You are on page 1of 36

TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

INTRINSIK AT EKSTRINSIK: PAGGANYAK SA MAG-AARAL TUNGO SA PAGBUO

NG PLANONG GAWAIN (ACTION PLAN) NG MGA GURO SA FILIPINO

KAREN CLARISSA LAT-PEREZ

2018-2019

Recommending Approval:

LILIBETH L. CABRERA
Principal II

TEODORO B. LUALHATI, Ed.D.


PSDS, North 1
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Abstrak

Sa Pilipinas, binibigyang tuon ng mga guro ang pagpapataas ng perpormans ng mga mag-

aaral sa iba’t ibang asignatura. Kabilang sa mga asignaturang ito ang asignaturang Filipino.

Kaugnay nito, nilayon ng mananaliksik na malaman ang epektibong pagganyak na magagamit sa

pagtuturo sa pagpapataas ng perpormans ng mga mag-aaral at maging batayan sa pagbuo ng

planong gawaing makapagpapaunlad sa kanilang kakayahan. Limitado ang pag-aaral sa mga

pangganyak na istratehiyang magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Bago isagawa ang pag-aaral, tiniyak na may pahintulot mula sa kinauukulan at mga tagasagot.

Deskriptib-kwantitatib ang disenyong ginamit upang mailarawan nang husto ang mga nalikom

na datos. Lumabas sa pag-aaral na ang intrinsik o na paggayak sa pagtuturo ng Filipino ayon sa

pagtataya ng mga guro at mag-aaral ay laging ginagawa. Samantalang ang ekstrinsik na

pagganyak ayon sa pananaw ng mga guro ay madalas na ginagawa at sa mga mag-aaral ay laging

ginagawa. Sa usapin hinggil sa pagkakaiba sa pagtataya ng mag-aaral at guro kaugnay sa

intrinsik na pangganyak ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, walang pagkakaiba sa pananaw

ng dalawang pangkat ng tagasagot samantalang mayroon namang pagkakaiba sa ekstrinsik o

eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

Lumabas din sa pag-aaral na ang mga mag-aaral sa ilalim ng mas nakararaming guro ay may

markang 80 hanggang 84. Dahil dito, masasabi na ang kani-kanilang mga sakop na mag-aaral ay

pasapit sa pagkakatuto. Gayundin, natuklasan na ang paggamit ng intrinsik na pagganyak sa

pagtuturo ng Filipino ay mayroong napakaliit na salungat na ugnayan sa perpormans ng mga

mag-aaral samantalang ang paggamit ng ekstrinsik na pagganyak ay mayroong maliit na tiyak na

ugnayan sa perpormans ng mga mag-aaral. Dahil sa kinalabasang ito, iminungkahi ang paggamit

2
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

ng Planong Gawain (Action Plan) upang mapaunlad pa ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo

ng Filipino.

Mga susing salita: intrinsik, extrinsik, pagganyak, akademikong perpormans, asignaturang

Filipino

I. ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Panimula at Rasyonal

Sa mga nakalipas na dekada, maraming mga mananaliksik sa buong mundo ang

nagtangkang alamin ang mga epektibong pangganyak na istratehiya na magagamit ng mga guro

sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura. Marami sa kanila ang sumang-ayon na kailangang

ganyakin ang mag-aaral upang mapataas ang antas ng pagkatuto sa lahat ng asignatura tungo sa

mataas na kalidad ng edukasyon. Lahat ng mga edukador ay may kasanayang magturo subalit

hindi lahat ay may kakayang makaganyak ng mga mag-aaral. Kung ang pagbabatayan ay ang

kinalabasan ng maraming pag-aaral sa loob at labas ng bansa, maraming guro ang kulang pa sa

kasanayan sa pagpili ng angkop na istratehiya sa pagganyak ng mga mag-aaral (Burgos, 2010)

Sa Pilipinas, isa sa mga ninanais ng mga edukador ay ang pagpapataas ng antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa lahat ng asignatura kabilang ang asignaturang Filipino. Ang

pagtuturo ng Wikang Filipino ay kabilang sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon alinsunod

sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 sa Artikulo XIV. Ayon dito ang Wikang Pambansa ng

Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay payayabungin at pagyayamanin pa batay sa

mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wika

ay susi ng pagkatuto at tagumpay sa pag-aaral ng lahat ng asignatura sa paaaralan. Ang Filipino

3
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

bilang wikang pambansa ay naging mabisang kasangkapan nating mga Pilipino sa

pakikipagtalastasan. Kailangan ito’y maging isang wikang magagamit sa pagtuturo.

Ang pagbabago ng kurikulum ay isa sa maraming pangyayari sa larangan ng edukasyon

na lalong magpapatibay sa pundasyon ng Wikang Filipino sa paglalahad ni Prop. Voltaire

Villanueva (2012) sa kanyang artikulong “Wikang Filipino: Wikang Panlahat, Salalayan sa

Pagtatamo ng Likas-Kayang Pag-unlad”.

Sa muling pagbabago ng kurikulum, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang

programang K-12. Ang dating apat na taon sa sekundarya ay nadagdagan na ng dalawang taon.

Isinabatas ang programang ito upang matugunan ang kakulangan sa kalidad ng edukasyon sa

Pilipinas. Ipinatupad din ang K-12 upang makalikha ng mga semi-skilled na manggagawa na

may layuning matugunan ang pangangailangan ng mga may mataas na kasanayang manggagawa.

Dahil na rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng high school

(Montenegro, 2010).

Dahil dito, nakipagtulungan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd) upang palakasin pa ang Filipino bilang asignatura sa bagong K to 12

curriculum. Bukod sa asignaturang Filipino sa Junior High School, may mga bagong

asignaturang Filipino ang ituturo sa Senior High School. Ang mga asignaturang kasama sa

kurikulum ng SHS ay ang “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino”,

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” at “Filipino sa Piling

Larang” (Geronimo, 2015)

Ayon sa aklat nina Corpus at Lucas (2013), mahalagang maunawaan ang proseso ng

pagkatuto sa iba’t ibang asignatura lalo’t higit sa asignaturang Filipino. Ang proseso ng

4
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

pagkatuto sa iba’t ibang asignatura ay batay sa mga teorya ng pagkatuto at mga salik na

nakakaapekto dito pati na rin ang mga pamamaraan sa pagtuturo. Binigyan diin dito ang

pagganyak at emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, kung paano natututo ang isang mag-aaral

sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at kaugalian sa pag-iisip.

Pinatutunayan ito ng teorya ng Pansariling Determinasyon (Self Determination Theory)

nina Deci at Ryan (2000). Ayon sa teoryang ito, ang pagganyak ay nakabatay sa pansariling

kagustuhan at interes hindi sa kagustuhan ng ibang tao. Binigyang diin din sa teorya ang

klasikong pagkakaiba o pagkakakilanlan sa pagitan ng intrinsik at ekstrinsik na motibasyon. Ang

intrinsik na motibasyon ay ang pagkilos o paggawa ng isang gawain para sa kakuntentuhang

maidudulot nito sa halip na sa ibubunga o kalalabasan nito. Samantalang ang ekstrinsik na

motibasyon ay kasalungat ng intrinsik na motibasyon kung saan ang isang gawain ay ginagawa

dahil sa kasiyahang matatamo dito sa halip na dahil sa tunay na kahalagahan nito.

Bilang tugon sa hamon ng globalisasyon, ang mananaliksik ay magsasagawa ng kaugnay

na pag-aaral. Tulad ng ibang mananaliksik na nagtangkang alamin ang mga epektibong

pangganyak na istratehiya na magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura,

nais malaman ng pag-aaral na ito ang epektibong pagganyak na magagamit na mga guro sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino at upang maging batayan sa pagpapaunlad ng kanilang

kakayahan.

Ang Tanauan City National High School ay mayroong Senior High School na binubuo ng

tatlong istrand sa ilalim ng akademikong track. Kabilang sa core subject ng HUMSS, STEM at

ABM istrand ay ang “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino”, Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” at “Filipino sa Piling Larang”.

5
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Mahalagang maganyak ang mga mag-aaral sa mga asignaturang nabanggit upang makamit ang

layunin ng programang K to 12.

Minabuti ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral upang magmungkahi ng planong

gawain (action plan) sa mga guro sa paggamit ng intrinsik at ekstrinsik na motibasyon sa

pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang intrinsik at ekstrinsik na pangganyak

na ginagamit ng mga guro upang maging batayan sa pagbuo ng planong gawain (action plan) ng

mga guro sa Filipino ng Senior High School ng Tanauan City National High School.

Gayundin upang malaman ang mga tiyak na kasagutan sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano-anong istratehiyang pangganyak ang ginagamit ng mga guro sa Filipino ayon sa

pagtataya ng mga mag-aaral at ng mga guro mismo batay sa mga sumusunod na uri ng

motibasyon?

1.1 motibasyong intrinsik

1.2 motibasyong ekstrinsik

2. Mayroon bang pagkakaiba sa pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot kaugnay ng

mga istratehiyang pangganyak na ginagamit ng mga guro sa Filipino?

3. Ano ang antas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino?

4. Paano nauugnay ang mga istratehiyang pangganyak na ginagamit ng mga guro sa

perpormans ng mga mag-aaral?

5. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, anong planong gawain ng mga guro sa Filipino ang

maimumungkahi ng mananaliksik

6
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Haypotesis

1. Walang makabuluhang ugnayan ang perpormans ng mag-aaral at ang intrinsik na

pagganyak na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

2. Walang makabuluhang ugnayan ang perpormans ng mag-aaral at ang ekstrinsik na

pagganyak na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa kaugnayan ng paggamit ng mga istratehiyang

pangganyak sa pagtuturo ng Filipino at ng perpormans ng mga mag-aaral ng Senior High School

ng Tanauan City National High School. Gayundin, aalamin ng mananaliksik ang pananaw ng

mga mag-aaral sa paggamit ng mga pangganyak na istratehiya sa pagtuturo ng Filipino. May

labing isang pangkat mula sa ika-12 at ika-11 baitang ang Senior High School na magiging

tagasagot sa talatanungan at pagkukuhanan ng marka. Sa pagpili ng mga mag-aaral na magiging

kalahok, gagamitin ang random sampling sa pamamagitan ng fish bowl technique na kung saan

may isang kahon na paglalagyan ng mga pangalan ng mga mag-aaral ng bawat pangkat. Ang

mga pangkat ng ika-11 baitang ay binubuo ng STEM-Kintanar, ABM-Gokongwei, ABM-Lopez,

HUMSS- Enriquez, HUMSS-Osias, HUMSS-Benitez. Samantalang ang mga pangkat naman ng

ika-12 baitang ay binubuo ng STEM-Campos, ABM-Cacktiong, ABM-Ayala, HUMSS-

Timbreza at HUMSS-Estioko.

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga nararanasan at naoobserbahan ng mga

piling mag-aaral ng Senior High School ng Tanauan City National High School. Bagaman hindi

ito direktang tumutukoy sa panlahat na nararanasan o naoobserbahan ng mag-aaral ng Senior

High School sa buong Dibisyon ng Tanauan at iba pang Dibisyon, anuman ang kalalabasan ng

7
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

pag-aaral ay nalalapit sa nararanasan at naoobserbahan ng ibang mag-aaral ng Senior High

School sa mga pangganyak na istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga guro ang gumagabay sa gawain ng mga mag-aaral upang malinang ang

kakayahan ng bawat isa. Mahalagang maganyak ang bawat mag-aaral upang maging interaso at

makiisa sa bawat araling itinuturo. Ang tagumpay ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay

nakasalalay din sa kanyang pagpaplano at sa mga layuning nabuo mula sa aralin o paksang

tatalakayin. Ang guro ay kailangang maging handa sa kanilang aralin batay sa kanilang

istratehiya, batay sa kakayahan, tuon, interes at kaisipan ng mga mag-aaral (Hogan, 2013).

Hindi ito nalalayo sa sinabi ni Fortunato (2011) na ang tagumpay ng isang guro sa

kanyang pagtuturo ay nakasalalay din sa mahusay niyang pagpaplano at sa mga layuning nabuo

mula sa aralin o paksang tatalakayin. Ang tagumpay upang maabot ang layunin ay depende kung

paano ito ipaliliwanag. Ang guro ay kailangang maging handa sa kanilang aralin batay sa

kanilang istratehiya at sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Mahalagang maunawaan ang proseso ng pagkatuto sa iba’t ibang asignatura lalo’t higit sa

asignaturang Filipino. Ang proseso ng pagkatuto ay batay sa mga teorya ng pagkatuto at mga

salik na nakakaapekto dito pati na rin sa mga pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ang likas na

proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intendyonal na proseso sa

pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa ang hangad sa proseso ng

pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng

Kaalaman. Pangatlo ang pagbuo ng kaalaman kung saan ang matagumpay na mag-aaral ay

naipag-uugnay ang bagong impormasyon sa dati nang nalalaman sa mas makabuluhang paraan.

8
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Pang-apat, ang pag-iisip na may istratehiya kung saan ang matagumpay na mag-aaral ay

nakabubuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto.

Panglima ay ang pag-iisip sa kung ano ang iniisip na may mataas na ayos ng istratehiya sa

pagpili at pagmomonitor ng mental na operasyon sa malikhain at kritikal na pag-iisip. Pang-anim

ang pagkatuto mula sa konteksto kung saan sinasabing ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensiyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura, teknolohiya at mga paniniwalang

instruksyunal. Ang pinakahuli ay ang motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa

pagkatuto. Ito ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng motibasyon.

Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay naiimpluwensiyahan ng indibidwal na

emosyon, paniniwala, interes at kaugalian. Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan

ng motibasyon pati na rin ang sarili (Corpus at Lucas, 2013).

Ayon kay Herzberg (1959) sa kanyang Herzberg Two Factor Theory, may dalawang may

dalawang nakakaimpluwensya sa motibasyon o pagganyak, ang hygiene factors o ang ekstrinsik

na pagganyak at motivational factors o intrinsic na pagganyak. Kabilang sa ekstrinsik na

pagganyak ang mga polisiya/patakarang ipinatutupad, superbisyon, relasyon o ugnayan sa

kapwa, personal na buhay, kompensasyon tulad ng marka o premyo, seguridad, at kondisyon sa

kapaligiran. Samantalang ang mga intrinsik na kondisyon tulad ng pag-unlad sa sarili, pagkamit

sa ninanais, responsibilidad, pag-unlad ng napiling propesyon, pagtanggap ng pagkilala, interes

at kakuntentuhan ay kabilang sa motivational factors. Upang mapataas ang lebel ng pagganyak,

kinakailangang pag-ibayuhin ang motivational factors at tiyaking naisasaalang-alang din ang

hygiene factors. Marapat na tiyakin ang pagbibigay ng balanseng hygiene at motivational factors.

Kung ilalapat sa klasrum ang teoryang ito, kabilang sa mga ekstrinsik na pagganyak ang

pagsasaayos ng silid na nakakaakit sa paningin ng mga mag-aaral; paggamit ng mga

9
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

makabagong kagamitang instruksyunal gulad ng telebisyon, prodyektor, kompyuter at iba pang

makabagong teknolohiya sa pagtuturo; Pagbibigay ng wastong disiplina o superbisyon sa mga

mag-aaral at pagbibigay ng karampatang marka o grado sa mga mag-aaral. Hindi sapat na

maganyak ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng eksternal na pagganyak lamang, kailangan din

ang intrinsik na pagganyak tulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral na mamuno

sa mga Gawain, pag-alam sa opinion ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang interes, pag-uugnay

ng interes ng mga mag-aaral sa paksang aralin, pagbibigay linaw sa layunin ng aralin,

Pagbibigay ng pagkakataong makapamili ang mag-aaral sa kung ano at paano nila nais matuto at

paglalahad ng aralin sa pamamagitan ng mga gawaing makahihikayat sa interes at emosyon ng

mag-aaral.

III. Pamamaraan

Disenyo ng Pananaliksik

Kinakailangan ang maingat na pagsusuri at wastong hakbangin upang maging malinaw

ang pagpapaliwanag ng mga nalikom na datos mula sa mga mag-aaral, punongguro at mga guro

upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga babasa. Ginamit na pamamaraan sa pag-

aaral ang deskriptibong paglalarawan upang maipamalas ng husto ang mga pagganyak na

istratehiyang magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at ang kaugnayan

nito sa perpormans ng mga mag-aaral.

Ayon kay Sanchez (2000), ang kaisipang paglalarawan ay isang paraan ng pangangalap

ng impormasyon hinggil sa napapanahong umiikot na sistema. Ito ay naglalarawan ng mga

10
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

sitwasyon habang ang isang pag-aaral ay isinasaayos pa lamang para malaman ang sanhi ng

suliranin.

Respondente ng Pag-aaral

Ang tatlong (3) guro sa Filipino at mga piling mag-aaral ng Senior High School sa Taong

Panuruan 2018-2019 ang magiging tagasagot. Gamit ang slovin’s formula, mula sa 310 na

kalahok ay kukuha ng 175 na tagapagsagot. Sa pamamagitan ng random sampling mapipili ang

mga mag-aaral na magiging kalahok sa pag-aaral at ang mapagkukunan ng marka sa unang

semester.

Instrumento

Talatanungan o tseklist ang ginamit na instrumento para malikom ang mga kailangang

impormasyon at datos. Upang masukat ang mga katanungan, ang dalawang grupo ay sasagot

batay sa angkop na bilang sa bawat baryabol, laging ginagawa (5), madalas / malimit ginagawa

(4), ginagawa (3), bahagyang ginagawa (2), hindi ginagawa (1). Ang pamamaraang ito ng

paglikom ng datos ang isinagawa para matiyak ang katatayuan ng pinag-aaralan. Naniniwala ang

mananaliksik na ito ang pinakamabisang instrumento upang makakakuha ng tama at wastong

impormasyon. Ang mga katanungan ay malinaw na tumutukoy sa mga kasagutang nais tuklasin

ng mananaliksik.

Balidasyon ng Instrumento

Dalawang Dalub Guro sa Tnauan City Integrated High School ang sumuri sa

talatanungan na ginamit sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik. Upang masagot nang husto,

sinuring mabuti kung ang mga baryabol ay akma sa bawat katanungan ng suliranin. Tiningnan

11
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

nila kung ang mga datos at impormasyon na makakalap sa talatanungan ay masasagot ang lahat

ng mga suliraning inilahad sa pag-aaral.

Pamamahagi at Pangangalap ng Datos

Ang mga katanungan ay binuo sa tulong ng mga nasaliksik na impormasyon sa kaugnay

na literatura at pag-aaral. Bago isagawa ang pamamahagi ng katanungan ay isinaalang-alang ang

konsiderasyong etikal sa pananaliksik. Nilikom at pinagsama-sama ang mga talatanungan at

pinag-tally. Pagkatapos ay inayos sa mga tabular form o talahanayan. Lahat ng katanungan ay

nilagyan ng sagot, limit at bahagdan.

Konsiderasyong Etikal

1. Ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa pamunuan ng Dibisyon ng

Tanauan bago isagawa ang pananaliksik.

2. Nagpadala ng liham sa mga magulang ng mag-aaral upang ipagbigay-alam ang

paglahok ng kanilang mga anak sa isasagawang pag-aaral.

3. Ang pagpapasagot sa mga mag-aaral ay kusang loob at hindi sapilitan. Ang hindi

nila pagsang-ayong maging bahagi ng pag-aaral ay hindi makaaapekto sa kanilang

marka.

4. Ituturing na konpidensyal ang mga impormasyon at makukuhang marka mula sa

mga mag-aaral.

5. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay inilahad sa mga naging tagasagot gayundin sa

ibang mga guro, PTA, at sa pamunuan ng paaralan.

12
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Istatistikang Ginamit

Ang mananaliksik ay gumamit ng istatistika upang mabigyan ng kasagutan ang mga

inilahad na katanungan. Upang malaman ang mga intrinsik at ekstrinsik na pagganyak na

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino at ang makabuluhang pagkakaiba sa pagtataya

ng dalawang pangkat ng tagasagot, ginamit ang mean. Ang antas ng perpormans ng mga mag-

aaral sa Filipino ay isinagawa sa pamamagitan ng averaging. Samantalang ang pagtataya hinggil

sa kaugnayan ng istratehiyang pangganyak sa pagtuturo at ng perpormans ng mga mag-aaral ay

ginamitan ng Pearson r.

IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Inilalahad sa bahaging ito ang kinalabasan ng isinagawang pagsusuri at

pagpapakahulugan sa mga datos na kinalap ng mga mananaliksik hinggil sa mga pangganyak na

istratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

1. Istratehiyang Pangganyak ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino

Inilahad sa sumusunod na talahanayan ang pagtataya ng mga guro at mag-aaral hinggil

saistratehiyang pangganyak ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino batay sa intrinsik na

pagganyak at ekstrinsik na pagganyak.

Talahanayan 1.1
Pagtataya Hinggil sa Intrinsik o Internal na Pagganyak sa Pagtuturo ng Filipino
Guro Mag-aaral Kabuuan
Indikeytor
M Pakahulugan M Pakahulugan M Pakahulugan
1. Pag-uugnay ng interes ng mag- Laging Laging Laging
4.83 4.77 4.8
aaral sa paksang aralin. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
2. Pagpapakita ng kahalagahan ng Laging Laging Laging
4.67 4.73 4.7
paksang aralin. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
3. Pag-alam sa paniniwala at saloobin 4.17 Madalas na 4.65 Laging 4.41 Laging

13
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

ng mag-aaral sa mga aralin. Ginagawa Ginagawa Ginagawa


4. Pagbibigay linaw sa layunin ng Laging Laging Laging
4.67 4.73 4.7
aralin. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
5. Pagbibigay ng pagkakataong
Madalas na Madalas na Madalas na
makapamili ang mag-aaral hinggil sa 4.00 4.12 4.06
Ginagawa Ginagawa Ginagawa
kung ano at paaano nila nais matuto.
6. Pagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na maipamalas ang Laging Laging Laging
4.50 4.58 4.54
mabuting ugnayan sa pagitan ng guo Ginagawa Ginagawa Ginagawa
at mag-aaral.
7. Paglalahad ng aralin sa
pamamagitan ng mga gawaing Laging Laging Laging
4.50 4.69 4.60
makahihikayat sa interes at emosyon Ginagawa Ginagawa Ginagawa
ng mga mag-aaral.
8. Pag-uugnay ng aralin sa karanasan Madalas na Laging Laging
4.0 4.77 4.39
at buhay ng mga mag-aaral. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
9. Pagbibigay ng pagkakataonsa
Madalas na Laging Laging
bawat mag-aaral na mamuno sa mga 3.83 4.58 4.21
Ginagawa Ginagawa Ginagawa
gawain.
10. Pag-alam sa opinion ng mag-aaral
Madalas na Laging Laging
tungkol sa mga gawaing higit na 4.17 4.58 4.38
Ginagawa Ginagawa Ginagawa
nakakaganyak sa kanila.
*Legend: 4.21-5.00 – Laging Ginagawa; 3.41-4.20 – Madalas na Ginagawa; 2.61-3.40 –
Ginagawa; 1.81-2.60 – Bahagyang Ginagawa; 1.00-1.80 – Hindi Ginagawa

Matutunghayan sa Talahanayan 1.1 ang isinagawang pagtataya ng mga guro at mag-aaral

hinggil sa paggamit ng intrinsik na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

Sang-ayon sa nabanggit na talahanayan at ayon sa pananaw ng mga guro at mag-aaral,

ang mga indikasyon ng intrinsik na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino katulad ng “pag-uugnay

ng interes ng mag-aaral sa paksang aralin” (4.83, 4.77); “pagpapakita ng kahalagahan ng paksang

aralin” (4.67, 4.73); “pagbibigay linaw sa layunin ng aralin” (4.67, 4.73); “ pagbibigay ng

pagkakataon sa mag-aaral na maipamalas ang mabuting ugnayan sa pagitan ng guro at mag-

aaral” (4.50, 4.58); “paglalahad ng aralin sa pamamagitan ng mga gawaing makahihikayat sa

interes at emosyon ng mag-aaral” (4.50, 4.69 ay laging ginagawa bilang pangganyak ng mga

guro sa pagtuturo ng Filipino.

Samantala, sang-ayon din sa dalawang pangkat ng tagasagot, ang indikasyon na

nagsasaad ng pagbibigay ng pagkakataong makapamili ang mag-aaral hinggil sa kung ano at

14
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

paano nila nais matuto” (4.00, 4.12) ay madalas na ginagawa blang pangganyak ng mga guro sa

pagtuturo.

Sa pananaw naman ng guro, ang mga sumusunod na indikasyon ay madalas na ginagawa

bilang pagganyak: “pag-alam sa paniniwala at saloobin ng mag-aaral sa mga aralin” at “pag-

alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing higit na nakakaganyak sa kanila” (4.17);

“pag-uugnay ng aralin sa karanasan at buhay ng mga mag-aaral” (4.0); “pagbibigay ng

pagkakataon sa bawat mag-aaral na mamuno sa mga gawain” (3.83).

Sa kabilang banda sa pananaw ng mga mag-aaral ang mga pagganyak tulad ng “pag-alam

sa paniniwala at saloobin ng mag-aaral sa mga aralin” (4.65); “pag-uugnay ng aralin sa

karanasan at buhay ng mga mag-aaral” (4.77); “pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral

na mamuno sa mga gawain” at “pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing higit

na nakakaganyak sa kanila” (4.17) ay lagi nilang ginagawa.

Ang kabuuang mean ng mga indikasyong intrinsik na pagganyak katulad ng “pag-uugnay

ng interes ng mag-aaral sa paksang aralin” (4.8); “pagpapakita ng kahalagahan ng paksang

aralin” at “pagbibigay linaw sa layunin ng aralin” (4.7); pag-alam sa paniniwala at saloobin ng

mag-aaral sa mga aralin” (4.41); “pagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na maipamalas ang

mabuting ugnayan sa pagitan ng guo at mag-aaral” (4.54); paglalahad ng aralin sa pamamagitan

ng mga gawaing makahihikayat sa interes at emosyon ng mga mag-aaral” (4.60); “pag-uugnay

ng aralin sa karanasan at buhay ng mga mag-aaral” (4.39); “pagbibigay ng pagkakataon sa bawat

mag-aaral na mamuno sa mga gawain” (4.21) at “pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa

mga gawaing higit na nakakaganyak sa kanila” (4.38) ay laging ginagawa ng mga guro sa

pagtuturo ng Filipino.

15
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Samantalang tanging ang indikasyon ng “pagbibigay ng pagkakataong makapamili ang

mag-aaral hinggil sa kung ano at papaano nila nais matuto” (4.06) ang madalas na ginagawa.

Sa pangkalahatan, mahalagang istratehiyang dapat gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng

Filipino ang mga nabanggit na intrinsik na laging ginagawa. Ang mga mag-aaral na may interes

ay tiyak na makikibahagi sa mga talakayan sa klase. Higit din na mahihikayat ang mga mag-aaral

sa mga paksang aralin kung nalalaman nila ang kahalagahan nito sa kanilang pang-araw-araw na

pamumuhay at kung sa simula pa lamang ay malinaw na ang layunin ng aralin. Kailangang

magkaroon ng mabuting ugnayan sa pagitan ng guro at mag-aaral sapagkat hindi matututo ang

isang mag-aaral kung hindi maganda ang pagtingin niya sa kanyang guro at ang guro naman ay

hindi din makapagtuturo nang maayos kung hindi bukal sa kanyang kalooban ang pagaalala niya

sa kanyang mag-aaral. Gayundin mahalaga ang pagkapa ng guro sa emosyon ng kanyang mag-

aaral upang matuto ang mga ito ng hindi na kailangan pang pilitin. Kinakailangan din na may

alam ang guro sa karanasan at buhay ng mag-aaral. Makikilala ng mga guro ang kanilang mag-

aaral kung aalamin nila ang karanasan ng mga ito na maiuugnay naman sa mga aralin. Mahalaga

din na maitama ng guro ang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa mga aralin upang

maiwasan ang kanilang kawalan ng ganang mag-aaral.

Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na namumuno sa mga gawain at

pagbibigay ng mga gawaing higit na nakahihikayat sa kanila ay makapagpapataas ng tiwala nila

sa sarili at makapagdudulot sa kanila ng kakaibang ligaya. Sa pamamagitan ng lahat ng intrinsic

na pagganyak na nabanggit, ang pagkamit sa pagkatuto ng mag-aaral ay madali ng makakamit.

Sa kabilang banda ang indikasyon nabanggit na madalas na ginagawa ay napakahalaga

din naman na pagtuunan ng pansin at laging gawin tulad ng pagbibigay ng pagkakataon ng mga

guro sa mga mag-aaral na makapamili ng paraan kung paano nila nais matuto sapagkat higit

16
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

kaninoman, ang mga mag-aaral ang nakaaalam ng nais nila. Kailangan lamang na hayaan ng mga

guro ang mga mag-aaral na maging mapanaliksik, mapanuri at makiisa sa kapwa nila mag-aaral.

Sang-ayon ang kinalabasan ng pagsusuri sa pag-aaral na ginawa ni Chan et.al. (2015) na

ang intrinsik na motibasyon ay may tuwirang positibong impluwensya sa akademikong pag-

unlad ng mga mag-aaral. Lumalabas din na ang pagsisikap ng guro sa pagpapataas ng antas ng

pagganyak sa mag-aaral ay dapat lamang matumbasan ng magandang perpormans ng mga ito.

Dagdag pa dito, dapat na gamitin ng guro sa lahat ng pagkakataon ang intrinsik na motibasyon sa

lalo pang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gayundin ang pahayag sa resulta ng pananaliksik ni Lepper (2010) na may positibong

ugnayan sa pagitan ng inrinsik na motibasyon at perpormans ng mga mag-aaral kaya’t dapat na

gamitin ng mga guro ang intrinsik na motibasyon sa pagganyak sa mga mag-aaral.

Talahanayan 1.2 Pagtataya ng mga Tagasagot Hinggil sa Ekstrinsik o Eksternal na


Pagganyak sa Pagtuturo ng Filipino
Guro Mag-aaral Kabuuan
Indikeytor M Pakahulugan M Pakahulugan M Pakahulugan
1. Paggamit ng mga makabagong
kagamitang instraksyunal tulad ng
telebisyon, prodyektor, kompyuter at iba 3.33 Ginagawa 3.69 Madalas na 3.51 Madalas na
pang makabagong teknolohiya sa Ginagawa Ginagawa
pagtuturo.
2. Pagsasaayos ng silid na nakakaakit sa
paningin ng mga mag-aaral. 4.17 Madalas na 4.08 Madalas na 4.13 Madalas na
Ginagawa Ginagawa Ginagawa
3. Pagsasabi ng mga positibong Madalas na Laging Laging
4.17 4.31 4.24
puna/pidbak sa mag-aaral. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
4. Pagbibigay ng wastong disiplina sa Laging Laging Laging
4.50 4.58 4.54
mga mag-aaral. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
5. Pagbibigay ng pabuya o gantimpala
tulad ng sertipiko o plake ng pagkilala sa 3.83 Madalas na 3.69 Madalas na 3.76 Madalas na
perpormans ng mag-aaral. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
6. Pagbibigay ng mga gawaing kawili-wili Madalas na Laging Laging
4.17 4.54 4.36
na naaangkop sa aralin Ginagawa Ginagawa Ginagawa
7. Paglalarawan at pagpili ng mga batang Madalas na Madalas na Madalas na
4.00 4.19 4.10
huwaran sa pag-aaral. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
8. Paggamit ng mga istratehiya sa 4.17 4.35 4.26
pagtuturo na pampukaw sa interes ng mga Madalas na Laging Laging

17
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

bata gaya ng paligsahan, laro, pagsasadula Ginagawa Ginagawa Ginagawa


at iba pa.
9. Paggamit ng mga mapanghikayat o
magagandang pananalita bilang papuri 4.33 Laging 4.65 Laging 4.49 Laging
samga magaaral Ginagawa Ginagawa Ginagawa
10. Pagbibigay ng karampatang marka sa Laging Laging Laging
4.50 4.69 4.60
ebalwasyon. Ginagawa Ginagawa Ginagawa
*Legend: 4.21-5.00 – Laging Ginagawa; 3.41-4.20 – Madalas na Ginagawa; 2.61-3.40 –
Ginagawa; 1.81-2.60 – Bahagyang Ginagawa; 1.00-1.80 – Hindi Ginagawa

Matutunghayan sa Talahanayan 1.2 ang isinagawang pagtataya ng mga guro at mag-aaral

hinggil sa paggamit ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

Sang-ayon sa nabanggit na talahanayan at ayon sa pananaw ng mga guro at mag-aaral,

ang mga indikasyon kagaya ng “pagbibigay ng wastong disiplina sa mag-aaral” (4.50, 4.50);

“paggamit ng mga mapanghikayat o magagandang pananalita bilang papuri sa mga mag-aaral”

(4.33, 4.65) at “pagbibigay ng karampatang marka sa ebalwasyon” (4.50, 4.69) ay tinatayang

laging ginagawa.

Samantala, ayon din sa dalawang grupo ng tagasagot, ang mga indikasyon kagaya ng

“pagsasaayos ng silid na nakaakit sa paningin ng mga mag-aaral “(4.17, 4.08); “pagbibigay ng

pabuya o gantimpala tulad ng sertipiko o plake ng pagkilala sa perpormans ng mag-aaral” (3.50,

3.46) at paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-aaral” (4.00, 4.12) ay madalas na

ginagawa.

Sang-ayon sa mga guro, madalas din na ginagawa ang indikasyon na nagsasaad na

“pagsasabi ng mga positibong puna/pidbak sa mag-aaral”, “pagbibigay ng mga gawaing kawili-

wili na naaangkop sa aralin” at “paggamit ng mga istratehiya sa pagtuturo na pampukaw sa

interes ng mga bata gaya ng paligsahan, laro, pagsasadula at iba pa” (4.17).

Sa bahagi naman ng mga mag-aaral, binigyang pananaw nila na laging ginagawa ang

indikasyong “pagbibigay ng mga gawaing kawili-wili na naaangkop sa aralin” (4.54); “paggamit

18
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

ng mga istratehiya sa pagtuturo na pampukaw sa interes ng mga bata gaya ng paligsahan, laro,

pagsasadula at iba pa” (4.35); at “pagsasabi ng mga positibong puna/pidbak sa mag-aaral” (4.31).

Ang kabuuang mean ng mga indikasyong ekstrinsik o eksternal na pangganyak katulad

ng “pagsasabi ng mga positibong puna/pidbak sa mag-aaral” (4.24); “pagbibigay ng wastong

disiplina sa mga mag-aaral” (4.54), “pagbibigay ng mga gawaing kawili-wili na naaangkop sa

aralin” (4.36); “paggamit ng mga istratehiya sa pagtuturo na pampukaw sa interes ng mga bata

gaya ng paligsahan, laro, pagsasadula at iba pa” (4.26); “paggamit ng mga mapanghikayat o

magagandang pananalita bilang papuri samga mag-aaral” (4.49) at “pagbibigay ng karampatang

marka sa ebalwasyon” (4.60) ay laging ginagawa. Samantalang ang kabuuang mean ng mga

indikasyong ekstrinsik o eksternal na pangganyak katulad ng “paggamit ng mga makabagong

kagamitang instraksyunal tulad ng telebisyon, prodyektor, kompyuter at iba pang makabagong

teknolohiya sa pagtuturo” (3.51); “pagsasaayos ng silid na nakakaakit sa paningin ng mga mag-

aaral” (4.13); “pagbibigay ng pabuya o gantimpala tulad ng sertipiko o plake ng pagkilala sa

perpormans ng mag-aaral” (3.76) at paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-

aaral” (4.10) ay madalas na ginagawa.

Sa pangkalahatan ang mga ekstrinsik na pagganyak na may kabuuang pakahulugan na

laging ginagawa ay mahalagang gamitin upang maganyak ang mga mag-aaral. Tinutumbasan ng

marka o grado ang ipinapakitang perpormans ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Ang pabibigay

naman ng positibong puna o pidbak sa mag-aaral lalong lalo na ang magagandang pananalita at

papuri ay nakapagdudulot sa kanila ng saya at kagustuhan na lalo pang pagbutihin ang kanilang

ginagawa sa susunod. Kung didisiplinahin naman ang mag-aaral ay mahalagang isaalang-alang

ang karapatan ng bawat mag-aaral. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpaparusa sa

pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Upang higit na mahikayat ang mga mag-aaral kinakailangang

19
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

kawili- wili ang mga gawain at ginagamitan ng mga guro ng istratehiya sa pagtuturo na

pumupukaw sa interes ng mga bata gaya ng paligsahan, laro, pagsasadula at iba pa.

Ito ay nangangahulugan na magkaiba ang pagtingin ng mag-aaral at guro hinggil sa

paggamit ng mga eksternal na pangganyak. Para sa mga mag-aaral ang mga ekstrinsik na

pangganyak ay mahalagang gamitin sa pagtuturo ng Filipino katulad ng paggamit ng intrinsik na

pagganyak. Samantalang salungat dito ang paniniwala ng guro na madalas lamang na ginagawa

ang ekstrinsik na pagganyak. Ayon naman sa kinalabasan ng pag-aaral ni Onate (2009) sa

kanyang pag-aaral mas mainam gamitin ang ekstrinsik na pagganyak kaysa sa intrinsik na

pagganyak sapagkat mas nahihikayat ng mga guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagbibigay ng karampatang marka o grado, pag-eeksibit ng mahuhusay na gawa, pagbibigay ng

karangalan gayundin ang pagbibigay ng materyal na reward.

2. Makabuluhang Pagkakaiba sa Pagtataya ng Guro at Punongguro Kaugnay sa

Istratehiyang Pangganyak ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino.

Matutunghayan sa susunod na talahanayan ang kinalabasan ng pagsusuri hinggil sa

makabuluhang pagkakaiba sa pagtataya ng mga guro at mag-aaral kaugnay sa istratehiyang

pangganyak ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

Talahanayan 2 Palalahad ng Pagsusuri sa Makabuluhang Pagkakaiba Hinggil sa


Pagtataya ng Guro at Mag-aaral
Guro Mag-aaral Kabuuan
Motibasyon
M Pakahulugan M Pakahulugan M Pakahulugan
Intrinsik o Internal na 4.33 Laging Ginagawa 4.62 Laging Ginagawa 4.48 Laging Ginagawa
Pagganyak

Ekstrinsik o 4.12 Madalas na 4.28 Laging Ginagawa 4.20 Madalas na


Eksternal na Ginagawa Ginagawa
Pagganyak
Kabuuang mean 4.23 Laging Ginagawa 4.45 Laging Ginagawa 4.34 Laging Ginagawa

20
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Isinasaad sa talahanayan 2 ang palalahad ng pagsusuri hinggil sa makabuluhang

pagkakaiba sa pagtataya ng mag-aaral at guro sa kanilang pananaw sa pagganyak sa

pagtuturo ng Filipino.

Sang-ayon sa nabanggit na talahanayan, makikita na walang pagkakaiba sa

pananaw ng guro at mag-aaral hinggil sa intrinsik o internal na pagganyak sa pagtuturo ng

Filipino

Sa kabilang dako, mayroon namang pagkakaiba sa pananaw ng guro at mag-aaral

hinggil sa ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino Sang-ayon sa

kinalabasan ng pagsusuri, naging magkaiba ang pananaw ng guro at mag-aaral hinggil sa

paggamit ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino. Ito ay

nangangahulugan na magkaiba ang karanasan ng guro at mag-aaral sa paggamit ng

naturang baryante. Ang mag-aaral bilang aktuwal na nakakaranas ng sitwasyon ay higit na

makapagsasabi ng kadalasan ng paggamit ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak na

ginagamit ng kanilang guro sa pagtuturo ng Filipino.

Kailangang mapaunlad pa ng mga guro ang mga istratehiyang pangganyak tulad ng

intrinsik at ekstrinsik sapagkat nakatutulong ito sa patuloy na pagpapataas ng perpormans

ng mga mag-aaral. Tulad ng rekomendasyon ni Onate (2009) na kailangan ang palagiang

pagganyak ng mga guro sa pang-araw-araw na aralin gayundin ang pag-oobserba ng mga

punungguro sa epektibong paggamit ng mga guro sa mga istratehiyang pangganyak.

Kailangan din ang paggabay ng mga punungguro sa mga guro upang makakabuo ng iba’t

ibang istratehiyang pagganyak na makapagpapataas sa perpormans ng mga mag-aaral.

21
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

3. Paglalahad ng Antas ng Perpormans ng mga Mag-aaral sa Asignaturang

Filipino

Talahanayan 3 Antas ng Perpormans ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino


Scale Diwang Katumbas Frequency %
90 pataas Sumulong sa Pagkatuto ( Advance ) 0 0
85-89 May Kinatututunan ( Proficient ) 1 33.33
80-84 Pasapit sa Pagkatuto ( Approching Proficiency ) 2 66.67
75-79 Pausad sa Pagkatuto ( Developing ) 0 0
74 pababa Pasimula ng Pagkatuto ( Beginning ) 0 0
Kabuuan 3 100

Matutunghayan sa talahanayan 3 ang paglalahad ng perpormans ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino batay sa kanilang nakuhang marka. Ang nakasaad na marka o

grado ng mga mag-aaral sa nabanggit na talahanayan ay nakabatay sa pangkalahatang

marka ng lahat ng mag-aaral na nasa ilalim ng pamamatnubay ng bawat isang guro.

Sang-ayon sa nabanggit na talahanayan, ang mga mag mag-aaaral ng asignaturang

Filipino sa ilalim ng dalawang (2) guro ay may markang 80 hanggang 84. Dahil dito,

masasabi na ang kani-kanilang mga sakop na mag-aaral ay pasapit sa pagkakatuto.

Samatala, isang guro lamang ang nagpapakita na ang kanyang mga mag-aaral ay may

markang 85 hanggang 89. Ito ay nangangahulugan na ang kanyang mga mag-aaral ay may

kinatutuhan.

Ang kinalabasang ito ng pagsusuri ay nangangahulugan na ang ibayong

pagsusumikap sa pagitan ng guro at mag-aaral ay nagpapabuti ng antas ng markahan sa

asignaturang Filipino. Ang paghahanap ng mga guro ng iba pang istratehiyang

pampagtuturo na magagamit upang lalo pang mahikayat ang magaaral na mapataas ang

kanilang perpormans sa Filipino ay napakahalaga. Ang ekstrinsik at inrinsik na

pangganyak ay may mahalagang papel sa pagpapataas ng perpormans ng mga mag-aaral

kaya’t nararapat na pagsumikapan ng mga guro ang wastong paggamit ng mga ito.

22
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Batay ito sa paniniwala nina Fives and Manning (2014) na ang makabuluhang

paggamit ng mga istratehiya sa pagganyak ay direktang nakakaapekto at nakapagpapataas

ng akademikong perpormans ng mga magaaral. Kaugnay nito iminungkahi na gamitin ng

mga guro ang mga pagganyak na istratehiya sa pinakaepektibong pamamaraan.

4. Pagtataya Hinggil sa Makabuluhang Kaugnayan ng Istratehiyang Pangganyak ng mga

Guro sa Pagtuturo at ng Perpormans ng mga Mag-aaral

Inilahad sa susunod na talahanayan ang kinalabasan ng pagtataya hinggil sa

makabuluhang kaugnayan ng istratehiyang pangganyak ng mga guro sa pagtuturo sa perpormans

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Talahanayan 4: Pagtataya sa Hinuha Hinggil sa Makabuluhang Ugnayan sa Pagitan


ng Istratehingyang Pangganyak sa Pagtuturo at Perpormans ng mga Mag-aaral
Baryante Pearson r
r Pakahulugan
Makabuluhang Kaugnayan ng Performans ng mga Mag-aaral at ng..
Intrinsik o internal na pagganyak sa -0.054 Mayroong napakaliit na salungat
pagtuturo ng Filipino na ugnayan
Ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa 0.343 Mayroong maliit na tiyak na
pagtuturo ng Filipino ugnayan
Isinasaad sa talahanayan 4 ang kinalabasan ng pagtataya hinggil sa ugnayan sa pagitan ng

istratehiyang pangganyak sa pagtuturo at perpormans ng mga mag-aaral.

Sang-ayon sa nabanggit na talahanayan, mayroong napakaliit na salungat na ugnayan sa

pagitan ng intrinsik o internal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino, subalit mayroong maliit na

tiyak na ugnayan sa pagitan ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

Kung kaya’t reject o hindi tinatanggap ang haypotesis.

Batay sa kinalabasan ng mga pagsusuri, ang dalawang uri ng pagganyak sa mag-aaral ay

nagbigay ng magkaibang epekto sa perpormans ng mga bata. Masasabi na ang kawalang

23
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

epektibo ng paggamit ng intrinsik o internal na pangganyak ang siyang dahilan kung bakit

mababa ang naging perpormans ng mga mag-aaral sa Filipino.

Sang-ayon ito sa pag-aaral ni Brown (2011) na nabanggit sa kabanata 2 na madalas na

isinasaalang-alang ng mga edukador ang paggamit ng eksternal na pagganyak tulad ng

pagkontrol, superbisyon o pagsubaybay at ebalwasyon bilang gantimpala o parusa habang

nagtuturo upang matiyak ang pagkatututo ng mga mag-aaral. Ang ganitong paniniwala ay

nagiging balakid sa ilang edukador lalo’t higit sa mga guro na naniniwalang ang antas ng

pagganyak ay mas mapatataas sa pamamagitan ng eksternal na pamamaraan kaysa sa

pagpapanatili ng interes ng mag-aaral sa kanilang pinag-aaralan. Sa ganitong kondisyon, ang

kasiyahan, kasiglahan, at interes sa pagkatuto ay napapalitan ng pagkabahala, pagkabagot at

kawalan ng interes sa aralin dahil na rin ito sa pag-asa ng mag-aaral sa eksternal na motibasyon

tulad ng insentibo/gantimpala. Kapag nawala na ang interes ng mag-aaral, dito pumapasok ang

paggamit ng mga guro ng iba‟t-ibang uri ng eksternal na pagganyak. Humihina ang paggamit ng

intrinsik na pagganyak sa paniniwala ng mga guro na mas mabilis mahikayat ang mag-aaral kung

eksternal na pagganyak ang gagamitin nila.

5. Mungkahi Ukol sa Planong Gawain (Action Plan) ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino

Talahanayan 5: Planong Gawain ng (Action Plan) ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino

24
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Tampulan Layunin Gawain Kasangkot Takdang Pagmumulan Tanda ng


Pagbabalangkas ng Gugugulin Katagumpayan

Intrinsik Pagbibigay ng Peer/Focus Group --Guro sa Unang araw ng Ang bawat mag-aaral ay
pagkakataong Discussion Filipino pagtuturo ng nakikilahok sa
makapamili ang -Mag-aaral bawat group discussion at
mag-aaral hinggil sa paksang aralin sa nakapagpapahayag ng
kung ano at paaano Filipino sa buong kanilang saloobin hinggil
nila nais matuto. Taong sa kung ano at paaano
Panuruan nila nais matuto.
Pagbibigay ng Leadership Training -Resource Pagkatapos ng Voluntary Ang 100% ng mga mag-
pagkakataon sa Program (LTP) para Speaker unang markahan Contribution aaral ay nakadalo
bawat mag-aaral na sa mga mag-aaral -Punongguro sa LTP at natutunan ang
mamuno sa mga -Guro sa Filipino Club paraan ng
gawain Filipino Fund pamumuno sa mga
Mag-aaral gawain

Pag-alam sa opinyon Peer/Focus Group -Guro sa Unang araw ng MOOE Ang bawat mag-aaral ay
ng mag-aaral Discussion Filipino pagtuturo sa nakikilahok sa
tungkol sa -Mag-aaral bawat group discussion at
mga gawaing Linggo ng buong nakapagpapahayag ng
higit na Taong kanilang saloobin hinggil
nakagaganyak sa Panuruan sa mga gawaing
kanila higit na
nakagaganyak sa kanila
Ekstrinsik Paggamit ng Pagdaragdag ng TV Property Bago magsimula MOOE Ang lahat ng silid-aralan
makabagong set at projector sa Custodian ang Taong PTA Fund ay nabigyan ng TV set o
kagamitang mga silid-aralan PTA Officers panuruan (2019- projector.
instruksyunal 2020)
Paglalarawan at Pagagawad ng Punong Guro Pagkatapos ng MOOE Napili at nabigyang
pagpili ng mga sertipiko sa mga bawat markahan pagkilala ang mga
batang huwaran sa huwaran mag-aaral Guro at recognition Filipino Club natatanging mag-aaral sa
pag-aaral. sa Filipino sa oras ng day Fund Filipino.
flag ceremony Mag-aaral
tuwing pagkatapos
ng bawat markahan
at tuwing
recognition day
Pagbibagay ng Pagkakaloob ng Punong Guro Buong MOOE Napagkalooban ng
pabuya o gantimpala simpleng pagkilala Taong gantimpala ang mga
bilang pagkilala sa (token o sertipiko) sa Guro ng Panuruan nararapat na mga mag-
perpormans ng mag- mag-aaral sa loob ng Filipino aaral
aaral silid-aral sa bawat
Linggo Mag-aaral

Ang nabanggit na talahanayan ay hinati sa dalawang tampulan, ang pamamaraang

intrinsik o internal at ekstrinsik o eksternal. Sa ilalim ng pamamaraan intrinsik o internal, ang

unang layunin ay pagbibigay ng pagkakataong makapamili ang mag-aaral hinggil sa kung ano at

paaano nila nais matuto. Iminumungkahi dito ang Peer/Focus Group Discussion kung saan

kasangkot sa pagpapatupad nito ang mga guro sa Filipino at mga mag-aaral. Ito ay gagawin sa

25
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

unang araw ng pagtuturo ng bawat paksang aralin sa Filipino sa buong Taong Panuruan. Ang

tanda ng katagumpayan ng layunin ay kung ang bawat mag-aaral ay nakilahok sa group

discussion at nakapagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa kung ano at paaano nila nais

matuto.

Ang ikalawang layunin ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat magaaral na

mamuno sa mga gawain. Hinggil dito, iminumungkahi ang “Leadership Training Program”

(LTP) para sa mga mag-aaral. Kasangkot sa gawain ito ang Resource Speaker, Punongguro,

Guro ng Filipino at mga mag-aaral. Ito ay gagawin pagkatapos ng unang markahan ng

kasalukuyang taong panuruan. Ang pondong gugugulin ay magmumula sa voluntary contribution

ng mga mag-aaral at sa pondo ng Filipino Club. Ang tanda ng katagumpayan ay mababatid kung

ang mga magaaral ay nakadalo sa LTP at natutunan ang paraan ng pamumuno sa mga gawain.

Sa ikatlong layunin o ang pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing

higit na nakagaganyak sa kanila, iminumungkahi ang pamamaraang “Peer/Focus Group

Discussion”. Ito ay gagampanan ng guro ng Filipino at ng mga mag-aaral. Ito ay isasagawa sa

unang araw ng pagtuturo sa bawat Linggo (weekly) ng buong Taong Panuruan. Ang mga

materyales kagaya ng papel at photocopy ay kukunin mula sa MOOE. Ang tanda ng

katagumpayan ay mababatid kung ang bawat mag-aaral ay nakikilahok sa group discussion at

nakapagpapahayag ng kanilang saloobin.

Samantala, sa ilalim ng pamamaraang ekstrinsik, sa unang layunin na paggamit ng

makabagong kagamitang instrusyunal, iminungkahi ang pagdaragdag ng telebisyon at projector

sa mga silid-aralan bago magsimula ang Taong Panuruan 2019-2020. Maaaring gugulin ang

pondo mula sa PTA Fund o sa MOOE.

26
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Sa ikalawang layunin ukol sa paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-

aaral, iminumungkahi ang pagagawad ng sertipiko sa mga huwaran mag-aaral sa Filipino sa oras

ng flag ceremony tuwing pagkatapos ng bawat markahan at tuwing recognition day. Ang laang-

gugugulin ay magmumula sa MOOE o kaya naman sa pondo ng Filipino Club.

Sa ikatlong layunin na nagsasaad ng pagbibagay ng pabuya o gantimpala bilang pagkilala

sa perpormans ng mag-aaral pagkakaloob ng simpleng pagkilala sa mag-aaral sa loob ng silid-

aral sa bawat linggo. Ito ay isasagawa sa buong Taong Panuruan at ang laang guguggulin ay

magmumula sa MOOE.

V. PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom

Ang mga sumusunod ay ang lagom ng kinalabasan ng pagsusuri batay sa kinalabasan ng pag-

aaral.

1. Hinggil sa Istratehiyang Pangganyak ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino

Hinggil sa istratehiyang intrinsik o internal na pangganyak ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino,

ang kabuuang mean ng mga indikasyon katulad ng “paguugnay ng interes ng mag-aaral sa

paksang aralin” (4.8); “pagpapakita ng kahalagahan ng paksang aralin” (4.7); “pag-alam sa

paniniwala at saloobin ng magaaral sa mga aralin” ( 4.41); “pagbibigay linaw sa layunin ng

aralin” (4.7); “pagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na maipamalas ang mabuting ugnayan sa

pagitan ng guro at mag-aaral” (4.54); “paglalahad ng aralin sa pamamagitan ng mga gawaing

makahihikayat sa interes at emosyon ng mag-aaral” (4.6); “paguugnay ng aralin sa karanasan at

buhay ng mag-aaral” (4.39); “pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral na mamuno sa mga

gawain” (4.21) at “pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing higit na

27
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

nakagaganyak sa kanila” (4.38) ay laging ginagawa bilang pagganyak ng mga guro sa pagtuturo

ng Filipino.

Hinggil sa istratehiyang ekstrinsik o eksternal na pangganyak ng mga guro sa pagtuturo ng

Filipino, ang kabuuang mean ng mga indikasyon kagaya ng “pagsasabi ng mga positibong

puna/pidbak sa mag-aaral” (4.24); “pagbibigay ng wastong disiplina sa mga mag-aaral” (4.54),

“pagbibigay ng mga gawaing kawili-wili na naaangkop sa aralin” (4.36); “paggamit ng mga

istratehiya sa pagtuturo na pampukaw sa interes ng mga bata gaya ng paligsahan, laro,

pagsasadula at iba pa” (4.26); “paggamit ng mga mapanghikayat o magagandang pananalita

bilang papuri samga mag-aaral” (4.49) at “pagbibigay ng karampatang marka sa ebalwasyon”

(4.60) ay laging ginagawa. Samantalang ang kabuuang mean ng mga indikasyong ekstrinsik o

eksternal na pangganyak katulad ng “paggamit ng mga makabagong kagamitang instraksyunal

tulad ng telebisyon, prodyektor, kompyuter at iba pang makabagong teknolohiya sa pagtuturo”

(3.51); “pagsasaayos ng silid na nakakaakit sa paningin ng mga mag-aaral” (4.13); “pagbibigay

ng pabuya o gantimpala tulad ng sertipiko o plake ng pagkilala sa perpormans ng mag-aaral”

(3.76) at paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-aaral” (4.10) ay madalas na

ginagawa.

2. Hinggil sa Pagkakaiba sa Pagtataya ng Mag-aaral at Guro Kaugnay sa Istratehiyang

Pangganyak ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino

Walang pagkakaiba sa pananaw ng guro at mag-aaral hinggil sa intrinsik o internal na

pagganyak sa pagtuturo ng Filipino, samantalang mayroon namang pagkakaiba sa pananaw ng

guro at mag-aaral hinggil sa ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

28
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

3. Hinggil sa Paglalahad ng Antas ng Perpormans ng mga Mag-aaral sa Asignaturang

Filipino

Ang mag mag-aaral ng asignaturang Filipino sa ilalim ng dalawang (2) guro ay may

markang 80 hanggang 84. Dahil dito, masasabi na ang kani-kanilang mga sakop na mag-aaral ay

pasapit sa pagkakatuto. Samatala, isang guro lamang ang nagpapakita na ang kanyang mag-aaral

ay may markang 85 hanggang 89. Ito ay nangangahulugan na ang kanyang mga mag-aaral ay

may kinatutuhan.

4. Hinggil sa Pagtataya sa Kaugnayan ng Istratehiyang Pangganyak ng mga Guro sa

Pagtuturo at ng Perpormans ng mga Mag-aaral

Ang paggamit ng intrinsik o internal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino ay mayroong

napakaliit na salungat na ugnayan sa performans ng mga mag-aaral batay sa r value na -0.054

samantalang ang paggamit ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino ay

mayroong maliit na tiyak na ugnayan sa performans ng mga mag-aaral batay sa r value na 0.343.

Dahil dito, ang hinuha ay hindi tinatanggap (reject).

5. Hinggil sa Mungkahi Ukol sa Planong Gawain (action plan) ng mga Guro sa Pagtuturo

ng Filipino

Ang nabuong Action Plan ay hinati sa dalawang tampulan, ang pamamaraang intrinsik o

internal at ekstrinsik o eksternal.

Sa ilalim ng pamamaraan intrinsik o internal, ang unang layunin ay ang pagbibigay ng

pagkakataong makapamili ang mag-aaral hinggil sa kung ano at paaano nila nais matuto.

Iminumungkahi dito ang pagsasagawa ng peer/focus group discussion. Ang ikalawang layunin

ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral na mamuno sa mga gawain. Hinggil dito,

29
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

iminumungkahi ang “Leadership Training Program” (LTP) para sa mga mag-aaral. Sa ikatlong

layunin o ang pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing higit na nakagaganyak

sa kanila, iminumungkahi ang pamamaraang Peer/Focus Group Discussion.

Sa ilalim ng pamamaraan ekstrinsik o eksternal, ang unang layunin ay paggamit ng makabagong

kagamitang instrusyunal. Iminungkahi ang paglalagay ng telebisyon at projector sa mga silid-

aralan. Sa ikalawang layunin ukol sa paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-

aaral, iminumungkahi ang pagagawad ng sertipiko sa mga huwaran mag-aaral sa Filipino sa oras

ng flag ceremony tuwing pagkatapos ng bawat markahan at tuwing recognition day. Sa ikatlong

layunin na nagsasaad ng pagbibagay ng pabuya o gantimpala bilang pagkilala sa perpormans ng

mag-aaral, pagkakaloob ng simpleng pagkilala sa mag-aaral sa loob ng silid-aralan sa bawat

lingo.

Konklusyon

Isinasaad sa mga sumusunod na pangugusap ang konklusyon na binuo ng mananaliksik batay sa

kinalabasan ng pagsusuri.

1. Na ayon sa mga guro at mga mag-aaral ang paggamit ng intrinsik o internal na

pagganyak sa pagtuturo ng Filipino ay higit na nakapagpapalabas ng interes ng mag-aaral

sa Filipino at mas nakikilala ng mga mag-aaral ang kanilang likas na talino at kakayahan

kaysa paggamit ng ekstrinsik na pagganyak.

2. Na magkaiba ang pananaw ng mga guro at mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng

ekstrinsik na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino. Ito ay nangangahulugan na magkaiba

ang karanasan ng mga guro at mga mag-aaral sa paggamit ng naturang baryante. Ang

30
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

mag-aaral bilang aktuwal na nakakaranas ng sitwasyon ay higit na makapagsasabi ng

kadalasan ng paggamit ng ekstrinsik o eksternal na pagganyak sa pagtuturo ng Filipino.

3. Na ang mga mag-aaaral ng asignaturang Filipino sa ilalim ng mas nakahihigit na bilang

ng mga guro ay sakop ng markang pasapit sa pagkakatuto (approaching profeciency). Ito

ay nangangahulugan na ang ibayong pagsusumikap sa pagitan ng guro at mag-aaral ay

nagpapabuti ng antas ng markahan sa asignaturang Filipino.

4. Na ang dalawang uri ng pagganyak sa mag-aaral ay nagbigay ng magkaibang epekto sa

perpormans ng mga bata. Masasabi na ang kawalang epektibo ng paggamit ng intrinsik o

internal na pangganyak ang siyang dahilan kung bakit hindi gaanong mataas ang naging

perpormans ng mga mag-aaral sa Filipino.

5. Na ang mananaliksik ay naglahad ng mungkahi ukol sa planong gawain ng mga guro sa

pagtuturo ng Filipino. Ang planong gawaing ito ay inaasahang makatutulong sa

pagpapataas ng perpormans ng mga mag-aaral sa Filipino.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay ang presentasyon ng mga rekomendasyon ng

manananaliksik batay sa kinalabasan ng pagsusuri:

1. Dapat mapanatili o mapaunlad pa ng mga guro ng Filipino ang paggamit ng istratehiyang

intrinsik at ekstrinsik bilang pangganyak sa mga mag-aaral. Gayundin ang paggamit ng

iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo na makagaganyak sa mag-aaral na makilahok tulad

ng paggamit ng mga sitwasyon o clue cards sa role playing, paghahanda ng mga gawaing

aktuwal na ginagawa sa loob at labas ng paaralan o simulasyon (simulation), pagtitipon

ng mga biswal tulad ng poster, anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie page,

31
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

programa sa telebisyon at dokumentaryo, paghahanda ng mga kawili-wiling laro sa

pamamagitan ng powerpoint presentation at makabagong teknolohiya o paglalapat ng

gamification.

2. Dapat na magkaroon ng iisang diwa ang guro at mag-aaral hinggil sa pagganyak. Ang

mga guro ay dapat isaalang-alang ang nais na pamamaraan sa pagganyak ng mga mag-

aaral.

3. Marapat na mabigyan ng pokus ng mga paaralan ang pagpapataas ng marka ng mag-aaral

sa asignaturang Filipino sa pamamagitan pagsasagawa ng “Leadership Training

Program” at “Peer/Focus Group Discussion” para sa mga mag-aaral; pagdaragdag ng

telebisyon o projector, pagsasaayos o paglalagay ng mga pasilidad para sa pag-aaral ng

mga bata at pagkakaloob ng gantimpala o parangal sa mga nararapat at natatanging mag-

aaral sa Filipino. Ang lahat ng pamamaraan, pagtuklas at pag-aaral ay marapat na

matuon sa pagpapataas ng interes ng mag-aaral sa bawat aralin ng nasabing asignatura.

4. Marapat na magkaroon ng isang mas malalim na pag-aaral hinggil sa paggamit ng

intrinsik o internal na pamamaraan na pagganyak sa mag-aaral. Ang isang bagong pag-

aaral ay dapat na hindi maging limitado sa asignaturang Filipino, dahil dito ay

iminumungkahi ang comparative study. Dito ay lalong mababatid ng mananaliksik ang

kaibahan ng paggamit ng nasabing paraan sa iba pang asignatura.

5. Lubos na iminumungkahi ng mananaliksik ang pagpapatupad ng planong gawain (action

plan) ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino na inilahad sa pag-aaral na ito.

32
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

IX. Talasanggunian

Brown, K.W. (2011). Legislating competence: High-stakes testing policies and their relations

with psychological theories and research‟, In A.J. Elliot and C.S. Dweck (eds.),

Handbook of Competence and Motivation, pp. 354–72. New York: Guilford

Publications.

Burgos, Corazon T. (2001). Mga Suliranin sa Filipino ng mga Mag-aaral ng TET-LRT: Mga

Sanhi at Kalikasan

Chan, Kwok Wai et.al. (2015) “Relational Analysis of Intrinsic Motivation, Achievement Goals,

Learning Strategies and Academic Achievement for Hongkong Secondary Students”,

Hongkong Institute of Education The Asia Pacific Researcher 21:2 (2012), pp.230-243

Deci, Edward L. and Ryan, Richard M. (2000). Intrinsic and Extrinsik Motivations: Classic

Definition and New Directions, University of Rochester @ 2000 Academic Press

Contemporary Educational Psychology 25, 54-67

Fives, Helenrose and Manning, Dana K. (2014). Teacher’s Strategies for Student

Engagement: Comparing Research to Demonstrated Knowledge” Texas

Tech University, Paper presented at the 2005 Annual Meeting of the American

Psychological Association, Washington DC

Fortunato, Teresita F. (2011). Pagtuturong Filipino na Nagsasaalang-alang sa Multiple

Inteligences

33
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

Geronimo, Jee Y. (2015). Filipino sa K to 12 curriculum: 'Hindi Masyadong Pinag-aralan

Retrieved from: https://www.rappler.com/nation/102511-filipino- k12-

curriculum- virgilio-almario

Herzberg, Frederick et.al. (1959). The Motivation to Work (2nd Edition) New York

Hogan, Milan M. (2013) Curriculum and Instructional Methods for the Elementary Schools,

New York:Mc Millan Publishing Company

Lepper, Mark R. (2010) “Intrinsic and Extrinsic Motivational Orientations in the Classroom: Age

Differences and Academic Correlates”, Stanford University, Copyright 2005 by the

American Psychological Association 2005, Vol. 97, No. 2, 184–196 0022

0663/05/$12.00 DOI: 10.1037/0022- 0663.97.2.184

Lucas, Maria Rita D. and Corpuz, Brenda B. (2013). Facilitating Learning: A Metacognitive

Process, Philippines: Lorimar Publishing Inc.

Montenegro, Candice (2010). Usapan sa Pinahusay na K+12 Batayang Programa sa

Edukasyon” DepEd discussion paper, Philippine Education Research Journal

Onate, Jasmin R. “Motivational Enhancers in Teaching Mathematics in Selected Public

Elementary Schools in Calamba West: Its relation to Pupils Academic Perpormans”

(Masteral Thesis, LCBA, 2009)

Villanueva, Volataire M. (2012). Wikang Filipino: Wikang Panlahat, Salalayan sa Pagtatamo ng

Likas kayang Pag-unlad “Alinaya 2, Tomo 4

34
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

X. Apendiks
Talatanungan

Bilang isang guro ng asignaturang Filipino, alin sa mga istratehiyang pangganyak


sa ibaba ang iyong ginagawa/ ginagamit sa pagtuturo?
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang iyong sagot batay sa angkop na bilang sa ibaba:
5 laging ginagawa ( LG )
4 madalas/ malimit ginagawa ( MG ) 2 bahagyang ginagawa ( BG )
3 ginagawa (G ) 1 hindi ginagawa ( HG)
A. INTRINSIK NA PAGGANYAK
INDIKEYTOR 5 4 3 2 1
LG MG G BG HG
1. Pag-uugnay ng interes ng mag-aaral sa paksang aralin.
2. Pagpapakita ng kahalagahan ng paksang aralin.
3. Pag-alam sa paniniwala at saloobin ng mag-aaral sa mga
aralin.
4. Pagbibigay linaw sa layunin ng aralin.
5. Pagbibigay ng pagkakataong makapamili ang mag-aaral
hinggil sa kung ano at papaano nila nais matuto.
6. Pagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na maipamalas ang
mabuting ugnayan sa pagitan ng guro at mag-aaral.
7. Paglalahad ng aralin sa pamamagitan ng mga gawaing
makahihikayat sa interes at emosyon ng mag-aaral.
8. Pag-uugnay ng aralin sa karanasan at buhay ng mag-aaral.
9. Pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral na mamuno
sa mga gawain.
10. Pag-alam sa opinyon ng mag-aaral tungkol sa mga gawaing
higit na nakagaganyak sa kanila.

B. EKSTRINSIK NA PAGGANYAK
INDIKEYTOR 5 4 3 2 1
LG MG G BG HG
1. Paggamit ng mga makabagong kagamitang instraksyunal
tulad ng telebisyon, prodyektor, kompyuter at iba pang
makabagong teknolohiya sa pagtuturo.
2. Pagsasaayos ng silid na nakakaakit sa paningin ng mga
magaaral.
3. Pagsasabi ng mga positibong puna/pidbak sa mag-aaral.
4. Pagbibigay ng wastong disiplina sa mga mag-aaral.

35
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL

5. Pagbibigay ng pabuya o gantimpala tulad ng sertipiko o


plake ng pagkilala sa perpormans ng mag-aaral.
6. Pagbibigay ng mga gawaing kawili-wili na naaangkop sa
aralin
7. Paglalarawan at pagpili ng mga batang huwaran sa pag-
aaral.
8. Paggamit ng mga istratehiya sa pagtuturo na pampukaw sa
interes ng mga bata gaya ng paligsahan, laro, pagsasadula at
iba pa.
9. Paggamit ng mga mapanghikayat o magagandang pananalita
bilang papuri samga mag-aaral
10. Pagbibigay ng karampatang marka sa ebalwasyon.

36

You might also like