You are on page 1of 17

KABANATA III

PAGSUSURI, PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na

nakuha sa isinagawang pag-aaral. Sa bahagi ng pag-aaral na ito ay ipinapakita ang pagtatalakay

patungkol sa masusing pagtatasa ng problema sa pananaliksik. Ang mga resulta ay nakabase

gamit ang datos na natipon mula sa transkripsyon ng mga isinagawa na pakikipag-panayam at

mga temang nabuo nang naka-ayon sa nakalahad na mga suliranin ng pananaliksik.

Resulta

1. Mga paglalarawan ng Henerasyon Z

1.1 Sa aspekto ng Pag-uugali sa Pag-aaral (Learning Behaviors)

Upang matuto nang epektibo ang mga estudyante, iba’t-ibang pag-uugali sa pagkatuto

ang kanilang ina-apply at isinasangalang-alang. Sinasabi na ang mga mag-aaral na kabilang sa

Gen Z ay may natatanging pag-uugali o pag-aasal sa pag-aaral kumpara sa mga nakaraang

henerasyon. Inilarawan ng mga nakapayam ang pangkat na ito bilang mga:

Crammers. Ang mga mag-aaral ng Henerasyon Z ay mas pinipiling mag-cramming sa mga

gawaing pang-paaralan. Madali silang nakapangangalap ng kanilang mga kailangang

impormasyon na siya ding nagpadali ng kanilang kakayahang matuto sa loob ng maikling

panahon. Sa kadahilanang ito, mas nais nila ang proseso ng pag-aaral gamit lamang ang

madalian o maikling panahon ,ito’y nai-a-apply sa mabilisang pag-aaral sa pagkakataong

kailangan lamang tulad ng mga panahon ng mga nalalapit na pagsusulit at malapit na pasahan ng
isang gawain. Ang nasabing pag-uugali ng mga mag-aaral ay may koneksyon sa patuloy na

pagdami ng mga accessible resources. Ang resultang ito’y sinusuportahan ng mga sumusunod:

"Bilang isang mag-aaral, marahil dahil sa paglaki ng teknolohiya, ang mga mag-aaral

sa kasalukuyan ay masyadong umaasa at umaasa sa mga teknolohiya dahil ito ay totoo na ito ay

mas madali, mas mabilis, at mas maginhawang para sa mga mag-aaral tulad ng sa akin."

Dumedepende sa teknolohiya. Sa makabagong araw na ito, ang teknolohiya ay isang

mahalagang kasangkapan para sa isang Gen Z’er. Ang grupong ito ng mga mag-aaral ay pinalaki

kasama ang teknolohiya sa palad ng kanilang mga kamay. Ang teknolohiya ay ginagamit ng mga

estudyante sa proseso ng kanilang pag-aaral. Natural lang makita ang isang modernong mag-

aaral ang umasta at maniwala na ang pag-gamit ng teknolohiya tulad ng Internet ay nararapat

lamang bilang isang kasangkapan sa pag-aaral. Narito ang ilang pahayag na sumusuporta sa mga

natuklasan:

“Sa pinapakita ng mga student, yung kanilang behavior sa pagamit ng gadget sa pang

araw-araw, sa mga bagay na hindi nila naintindihan, andiyan lang yung gadget, makukuha na

nila yung mga bagay na kailangan nila.”

“Kasi yung mga learners ngayon ay hindi na masyadong nasa-satisfy sa classroom

setting lang.”

Ayon sa ikalawang pahayag, ang mga estudyante ay hindi lamang nag-aaral sa loob ng

paaralan kung ‘di maaari ding matuto sa labas ng paaralan gamit ang teknolohiya. Gayunman,

ang masyadong pagdepende sa teknolohiya ay may negatibong epekto sa pagpapanatili ng

kaalaman sa isipan ng estudyante o tinanatawag ding “memory retention”, na naging dahilan ng

paglikha ng isang "Knowing than Learning" na pamamaraan sa edukasyon. Gayundin:


“Ngayon meron nang mga social media platforms na naging sanhi ng pagrupok ng

learning capabilities natin.”

Kaugnay nito, ang mga estudyante ay lumikha ng pamantayan ng "Merit over Quality

Learning" kung saan ang pag-asta sa pagkatuto ay nakadepende sa layunin ng pagkuha ng

matataas na grado sa halip na magtamo ng magandang kalidad ng pagkatuto. Tulad ng nakasaad,

“Kaya ang mangyayari dun, it’s not really review yung nangyayari, more on

memorization ang mangyayari kasi nga yung goal nila is makakuha ng higher grade”.

Kuryus (Curious). Ito ay isang grupo ng mga mauusisa’t matataas ang kuryosidad na

mga mag-aaral na kumukuha ng impormasyon hindi lamang sa isa, ngunit sa iba 't ibang paraan

o stratehiya ng pag-aaral. Sila ay nagtataglay ng isang katangian ng "hindi inaasahang

pagkamalikhain" na humahantong sa makabagong paraan na pagkatuto ng kaalaman base sa

pagkakatugma at level ng kanilang kapasidad at kakayahan bilang mga mag-aaral. Tulad ng

sagot ng isang nakapanayam:

“… Yung modern way ng pagiging curious nila …They have other strategies on how they

learn. They are actually creative when it comes inlearning behaviours kasi hindi lang sila basta

natututo through classroom discussion. Marami silang activities. Marami silang paraan kung

paanong sila magkakaroon ng learning.”

Malakas ang loob at opiniyonado. Ang mga estudyanteng kabilang sa Gen Z ay mas

malakas ang loob at komportable sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin at opinyon.

Binibigyan nila ng kahalagahan at pag-iisip ang mga sinasabi nila. Ang mga estudyanteng ito ay

mas vocal kumpara sa ibang henerasyon sapagkat mas marami silang kalayaan sa pagpapahayag

ng kanilang sarili na hindi tulad ng dati. Sa panahon ngayon, ang kanilang opinyon ay mas
napakikinggan at kinikilala at ito’y alam nila. Dahil dito, may mga nangyaring pagbabago sa

silid-aralan tulad ng paraan ng komunikasyon at pakikitungo. Bilang isang ugali sa pag-aaral, ito

ay konektado sa kanilang kultura at relasyon sa loob ng paaralan.

Gayunpaman, ito ay sa paanumanng itinuturing ng iba bilang isang negatibong pag-

uugali . Sa pagsasaalang-alang dito, sinasabing ang mga mag-aaral ay naging madaling

maimpluwensyahan ng sinasabi ng ibang tao. Tulad ng nakasaad,

“Mas nagging bokal na sila as a person na parang binibigyan na nila ng importansya

yung sinasabi nila so parang mas iniisip naman nila yung sinasabi ng ibang tao. In terms naman

sa learning behaviours nila, mas negative, kasi mas marami yung sinasabi nila kesa sa inaaral

nila.”

1.2 Sa aspekto ng Pamamaraan ng Pagkatuto (Ways of Learning)

May iba 't ibang paraan para matutunan ng isang tao ang isang bagay. Ang mga

estudyante ay gumagamit ng iba 't ibang pamamaraan para magkaroon ng epektibong pag-aaral.

Ipinapakita ng mga natuklasan ang mga paglalarawan ng pamamaraan sa pagkatuto na ginamit

ng henerasyong ito.

Sila’y umaasa o nakadepende sa teknolohiya. Ang mga estudyanteng kasama sa

Generation Z ay karamihang sa gumagamit ng teknolohiya. Ang kanilang mga estilo sa pag-aaral

ay inilarawan bilang moderno, kung saan ang teknolohiya ay nagsisilbi bilang kanilang mga

Learning companion. Ito’y sinusuportahan ng isang sagot mula sa kapanayam:

"Ilalarawan ko ito bilang" techy ", teknolohiya batay at makabago."


Ginagamit nila ang iba 't ibang social media platform sa Internet bilang batayan ng mga

impormasyon (i.e. Khan akademya, YouTube). Tulad ng nakasaad,

"…pero ngayon kase magkaroon na tayong mga Khan Academy, YouTube doon na tayo

nagna-base."

Hindi tulad ng dati kung saan ang mga aralin ay karamihanng nakuha at nirepaso sa anyo

ng mga uri at mga tala, ngayon, itp’y nasa anyo na nga mga files na naka-back up sa mobile

phones, laptops at iba pang anyo ng mga gadget. Sa ganitong paraan, mas madali at mas

maginhawa ang pag-aaral para sa mga estudyante. Ito ay suportado ng sumusunod na pahayag:

“Diba yung mga textbooks dati yung mga libro dati ginagamit natin yon…Pero ngayon

pero ngayon mostly file na sya sa cellphone na pwede nang ipasa-pasa so which means hindi na

naten ganong nagagamit yung mga textbooks kase nagdedepend na nga tayo sa ating mga

cellphones so mas mapapadali para sa kanila sa mga estudyante yung kanilang pag-aaral.”

Idinagdag ng isang sumagot na ang teknolohiya nagging dahilan ng pagiging mas produktibo ng

mga estudyante kumpara sa ibang henerasyon dahil sa one-click-away feature nito:

“Compare dun sa generation namin mas productive yung mga estyudante ngayon kasi

nga yung resources nila isang click nalang makukuha na yung mga information di kagaya

naming dati kailangan pa kumuha ng permit sa principal para makapag library.”

Ang mga estudyante ay may iba 't ibang paraan ng pagkatuto. May mga respondents din

ang nagsabi na walang espesipikong estilo ng pag-aaral na maaring kumatawan sa buong

henerasyon na ito. May mga estudyanteng natutuhan ang mga ng aralin sa pamamagitan ng

pakikipag-ugnayan sa guro sa talakayan (pagtatanong, pakikinig at pag-iineteract sa oras ng

klase), at mayroon din naman na mas pinipili ang muli nalang itong aralin sa tahanan. Ang
pagkatuto ay iba sa bawat tao. Ito ay sinabi na ito ay depende sa tao kung paano siya ay matuto

nang epektibo, ayon sa nakasaad sa mga sumusunod:

“Tayo kasing mga estudyante, iba iba yung learning styles,iba-iba tayo ng ways para

matuto tayo kasi yung iba pag uwi, dun palang babasahin yung mga lessons tapos yung iba

naman, nakikisabay lang sa ,mga teachers during na naglelesson para just in case na may hindi

sila naiintinfdihan, napa-follow up nila yung mga questions sa isip nila sa mga subject teachers

nila.”

“…Learning is how you know it; you learn it; you know it by heart. Na parang pag

tinanong ka you can answer immediately na without hesitating...”

Gayunman, ang pahayag mula sa dalawang mga respondents salungat sa bawat isa:

“Parang kulang yung mga strategies kasi nakikita kong naglelecture sila or either mas

raradar sila sa ibang section.”

“It’s effective naman. Effective naman yung learning strategies.”

Ang pahayag ng unang estudyante ay nagpapahiwatig na may mga estudyanteng kulang sa

estratehiya sa pag-aaral. Sa kabilang banda, ang ikalawang pahayag ay tumutukoy sa mga

estudyanteng gumagamit ng iba 't ibang pamamaraan sa pag-aaral upang makamit ang epektib na

pagkatuto. Ang dalawang magkaibang sagot na ito ay nagpapatunay na ang individwalidad sa

pagkatuto ay hindi naaapektuhan ng henerasyong kinabibilangan ng isang tao.

Ang koneksiyon ng guro sa estudyante ay mahalaga. Ang mga paraan kung paano natututo

ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay hindi madali para sa kanilang mga tagapagturo. Ang lebel

ng pag-lalagay ng kaalamam sa kanilang mga isipan ay depende sa koneksyon nila sa kanilang


guro. Tulad ng sinabi, ang pagtutuon ng pansin ng mga estudyante sa talakayan ay dapat

isaalang-alang ng guro. Ang kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at pag-aatas

sa mga mag-aaral ay mahalaga para sa epektibong pag-aaral. Dahil dito, ang koneksyon sa

pagitan ng mga mag-aaral at tagapagturo ay isang salik na sinusuportahan ng sumusunod:

“Challenging as in. Kasi teachers need to catch up dun sa mga trip ng bata. Kasi kung di

mo kaya sakayan yung trip ng students mo, you will not be able to instill knowledge sa kanila

kasi mas natututo sila sa mga ready available nila kesa sayo na ala. Boring ka na

magturo, boring ka na sa lahat ng bagay. Hindi ka makapag catch up sa kanila di mo masakyan

kung ano yung nangyayari sa kanila, kung ano trip nila, hindi mo makuha yung atensyon nila.’

1.3 Sa aspekto ng Kultura sa Paaralan (School Cultures)

Ang kultura ng paaralan ay tumutukoy sa mga paraan ng kung paano ang mga tao sa loob ng

paaralan (karanwang mga guro at mahahalagang tauhan) ay magkakasamang nagtratrabaho. Ito

rin ang mga paniniwala, pinahahalagahan, kaugalian, at pag-uugaling tinataglay nila bilang isang

grupo. Ang pagtataguyod sa kakayahan ng mga mag-aaral na matuto ay depende sa kultura ng

paaralan at klima sa paaralan. Ang klima sa paaralan ay tumutukoy sa mga epekto ng paaralan

sa mag-aaral kabilang ang mga pamamaraan sa pagtuturo; pagkakaiba-iba at relasyon sa mga

administrador, guro, magulang at mag-aaral. Sa ibaba ay ang mga datos tungkol sa mga

paglalarawan ng mga kultura ng paaralan ng mga kasalukuyang mag-aaral.

Ang kultura ay nakabase sa teknolohiya. Sinabi n mga nakapanayam na ang mga mag-aaral ay

lubhang apektado at naiimpluwensyahan ng mga electronic device at ito’y kanilang naia-apply

kahit sa kultura na nagaganap sa kapaligiran ng paaralan. Sa makabagong panahon, ang ilang


mga paaralan ay nagpapahintulot ngayon sa mag-aaral na magdala ng mga device tulad ng mga

mobile phone. Ang isang implementasyon na ito ay nakagawa na ng malalaking pagbabago sa

mga kultura ng pagkatuto at pagtuturo. Ang teknolohiya ay nakaaapekto sa paniniwala ng mga

mag-aaral, kaugalian, paraan ng pakikipag-ugnayan, pag-uugali at kung paano sila ginagamit

hindi lamang sa paaralan kundi sa iba pang parte ng buhay ng mga estudyante. Isinaad ni Vigo

(2020), na itinuturing ng Henerasyong Z ang bagong teknolohiya bilang "karugtong ng kanilang

sarili". Ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod na pag-angkin:

“Allowed kasi na magdala ng cellphones kaya usually yung mga estudyante, after ng

discussion ng teacher, ginagamit agad yung phone cellphone.”

“Hindi lang siya sa estudyante nababase yung technology kung ‘di oati sa mga teachers natin.”

“… In our culture, as of the moment, it is being dependent to the technology.”

“Yung culture sa pag-gamit ng gadget.”

“Gumagamit sila ng mga powerpoints every class of teachers.”

“…More inclined sa technology…”

“Gumagamit sila ng mga digital textbooks.”

Dynamic at mabilis na nagbabago ang kultura ng mga mag-aaral. Ito ay isang henerasyon

ng culture builders. Mayroon silang mataas na pamantayan para sa pagiging-bukas at inclusivity

(Jacoby, 2018). Ang kanilang kultura sa paaralan ay maaari ding gamitin sa ibang mga lugar. Sa

katunayan, intinuturing ng mga Gen Z’ers ang kanilang kultural na pagkakakilanlan na naiiba

mula sa kanilang sinundang mga henerasyon. Sila’y bukas sa maramihang kultura na lumikha ng
flexible at dynamic na uri ng kultura, ang multiculturism. Ito ay sinusuportahan ng mga

sumusunod:

“Changes are faster to take place. Students re now resilient, they find ways to mke things

easier. That is why maybe in terms of culture, it’s unstable.”

“They are learning to catch up on how fast yung nangyayari sa atin.”

Kultura ng pagkra-kraming. Ang kahulugan at pananaw ng pagkra-kraming ay unti –unting

iniiba ng mga mag-aaral na kabilang sa Gen Z. Hindi lamang nila ito ginagamit para sa

pagsusuri o pagsusuri, kundi pati sa iba pang gawain at aktibidad na may kaugnayan sa paaralan.

Ang sumusunod ay mga pahayag na nagpapatunay sa pagpapatupad ng kultura:

“Isa sa mga nagiging kultura ng mga bata, nagcacram sila. Na once na may kailangan

silang gawin at ito ay rush na rush in 1 or 2 days na preparation lang ang iaalot sa kanila.”

“Always on the rush. Lahat ng activities and learnings, cramming.”

Ang kapaligiran ay isang basehan. Ang kultura ng estudyante ay nakabatay rin sa sa ,ugar

kung saan ito ginagamit at nililinang. Ang kultura ay nakasalalay sa pisikal na kapaligiran. Ang

pag-uugali at motibasyon ng mga tao na kumilos ay maaaring maimpluwensyahan ng kapaligiran

(Zborowsky at Learson, 2016). Ito ay binibigyang diin ng pahayag:

“School cultures… so yun nga malaking ding factor yung vibe ng school or yung

atmosphere or environment nung students.”

Kinestetiko (Kinesthetic). Ang Henerasyon Z, kapag binigyan ng pagkakataon upang

magkaroon ng ganap na nakaka-engganyong karanasan sa pag-aaral, ay mas higit pang natuto

(Kozinsky, 2017). Ito ang nais nilang gawi ng pagka-matuto, ang matuto sa pamamagitan ng
paggawa. Sa pamamaginatan ng ganitong paraan, sila ay nakahuhubog sa isang interactive na

kapaligiran at atmospera ng silid-aralan. Lumilikha sila ng kultura ng pag-aaral na hindi limitado

sa loob lamang ng silid-aralan, kundi maaari din itong maganap kahit kailan, at kahit saan. Tulad

ng nakasaad sa pamamagitan ng mga respondents,

“More on kinesthetic. Students prefer experiencing the lesson and we want to see it on

how it is applied in real life than only listening on its descriptions.”

“Yung naging culture na dito sa atin ngayon, sabi nag bago na so di ba ang sabi nil ana

ang bagong way daw for a student to be able to learn for a particular topic, yung parang sila

mismo ang sasagot sa mga tanong.”

Ang kolaboratibong pag-aaral ay tanggap at isinasagawa. Ayon sa Kozinky (2017), ang mga

estudyanteng ito ay komportable sa pag-aaral kasama ng iba pang mga estudyante, sa loob o

labas ng kanilang paaralan sa pamamagitan ng inkorporasyon ng digital na teknolohiya na

karaniwan ay mga social media platform. Sa pamamagitan nito, ang nagkakaroon ng nagkakaisa

ang proseso sa pagkatuto. Bagama 't sila ay self-reliant, ang grupong ito ay madalas ding matuto

sa tulong ng isa 't isa tulad ng kung paano ito sinusuportahan ng pahayag:

"Nagiging kultura nila ang magkaisa. Makikita natin sa kanila yung unity. "

2. Mga salik na nakatutulong sa pagbuo ng mas naaayon na paraan ng pag-aaral para sa

mga Henerasyon Z

2.1 Mga Istratehiya sa Pagtuturo

May iba 't ibang uri ng mga estratehiya sa pagtuturo para sa mga estudyante na madaling

maunawaan ang isang partikular na aralin. Sinasabi na ang Gen Z’ers ay nakasalalay sa
modernong diskarte ng pagtuturo kung saan ang teknolohiya ay kasangkot. Narito ang mga

paktor na nakatutulong sa mga estudyante upang mas matuto ng mabuto.

Magandang relasyon. Ang magandang relasyon ng mga estudyante at ng guro ay mahalaga. Ito

rin ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa akademiko at panlipunang pag-unlad ng mga

estudyante (Gonzalez, 2016). Gayundin, ang pagkakaroon ng ugnayan sa mga estudyante ay

humahantong sa isang positibong kapaligiran sa pag-aaral, maayos pagbuo ng komunidad

(Ferlazzo, 2018). Pinahayag ng ilang mga kapanayam na:

“Factor din yung union ng students sa teachers yung connection nila in order for one

student to learn from one teacher to really perform ung duty niya as a mentor sa mga students.”

“Whatever generation it is, it really requires a good relationship between teachers and

students and also the lesson. Teachers are the ones who make the students committed to the

topic, because no matter what students do, if they cannot relate to the topic, if they’re not

comfortable and compatible with the teachers, there will always be hindrances.”

“Once na may good relationship si teacher sa student makukuha niya kung pano mas

matututo yung bata, kung ano yung needs ng bata. Mas maiiintindihan niya kung paano yung

way of learning nung learner. So malaking bagay yun na may magandang relationship si

teacher to students tapos with help of teacher matutulungan niya na magkaroon ng good

relationship sa student to students.

Pagtuturo gamit ang teknolohiya. Sa nakaraang mga dekada, ang teknolohiya ay naging bahagi

ng ating buhay. Ang teknolohiya ay ginagamit din sa mga layuning pang-edukasyon. Sanhi nito,

ang teknolohiya ay nakatutulong sa mga guro upang ang pag-aaral ay mas magng madali at

epektibo (Koksal, 2019). Ang bagay na ito na tinatawag na ika-21 siglo ng pag-aaral (21st
Century Learning) kung saan sa PowerPoint presentation at iba pang social media platform ay

ginagamit bilang isang paraan ng pagtuturo. Narito ang mga pahayag ng ilang mga respondents

tungkol sa teknolohiya:

“Halimbawa, mas natuto yung mga estudyante through powerpoint, yun yung gagawin

ng ibang teachers, magpapwerpoint sila”

“So diba sa pagtuturo ng mga guro gumagamit din sila ng mga pictures, videos para

maipavisualize satin yung nais nila.”

“So regards sa teaching strategy malaking tulong ang technology para sa teachers at

mas nalalahad naming yung lesson ng mas maganda at mas malinaw through pictures,

monitors, lcds, laptops and etc.”

2.2 Ang pakikitungo ng mga estudyante sa mga guro at sa kapwa estudyante

Maraming estudyante ang mas malapit sa kapwa estudyante at guro. Sinasabi na ang koneksyon

sa pagitan ng mga mag-aaral at mga guro ay ngayon sa isang makabago. Ang mga kabataan

ngayo ay mas magaan ang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid dahil sa katangian nila ng

pagiging sosyabol (sociable).

Ang interaksyon sa makabagong pamamaraan. Napalapit ng teknolohiya ang relasyon ng

guro at mga mag-aaral. Naging mas madali ang makipag-komunikasyon sa mga tao sa panahong

ito dahil sa paggamit ng social media platform.. Sinusuportahan ito ng sumusunod na mga

pahayag:

“When it comes to fellow students, there’s more bond but with a modern way because the

relationship of us students, we can communicate through chat, messenger, online and there’s
also personal interaction happening in the school. So, I think that in a relationship aspect, it’s

good, it’s a modern relationship.”

“So para sa mga estudyante yung relation between the students is mas napapalapit na

rin kase even though gumagamit sila ng social media or technology...”

“Sa tingin ko mas mapapalapit nila yung relasyon sa isat isa kasi kahit malayo yung

distance ng bawat isa so kahit malayo mas mabilis naipapahayag yung announcement thru

technology.”

Malapit ang mga estudyante sa mga guro. Ang matatag na pakikipag-ugnayan ng mga

estudyante at guro ay nakaaapekto sa tagumpay ng isang bata bilang isang mag-aaral. Mas

madaling matuto t bukas sa kaalaman ang mga estudyante mas magandang interaksyon sa guro.

Bilang isang karagdagan, ang koneksyong ito ay nagiging susi upang makabuo ng isang

kooperatibong lugar ng pag-aaral na siyang nagsisilbing motibasyon para sa mga mag-aaral na

magbigay atensyon sa mga kamag-aral at tagapag-turo(Hall, 2017).Itp ay tulad ng kung paano

nakasaad ang mga sumusunod:

“In relationship, we students are close to our teachers.”

“Relationship for this generation kasi is… Mas close ung relationship kaysa sa dati. Kasi

‘di ba ‘pag nag kwento yung mga teacher natin, yung teachers nila or natatakot sila sa teachers

nila kasi parang masungit ganun nga. Pero ngayon kasi napansin ko na it’s easy to approach

yung teacher.”

“…Nagiging teacher sa classroom, friends or close kayo sa labas. We can be your ate,

your kuya, your friends and I think maganda yun para sa genration z kasi hindi nagkakaroon ng
sobrang laking gap, nakakapag open si student kay teacher kapag may problema at dahil nga

magkaibigan sila or close sila at least nababawasan yung mga intimacy.”

Malapit ang mga estudyante sa isa’t-isa. Ang kaugnayan ng mga estudyante sa mga estudyante

ay naiiba sa nakaraan. Sa mga araw na ito, sila ay may kakayahang makipag-interak sa isa’t-isa

nang malaya at may lakas ng loob. Bilang karagdagan, ang mga mag-aaral ay may mas

positibong pananaw sa kanilang kapwa mga mag-aaral (Wanders. et al., 2018).

“So para sa mga estudyante yung relation between the students is mas napapalapit na.”

“There are both positive at negative yung pagkakaroon ng closeness ng mga nasa

generation na yun.”

3. Mga mungkahi para sa pagbuo ng mas naaayon na paraan ng pag-aaral para sa mga

Henerasyon Z

Sa bahaging ito ay tinatalakay ang mga ideya at mungkahi ng mga kapanayam tungkol sa

pagkakaroon ng mas tugmang pamamaraan ng pag-aaral para sa mga mag-aaral ng henerasyon

Z. Ito ay nahahati sa dalawa:

3.1 Ang mga pamamaraan sa pagtuturo

Ang punto ng pagtuturo ay hindi lamang ang pagpapatupad ng programa ngunit ang

pangkalahatang pag-unlad ng mga potensyal ng bawat mag-aaral (Vican et al., 2007). Ang mga

mag-aaral ang pinakamahalaga isaalang-alang sa proseso ng pagtuturo. Dahil dito, kailangang

maghanda ang mga guro ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagtuturo na tutugon sa mga


pangangailangan ng mga mag-aaral. May ilang uri ng pagtuturo na angkop sa mga estudyante,

ito ay ang mga:

Kinestetikong pamamaraan ng pagtuturo. Kapag nagtuturo sa pamamaraang kinestetiko sa

mga mag-aaral, mahalagang bigyang-diin ang "kung paano" ng isang konsepto (naipapaliwanag

ng isang bagay kung paano ito gawin, paano ito gumagana, at kung ano ang maaaring

maramdaman nito) kung saan isinasa-ilalim ang mga mag-aaral sa mga pisikal na aktibidad

imbis na sa pakikinig sa isang lektsur. Ito ay sinasang-ayunan ng ilang mga sumagot:

“Students right now are more on the kinesthetic side, they want it to be something that is

being applied in reality, that is being practiced in reality. So, I think for these teaching strategies

of the teachers, more on activities. In discussion, there’s the reliance to reality because students

like us now are more curious than any other generations.”

Teknolohikal na pag-aaral. Ang teknolohiya ay itinuturing na isang pangangailangan para sa

mga kaligirng pang-paaralan (Wantulok, 2015). Sa pamamagitan ng suporta ng teknolohiya sa

pagtuturo at pagkatuto, nagkapag-bibigay ito ng kalamangan sa mga estudyante maging sa mga

guro. Sa paggamit ng teknolohiya, nagagawang maging mas madali ang mga bagay-bagay. Ito’y

nabibigyang katuparan sa pamamaginatan ng Internet at mga gadgets. Karamihan sa mga

estudyante ay mas gustong matuto gamit ang tuong ng teknolohiya. Tulad ng nakasaad,

“Sana lahat ng teachers sana lahat mag powerpoint na kasi kapag may hindi ako

naiintindihan, inaanalyze ko nalang yung nakasulat sa powerpoint para maintindihan ko, para

hindi namn ko nahuhuli sa mga tinuturo niya.”

Multi-strategic Teaching. Sa pagtuturo, ginagamit nila ang iba 't ibang pamamaraan sa pagtuturo

para maunawaan ng lahat ang isang partikular na paksa. Lahat ay may iba 't ibang estilo ng pag-
aaral. Walang partikular na pamamaraan sa pagtuturo dahil lahat ay may partikular na iba 't ibang

estilo ng pag-aaral. Tulad ng sinabi ng isang sumasagot:

“Kasi para sa akin walang magandang strategy na iisa lang kasi lahat naman nagagamit…Kasi

we have different intelligence based on kung anong medium yung nababagay sa bawat isa. Kaya

there’s no really one or specific teaching strategies but how students can get caught up with the

lesson.”

“In teaching strategies, I think you don’t need it to be steady. It doesn’t need to be

stationary kasi masyadong complex yung ano natin. Kailangan yung strategy mo is marunong

kang mag adjust, depende sa needs ng learner mo siguro kakailanganin natin ng strategy na

kayang mag adapt through different kinds of learners.”

3.2 Ang mga mungkahing ito ay makatutulong sa mga sumusunod na kondisyon:

Paglikha ng makabagong istratehiya sa pagtuturo. Karamihan sa mga guro ay nagkakaroon

ng mga problema sa pagtuturo dahil sa natatanging paraan ng pag-aaral ng mga henerasyon Z.

Ang mga mungkahing nakailahad sa itaas ay maaring gamitin upang mas lalong maunawaan ang

mas preperable at epektibong paraan ng pag-aaral para sa mga estudyanteng ito kung saan

matutugunan ng mga guro ang inaasahan nila. Ayon sa isang sumagot:

“I think these suggestions will help the teachers further because, their ways of studying is

different back then. The teaching strategy applied on their generation is different from the

students of today. In this generation of students of today, them together with the technologies are

growing or evolving more. That is why, the teaching strategies needs to evolve too as we

approach the more technology-based era.”


Pagpapabuti ng kaugnayan ng mga estudyante at guro. Ang pagkakaroon ng positibong

ugnayan sa kanilang mga guro ay tumutulong sa isang estudyante na maging mas komportable

sa silid-aralan. Ito’y isa sa nagsisilbing motibasyon nila upang mas maki-isa sa looob ng klase

(Gonzales, 2016). Ang nasabing mungkahi ay makakatulong para sa kamalayan ng mga

tagapagturo na ang henerasyong ito ng mga estudyante ay malamang na umunlad sa mas

interactive at magiliw na gawi ng pag-aaral. Tulad na lamang ng pahayag:

“So, makakatulong siya hind lang sa estudyante kung ‘di patii narin sa relationship ng

teacher sa estudyante.

Pagpapalago sa potensyal ng mga estudyante. Ang mga mungkahi ay inaasahang na

magsilbing tulong upang mapalago ang potensyal ng mga estudyante. Maaaring matuto ang

bawat estudyante dahil may potensyal sila sa kanilang sarili. Bawat isa ay may mga kalakasan at

kahinaan na makakaapekto sa kakayahan nilang matuto .Ito ay sinusuportahan ng pahayag:

“Siguro yung mas ma-e-enhance yung potential natin as a student to really understand

the lesson.”

Pag-alam sa mga pangangailangan ng isang estudyante upang matuto. Napakahalagang

isipin kung ano ang kailangang matutuhan ng mga estudyante, at paano gumagana ang proseso

ng pagkatuto sa pangkalahatan. Dahil dito, kailangang maibigay ng mga guro ang

pangangailangan ng mga estudyante upang maunawaan ang isang aralin. Tulad ng sabi ng isang

nakapanayam:

“Siguro makakatuong siya kasi mabibigay natin yung needs nung bata when it comes sa

learning nila so in a way, makakapag- catch up siya.”

You might also like