You are on page 1of 6

Pangalan : Yvonne Mae S.

Javar
Kurso at Taon : MAED FIL- II
Konseptong Papel

Pamagat : Instruksiyong Modyular : Epekto nito sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral.

I. Rasyunal

Sa panahon ngayon, naglipana ang mga hindi maiiwasang kalamidad, krisis, o

anumang sakuna na nagdudulot ng malaking epekto sa pamumuhay, ekonomiya, at lalo

na sa larangan ng edukasyon. Ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing

pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ngayong panahon ng pandemya o

paglaganap ng nakahahawang COVID -19. Kaya nagsilbing isang malaking hamon

para sa mga bumubuo ng sistema ng edukasyon sa kung anong pamamaraan ang

angkop na gagamitin upang maipagpatuloy ang kalidad na edukasyon. Ayon sa Batas

Pambansa Bilang 232, ang sistema ng edukasyon ay dapat mabisang makatugon sa

mga nagbabagong pangangailangan at kondisyon ng bansa. Bilang pagtugon,

nagkaroon sila ng proyektong Sulong Edukalidad na may layuning magpatuloy nang

sama-sama habang isinasaayos at inihahanda ang sistema ng edukasyon para sa

hinaharap. At ito ay humantong sa pagbuo ng Bagong Normal na sistema ng

edukasyon. Kalakip ng sistemang ito ay ang iba’t ibang anyo ng distance learning

delivery modality gaya ng online learning, modular learning, at blended learning

(kombinasyon ng face to face at iba pang learning modalities). Ngunit, hindi maiiwasan
na may iilang lokasyon na mahina o walang koneksyon sa internet kaya maaaring

angkop lamang ang instruksiyong modyular at blended learning. Sa lahat ng

pamamaraang ito, pinili ng nakararami ang instruksiyong modyular na kung saan

isinaalang-alang ang patuloy at ligtas na pag-aaral ng mga mag-aaral na mangyayari sa

loob lamang ng tahanan.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay hinggil sa instruksiyong modyular na

naglalayong matukoy ang epekto nito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Makatutulong din ang pananaliksik na ito sa pagtukoy kung mainam at epektibo ba ang

instruksyong modyular pagdating sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

II. Teyoretikal at Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng konsepto at teorya na angkop sa paksa ng pag-

aaral upang maging gabay at mabigyang-linaw ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga

paksang nabanggit.

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa teoryang Bioecological Systems Theory ni Urie

Bronfenbrenner. Ipinapakita nito na ang pag-unlad ng isang indibidwal ay

naiimpluwensyahan ng iba’t ibang uri ng sistema ng kapaligiran. Isang sa mga uri ng

sistema ay ang microsystem na kung saan kinabibilangan ng pamilya, kaibigan, kamag-

aral, guro, kapitbahay, at iba pang mga tao na may direktang kaugnayan sa isang

indibidwal (Sincero, 2012). Nangangahulugan na ang mga taong malapit sa isang

indibidwal ay may malaking impak sa kaniyang pag-unlad.


Isa pang teoryang pinagbatayan ay ang Socio-Cultural Theory ni Lev Vygotsky.

Sa teoryang ito pinaniniwalaan na ang pagkatuto ay higit pa sa pag-unlad. At ang

pakikipag-ugnayan sa lipunan ay ang batayan ng pagkatuto at pag-unlad. Ang

pagkatuto bilang namamagitang proseso ay isang panlipunan sa pinagmulan at naging

indibidwal bilang isang resulta ng lingwistikang namamagitang kaugnayan sa pagitan ng

mag-aaral at sa mga higit na eksperyensyadong miyembro ng lipunan kabilang na ang

mga magulang, guro, at kasamahan (Vygotsky,1978/1995).

Makikita sa diyagram 1 ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito.

Isinaad sa diyagram ang makabuluhang kaugnayan ng mga baryabol. Masasabing ang

pag-aaral ay nakatuon sa epekto ng instruksiyong modyular sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral.

Ang balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Input-Process-Output Model.

Inilahad ng bahaging input ang propayl ng mga tagatugon sa pananaliksik na ito.


III. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng instruksiyong modyular

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang sa Magdaup National

High School. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagutan ang sumusunod na

katanungan?

1. Ano ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Magdaup

National High School gamit ang tradisyunal na pamamaraan?

2. May makabuluhang ugnayan ba ang instruksiyong modyular sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng MNHS?

IV. Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Mga Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga partisipantesa pananaliksik na ito ay binubuo ng 30 mag-aaral na

kasalukuyang nag-aaral sa Magdaup National High School. Ang mga mag-aaral na ito

ay kukunin mula sa dalawang seksyon sa ika-9 na baitang sa naturang paaralan.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa mga piling mag-aaral sa ika-9 na

baitang ng Magdaup National High School na kung saan kasalukuyang nagtuturo ang

manaliksik . Ang naturang paaralan ay matatagpuan sa barangay ng Magdaup, distrito

ng Ipil sa probinsya ng Zamboanga Sibugay.Kadalasang mga naninirahan dito ay mga

tribong Tausug at Cebuano.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay naghanda ng pagsusulit bilang pangunahing instrumento na

gagamitin para sa mga kalahok ng pag-aaral. Ang mga partisipante ay inaasahang

sasagot sa panimula at pangwakas na pagtataya na inihanda ng mananaliksik. Ang

resulta ng pagtataya ay magsisilbing basehan sa pagkuha ng impormasyon na

makapagbibigay tugon at tulong upang matagumpay na maisakatuparan ang

pananaliksik.

You might also like