You are on page 1of 4

Paksa

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga mag-aaral na kadalasang sangkot sa usaping

teknolohiya, at kung paano sila nito naaapektuhan. Inilalahad dito ang ilan sa mga maaaring

maging kahihinatnan ng bawat gumagamit ng makabagong teknolohiya. Ang teknolohiya ay

nakakatulong sa mga paraang tulad ng: Teknolohiya bilang gamit; Ito’y mga gamit at makina na maaring

tumulong sa ating gawain pagdating sa pag-aayos ng mga sirang gamit at paggawa ng mga

produkto. Teknolohiya bilang teknik; Ito’y kasalukuyang antas ng ating kaalaman kung paano pagsasama-

samahin ang mga materyales upang maka-gawa ng mga produkto, maka-tulong sa mga problema,at makamtan

ang mga sariling pangangailangan at kagustuhan.

Rasyonal/Layunin

Mahalaga ang paksang ito dahil inilalahad dito ang suliranin upang masolusyunan ang

posibleng maging problema sa pag-gamit ng makabagong teknolohiya. Layunin din ng

pananaliksik na ito na makatulong ang makabagong teknolohiya sa mga pangunahing problema

ng ating bansa.

Panimula

Ayon kay Bertlo (2011) sa kasaysayan ng pag-aaral Malaki ang naitutulong ng

Teknolohiya dahil napapadali at mabisa ito sa kanilang pag-aaral.


Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mag-aaral dahil

na rin sa Internet.

Masasabi natin na malaki ang naiambag ng teknolohiya sa pamumuhay natin sa pang

araw-araw. Ito ay isang katibayan na nabago ng Teknolohiya ang paraan ng pamumuhay natin.

Ngunit nawawalan nang disiplina ang mag-aaral sa paggamit nito.

Pagtatalakay

Ang teknolohiya ay maraming naidudulot sa kabataan. Nakatutulong ito sa kanilang pag-

aaral dulot ng teknolohiya. Imbes na sa libro kumuha ng impormasyon ay madali muna itong

mahahanap sa pamamagitan ng Internet. Ngunit may mga masamang epekto ang makabagong

teknolohiya sa mga mag aaral. Tinuturuan nito ang mga mag aaral upang maging tamad at

nawawalan ng disiplina sa paggamit ng Social Media gamit ang teknolohiya.

Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng Teknolohiya o Website. Gaya ng

marami, gumagamit kami ng internet upang makakalap kami ng mga ibat-ibang uri ng detalye at

ito ay aming sinala gamit ang mahahalagang impormasyon. Hindi man ito gaano ka impormatibo

ngunit malaki na ang maitutulong nito.

Lagom

Bilang pag bubuod, sa panahon ngayon nagkalat ang mga makabagong teknolohiya sa

ating lipunan na patuloy na umuunlad. May mga makabagong teknolohiya tulad ng makina na

kung saan napakalaki ng inaambag na tulong sa lipunan lalo na sa mga mag-aaral at mga

kabataan, at base sa mga nakalap naming mga detalye, maraming tao ang nag tatalo kung
makabubuti ba o makasasama ito sa lipunan. Ngunit marami ang nag sasabing nakasasama ito

ngunit marami din ang pabor dito dahil sa magandang pag-unlad.

Kongklusyon

Bilang konlusyon, napatunayan na Malaki ang konklusyon ng mga mag-aaral mula sa

Baitang 11 sa larangan ng teknolohiya. Napapadali ang mga gawaing naatasan sa bawat mag-

aaral. Tunay nga na ang mga teknolohiyang ito ay nakatutulong sa pang araw-araw na buhay ng

mga mag-aaral.

Tiyak na problema;

1. Madali at mabuting epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral?

2. Bakit mahalaga ang teknolohiya sa pag-aaral?

Rekomendasyon

Buong-pagppakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Mahalaga ang teknolohiya sapagkat madami itong naiambag at naitulong sa lipunan

lalo na sa pag aaral ng mga mag-aaral. Napapasama lamang ang teknolohiya dahil sa

pag-aabuso ng paggamit nito dulot na rin ng Internet. Nabibigyan nito ng sapat na

kakayahan ang mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman hindi lamang sa

pag-aaral pati sa ating lipunan.

b. Kung ang teknolohiya ay nasobrahan na sa paggamit lalo nas sa mga mag-aaral, mag

uudyok ito ng kawalang produktibo at pagiging tamad. Maaaring magamit ito sa hindi

tamang paraan.
c. Hinggil sa ating kaalaman Malaki ang epekto ng teknolohiyang hindi lamang sa mga

mag-aaral kundi sa lahat ng taong gumagamit nito.

Talaan ng mga sanggunian

www.academia.edu/16314885/Epekto _ng_Teknolohiya_sa_Pag-aaral_ng_Mag-aaral

kristalinahcielolawang.blogspot.com/?m=1

teknolohistangpinoy.wordpress.com

www.studymode.com/subjects/epekto-ng-makabagong-teknolohiya-sa-mga-kabataan-

page1.html

You might also like