You are on page 1of 48

KABANATA I

Ang Suliranin at ang Kaligiran ng Pag-aaral

Introduksyon

May mahalagang ginagampanan ang negosyo sa ating

ekonomiya. Nakakatulong ito sa mga mamamayan ng isang

bansa at maging sa ating gobyerno dahil sa mga buwis

na natatanggap mula dito.

Mayroong dalawang uri o paraan na maaaring pagpilian

sa pagtatayo ng negosyo: pagpaprangkisa at paggawa ng

sariling pangalan sa industriya. Nakasalalay ang pag-

unlad ng negosyo sa paraan ng pagpapatakbo nito. Lubos

na mahalagang isaalang-alang ang kakayahan at abilidad

ng taong namamalakad upang maging matagumpay, tumagal

at makilala ng nakararami ang negosyo.

Sa panahon natin ngayon marami ng pwedeng

iprangkisang mga negosyo gaya na lamang ng foodcarts,

gasolinahan, restaurants, fastfood, convenience

store, hotel, accesories at marami pang iba. Para

itong mga krayola na pwedeng pagpilian depende sa

gusto ng taong magkukulay. Sa madaling salita,

nakadepende ang negosyo sa hilig o gusto ng isang

negosyante.

1
Ano nga ba ang pagpaprangkisa? Alin ba ang mas

kumplikado, ang pagtatayo ng sariling negosyo o ang

pagpaprangkisa ng isang negosyo? Ano nga ba ang mas

tinatangkilik o mas gusto ng isang taong may balak

magnegosyo?

Ang Pagpaprangkisa ay isang kaugalian ng paggamit ng

business model ng isang matagumpay ng franchisor gaya

ng pagtatayo ng ‘chain stores’ na ang mga produktong

paninda ay ikakalakal naman ng mga negosyanteng kukuha

ng prangkisa. Ito rin ay isang paraan ng sa pamamahagi

ng produkto o serbisyo.

Sa pagtatayo naman ng sariling negosyo ay ang

paggawa ng sariling pangalan sa industriya.

Ang dalawang paraan ng pagtatayo ng negosyo na

nabanggit sa itaas ay nakasentro lamang sa industriya

ng pagkain sa pag-aaral na ito.

2
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumalakay sa

kaibahan at pagkakatulad ng dalawang paraan ng

pagtatayo ng negosyo at ang mga ito’y nakasentro

lamang sa industriya ng pagkain.

Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Sa panahon natin ngayon ano ba ang mas gustong

paraan ng pagtatayo ng negosyo ng mga Pilipino?

Ang pagpaprangkisa ba o ang pagtatayo ng

sariling negosyo?

2. Kaya bang tapatan ng pagtatayo ng sariling

negosyo ang pagpaprangkisa sa industriya ng

pagkain?

3. Mas praktikal ba ang pagtatayo ng sariling

negosyo kaysa sa pagpaprangkisa?

4. Anu-ano ang mga bentahe at disbentahe ng

pagkakaroon ng sariling negosyo kung ikukumpara

sa pagpaprangkisa?

5. Gaano kakumplikado ang pagpasok sa mundo ng

pagpaprangkisa kaysa sa pagtatayo ng sariling

negosyo?

3
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang tinatalakay naming paksa ay nakatuon sa

pagtatayo ng sariling negosyo at sa pagpaprangkisa sa

loob at labas ng WU-P. Ang mga negosyong may kinalaman

sa pagkain ang binigyang-pansin ng pananaliksik na

ito. Ito ay sa kadahilanang kaming mga mananaliksik

mismo ay mga food enthusiasts. Isa pang dahilan dito

ay ang napakaraming establisyimento ng pagkain na

matatagpuan sa loob at labas ng kampus ng WU-P kaya

naman kami ay nahikayat upang alamin ang mga dahilan

nila sa pagnenegosyo at kung bakit pinili nila ang

ganoong uri ng negosyo.

Ito ay nakasentro rin sa kumpetisyong namumuo sa

pagitan ng dalawang paraan ng pagtatayo ng isang

negosyo at sa mga estratehiyang makatutulong sa pag-

papaunlad nito. Ang ilan sa mga suliraning hinarap ng

mga nagpaprangkisa at nagtatayo ng negosyo ay

nakapaloob dito. Gayundin sa pagtatayo ng sariling

negosyo.

4
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Kahalagahan sa Estudyante

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

estudyante na maunawaan kung ano ang pagkakaiba ng

pagtatayo ng sariling negosyo sa pagpaprangkisa. At

malaman ang mga suliranin na kinaharap ng mga taong

nagtayo ng negosyo sa pamamagitan ng pagpaprangkisa o

nagtayo ng kanilang sariling negosyo.

Kahalagahan sa Mamamayan

Para sa mamamayan, malalaman nila sa pag-aaral na

ito kung alin ang mas epektibo sa dalawang paraan ng

pagtatayo ng negosyo. Ito ay maaari nilang gawing

gabay kung nagnanais silang magtayo ng negosyo. Mas

madali silang makakapili sa dalawang paraan na ito

dahil malalaman nila ang mga bentahe at disbentahe ng

mga ito.

Kahalagahan sa Mananaliksik

Sa pag-aaral na ito, aming malalaman at

maiintindihan kung bakit may mga taong mas gusto ang

magtayo ng sariling negosyo kaysa mag-prangkisa,

subalit ang iba’y mas nais na mag prangkisa kaysa

magtayo ng sariling negosyo. Kaming mga mananaliksik

5
na kumukuha ng kursong Bachelor of Science and

Accountancy ay mas mabibigyan ng kaalaman sa mga

bentahe at disbentahe ng pagpaprangkisa at pagtatayo

ng sariling negosyo lalo na at may kinalaman ito sa

aming kurso.

Kahalagahan sa Unibersidad

Dahil sa pag-aaral na ito mabibigyan rin ng

impormasyon ang unibersidad kung gaano karaming

estyablisyimento na may kinalaman sa pagkain ang

nagtayo ng negosyo sa pamamagitan ng pagpaprangkisa at

sa pagtatayo ng sariling negosyo.

6
Depinisyon ng mga Termino

 Pagpaprangkisa. Ito ay isang kaugalian ng

paggamit ng business model ng isang matagumpay ng

franchisor gaya ng pagtatayo ng ‘chain stores’ na

ang mga produktong paninda ay ikakalakal naman ng

mga negosyanteng kukuha ng prangkisa. Ito rin ay

isang paraan ng pamamahagi ng produkto o

serbisyo.

 Wesleyan University-Philippines. Ito ay isang

pamantasan na matatagpuan sa lungsod ng

Cabanatuan, Nueva Ecija. Ito ay itinatag noong

1946 at kasalukuyang pinamumunuan ni Hon.Pacifico

B. Aniag.

 Entreprenyur. Ang mga ito ay tinutukoy din bilang

businessmen/negosyante. Sila ang may-ari at

nagpapatakbo ng kanilang sariling negosyo.

 Franchisor. Ang magbebenta ng lisensiya o

karapatang gamitin ang kanyang trade-mark o trade

name.

 Franchisee. Ito ay ang papayagan ng franchisor na

gamitin ang pangalan ng negosyo at branding para

sa negosyo kapalit ng napag-usapang halaga ng

bayad.

7
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Narito ang ilan sa mga nakalap naming literatura na

tumatalakay sa praktikalidad ng pagtatayo ng sariling

negosyo at ng pagpaprangkisa.

Ayon sa libro ni Shaw at Kay (1945) na How to Start

Your Own Business:

Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay maganda lalo

na kung mayroong sapat na pera para dito. Makabibili

ang negosyante ng sariling lugar para sa negosyo.

Kadalasan naman sa mga nagbabalak magtayo ng

negosyo, mas pinipiling magprangkisa dahil sa

kasiguraduhan na mayroon nang tiyak na tatangkilik

dito kumpara sa pagtatayo ng negosyo na kung saan

ito ay hindi pa kilala. Mahirap man makakuha ng mga

mamimili ang bagong negosyo, mas mahirap naman ang

kinakaharap ng mga nagprangkisa ng isang negosyong

may masama nang reputasyon. Kinakailangan pang

bawiin ulit ang tiwala ng mga mamimili ng nasabing

negosyo at iparamdam sa mga mamimili na

mapagkakatiwalaan ang negosyong pinaprangkisa.

8
Ayon naman sa aklat na Small Business Enterprise and

Management: An Entrepreneur’s Guide to the Success

ni Scott Jr. (1987):

Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay isang

magandang pagkakataon para sa negosyante upang

makamit ang kanyang personal na tagumpay sabay sa

tagumpay ng negosyo. Sa pagtatayo ng sariling

negosyo, nagkakaroon ang negosyante ng kalayaan sa

kanyang pagdedesisyon. Ang pagtatayo ng sariling

negosyo ay makapagbibigay ng oportunidad para

makalikom ng malaking halaga ng pera. Malaking

bahagi din ang pamilya kaya nagtatayo ng sariling

negosyo sapagkat marami ang nagnanais mamahala ng

sariling negosyo kaysa mamasukan. Sa kabilang panig

naman, dito nakasaad ang mga nakuhang mga datos na

nagsasabing mas praktikal ang pagpaprangkisa.

Ayon sa librong Franchising ni Justis P. Judd 2nd:

Ang pagpaprangkisa ay subok nang klase ng negosyo

simula pa noong 1950s.

Ayon kay William Cherkasky, presidente ng Educational

Foundation of the International Franchisee Association

of America:

9
Ang pagpaprangkisa ang nagsisilbing susi sa

kaunlaran ng negosyo. Kung ang negosyo ay subukin

man ng krisis ng ekonomiya, kaya pa ring patakbuhin

nang maayos ng franchisee ang kanyang negosyo sa

paraan ng paglilimita sa paglabas at pagpasok ng

pera, at paghingi ng sapat na tulong mula sa

kanyang franchisor. Upang maging praktikal at

maunlad ang isang prangkisang negosyo, kinakailangan

ng dedikasyon, tamang lugar ng pagtatayuan ng

negosyo, pagsisikap ng franchisee at magandang

pagsasama ng franchisor at franchisee.

Ayon naman sa librong Effective Small Business

Management ni N. Scarboroughat T. Zimmerer (2000):

Sa loob ng limang taon ng pamamalakad ay 85% ng

mga prangkisang negosyo ang nagtatagal sa industriya

kumpara sa 50% ng mga “independent” o sariling

negosyo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na kapag

mas piniling magprangkisa, ang negosyante ay

magiging maunlad at matagumpay. Ang maayos na takbo

ng isang negosyo ay nakasalalay pa rin sa magandang

pamamahala ng nagmamay-ari nito.

Ayon naman kay Armando O. Bartolome (2008) sa kanyang

libro na Overview of Franchising:

10
Ang pagpaprangkisa ay mas praktikal kaysa sa

pagtatayo ng sariling negosyo sapagkat hindi na

nito masyadong kinakailangan ng malawakang

pagpapakilala o “advertising” sa mga konsyumer.

Nang dahil sa ang pangalan ng negosyo ay

naglalaro na sa industriya, subok na ang kalidad

ng kanilang produkto at serbisyo kaya’t mas

nahihikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang

kanilang negosyong prangkisa.

Ano nga ba ang negosyo?

Batay sa WIKIPEDIA:

Ang negosyo ay isang gawain o interes na

pinaghihirapan ng isang tao upang ito ay lumago.

Pinagbubuhusan ng pawis, pag-iisip at pera ang negosyo

upang magkaroon ng kita. Ito ay isang gawaing

komersiyal upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ang mga lipon ng negosyo ang bumubuo sa industriya.

Ito ang nakatutulong sa pag-angat ng bansa upang

makipagsabayan sa iba pang mga bansa.

May mga elemento o bagay-bagay ang dapat

pagtuunan ng pansin bago sumabak sa anumang negosyong

ninanais. Narito ang ilan sa mga elementong iyon:

11
Isa sa mga mahahalagang elemento sa pagnenegosyo ay

ang marketing. Dito pinag-aaralan kung papaano

mailalapit sa publiko ang produkto.

Kaugnayan na Pag-aaral

Sinabi ng mga manunulat ng librong Marketing Cases: An

Asian Perspective na sila Wong Fook Sun (1997):

“Marketing is about the business of satisfying

customers’ needs and wants. Every organization that

does a good job of it lays the foundation to

profitablility.”

Ayon sa Marketer’s Toolkit: The 10 Strategies You Need

to Succeed:

Upang maging matagumpay sa pagbenta ng produkto,

kailangan ng epektibong marketing strategy.

Ang marketing strategy ang magbibigay ng kalamangan sa

mga kakumpetensiya sa industriyang ginagalawan ng

produkto. Kasama dito ang pagpepresyo at ang branding.

Ang dalawang ito ang magbibigay ng indibidwalidad sa

produkto.

Ayon kay Barrie Pearson (1987) sa kanyang akda

na Common-Sense Business Strategy:

12
Mahalagang panatilihin at pagbutihin ang imahe

ng negosyo upang maiangat ito laban sa mga

kakumpitensya. Kaya naman, sinasabi saMarketer’s

Toolkit: The 10 Strategies You Need to Succeed,

ang branding ay tumutulong sa mga mamimili sa

pagkilala sa isang serbisyo o produkto. Ang branday

ang pangalan, simbolo, disenyo, o kumbinasyon ng mga

ito na tutulong sa madaling pagkilala sa serbisyo o

produkto. Ang pricing naman, ayon pa rin dito, ay

mahalaga kung ang produkto o serbisyo ay

isang commodity.

Sa mga elemento ng pagnenegosyo, mayroong

tinatawag na finance. Dito, pinag-aaralan ang papel na

gagampanan ng pera sa negosyo. Kasama dito kung

magkano ang nagagastos sa paggawa ng produkto at kung

magkano ang kinikita. Sa mahusay na financing,

madaling mababantayan kung saan napupunta ang perang

puhunan.

Ayon muli kina Heinecke at Marsh:

Kailangan alamin ang financial limits upang

umunlad ang negosyo, at tunay na lumago ito.

13
Ayon sa Management Principles na akda ni Robert

Kreitner (2009):

Ang human resource management ay isang mahalagang

elemento kung saan ang mga manggagawa ay mahahalagang

aspeto sa tagumpay ng negosyo. Ito ay kung saan

sinasabi rin na ang mga manggagawa ay dapat mayroong

sapat na kaalaman at kakayahan upang maisagawa ang mga

trabaho sa dekalidad na paraan. Sa ganitong paraan,

mapapadali at higit na mapapabuti ang paggawa at

pagbebenta ng serbisyo o produkto.

Negosyong Prangkisa vs. Sariling Negosyo

Ano nga ba ang pagpaprangkisa at pagtatatayo ng

sariling pangalan sa negosyo?

Batay sa FRANCOUNSELGROUP:

Ang salitang “franchise” ay hango sa Anglo-

Pranses (Anglo-French) na salita na “franc” na ang

ibig sabihin ay libre o malaya. Ang pagpaprangkisa ay

ang paggamit ng isang matagumpay na business venture

na pagmamay-ari ng iba.

Ayon sa Ultimate Book of Franchises na akda nina Rieva

Lesonsky at Maria Anton-Conley (2004):

14
Ang Franchisee ang siyang bumibili ng kilalang

pangalan ng negosyo o prangkisa, samantalang

ang franchisor ay ang nagtayo o nagpaunlad ng nasabing

pangalan ng negosyo. Sa pagbili ng prangkisa,

nakadepende ang takbo ng negosyo sa franchisee hindi

sa franchisor dahil ang negosyo ay nasa ilalim na ng

pamamalakad ng franchisee sa oras na mabili ang

prangkisa.

Ayon pa rito, hindi lamang pawang teknikal ang

mga sistemang mayroon sa pagpaprangkisa.

Nangangailangan din ito ng masistemang pananaw na

dapat taglayin ng franchisee. Sa mga pamamalakad na

ito masasabi na hindi lamang pera o kapital ang

kailangan sa pagpaprangkisa upang kumita; kailangan

din ng pagsisikap at tiyaga sa pagpapaunlad ng

prangkisang nabili kahit na kilala na ito ng masa.

Hindi dahil nabili na ang pangalan ng prangkisa ay may

kasiguraduhan na kikita rin ito ng malaki gaya ng mga

kapangalan nito. Isang kalamangan ng pagpaprangkisa ay

ang pagtanggap ng suporta sa franchisor sa

pagpapatakbo ng negosyo. Maaaring gabayan o tulungang

mamalakad ng franchisor ang franchisee. Ngunit hindi

magandang manatiling nakadepende sa tulong na maaaring

15
ibigay ng franchisor sa paglutas ng mga problemang

kinahaharap ng negosyo. Nakasalalay pa rin ang lahat

sa kamay ng taong bumili ng prangkisa.

Paano nga ba tumatakbo ang pera sa pagpaprangkisa?

Ayon pa rin kina Lesonsky:

Sa pangkalahatan, may mangyayaring tatlong

bayaran sa pagitan ng franchisee at franchisor,

tinatawag itong: initial franchise fee, royalties at

advertising contributions.

Ang pangunahing bayad na franchise fee ay ang bayad

ng franchisee sa prangkisang bibilhin. Kadalasang

2,500,000 pesos ang initial franchise fee ngunit ang

tipikal na halaga ng prangkisa ay naglalaro sa 900,000

hanggang 1,500,000 pesos. Mayroon din namang maliliit

na negosyong maaaring iprangkisa sa halagang 80,000

pesos. Kalimitan namang kasama na sa franchise fee ang

lokasyon, makinarya na gagamitin sa negosyo, inisyal

na serbisyo at pagsasanay. Mangyayari ang bayaran sa

pirmahan ng kontrata na kung saan ang dalawang panig

ay nararapat na magharap.

Bukod pa sa initial franchise fee ay ang royalty

fee. Ito ay ang pagbibigay safranchisor ng tatlo

hanggang walong pursyento na kita ng franchisee.

16
Kadalasang kinakalkula ito sa pamamagitan ng

pagkompyut sa gross sales ng negosyo ng bumili ng

prangkisa. Ang gross sales ay ang kita ng negosyo bago

bayaran ang mga layabilidad tulad ng sweldo, upa at

ang iba pang mga gastos sa loob ng negosyo. Natural na

gustong malaman ng franchisor ang gross sales dahil

nagpapalaki ito ng binabayarang royalty fee. Walang

direktang interes ang franchisor sa panglabas na anyo

na takbo ng negosyo dahil kahit anong mangyari ay

makatatanggap pa rin siya ng royalty fee kumita man

ang prangkisa o hindi. Ang panghuling termino ng

bayaran sa pagitan ng franchisee at franchisor ay

angadvertising fund contributions. Nagtatakda

ang franchisor ng pinunong franchisee sa bawat

rehiyon, ang pinuno ng franchisee ang siyang

mamamahala sa nakalaang pera para sa promosyon ng

negosyo. Makikinabang ang bawat franchisee sa system

trademarks na ito. Ang bayarin ay kadalasang naglalaro

sa isa hanggang apat na pursyento ng gross sales. Ang

mga kitang hindi napupunta sa tatlong bayarin na ito

ay mapupunta sa franchisee.

Ito ay ilan lamang sa mga responsibilidad ng

nagbabalak magprangkisa. Makikita na hindi lamang

17
basta-basta ang pagsabak sa industriya ng

pagpaprangkisa dahil may mga kailangang sundin na

hindi dapat ipagpaliban o ipagwalang-bahala. Hindi ito

katulad ng pagtatayo ng sariling negosyo na hawak at

kontrolado ang bawat galaw ng sirkulasyon ng kita at

sa lahat ng bahagi ng negosyo.

Tatlo sa mga nakapanayam naming mga mananaliksik

– ang isa ay may-ari ng siomai house/street food

cart at karinderya at ang isa naman ay may-ari

ng fruitshake stand - ang nagsabi na hindi sumagi sa

kanilang isipan na magprangkisa. Ito ay dahil sa

paniniwalang ang franchisor ang siyang tatayong amo.

Kung baga, hindi ang franchisee ang mismong employer.

Ang kadalasan na argumento nila tungkol dito ay: Bakit

pa magtatayo ng negosyo kung hindi naman ang may-ari

ang mismong mamamahala sa pangkahalatang pagpapatakbo

nito? Isa pang inaalala ng mga nagplaplanong sumabak

sa negosyo ay ang royalty fee na kinakailangan sa

pagpaprangkisa. Ito ang pinakamahirap na parte sa

pagpaprangkisa sapagkat malugi man o hindi ang

negosyo, kailangan patuloy pa rin ang pagbabayad ng

royalty fee sa franchisor.

18
Negosyo at ekonomiya. Madalas naririnig ang mga

salitang nabanggit na magkasama.

Ayon kay David A. Eichenbaum (2007), sa kanyang

librong, The Business Rules: The Seven Irrefutable

Laws That Determine All Business Success:

Ito ay dahil ang negosyo ang nagpapatakbo at

nagpapaunlad sa ekonomiya. Sinasabi rin dito na

kadalasan, ang kaunlaran ng isang bansa ay ibinabatay

sa ekonomiya nito. Kaya naman, sa panahon ngayon,

napakalaking parte sa lipunan ang dalawang salitang

ito. Masasabi na kapag ang ekonomiya ay maunlad, ang

pamumuhay ng mga taong napapaloob dito ay magaan. Ayon

parin kay Eichenbaum, isa sa mga pangunahing dahilan

sa pagtatayo ng negosyo ay upang magkaroon ng puhunan;

at ang puhunang makakalap sa kasalukuyan ay iaambag sa

puhunang gagamitin sa hinaharap. Ngunit, paniguradong

maraming pagsubok ang haharapin ng isang nagsisimula

pa lamang sa mundo ng pagnenegosyo.

Ayon kay Rieva Lesonsky (2007), na may akda ng Start

Your Own Business:

Sa paggawa ng bagong pangalan sa mundo ng

pagnenegosyo, kailangang buuin ito “from the ground

19
up”. Isa sa mga pagsubok dito, ayon sa kanya, ay ang

kahirapan sa pagbuo ng customer base. Ang kahalagahan

ng mga kostumer ay suportado ni F. J. Lennon (2001) sa

kanyang akdang Every Mistake in the Book.

Ayon sa kay F.J. Lennon (2001):

Kapag walang mga kostumer, walang negosyo.

Sa libro naman ni Richard Luecke (2006) na

pinamagatang Marketer’s Toolkit: The 10 Startegies You

Need to Succeed:

Sinasabing ang mga elemento sa pagnenegosyo –

marketing, human resource, finance, production,

product development – ay umiikot sa mga kostumer dahil

sa kanila ibinabatay ang mga ito.Makikita din sa The

World’s Billionaires Rank ng Forbes, karamihan sa mga

pinakamayayaman sa buong mundo ay mga negosyante –

mga entrepreneur. Sila ay mga karaniwang tao na

mayroong ‘di pangkaraniwang mga ideya.

Ayon kina William Heinecke at Jonatahan Marsh (2003)sa

pinagtambalan nilang akda na 25 Golden Rules for the

Global Business Manager:

Isa sa mga nagtutulak sa mga negosyante na

tahakin ang landas ng pagnenegosyo ay sa kadahilanang

20
sila ay mayroong mga magagandang ideya, ngunit sila’y

nananatiling nagtatrabaho lamang para sa iba. Ayon pa

kina Heinecke, ang mga negosyanteng ito ay handang

gumawa ng sakripisyo upang mapaunlad ang sarili. Ayon

pa sa kanila, ang mga ito ay gumagawa ng matitinding

paghahanda at pananaliksik upang mapabuti pa ang kani-

kanilang mga ideya, at mailapit ito sa publiko. Ang

prosesong iyon ay ang tinatawag na product

development. Malinaw na ang pagtatayo ng sariling

negosyo ay hindi madali.

Sabi nga ni Brian Tracy (2000) sa kanyang librong, The

100 Absolutely Unbreakable Laws of Business Success:

“Success is unpredictable.” Kaya naman,

kailangan maging pursigido at determinado ang mga

nagnanais magsimula ng sariling negosyo.

Sa pagprangkisa, sa sandaling panahon ng pagkakatayo

ng negosyo ay hindi na mahihirapan pang ipakilala ang

mga produkto at serbisyong iniaalok.

Ayon kay Luzviminda ng Luzviminda Restaurant&Catering

Services:

“Madali nang makakuha ng mga customer ang isang

prangkisa; kailangan lang talaga ay strategy.” Ang

21
pagkakaroon ng kilalang pangalan ang malaking

kalamangan ng pagpaprangkisa sa pagtatayo ng sariling

negosyo. Ngunit kung hindi mapapanatili ng maayos ang

pangalan ng prangkisa, magdudulot ito ng problema at

hindi nito maaabot ang inaasam na kita. Nakasalalay

din sa bawat prangkisa ang imahe ng negosyo. Sa isang

pagkakamali tulad ng hindi magandang serbisyo,

maaaring maiba na ang tingin ng mamimili sa iyong

negosyo.

Binanggit ni Mardy Camanaque ng Friomixx:

“Kung halimbawa na magsara ang isang branch dahil

mahal o kaya hindi maganda ang serbisyo, nadadamay ang

iba pang branch kaya parang iniisip ng tao na katulad

ang serbisyo nito sa nagsarang branch. Kung kaya’t

lahat ng nagpaprangkisa ng nabanggit na negosyo ay

nadadamay.” Mahirap at mabusisi ang pagpaprangkisa.

Ayon kay Wilmart Gomez,tagapamahala ng McDonalds sa

sangay na pinakamalapit sa WU-P:

“Isang problema din ang availability ng

products, talagang nakadepende ka sa comissary, at

hindi ka maka-adjust sa pricing dahil ang company

dapat ang mag-adjust.”Hindi maaaring magbago kaagad

22
ang estratehiya at pamamahala ng isang negosyong

prangkisa.

Ayon naman kay Robert Medina, Jr., may-ari ng Sticks

and Bowls:

“Ang franchise kasi ay may agreement. Kaya every

move that you make, you have to inform your

franchisors. Kaya masyado itong restricted.” Ang

pagpaprangkisa ay dadaan muna sa mabusising proseso na

nangangailangan pa ng pagsang-ayon ngfranchisor. Ayon

din sa kanya, kinakailangang bigyang-pansin ang

popularidad ng negosyo at kalidad ng pagkain at

produkto na kinuha mismo sa kumpanyang gustong

prangkisahin upang hindi masira sa mga mamimili.

Sa mga nagtayo ng sariling negosyo, hindi

naisipan ni Del Rabe, may-ari ng siomayan sa Mabini na

magprangkisa dahil sa laki ng kapital na kailangan.

Maliban pa doon ay sinasabi niya na mahirap sumabak sa

industriya ng pagpaprangkisa dahil kailangan ay may

parehas na antas ng pamamahala lalo na sa aspeto ng

pagpataw ng presyo sa mga serbisyo at produkto na

iniaalok.

23
Ayon naman kay Yolly Rivera, may-ari ng Nanay Yolly’s

Eatery&Catering Services:

Sa pagharap naman sa problema o kagipitan sa

negosyo ay mas mahirap solusyunan ang negosyong

prangkisa dahil sa taas ng kalidad na kinakailangan.

Isa rin daw kaginhawaang maituturing na manggaling ang

lahat ng plano o estratehiya sa mismong negosyante

para sa pagpapatakbo ng nasabing negosyo. Ayon sa

kanya, sa lasa nakasalalay ang lahat: “Taste is the

best.” Kung ikukumpara naman sa paraan ng pagkontrol

ng franchisor sa kita at ikauunlad ng negosyo, na sa

bawat hakbang na gagawin ay kailangang ipaalam pa; ang

pagtatayo ng sariling negosyo ay lubhang mas malaya.

Nangyayari din sa mga nakapanayam na negosyante ang

pagharap sa mga suliranin na kadalasang lumilitaw sa

pangkabuhayan gaya ng pagkalugi.

Ayon kay Leah ng Chloe’s Eatery, “May tamang kita

dapat sa araw-araw or malulugi ang business”. Ayon

naman kay Gabriel Ramos Jr., may-ari ng Japit

Foodhouse, “Nakaranas din kami ng financial problems

when it comes to rentals and deposits.” Ayon pa rin sa

kanya, ang mga problemang ito ay normal lamang sa

pakikipagsapalaran. Hindi rin daw basta-basta ang

24
pagtatayo ng sariling negosyo kahit na hindi

nangangailangan ng ganoong kalaking kapital

kinakailangan dapat na magsagawa muna ng pag-aaral

ukol sa kabuhayang itatayo upang ito ay maging

matagumpay.

25
Kabanata III

Pamamaraan at Metodolohiya

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na ito ay gumagamit talatanungan o

sarbey upang makakalap ng datos at mga impormasyon

patungkol sa paksa. Ang disenyong ginamit ay CRD

(completely selective design).Binigyang pansin sa

pagpili ng mga respondante kung pareho ang serbisyo o

produktong kanilang iniaalok.

Mula sa tinatayang isang daang (100) mga

estyablisyimento ng pagkain sa loob at labas ng WU-P,

kumuha lamang kami ng dalawampung respondante (20) na

katumbas lamang ng dalawampung porsiyento (20%).

Ang mga Instrumento

1. Pangangalap ng Kaugnay na Literatura at Pag-

aaral. Kaming mga mananaliksik ay nangalap ng

mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa

iba’t-ibang sanggunian tulad ng internet, libro

at mga lathalain. Ito ay lubhang nakatulong sa

pagpapatibay ng pag-aaral na ito.

2. Pagbuo ng Talatanungan.Ang talatanungang aming

ginawa ay gumamit ng lenggwaheng tagalog upang

26
higit na maunawaan ng bawat respondante dahil

lahat naman ng aming pinili ay mga Pilipino.

Ang mga bahagi ng talatanungan ay ang mga

sumusunod:

a. Personal na impormasyon sa respondante na

kinabibilangan ng edad, pangalan

(opsyunal),kasarian at hanapbuhay;

b. Ang kanilang mga negosyo, dahilan sa

pagtatayo nito at kung saan nila ito

itinayo;

c. Ano ang mas mainam na paraan ng pagtatayo ng

negosyo, Pagpaprangkisa o Pagtatayo ng

sariling negosyo;

d. Mas lamang nga ba ang industriya ng pagkain

pagdating sa pagpaprangkisa ng negosyo;

e. Mga problemang kinakaharap ng isang negosyo;

Bago ipinamigay ang mga talatanungan, kaming mga

mananaliksik ay nagbigay muna ng kaunting impormasyon

tungkol sa aming pag-aaral at sarili.

27
Ang Pagkuha ng Datos

Kami ay nagpunta sa foodcourt ng WU-P at sa mga

estyablisyimento na may kinalaman sa pagkain sa labas

ng WU-P kung saan may mga negosyanteng maaari naming

bigyan ng talatanungan sa kanilang bakanteng oras.

Ang Paraan ng Pananaliksik

Ang Pag-aaral na ito ay isinasagawa sa Taong

Panuruan 2015-2016 sa WU-P. Ang mga naging respondante

ng pag-aaral ay mga negosyanteng nagmamay-ari ng

negosyong may kinalaman sa pagkain sa loob at labas ng

WU-P. Ang bilang ng mga respondante ay 20 na 20% sa

kabuuang bilang ng mga negosyante.

Ang Pag-aanalisa ng Datos

Sa pag-aanalisa ng datos, kinuha naming ang

frequency, mean at porsyento ng mga respondante.

Gumawa rin kami ng mga teybol upang mas malinaw na

maipakita ang mga impormasyon at datos na aming

nakalap.

28
Kabanata IV:

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Mga Datos Kaugnay ng Talatanungan

Ang talatanungang binuo namin ay binubuo ng apat

pangkalahatang bahagi. Maraming salik sa impormasyong

pangnegosyo ang isinagawa namin sa pag-aaral na ito

sapagkat ito ay may kaugnayan sa aming ginawang paksa.

Una rito ay may kaugnayan sa mga kadahilanan kung

bakit sila nagtayo ng negosyo. Pangalawa ay ano nga ba

ang mas tinatangkilik o mas gustong paraan ng

pagtatayo ng negosyo.Ang pangatlo ay kung ano ang mas

kumplikado sa dalawang paraan ng pagtatayo ng negosyo.

At ang huli ay mas lamang nga ba talaga ang industriya

ng pagkain pagdating sa pagpaprangkisa.

Teybol 1: Mga Dahilan sa Pagtatayo nila ng Negosyo

Dahilan Bilang Porsyento

Para kumita 12 46%

Magsilbing pampalipas oras 2 7%

Malinang ang kakayahan 9 35%

Makatulong sa ekonomiya 3 12%

29
Ipinapakita sa teybol 1 na ang pangunahing

dahilan ng mga taong nais magtayo ng negosyo ay para

kumita dahil sa hirap ng buhay ngayon sa ating bansa

at para may pangtustos sa pang-araw-araw nilang

pangangailangan sa kanilang pamumuhay. Kabilang din sa

karaniwang dahilan ay para malinang ang kanilang

kakayahan sa pagtatayo ng negosyo na may 35 posyento.

Teybol 2: Impormasyon tungkol sa mas gustong paraan ng

pagtatayo ng negosyo

Paraan ng Pagtatayo ng Negoyo Bilang Porsyento

Pagpaprangkisa 7 35%

Pagtatayo ng sariling negosyo 13 65%

Ipinakita sa teybol 2 ang bilang ng gustong

magprangkisa at magtayo ng sariling negosyo. Nakita

dito na mas marami pa ring magtayo ng sariling negosyo

dahil natatakot sila sa mga disbentahe ng

pagpaprangkisa.

30
Teybol 3: Mas Kumplikadong Paraan ng Pagtatayo ng

Negosyo

Paraan ng Pagtatayo ng Negosyo Bilang Porsyento

Pagpaprangkisa 14 70%

Pagtatayo ng Sariling Negosyo 6 30%

Ipinapakita lamang sa teybol 3 na para sa mga

negosyanteng aming nakapanayam ay mas kumplikado ang

pagpaprangkisa dahil sa madami pa daw pagdadaanang

proseso bago makapagprangkisa. 70% ang nagsabi na mas

kumplikado ang pagpaprangkisa.

Teybol 4: Lamang ang Industriya ng Pagkain pagdating

sa Pagpaprangkisa ng isang Negosyo

Pamimilian Bilang Porsyento

Oo 15 75%

Hindi 5 25%

Ang huling teybol ay nagpapakita na pagdating sa

aspeto ng pagpaprangkisa ng negosyo mas lamang talaga

ang negosyong may kinalaman sa pagkain.Ang sumagot ng

hindi ay nakakuha lamang ng napakababang porsyento.

31
KABANATA V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapaghambing

ang dalawang paraan ng pagtatayo ng negosyo.Gayundin

kung ano nga ang mas praktikal at mas gusto ng mga

negosyante sa kasalukuyang panahon pati na rin ang

disbentahe at bentahe ng pagpaprangkisa at pagtatayo

ng sariling negosyo.

Sa kabuuang tinatayang 100 estyablisyimento na

may kauganayan sa pagkain dito sa loob at labas ng

kampus ng Wesleyan mayroong 20 kinuha bilang mga

respondante at sila ay mga negosyante.

Ayon sa resulta na lumabas sa aming pananaliksik

ang karaniwang dahilan nila sa pagtatayo ng negosyo ay

uapng kumita. Nang sila ay tanungin namin kung ano ang

mas gusto nila o mas praktikal para sa kanila sa

dalawang paraan ng pagtatayo ng negosyo aming napag-

alaman na mas gusto nila o mas praktikal para sa

kanila ang pagtatayo ng sariling negosyo.

Para rin sa mga negosyante naming nakapanayam at

pinagsagot ng talatanungan, Sabi nila na pagdating sa

32
pagpaprangkisa o maging sa pagtatayo ng sariling

negosyo mas patok pa rin talaga ang negosyong may

kinalaman sa pagkain dahil likas sa mga Pinoy ang

pagkahilig sa pagkain.

Pinapatunayan lamang nito na tahasang

napaghambing ang dalawang paraan ng pagtatayo ng

negosyo at napag-alaman pa kung ano talaga ang mas

tinatangkilik at mas praktikal para sa mga

respondante.Naibigay din sa pag-aaral na ito ang

disbentahe at bentahe ng dalawang nasabing paraan ng

pagtatayo ng negosyo.

Kongklusyon

Matapos ang masusing pag-aaral, pagkalap ng

mga datos, at paggawa ng sarbey sa mga angkop na taong

nabanggit sa ikalawang kabanata, napatunayan na mas

praktikal ang magtayo o mag-umpisa ng sariling negosyo

kumpara sa pagbili ng prangkisa.

Ayon sa mga impormasyong nakalap, praktikal ang

bumili ng prangkisa kung pagbabasihan ang pangalan at

popularidad, ngunit sa kabilang banda, mas praktikal

pa rin ang magtayo ng sariling negosyo sa katagalan.

Sa pagbili ng prangkisa, limitado ang pamamahala nito

33
sang-ayon sa nakasaad sa kontrata. Ikalawa naman dito

ang pagtatayo ng sariling negosyo, kung saan ang

nagmamay-ari ay malayang nakapagdedesisyon ukol sa mga

pagbabagong kanyang ninanais. Ang isang negosyanteng

bumili ng prangkisa ay itinuturing bilang isang

manedyer lamang at nabibigyan lamang ng karapatan na

gamitin ang pangalan at logo ng kanyang

pinagpaprangkisahang kumpanya. Samantalang sa

pagtatayo ng sariling negosyo, ang pangalan at logo ay

pag-aari rin ng negosyanteng nagtayo nito at mayroon

siyang kalayaang baguhin ito kailan man niya naisin.

Ang pagbili ng negosyong prangkisa ay nangangahulugan

ng napakalaking puhunan, samantalang sa pagtatayo ng

sariling negosyo, sapat na ang hindi gaanong

kalakihang kapital.

Sa pangkabuuan, maaaring hindi maging madali ang

pagtatayo ng sariling negosyo sa kadahilanang

magsisimula ito sa wala, ngunit sa paglipas ng panahon

ay mas praktikal pa rin ito. Hindi ito nangangailangan

ng malaking puhunan at maaaring mag-umpisa sa maliit

ang nagnanais na magtayo ng sariling negosyo. Malaya

ang negosyante na gumawa ng desisyon at nasa kanya ang

buong pagmamay-ari ng pangalan at logo ng kanyang

34
negosyo. Sa katagalan ng negosyo, aani rin ito ng

reputasyon at popularidad na tulad ng sa mga kilalang

malalaking industriya’t korporasyon na nag-aalok ng

pagpaprangkisa. Ang inumpisahang maliit na negosyo ay

maaaring lumaki kung magtitiyaga. Batay sa mga

nabanggit na impormasyon, masasabing ang pagtatayo ng

sariling negosyo ay talagang mas praktikal kaysa sa

pagpaprangkisa.

Hindi kailangang madaliin ang pag-unlad. Ang oras

ay isa lamang bahagi nito. Higit na mahalaga pa rin

ang paggawa ng dekalidad na produkto at serbisyo, at

ang pagbibigay-halaga sa mga mamimili. Ang mga

mamimili ay ang bubuhay sa negosyo, kaya naman dapat

intindihin at respetuhin nang husto ang mga ito.

Rekomendasyon

Iminumungkahi namin sa mga susunod na henerasyong

nagbabalak mag-aral sa pareho o may pagkakatulad sa

nasabing paksa na sila ay maglaan ng sapat na panahon

upang makagawa ng mga interbyu sa mga piling

negosyante nang sa gayon ay makakalap sila ng sapat na

datos. Kung kanilang pagtutuunan ng pansin ang

kumpetisyong namamagitan sa sariling negosyo at

prangkisa ay maaari silang magsarbey sa mga tao sa

35
pamamagitan ng pagkukumpara ng isang sariling negosyo

at sa isang prangkisa, na kung saan ba mas nasisiyahan

ang mga kostumer.

Maganda ring mabigyang-pansin ang mga bagay na

kailangan sa pagtatayo ng sariling negosyo – puhunan,

lokasyon, pangalan, tiwala ng kostumer at iba pa.

Ikonsidera rin dapat ng mga mananaliksik ang mga

saloobin ng mga nagbabalak magtayo ng sariling

negosyo: Ang kanilang kahandaan sa pagpasok sa

kumplikadong mundo ng pagnenegosyo.

Inirerekomenda din ang pananaliksik at pagkalap

ng mga datos mula sa interbyu ng mga guro ng Komersiyo

na nakatuon sa pagtatayo ng negosyo o mga guro sa

kolehiyo na nagtuturo ng entrepreneurship.

Makatutulong ito nang malaki upang mas mabigyang-linaw

ang magagandang dulot ng pagtatayo ng sariling

negosyo. Sa pagpapalawig ng pag-aaral na ito, maaari

ring mas bigyang-pansin ang iba pang mga salik na

kinahaharap ng pagnenegosyo ng sarili at ng prangkisa.

36
Apendiks

Ang halimbawa ng talatanungang ibinigay sa mga

respondante.

Republika ng Pilipinas

Wesleyan University-Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham

Cabanatuan City, Nueva Ecija

Ang Pagpaprangkisa ng Negosyo at

Pagtatayo ng Sariling Negosyo: Isang Paghahambing

Pangalan (Opsyunal):

Kasarian: _____

Edad:_____

(Lagyan ng tsek)____ Nagtatrabaho _____ Estudyante

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang ng iyong sagot.

Mga Katanungan:

1.) Mayroon ka na bang itinayong negosyo?

______ Oo

______ Hindi

37
2.) Kung oo, anong klaseng negosyo ang itinayo mo?

______ Nag-prangkisa ng isang negosyo

______ Nagtayo ng sariling negosyo

3.) Ano ang pangunahin mong dahilan kung bakit mo

ginustong magnegosyo? (Mamili sa mga sumusunod na

kadahilanan?

______ Para kumita

______ Magsilbing Pampalipas Oras

______ Para malinang ang sariling kakayahan sa

pagnenegosyo

______ Para makatulong sa ekonomiya

4.) Naniniwala ka bang sa aspeto ng pagpaprangkisa ay

mas lamang ang industriya ng mga pagkain o kainan?

______Oo

______Hindi

5.) Saan mo ito itinayo? (Mamili lamang ng isa)

______Sa Unibersidad/Paaralan

______Sa Parke

______Sa Mall/Pook Pasyalan

______Sa Palengke

38
6.) Base sa iyong sagot sa naunang tanong, bakit doon

mo napiling magnegosyo?

______ Dahil mas matao

______ Mura ang renta sa estyablisyimento

______ Nahikayat ng iyong kakilala

Isulat sa patlang kung may ibang sagot,

______________________________

7.) Ano na ang problemang kinaharap ng iyong negosyo?

______Pera

______Lokasyon

______Kakulangan ng estratehiya

______Pautang sa mga customer

Isulat sa patlang kung wala sa pamimilian,

_____________________________

8.) Sa iyong opinyon, aling paraan ng pagtatayo ng

negosyo ang mas mabilis na makababawi agad ng puhunan?

______ Pagpaprangkisa ng Negosyo

______Pagtatayo ng Sariling Negosyo

39
9.) Sa tingin mo ba mas kumplikado ang pagpaprangkisa

kaysa pagtatayo ng sariling negosyo?

_____ Oo

_____ Hindi

40
Bibliograpi

A. MGA AKLAT:

Bartolome, A. (2008). Overview of Franchising. USA:

Golden Morning Blessings Franchise Developers.

Anton-Conley, M. & Lesonsky, R. (2004). Ultimate Book

of Franchises. Canada: Entrepreneur Media, Inc.

Byrd, M., Megginson, L. W. & Scott, C. (1997). Small

Business Management: AnEntrepreneur’s Guide to Sucess

(2nd Ed.). USA: Richard D. Irwin, Inc.

Eichenbaum, D. A. (2007). The Business Rules: The

Seven Irrefutable Laws That Determine All Business

Sucess. Canada: Entrepreneur Press.

Heinecke, W. E. & Marsh, J. (2003). 25 Golden Rules

for the Global BusinessManager. USA: John Wiley &

Sons.

Judd, R. J. & Justis, R. T. (2007). Franchising. USA:

Thomson Custom Pub.

Kay, E. & Shaw, W. (1945). How to Start Your Own

Business. USA: Ziff-Davis.

41
Kreitner, R. (2009). Management Principles (Philippine

Ed.). Philippines: MG Reprographics, Inc.

Lennon, F. J. (2001). Every Mistake in the Book. USA:

HarperCollins Publisher, Inc.

Lesonsky, R. (2007). Start Your Own Business. USA:

Entrepreneur Press.

Scarborough, N. M. & Zimmerer, T. W. (2000). Effective

Small BusinessManagement: An Entrepreneurial Approach.

USA: Prentice Hall, Inc.

Tracy, B. (2000). The 100 Absolutely Unbreakable Laws

of Business Success. USA: Berrett-Koehler Publishers,

Inc.

B.Hanguang Elektroniko/Internet:

“History of Franchising”.

FRANCOUNSELGROUP,http://www.francounselgroup.com/looki

ng-for-a-franchise/history. Accessed on March 2010.

“Negosyo”. WIKIPlEDIA,

http://tl.wikipedia.org/wiki/Negosyo. Accessed on

February 2010.

42
TALAMBUHAY

Pangalan: Princess Joy O. Cabrera

Kaarawan: Disyembre 24,1998

Pook Sinilangan: Cabanatuan City, Nueva Ecija

Kabansaan: Filipino

Tirahan: 608 Hilltop Sudv. Cabanatuan,City

Mga Magulang: Gregorio J. Cabrera Jr.

Jocelyn O. Cabrera

Antas na Naabot

Elementarya: Mababang Paaralan ng Pinanggaan, Jaen,

Nueva Ecija

Sekondarya: San Agustin Diocesan Academy, Poblacion,

Jaen,Nueva Ecija

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

43
TALAMBUHAY

Pangalan:

Kaarawan:

Pook Sinilangan:

Kabansaan:

Tirahan:

Mga Magulang:

Antas na Naabot

Elementarya:

Sekondarya:

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

44
TALAMBUHAY

Pangalan:

Kaarawan:

Pook Sinilangan:

Kabansaan:

Tirahan:

Mga Magulang:

Antas na Naabot

Elementarya:

Sekondarya:

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

45
TALAMBUHAY

Pangalan:

Kaarawan:

Pook Sinilangan:

Kabansaan:

Tirahan:

Mga Magulang:

Antas na Naabot

Elementarya:

Sekondarya:

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

46
TALAMBUHAY

Pangalan:

Kaarawan:

Pook Sinilangan:

Kabansaan:

Tirahan:

Mga Magulang:

Antas na Naabot

Elementarya:

Sekondarya:

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

47
TALAMBUHAY

Pangalan:

Kaarawan:

Pook Sinilangan:

Kabansaan:

Tirahan:

Mga Magulang:

Antas na Naabot

Elementarya:

Sekondarya:

Kolehiyo: Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan

City.

Kurso: Bachelor of Science and Accountancy

48

You might also like