You are on page 1of 7

Ang mga Dahilan ng Pagkahuli ng mga Mag-aaral sa Glan School of Arts

and Trades at ang mga epekto nito sa kanilang Academic Performances

I. Introduksiyon
A. Paunang kaalaman

Ayon kay Irish Sagomez Zaldua, et al, Nobyembre 2011, ang pagiging huli ng

mga estudyante ay nagiging Gawain na sa panahon ngayon at nagiging isa ito

sa problema sa lipunan ngayon. Ito ay maaaring maging sanhi sa mas malaking

problema halilmbawa maaaring hindi makasali sa mga Gawain tulad ng

pagsusulit at aktibidades sa loob ng silid aralan. Bagaman ito ay isang malaking

problemang hinaharap ng halos lahat. Ang dahilan sa pagiging huli ng mga

estydante ay hindi pa tiyak na nalalaman.

B. Layunin

 Matutukoy ang mga dahilan kung bakit sila nahuhuli

 Malaman ang magiging epekto nito sa kanilang academic performances.

C. Pagpapahayag ng tesis

Sa patuloy na pgkahuli sa klase ng mga estydante magiging kasanayan na nila

ito at hindi na nabibigyang importansya ang mga epekto nito sa kanilang

academic performance kung kaya`t kinakailangang matukoy ang rason sa likod

nito.

D. Mga tanong na nais sagutin papel

1. Ano ang dahilan ng pagiging huli sa klase ng mga mag-aaral.

2. Ano-ano ang mga posibleng epekto ng pagiging huli sa klase ng mga

mag-aaral sa kanilang academic performance.


3. Ano ang dapat gawin ng mga mag-aaral para maiwasan ang pagiging huli

sa klase?

E. Kahalagahan ng papel

Ang pagkahuli sa klase ay isang problema na kinakailangang bigyang pansin at

importansya sa mga paaralan ng Pilipinas upang mabatid ng mga mag-aaral ang

masamang epekto nito sa kanilang academic performance kung sila ay palaging

nahuhuli sa klase at upang maipabatid din kung gaano ka importante ang pag-

pasok ng maaga sa klase.

Lawak at Delimitasyon ng Papel

Ang pag-aaral na ito ay nagtatalakay tungkol sa mga dahilan at epekto ng

pagiging huli ng mga mag-aaral sa klase sa paaralan ng Glan Shool of Arts and

Trades. Mababatid dito ang mga magiging reaksyon, opinyon, batayan at

kasagutan sa aming nakalap na mga impormasyon patungkol sa pagiging huli ng

mga estudyante sa ating paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante

mula sa lahat ng mga mag-aaral sa baitang pito hanggang sa baitang labing-isa

na binubuo ng tatlong pangkat kada baitang, upang makuha ang mga kasagutan

ukol sa paksang napili.


II. Mga kaugnay na Literatura

A. Depinisyon ng Pagkahuli sa Klase

Ayon sa artikulong “The Filipino Time Syndrome” ni Remor Remodo 2012

Karaniwan sa atin ang isang palatuntunan ay hindi nasisimulan sa takdang oras

dahil sa wala pa rin ang mga tauhang dapat dumalo o kung hindi naman kaya`y

wala parin ang madlang siyang sumasaksi sa palatuntunan kung kaya`t

naaantala tulo`y ang lahat. Isang pabalik balik na issue sa mga estudyante ang

pagkahuli nila sa klase lalong lalo na sa unang asignatura sa umaga at hapon.

Ang pagkakahuli ay ipinapaliwanag nilang hindi pagpasok, pagpunta. Pagsipot

sa takdang oras na hinihingi ng isang institusyon.

B. Maikling Kasaysayan ng Pagkahuli sa Klase

Ayon kay Kim L. Nationalist et al, Marso 2010 sa panahon ngayon isa sa

pino-problema ng mga mag-aaral ay ang pagiging huli sa klase na nagdududulot

ng hindi magandang epekto gaya ng pagbaba ng grado, at mas malala maaari

silang ma dropout. Ayon kay Marian k. Morales et al, Marso 2010 hindi lang sa

ganyang sitwasyon nakaka apekto ang pagiging huli sa anumang dapat gawin

maging sa paaralan napakalaking ginagampanan ang pagkakahuli. Lalo na sa

aspetong tinatawag nating pagkahuli sa klase.

C. Mga format

Ayon kay Louis Cassandra Roa et al, Abril 2011 isa sa bawat mag-aaral ay

may kanya kanyang dahilan kung bakit sila nahuhuli sa klase: dahilan na rito ang
pagpupuyat, mabagal na transportasyon lalong lao na sa mga mag-aarl na

malalayo ang bahay at walang masyadong sasakyan at ang pagiging mabagal

kumilos dahil mas inuuna pa ang paggamit ng gadyet kaysa maghanda at

magluto ng agahan.

D. Pagkukumpara ng pagkahuli sa klase sa mga lumiliban sa klase

Ang pagliban sa klase ay isang masamang kaugalian na nagdadala ng

negatibong epekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito ay nagiging resulta sa

pagkakaroon ng mababang grado at kakulangan sa kaalaman (Philip H. Chua

M.D 2007). Ang pagkahuli sa klase ay nakabase sa kagustuhan ng mag-aaral

subalit ang pagiging huli ay posibleng hindi rin magiging dahilan sa pagkabagsak

sa kahit anumang asignaturang pang akademiko (Shweta 2009). Ayon sa

Emerza education 2018, ang pagkahuli sa klase ay isa ring masamang kaugalian

na maaaring magdulot ng negatibong impresyon sa sinumang mahuhuli. Habang

ang pagliban ay ang hindi pagpasok sa klase ng buong araw. Ayon naman kay

Diovanni B. Alvade ang pagliban sa klase ay isang kamalian ng bawat

estudyante dahil sa panahon ngayon marami na ang binabaliwa nalang ang

pagpasok sa klase. Habang ang pagkakahuli ay minsan sinasadya ng mga-aaral

o di kaya ay may dahilan sila kung bakit sila nahuhuli at mas malala ay nagiging

habit na nila ito. Kung ikukumpara ang pagliban at pag kahuli sa klase ay mas

malaki ang epekto ang pagliban dahil maaari pang makahabol sa anumang

aktibidad ang pagiging huli.


E. Mga Naunang Pag-aaral sa Pagkahuli sa Klase

Ang mga halimbawa ng naunang pag-aaral sa pagkahuli sa klase. Ayon

sa pananaliksik ng mga estudyante na mula sa lungsod ng kidapawan na

pinamagatang “Isang pag-aaral sa mga Dahilan at Epekto ng Pagiging huli ng

mga Estudyante sa mataas na Paaralan ng Lumgsod ng Kidapawan” nakasaad

ditto ang resulta ng kanilang pananaliksik na karamihan sa mga respodante ay

may malaking problema ukol sa pagiging huli sa klase. Ang kanilang nahinuha

na datos patungkol sa mga dahilan ng pagiging huli ay kanilang ugaling matagal

gumising at ang pumapangalawa naman ay ang walang katuturang ginagawa

gaya ng pagbababad sa gadyet. Ayon naman sa pananaliksik nina Jade

Gatchalian et.al na pinamagatang “Isang Pag- aaral sa mga Asignaturang

Apektado ang Akademikong pagganap batay sa kadalasang pagkahuli sa klase

ng mga piling mag-aaral na nasa ika- labing isang baitang ng Senior High School

sa F.E.U.”. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman at maunawaan ang ibat-

ibang particular na bahagi ng akademikong pagganap sa bawat asignaturang

apektado batay sa madalas na pagkahuli sa klase. Sa pag-aaral na ito na hinuha

na hindi maganda sa isang estudyante na mahuli sa klase dahil malaking salik ito

sa kanilang pag-aaral katulad na lamang sa pagbaba ng marka. Ayon sa pag-

aaral nila Cuaba Annie A. et.al noog 2010 isa sa pinakapangit na kaugalian ng

mga estudyante ang pagiging huli sa anumang aktibidad o ang hindi pagsunod

sa takdang oras.
III. Metodolohiya

A. Sarbey

Mga Tanong Oo Hindi Positibo Negatibo


1. madalas
kabang
nahuhuli sa 41 6 N/A N/A
klase?

2. Aminado
kabang
nakaka apekto 41 6 N/A N/A
ito sa iyong
oag-aaral?

3. Paano ito
nakaka apekto
sa iyong pag- N/A N/A 17 30
aaral.

4. Nais mo
bang baguhin
ang 45 4 N/A N/A
kaugaliang ito?

5. Binibigyang
ba ng
atensyon o 44 3 N/A N/A
pansin ng mga
guro ang iyong
pagka huli sa
klase?
B. Dokumentasyon

You might also like