi ng talatanungan ay sagutan lamang ang mga hinihingi. Sa

pangalawa hanggang sa huling bahagi ay i-tsek (/) kung ang kanilang tugon ay 4- Lubos

na sumasang-ayon, 3- Sumasang-ayon, 2- Hindi sumasang-ayon at 1- Lubos na hindi

sumasang-ayon.
Pagkuha ng Datos

Ang talatanungan o Online Questionnaire ay isasagawa sa Google Form at

ipapasa sa kanilang social media accounts gaya na lamang ng Facebook at Gmail. Sa

paraang ito ay makakalap ang kanilang tugon kahit hindi ito isagawa personal.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Taong-Panuruan 2022-2023. Ang napiling

respondent ay ang mga mag-aaral sa unang taon sa ilalim ng CASS. Ang bilang ng mga

respondent ay limampu (50).

Pag-aanalisa ng Datos

Sa pag-aanalisa ng datos, ginamit ng mga mananaliksik ang frequency, weighted

mean at porsyente. Kinuha rin ang iba pang impormasyon gaya ng edad, kasarian at

kurso.

Sa unang bahagi ng talatanungan ay gagamitan ng frequency at porsyente. Sa

pangalawa hanggang huling bahagi naman ay gagamitan ng weighted mean.

You might also like