You are on page 1of 9

Saan Mas Higit na Natututo ang mga Mag-aaral?

Isang Pag-aaral sa mga Karanasan ng mga

Mag-aaral sa Face to Face at Online Distance Learning

Mga Miyembro
Saman, Daniella Mariz L.
Baltar, Carlo
Desoloc, John Eliezar
Inovejas, Alliyah
Solis, Kenmart
Sayco, Gliaza
Tambis, Zhedrick
Introduksyon

Ang edukasyon o pagtuturo ay prosesong ng pagpapadali ng pagkatuto, o

pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang sa

mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay

at nakadirektang pananaliksik. May mga uri ng pagtuturo sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ito ay ang Face-to-face at Online Distance Learning.

Ang face-to-face learning ay isang paraan ng pagtuturo kung saan ang nilalaman

ng kurso at materyal sa pag-aaral ay personal na itinuro sa isang grupo ng mga mag-aaral.

Nagbibigay-daan ito para sa isang live na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng isang mag-aaral at

isang magtuturo. Ito ang pinakatradisyunal na uri ng pagtuturo sa pagkatuto. Ang mga mag-aaral

ay nakikinabang mula sa isang mas mataas na antas ng pakikipag�ugnayan sa kanilang mga

kapwa mag-aaral din. Sa face-to-face na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay may pananagutan

para sa kanilang pag-unlad sa partikular na petsa at oras ng pagpupulong ng klase. Tinitiyak ng

harapang pag-aaral ang isang mas mahusay na pag-unawa at pag-alala sa nilalaman ng aralin

at binibigyan ang mga miyembro ng klase ng pagkakataong magbuklod sa isa't isa. Ito ay

mahalagang paraan ng edukasyon na nakasentro sa guro, at malamang na mag-iba-iba sa mga

kultura. Maraming mga modernong sistema ng edukasyon ang higit na lumayo mula sa

tradisyonal na harapang mga anyo ng pagtuturong pang-edukasyon, pabor sa mga

pangangailangan ng indibidwal na mga mag-aaral.

Ang online na pag-aaral ay isang paraan ng edukasyon kung saan natututo ang mga

mag-aaral sa isang ganap na virtual na kapaligiran. Unang ipinakilala noong 1990s sa paglikha

ng internet at ginamit sa distance learning, ang online na pag-aaral (tinatawag ding e-learning)

ay pinaka-karaniwan sa mas mataas na edukasyon, na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral mula

sa iba't ibang heograpikal na lugar na makipag-ugnayan sa isang akademikong institusyon at iba


pang mga mag-aaral onlineat matuto nang may kakayahang umangkop, sa kanilang sariling bilis,

habang nagtatrabaho patungo sa isang degree o sertipiko. Ang online na pag-aaral ay tumutukoy

sa isang kapaligiran sa pag�aaral na nakabatay sa internet na maaaring magkonekta sa mga

mag-aaral na may iba't ibang background na ipinagmamalaki ang iba't ibang pananaw. Ang isang

institusyong mas mataas na edukasyon ay gagamit ng isang learning management system, o

LMS, upang mapadali ang online na pag-aaral, na maaaring magkaroon ng anyo ng

asynchronous na pag-aaral (kung saan ang mga mag-aaral ay hindi kinakailangang maging

online sa parehong oras, at gamitin ang mga thread ng talakayan at mga e-mail sa kumpletong

coursework) osabay-sabay na pag-aaral (kung saan ang mga mag-aaral ay dapat na online sa

parehong oras)

Ang paksang "Saan Mas Higit na Natututo ang mga Mag-aaral? Isang Pag-aaral sa

mga Karanasan ng mga Mag-aaral sa Face to Face at Online Distance Learning" ay naglalayong

malaman kung alin sa dalawang paraan ng pagtuturo ang mas epektibo sa pagtuturo ng mga

mag-aaral mula sa karanasan ng mga mag-aaral na nakaranas ng parehong mga paraan ng

pagtuturo. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga karanasan ng mga mag-aaral sa dalawang

paraan ng pagtuturo, magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga benepisyo at

limitasyon ng bawat paraan ng pagtuturo at magbibigay ng mga rekomendasyon sa kung paano

mas mapapabuti ang edukasyon para sa mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pagaaral na ito ay naglalayong matukoy kung sa panong paraan ng pag aaral mas higit na

natututo ang mga mag aaral sa Paradise Farms National High School. Ang Pag aaral na ito ay

may layuning sagutin ang mga sumusunod:


Kakilanlan ng Mag-aaral

1. Ano-ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa?

1.1 Online Distance Learning.

1.2 Face to Face na klase.

2. Anong moda ng pagkatuto ang mas higit na nakapag-ambag ng pagkatuto sa mga mag-

aaral.

3. Paano makakatulong ang face to face na klase sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng pagsusuri kung saan mas higit na

natututo ang mga mag-aaral kung sa Face-to-face classes ba o sa Online Distance Learning. Ang

pag-aaral na ito ay tungkol sa kung saan mas higit na natututo ang mga mag-aaral. Ang layunin

ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay upang malaman ang karanasan ng mga estudyante

sa online distance learning at sa face to face. Ito ay isasagawa sa San Jose Del Monte, Bulacan

sa mga mag-aaral sa Baitang 11 sa Paradise Farms National High School ngayong taong 2023.

Ang mga respondente ng pag-aaral ay gamit ang convenience sampling.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa mas

mabuting paraan ng pag aaral sa larangan ng edukasyon. Ito ay makakatulong sa mag-aaral na

higit na malaman ang mas mabuting paraan ng pag-aaral tungo sa mabuting pagkatuto. Ang

pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:


Mag-aaral - Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang kanilang

mga kaalaman kung saan higit na mas natututo ang mga mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang

malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilang pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral

na ito ay makakatulong ng malaki para sa epektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa

iba’t ibang uri ng pag-aaral.

Guro - Magkakaroon sila ng kaalaman kung saan mas higit na natututo ang mga mag-

aaral sa paraan ng pag-aaral. Para mas magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa

tamang pamamaraan ng pag-pili sa paraan ng pag-aaral. Magiging isang malaking karangalan at

tagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sa hinaharap.

Sa mga susunod na mananaliksik – Upang mag-silbing gabay sa knila tungo sa mas malalim

n pag-unawa kung saan mas higit na natututo ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng pag

aaral. Ang pananaliksik na ito ay nagsilbing gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pagaaral at sila

ay naging matagumpay sa hinaharap.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Isa ang Social Interaction sa mga dahilan kung saan at paano natututo ang mga mag-

aaral. Batay sa artikulo ni Okita (2012), mahalaga ang papel na ginagampanan ng social

interaction sa pagkatuto. Dagdag pa niya, “Interacting with other people has proven to be quite

effective in assisting the learner to organize their thoughts, reflect on their understanding and find

gaps in their reasoning.” Isa ito sa mga kaparaanang kailangang gawin sa klase upang masmagin

makabuluhan ang proseso na pagkakatuto, ma pa-face-to-face o online learning man ito. ayon

Sa isang pag-aaral ay nakapaghahatid ng bago at mas maayos na oportunidad ng interaksyon,

engagement a pagkatuto ang e-learning para sa mga mag-aaral. Kaugnay nito, sinusuportahan

ng ilang pag-aaral an pagtalakay sa mga paraan upang mas mapagyaman ang interaksyon sa
online learning, at maging ang mga positibong manipestasyon nito. Mayroon ding teoryang

nakapokus sa interaksyong esensyal sa distance learning, ang Interaction na nagpapahayag ng

kahalagahan ng interaksyong mag-aaral - nilalaman, interaksyong mag-aaral-guro, at

interaksyong mag-aaral - mag-aaral. At kapag pinag-uusapan ang konsepto ng interaksyon,

hindi maaaring hindi mabanggit ang konsepto ng komunikasyon. nakadepende ang edukasyon

sa mabisang komunikasyon. Ngunit nagbabago ang komunikasyon kapag hindi na direkta o may

namamagitan na sa pagpapalitan ng mensahe. Dahil sa pag-aaral ni Armstrong (2011), naiwan

sa kasalukuyang pananaliksik ang tanong na, “nakaaapekto ba sa inaasahang kahalagahang

akademiko ang dalas ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral? Kung oo, gaano kadalas

upang maituring na magbubunsod ang gayong danas sa maayos at sapat na kahalagahang

akademiko? May hangganan kayang dapat isaisip at maaaring subuking abutin?” Ito ang

mga katanungang maaari pang tuklasin dahil ilan ding mga pag-aaral ang nagpahayag ng

nagtutunggaliang persepsyon mula sa mga mag-aaral pagdating sa usapin ng interaksyon at

komunikasyon. Dalas o kaledad? Ano ang pamantayan upang masabing produktibo at mabisa

ang interaksyon?

Isa rin ang student engagement sa mga dahilan kung bakit natututo ang mga mag-aaral.

Upang mas matuto ang mag-aaral sa Face-to-face ay kailangan nila motibasyon at kompyansa

sa sarili. sa ibang mga propesyon na opinyon at test performance ng mga mag-aaral sa

tradisyunal at online learning, lumabas sa resulta na mas pinipili pa rin ang face-to-face kumpara

sa online learning. Paliwanag ng mananaliksik, mas nararamdaman ng mag-aaral ang pagiging

engaged sa mga talakayan sa tradisyunal na klase kaysa sa online discussion board.

nakatutulong din ang mga kagamitang pampagkatuto at mga discussion forums upang mas

maging engaged sila sa klase sa online. At sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga opsyonal

na gawain sa online learning mahihiwatigan ang kanyang motibasyon sa pag-aaral.


Depinisyon at Termino

"Face to Face" ay tumutukoy sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo kung saan ang

guro at mga mag-aaral ay nagpupulong sa isang pisikal na silid-aralan o classroom upang

magturo at mag-aral. Sa ganitong paraan ng pagtuturo, ang guro at mga mag-aaral ay may

direktang interaksyon at komunikasyon sa isa't isa.

"Online Distance Learning" ay tumutukoy sa paraan ng pagtuturo na ginagamitan

ng teknolohiya, kung saan ang guro at mga mag-aaral ay nag-aaral sa pamamagitan ng internet

at iba pang online na platform. Sa ganitong paraan ng pagtuturo, ang guro at mga mag-aaral ay

hindi nagkikita nang personal sa isang silid-aralan, kundi nagkukumunikasyon sa pamamagitan

ng video conference, chat, at iba pang online na mga tool.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang Kuwalitatibong-Penomenological na pag aaral. Ang

phenomenological research ay isang qualitative research approach na naglalayong maunawaan

at ilarawan ang unibersal na esensyal ng isang phenomenon. Sinisiyasat ng diskarte ang pang-

araw-araw na karanasan ng mga tao (Limpaecher, 2022).

Populasyon at Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay binubuo lamang ng Paradise Farms National High School.

Ang mga kasangkot sa pag-aaral ay 10 respondente ng populasyon ng grade 11 ABM students.

respondente: 5 babae at 5 lalake. Gamit ang convenience sampling na nabibilang sa

nonprobability sampling na ang pag-pili ng respondents ay batay sa madaling hanapin at


maluwag sa mga mananaliksik. Ang mga magiging respondente ay magmumula sa mga ABM

students na nasa ikalabing isang baitang.

Ang pagpili ng mga tagatugon ay nakabatay sa convenience sampling kung saan sila

ay pare-parehong mga estudyante ng ika-11 baitang ng taong 2022-2023 sa paaralang Paradise

Farms National High School. Ang estudyante ng ika-11 na baitang ang aming napili bilang mga

tagatugon sa suliraning pag-pili sa mga paraan ng pag-aaral katulad ng Face to Face at Online

Distance Learning.

Ang talatanungan na ginamit ng mga mananaliksik ay semi estruktado. Sisikapin ng

mga kalahok sa pananaliksik na mailahad ang mas epektibong paraan ng pag aaral. Ang

mananaliksik ay magsasagawa ng maikling sarbey gamit ang online sa mga tagatugon upang

masiguro na nauunawaan ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang

pagiging kompidensyal ang bawat datos upang maipahayag sa kanila ang nararapat at

kailangang mga impormasyon para sa pananaliksik.

Kasangkapan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa gamit ang Online Survey, ito ay binubuo ng mga

tanong na dapat sagutin ng mga respondente.Gamit ang paraang convenience sampling

accidental sampling sa pagpili ng mga respondente.Mayroong limang katanungan na dapat

sagutan ng mga respondente sa nakapaloob na oras lamang, para maiwasan ang pagpapalit ng

sagot na ikakabuti ng pananaliksik. Ang kailangang gawin lamang ng respondente ay lagyan ng

check ang sa tingin nilang sagot sa nakasaad na tanong. Ito ang magsisilbing paraan upang

mangalap ng impormasyon na makakatulong sa mga mananaliksik na malaman ang kalimitang

nagiging kadahilanan ng mga estudyante tungkol sa pag-babago ng sagot.


Paraan sa Pangangalap ng Datos

Sa pangangalap ng mga kinakailangang datos, magsasagawa ang mga mananaliksik ng

mga sumusunod: ang kasangkapan sa pangongolekta ng data na magsasama ng form. Ang

mga mananaliksik ay maaaring magsimulang magsagawa ng malalim na mga kasagutan sa

pananaliksik ay nagbigay ng pag-apruba. Kapag nakolekta na ang lahat ng kinakailangang

datos, susuriin ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap upang maka kuha ng

magandang konkulsyon at resulta.

Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng thematic analysis. Thematic analysis ito ay

pamamaraan ng pagtukoy, pag-aanalisa, organisasyon, at deskripsiyon ng tema na natatagpuan

mula sa mga datos na nagmula sa pakikipanayam (Braun & Clarke, 2006). Ito ay isang paraan

para sa paglalarawan ng datos, nagsasangkot din ng interpretasyon sa mga proseso ng pagpili

ng codes at pagbuo ng mga tema.

You might also like