You are on page 1of 5

Hamon Sa Bagong Karaniwan: Pag-aaral sa Karanasan ng mga Mag-aaral na

Naghahanahpbuhay sa Pag-angkop sa Modang-Birtwal na Edukasyon at Pandaigdigang


Pandemya

MERANO, Erika

NACION, Ezekiel

OLIQUIANO, Kathleen Joyce

PEREZ, Sofiyah Alessaundra

PIDO, Hannah Nicolette

Panukalang Papel sa:

Introduction to Psychology

G. SHERWIN U. CUASON, PhD, RGC, RPsy


PANIMULA

Isang nakababahalang sakit ang nagpatigil sa buong mundo nang magsimula ito sa
simpleng trangkaso patungo sa isang epidemya na lumala bilang pandemya na nasaksihan ng
lahat ng nabubuhay sa taong 2020. Mula sa isang palengke sa Wuhan, China na nagtitinda ng
sari-saring uri ng mga karne sinasabing nakuha ang sakit na ito na nakain ng isang tao at
nagkaroon ng negatibong epekto na maaring maipasa sa iba sa paraan ng pagsalin ng likido mula
sa katawan. Ang sakit ay isang uri ng Coronavirus na kagaya ng mga nakaraan na SARS-CoV
noong 2003 at MERS-Cov noong 2012, at itong kasalukuyang pinagdadaanan ay tinawag na
SARS-CoV2 o mas kilala bilang COVID-19. Ang paglaganap nito ay nagdala ng maraming
suliranin at isa na rito ay sa larangan ng edukasyon. (Uy, 2020). Sa Pilipinas, ang pandemyang
COVID-19 ay nakaapekto na sa 32.1 milyong mga mag-aaral sa lahat ng antas, kabilang ang
edukasyong teknikal-bokasyonal (Magsambol, 2020). Bunga nito, iba’t ibang plano ang
ipinanukala upang ipagpatuloy ang mga klase sa kabila ng pandemya, isa na rito ang
pagpapanukala ng birtwal na edukasyon o web-based learning. Ngunit kahit ito ang nakikitang
epektibong solusyon sa suliraning pang-edukasyon ay napatunayang hindi ito inklusibo sa lahat
ng sektor; hindi lahat ng mag-aaral ay tiyak na makagagamit ng parehong mga modalidad, o
platform sa pag-aaral (Malipot, 2020). Hindi rin lahat ng mga mag-aaral ay may kakayanang
magkaroon ng access sa Internet o makagamit ng mga kinakailangan gadgets para sa online
classes (Ornedo, 2020). Marami sa mga mag-aaral ngayon sa kolehiyo ay nagtatrabaho habang
tinutugunan ang kanilang mga pang-akademikong responsibilidad (Walter, 2020).

Sa pag-aaral na ito, maaring mapulutan ng impormasyon ng mga administrasyon sa


paaralan, mga guro, mga kumpanya na kumukuha ng empleyado na mag-aaral, mga magulang,
mga mag-aaral – parehong naghahanapbuhay at hindi, at higit sa lahat ay ang mga susunod na
mananaliksik na tatalakay sa katulad na paksa, upang lalong mabigyang pansin ang ganitong
usapin at tukuyin ang mga hakbanging maisasagawa upang mas tumaas ang kalidad ng kanilang
pamumuhay. Samantala, makikita ang sumusunod na kakulangan ng pananliksik na ito: Una,
bagaman hindi napatunayan ng mga pag-aaral, ayon sa Tagapangulo CHED na si G. De Vera III
ay handa na ang mga unibersidad at kolehiyo na magpatuloy sa bagong akademikong taon sa
kasagsagan ng pandemyang COVID-19. Ikalawa, madalang ang mga sumusuportang pag-aaral
ukol sa direktong epekto sa pag-angkop sa pandemya ang pagiging working student, at ikahuli;
hindi tiyak ng mga ekspertong pag-aaral kung kailan mabibigyan ng konkretong solusyon ang
pandemyang COVID-19.

Sa tulong ng anim na mag-aaral na kolehiyo mula sa paaralan ng NU Laguna, aalamin ng


mananaliksik ang kanilang karanasan sa buhay at pag-aaralan ito sa loob ng dalawang buwan
lamang. Ang limitasyon ng pag-aaral ay mga mag-aaral sa sekondarya. Hindi rin saklaw ng pag
aaral na ito ang ibang mga mag-aaral na naghahanapbuhay sa labas ng NU Laguna. Sa kabilang
banda, makikita sa ilustrasyon sa ibaba ang balangkas ng pag-aaral na naglalahad kung paano
ang magiging takbo ng pananaliksik at ang nilalaman nito.

Karanasan ng mga mag aaral


na naghahanap buhay sa
modang birtwal na
edukasyon at pandaigdigang
pandemya

Mga suliranin Paraan ng pagsabay


na kinaharap nang pag-aaral at
pag hanapbuhay
Solusyon sa
mga suliranin

Ilustrasyon 1

Layon ng pag-aaral na ito ay alamin ang tunay na kalagayan at karanasan ng mga mag-
aaral na naghahanapbuhay sa kasagsagan ng pandaigdigang krisis sa kalusugan; tukuyin ang
iba’t ibang anyo ng suliraning kinahaharap nila, alamin ang mga hakbang na kanilang ginagawa
upang umangkop sa mga nararanasang suliranin, malaman ang mga paraan nila ng pagsasabay
ng pag-aaral at pagtatrabaho, at bumuo ng mga panukalang solusyon upang tugunan ang
kanilang mga pangangailangan at tulungan silang harapin ang hamon ng pandemyang ito.

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

METODOLOHIYA
Ang papel na ito ay inayos sa disenyong kwalitatibong pananaliksik gamit ang

penomenolohikal na pag aaral at upang malaman ang diwa ng karanasan ng mga mag aaral na

naghahanap buhay sa pag angkop sa Modang-Birtwal na Edukasyon at Pandaigdigang

Pandemya, minabuting gamitin ng mga mag aaral ang tematikong pagsusuri (thematic analysis)

para sa mga impormasyong malilikom.

Ang mga respondante ay dapat makapasok sa pamantayan na: empleyado o

nagtatrabahong mag-aaral mula sa kolehiyo na may kabuuang bilang na anim (6) at sila ay

binubuo ng tatlong lalaki (3) at tatlong babae (3) mula sa paaralang NU Laguna kung kaya ito ay

ginamitan ng purposive sampling technique. Mula doon, sila ay bibigyan ng liham na inform

consent na nagsasaad ng kanilang karapatan sa pagdalo sa pananaliksik na ito. Sa tulong ng

gabay na mga tanong, dadaan sa birtwal na pakikipanayam o interbyu ang mga kalahok ng

pananaliksik at ito ay idodokumenta gamit ang voice o video recording.

Ang mga mananaliksik ay magsagawa ng malalim na pagtatalakay sa pananaliksik upang

makalap ang mga kwalititatibong datos na may kaugnayan sa isinasagawang mga pag-aaral na

naging batayan upang maibigay ang mga kaukulang datos na dapat sagutan batay sa mga

sumusunod :

1. Bago gumawa ng pag-aaral na ito ay humingi muna ng pahintulot ang mga

mananaliksik mula sa kanilang guro sa aralin ng “Introduction to Psychology” para gumawa ng

pag-susuri sa mga empleyadong mag-aaral sa NU sa lungsod ng Laguna.

2. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang interbyu na ipamimigay at tatalakayin

sa mga piling mag-aaral gamit ang virtual na pamamaraan bilang isang kasangkapan upang

makuha ang mga balidong impormasyon na siyang magiging kasagutan sa pananaliksik na pag-
aaral.

3. Itatala ng kasalukuyang mananaliksik ang mga katangian at natuklasang impormasyon

mula sa gagawing pagtalakay at pagtataya sa loob ng klase.

You might also like