You are on page 1of 8

KABANATA II

Metodolohiya ng Pananaliksik

Malinaw at tiyak na tinukoy ng kabanatang ito ang mga pamamaraan ng pananaliksik na

gagamitin sa pagsasagawa ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Gayundin, ang mga kadahilanan at

katwiran sa likod ng disenyo ng pananaliksik na magiging pundasyon ng pag-aaral, ang mga

respondente na may malaking papel sa pag-aaral, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng

pangangalap ng datos, at pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng mananaliksik ay tumutukoy sa pangkalahatang stratehiya na pinili ng

mga mananaliksik upang isama sa bahagi ng pag-aaral. Ito ay nagsisilbing batayan at gabay para

sa koleksyon, pagsukat, at pagsusuri ng mga datos.

Mga kalahok sa pag-aaral


Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng isang-daan (100) na magaaral na nagmula sa

Unang Taon ng Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos Campus taong kasalukuyan. Ang

metodo na ginamit sa pagpili ng tagatugon ay Purposive Sampling kung saan ang mga

mananaliksik ay pipili ng mga tagatugong makakapagbigay ng impormasyong naaayon sa pag-

aaral. Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aarl sa Unang taon ng Kolehiyo na naka ranas

ng ibat ibang resulta sa Pandemya habang sila ay nag aaral.

Mga Respondente Bilang ng Respondente

25

25
25

25

TOTAL 100

Lugar ng pag-aaral
Ang lugar ng aming pag-aaral ay sa Bulacan State University-Bustos campus kung saan

dito naming makukuha ang aming datos at mga tigatugon upang magamit naming para sa aming

gagawing Research tungkol sa Ang Resulta ng Pandemya sa mga magaaral sa unang Antas ng

Kolehiyo sa Bulacan State University-Bustos Campus.

Instrumento ng Pananaliksik

Para sa hangarin ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksikay napiling gamitin ang self-

administered questionnaire bilang instrumento ng pananaliksik. Ang self administered

questionnaire (SAQ) ay tumutukoy sa isang palatanungan na sadyang dinisenyo upang

makumpleto ng isang tagatugon nang walang interbensyon ng mga mananaliksik (e.g. isang

tagapanayam) na nangongolekta ng datos (Lavrakas, 2008). Sa tulong ng Google Forms ay ito’y

masagutan ng mga tigatugon sa panahon ng pandemya

Ang palatanungan ay nahahati sa dalawang seksyon:

A- Sa seksyong ito, kinakailangan na sagutin ng mga sumasagot ang mga tipikal na katanungan

sa isang palatanungan sa sarbey tulad ng pangalan, edad, kasarian, atbp.


B- Sa bahaging ito, naglalaman ito ng mga tanong na ibinigay ng mga mananaliksik upang

tipunin ang mga datos na kailangan nila para sa pananaliksik. Ang mga sagot ay ibinigay, at

tinitiyak ng mga mananaliksik na ito ay walang pinapanigan at hindi

nakakasakit sa mga tagatugon.

Panggangalap at pagtitipon ng datos


Para sa pamamaraan ng pagkalap ng datos, ang mga mananaliksik ay kailangan na

kumuha ng permiso para sa mga potensyal na tagatugon ng ginagawang pananaliksik. Isang

obligasyon ng mga mananaliksik na protektahan ang identidad at kompidensiyal na

impormasyon. Sa pagkolekta ng mga datos na kailangan, minabuti ng mga mananaliksik na

kuhanin ang datos ng kabuuang bilang ng mga nasa unang taon ng kolehiyo sa Bulacan State

University-Bustos Campus. Ginamit ng mga mananaliksik ang talatanungan sa pagkuha ng mga

datos mula sa tagatugon upang mapadali hindi lang para sa mga mananaliksik kung hindi maging

sa mga tagatugon ang pagsagot.

Pagsusuri ng datos
Ang mga nakalap na datos ay pinagsama-sama, isinaayos at inalisa upang masahot ang mga

suliranin ng pag-aaral. Para ilarawan ang mga sagot ng mga tagatugon ginamit ng mga

mananaliksik ang Nominal Scale kung saan ay ito ay makakapag labas ng datos gamit ang mga

visual aid katulad ng bar at pie chart. (Bilang sumagot sa isang sagot/ bilang ng mga tigatugon X

100).

I. Impormasyon ukol sa Talatanungan


Ang Talatanungan na ito ay inihanda para sa mga mga-aaral ng Bulacan State University-

Bustos Campus na nasa unang taon ng Kolehiyo. Naglalaman ito ng mga katanungan na sasagot

sa Resulta ng Pandemya sa mag aaral.

Ang Self-administered questionnaire na ito ay espesipikong dinisenyo para kumpletuhin ng mga

tagatugon ng walang pakikialam ng mga mananaliksik (Lavrakas, 2008). Kapag na tapos mo ng sagutan

ang mga katanungan, maari mo na I click ang submit button na nasa dulo ng Google Form. Makakaasa ka

na kompidensyal ang iyong magiging sagot.

A. Propayl ng Tagatugon

Pangalan: __________________________ Kasarian: ____________________________

Edad: ______________________________ Kurso at Sekyon: _____________________

B. Inisyal na Reaksyon

1. Naging mahirap ba ang pag-aaral ngayon dahil sa pandemya?

•Oo

•Hindi

2.Mas madali mag-aral sa onlayn na klase kaysa sa harapang klase.

•Oo

•Hindi

3.Nahihirapan ako magfocus sa onlayn na klase kesa sa ftf klase.

•Oo

•Hindi
4. Ang trabaho ng aking magulang ay nagbago na resulta ng pandemya.

•Oo

•Hindi

5. Ang badyet ng aming tahanan ay mas limitado ngayon na resulta ng pandemya.

•Oo

•Hindi

6. Ako ay naging produktibo bilang isang mag-aaral kahit na nasa gitna ng pandemya.

•Oo

•Hindi

7. Hindi na ako pumupunta kung saan-saan dahil sa takot na mahawaan ng virus.

•Oo

•Hindi

8.Dahil sa onlayn na klase, nagagawa ko ang mga aktibidad kahit saang lugar

•Oo

•Hindi

9.Mas lumuluwag ang oras sa pag gawa ng mga aktibidad at iba pang gawain dahil sa onlayn na

klase

•Oo
•Hindi

10.Mas nakatulong ang onlayn na klase sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya.

•Oo

•Hindi

.Output:

Kami ay gagawa ng booklet na nag papakita kung pano naapektuhan ang mga mag aaral at kung

ano anong mga positibo na idulot sa kanila ng pamdemya para makita na hindi lamang puro

negatibo ang naging epekto nito satin.

Talasanggunian

-Vercide, Jhoemz, 29 May 2020, Online Classes: Epektibo nga ba para matuloy ang pasukan?, Taguig

City University. Retrieved from https://thelookout.com.ph/article/online-classes-epektibo-nga-ba-para-

matuloy-ang-pasukan

- Picardal Enrique B. Jr, (2020), Ang mga epekto ng pag-aaral sa online na edukasyon sa pagganap ng

mga mag-aaral dahil ng covid 19 pandemic, Biliran Province State University, Naval Province Biliran:

Retrieved from Ang_mga_epekto_ng_pag_aaral_sa_online_na.pdf

Lavrakas, P. (2008). Encyclopedia of survey research methods. DOI: Retrieved from

http://dx.doi.org/10.4135/9781412963947
-Cathy Li & Farah Lalani, April 29 2020, The COVID-19 pandemic has changed education forever,

Denmark, World Economic Forum: Retrieved from

https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-online-digital-learning/

-Kimberly Chriscaden, October 13, 2020, Impact of COVID-19 on people's livelihoods, their health and

our food systems, World Health Organization. Retrieved from https://www.who.int/news/item/13-10-

2020-impact-of-covid-19-on-people's-livelihoods-their-health-and-our-food-systems

-Bryn Nelson, May 4, 2020, The positive effects of covid-19, UK, thebmj: Retrieved from

https://www.bmj.com/content/369/bmj.m1785

-Amanda Farnsworth, 2020, Coronavirus around the world, BBC NEWS: Retrieved from

https://www.bbc.com/news/world-51235105

-Joel Persson, Jurriaan F. Parie, and Stefan Feuerrigel, June 29, 2021, Monitoring the COVID-19

epidemic with nationwide telecommunication data, USA, National Academy: Retrieved from

https://www.pnas.org/content/118/26/e2100664118

-Allen Grove, 2020, Kahulugan ng Pampublikong Unibersidad, Estado, eferrit Retrieved from

https://tl.eferrit.com/kahulugan-ng-pampublikong-unibersidad
-Francisco Montesena, June 2020, Ang Pagtuturo ay Isang Tuldok sa Pandemya, Agono, Rizal,

National Book Development Board. Retrieved from https://booksphilippines.gov.ph/ang-

pagtuturo-ay-isang-tuldok-sa-pandemya.

-Ivan P. Clarin, May 2021, Pandemya ng COVID-19 SA PILIPINAS, Wikipedia. Retrieved from

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19_sa_Pilipinas

-Ralf Rivas, May 7, 2021, Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya, Rappler.: Retrieved from

https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-coronavirus-pandemic-

employment-labor-sector-philippines.

(Vanderlind et al. 2020)

(Zhao et al. 2020)

(Bruin et al. 2020)

(Diaz-Garcia et al. 2020)

(Sohrabi et al. 2020)

You might also like