You are on page 1of 4

MODYUL 3

Ang mga Pilipino bilang mga Mamamayang Bilinggwal

1.0 Mga Layunin

1. Maipakilala ang konsepto ng bilinggwalismo at ang mga Pilipino bilang

mamamayang bilinggwal.
2. Maisa-isa ang mga elemento kung paano nagaganap ang bilinggwalismo.
3. Magamit ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas.

2.0 Paksa ng Pag-aaral

Ano ang bilinggwalismo?

Paano ito nakatutulong sa akin bilang Pilipino?

Ang bilinggwalismo ay isang penomenong pangwika na tahasan at puspusang

tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistika. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng
wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sa debelopment ng
wika. Higit pa, tinatanaw rin dito kung papaano na ang wika ay malayang tinatanggap
ng mga taong gumagamit nito. Ang bilinggwalismo rin ay tinataya na kakayahan ng
isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika. Palagian nang balot ng isyu at
kontrobersiya ang konsepto ng bilinggwalismo, isantabi pa ang pananaw ng mga purista
sa wika. Gayumpaman, nabibigyan pa rin ito ng malaking puwang partikular na ng mga
aral sa wika dahil na rin sa benepisyong dulot nito hindi lamang sa larangan ng
komunikasyonbagkus sa demograpikal, political, ekonomikal, at pedagohikal na tulong
na naibibigay nito. Kung kaya naman, patuloy na lumalago ang mga pananaliksik
kaugnay sa konsepto ng bilinggwalismo.

Bibigyang-puwang sa pagtalakay na ito ang usaping pedagohikal sa bilinggwalismo.

Ayon kay Sibayan (1988), ang idyomang pedagohikal ay ang kabuuan ng mga grinadong
teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit
mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya. Nangangahulugan
lamang na mahalagang madebelop muna ito bago tingnan sa makrong perspektibo ang
iba’t ibang gawaing pangwika, nang sa gayon, ang mga mag-aaral ay magkakaroon na ng
sapat na kaalaman kaugnay sa gamit ng wika.

Sa kabilang banda, binigyan naman ni Bloomfield ng simpleng depinisyon ang

bilinggwalismo, aniya, ito ay ang pagkakaroon ngmagkasintulad na gamit at kontrol ng
dalawang magkaibang wikang gamit ng isang indibidwal. Samantala, ayon naman kay
Diebold, inilarawan niya ang bilinggwalismo bilang pangunahing mga yugto ng
pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika. Kung susuriin ang dalawang konsepto,
makikita ang kanilang common denominator, ito ay ang pagkakaroon ng kontak ng
dalawang wika na may tiyak na layunin kung bakit ito nangyayari.
Nangyayari ang bilinggwalismo dahil na rin sa kakayahan ng tao na makapag-interak
partikular na ang makipag-usap. Maaari ring maging dahilan nito ang tiyak na
pangangailangan ng isang indibidwal na makaadap sa panibagong lipunang kanyang
ginagalawan. Ito ngayon ang tinatawag na instrumental na pangangailangan ng tao sa
paggamit ng wika. Sa pangyayaring ito, hindi malay o konsyus ang isang tao na unti-unti
niyang nadedebelop ang pangalawang wika niya tungo sa tinatawag na bilinggwalismo.
Batay pa sa mga naisagawang pag-aaral, ang paulit-ulit na gamit ng isang wika at
minimum na eksposyur ay nagsisilbing malaking tulong para madebelop ang kakayahan
ng isang tao para matuto ng isang wika.

Gayumpaman, bentaha para sa isang indibidwal na matatag ang kanyang unang wika
para mas mabilis niyang matutuhan ang pangalawang wika. Sa puntong ito, malaki
naman ang maitutulong ng larangan ng sikolinggwistika – ipinapakita rito ang
pagpoproseso ng pagkatuto ng isang tao sa wika at kung papaano niya ito tinatanggap sa
kanyang sarili. Sakaling pareho nang debelop ang dalawang wika sa isang tao, maaari na
siyang maging equilingual o ambilingual. Ito ay nangangahulugan na sapat ang
kakayahan at kaalaman ng isang tao sa dalawang magkaibang wika.

Marami na ang nagbigay ng kuro-kuro at paliwanag kung bakit nagkakaroon ng mga

lipunang bilinggwal. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

1. Geographical proximity – ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na

komunidad na maymagkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal
na lipunan. Ito ay dahil sa paglipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung
magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
2. Historical factors – ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao
partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pampananaliksik. Ito ay
dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng mga impormasyon, napipilitan
silang pag-aralan ang ibang wika.
3. Migration – ang palipat-lipat na tirahan aynagbubunsod din ng pagkatuto ng
ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
4. Religion – ang relihiyon ay salik din tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga
relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinananatili ang gamit ng wika kung
saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
5. Public/International relations – ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang
panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad. Dahil dito,
nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba’t
ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.

Kaugnay nito, hindi na bago sa Pilipinas ang konspeto ng bilinggwalismo. Sa katunayan,

kung babalikan ang kasaysayan, panahon pa lamang ng Kastila ay marami nang
Pilipinong bilinggwal, bagaman hindi ito pormalisado. Mula sa mga pahayagan
hanggang sa maliliit na lathalain na naipalabas noon gamit ang mga wikang bernakular
at wikang Espanyol, masasabing mayroon nang oryentasyon ang lipunang Pilipino
kaugnay sa bilinggwalismo.
Naging pormal lamang ang lahat nang ipatupad ng National Board of Education taong
1973, DO. No. 25, 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on
Bilingual Education.”

Layunin ng kautusang ito na makadebelop ng isang lipunang may sapat na kakayahan

sa gamit ng dalawang wikang malawakang nagagamit sa Pilipinas: Ingles at Filipino.
Binigyang ang dalawang banggit na wika ng kani-kanilang papel sa larangan ng
edukasyon sa Pilipinas mula elementarya, hayskul, hanggang tersyarya. Batay sa order,
anumang aralin na tahasang tatalakay sa kultura ay marapat na ituro sa Filipino.
Samantala, ang matematika at mga aralin na may kaugnayan sa natural sciences ay sa
Ingles naman ituturo. Subalit, maaari pa ring gamitin ang Filipino lalo na sa
pagpapaliwanag ng mga aralin tungo sa lubos na pag-unawa.

Sa kasalukuyan, wala pa ring follow-up ang ebalwasyon na isinagawa noong taong 1974
hanggang 1985. May mga paaralan na hindi ito sinusunod bagkus patuloy pa rin na
nababalewala ang kautusang ito. Pangalawa, malaki ang ponding kakailanganin tungo
sa panibagong pambasang ebalwasyong isasagawa. Nakalilikha tuloy ito ng kalituhan at
kaguluhan hindi lamang sa mga paaralan isama pa rito ang pagbagsak ng pagkatuto ng
mga mag-aaral.

Kadalasan, hindi nabibigyang pansin ng mga nasa akademiya ang halaga ng gamit ng
unang wika sa pagkatuto. Ang papel nito ay masasabing krusyal dahil na rin ito ang
unang wika na kanilang nauunawaan. Dalawang bagay tuloy ang nasasakripisyo, hindi
na natuto sa wika, hindi rin natutuhan ang isang partikular na aralin na nagreresulta sa
pagbaba ng literasi reyt ng mga kabataang mag-aaral. Ito ang isa sa mga problemang
hindi nakikita ng pamahalaan na patuloy pa ring sinususugan ang pagpapalakas ng
gamit ng Ingles bilang midyum ng instruksyon kahit na mahina pa sa unang wika ang
mga mag-aaral.

Bilang pangwakas, hindi pinagsasabong sa paksang ito an gang Ingles at Filipino.

Bagkus, bawat isa sa kanila ay maykani-kaniyang papel atkontribusyon sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Nais lamang na ipakita sa diskursong ito na kapwa may oportunidad na
hatid ang dalawang wika. Ang tunay na mithiin lang naman ng mga akademisyan ay
matuto ang mga mag-aaral gamit ang wikang alam na salitain at unawain ng mga
gumagamit nito. Mula dito, makikita ang unti-unting pag-angat hindi lamang sa buhay
akademiko bagkus sa pag-angat sa kamalayan ng bawat mag-aaral na Pilipino.

3.0 Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng bilinggwalismo?

_______________________________________________________

2. Maituturing mo bang bilinggwal na bansa ang Pilipinas? Magbigay ng mga

patunay.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Ano-anong benepisyo ang hatid ng pagiging bilinggwal sa lipunang Pilipino?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Paano nadedebelop ang lipunang bilinggwal?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. Sa personal mong pagtataya, epektibo ba ng patakarang bilinggwal na mayroon

tayo lalo na sa larangan ng edukasyon?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

You might also like