You are on page 1of 2

Abstrak

Ang pagkatuto ay bahagi ng edukasyon na kung saan ang mga mag-aaral y nalilinang or
nadadagdagan ang mga impormasyon na maaaring magamit sa hinaharap. Dagdag pa rito, ang abilidad na
matuto ng mga estudyante ay magdudulot ng kaunlaran hindi lamang pansarili pati na rin sa bayan. Sa
paglipas ng panahon, nagkakaroon ng pagbabago sa Sistema ng pag-aaral mayroong nang iba’t ibang
paraan sa pagkatuto ng mga estudyante at hindi na lamang ang tradisyonal na pagkatuto.

Hindi maipagkakaila na sa pagusbong ng teknolohiya ay bumabagay din ang sa aspetong


edukasyon na kung saan ang elektronikong pag-aaral o online class ay ginagamit sa panahon ngayon.
Bilang karagdagan, hindi maikukubli na mayroong hamong kinakaharap sa kagsasagawa ng online class
bilang paraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagkilala sa mga hamong ito ay hindi lamang
nagpopokus sa isang larangan ngunit dapat isaalang-alang ang pinansyal, mental at pisikal na aspeto
upang mas malalim na maunawan ang hamong kinakaharap sa online class. Kinakailangang bigyan ng
pansin ang mga hamong ito upang ito ay masolusyonan at ang online class ay maging mabisang
alternatibong paraan sa pagkatuto.

Nakasaad sa pag-aaral nina Zounel, J. at Sudicky, P. (2013) ang mga adbentahe at bentahe ng
pagkakaroon ng online class. Sinasabi rito na may mga pagkakataon na hindi sa lahat ng pagkakataon ay
aplikabol ang online class bilang paraan ng pagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang suriin ang
mga hamong kinakaharap sa online class bilang alternatibong paraan ng pagkatuto na makatutulong sa
mag-aaral, mga magulang, mga guro, at sa lipunan upang magkaroon ng kaalaman hinggil dito.

Maituturing na deskriptibo ang disenyong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Maraming uri


ng deskriptibong pananaliksik, ngunit Descriptive Survey Research Design ang ginamit ng mananaliksik
na kung saan gumagamit ng talatanungan or sarbey-kwestyuner para makalikom ng mga datos. Kaugnay
nito, kinakailangan ng mga mananaliksik ng limampung (50) respondente mula sa mga mag-aaral sa
kursong Bachelor of Science in Accountancy na nasa ika-dalawang lebel ng kolehiya galling sa Batangas
State University na sasagot sa mga inihandang katanungan sa sarbey.

Sa mga datos na nakalap, matutuklasan na maraming hamon ang nararanasan ng bawat mag-aaral
sa dami ng mga gawain sa online learning. Bukod pa rito, makikita na mag mag-aaral ay lubos na
sumasang-ayon sa hamon dulot ng destraksyon mula sa paligid at ang pagsasalubong ng responsibilidad
bilang anak, kapatid at mag-aaral. Mahihinuha rin na ang mga hamon ay tunay na nakakaapekto sap ag-
aaral sa larangan ng pinansyal, mental at pisikal, kung saan nagiging problema ng mga mag-aaral ang
gastos upang magkaroon ng internet access. Dagdag pa rito ay ang stress na dulot ng maraming module o
aktibidi at ang pananakit ng katawan na nagmumula sa maghapon na pagkakaupo.

Sa pagtukoy sa mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa online class bilang alterntibong
paraan mauusisa ang mga kinakailngang gawin upang masolusyunan ang mga hamong ito. Batay sa
malikom na datos, lubos na sumasang-ayon ang mga respondente ng kinakailangan ng mga estudyante ng
disiplina sa sarili, maisaayos ang mga prayoridad at magkaroon ng pahinga para sa kalusugan ng bawat
isa.

You might also like