You are on page 1of 25

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Tinalakay sa kabanatang ito ang paksa ng pananaliksik. Napapaloob dito ang

introduksyon tungkol sa pangunahing paksa, layunin, kahalagahan, saklaw at delimitasyon

ng pag-aaral. Inaasahan na sa kabanatang ito, malalaman ang mga suliranin at katanungan

sa pangunahing paksa na nais mabigyan ng kasagutan.

Introduksyon

Ang K-12 ay isang programang ipinatupad ng pamahalaan at kagawaran ng

edukasyon na pinirmahan noong 2013 ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Layunin

nitong ihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo at ito’y nagbibigay ng tiyak na trabaho

sa mga estudyanteng ninanais na magkaroon ng trabaho. Ayon sa Republic Act 10533,

kung saan mayroong isang taon sa kindergarten, anim na taon sa primary school, apat na

taon sa Junior High School at dalawang taon para sa Senior High School.

Sa Senior High School, isang mahalagang desisyon ang dapat isaalang-alang sa

pagpili ng strand sapagkat nakasalalay dito ang kanilang buhay sa hinaharap. Kailangang

maglaan ng sapat na oras ang mga estudyante sa pag-iisip ng gagawing desisyon bago

mamili.

May apat na track sa senior high school ito ay ang Academic Track, Technical

Vocation-Livelihood, Arts and Design at Sports Track. Sa ilalim ng Academic Track ay

mayroong apat na strand: Accountancy, Business, and Management (ABM), Humanities

and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering, and Mathematics

(STEM), at General Academic Strand (GAS).

1
Maraming salik ang nakakaapekto sa mga estudyante sa pagpili ng Track na

kukunin. Kabilang na dito ang katayuang pinansyal, talento ng estudyante, kasanayan

(skills), mga hilig o hobbies, hikayat ng media, kagustuhan ng mga magulang o pamilya,

resulta ng National Career Assessment Examination (NCAE), hikayat ng mga guro, mga

asignaturang pag-aaralan, at sariling kagustuhan. Ito ang mga naging daan ng mga mag-

aaral sa pagpili ng track na kukunin sa Senior High School.

Layunin sa Pag-aral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang lubusang maunawaan kung

ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng mga strand ng mga ika-10

baitang na mag-aaral ng Ilocos Norte National High School.

Sinisikap nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Nakadesisyon na ba ang mga ika-10 baitang na esudyante ng Ilocos Norte

National High School sa kung anong strand ang kanilang pipiliin sa Senior

High School?

b. Ano ang pinakamabisang kadahilanan na nakakaapekto sa pagpili ng mga

strand ng mga ika-10 baitang na estudyante ng Ilocos Norte National High

School?

c. Ano ang mga dahilan kung bakit hindi pa makapili ng strand ang mga

estudyante?

d. Ano ang strand posibleng magkakaroon ng pinakamaraming estudyante sa

susunod na pasukan?

2
e. Ano ang pinakagusto na strand ng mga ika-10 baitang na estudyante ng Ilocos

Norte National High School?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagpili ng strand ay isa sa mga krusyal na desisyon na magagawa ng

estudyante ngayong naipatupad ang K-12. Ang papel na ito ay naglalayong malaman kung

ano ba talaga ang lubusang nakakaimpluwensiya sa hatol ng mag-aaral at upang

madagdagan ang kaalaman ng mambabasa at mananaliksik tungkol sa nasabing paksa.

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa pagpili

ng strand na kanilang kukunin sa Senior High School.

Mga Magulang. Marapat lamang na malaman ng mga magulang na kailangan

nilang suportahan ang kanilang mga anak sa kung anong strand ang mapapagdesisyunan

nilang kunin.

Mga Guro. Makakatulong ang pag-aaral na ito para magkaroon ng sapat na

kaalaman at matibay na pundasyon sa pagtuturo ang mga guro.

Mga Mananaliksik. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging patnubay,

gabay, at sanggunian tungo sa hinaharap ng mananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang isinagawang pag-aaral ay tumatalakay sa mga salik na nakakaimpluwensiya

sa pagpili ng mga strand ng mga ika-10 baitang na mag-aaral ng Ilocos Norte National

High School. Tinatalakay din dito kung anong strand ang pinakagusto ng mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral sa Ilocos Norte National High School, partikular na sa mga mag-aaral

3
na nasa ika-10 baitang, ang mga nagsisilbing respondente ng pag-aaral na ito. Binigyan sila

ng mga talatanungan na kanilang sinagutan. Tanging mga tanong lamang na kinakailangan

upang mabuo ang pag-aaral na ito ang binigay sa mga respondent.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na mga terminolohiya ay binigyang kahulugan upang mas

mabigyang linaw at maunawaan ng mga mambabasa:

K-12. Isang katawagan para sa kabuuang edukasyong elementarya at mataas na

paaralan. Pagpapaikli ng Kindergarten (K) hanggang ikalabindalawang baitang.

Accountancy, Business, and Management (ABM). Isa sa mga strand na inaalok

sa Academic Track ng Senior High School na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman

ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management at iba pang business-related

na mga kurso sa kolehiya.

Humanities and Social Sciences (HUMSS). Isa sa mga strand na parte ng

Academic Track ng Senior High School na inihahanda ang mga mag-aaral na nais maging

abogado, pulis, manunulat, at iba pa.

Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Isang strand na

nakapaloob sa Academic Track ng bagong kurikulum pang-edukasyon na inihahanda ang

mga mag-aaral na nais kumuha ng kurso sa kolehiya na naglalayong magkamit ng antas ng

Batsilyer sa Agham.

General Academic Strand (GAS). Isang kurso sa Senior High School na

kinabibilangan ng mga mag-aaral na hindi pa sigurado sa kursong kukunin nila sa kolehiyo.

4
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa layunin ng kalinawan at pag-unawa, ang kabanata na ito ay natataglay ng

literatura at pag-aaral na may kaugnayan at koneksiyon sa kasalukuyang pag-aaral. Dito

mas mauunawaan ang gustong ipabatid ng mga mananaliksik sa mga mambabasa ng papel

na ito.

Kaugnay na Basehang Legal

Ayon sa Batas Republika Blg. 10533, ang Estado ay magtatatag, magpapanatili, at

magtataguyod ng isang ganap, sapat, at nakapaloob na sistema ng edukasyong tumutugon

sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, ng bansa, at ng malawakang lipunan.

Nakapaloob sa batas na ito ang pinabuting programa ng batayang edukasyon ng isa

(1) man lamang taon sa edukasyong kindergarten, anim (6) na taon sa edukasyong

elementarya, at anim (6) na taon sa edukasyong sekondarya, sa ganoong pagkakasunod-

sunod. Kasama sa edukasyong sekondarya ang edukasyon na apat (4) na taon ng junior

high school at dalawang (2) taon ng senior high school. Mahalaga ito sa pag-aaral na ito

dahil dito nakasaad ang implementasyon ng K-12.

Ayon sa Batas Republika Blg. 8545, isang batas na nagkakaloob ng tulong ng

pamahalaan sa mga mag-aaral at guro sa pribadong edukasyon, at paglalaan ng mga pondo

para dito, nagtatatag ng isang pondo para sa layunin ng pagsagot sa suweldo ng mga guro

sa pribadong paaralan, at paglalaan ng mga pondo para dito. Mahalaga ang batas na ito

dahil pinapangahalagahan nito ang kabutihan ng mga mag-aaral at ng mga guro sa

kasalukuyang panahon.

5
Makikita sa Batas Republika Blg. 9258, na kilala rin bilang “Batas sa Paggabay at

Pagpapayo ng 2004,” ang mga tagapagsulong ng karera ay pahihintulutang magsagawa ng

mga gawain sa adbokasiyang pangkarera para sa mga estudyante ng antas sekondarya ng

mga paaralang kanilang pinagtatrabahuhan; basta nasasailalim sila sa mga angkop na

programa sa pagbubuo ng kapasidad na binuo at ipinapatupad ng DepEd, sa

pakikipagtulungan ng DOLE, TESDA, CHED, PRC, NYC, mga organisasyong pang-

estudyante, mga samahang pang-industriya, mga samahan sa paggabay at pagpapayo, mga

samahang propesyonal, at iba pang may-kaugnayang stakeholder.

Maaaring isagawa ang adbokasiyang pangkarera ng mga tagapagsulong ng karera

at mga kasamang tagapagpadaloy. Sang-ayon sa Seksiyon 9 ng Batas, tumutukoy ang mga

tagapagsulong ng karera sa mga tagapayong gabay sa karera at empleo na hindi

nakarehistro at lisensiyadong tagapayong gabay. Kasama sa mga tagapagsulong ng karera

ng mga tagapayo sa homeroom at mga guro ng lahat ng mga paksa sa pagkatuto na

magpapatupad ng mga gawain sa adbokasiyang pangkarera. Ang mga kasamang

tagapagpadaloy ay ang mga estudyante sa antas sekondarya na sinanay upang tumulong sa

mga tagapagsulong ng karera sa pagpapatupad ng mga gawain sa adbokasiyang

pangkarera.

Ano ang K-12?

Ayon sa Ako ay Pilipino website, ang K-12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay

tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon

sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa

elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang

makapagkolehiyo ang mga estudyante.

6
Sa ilalim ng K-12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa

karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na

senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul

sa lumang sistema ay tinatawag naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang

opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng K-12.

Ano-ano ang mga tracks at strand na makikita sa K-12?

May apat na track sa senior high school ito ay ang Academic Track, Technical

Vocation-Livelihood, Arts and Design at Sports Track.

Ang Academic Track ay para sa mga taong mayroon na at tiyak na magpatuloy sa

isang pag-aaral sa kolehiyo pagkatapos ng Senior High School. Sa ilalim ng track na ito ay

may apat na strand na pagpipilian, una ay ang Humanities and Social Science o HUMSS.

Ang HUMSS ay ang strand para sa mag-aaral na gustong pumasok sa kolehiyo na

may mga kursong Political Science o International Studies, English o Filipino Literature,

Mass Communication, Education, Performing Arts at iba pang kaugnay na kurso.

Ang ikalawa ay Science, Technology, Engineering and Mathematics Track o

STEM. Ang STEM ay ang stand para sa mga mag-aaral na gustong pumasok sa kolehiyo

na may mga kursong Biology, Physics, Mathematics, Engineering, Computer Studies,

Information Technology at iba pa sa mga kaugnay na kurso. Ang strand na ito ay isang

napaka-hands-on na uri ng karansan na magiging mabuti para sa mga mag-aaral na matatag

na nagpasiya sa kanilang kurso sa kolehiyo at propesyon sa hinaharap.

Ang ikatlo ay ang Accounting Business and Managemnet o ABM. Ang ABM ay

ang strand para sa mga mag-aaral na gustong pumasok sa kolehiyo na may mga kursong

7
Human Resource, Tourism, Hotel and Management of Restaurant, Accounting, Marketing,

Real Estate, Entrepreneurship at iba pang kaugnay na mga kuro sa langdas na ito. Ito ay

tiyak na isang iminungkahing imbensyon para sa mga may nakikitang mga mata sa

paglikha ng isang negosyo sa hinaharap o nagtratrabaho sa sector ng negosyo.

At ang huling Academic Track ay ang General Academic Strand o GAS. Ngayon,

kung mayroong estudyante na ilan na kawala ng katiyakan o pagkalito s kanilang isipan sa

kung anong tukoy na landas ang nais niyang kunin pagkatapos, ang GAS ang strand na

inaalok sa track na ito. ang mga bagay na matutuhan ng isa sa mga ito ay makatutulong sa

mga di-tiyak na pag-iisip na tuklasin ang kanilang posibleng mga opsyon sa kolehiyo.

Ang susunod na track ay ang Technical-Vocational-Livelihood Track. Ang mga

paksa sa track na ito ay nakatuon sa praktikal na kaalaman at pagsasanay na handa sa

trabaho. Sa sandaling makukuha ng isang mag-aaral at tapusin ang isang strand sa track na

ito, binibigyan siya ng TESDA National Certificate. Kung ang layunin ng isang mag-aaral

ay gumana kaagad o maging karapat-dapat para sa mga sertipikadong trabaho pagkatapos

ng mataas na paaralan, ang track na ito ay perpekto. Ang pagtatapos ng anumang talim

mula sa track na ito ay nagbibigay sa mag-aaral ng mga kasanayan na isinaalang-alang at

tinanggap upang maging kuwalipikado para sa trabaho.

Mayroon ding apat na mga strand sa ganito, ang unang Strand sa ilalim ng TVL

Track ay ang Agri-Fishery Arts Strand. Ang mga kasanayan na itinuro dito ay ang mga

maaaring magamit sa larangan ng agrikultura at aquaculture.

Ang ikalawang strand ay ang Home Economics Strand, ito ay nakatuon sa pagtuturo

ng mga kasanayan na maaring maging kapaki-pakinabang sa ma proyekto ng kabuhayan.

8
Ang mga propesyon na maaaring isaalang-alang pagkatapos na kunin na ito ay stylists,

makeup artist, barista, panadero at iba pa.

Ang ikatlong strand ay ang Industrial Arts Strand. Kapag nais ng isang mag-aaral

na malaman tungkol sa pag-aanluwagi, mag-ayos ng elektrikal, pagmamaneho at hinang,

ang Industrial Arts Strand ay nag-aalok ng isang mahusay na kurikulum.

At ang huling strand ay ICT Strand, ang Information at Communication

Technology Strand, kung ang isang mag-aaral ay gusto ang Tech and Computer Savvy

siguradong magugustuhan niya ang strand na ito. Ang mga propesyon na maaring isaalang-

alang pagkatapos ng strand na ito ay bilang isang Graphic, Designer, Encoder, Web

Developer at Designer, Call, Center Agent, Sales Agent.

Ang susunod na Track ay ang Arts and Designs Track. Nagbibigay ito sa mga mag-

aaral ng kaalaman sa iba’t ibang mga anyo ng materials, media, and production in the

creative industries. Ito ay mahusay na platform upang ipahayag ang sarili. Ang konsepto

sa buong mundo ay itinuturo sa mga mag-aaral upang gawin mas malubha at

mapagkumpetensya sa larangang ito kung ang interes ay mga music, theatres arts,

photography, fashion design at iba pa, ito ang track na maipapayong track para sa mga

mag-aaral.

Ang huling track ay ang Sports Track, Kung ang isang mag-aaral ay mahilig o

magaling sa sports. Matututuhan nito ang mga konsepto sa positibong saloobin,

pagtutulungan ng magkakasama at kumpetisyon dahil tinuturo nito ang tungkol sa kung

paano ang pamamahala sa pangangasiwa at pamumuno. Magkakaroon ng mga paksa sa

anatomiya ng tao at pisyolohiya, kasama na ding natutuan ang pangunang lunas. Kung ang

9
layunin ng mag-aaral sa pagtatapos ay maging isang atleta, tagapagsanay, P.E. teacher,

istruktor, opisyal ng laro o anumng bagay sa ilalim ng larangan ng sports. Ang track ng

sports ay may isang kurikulum na nagbibigay sa isang estudyante ng kaalaman na

kakailanganin niyang ihanada para sa hinaharap.

Ano ang layunin ng K-12 sa ating bansa?

Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito

sa programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay

ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang

larangan ng espesiyalisasyon.

Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay

ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga

konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad,

pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa

ng 10-taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba

ng panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang

programa sa mga bansang maunlad sa buong mundo.

Ano ang epekto ng K-12 sa ating bansa?

Naipasatupad ang K-12 program noong 2012 at isinabatas ng ating dating

Pangulong Aquino. Ang kayang nais ay ang maayos na pagpapatakbo sa larangan ng

sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong

10
sa mga kabataan. Ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito ay una ang pinapatibay at

pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten.

Ang unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain

development. Isa rin dito ang pagdagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons

tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Education, Climate

Change Adaption, at Information & Communication Technology (ICT), na sadyang

mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. Ang pagkakaroon ng integrasyon at Seamless

Learning o Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga konsepto at aralin mula

pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang.

Inaayo ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya't higit na naiintindihan at naaalala ang

bawat aralin at itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika o tinatawag na Mother

Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika

tulad ng English ay ang mga mabuting ring dulot ng bagong sistema. At ang pagkakaroon

ng pitong learning areas at tatlong specialization na maaaring pagpilian ang mga taon ng

specialized upper secondary education. Ang Core curriculum learning areas ay languages,

literature, communication, mathematics, philosophy, natural sciences at social sciences.

Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng strand na kinokonsidera ng

mga estudyante sa kasalukuyang panahon?

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko ay ayon sa

iyong talento, kasanayan (skills), hilig, katayuang pinansiyal at mithiin.

Ang Talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang

tuklasin dahil ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o

11
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay pagtatapos ng Junior High School (Baitang

10).

Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan ang isang tao

ay mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan

(competency) o kahusayan (proficiency).

Ang hilig o hobbies ay ang mga paboritong gawain na nagpapasaya sa isang tao

dahil gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam

ng pagod o pagkabagot.

Dapat sukatin ang sarili pagdating sa kasalukuyang katayuang pinansyal na

kakayahan ng magulang sa pagpapaaral. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang

pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.

Isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa desisyon ng mag-aaral ay ang desisyon ng

magulang. Dahil sa malaking ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak,

napipilitan ang anak na sundan ang kanilang ninanais, binabalewala ang angking talento

dahil dito. Sila rin ang nagpapaaral at magpapaaral sa kanilang mga anak, kung kaya ang

mga gusto ng magulang ang sinusandan.

Peer pressure rin ang isa sa mga salik sapagkat halos lahat ng kabataan ngayon ay

nakikisabay na lamang sa kung ano ang uso. Dahil sa’t ang isang strand ay lubusang

tinatangkilik ng iba o gusto ng kanilang mga kaibigan, napipilitan ang mag-aaral na piliin

ang strand na ito kesa sa kung ano talaga ang kanyang gusto.

12
Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa thesis ni Valenzuela (2018) na may titulong “Should I Stay or Should I

Go?” at naglalayong malaman ang perspektibo ng mga estudyanteng nasa ika-12 na baitang

na nanggagaling sa iba’t ibang eskuwelahan sa Cubao, Quezon City tungkol sa K-12. Batay

sa mga kasagutan ng mga respondente, kahit na ito ay hindi lubusang ninais ng taong

bayan, naniniwala ang mga estudyanteng napagtanungan na ang K-12 ay isang magandang

programa sa kabila ng kakulangan ng paghahanda.

Ayon sa thesis ni Rogayan at Villanueva (2015) na may titulong “Status of the on-

going implementation of K12 Social Studies program in Zambales, Philippines: “Basis for

program improvement” na naglalayong malaman ang kalagayan ng K-12 curriculum sa

unang tatlong taon nito batay sa mga obserbasyon ng mga guro ng Social Studies at mga

administrators ng mga sekundaryong paaralan sa Dibisyon ng Zambales. Batay sa mga

kasagutan nila mula sa questionnaires, lubusan nilang rinerekomenda ang pagtatag sa K-

12 curriculum.

Ayon sa thesis ni Sarmiento at Orale (2016) na may titulong “Senior High School

Curriculum in the Philippines, USA, and Japan, ang kakulangan sa mga guro ay isa sa mga

problemang kasalukuyang hinaharap ng tatlong bansa. Ang Pilipinas rin ay may

kakulangan sa klasrum at iba’t ibang pasilidad na kinakailangan ng mga estudyante. Mas

malinaw ang curriculum ng Pilipinas sapagkat ito ay may 4 na tracks, samatalang ang Japan

ay may dalawa lamang, at ang K-12 sa USA ay nakadepende sa kung saan ka nakatira.

13
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito mailalahad ang kapamaraan ginamit at naisagawa sa pananaliksik

katulad ng disenyo ng pananaliksik, mga respondente, instrumento ng pananaliksik,

pagtrato sa mga datos at mga ginagamit sa mga pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay isang dekriptibong-analitikong disenyo na

nangangalap ng mga datos at impormasyon tungkol sa mga salik na nakakaimpluwensiya

sa pagpili ng strand ng mga ika-10 baitang na mag-aaral ng Ilocos Norte National High

School. Gumamit ito ng talatanungan para makalikom ng datos. Ito ang pinkaangkop na

disenyo dahil mas madali ang pagkuha ng mga impormasyon o datos mula sa mga

respondente.

Mga Respondente

Ang mga respondente ng sarbey na ito ay pawang mga ika-10 baitang na mag-aaral

ng Ilocos Norte National High School. Ang mga respondenteng ito ay makakatulong na

makapagbigay ng sapat na impormasyon at datos hinggil sa pag-aaral na ito. Pumili kami

ng tigdadalawang estudyante sa iba’t ibang seksyon ng ika-10 baitang na mag-aaral ng

Ilocos Norte National High School.

Instrumento ng Pananaliksik

Gumawa ng mga kwestoneyr ang mananaliksik para sa sarbey upang mag-silbing

sagutan ng mga respondente. Sa araw ng sarbey, pinili ng mananaliksik ang bakanteng oras

14
ng mga mag-aaral upang hindi ito makaabala sa kanilang klase. Binigyang pansin naman

ng mananaliksik ang mga respondente sa paglilinaw ng mga tanong sa kwestyoneyr upang

labis itong maunawaan. Kinopya naman ng mananaliksik ang mga impormasyong nakalap

upang gamitin ito sa pagdadatos.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isang pag-aaral na deskriptib at ang resulta nito

ay nakabase lamang sa naging tugon ng mga respondente. Walang ginawang pagtatangka

upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Sa

pamamagitan ng kwestyoneyr, nakapagtala ng sapat na datos ang mga mananaliksik.

Tanging pag-tally at pagkuha ng bahagdan o porsyento lamang ang kinailangang gawin ng

mga mananaliksik upang makuha ang mga datos at ipresenta ang mga nakuhang resulta na

magiging batayan sa pagbuo ng kanilang konklusyon.

Estadistikong Pagtrato sa Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage technique o porsyentong

𝐵𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑔𝑜𝑛
pamamaraan na kung saan ang pormula ay 𝑁 = 𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑔𝑜𝑛 × 100.

Ang pormulang ginamit ay makakatulong upang malaman kung gaano karaming

ika-10 baitang na mag-aaral ng Ilocos Norte National High School ang kinakailangan

upang masagot ang mga nagawang kwestyoneyr. Ito ay nakatulong upang maisiwalat nang

mabuti ang resulta at sa pagbuo ng konkulsyon sa pag-aaral na ito.

15
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na

tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Sa

bahanging ito nakapaloob ang masusing pagdalumat o interpretasyon sa mga datos na

nakalap.

Grap 1. Mga estudyanteng nakapili na ng strand.

12.50%

Oo
Hindi

87.50%

Sa unang grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang mga

sagot sa katanungang “Nakapili ka na ba kung anong strand ang iyong kukunin sa Senior

High School?” Sa tatlumpu’t dalawang (32) respondent, dalawampu’t walo (28) na

kumakatawan sa 87.50% ng mga respondente ay sumagot ng “Oo,” habang apat (4) na

kumakatawan sa 12.50% ng mga respondente ang sumagot ng “Hindi.”

Ito’y nangangahulugang karamihan sa mga respondente ay nakapili na kung anong

strand ang kanilang kukunin sa Senior High School.

16
Grap 2. Mga strand na napagdesisyunan ng mga nakapili na ng
strand.

10.72% STEM
HUMSS
21.43% 35.71% ABM
TVL
GAS
Sports Track
32.14%
Arts and Design

Sa ikalawang grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente na nagsagot ng

oo sa unang katanungan ayon sa kanilang mga sagot sa katanungang “Kung oo, ano ang

strand na ang iyong napili?” Sa dalawampu’t walong (28) respondente, sampu (10) na

kumakatawan sa 35.71% ng mga respondente ay pinili ang strand na STEM, habang siyam

(9) na kumakatawan sa 32.14% ng mga respondente ay pinili ang strand na HUMSS. Anim

(6) na kumakatawan sa 21.43% ng mga repondente ay pinili ang strand na ABM, habang

tatlo (3) na kumakatawan sa 10.72% ng mga respondent ay pinili ang strand na TVL.

Ito’y nangangahulugang karamihan sa mga respondente na nakapili na kung anong

strand ang kanilang kukunin sa Senior High School ay STEM ang napiling strand.

17
Grap 3. Mga strand na ninanais ng hindi pa nakapili ng strand.

STEM
25% 25%
HUMSS
ABM
TVL
GAS
25% 25% Sports Track
Arts and Design

Sa ikatlong grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente na nagsagot ng

hindi sa unang katanungan ayon sa kanilang mga sagot sa katanungang “Kung hindi, ano

ang strand na iyong ninanais?” Sa apat (4) na respondente, isa (1) na kumakatawan sa 25%

ng mga respondente ang pumili ng STEM, habang isa (1) na kumakatawan sa 25% ng mga

respondente ang pumili ng HUMSS. Isa (1) na kumakatawan sa 25% ng mga respondente

ang pumili ng Sports Track, habang isa (1) na kumakatawan sa 25% ng mga respondente

ang pumili ng Arts and Design.

Ito’y nangangahulugang ang apat na respondente na nagsagot ng hindi sa unang

katanungan ay STEM, HUMSS, Sports Track, at Arts and Design ang ninanais.

18
Grap 4. Mga mag-aaral na sariling kagustuhan ang napiling
strand.

6.25%

Oo
Hindi
93.75%

Sa ika-apat na grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

mga sagot sa katanungang “Ang strand ba na iyong pinili ay sariling kagustuhan?” Sa

tatlumpu’t dalawang (32) respondent, tatlumpu (30) na kumakatawan sa 93.75% ng mga

respondente ay sumagot ng “Oo,” habang dalawa (2) na kumakatawan sa 6.25% ng mga

respondente ang sumagot ng “Hindi.”

Ito’y nangangahulugang karamihan sa mga respondente ay nakapili ng strand ayon

sa kanilang sariling kagustuhan.

19
Grap 5. Mga kadahilanan kung bakit hindi sariling kagustuhan ang
napiling strand.

Maraming pinagpipilihan

Maraming gustong gawin sa


25% 25% buhay
Hindi sang-ayon ang mga
magulang sa pipiliin
Iba ang strand ng mga
kaibigan
Naprepressure
25% 25%
Padalus-dalos ang paglalahat
sa mga strand
Di alam kung ano ang
kursong kukunin sa kolehiyo

Sa ika-limang grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

mga sagot sa katanungang “Kung hindi ang sagot sa bilang 4, ano ang dahilan kung bakit

hindi sariling kagustuhan ang napiling strand?” Sa apat (48) na kasagutan, isa (1) o 25%

ang Maraming pinagpipilihan, isa (1) o 25% ang Maraming gustong gawin sa buhay, isa

(1) o 25% ang Hindi sang-ayon ang mga magulang sa pipiliin, at isa (1) o 25% ang Iba ang

strang ng mga kaibigan.

Ang pangunahing rason ng mga ika-10 baitang na estudyante ng INNHS na hindi

kagustuhang strand ang napili ay dahil sa maraming pinagpipilihan, maraming gustong

gawin sa buhay, hindi sang-ayon ang mga magulang sa pipiliin, at di alam kung ano ang

kursong kukunin sa kolehiyo.

20
Grap 6. Mga salik na nakaapekto/nakaimpluwensiya sa iyong
pagpili ng strand.

6% Talento
15%
8%
Kasanayan
6%
Hilig
Katayuang Pinansiyal
21%
Mithiin
23%
Peer Pressure
Desisyon ng Magulang
19% Pasyon

2%

Sa ika-anim grap, nakikita ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

mga sagot sa katanungang “Kung oo ang sagot sa bilang 4, ano ang mga salik na

nakaapekto/nakaimpluwensiya sa iyong pagpili ng strand?” Sa apatnapu’t walong (48)

kasagutan, pito (7) o 14.58% ang Talento, sampu (10) o 20.83% ang Kasanayan, siyam (9)

o 18.75% ang Hilig, isa (1) o 2.08% ang Katayuang Pinansiyal, labing-isa (11) o 22.92%

ang Mithiin, tatlo (3) o 6.25% ang Peer Pressure, apat (4) o 8.33% ang Desisyon ng

Magulang at tatlo (3) o 6.25% ang Pasyon.

Ang pangunahing rason ng mga ika-10 baitang na estudyante ng INNHS na pinili

ang kagustuhang strand ay dahil sa kasanayan.

21
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naaglalaman ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon sa

pananaliksik.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na

nakaimpluwensiya sa pagpili ng mga strand ng mga ika-10 baitang na mag-aaral ng Ilocos

Norte National High School. Ang mga naging partikular na layunin ng pag-aaral na ito ay

kung nakadesisyon na ba ang mga ika-10 baitang na esudyante ng Ilocos Norte National

High School sa kung anong track ang kanilang pipiliin sa Senior High School, ano ang

pinakamabisang kadahilanan na nakakaapekto sa pagpili ng mga strand ng mga ika-10

baitang na estudyante ng Ilocos Norte National High School, ano ang mga dahilan kung

bakit hindi pa makapili ng strand ang mga estudyante, ano ang strand posibleng

magkakaroon ng pinakamaraming estudyante sa susunod na pasukan, at ano ang

pinakagusto na strand ng mga ika-10 baitang na estudyante ng Ilocos Norte National High

School.

Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptib-analitik. Kumuha ang mga mananaliksik

ng datos mula sa 32 respondente ng ika-10 baitang ng Ilocos Norte National High School

gamit ang talatanungan.

Batay sa nakalap na datos, dalawampu’t walo (28) na kumakatawan sa 87.50% ng

mag-aaral ay nakapili na kung ano ang strand ang kanilang pipiliin sa Senior High School,

habang apat (4) na kumakatawan sa 12.50% ng mga mag-aaral ang hindi pa nakapili.

22
Sa dalawamput (28) na mag-aaral na nagsagot ng “Oo” sa unang katanungan,

sampu (10) na kumakatawan sa 35.71% ng mga respondente ay pinili ang strand na STEM.

Sa apat (4) na mag-aaral na nagsagot ng “Hindi” sa unang katanungan, isa (1) na

kumakatawan sa 25% ng mga respondente ang pumili ng STEM, habang isa (1) na

kumakatawan sa 25% ng mga respondente ang pumili ng HUMSS. Isa (1) na kumakatawan

sa 25% ng mga respondente ang pumili ng Sports Track, habang isa (1) na kumakatawan

sa 25% ng mga respondente ang pumili ng Arts and Design. Habang ang nagsagot ng

“Hindi” sa unang katanungan ay isa o 25% ang pumili sa STEM, isa o 25% ang pumili sa

Arts and Deign, isa o 25% ang pumili sa HUMSS, at isa o 25% ang pumili sa Sports Track.

Sa tatlumpu’t dalawang (32) na mga mag-aaral, tatlumpu (30) na kumakatawan sa

93.75% ng mga respondente ay sumagot ng “Oo,” sa katanungang “Ang strand ban a iyong

pinili ay sariling kagustuhan?” habang dalawa (2) na kumakatawan sa 6.25% ng mga

respondente ang sumagot ng “Hindi.”

Ang pangunahing rason ng mga ika-10 baitang na estudyante ng INNHS na hindi

kagustuhang strand ang napili ay dahil sa maraming pinagpipilihan, maraming gustong

gawin sa buhay, hindi sang-ayon ang mga magulang sa pipiliin, at di alam kung ano ang

kursong kukunin sa kolehiyo.

Ang pangunahing rason ng mga ika-10 baitang na estudyante ng INNHS na pinili

ang kagustuhang strand ay dahil sa kasanayan.

23
Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay nagpasiya sa mga

sumusunod na konklusyon:

1. Halos lahat na ng mga ika-10 baitang na estudyante ng Ilocos Norte National

High School ay nakadesisyon na kung anong strand ang kanilang pipiliin sa Senior High

School batay sa sarbey.

2. Ang pinakamabisang kadahilanan na nakakaapekto sa pagpili ng mga strand ay

kasanayan.

3. Ang mga dahilan kung bakit hindi pa makapili ng strand ang mga estudyante ay

maraming pinagpipilihan, maraming gustong gawin sa buhay, hindi sang-ayon ang mga

magulang sa pipiliin, at di alam kung ano ang kursong kukunin sa kolehiyo.

4. Ang strand na posibleng magkaroon ng pinakamaraming estudyante sa susunod

na pasukan ay ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics.

5. Ang pinakagusto na strand ng mga ika-10 baitang na estudyante ng Ilocos Norte

National High School ay ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics.

Rekomendasyon

Kaugnay sa pag-aaral na naisagawa at sa mga resulta na nakalap, inirerekomenda

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Kinakailangang dapat isaasalang-alang ang kakayahan, abilidad, Career

Guidance, NCAE, pasyon, at sariling kagustuhan.

2. Dapat alamin ng mabuti ang mga iba’t-ibang strand bago pumili.

24
3. Alamin ng mabuti ang mga nakakaapekto o nakaimpluwensiya sa iyong pagpili

ng strand.

4. Sa mga nagnanais na lumikha ng kaugnayang pag-aaral, maaaring ipagpatuloy

at palawakin ang naabing pananalisik.

5. Ang numero ng mga respodente na kinakailangan ay dapat dagdagan upang

magkaroon ng mas tumpak at wastong resulta. Hinihinkayat dinn na gamitin ang Slovin’s

formula sa pagkuha kung ilan dapat ang respondente.

25

You might also like