You are on page 1of 11

Epekto ng Pasilidad sa pang Akademikong Performans ng mga

grade 11 ICT sa Arellano University Pasig

taong panuruan 2018-2019

Kabanata 1

Ang suliranin at kaligiran nito

Ang silid aralan ay isa sa mga maituturing nating mahalagang lugar ng

paglalaanan ng napakahalagang pamana na kahit kailan ay hindi mananakaw sa atin

bagkus, magiging daan upang maibahagi natin sa ibang tao. Ang lugar kung saan

nagsisismulang mabuo ang pananaw ng isang mag aaral tungkol sa tatahaking landas

tungo sa kinabukasan at sa magiging kahihinatnan sa hinaharap.

Maraming mag aaral ang natuliro dahil sa kawalan ng klasrum sa mga paaralan.

Ayon kay Aquino (2012) mula sa talumpati sa ceremonial turnover, sa cavite

kamakailan na nalutas na ang problema sa kakulngan ng silid aralan. Panaginip lamang

ang lahat na nauwi sa bangungot.

Tinitukoy dito na ang pag tugon sa kakulangan sa pasildad ay hindi natugunan o

hindi na sulosyunan, lahat ng pagpaplano tungkol doon ay nauwi sa wala na parang

panaginip at nauwi lamang sa bangungot.

1
Ang report na nagsasabing ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas ay mababa pa

kaysa sa kalidad ng edukasyon. Tanzia at Zambia , dalawang bansa sa africa na mas

mahirap pa sa ating bansa. Ayon kay Arroyo (2010), malubha na talaga ang kalagayan

ng edukasyon ng mga bansa lalo na sa atin kung malalampasan sa larangan ng

edukasyon ng mga bansang may sangkap at ilang yaman ng pilipinas.

Tinutukoy dito na kung may sapat tayong pasilidad sa isang klasrum ay maaring

umagat ang ating bansa sa larangan ng edukasyon dahil isa tayo sa nahuhuli na mga

bansa pagdating sa larangan ng edukasyon.

Isang malaking hamon ang mga nabanggit sa sitwasyon ito ay pilit na inaalam

ng mga mananaliksik kung talagang nagkakaroon ng epekto sa pag aaral ang

kakulangan ng mga pasilidad sa senior high school maging sa paaralang kanilang

pinapasukan ay nakikita ng mananaliksik na apektado ang kanilang pagkatuto at

performans sa pag aaral kaya ito ang napiling pag aralan ng mga mananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri at mabigyan ng kaalaman ang

mag aaral sa panahon ngayon. Bukod pa rito, layunin din na ipahatid sa mga mag aaral

ang epekto ng mga pasilidad sa pang akademikong performans, positibo man o

negatibo, lalo na sa kanilang pag aaral. Higit sa lahat ang epekto ng pasildad sa pang

akademikong performans ng mag aaral ng grade 11 ICT Strand sa Arellano University -

Pasig.

2
sinikap ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang profayl ng mga mag aaral ng grde 11 ICT strand sa Arellano University sa

mga sumusunod na baryabol.

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 General Weighted Average (GWA)

2. Ano -ano ang epekto ng kakulngan sa pasilidad sa mag aaral?

3. Paano nakakaapekto ang kakulangn sa pasilidad sa mag aaral?

3
Batayang Konseptual

Ang mga mananaliksik ay bumabatay sa mga nakuhang kaugnayan na literatura

sa pag aaral kaya nabuo ang pag aaral na ito kung saan nalalaman ang epekto ng

pasilidad sa pang akademikong performans ng grade 11 ICT strand sa Arellano

University Pasig.

Input Process Output

1. Ang profayl ng mga mag


aaral ng grade 11 ICT strand sa Epekto ng pasilidad sa pang
arellano university pasig ayon akademikong performans ng
sa mga sumusunod. Ang mga mananaliksik ay mga grade 11 ICT sa Arellano
1.1 kasarian nag bahabi ng talatanungan University Pasig
sa piling mga respondante.
1.2 edad

1.3 General Weighted average

2. Kung ano ang epekto ng


pasilidad sa akademikong
performans ng mag aaral ng
grade 11 ICT.

3.Kung paano nakakaaepekto


ang pasilidad sa pang
akademikong performans ng
mag aaral ng grade 11 Ict.

pigura 1 : IPO

4
Pagpapakahulugan ng mga Terminolohiya

Upang maintindihan ang ginawang pag aaral gumawa ang mga mananaliksik ng

pagkakahuluhan ng mga terminolohiya ang ilang mga terminolohiya ay nakapaloob sa

pag aaral na nakuha sa internet, narito ang ilang mga terminolohiya.

Pasilidad. Ang pasilidad ay isang salitang hiram mula sa wikang kastila na tumutukoy

sa mga bagay ,kagamitan, estraktura o lugar na may partikular na gamit ng layon

.(Brainly)

Silid aralan.Ang silid aralan ay isang espasyo para sa pag aaral, isang silid kung saan

natututo ang mga mag aaral ng ibat ibang bagay.(wikipedia)

Mag aaral. Ang mag aaral ay siyang taong nag aaral at maaaring bihasa sa talino

.(wikipedia)

Edukasyon. Ang edukasyon o pag tuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag aaral

ng isang kasanayan at ang pagbabahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at

karunungan. (wikipedia)

Larangan.Ito ay ang partikular na sangay ng pag aaral o karera ng isang aktibidad o

interes.(Brainly)

5
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng pasilidad sa akademikong

performans ng mag aaral ng grade 11 ICT sa Arellano University Pasig.

Ito ay pag aaral na nakatuon lamang sa mga mag aaral ng grade 11 ICT strand .

Kaakibat ang pangangalap ng mga datos at impormasyon tungkol sa maganda at di

magandang epekto ng pasilidad sa akademikong performans at kung may kaugnayan

ang pasilidad sa akademikong performans ng isang mag aaral.

6
Kabanata III

Metodolohiya ng pag aaral

Ang pag aaral na ito ay mag sasaad ng pamamaraan na ginagamit ng mga

mananaliksik. Dito rin inilalahad ang mga ginagamit na disenyo ng pag aaral maging

ang mga instrumento at pamamaraang ginagamit.

Disenyo ng pag aaral

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng descriptive o paglalarawan

upang malaman ang epekto ng pasilidad sa akademikong performans ng mga mag

aaral ng grad 11 ICT strand sa Arellano university Pasig. Ayon kay alberto et al (2011),

Ang decriptive na pamamaraan at kilala rin bilang statistical na pananaliksik,

inilalarawan nito ang mga datos at mga karakteristiks tungkol sa populasyon o

phenomena bagay na pinag aralan.

Descriptibo ang uri ng pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik. Ayon kay

James p. key (2009), ang pamamaraang ito ay kumukuha ng mga impormasyong

hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari paa mailarawan kung ano ang

nagaganap. Isa sa mga metodong maaaring gamitin ay ang pamamaraang surbey na

tutugon sa kung ano ang pananaw ng mga kalahok sa historikal at rehiyonal n

panitikang pilipino.

7
Kaligiran ng lugar

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag aaral na ito sa arellano university pasig,

Mr Florentino cayco sr. unang pilipinong "undersecretary of public instruction and

illustrious educator", at "conceptualized the birth and administered the growth of

arellano university". Nagbukas ito noong 1938 na ang tawag sa kanya ay Arellano, ang

unang filipino chief of justice. Nag sarado ito noong december 1941 hanggang march

1945 sa ilalim ng trabaho ng mga hapon sa pilipinas habang nagaganap ang world war

II sa pagtatapos ng gera na ito.

Itong institution ng edukasyon ay nagbukas muli noong abril, 1945 at doon

muling pinangalanan na Arellano Colleges nagbigay ng dalawang taon na paghahanda

sa law courses at 4 na taong regular na law courses gaya nang kompletong

secondaryang edukasyon kurikulum. Noong june 1946 si Florentino Cayco Sr ay naging

unang presidente ng Arellano College.

Ipinangalan ang Unibersidad kay Cayetano Arellano , ang kauna unahang

punong magistrado ng kataas taasang hukuman ng pilipinas. Meron itong pitong

kampus na matatagpuan sa kalakhang maynila at ang pangunahing kampus nito ay

matatagpuan sa calle legarda, sampaloc maynila.

8
Sample at Teknik

Ang mga tagatugon sa pag aaral na ito ay binubuo ng apat na raan at tatlumpu't

dalawa (432) na mag aaral mula sa pm shift (ICT). Gumagamit ang mananaliksik ng

Slovins Formula sa pagkuha ng bilang ng respondanteng mag aaral ng grade11 ICT na

kabilang sa pag aaral, ang mag aaral na apat na raan at tatlumpu't dalawa (432) mula

sa seksyong panghapon ay naging tatlong daan at labing isa (311) na siyang kabuuang

bilang ng tagatugon.

Gamit ang Strtified Random sampling, nakuha ang pantay na dostribution ng

taga tugon sa bawat seksyon.

Talahanayan 1

Bilang ng populasyon ng kalahok sa pag aaral

Pangkat Bilang ng populasyon Bilang ng respondante

ICT-10 54 39

ICT-11 55 40

ICT-12 52 37

ICT-13 54 39

ICT-14 44 32

9
ICT-15 52 37

ICT-16 50 36

ICT-17 35 25

ICT-18 36 26

Kabuuang bilang 432 311

Makikita sa talahanayan 1 na sa pamamagitan ng pormula ni slovin, ang

mga mananaliksik ay hinati ang kabuuang bilang ng populasyon na apat na raan at

tatlumpu't dalawa(432) mula sa sampung pangkat ng mag aaral ng Ict na pang hapon

na may kabuuang bilang ng tagatugon na tatlong daan at labing isa(311).

Pamamaraan ng pag aaral

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng hakbang upang malaman ang kabuuang

bilang ng mag aaral ng grade 11- ICT sa arellano University-pasig kasabay nito humingi

ng sipi o listahan ng kabuuang bilang ng populasyon ng mga mag aaral sa ICT pm shift.

Nang matapos ang pag pili ng mga respondante sa pamamagitan ng slovins formula.

Gumamit ng pag lalarawang pamamaraan ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng

pag buo ng talatanungan o survey questionnaire. Ang pag buo ng talatanungan hinggil

sa pag-aaral. Ito ay upang malaman ang epekto ng pasilidad sa akademikong

performans.

10
Instrumentong ginamit

Isang mahalagang kagamitan sa pangkalahatang pamamaraan ng pag aaral ay

ang instrumentong gagamitin.

Sa pamamagitan nito, ang mga mananaliksik ay makakakuha ng datos upang alamin

ng mga mananaliksik ang epekto ng pasilidad sa akademikong performans. Gumagamit

ang mga mananaliksik ng talatanungan kung saan pinag-isipan ang mga tanong at

pasasagutan sa mga respondante nito.

Siniguro ng mga mananaliksik na madaling maunawaan ang mga tanong sa kanilang

talatanungan nang sa gayon ay madali itong maintindihan ng mga respondante.

11

You might also like