You are on page 1of 14

MGA DAHILAN NANGNLABIS AT MADALAS NA PAGKAHULI SA ORAS NG

KLASE NG MGA MAG-AARAL NA MAYROONG KARANGALANG

PANG-AKADEMIKO NG STEM 11-A NG CENTRAL TAYTAY

SENIOR HIGHSCHOOL SA, AT ANG NEGATIBONG

EPEKTO NITO SA KANILANG GAWAING

PANG-AKADEMIKO

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP KAY:

Gng. AILYN BARONA GIMOTEA

Bilang bahagi ng mga bahaging kailangan

sa pagtamo sa asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik na inihanda ni:

LATUBE, JAZREEL ASLE ROBLES

MAYO, 2023
TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT...........................................................................................................i

TALAAN NG NILALAMAN...................................................................................................ii

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO.............................................................................1

SULIRANIN NG PAG-AARAL...............................................................................................2

LAYUNIN NG PAG-AARAL...................................................................................................2

BATAYANG TEORITIKAL.................................................................................................2-3

BALANGKAS NA KONSEPTUWAL.....................................................................................3

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL......................................................................................3

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL..............................................................4

KAHULUGAN NG MGA TERMINO......................................................................................4

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA ..................................................5-6

KABANATA III: METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK.............................................................................................7

RESPONDENTE.......................................................................................................................7

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK..................................................................................7

PAMAMARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS............................................................8

KABANATA IV: RESULTA, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

RESULTA, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS...............................9

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM...................................................................................................................................10

KONKLUSYON......................................................................................................................11

REKOMENDASYON.............................................................................................................12

i
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ilan sa mga kinakaharap na suliranin ng mga paaralan ay ang madalas na pagkahuli sa

oras ng klase ng mga mag-aaral, sakop na nito ang Central Taytay Senior High school Stand-

Alone lalong lalo na sa mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM-11 A. Batay sa

pananaliksik nina Bonilla, Zeus Eduard C, et al. Mga Epekto ng Pagiging Huli sa klase ng

Senior High school Baitang 11-Gas noong 2018, Ang mga epekto nang madalas na pagkahuli

sa klase ay ang pagbaba ng marka o grado, hindi makasunod sa klase/lesson, napapagalitan

ng guro at hindi makapokus sa klase. Itinala rin nila rito na hindi maganda sa isang

estudyante na mahuli sa klase dahil malaking salik ito sa kanilang pag-aaral.

Ayon naman sa pananaliksik nina Gatchalian Jade, et al. Isang Pag-aaral sa mga

Asignaturang Apektado ang Akademikong Pagganap Batay sa Kadalasang Pagkahuli sa klase

ng mga piling mag-aaral na nasa ika-11 Baitang ng SHS sa FEU-NRMF (2017) Isa sa mga

hindi magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga Pilipino sa takdang oras o

tinatawag nilang “Filipino Time”.

Kung patuloy ang pagkahuli sa klase ng mga mag aaral, magiging kasanayan na nila

ito. Kaya nais ng mananaliksik matukoy ang mga rason at dahilan sa likod nito. Dahil hindi

na nabibigyang importansya ang mga epekto nito sa kanilang gawaing pang-akademiko.

1
1.2 Suliranin ng Pag-Aaral

1. Ano-ano ang mga dahilan nang labis at madalas na pagkakahuli sa oras ng klase ng

mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM 11-A ng

CTSHS-SA?

2. Ano ang mga negatibong epekto nang labis at madalas na pagkahuli sa oras ng

klase ng mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM 11-A

ng CTSHS-SA sa kanilang gawaing pang-akademiko?

1.3 Layunin ng Pag-Aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga dahilan at negatibong epekto ng

pagkakahuli sa oras ng klase ng ga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng

STEM 11-A.

1. Matukoy ang mga dahilan nang labis at madalas na pagkakahuli sa oras ng klase ng mga

mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM 11-A.

2. Matukoy ang mga negatibong epekto nang labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase

ng mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM 11-A ng CTSHS-SA

sa kanilang gawaing pang-akademiko.

1.4 Batayang Teoretikal

Sa pananaliksik na ito binibigyang pokus ang teoryang Mga Epekto ng pagiging Huli

sa Klase ng Senior Highschool Baitang 11-GAS na napapatungkol sa mga epekto ng

pagiging huli sa klase ng baitang 11-GAS. Ang pangunahing epekto ng madalas na pagkahuli

sa klase ay ang pagbaba ng marka, pangalawa ang hindi makasunod sa klase/lesson, pangatlo

ay napapagalitan ng guro, sumunod ang hindi makapokus sa klase at ang panghuli ay ang

hindi sumagot sa tanong. Kasama sa mga pinunto ng nasabing teorya ang mga epekto ng

2
pagkahuli sa klase ng mga mag-aaral na lubos na nkatutulong sa pagkamit ng mithiin ng

pananaliksik na malaman ang epekto ng pagkahuli sa klase ng mga mag-aaral.

1.5 Balangkas na Konseptuwal

Para sa Balangkas na pag-aaral, lilikom ang mananaliksik ng mga mag-aaral mula sa

Central Taytay Senior Highschool Stand-Alone STEM 11-A upang mapatunayan ang mga

dahilan at negatibong epekto ng pagkahuli sa oras ng klase ng mga mag-aaral na mayroong

karangalang pang-akademiko at kng papaano ito nakakaapekto sa kanilang gawaing pang

akademiko.

1.6 Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang Kahalagahan ng pag-aaral na ito ay hindi lamang upang malaman ang mga

dahilan at negatibong epekto ng pagkahuli sa klase ng mga mag-aaral na mayroong

karangalang pang-akademiko, ngunit para na rin sa mga sumusunod:

Sa mananaliksik - ito ay upang gawing batayan ng mga bagong mananaliksik sa mga

susunod pang pag-aaral patungkol sa pananaliksik na ito.

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng

pagbibigay alam sa mga dahilan at negatibong epekto ng pagkahuli sa klase ng mga

mag-aaral at kung papaano ito maiiwasan.

Sa komunidad - makatutulong ang pananaliksik na ito sa komunidad sa pamamagitan

ng pagbibigay ng mga dahilan at negatibong epekto ng pagkahuli sa klase ng mga

mag-aaral at sa pamilyang sakop nito.

3
1.7 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-Aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyang kasagutan ang mga dahilan at

negatibong epekto ng pagkahuli sa oras ng klase ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito

ay sumasaklawlamang sa tatlong lalake at tatlong babae na mayroong karangalang pang-

akademiko ng STEM 11-A ng Central Taytay Senior Highschool Stand-Alone. Ang

pananaliksik na ito ay magsisimula sa buwan ng Pebrero at magtatapos sa buwan ng Abril

taong 2023.

1.8 Kahulugan ng mga Termino

Para sa mas malinaw na pagkakahulugan binigyan linaw ang mga sumusunod:

STEM 11-A - Science Techonology Engineering and Mathematics Grade 11 Block A.

Isang seksyon na gagawing respondente ng mananaliksik na mag-aaral ng Central

Taytay Senior Highschool Stand-Alone.

Negatibong Epekto - Tumutukoy sa negatibong resulta ng pagkahuli sa oras ng klase

ng mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko.

Gawaing Pang-Akademiko - gawain ng mag-aaral sa paaralan o may kaugnayan sa

akademikong gawain ng mag-aaral.

Labis at Madalas - paulit-ulit na ginagawa o gawain.

Central Taytay Senior HIghschool Stand-Alone - paaralan ng mga senior highschool

na mag-aaral na matatagpuan sa MonteVista, Poblacion, Taytay, Palawan.

Karangalang Pang-Akademiko - mga mag-aaral na binigyang karangalan na may

gradong 90 pataas.

4
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

2.1 Mga Kaugnay na Pag-Aaral o Literatura

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa

pagsasaliksik patungkol sa “MGA DAHILAN NANG LABIS AT MADALAS NA

PAGKAKAHULI SA ORAS NG KLASE NG MGA MAG-AARAL NA MAYROONG

KARANGALANG PANG-AKADEMIKO NG STEM 11-A NG CENTRAL TAYTAY

SENIOR HIGHSCHOOL STAND-ALONE, AT ANG NEGATIBONG EPEKTO NITO SA

KANILANG GAWAING PANG-AKADEMIKO.

Batay sa pag-aaral nina Bonilla Zeus, Eduard C., et. al. Mga Epekto ng Pagiging Huli

sa klase ng Senior Highschool Baitang 11-GAS (2018). Ang mga epekto nang madalas na

pagkahuli sa klase ay ang pagbaba ngmarkao grado, hindi makasunod sa klase\lesson,

napapagalitan ng guro at hindi makapokus sa klase. Itinala rin nila rito na hindi maganda sa

isang estudyante na mahuli sa klase dahil malaking salik ito sa kanilang pag-aaral.

Ang pagkahuli ng mga mag-aaral sa paaralan ay isa sa mga hamon na kinakaharap ng

mga administrador ng paaralan. Batay sa pag-aaral nina Adegunju, K. A, et. al (2019) Factors

Responsible for Students ‘Lateleness to School as Expressed by Nigerian Teachers in

Elementary Schools. Iainalat ng mga mananaliksik na ang mga kadahilanan ng responsable

para sa pagkahuli ng mga mag-aaral sa paaralan na ipinahayag ngmga guro ng Nigerian sa

mga elementarya ay mahinang paghahanda para sa paaralan, gabing-gabi na matulog, malayo

ang tirahan sa paaralan, mataas na antas ng kahirapan, peer pressure, at single parenting.

5
Ayon naman sa pananaliksik nina Gatchalian, Jade, et. al.Isang Pag-aaral sa mga

Asignaturang Apektado ang Akademikong Pagganap Batay sa Kadalasang Pagkahuli sa klase

ng mga piling Mag-aaral na nasa ika-11 Baitang ng SHS sa FEU-NRMF (2017). Isa sa mga

hindi magandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga Pilipino sa takdang oras o tinatawag

nilang “Filipino Time”.

May mga dahilan kung bakit nahuhuli ang karamihan sa mga estudyante sa klase.

Tulad ng inulat ng mga pag-aaral, maraming salik ang nakakaapekto sa pag-iingat ng oras ng

mga mag-aaral at sa gayon ay nahuhuli sa paaralan. Ang mga salik na ito ay mga traffif jam

sa mga kalsada, hindi wastong pamamahala ng oras, hindi maayos na transportasyon at mga

ruta ng paaralan, irresponsableng magulang, kakulangan ng wastong pamamaraan ng

pagtuturo ng mga guro, at mayroong problemang sikolohikal at emosyonal. (Michael Smart,

Students Lateness in Classes: Excuses and Solutions, 2021)

6
KABANATA III

METODOLOHIYA

3.1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya. Ang

pag-aaral na ito ay gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang

pananaliksik na ito ay kuwantatibong pananaliksik. Ang mananaliksik ay naniniwala na ang

deskriptibong pamamaraan ay angkop sa ginagawang pag-aaral para sa mas epektibong

pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Ang mananaliksik ay gagawa ng limang tanong upang makakuha ng mga datos. Ang

mga impormasyong masasagap ay nakadepende sa mga tanong na inihanda ng mananaliksik.

3.2 Respondente

Ang mananaliksik ay ngangalap ng datos sa mag-aaral ng STEM-!! a ng Central

Taytay Senior HIghschool Stand-Alone. Ang mananaliksik ay gagamit ng 6 na mag-aaral, 3

sa lalake at 3 sa babae. Ang mga tagatugon ay mga mag-aaral na mayroong karangalang

pang-akademiko at nahuhuli sa klase lamang.

3.3 Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga gagamiting instrumento sa pananaliksik na ito ay sarbey, panayam at

obserbasyonal. Sa pamamagitan ng sarbey at pagbigay ng mga talatanungan, ito ang naging

pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mananaliksik ay naghanda ng

limang tanong upang makakuha ng mga impormasyon at datos patungkol sa mga dahilan at

negatibong epekto ng pagkahuli sa oras ng klase sa kanilang gawaing pang-akademiko.

7
3.4 Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga impormasyong nakalap o nakuha na itinala sa pag-aaral na ito ay nakuha

mula sa pananaliksik online. Ang pagkalap naman ng mga kasagutan patungkol sa mga

dahilan at negatibong epekto ng pagkahuli sa oras ng klase sa kanilang gawaing pang-

akademiko. Ang mananaliksik ay makikipagpanayam sa mga respondente at magbibigay ng

sarbey upang makakalap ng mga kinakailangang datos at impormasyon.

8
KABANATA IV

RESULTA, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

4.1 Resulta, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito, ang mananaliksik ay naglalayong ipakita ang interpretasyon at

pagtatasa ng mga datos na kaniyang nakalap. Ang pag-aaral na ito ay may layong alamin ang

mga dahilan ng pagkahuli sa oras ng klase ng mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-

akademiko ng STEM 11-A ng CTSHS-SA at ang mga negatibong epekto nito sa kanilang

gawaing pang-akademiko.

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Inalam ng mananaliksik ang distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang

kasarian. Tatlo sa kanila ay mga babae na ang katumbas ay limampungpursyento (50%),

gayundin sa mga lalaki.

Katanungan 1

Ano-ano ang mga dahilan ng iyong pagkahuli sa klase?

Ayon sa nakalap na datos ng mananaliksik, ay mas maraming sumagot na hindi

wastong pamamahala ng oras ang dahilan kung bakit sila nahuhuli sa oras ng klase.

Katanungan 2

Paano ka nakakapunta sa paaralan?

Sa ikalawang tanong, napag-alaman ng mananaliksik na halos lahat ng respondente ay

nagcocommute lamang papuntang paaralan.

Katanungan 3

Kung ikaw ay nahuhuli sa pagpasok sa oras ng klase, ano ang mga negatibong epekto nito sa

iyong gawaing pang-akademiko?

9
Ayon naman sa ikatlong katanungan, karamihan ng respondente ay sumagot ng hindi

makasunod sa talakayan sa negatibong epekto ng pagkahuli sa oras ng klase.

Katanungan 4

Gaano ka kadalas mahuli sa klase?

Sa ikalimang tanong, napag-alaman ng mananaliksik na karamihan ng respondente ay

paminsan-minsan ang isinagot sa kung gaano ka kadalas mahuli sa klase.

Katanungan 5

Alin sa mga sumusunod ang sa palagay mo ay kapakipakinabang sa mga estudyante para

pumasok ng maaga?

Sa ikaanim na katanungan, karamihan ng respondente ay sumagot ng maging

responsableng mag-aaral ang kapaki-pakinabang upang sila ay pumasok ng maaga.

10
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

5.1 Lagom

Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay ang MGA DAHILAN NANG LABIS AT

MADALAS NA PAGKAHULI SA ORAS NG KLASE NG MGA MAG-AARAL NA

MAYROONG KARANGALANG PANG-AKADEMIKO NG STEM-11 ANG CENTRAL

TAYTAY SENIOR HIGHSCHOOL STAND-ALONE, AT ANG NEGATIBONG EPEKTO

NITO SA KANILANG GAWAING PANG-AKADEMIKO. Ang pag-aaral na ito ay

inisgawa upang malaman ang mga dahilan, ng labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase

ng mga mag-aaral ng STEM-11 A ng CTSHS-SA at ang mga negatibong epekto nito sa

kanilang gawaing pang-akademiko.

Una, malaman ang mga dahilan ng labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase ng

mga mag-aaral na mayroong karangalang pang-akaemiko ng STEM-11 A ng CTSHS-SA.

Panghuli, ang mga negatibong epekto ng labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase sa

kanilang gawaing pang-akademiko.

Ang mananaliksik ay gumamit ng sarbey, panayam, at obserbasyonal sa pangangalap

ng datos na siyang magbibigay kasagutan sa mga katanungan. Ang bilang ng mga

respondente sa pag-aaral na ito ay siyam (6) tatlong lalake at tatlong babae.

Sa pagsusuri sa mga nakalap na datos, pinili ng mananaliksik ang mga kasagutan na

mataas ang pursyento na isinagot ng mga respondente gamit ang talatanungan at ipinaliwanag

ang mga ito.

11
5.2 Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang sumusunod na konklusyon:

Ang dahilan ng labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase ng mga mag-aaral na

mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM-11 A ng CTSHS-SA ay hindi wastong

pamamahala ng oras. Batay din sa natuklasan, napag-alaman na hindi makasunod sa

talakayan ang negatibong epekto ng labis at madalas na pagkahuli sa oras ng klase ng mga

mag-aaral na mayroong karangalang pang-akademiko ng STEM-11 A ng CTSHS-SA.

5.3 Rekomendasyon

Batay sa mga naging resulta ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay inirekomenda

ang mga sumusunod:

1. Gamitin ng wasto ang oras, dahil nagiging sanhi ito ng pagkahuli sa oras ng klase kung

hindi gagamitin ng wasto.

2. Himukin ang mga mag-aaral na pumasok ng maaga upang maiwasan ang pagiging huli sa

oras ng klase.

3. Himukin ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang ginagawa sapagkat maari

nitong maapektohan ang kanilang gawaing pang-akademiko.

4. Magbigay ngwarning ang paaralan sa mga mag-aaral na labis at madalas na nahuhuli sa

oras ng klase at kung paulit-ulit paring ginagawa ay marapat na ipaalamsa magulang o

prinsipal upang masolusyonan.

12

You might also like