You are on page 1of 8

Kabanata II

Kaugnay na Pag-aaral at Literature

Ang edukasyon ay ang proseso ng pag-aaral at pagtuturo na naglalayong


maghatid ng kaalaman, kasanayan, at pag-unawa sa mga mag-aaral. Ito rin ay ang
paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng ating isipan na nagsilbi ring
proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang kaisipan, paghuhubog ng
kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa intelektuwal na aspekto para sa
pagtahak ng buhay. Ito rin ay ang siyensiya or sining ng pagtuturo ayon sa diksyonaryo
ng Random House.

Maraming nagsasabing pera na ang nagpapa-ikot ng mundo. Sabi pa nga sa


isang linya mula sa bibliya “For the love of money is a root of all kinds of evil”. Ngunit,
sa panahon ngayon, para nang requirements ang pera para makapag-aral sa isang
magandang unibersidad. Bago makapunta sa eskwelahan, kailangan mong mamasahe.
Pagdating ng tanghalian at meryenda, kailangan mong maglabas ng pera para
makabili. Ibig sabihin, ang pera ay isang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Kadalasang hindi prinoproblema ang kahirapan ng kurso, mas nagiging problema nga
ang pagkukuhaan ng pangmatrikula (Pagkaliwagan ,2014)

Ang kahirapan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang epekto sa mga estudyanteng


kolehiyo. Isa sa mga epekto nito ay ang pagiging “working student,” kung saan ang mga
estudyante ay nagtatrabaho habang nag-aaral upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng pagkawala ng
saysay sa kanilang pag-aaral at maaaring makaapekto sa kanilang akademikong
performance

Ayon kay Villeroz (2014) ang pagiging working student ay hindi biro. Ang pinaka
matinding kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong paaralan ay ang
kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral ay isa sa pinaka
mahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling makapag-aral, may
ibang estudyante na nakatuon ang pansin sa kanilang pangangailangan na makahanap
ng trabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa
makatuwid, kailangan talaga ng pagpuporsige para makatapos ng pag-aaral.

Ayon kay Queena III (2017) ang mabuting epekto ng isang working student ay
ang pagkakaroon ng sweldo na maaaring gamitin sa pag-eenroll o mga bayarin sa
paaralan. Nagpapahiwatig lamang ito na dapat mas bigyang halaga ang bagay na
makatutulong sa kanilang paglago bilang isang studyante.

Ayon kay Mohaiya S. Pua, dahil sa kahirapan maraming mga kabataan ang di
nakapag-aral na siyang isa sa mga dahilan sa maagang pag-aasawa at naging dagdag
na dahilan kung bakit mas lalong naghirap ang karamihan.

Batay Kay Maria Josie Roldan, ang kahirapan ay may malaking epekto sa
pagkatuto ng mag-aaral. Ang mga mag-aaral na naninirahan sa mayaman at may
edukasyong mga tahanan at pamayanan ay higit na matagumpay sa akademiko,
habang ang mga nakatira sa kahirapan ay madalas na nasa likod ng akademiko. Ang
kahirapan ay isang mahirap na hadlang upang mapagtagumpayan. Nagpapatuloy ito sa
bawat henerasyon at nagiging tinatanggap na pamantayan, na ginagawang halos
imposibleng masira ito. Bagaman ang edukasyon ay isang mahalagang bahagi ng
paghiwalay sa kahirapan, karamihan sa mga mag-aaral na ito ay nasa likod ng
akademiko na hindi sila magkakaroon ng pagkakataong iyon dahil sa mga problemang
sosyo-ekonomiko na kinakaharap.

Malaki ang epekto ng kahirapan sa buhay ng isang mag-aaral. Isa ito sa nag
lilimita sa pag unlad ng isang mag-aaral sa larangan ng edukasyon. Iba ang sitwasyon
kung ang isang mag aaral ay nangaling sa isang mahirap na pamilya dahil mas
maraming balakid sa kanyang pag-aaral. Unang una ay sa pag pili ng kurso, may mga
mag aaral na gustong kumuha ng medisina, ngunit sa kawalan ng kakayahan na pang
tustos sa matrikula ay iba nalang ang kinukuha.

Pangalawa ay ang walang sapat na pangastos sa pang araw-araw, may mga


mag-aaral na mas inuunang gastusan ang mga proyekto kaysa bumili ng pagkain o
meryenda para masiguro na sila ay papasa, ngunit mahirap mag aral ng walang laman
ang tiyan dahil mawawala ang konsentrasyon ng isang estudyante at nagiging sanhi ito
sa kanilang pagbagsak. Pangatlo ay ang sobrang pag-iisip ng isang estudyante
patungkol sa kanyang pinansyal na aspeto, maaring mauwi ito sa stress kung ito ay
mag patuloy, isa rin ito sa mag papahina ng kagustuhan ng isang estudyante para
magtapos.

Ngunit ang mga ganitong sitwasyon ay kasama na sa buhay ng isang


estudyante, kailangan lang ng tiyaga at pagsisikap upang malampasan ang ganitong
klaseng pag subok. Palaging isipin na ang “kahirapan ay hindi hadlang upang
magtagumpay” dahil marami na ang nag patunay na lahat ng tao, mahirap man o
mayaman ay kayang mag tagumpay at abutin ang kanyang pangarap.
Kabanata III

Metodolohiya

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at


paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at matatagpuan dito ang
disenyo ng pananaliksik.

A. Disenyo ng Pag-aaral

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong methodolohiya


ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng
mananaliksik na gamitin ang ''Descriptive Survey Research Design ''na gumagamit ng
talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng Datos. Naniniwala ang mga
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat para mas
mapadali ang pangangalap ng mula sa maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga taga sagot ng mga talatanungan, ngunit
ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa
talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito
sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at observation upang
mas makadagdag sa pagkalap ng mga Datos at impormasyon.

Ilalarawan sa pag-aaral na ito ang epekto ng kahirapan ng sa pag-aaral ng


mga mag-aaral ng BSHM 3A ng ACLC Tacloban College ng akademikong taon 2023-
2024.

B. Local at Populasyon

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang "


Epekto ng kahirapan sa pag-aaral ng BSHM 3A ng ACLC Tacloban College" ginamit
ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa
kinabilangan nitong grupo.

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral ng BSHM


3A ACLC Tacloban College. Ang kabubuag bilang ay may 43 respondente na mag-
aaral ng BSHM 3A na maaring kumatawan sa kabuuang ng pag-aaral.

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa BSHM 3A ng ACLC


Tacloban College taong 2023-2024.

KABUUANG BILANG NG KASARIAN NG MGA SEKSYON NG MGA


RESPONDENTE MAG-AARAL NA RESPONDENTE
TAGASAGOT

43 14 lalaki BSHM 3A

29 babae BSHM 3A

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral


upang masiguro na nauunawaan ng mga taga sagot sa mga talatanungan ang bawat
bagay maging ang pagiging kompidensyal ng bawat Datos upang maipahayag ang
kanilang nararapat at kailang mga impormasyon.

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang


pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang
talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at any survey ukol sa
paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba't ibang persepsyon sa mga mag-
aaral kung ano ang epekto ng kahirapan sa BSHM-3A ng ACLC COLLEGE OF
TACLOBAN.
Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang
komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

Talatanungan

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Epekto ng Kahirapan sa BSHM-3A ng


ACLC College of Tacloban” ay naglalayong malaman ang mga salik na nakakaapekto
sa mga estudyante ng BSHM-3 ng ACLC COLLEGE OF TACLOBAN ang kahirapan.

Panuto: Pakibasa at sagutan ang mga katanungan na may kaugnayan sa epekto ng


kahirapan sa inyong pag-aaral. Piliin ang pinakanaaangkop na sagot mula sa mga
pagpipilian.

Pangalan (Opsyonal):

Seksyon:

1. Paano nakakaapekto ang kahirapan sa iyo at sa iyong pag-aaral?

a) Lubos

b) Katamtaman

c) Bahagya

d) Hindi

2. Ang kahirapan ba ang sanhi sa bilang ng mga dropout sa paaralan?

a) Lubos

b) Katamtaman

c) Bahagya

d) Hindi
3. May epekto ba ang kahirapan sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral?

a) Lubos

b) Katamtaman

c) Bahagya

d) Hindi

4. May mga materyales ba sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa mahirap na tahanan?

a) Lubos

b) Katamtaman

c) Bahagya

d) Hindi

5. Nakakabigay ba ng stress ang hindi sapat na panggastos para sa pang-araw-araw?

a) Lubos

b) Katamtaman

c) Bahagya

d) Hindi

D. Paraa sa Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na


maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang
kalidad ng ipipresentang datos.
Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali
sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng
maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga
nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas
makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Decembre hanggang Enero ng taong


kasalukuyan. Ang pagkolekta ngdatosay sinagawa ng isang araw kung saan maalwan
na oras para sa mga mag-aaral.

Upang masiguro ang impormasyong nakalap ay nagsagawa ng interbyu ang


mananaliksik sa mga istudyante ng BSHM-3A ng ACLC COLLEGE OF TACLOBAN.

You might also like