You are on page 1of 9

Antas ng Komprehensyon ng mga

Mag-aaral sa Ikapitong Baitang Gamit


ang Philippine Informal Reading
Inventory
MARK ALLEN L. LACADIN1, MYRA C. CATUNGAL2, PH.D.
1Benigno V. Aldana National High School
2PSU School Advanced Study

allenlacadin@mail.com
catungalmyra15@yahoo.com

ABSTRAK

Napakahalagang kasanayan ang pagbasa sa buhay ng isang mag-aaral. Ang isang


mahusay na mag-aaral ay kailangang magpakita ng mataas na komprehensyon sa
pagbasa ngunit marami pa ring mag-aaral ang nahihirapan umunawa sa tekstong kanilang
binabasa na sanhi ng iba’t ibang suliraning kanilang nararanasan. Ang pananaliksik na ito
ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral ikapitong
baitang ng Benigno V. Aldana National High School gamit ang Philippine Informal Reading
Inventory. Sinaliksik din ang mga suliraning naranasan ng mga mag-aaral habang tinutukoy
ang kanilang antas sa pagbasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapamungkahi
ng isang panukalang gawain na makatutulong sa pagpapataas ng komprehensyon ng mga
mag-aaral gamit ang Philippine Informal Reading Inventory.
Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong-korelasyonal na pamamaraan sa
pananaliksik na ito; bumuo ng talatanungan upang makalap ang profayl at mapag-aralan
ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa Philippine Informal Reading
Inventory. Sinasiksik din ang resulta ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral sa Philippine
Informal Reading Inventory. Lumabas sa pag-aaral na animnapu’t walong (68) mag-aaral
ang naging respondente ng pananaliksik na pinili gamit ang homogeneous sampling, isang
uri ng purposive sampling.
Ang pag-aaral tungkol sa antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit
ang Philippine Informal Reading Inventory ay nagpakita ng positibong resulta. Napag-alam
ng mananaliksik na mayroong pagtaas ng antas sa pagbasa ng mga mag-aaral dahil sa
Philippine Informal Reading Inventory. Natuklasan din ng pag-aaral na ito na ang
babasahing aklat ay nagpakita ng makabuluhang kaugnayan sa komprehensyon sa
pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang Philippine Informal Reading Inventory. Lumalabas
din sa pag-aaral na kahit naging positibo ang pagsasagawa ng Philippine Informal Reading
Inventory, nakararanas pa rin ang mga mag-aaral ng mga iba’t ibang mga suliranin bago,
habang at matapos ang reading inventory.

Mga Susing Salita:


Antas, Pagbasa, Komprehensyon, Independent, Instructional, Frustration, at Philippine
Informal Reading Inventory

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

ABSTRACT

Reading is a very important skill in a student’s life. A good student needs to show high reading comprehension
but many students still have difficulty understanding the text they are reading due to various problems they
experience. This research was conducted to determine the level of comprehension of seventh grade students
of Benigno V. Aldana National High School using the Philippine Informal Reading Inventory. Problems
experienced by students while determining their reading level were also researched. This study aims to propose
a proposed activity that will help increase students ’comprehension using the Philippine Informal Reading
Inventory. The researcher used a descriptive-correlational method in this research; develop a questionnaire
to gather a profile and analyze the problems faced by students in the Philippine Informal Reading Inventory.
The results of the pre-test and post-test of the students in the Philippine Informal Reading Inventory are also
analyzed. The study showed that sixty-eight (68) students were research respondents who were selected using
homogeneous sampling, a type of purposive sampling. A study about the level of reading comprehension of
students using the Philippine Informal Reading Inventory showed a positive result. The researcher found that
there is an increase in the reading level of students due to the Philippine Informal Reading Inventory. This
study also found that book reading showed a significant correlation with students ’reading comprehension
using the Philippine Informal Reading Inventory. The study also shows that even though the Philippine Informal
Reading Inventory has been positive, students still experience various problems before, during and after the
reading inventory.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa mga pinakamahalagang dapat matamo ng isang tao sa
kanyang pagpasok sa paaralan (Urbano et. al. 2012). Ngunit sa makabagong panahon na kung saan mabilis
ang paglabas ng mga babasahing teksto at mabilis din ang paglaganap ng maling mga impormasyon na
nagiging sanhi ng kalituhan sa mga tao. Ito ang isa sa mga suliranin ng mga mag-aaral at paaralan sa
makabagong panahon. Sa katunayan nga isa pa rin sa malaking suliranin ng maraming mga paaralan sa
buong mundo ang mababang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng kanilang mga mag-aaral. Isa nga
sa mga bansang nakararanas nito ay sa bansang Indonesia. Batay sa datos na nakalap ng Programme
International Student Assessment (PISA) noong 2015, walumpu’t anim na bahagdan (86%) ng mga taga-
Indonesia ang may edad na labing-limang taon ay nasa Level 2 pababa ang hindi pa konsistent na
makakilala ng mga mahahalagang impormasyon sa tekstong kanilang binabasa. Nakakaalarma ang
ganitong sitwasyon lalo na lumabas sa nakaraang resulta ng Programme International Student Assessment
(PISA) – isang internasyonal na organisasyong sumusukat sa talino sa pagbasa ng mga mag-aara , na
ngayong 2018, ang Pilipinas ang natayang may pinakamababang antas sa pagbabasa. Mula sa nasuring
mga mag-aaral, edad labing lima o 15 taong gulang ay nakakuha ng 340 na reading average score mas
mababa ng higat 200 na puntos sa bansang China at mas mababa kumpara sa mga bansang kabilang sa
Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) na may reading average score na 487.
Ang pagsusuring ito ng Programme International Student Assessment (PISA) ay nangangahulugan lamang na
mababa ang kalidad ng pagtuturo ng pagbasa sa ating bansa. Kaya isang oportunidad ang pagsusuring
ito na kailangan pa ng higit at ibayong pagkatuto ng mga mag-aaral. Iminumungkahi nga Institute of
Education Sciences (2010) ang paggamit ng malinaw na pagtuturo ay makatutulong sa pagpapataas ng
komprehensyon sa pagbasa ng mga mag–aaral. Dahil nga sa umiiral na suliranin ng bansa sa mababang
komprehensyon sa pagbasa ang Department of Education ay puspusan ang ginagawang kilos at/o
programa upang matugunan ang problema sa pagbasa. Naglabas nga ito ng DepEd order 14, S, 2018 –
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
2
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

Policy Guidelines on the Administration of the Revised Philippine Informal Reading Inventory o Phil-IRI noong
March 26, 2018 na nagsasaad ng pagsuporta sa “Every Child a Reader Program”. Layunin nito na gawing
mahusay na mambabasa at manunulat ang bawat mag-aaral ayon sa kanilang antas o baitang.Ito rin ay
classroom-based assessment tool na naglalayong sukatin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa
wikang Ingles at Filipino - pabigkas na pagbasa; tahimik na pagbasa, at pag-unawa sa pakikinig na
maglalarawan kung ang isang mag-aaral ay nasa independent, instructional at frustration na antas.
Nagpakita ito ng ng implikasyon sa pag-aaral ni Lalunio (2000) na ang kahinaan sa pagbabasa ang mga
mag-aaral sa elementarya at hayskul na nangailangan ng pagsasagawa ng aksyon tulad ng Phil-IRI. Kaya
naman napakahalaga ng pagtuturo ng pagbasa na mayroong komprehensyon. Kinakailangan ng
pagsasaalang-alang ng parametro ng pagbabasa panretorika. Lahat ng ito ay maktutulong sa
pagpapataas ng kamalayan sa pagbasa. Ibig sabihin, ang epektibong pagbabasa ay nangangailangan
ng komprehensibong pang-unawa sa tekstong binabasa. Sa makabagong panahon, mabilis ang paglabas
ng mga babasahing teksto at mabilis din ang paglaganap ng maling mga impormasyon na nagiging sanhi
ng kalituhan sa mga tao. Ito ang isa sa mga suliranin ng mga mag-aaral at paaralan sa makabagong
panahon. Kaya naman kailangan ng mga mag-aaral na maging bihasa sa pagsusuri at pagkuha ng mga
angkop na kaalaman sa tekstong kanilang binabasa. Sa pag–aaral nga na isinagawa nina Paris at Paris
(2007), maaari raw mapaunlad ang mababang komprehensyon ng mga mag–aaral na hindi makabasa
nang maayos sa pamamagitan ng explicit instruction sa estratehiya ng pagbasa at pagbuo ng mga salita.
Ilan lamang ito sa mga dahilan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa Philippine Informal
Reading Inventory.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang komprehensyon sa pagbasa at saliksikin ang mga suliraning
nararanasan ng mga mag-aaral bago, habang at matapos gamitin ang Philippine Informal Reading Inventory
sa Ikapitong baitang ng Benigno V. Aldana National High School (BVANHS) Pozorrubio, Pangasinan. Sa
pananaliksik na ito, lubos na tatayain ang mga salik na nakaaapekto sa mababang antas ng pagbasa ng
mga mag-aaral. Buhat sa matinding pagnanais na makatulong sa mga tagapangasiwa ng Philippine Informal
Reading Inventory, ang pag-aaral ay nakapaghatid ng mga kongkretong hakbang sa paglutas ng
mababang komprehensyon ng mga mag-aaral. Isinasaalang-alang din ng mananaliksik ang pagpapanukala
ng mga planong gawain na tutulong sa pagpapahusay pa ng pagsasagawa ng Philippine Informal Reading
Inventory ng mga guro sa paaralan.
Sa pagtuturo nga sa paaralang ito, nakita at naobserbahan ng mananaliksik na may pangangailangan pa
sa paghasa at pagtatamo ng matatas na komprehensyon ang mga mag-aaral sa pagbabasa. Sa pag-aaral
na ito, maaaring maging basehan ang panukalang gawain sa Philippine Informal Reading Inventory ng mga
guro sa asignaturang Filipino partikular na sa pagtuturo ng pagbasa. Maaari ding maging sanggunian ang
pananaliksik na ito ng mga guro upang makakuha ng estratehiya sa pagsasagawa ng Philippine Informal
Reading Inventory.

MATERYALES AT METODOLOHIYA
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang Deskriptibong-korelasyunal na pamamaraan. Layunin
nitong sistematikong mailarawan ang sitwasyong makatotohan, matasa ang antas ng komprehensyon ng mga
mag–aaral sa ikapitong baitang na sumailalim sa Philippine Informal Reading Inventory at ang mga suliraning
kinaharap ng mga respondente bago, habang at matapos isinagawa ang naturang pagtatasa. Dito tutukuyin
ng mananaliksik kung may makabuluhang kaugnayan ang profayl ng mga mag-aaral sa antas ng kanilang
komprehensyon sa pagbasa gamit ang Philippine Informal Reading Inventory gamit ang Group Administered
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
3
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

Questionnaire. Ayon kay Trochim 2020, sa Group Administered Questionnaire, pagsasama-samahin ang mga
respondente at hahayaang tumugon sa naihandang lupon ng mga tanong. Ito ay makatutulong upang
maisagawa ang pag-aaral nang mas maayos at mabilis sapagkat ang mga respondente ay nakapangkat
sa isang lugar.

INSTRUMENTASYON
Ang mananaliksik ay gumamit ng balidong talatanungan upang makalap ang mga mahahalagang
kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang balidong talatanungang ito ay naglalaman ng profyl ng mga mag-
aaral at ang mga suliraning nararanasan ng mga respondente bago, habang at matapos ang isinagawang
Philippine Reading Inventory. Ginamit din ng mananaliksik ang naging resulta ng isinagawang Philippine
Informal Reading Inventory ng mga respondente at alalamin kung may kaugnayan ba ito sa kanilang profyl.

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS


Ang pag-aaral na ito ay dadaan sa masusing pagsusuri gamit ng estadistika.Gagamit ng frequency
count sa profyl ng mga respondente upang mailarawan ang katangian ng bawat baryabol sa pabilang na
paraan. Para sa mga suliraning naging tugon ng mga mag-aaral, gumamit ng percentage at frequency
count ang mananaliksik upang masukat nang husto ang naranasang suliranin ng mga mag-aaral bago,
habang at matapos ang isinagawang Philippine Informal Reading Inventory. Kukunin naman ang average ng
resulta ng panimulang pagtatasa (pre–test) at panapos na pagtatasa (post–test) ng Philippine Informal
Reading Inventory. Matapos nito, gumamit naman ng Chi–Square ang pag-aaral upang sukatin ang
kabuluhang kaugnayan ng profyl sa antas ng komprehensyon ng mga respondente na sumailalim sa Philippine
Informal Reading Inventory.

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS


Isinagawa ang pag-aaral na ito upang tukuyin ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga
mag-aaral sa ikapitong baitang ng Benigno V. Aldana National High School gamit ang Philippine Informal
Reading Inventory. Sa isinagawang pag–aaral, (68) animnapu’t walo ang naging respondente na sumailalim
sa Philippine Informal Reading Inventory na kung saan sinuri ang kanilang profayl at pinag-aaral kung
mayroong makabuhulang kaugnayan ito sa kanilang antas sa pagbasa gamit ang Philippine Informal
Reading Inventory. Buhat sa mga datos na nakuha, lumalabas na mayroong iba’t ibang profayl ang mga
respondente na nagpapakita ng kanilang naiibang katangian, hilig at potensyal sa paksa ng pag-aaral.
Ang kanilang profayl ay naglalaman ng kasarian,unang wika, babasahing materyal na madalas basahin,
haba ng oras na ginugugol sa pagbabasa at kanilang libangan.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


4
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

Profayl ng mga Mag-aaral

Profayl Baryabol f %
Kasarian Babae 22 32.35
Lalaki 46 67.65
Unang Wika Iloco 16 23.53
Pangasinan 19 27.94
Filipino 33 48.53
Magasin 30 44.12
Dyaryo 25 36.76
Libro 44 64.71
Manwal 6 8.82
Babasahing materyal na dyornal 12 17.65
madalas basahin komiks 26 38.24
bibliya 35 51.47
tula 17 25.00
encyclopedia 4 5.88
Travel Brochure 2 2.94
Haba ng oras na 1 - 9 min 11 16.18
ginugugol sa pagbabasa 10 - 29 min 19 27.94
30 min- 1 0ras 23 33.82
2 - 4 oras 12 17.65
5 - 7 oras 3 4.41

Libangan ng mga Mag-aaral


Libangan f %
Paglalaro On-line, panonood sa T.V, Social 14 20.6
Media
Paglalaro sa On-line, panonood ng T.V., 9 13.2
pakkinig sa radyo, pagbabasa ng e-book at
Social Media
Paglalaro On-line, panonood sa T.V. at Social 8 11.8
Media
Panonood ng T.V, at Social Media 6 8.8
Paglalaro sa On-line 6 8.8
Paglalaro On-line, pakiking sa Radyo, Social 5 7.4
Media
Paglalaro sa On-line, o, pagbabasa ng e-book 5 7.4
at Social Media
Social Media 4 5.9
Panonood ng T.V, Pagbabasa ng e-book, at 3 4.4
Social Media
Pakikinig sa Radyo 3 4.4
Pagbabasa ng e-book at Pagso-Social Media 3 4.4
Pakikinig sa radyo, pagbabasa ng e-book at 2 2.9
Social Media

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


5
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

Kinuha rin ang resulta ng kanilang pre–test at post–test sa Philippine Informal Reading Inventory
upang masukat ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag–aaral. Bumuo rin ng talatanungan
ang mananaliksik upang pag-aralan ang profayl ng mga mag-aaral at saliksikin ang kanilang mga suliraning
naranasan bago, habang at matapos isagawa ang Philippine Informal Reading Inventory.

Antas ng Komprehesiyon ng mga Mag-aaral sa


Pagsusulit ng Phil-IRI
Antas ng Komprehensyon sa Panimulang Panapos na
Pagbasa Gamit ang Pagtatasa Pastatasa
Philippine Informal Reading (Pre-test) (Post-test)
Inventory f % f %
Frustration 11 16.18 0 0.00
Instructional 57 83.82 65 95.59
Independent 0 0.00 3 4.41
Mean 15.53 17.13
Std. Deviation 1.24 1.40
Variance 1.536 1.967
Skewness -1.014 0.293
Std. Error of Skewness 0.291 0.291
Kurtosis 0.799 -0.932
Std. Error of Kurtosis 0.574 0.574
Lowest Score 12 15
Highest Score 17 20

Ipinakikita sa ng resulta ng panimulang pagtatasa (pre-test) at panapos na pagtatasa (post-test).


Lumalabas na mula sa panimulang pagtatasa, limampu’t pito 57 sa mga respondente ang nasa antas
Instructional na nangangailangan pa ng gabay sa masinop na pagbabasa. Ipinakita rin ng datos na mayroon
pa ring labing isang 11 respodente mula sa kabuuang animnapu’t walo 68 o 16. 18 na bahagdan ang nasa
antas Frustration o ang mga mag-aaral na may kakulangan, kamalian at nangangailangan ng lubos na
gabay ng guro sa pagbabasa. Ibig sabihin mayroon pa ring mga mag-aaral na nangangailangan ng
patnubay at gabay sa pagbasa. Mahalagang malaman ng mga guro ang ganitong datos upang mabigyan
ng angkop na pagdulog ang mga mag-aaral sa paghubog ng kanilang kasanayan sa pagbasa.
Habang inilalarawan naman ng resulta sa post-test ang pagtaas ng bilang ng mga respondente
nasa antas Intructional na may kabuuang 95.59 bahagdan. Napupuna rin na wala nang respondente ang
nasa antas Frustration. Nangangahulugan lamang ito na naging maayos at nagabayan ang mga respondente
sa wasto at masinop na pagbasa gamit ang Philippine Informal Reading Inventory. Dagdag pa ang 3
respondente o 4.41 bahagdan ang masasabing may mataas nang komprehensiyon sa pagbasa o
Independent na sa pagbabasa. Mapapasin din na may bahagyang pagtaas ng Mean sa post-test na
mayroong 17.13 kumpara sa pre-test na mayroong 15. 53. Ipinahihiwatig nito na mas tumaas ng bahagya
ang iskor ng mga respondente pagdating ng kanilang post-test na mayroong Standard Deviation na 1.24
para sa Pre-test at 1.40 para sa Post-test.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


6
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

Ugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaral sa Perpormans sa Philippine Informal Reading Inventory


Propayl Baryabol Partial eta Significance Remarks
Square
Kasarian 0.000 0.894 Hindi Makabuluhan
Unang Wika 0.001 0.979 Hindi Makabuluhan
Babasahin
magasin 0.005 0.574 Hindi Makabuluhan
dyaryo 0.032 0.143 Hindi Makabuluhan
libro 0.101 0.008 Makabuluhan
manwal 0.006 0.533 Hindi Makabuluhan
dyornal 0.019 0.267 Hindi Makabuluhan
komiks 0.009 0.453 Hindi Makabuluhan
bibliya 0.001 0.776 Hindi Makabuluhan
tula 0.037 0.114 Hindi Makabuluhan
encyclopedia 0.000 0.961 Hindi Makabuluhan
Travel Brochure 0.019 0.264 Hindi Makabuluhan
Haba ng Oras sa Pagbabasa 0.011 0.954 Hindi Makabuluhan
Libangan 0.248 0.102 Hindi Makabuluhan

Gamit ang pagsusuring estadistika gaya ng Chi-Square sinukat din ang kabuluhang kaugnayan ng
profayl sa antas ng komprehensyon ng mga respondente na sumailalim sa Philippine Informal Reading
Inventory. Bahagi rin ng pananaliksik na ito ang pagkalap ng mga suliraning nararanasan bago, habang at
matapos magsagawa ng Philippine Informal Reading Inventory. Inilalarawan dito na walang makabuluhang
kaugnayan ang profayl ng mga mag-aaral sa antas ng kanilang komprehensyon gamit ang Philippine
Informal Reading Inventory maliban sa libro na babasahin materyal na madalas basahin ng mga mag-aaral.
Naitala ang makabuluhang kaugnayan ng libro sa partial eta square na 0.101 at significant
Correlation o kabuluhang kaugnayan na may significant value na 0.008. Ibig sabihin malaki ang impak at
naitutulong ng babasahin libro sa perpormans ng mga mag-aaral sa pagbabasa gamit ang Philippine
Informal Reading Inventory.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


7
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito nakalahad ang mga natuklasang kaalaman batay sa mga datos na nakalap sa
pag–aaral:
1. Malaki ang tulong ng aklat sa pagpapataas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa
gamit ang Philippine Informal Reading Inventory.
2. Mabisa ang pagsasagwa ng Philippine Informal Reading Inventory sa pagpapataas ng antas ng
komprehensyon sa Pagbasa. Batay sa pagtatasa, ang 11 instructional noong pre-test ay naging
Instructional at may tatlong nagpakita ng Independent Reading matapos ang isinagawang post-test.
3. Mayroong kakulangan sa pagsasa-alang-alang ng mga gawain at paghahanda bago ang
pagsasagawa ng Philippine Informal Reading Inventory.
4. Hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang iba’t ibang emosyon ng mga mag-aaral na kanilang
nararanasan – takot, pagkahiya, kakulangan sa kaalaman, at hindi interesado habang ginagawa
ang Phil-IRI.
5. Hindi sapat ang pagsasaalang-alang ng ilang mga salik na nakaapekto sa sosyal at sikolohikal na
kondisyon ng mga mag-aaral matapos ang pagtatasa sa Philippine Informal Reading Inventory.
6. Hindi malinaw ang ilang mga panutong ginawa na naging sanhi ng pagkalito ang mga mag-aaral
sa ilang mga tanong sa isinagawang Reding Inventory.
7. Mabisa ang pangkalahatang estratehiyang ginawa ng mga guro sa pangangasiwa ng Philippine
Informal Inventory sapagkat lumabas na tumaas ang resulta ng post-test mula sa pre-test ng mga
mag-aaral.

Batay sa mga nailahad na resulta at kongklusyon ng pag-aaral sa Antas ng Komprehensyon ng mga


Mag-aaral sa Ikapitong Baitang Gamit ang Philippine Informal Reading Inventory, iminumungkahi ang mga
sumusunod na rekomendasyon upang maging mabisa pa lalo ang pagsasagawa ng Philippine Informal
Reading Inventory:
1. Iminumungkahing linangin ang kakayahan ng mga guro sa paghahanda, pagsasanay at
pagsasagawa bilang tagapangasiwa ng Philippine Informal Reading Inventory.
2. Maglunsad ang paaralan ng mga programang tutugon sa kahinaan sa pang-unawa sa tekstong
binabasa ng mga mag-aaral.
3. Gamitin ang mga taal na wika gaya ng Pangasinan sa ilang pagkakataon sa pagbibigay ng panuto
at gawain sa Philippine Informal Reading Inventory.
4. Maaari ring ipagamit ang mga makabagong teknolohiya gaya ng mobile phone, ipad at iba pang
kagamitan at applications sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa gamit ang Philippine
Informal Reading Inventory.
5. Ikonsulta sa eksperto o guidance couselor ang sosyolohikal at sikolohikal na kalagayan ng mga mag-
aaral bago, habang at matapos ang Philippine Informal Reading Inventory upang lalong
magabayan at maintindihan ang mga mag-aaral ang kahalagahan ng Philippine Informal Reading
Inventory. Makatutulong ito upang makilala at maibigay ang pangangailangan ng mga mag-aaral
sa pagpapataas ng kanilang komprehensyon.
6. Magkaroon ng PLC o Professional Learing Community bawat kwarter ng taong panuruan upang pag-
usapan ang Philippine Informal Reading Inventory. Ginagawa ang ganitong uri ng aktibiti upang
magbahagian ng mga angkop at di angkop na pagdulog sa pagtuturo ng pagbasa. Dito
magkakaroon ng malayang talakayan sa tungkol sa mga suliraning kinakaharap sa pagsasagawa
ng Philippine Informal Reading Inventory ang lahat ng gurong tagapangasiwa.
7. Kailangang maghanda ang mga guro sa pamamagitan ng pagbuo ng planong gawain sa
pagpapaunlad ng Philippine Informal Reading Inventory.
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
8
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Lacadin at Catungal, 2021

REFERENCES
Badayos, Paquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino: Mga Teorya, Simulain
at Istratehiya. Ikalawang Edisyon. Manila. Mutya Publishing House, Inc. 2008

Baker L. (2011). Metacognition in Comprehension Instruction. In C.C. Block & M. Pressley (Eds.).
Comprehension Instructionn: Research – based best practices (pp. 77 – 95) New York: Guiilford.

DepEd website (2018). DO 14, S. 2018-Policy Guidelines on the Administration of the Revised Philippinne
Informal Reading Inventory. March 28, 2018 features from www.deped.gov.ph. Retrieved: January 10 2020.

DepEd website (2018). DO 14, S. 2018-Policy Guidelines on the Administration of the Revised
Philippinne Informal Reading Inventory. March 28, 2018 features from www.deped.gov.ph.

Lalunio, Ph. D. Lydia P. (2000). Kahusayan sa Pagbasa ng mga Mag – aaral sa Elementarya at
Hayskul : Pagsusuri at Implikasyon sa Filipino at Pagpaplanong Pangwika Lungsod ng Quezon. Sentro ng
Wikang Filipino.

Paris A., & Paris S. Teaching Narrative Comprehension Strategies to First Grader. Cognition and
Instruction. 2007.

Patience Stuarant. July 5, 2017 Education in Indonesia : Literacy is the key Learning.
https://headfoundation.org/2017/07/05/education-in-indonesia-literacy-is-the-key-to-
learning/.Retrieved: Pedrero 2,2020.

Ratziel San Juan(Philstar.com) December 3, 2019 Philippines Lowest Reading Comprehension among 79
Countries. .https:// www. philstar. com/ headlines/2019/12/03/1974002/philippines-lowest -reading-
comprehension-among-79-countries Retrieved : Marso 10, 2020

Trochim Willam . Types of Survey . March 10 2020 http.//conjointly.com/kb/types-of-survey/


Retrieved: March 16, 2020.

Urbano, Perla C. et.al. Sining ng Komunikasyong Pang-Akademiko. Quezon City.St. Andrew Publishing
House.2012

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


9

You might also like