You are on page 1of 30

POSITIBO AT NEGATIBONG DULOT NG LABIS NA PAGGAMIT NG

KOMPYUTER SA MGA MAG-AARAL

_____________________________________

Isang Pamanahong Papel

Na Ihaharap sa Kagawaran ng Filipino ng

Tarlac National High School-Main

San Roque, Tarlac City

____________________________________

Bilang Katuparan sa Kahingian ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino

_____________________________________

Ipinasa nina:

Bildan, Kristina Marcelle A. Musni, Marcjames Lawrenz


Dabu, Dale D. Niño, Dianne Nicole B.
Garcia, Kimberly Rose M. Nuqui, Marco Polo M.
Guiam, Micah Jea Salazar, Christian S.
Mañalac, Mark Frederick F.
Ipinasa kay:

MARIA EMELITA B. DALIVA

Oktubre 2017
KABANATA I

Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Talagang napakalayo na ang narating ng teknolohiya sa paggawa ng

makabagong kagamitan. Upang mapabilis ang mga gawain at magbigay aliw sa tao

lalo na sa mga kabataan pati na rin sa mga matatanda. Ang mga makabagong

kagamitan ay kinalolokohan na ngayon ng mga kabataan, isa na rito ang kompyuter

na madalas ginagamit upang mag-internet na kilala sa buong mundo. Ito ay

nagbibigay ng mabilis na impormasyon, lawak ng komunikasyon at aliw.

Marami na kasing gamit ang kompyuter lalo na sa mga kabataang

Pilipinong mag-aaral ngayon. Isa na rito ang pagbibigay ng internet. Ang internet

ay sinusubaybayan at halos ginagamit na ngayon ng maraming mag-aaral sa

Pilipinas. Ito ang aming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-

pansin, lalo na sa mga mag-aaral. Sa halip na maghanap ng mga karagdagang

impormasyon para mapunan ang kaalaman sa pag-aaral ay nakatutok na sa mga

social networking sites. Ang paggamit ng internet ay may malaking epekto sa mga

kabataang Pilipino.
Tila magkaiba na ang larawan ng kabataan noon sa larawan ng kabataan

ngayon. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng

kabataan ay nag-iiba rin. Marami rin namang maituturing na benepisyo ang

komputer sa buhay ng tao. Ipinapakita nito na ang teknolohiya ay siguradong

makakatulong sa buhay ng tao sa antas ng karunungan, sapagkat maraming

kaalaman ang maaaring makuha mula sa paggamit ng kompyuter.

Kung may internet connection ang isang kompyuter maaaring makagawa

ang isang indibidwal ng anomang account sa mga social networking sites tulad

nalang ng faceboook, twitter, Instagram, at marami pang iba. Ito ay patok sa mga

mag-aaral ngayon na nalulong na talaga sa paggamit ng social networking sites.

Ang mga sites na ito ay mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga

indibidwal para bumuo ng isang pampublikong profyl. Alam din nating lahat na

halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga

libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag

impormasyon. Katulad nalang sa Google at Yahoo, dito madalas manaliksik ng mga

sagot ang mga estudyante kapag sila ay may mga takdang aralin. Sabihin na nating

nakakakuha nga sila ng mga dagdag impormasyon pero nawawala na dito ang

kanilang sipag sa pagbubuklat ng mga libro at sariling sikap upang lalo pang

lumawak ang kanilang kaalaman. Hindi na rin nila napapansin ang mga libro na

talagang nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman at imbes na mag-isip para

makuha ang sagot sa sariling pag-iisip, dumedepende nalamang sila sa mga


kaalaman na nabibigay at nakukuha nila sa mga networking sites. Masasabi natin

na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa lahat ng sektor sa ating komunidad

at nadama ang kahalagahan ng mga kompyuter sa paraan ng makabagong

teknolohiya sa mga mag-aaral. Dahil kasi sa kompyuter napapabilis ang mga

gawaing pang-opisina at pampaaralan. Napapabilis din ang komunikasyon. Sa

kompyuter hindi na natin maaalis ang mga laro o tinatawag nilang kompyuter

games. Ito ang talagang patok sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral mula

elementarya, sekondarya at tersyarya. Ang mga kompyuter games na ito ang sya

namang nagsisilbing pang-aliw sa tuwing gumagamit ng kompyuter.

Nadodownload na kasi sa kompyuter lahat ng mga laro kaya maraming mga

kabataan na labis na nahihikayat dito, kaya dito rin pumapasok ang mga masamang

epekto ng kompyuter.

Nalululong na ang mga kabataan sa paglalaro na syang kadalasang nagiging

dahilan upang makapagpabaya sila sa kanilang pag-aaral. Patok ang mga

kompyuter games na ito lalo na sa mga kalalakihan. Katulad na lang ng kompyuter

game na Dota na sya naman talagang kinaaadikan ng mga kabataan na masasabi

mo na rin na parang malakas pa sa droga kapag ikaw ay nasobrahan. Dahil, hindi

lang pag-aaral ang napapabayaan pati na rin ang kalusugan. Kalusugan, sa larangan

ng pagpupuyat at minsan nakakaligtaan ng kumain sa tamang oras o minsan ay

hindi na talaga kumakain dahil sa paglalaro sa kompyuter lamang sila nakatutok.

Sa elementarya, natuto na din ang mga bata ng paggamit ng kompyuter talaga


namang nadaragdagan ang kanilang mga kaalaman ngunit minsan dito rin

nagsisimula ang pagkakalulong ng isang bata. Sa halip na libro ang buksan madalas

ay kompyuter, laptop at iba pang gadgets ang kanilang binubuksan at pinagtutuunan

ng pansin, kaya hanggang sa kanilang paglaki kompyuter na ang mulat sa kanilang

mga isipan. Pagdating nila sa sekondarya at tersyarya sigurado madalas dito na rin

sila nakadepende dahil dito na sila mulat.

Marami sa mga kabataan ngayon ay nakadepende na sa ating mga

makabagong teknolohiya lalo na sa kanilang pag-aaral. Maliit man o Malaki ang

naitutulong ng kompyuter sa buhay ng mga estudyante may mga epekto rin na

mabilis sumibol na dapat matuklasan upang malaman kung gaano kalupit ang

epekto ng kompyuter at internet.

Ang pag-aaral na ito ang aming piniling pagtuunan ng pansin lalo na sa mga

mag-aaral sa sekondarya.
Konseptwal na Balangkas

Input Proseso Output

Profyl ng mga taga- Deskriptib na “Matuklasan ang


tugon: pamamaraan.
Positibo at negatibong
1. Pangalan Serbey at panayam
2. Edad dulot ng labis na
Talatanungan
3. Antas at
Baitang Dokumentasyon paggamit ng
Analysis kompyuter sa mga

mag-aaral.”

Feedback

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tumutuon sa positibo at negatibong dulot ng labis

na paggamit ng kompyuter sa mga mag-aaral.

Pangunahing Suliranin:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang positibo at negatibong

dulot ng labis na paggamit ng kompyuter sa mga mag-aaral.


Ninanais ng pananaliksik na ito na masagot ang sumusunod na mga

katanungan:

Napapailalim na Suliranin:

1. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit madalas gumamit ng kompyuter

ang mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral?

2. Anong maganda at hindi magandang dulot ng labis na paggamit ng

kompyuter?

3. Paano maiiwasan ang di magandang dulot ng labis na paggamit ng

kompyuter?

Mga Palagay

Ang kompyuter ay nakatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ang kompyuter ay di-nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na:

1. Malaman kung nagiging hadlang ang kompyuter sa mga mag-aaral upang

mas maging produktibo sa paaralan.

2. Malaman kung maganda ang naidudulot nito upang magamit ng mga mag-

aaral sa kanilang pag-aaral, tulad na lamang ng mas napapabilis ang


pagkuha ng impormasyon, paggamit nito upang mas mabilis na makagawa

ng mga takdang aralin, at marami pang iba.

3. Matuklasan kung para saan madalas ginagamit ng mga mag-aaral ang

kanilang kompyuter, kung ito ba ay ginagamit madalas sa pag-aaral,

pakikipagkomunikasyon, pagbibigay aliw, at iba pa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalayon ang pananaliksik na ito na bigyang alam ang mga kabataan lalo

na ang mga mag-aaral sa mga positibo dulot ng labis na paggamit ng kompyuter at

upang bigyang babala ang mga mag-aaral sa negatibong dulot nito.

Sa mga sugapa sa kompyuter ang resulta ng pag-aaral na ito ay

mahahayaang mabahala sila sa mga negatibong dulot ng paggamit ng kompyuter

tulad ng problema sa pisikal o kalusugan, relasyon sa pamilya at problema sa pag-

aaral;

Sa mga mag-aaral (Partikular na sa mga mag-aaral sa sekondarya) na

sila ay mabahala sa kanilang sarili at magagamit ang oras at kompyuter ng maayos

nang ito ay makapagbigay ng positibong dulot sa kanilang pag-aaral;

Sa mga magulang ito ay makatutulong sa kanila na mabawasan ang

pangamba kung maayos ba ang pag-aaral ng kanilang mga anak;


Sa mga guro ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging instrumento upang

gabayan ang kanilang mga estudyante sa wastong paggamit ng kompyuter. Upang

malaman din ang kadahilanan ng mga may mababang marka ng kanilang

estudyante;

Sa mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng mas

mabuti at mas malawak na kaalaman.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral na naglalayong mahinuha

ang positibo at negatibong dulot ng labis na paggamit ng mga kompyuter sa mga

mag-aaral sa Tarlac National High School (Main). Ang mga mananaliksik ay

kakalap ng impormasyon sa pamamagitang ng pagiinterbyu kung saan limampu

(50) na mag-aaral sa nasabing pansekondaryang paaralan mula sa baitang na siyam

(9) hanggang labing dalawang (12) baitang ang aming kukuhanan ng impormasyon

o pag-iinterbyu. Ang gagamitiin ng mga mananaliksik sa pagseserbey ay

talatanungan.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Adiksyon/Sugapa - sobrang paglalaro o paggamit ng kompyuter sa pang

araw-araw na pamumuhay.

 Defense of the Ancient (Dota) - ito ay laro na kung saan maraming

kabataan ang naaadik na kailangan sirain ng manlalaro ang kaharian ng

kalaban.

 Facebook - isang social networking website na libre ang pagsali at

pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong

kompanya.

 Kompyuter - ginagamit ng mga estudyante sa pagnanaliksik at paglalaro.

 Kompyuter Games – Ang sobrang pagkahumaling ng isang indibidwal sa

larangan ng paglalaro gamit ng computer. Kadalasan ay mahirap na itong

maiwasan lalo na’t kung hindi mapigilan ang isang manlalaro.

 Teknolohiya – Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

 Instagram - isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-

sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit

na kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang

plataporma ng social networking, gaya

ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr


 Internet - ito ay isang pandaigdigang sistema ng mga computer

networks. Ang network na ito ay nakapagbibigay access sa mga gumagamit

ng computer, kung may pahintulot, na kumuha ng

mga impormasyon at datos sa ibang gumagamit ng computer.

 Sekondarya – isang baitang o hakbang sa edukasyon na kasunod ng

edukasyon primarya.

 Social Networking Sites – tumutukoy sa alin mang plataporma na

lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisimila sa mga

taong may magkatulad na interes, Gawain, karanasan, o mga ugnayan sa

tunay na buhay.

 Twitter - isang online news at social networking service kung saan ang

mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensahe, tinatawag

na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang.


KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nasuring literatura at mga

pag-aaral na kung saan ay nagkaroon ng kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Kompyuter na marahil ang masasabing pinakamalagong teknolohiya na

imbensyon sa buong mundo. Ayon sa Wikipedia.org, ang kompyuter ay isang

pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang

magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga

operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod sunod na mga operasyon

ay maaaring handang mabago. Ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa isang uri

ng problema. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at

nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang

programa.

Ayon sa 20th Chronology of Events in the Philippines ni Jaime A. Garcia Jr.

(2004) , Ang gamit ng kompyuter sa pagsasanay ng edukasyon ay napakalaking

kontribusyon sa mga mag-aaral maging sa mga guro sa larangan ng kaalaman at proseso.

Ang Computer Software ay napakalaking impluwensya sa lahat ng gumagamit nito,

partikular na ang mga mag-aaral. Sa henerasyon ngayon masasabing ang computer base sa
makabagong teknolohiya ay ang pinaka ginagamit ng mga tao. 1Ang pagusbong ng kompyuter

ay nagbigay ng malaking impak partikular sa mga mag-aaral, dahil dito nais malaman ng

mananaliksik ang naging epekto ng paggamit ng kompyuter ng mga mag-aaral o bawat

indibidwal sa mga ito.

Ayon naman kay Kristalinah Cielo Lawang (2014). Isa sa mga patok na

gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter

lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang

pagbibigay ng internet. Kung may internet connection, maaring makagawa ang

isang indibidwal ng account sa ano mang social networking sites tulad ng facebook,

ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo

ng isang pampublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng

impormasyon ay nakukuha na nga yon sa internet. Bukod sa mga libro na

ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. 2Isa

sa mga gamit ng kompyuter ang pagbibigay ng internet, at isa ito sa rason kung

bakit ang bawat indibidwal ay naaadik sa kompyuter. Nais maipakita ng mga

mananaliksik kung ano pa ang mga dahilan kung bakit ang isang tao ay gumagamit

ng kompyuter.

Ayon naman kay Princess Vhalerie (2015) tungkol sa paggamit ng

teknolohiya sa Edukasyon, Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang

mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet.


Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng

mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap

ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang

leksyon nang dahil sa internet. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya

sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan

nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang

ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga

masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. Isa sa mga

mabuting epekto na naidudulot ng teknolohiya ay ang madaling makatapos ng

gawain subalit ang masamang dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para

magsikap ng sarili mo ang ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba. Ang

teknolohiya ay hindi lang nakakatulong, nakakadulot din ito ng mga polusyong

nakakaapekto sa ating kalikasan. Kung hindi ito gagamitin ng tama ay mas malaki

ang posibilidad na mas malaki ang masamang epekto nito kaysa sa mabuti. 3Bilang

isang mag-aaral na gumagamit din ng kompyuter, masasabing napakalaking tulong

ang nabibigay nitosa atin. Ngunit pakatandaan na ang bawat labis na paggamit ng

isang bagay ay nakakapagbigay din ng masamang epekto sa atin.

Ayon kay Robert Nunag (2008), kompyuter ang isa sa mga nakapahalagang

imbensyon sa atin. Ngunit may mabuti at masamang epekto ito. Ang kompyuter ay

isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na

lamang, kapag tayo ay mayroong mga proyekto o kaya ay takdang aralin sa


paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo

mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa

atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng

komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng

malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang

pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso. Sunod

naman ay ang mga masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang problemang

naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-

aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games

tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera.

Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain.

Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng

maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit

ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo. 4Ang pananaliksik na ito ay nais na maipakita

kung anu-ano nga ba ang mga positibo at negatibong dulot ng paggamit ng

kompyuter. Ito ang magibigay ng kamalayan sa publiko upang malaman ang

posibleng maidudulot ng kompyuter sa atin.

Ayon naman kay Dr. Doktor Lads (2017), Kapag gumagamit tayo ng

computer ng matagal na oras, nagdudulot ito ng epekto sa ating kalusugan. Una,

Pananakit ng mata. Napapagod ang mata kapag matagal itong nakatutok sa screen

ng computer. Kapag nakafocus ang mata sa computer, hindi gumagalaw ang mga
muscles at ito ay napapagod at nasasaktan. Maaari itong pagmulan ng pananakit ng

ulo. Para maiwasan ang pagkapagod ng mata, tumingin sa malayo o ialis ang tingin

sa computer ng ilang sandali. Gawin ito ng regular para maipahinga ang iyong mata.

Maaari ding gumamit ng anti-glare filter upang mabawasan ang screen reflections

na nagdudulot ng pagkapagod sa mata.pangalawam Sakit sa Leeg at Likod. Ang

pagkakaroon ng bad sitting posture sa loob ng mahabang oras habang nakatutok sa

computer ay nagdudulot ng neck at back pain. Para maiwasan ito, gumamit ng

adjustable chairs upang mairelax ang iyong leeg at likod. Kailangan mas mababa

ang keyboard kaysa iyong siko at ang monitor ay kalebel dapat ng iyong mata.

Magpahing sa paggamit ng kompyuter, lumakad at magstretch upang maipahinga

ang mga muscles. At pangatlo, Repetitive Strain Injury sa Kamay at Pulsuhan.

Kapag magttype ka sa computer keyboard ng matagal at gumagamit pa ng mouse,

maaari itong magdulot ng pananakit ng iyong kamay. Mas kilala ito sa tawag na

carpal tunnel syndrome. Gumamit ng wrist-rest para may suporta ang kamay

habang gumagamit ng kompyuter. Ipahinga din ang mga kamay kapag matagal na

gagamit ng computer. 5Ilan lamang ito sa mga masamang epekto na naidudulot ng

labis paggamit ng kompyuter sa tao. Ang mga mananaliksik ay naglalayong

makakalap pa ng impormasyon ukol sa masamg epekto ng paggamit ng kompyuter.

Ang pananaliksik na ito ay nais maipaalam sa tao kung ano pa nga ba ang mga

masamang epekto na makukuha sa labis na paggamit ng kompyuter.


Ayon kay Paciencia O. Roque (2015) sumusulong ang teknolohiya dahil

may mga taong magaling sa pag-iimbento ng mga makabagong kagamitan na

ginagamit ng tao sa pang-araw araw niyang pamumuhay maging ito man ay sa

bahay, trabaho at iba pa. Ang pagsulong ng teknolohiya ay nangangahulugang

pagpapadali sa gawain ng tao at ito rin ay pag-unlad sa isang bansa. Isa sa mga

mahalagang kagamitang pangteknolohiya na naimbento ay ang kompyuter.

Karamihan ng mga tao ay gumagamit nito sa buong mundo mula sa mga bata

hanggang sa mga matatanda at ano mang estado sa buhay maging mayaman man o

mahirap ay gumagamit nito, Ang kompyuter ay isang mahalagang produkto ng

teknolohiya. Pinapadali nito ang ating mga gawain kaya mabilis umunlad.

Mahalaga ang kompyuter sa pag-aaral dahil mas napapalawak nito ang ating

kaalaman. Ang kompyuter ay pinapadali ang gawain sa paaralan lalo na sa mga

gawain ng guro tulad ng paggawa ng mga reports, pagkompyut ng mga grades ng

mga estudyante at mga panturong kagamitan na makukuha sa internet. Sa pagtuturo

malaking tulong ang kompyuter lalo na sa paglalahad ng mga aralin sa

pamamagitan ng power point presentation at iba pang gadgets. Mapapabilis ang


4
komunikasyon. Ipinahiwatig ng mananaliksik kung gaano ba nakakatulong ang

kompyuter sa buhay ng isang indibidwal. Lalo na sa mga estudyante at guro kagaya

nya. Binigyang linaw nya na ang kompyuter ay maraming benepisyo upang

mapadali ang tinutugunan na pangangailangan nating gumagamit nito.


Ayon sa Far Eastern University-East Asia College (2017), hindi natin

maipagkakaila na sa ating buhay ay araw araw tayo gumagamit ng kompyuter

upang magawa ng mabilis at maayos ang ating mga trabaho. Mula medisina,

pabrika, opisina at paaralan, kailangan natin ang tulong ng kompyuter. Tulad ng

microwave oven na dati ay mano-mano nating iniikot kung gaano natin nais initin

ang ating mga pagkain, ngayon ay may “digital” ng naimbento. E-book ang bagong

mekanismo sa pagbabasa kung saan nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng gadgets ang

mga leksyon para hindi na pagdala ng napakabigat na aklat ang mga mag-aaral.

Idagdag pa rito ang paggamit ng powerpoint ng mga guro sa pagtuturo hindi lamang

upang madali nilang maituro ang mga leksyon kundi para na rin sa kanilang

kalusugan dahil alam natin na ang chalk ay may sangkap na hindi nakakabuti sa

tao. Sa mga opisina at lugar pampubliko, usong-uso ngayon ang paggamit ng cctv

upang maitala ang pangyayari sa loob at labas ng kanilang paligid. Maging ang

mga kakaibang pangyayari tulad ng pagdating ng mga kalamidad tulad ng bagyo,

lindol, baha at tsunami ay nakikita na rin upang magbigay babala sa ating mga

kakabayan. Dahil na rin sa mga nabanggit na kadahilanan kaya maaaring maraming

kabataan ang kumukuha ng kursong may kaugnayan sa kompyuter. Ayon kay Prof.

Dr. Rolf Backofen, propesor at tagapangasiwa ng nasabing departamento, ang

disiplina ng Computer Science ay isang malaking tulong sa larangan ng agham na

nagsasakatuparan ng mga eksperimento na hindi posibleng isagawa sa isang

laboratoryo: ang pag-aaral ng mga bituwin at mga planetang tanging sa computer


lamang na-oobserbahan dahil malayo sa posibilidad na maabot ng tao; pag-aaral sa

loob ng katawan ng isang buhay na organismo o sa isang tao mismo, dito papasok

ang pagsusuri ng sakit at pagoopera sa tulong ng isang makinaryang dinesenyo para

dito; ang pag-oobersba ng populasyon ng tao sa iba’t ibang kondisyon; ang

pagtuklas at paghahanda laban sa mga sakuna mula sa kalikasan tulad ng bagyo,

lindol, pagsabog ng bulkan at iba pa. Pinapatunayan ng mga ito ang malaking

gampanin ng Computer Science bilang manipulasyon sa datos at impormasyon na

nakatutulong sa malaking parte ng pamumuhay ng tao. Ito ay inilahad sa website


5
ng kanilang unibersidad. Ipinatuklas sa atin ng mananaliksik na ang kompyuter

ay maituturing natin na kabahagi ng ating buhay sa maraming paraan. Una, sa

pamamagitan kung paano ito nakakatulong upang mas maraming matuklasan na

hindi lamang maaayon sa ating nakikita gamit ang ating mga mata. Pangalawa, ang

pagkakaroon nito ng sistematikong pagbatid sa mga impormasyon. At ang huli, ang

pagtutulong nito sa ating sarili.

Ayon kay Daniel Joshua Cristobal (2014) sa kasalukuyang panahon ay

sinasabing “computer age” na tayo dahil lahat ng larangan ay halos computer na

ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga eskwelahan

at maging sa pamamahay man ay gumagamit ng computer sa kanilang pakikipag-

transaksyon. Kung walang personal kompyuter ay may mga makabagong gamit sa

iba’t ibang uri ng pakikipsgtransaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang

Filipinas ang siyang “cellphone capital of the world”’ dahil ultimang mahihirap na
6
pamilyang Filipino ay nakakagamit na ng cellphone. Narito tayo ngayon sa

panahon kung saan tayong mga tao ay laging umaasa sa anong makukuha sa

kompyuter o internet. Lalo na’t patuloy na umuunlad ang teknolohiya, mamamatay

tayo nang walang nagagawa.

Kaugnay na Pag-aaral

A. Dayuhang Pag-aaral

Ayon sa isinagawang pag-aaral nila Eshrat Zamani,PhD , Maliheh

Chashmi,MSc , at Nasim Hedayati,DDS (2009), lumalabas na may masamang

epekto ang mga computer games sa pisikal at pangkaisipang kalusugan ng isang

tao. Depression at Anxiety ang mga posibleng epekto ng labis na paglalaro sa

kompyuter. Ito rin ay nagkukumpara sa mga normal na estudyante at sa mga lulong

sa mga computer games. Isinasaad sa pag aaral na ito, na mas mataas ang

kasanayang panlipunan o social skills ng mga normal na estudyante kaysa sa mga

lulong sa mga computer games.

Ayon sa pag-aaral nila Mohammed T.Al-Hariri,PhD at Abdulghani A.Al-

Hattami,PhD sa Unibersidad ng Dammam sa Saudi Arabia (2017), na nagpapakita

ng kahalagahan ng technolohiya sa mga mag aaral. Ipinapakita ng kanilang

ginawang pag aaral na mas malaki ang tsansa na gumaling sa akademya ang mga

gumagamit ng teknolohiya kaysa sa mga hindi gumagamit. Ipinapakita din ng


kanilang isinagawang pag aaral na maraming bilang ng estudyante ngayon ang

umaasa sa mga magagawa ng teknolohiya sa kanilang pag aaral.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Rebecca Righi (2012) na pinamagatang

“The Impact of Laptop Computers on Student Learning Behaviors as Perceived by

Classroom Teachers”, na naglalayong malaman ang maaaring ibunga ng paggamit

ng Laptop Computers ng mga mag aaral sa kanilang pag aaral. Ayon sa kaniyang

isinagawang pag aaral, ang paggamit ng ganitong uri ng teknolohiya ay maaaring

makapagpalawak ng kaalaman ng mga estudyante, sa pamamagitan ng

makabagong uri ng teknolohiya.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa nila Mark D. Granito at Ellina

Chernobilsky (2012) na pinamagatang “The Effect of Technology on a Student's

Motivation and Knowledge Retention”, na naglalayong malaman ang maaaring

ibunga ng teknolohiya sa pag uudyok sa mga estudyante na mangalap ng mga

bagong impormasyon at kaalaman. Ayon sa kanilang pag aaral, nakabatay rin ang

epekto ng teknolohiya sa interes ng isang mag aaral. Sa mga mag aaral na may

interes sa paggamit ng teknolohiya, ang teknolohiya ay isa sa mga mabisang

kasangkapan sa mga pananaliksik o pag aaral.

Ayon naman sa sinagawang pag-aaral ng “King saud university” sa Saudi

Arabia (2002) ay may direktang pagkakaiba ang pag gamit ng multimedia at hindi

pag gamit nito sa pagkatuto ng bata, sa pagaaral na ginawa ng king saud university
ay nag sagawa sila ng eksperiment gamit ang dalawang grupo ang unang grupo ay

ang mga ginamitan ng multimedia sa pagtututro at ang panggalawang grupo naman

ay magaaral na ginamit ang dating paraan ng pagtuturo, parehas na pinasagutan ang

dalawang grupo ng pre test at post test at titignan ang pagkakaiba ng iskor.

ginamitan ito ng statistika na nagpapatunay na may direktang pagkakaiba ang

paggamit at hindi paggamit ng multimedia sa pagtuturo.mas maganda ang paggamit

ng multimedia sa pagtuturo at upang makahubog ng isang estudyanteng epektibo

para sa ekonomiya.

Ayon sa pag-aaral ni Nasr Abu Yanis (2005) ay sinasabing may direktang

pagkakaiba ang paggamit at hindi paggamit ng multimedia sa pagtuturo ng

geometry sa baiting taltlo.ang kaniyang pagaaral ay eksperimental kung saan ay

may dalawang grupo, ang unang grupo ay ang grupong ginamitan ng multimedia

interactivity technique at ang pangalawang grupo ay ginamitan ng tradisyunal na

paraan ng pag tuturo at sa huli ay parehas na pinag pasagutan ng isang pagsusulit

ang mga grupo at ggamitan ng istatistika ang mga resulta upang Makita ang

pagkakaiba.ang nagging resulta ay nagpapatunay na ang paggamit ng multimedia

sa pagtuturo ng mga estudyante sa baiting tatlo ng geometry ay mas epektibo kesa

sa tradisyunal na pamamaraan.
Ayon sa ginawang pag-aaral ni Da’lij Majid (2008) na pinamagatang “The

effect of using Mathematics software produced locally on second grade

intermediate female students’ academic achievement in Riyadh”.ay may direktang

pagkakaiba ang paggamit ng isang “mathematics software” at sa tradisyunal na

pagtuturo ng matematika sa baitang panggalawa para sa “academic achievement”

ng magaaral,kung saan ay hinati sa dalawang grupo ang mga estudyante ang unang

grupo ay ang gumamit ng “mathematics software at ang pangalawang grupo ay ang

tradisyunal na pamamaraan,ginamitang istatistika ang mga resulta sa pagsusulit at

nakita ang direktang pagakakaiba ng ginamitan ng “mathematics software” at sa

tradisyunal na pamamaraan sa “academic achievement” ng isang estudyante.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Naira Shivangi Joshi ng king Saud

university (2005). Ang paggamit ng kompyuter ng mga estudyante ay may

direktang epekto sa pagiging epektibo na magaaral.sa kaniyang sinagawang

pagaaral ay gumawa siya ng pre test at post test kung saan may dalawang grupo ng

mga estudyante ang mag sasagot nito ang unang grupo ay ang mga tinuruan gamit

ang multimedia at ang pangalawa naman ay ang grupo ng mga estuytante na

tinuruan gamit ang makalumang pamamaraan. Ang resulta sa pagsusulit ay mas

mataas ang nakuha ng mga grupi na tinuruan gamit ang makabagong pamaraan

gamit ang multimedia. Kaya masasabing may diretang epekto ang paggamit ng

kompyuter ng magaaral sa pagiging epektibo nito.


B. Lokal na Pag-aaral

Ayon sa isinagawang pagsusuri nina Alynna Vince Lazarte at Ailene

Petrona Aquino (2013), alam ng mga estudyante ang masamang maidudulot ng

kompyuter ngunit patuloy pa rin nila itong ginagamit. Hindi rin ito nakakaapekto

sa pag-aral ng mga estudyante sapagkat sila ay nakakakuha naman ng maganda at

katamtamang marka, dahil na din sa kompyuter ay mayroong internet na kung saan

mas napapabilis ang pagkuha natin ng impormasyon, ang kompyuter raw ay

mayroon na ring mga applications katulad ng MS Word, Powerpoint Presentation,

at iba pa para mas mapabilis ang mga gawain sa paaralan. Positibo rin ang pananaw

ng mga estudyante sa kompyuter dahil ito nakapagpapadali sa mahihirap na

larangan sa akademiko.

Ayon naman pag-aaral ni Donald Cogo (2014), karamihan sa mga

estudyante ay gumagamit ng teknolohiya katulad ng cellphone, kompyuter at iba

pa. Hindi naapektohan ang pag-aaral ng mga estudyante sa paggamit nila ng

teknolohiya. Sumakatuwid, ang paggamit ng mga estudyante ng teknolohiya ay

maaaring hindi maging sagabal sa kanilang pag-aaral, gayunman maaari itong

makatulong upang mapadali ang kanilang mga gawain sa paaralan.

Sa pag-aaral naman ni Marjoerie D. Pilorin (2016), ang kakulangan sa

paggamit ng teknolohiya ay maaaring makaapekto sa kalusugan at pagbasa sa

nakasanayang wika. Ang pag-aaral na ito ay nagpapatunay na maaaring


maapektohan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa negatibong paraan. Ang

kakulangan sa kaalaman tungkol sa teknolohiya gaya ng kompyuter ay maaaring

makasama sa mga estudyante sa larangan man ng kalusugan o pag-aaral.

Ayon kina Ivan Ogatia, Geraldine Banacia, Kate Alviar, Rachelle San

Felipe, at Janne Garcia (2009), ang paggamit ng social networking ay nakakatulong

sa mga estudyante upang makakalap ng impormasyon. Tumutulong din ito upang

mapalawak ang kanilang kaisipan. Ang kompyuter ang nagpapagana sa mga social

networks.

Ayon naman sa isang pag-aanalisa ni Filipino Juanbee (2014), ang epekto

ng paggamit ng kompyuter ay nakaayon kung paano gamitin ng tao. Ito ay

nakasasama kung ito ay hindi ginagamit ng wasto at nakabubuti naman kung ito ay

ginagamit ng wasto.

Sa pananaliksik naman na ginawa nila Basilio, Aileen Marie O. at Lim,

Janica Rose D. (2015), may mabuti at masamang epekto raw ang kompyuter sa mga

mag-aaral, isa sa mabuting epekto nito ay kapag tayo ay mayroong mga projects o

kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga

kasagutan, sa masamang epekto naman nito ay ang mga laro na nandito sa

kompyuter, isa na ditto ang DOTA na kung saan ay kina’aadikan at nagiging

dahilan ng pagkababa ng mga mag-aaral sa larangan ng akademiko o sa pag-aaral

nila.
Sa kabuuan ng mga nakuhang impormasyon sa iba’t-ibang pananaliksik,

masasabi natin na ang kompyuter ay mayroong magandang maidudulot sa mag-

aaral, kasama na ditto ay ang pagiging pangunahing material para sa iba’t-ibang

kurso tulad na lamang ng I.T., Accountancy, Computer Engineering, at marami

pang ibang kurso na gumagamit ng kompyuter (A. Barroga, E. Maronilla Jr.,

I.Vasquez, T.Tario, K.Gueriño, D.Cogon, R.Nunag), masisintesa natin na ang

kompyuter ay di-gaanong nakaka-apekto sa pag-aaral ng mag-aaral. Isa pa sa mga

nabanggit na mabuting epekto ng kompyuter ay ang paggiging produktibo nito lalo

na sa larangan ng komunikasyon (R. Nunag) pati na rin sa pagkalap ng

impormasyon sa pamamagitan ng Internet, mas napapabilis rin ang mga gawain ng

mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga applications na nasa isang kompyuter (A.

Aquino, A. Lazarte). Ngunit sa kasamaang palad ang komyupter games at iba pang

mga nakawiwiling application software ay ang nakakadulot ng masamang epekto

para magkaroon ng mababang marka ang mga mag-aaral sa isang paaralan

(A.Lazarte & A.Aquino).


KABANATA III

Mga Pamamaraan at Metodolohiyang Ginamit

Sa kabanatang ito, inilalathala ng mga mananaliksik ang disenyong ginamit

sa pananaliksik, mga taong nasasakupan ng pananaliksik, mga instrumentong

ginamit sa pinagmulan ng mga datos, mga pamamaraan ng pangangalap ng datos

at ang istatistikong palalapat ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga epekto na nagagawa ng

kompyuter sa mga mag-aaral. Itong pananaliksik na ito ay mayroong disenyong

Descriptive Correlational Research - isang paraan ng pananaliksik na naglalarawan

at pinipredikta kung paano nauugnay ang mga variable sa realidad, nang walang

pagtatangka ng mananaliksik na baguhin ang mga ito o magtalaga ng dahilan sa

bawat pagitan.

Ang isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik para sa pananaliksik na

ito ay deskriptib correlation na pananaliksik (1). Descriptive upang mailarawan

ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral. (2) Correlational upang

matukoy ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.


Populasyon at mga Manunugon

Sa pag-aaral na isasakatuparan, ang bawat mananaliksik ay magsasagawa

ng pagtatanong o pagkuha ng opinyon base sa napiling sanggunian o serbey. Ibig

ng mga mananaliksik na isagawa ito sa limampung (50) katao, sampung (10) tao

bawat antas simula antas walo (8), hanggang labingdalawa (12) sa Tarlac National

High School (Main) upang matugunan ang impormasyong magpapatibay batay sa

nasabing paksa. Sa pamamagitan ng impormasyon na maihahandog nito malalaman

ng mga mananaliksik kung ano ba talaga ang epekto ng kompyuter sa mga mag-

aaral.

Instrumento ng pananaliksik

Sa pagaaral na ito ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng obserbasyon

upang malaman ang apekto ng social media sa mga mag aaral, ang mga

mananaliksik ay gagawa ng isang serbey kung saan may mga tanong patungkol sa

epekto ng kompyuter sa mga mag-aaral na ibibigay sa mga mag-aaral ng iba’t-ibang

baitang, at sa paraan na ito ay ma o’obserbahan na ng mga mananaliksik ang epekto

ng social media sa pagaaral ng mga magaaral. Ang mga nakalap na datos sa

pamamagitan ng serbey ay titignan at ipagkukumpara, kung kaya’t gagamit rin ang

mga mananaliksik ng deductive process, at sa huli malalaman na ng mga

mananaliksik kung may epekto nga ba ang paggamit at hindi paggamit ng social

media sa isang pagiging produktibo ng isang magaaral.


Paraan ng Pagkalap ng Impormasyon

Sa pangangalap ng impormasyon, ang "internet" ang isa sa mga

pagmumulan ng impormasyon. Dito maaaring mangalap ang mga mananaliksik ng

mga kinakailangan pang impormasyon.

Isa ring paraan ng pangangalap ng impormasyon ay ang pag iinterbyu o

sesrbey. Sa paraang ito makakakuha ang mga mananaliksik ng mga datos na

kakailanganin nila sa kanilang pananaliksik. Ang mga datos na makakalap ang

siyang magiging batayan ng mga mananaliksik sa pagsagot sa mga katanungan o

suliranin at pagpinal ng isinasagawang pananaliksik.

Istatistikong palalapat ng impormasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang positibo at

negatibong epekto ng labis na paggamit ng kompyuter. Ang mga mananaliksik ay

kakalap ng mga datos sa pamamagitang ng talatanungan kung saan susuriin ng mga

mananaliksik ang mga nakalap na datos upang mapadali ang pagtataya rito.

Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upan

maipresenta ang mga datos kung saan gagamit ito ng mga iba’t ibang talaan upang

suriin ang mga datos gayundin ang pagtalakay sa mga resulta ng nito. Ito ang napili

ng mga mananaliksik dahil madaling maintindihan ang mga datos sapagkat

nakabuod ito sa pamamagitan ng talaan.


Mas magiging epektibo ang Descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral na

ito kung gagamitan ng iba’t-ibang talaan. Gagamit ang mga mananaliksik ng

talahanayan at graph sa pagtataya ng mga datos upang mas madaling maipakita ang

positibo at negatibong epekto ng labis na paggamit ng kompyuter.

You might also like