You are on page 1of 7

Epekto Ng Modyular Na Modalidad Ng Pagtuturo Sa Akademikong Pagganap

KABANATA 1 Ang Suliranin at Saligan Nito

Kaligiran ng Pag – aaral

Ang Edukasyon ang tanging hiyas na yaman na maipagmamalaki sa sangkatauhan athindi mananakaw
ninuman. Mahalagang bigyang-pansin ang mga bagay na tiyak na malaki angmaiaambag sa
pagpapaunlad ng edukasyon lalo na ang paghahatid ng tunay at awtentikong pagkatuto ng bawat mag-
aaral.

Isa na marahil sa mga susi ng pagtaguyod ng edukasyon ay ang paglalapat ng mgaangkop at mabisang
kagamitang pampagtuturo. Ang kagamitang pampagtuturo ay mgakaranasan o bagay na ginagamit ng
guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan,kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-
unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upangmaging konkreto. Ang paggamit ng mga ito ay may
malaking naitutulong sa lahat ng uri ng mag-aaral. Isa sa mga halimbawa nito ay ang modyul. Ito’y
itinuturing na isa sa mga primaryangkagamitan sa paglinang at paghubog sa kakayahan ng bawat mag-
aaral. Kaugnay nito, angmodyul ay may sapat na katangian na makatutulong sa mga mag-aaral para sa
kanilang pansariling pag-aaral (Guamen, et. al 1986).

Maraming pagbabago ang nangyari at patuloy na mangyayari sa larangan ng edukasyondahil sa


kasalukuyang pandemya, ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo aynagsisilbing malaking
hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon. Ito angdahilan kung bakit kailangang
tumulong ang mga guro na maki-isa sa matinding pagnanais ngKagawaran ng Edukasyon (DepED) na
mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa paghubog sa mga mag-aaral upang maging
makabuluhang mamamayang Pilipino na kailanganang integrasyon ng kabutihang-asal sa kanilang
pagtuturo.

Bawat guro ay may kani-kaniyang mithiin, layunin, metodo, istratehiya at instruksyonupang mapunan
ang mga kinakailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral bilang sentro ngkarunungan. Isang paraan sa
pagkamit nito ay kailangang matutunan at matuklasan ng guro angiba’t ibang metodo sa pagtuturo dahil
ito ang nagsisilbing daan sa pagkamit ng isang tiyak nalayunin. Ang pagtuturo ay isang hamon, kaya
nakaatang sa balikat ng guro ang mahusay na pagganyak, pagbabalak at pagpapasiya sa pamamaraang
gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto ng asignaturang itinuturo. Ang isang mabuting pamamaraan
ng pagtuturo’yhumahamon sa mga mag-aaral upang sila ay makikiisa at tumulong sa mga gawain.

Ayon kay DepEd Undersecretary, Diosdado M. San Antonio, inasahan na nilang angmodular instruction
ay magdudulot ng kalituhan o reklamo sa mga kabataan lalung-lalo na samga magulang. Walang dapat
ikabahala dahil nandiyan pa rin ang mga guro na handangtumulong at ipa-unawa ang mga leksyon. Sa
kabila ng panawagan na“academic freeze” ng ilangsektor dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa
dulot ng Covid-19, nanatiling matatag atmatagumpay ang Department of Education na ipagpatuloy ang
pagbubukas ng klase nito lamangOktubre 05, 2020.

Mariing sinabi ng Kalihim ng Kagawaran, Dr. Leonor M. Briones, na sa pagpapatupad ng“blended”


at“distance learning approach” sa pamamagitan ng“online classes, printed and digitized learning
modules”, telebisyon, at radyo, ay maibabahagi ang mga asignatura nakailangang matutuhan ng mga
mag-aaral anuman ang estado sa buhay.2

Ayon sa datos ng Deped, nasa mahigit 25 milyong mag-aaral na ang nakapag-enrol samga pampubliko
at pribadong paaralan ngayong taunang pasukan kung saan nasa 59% mag-aaralang gagamit ng printed
module, 20% ang online, at 20% din ang offline digital samantalang angtelebisyon at radyo ay magiging
pandagdag lamang.

Ang Modular Learning ay ang backbone ng Deped sa pagsasagawa ngdistance learning program dahil
problema ng nakararaming kabataan ang pagkamit ng teknolohiya gaya ngkawalan ng gadyets atinternet
connection. Isa rin itong mabisang paraan sa pagpaliban ng face-to-face classes hanggang magkaroon ng
bakuna kontra Covid-19. Gayunpaman, maramingagam-agam, mga tanong, at reaksyon lalo na sa mga
magulang kung saan sila ang pangunahingtaga-pagturo sa kanilang mga anak ng mga leksyon gamit ang
mga modyul.

Kaya nilayon ng pananaliksik na ito na patunayan ang kabisaan ng instruksyongmodyular bilang isang
mabisang modalidad sa pagtuturo upang malaman ang akademikong pagganap ng bawat mag – aaral sa
ika-12 baitang ng Immaculate Conception Academy of BulanInc.

Ang iba’t-ibang paraan na ito ay maaring magbigay ng kalakasan at kahinaan patungkolsa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral. Ito ay may malaking ambag tungo sa pag-angat ngkanilang kaalaman. Ang
paraan ng pagkatuto ng mag-aaral ay nakadepende sa paraan ng pagtuturo ng mga guro. Ang
akademikong pagganap ay siyang pinagbabatayan kung nagingepektibo o hindi ang mga paraan na
isinasagawa ng mga guro sa mga mag-aaral upang masmapadali ang kanilang pag-unawa sa isang
partikular na aralin o aktibidad.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pag diskubre ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12
baitang sa pamamagitan ng instruksyong modyular na pagtuturo. Ito ay isang pagtugon sa pagtuklas ng
makabagong estratehiya sa pagtuturo na mas makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit
ang kwantitatibo at deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik dahil nakatuon ang pananaliksik sa
obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri ngnilalaman, datos at impormasyon.

Paglalahad ng Suliranin
Hangarin ng pananaliksik na ito na matukoy ang epekto ng modyular na pagtuturo saakademikong
pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang sa taong panuruang 2020-2021.Bilang pagtitiyak,
tinangkang sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente sa mga tuntunin ng:

(a) Edad

(b) Sekswalidad

(c) Kabisaan ng Modalidad

(d) Estilo ng pagkatuto

2. Mayroon bang signipikong kaugnayan ang demograpikong propayl ng isang mag-aaral sakanyang
kakayahang matuto sa paraang modyular?

3. Mahalaga bang alamin ang akademikong pagganap ng isang estudyante gayong hindi
namantradisyunal na pamamaraan ang ginamit?

4. Angkop ba ang tugon ng paaralan (Modyular) upang matukoy ang akademikong pagganap ngmga
mag-aaral sa panahon ng pandemya bilang isang estilo ng pagkatuto?

5. Paano napabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pamamaraang modyular na


pagtuturo ng mga guro?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang bisa ng modyular na pagtuturo samga mag-aaral
ng ika-12 na baitang at malaman ang kanilang akademikong pagganap. Angespesipikong layunin nito ay
ang mga sumusunod:

1. Matukoy kung anong mga epekto ang kanilang naranasan sa pagkakaroon ng mga modyullinggo-
linggo.

2. Matukoy kung may natutunan ang estudyante sa kanilang sariling sikap.

3. Matukoy ang akademikong pagganap ng bawat mag-aaral upang madiskubre kung gaano ka-epektibo
ang pamamaraang modyular.

4. Matukoy ang kalagayang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa tugong modyular na


pamamaraan ng pagtuturo.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Kung matibay ang pundasyon ng edukasyon ng mag - aaral, at may maitutulong sakanyang pagkatuto,
ito ay kapaki-pakinabang na patibayin ang nasabing pundasyon paramaihanda sa pinakamabuting
oportunidad ang nasabing mag-aaral.Ang pag-aaral na ito ay nakapagbibigay ng malaking ambag at
kahalagahan sa mgasumusunod:

Pinuno ng Mataas na Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay magiging gabay sa mga pinuno ng paaralan
upang pagyamanin ang kurikulum ng mga asignatura sa sekondarya. Ito rin aymakapagbigay ng dagdag
na kaalaman para matukoy ang mga salik na nakakaapekto saakademikong pagganap ng mga mag- aaral
at makagawa ng solusyon at alternatibong paraanupang mapadali ang modyular na pagtuturo.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maging karagdagan sa kaalaman ng bawat guro sa akademya.Dahil dito,
sila ay mahikayat na gumawa ng mga disenyo para sa ikaiinam ng kaalaman ng mgamag aaaral sa mga
asignatura. Magagamit nila ang kaalamang ito upang mapaunlad ang kanilang pagtuturo, plano at
makapagpatupad ng malawak ngunit makatotohanang programa na puna sayumayabong
pangangailangan sa pang - akademiko ng mag aaral.

Mga Magulang. Ang resulta ng pag aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng imahengakademikong
pagganap ng kanilang mga anak sa paaralan. Mapapanatag ang kalooban namabibigyan ng mabuting
serbisyo ang mga kabataan sa pagkamit ng inaasam na kaalamanlalung-lalo na sa kakayahan at
kaganapang sosyal, at pagpapahalagang moral. Ito aymagsisilbing mahalagang impormasyon batay sa
edukasyon ng kanilang mga anak.

Mananaliksik sa Hinaharap. Maraming hagdan ang pag aaral na ito upang malaman angepekto ng
modyular na pagtuturo at pagtuklas ng akademikong pagganap na siguradongmakakatulong sa iba pang
mananaliksik at pwede rin itong gamitin bilang isang “Kaugnay na Pag-aaral” sa iba pang pamanahong
papel.

Saklaw at DelimitasyonAng pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag aaral mula sa ika-12
baitang namay Strand naGeneral Academic sa Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. Layunin
ng pag-aaral na ito na matanto ang epekto ng modyular na pamamaraan sa pagtuturo at upangmalaman
na rin ang akademikong pagganap ng mga mag - aaral sa baitang na ito.

Teoretikal na Balangkas

Ang modyular na pagtuturo ay napapanahon dahil sa pandemyang ating ikinakaharap.Dahil sa


pagbabagong aming natunghayan, ang mga mananaliksik ay gumawa ng papel na itoupang malaman
kung ano nga ba ang epekto ng modyular na pamamaraan sa mga estudyante atano ang kanilang
akademikong pagganap dito.

Ibinatay sa kasulukuyang nangyayari sa bansa ang pananaliksik dahil ang Pilipinas, ayonsa ulat ng WHO o
World Health Organization(Philippines Coronavirus Disease 2019(COVID-19) Situation Report #70,
February 10, 2021)“At national level, the Philippines remains in Stage 2, localised community
transmission with some geographic areas showing higher transmission intensity and indications of wide-
spread community transmission.”

Dahil sa COVID-19 ang mga paaralan sa Pilipinas ay hindi makakapag tanggap ng mgaestudyante
hangga’t hindi maayos o kontrolado ang sakit o sitwasyon dulot ng nakakahawangcorona virus. Ngunit,
ang sigaw ng DepEd ay “Sulong Edukalidad” at dahil dito naglabas ng ulatng iba’t ibang “ Learning
Modalities” ang nasabing ahensya.Ito ay ang mga sumusunod:

DISTANCE LEARNING Isa sa mgadelivery mode ay angdistance learning , kung saan hindi pisikal
namagkasama o magkaharap ang guro at estudyante. Sa ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata sa
pamamagitan ngonline platform, printed module na ibibigay ng paaralan, atlesson namapapanood sa
telebisyon o mapapakinggan sa radyo, paliwanag ni San Antonio.

LIMITADONGFACE-TO-FACE Nariyan din ang face-to-face learning , kung saan magkakaroon ng pisikal
na interaksiyonsa pagitan ng guro at estudyante, pero gagawin lamang ito sa mga lugar na ligtas, ani
SanAntonio. Hindi na rin gaya ng dati umano ang magiging eksena ng face-to-face
learningdahillilimitahan na lang hanggang 20 mag-aaral sa isang silid-aralan.

BLENDED LEARNING Puwede ring mag-aral ang mga estudyante sa pamamagitan umano ngblended
learning ,na pinagsamang limitadong face-to-face learning atdistance learning .

HOMESCHOOLING Maaari ring matuto ang bata sa pamamagitan nghomeschooling , na dati nang
ginagawang mga magulang na ayaw pag-aralin ang mga bata sa mga eskuwelahan, ani San Antonio.
Ayonsaeducation official , puwedeng pahintulutan ng DepEd ang pagbibigay nghomeschooling .
(https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-
naisinusulong-ng-deped)Ang paaralang Immaculate Conception Academy of Bulan ay
nagpasyang“Distance Learning” ang magiging modaliti sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sariling
gawangmodyul ng mga guro. Ito rin ay napagpasyahan batay sa sarbey na ipinadala at sinagutan ng
mgamag-aaral at dahil na rin sa mga lokal transmisyon na nangyayari sa bayan ng Bulan. Ngayon,ang
gustong alamin ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang mga epekto nito sa bawat mag-aaral na nasa
ika-12 baitang at kung ano nga ba ang kanilang akademikong pangganap dito.

Konseptuwal na Balangkas
Sa pag-aaral na ito ay aalamin ng mga mananaliksik ang epekto ng modyular na pagtuturo sa bawat
estudyante ng ika-12 baitang na mayGeneral Academic Strandat tutukuyinrin ang kanilang akademikong
pagganap.Tutukuyin rin ang mga isinasagawang paraan ng paaralan upang matugunan ang
pangangailangang edukasyon ng bawat mag-aaral nakasulukuyang naka enrol dito. Magsasagawa ng
sarbey ang mga mananaliksik upang makakalapng datos at impormasyon upang maging isang
dokumentasyon na magsisilbing tiyak atmapagkakatiwalaang papel, magsasagawa ng iba’t ibang paraan
ang mga mananaliksik sa mgamag-aaral upang matukoy ang kanilang naging karanasan sa modyul bilang
isanglearning materialsa kasulukuyang pandemya. Magiging paraan rin ito upang makapagbigay ng
mungkahiang mga estudyante sa lebel ng kanilang natutunan at makakapag bigay ng mas
magandangsolusyon ang paraalan sa kalidad ng kanilang edukasyon.

Pigura 2: Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Pagpapakahulugan ng mga Terminolohiya

PROSESOSarbeyPakikipanayamPangangalap ngdatosPagsusuri ng
datosDokumentasyonAWTPUTMalalaman ng mga guro at paaralan kung ano nga ba angnaging epekto
ng modyular na pagtuturo sa bawat isang mag-aaral sa ika-12 baitang at angkanilang akdemikong
pagganapna magsisilbing gabay ng mganakakatas upang panatilihin oibahin ang kalidad ng kanilang
piniling modalitiINPUTSalik na nakakaapekto samodyular na pamamaraan samga estudyante at
pagtuklas ngkanilang akademikong pagganapEdadKasarianKabisaan sa PagkatutoEstilo sa Pagkatuto

Agam – agam - pagdadalawang-isip ; hindi sigurado at nais pa ng mas mahabang oras upang pag-isipan
ang isang bagay.Kwantitatibo - tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang
paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadikal, at mga teknik na
pamamaraan na gumagamit ng komputasyon.Deskriptibo –naglalarawan.Alternatibo -isang pamalit sa
pamamagitan ng isang mabilisang paraan.Yumayabong –lumalago ; lumalaking masagana. Pundasyon -
isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuuang anyo nito.Oportunidad –
pagkakataon upang mangyari ang isang bagay, mithiin at iba pa.Patibayin – papalakasin o bibigyang
pundasyon.12

KABANATA IIMga Kaugnay na Pag-aaral at LiteraturaAng bahaging ito ay naglalamam ng akademikong


babasahin, iba’t ibang pananaliksik, at batayang legal na may kaugnayan sa modyular na pagtuturo at
ang iba’t ibang salik sa pagtuklasng akademikong pagganap ng isang mag-aaral. Nagbibigay rin ng higit
na malinaw na kaalamanang mga literatura at pag – aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay
madagdagan angkaalaman ng mga mambabasa.Kaugnay na LiteraturaBanyagaAng distance learning ay
isang paraan ng pag-aaral kung saan ay bino-broadcast ang mga lekturao ang mga klase ay isinasagawa
sa pamamagitan ng pagsusulatan o sa internet. Sa ganitong paraan ay hindi na kinakailangang pumunta
ng mag-aaral sa isang paaralan o kolehiyo (StaffordGlobal, Org. 2020).Ayon kay Johnson (2006), ang
akademikong kakayahan ay itinutulak ng mga salik ngsosyo-ekonomiko (socio-economic). Ang kahirapan
at mababang antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pang kakapusan ng ama at ina ay nag reresulta sa
mababang kakayahan na pang-akademiko dahil hindi nila natutugunan ang kanilang mga
pangangailangan sa batayang aklat atiba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman.
Ang di magandang kalagayan13

na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulak upang dumami ang mga mag-aaral na bumagsak ohumintosa
pag-aaral.Bilang karagdagan, ang kahirapan nama’y kaangkop na kakapusan sa mga sosyal (social)at
pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral) ay karaniwang nagbubunga samahina o
mababang akademikong kakayahan (Shittu, 2004)Kung ang edad ang pagbabatayan, ayon kay
Machtinger (2007), ito ay maaaring maka-apekto sakanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon
naman kay Feingold (1988) Angkasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang
kayang ipakita. Angkasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor,
pagkakaiba ngkursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sakanilang
nakukuha.Ayon nga sa report ng “The United Nations, Educational, Scientific, and CulturalOrganization”
o UNESCO (2020) ay hindi inaasahang maraming mag-aaral mula sa mga paaralan, kolehiyo at
unibersidad sa buong mundo na humigit kumulang isandaang (100) mga bansa ang magsasara dahil sa
dulot ng COVID 19 at humigit kumulang na pitong daan milyongmga bata (700M) ang apektado nito.
Dagdag pa rito, ang UNESCO ay nagkaroon na pag-a-update ng mga digital tool na gagamitin sa distance
learning gaya ng ClassDojo at GoogleClassroom at apps na dinisenyo para sa mga smartphone gaya ng
KaiOs at iba pa.

You might also like