You are on page 1of 2

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ayon kina Orszag (2001), kada taon, hindi maitatanggi ang pagtaas ng

bilang ng mga mag-aaral na nagsisipagtrabaho. Ang kadalasang dahilan ay ang

kakulangan sa pagtustos sa pag-aaral. Napatunayan ang pagtaas na ito sa

pamamagitan ng mga statistics na naitala sa Bureau of Labor Statistics ng U.S

Department of Labor. Mula noong taong 1984, walang patid ang pagtaas ng

bilang ng mga working students na umabot pa sa 52% mula sa kabuuang bilang

ng mag-aaral noong taong 2000. Dagdag pa dito, mayroong dalawang klase ng

nagtratrabahong mag-aaral o working student: ang part-time at ang full-time

working student. Ang part-time working student ay mga estudyanteng

naghahanapbuhay na mas binibigyan ng halaga ang pag-aaral. Karaniwan na

nagtratrabaho ang mga ito ng mahigit kumulang sa 10 oras sa isang linggo.

Itinuturing nila ang sarili nila bilang mga “mag-aaral na nagtratrabaho” (students

who work). Ang full-time working student naman ay ang mga estudyanteng

naghahanapbuhay din pero mas tinutuunan ng pansin ang pagtratrabaho. Ang

mga ito ay kadalasang naglalaan ng mahigit kumulang 20 oras kada linggo

(subalit ayon sa ibang sipi, ito ay umaabot sa 25-25 oras). Sila ang mga

“empleyado na nag-aaral” (workers who study).

Kung ikukumpara ang dalawang klase ng working student, mas may

pakinabang ang mga part-time kaysa sa full-time working students. Dahil mas

kakaunting panahon ang gamit para sa trabaho ng mga part-time working

8
students, sila ay mas maraming oras para mag-aral. Ito ay nagdudulot sa kanila

ng mas mataas na grado sa akademiko. Ang mga full-time working students

naman, dahil mas natutuunan nila ng pansin ang trabaho, ay mas kakaunti ang

oras para mag-aral. Ayon sa isang sarbey, umaabot sa 40% ng full-time working

students ay nararamdaman na ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng isang trabaho

ay mas kakaunting oras para magbasa at mag-aral (Smith, 2006). Ang

pagbibigay oras nila sa pagtratrabaho ay unti-unting nakasasama sa academic

performance nila. Dagdag pa rito, sinasabi na mas mataas ang posibilidad na

mag-drop sa pag-aaral ang isang mag-aaral na nagtratrabaho ng full-time kaysa

sa part-time. Sinasabing mga sampung porsiyento (10%) ang kaibahan ng bilang

ng mga nagtatapos na mag-aaral na nagtratrabaho ng part-time at full time

(Orszag, Orszag, Whitmore, 2001).

You might also like