1
I. PANIMULA
Ayon kina S. Kumar, S. Raghav (2007), possible nga ba para sa isang kabataan
o mag-aaral ang buhay na walang internet at mobile phones at iba pang makabagong
teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri na ng
pamumuhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Ang salitang teknolohiya ay
nanggaling sa salitang griyego na “technologia” na ang ibig sabihin ay “sistematikong
pagturing sa sining”, at kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga
imbento at gadyet na ginagamit ang kalian lamang natuklasan na proseso at
prinsipyong maka-agham. Ayon kay Henry Thoreau (1861), ang pag- unlad at paglawak
ng teknolohiya ay walang katapusan. Sa patuloy na paglawak at pag-unlad nito ay may
dalang pakinabang para sa mga kabataan at mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito
para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan ang mga
mag-aaral na ayon naman kay M. Underwood (2009).
Sa panahon ngayon isa sa pinakapangunahing papel ng teknolohiya ay ang
mapadali ang buhay ng mga tao sa tulong ng mga "gadgets" kagaya ng cellphone,
computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS,o router,mga kagamitan sa ating
tahanan kagaya ng washing machine, rice cooker, refrigerator, television, electric fan,
microwave oven at iba pa. Isa rin sa mga ambag ng teknolohiya sa ating komunidad ay
ang paggawa ng iba't-ibang uri ng sasakyan kagaya ng; kotse, motor, bisikleta, o tren
na siyang ginagamit ng tao sa kanyang pang araw-araw na buhay pagpasok sa trabaho
at sa eskwela.
2
Bilang nasa modernong panahon, naging kaagapay na din ng mga mag-aaral
ang teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Ang teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng
mapagkukuhaan ng impormasyon ng mga mag-aaral sa panahon ngayon sa
pamamagitan ng cellphone, laptop, computer, at ang internet na siyang mabisang
kasangkapan sa mga mag-aaral, ay nagiging mas madali ang pagkuha nila ng mga
impormasyong kakailanganin sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Bertllo (2011), sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag
ng teknolohiya. Sa katunayan, isa ito sa mga pangunahing paraan kung bakit
napapadali at mabisa ang pag-aaral kung kaya naman maraming mga mag- aaral ang
sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag - aaral. Ang teknolohiya rin ay
nagbibigay hindi lamang kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa kalibangan at
kaligyahan. Bukod sa telebisyon at radyo, nandyan rin ang mga home at handheld
consles (halimbawa. Playstation), mp3 players, ang cellphone, at syempre ang personal
computers at ang dala nitong digital miracle na nakakatulong ng malaki sa mga mag-
aaral.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong (a) malaman at mabatid ng mga
mambabasa ang kapwa positibo at negatibong epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng
mga mag-aaral sa makabagong panahon, (b) mailahad ang tatlong pangunahing gadyet
na pinakaginagamit o kinahihiligan ng mga mag-aaral, (c) maisa-isa ang tatlong
pangunahing aplikasyon na pinakaginagamit o kinahihiligan ng mga mag-aaral, at (d)
panghuli ay ang maipaliwanang ang uri ng pag-uugali ng nga kabataang nahihilig sa
paggamit ng tekknolohiya sa kanilang pag-aaral.
3
Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay makakatulong sa mga
mambabasa na malaman ang mga dahilan at kung paano maiiwasan o masulosyonan
ang mga epektong naidudulot na teknolohiya sa pag-uugali ng mga mag-aaral sa
kasalukuyang panahon para hindi ito makasagabal sa kanilang magiging kinabukasan.
II. PANLAHAT NA SULIRANIN
Binibigyang-pokus sa pag-aaral na ito ang tungkol sa mga epekto ng teknolohiya
sa patuloy na paghubog sa ugali o personalidad ng mga mag-aaral.
III. MGA TIYAK NA LAYUNIN
1. Matukoy at maipaliwanag ang mga epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng mga
mag-aaral sa makabagong panahon.
2. Mailahad ang tatlong pangunahing gadyet na pinakaginagamit o kinahihiligan ng
mga mag-aaral.
3. Maisa-isa ang tatlong pangunahing aplikasyon na pinakaginagamit o
kinahihiligan ng mga mag-aaral,
4. Maipaliwanang ang uri ng pag-uugali ng nga kabataang nahihilig sa paggamit ng
teknolohiya.
4
IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Kapakipakinabang ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod:
Mga Mag-aaral: Makakatulong ito ng malaki sa mga mag-aaral upang sila ay
magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa epekto ng teknolohiya sa kanilang pag-
uugali. Nagsisilbing instrumento ang pananaliksik na ito upang maging maalam ang
mga mag-aaral sa epektong dulot ng telnolohiya sa kanilang pag-aaral at paano ito
malilimitahan.
Mga Guro: Makakatulong ang pananaliksik na ito ay upang malaman at maunawaan ng
mga guro ang mga epekto ng teknolohiya nang sa gayong paraan ay malaman nila ang
dapat gawin upang magabayan ang mga mag-aaral at makapagpayo sa kung papaano
maging isang responsable sa paggamit ng teknolohiya.
Mga Magulang: Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang
malaman at maunawaan nila ang mga epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang
mga anak nang sa gayong paraan ay malaman nila ang dapat gawin upang magabayan
ang kanilang mga anak at makapagpayo sa kung papaano maging isang responsable
sa paggamit ng teknolohiya lalo na sa kanilang pag-aaral.
5
Mga Mananaliksik sa Hinaharap: Magsisilbi itong sanggunian sakaling magbalak
silang makasaliksik ng paksang nauukol dito. Ito'y maaaring mapagbabatayan at
makapagbibigay ng sapat na impormasyon sa susunod na pananaliksik.
V. PAGLALAHAD NG MGA DATOS
Ang henerasyon ngayon ay mas gusto ng pagbabago sa paraan ng kanilang
pamumuhay na maging madali at komportable at ang pinakamagandang pagbabago ay
ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya ayon kina S. Kumar, S. Raghav
(2007). Sa makabagong panahon ngayon malaki ang naitutulong ng teknolohiya
maging sa pang-araw-araw na buhay ng tao, lalong-lalo na sa pag-aaral. Malaki ang
naiambag ng mga makabagong teknolohiya sa madali at mabisang pag-aaral ng mga
mag-aaral kung kaya sila ay sumasangguni sa mga teknolohiya para sa kanilang pag-
aaral.
Ayon kay Bertllo (2011), sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag
ng teknolohiya. Sa katunayan, ang teknohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung
bakit ang pag-aaral ay naging madali, mabilis, at mabisa.
Ang mga sumusunod ay ang mga datos na aming nakalap na nagsisilbing
kasagutan sa aming mga layunin.
A. Matukoy at maipaliwanag ang mga epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng
mga mag-aaral sa makabagong panahon.
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na kung saan nakadepende na sa
teknolohiya ang mga gawain ng tao. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon,
6
marami ng mga makabagong teknolohiya ang umusbong para maging kasangkapan ng
tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay na may kalakip na epekto sa kanyang
pamumuhay. Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mag-
aaral ayon kay D. Chandler (2000). Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang
teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ito ay may
masamang epekto sa ating pamumuhay ngunit marami rin ang pabor na ang
teknolohiya aya isa sa nagpapa-unlad ng buhay ng tao.
Ilan lang sa mga mabubuting epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng mga mag-
aaral sa makabagong panahon ay:
a) mabilis ang pagkonekta sa mga tao na siyang naging dahilan ng mabilis na ang
pagresponde sa mga kaganapan. Kapag may mga pangyayari sa ating lipunan
ay mas mapapabilis na ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya.
b) Mas mapapalapit ang mga tao sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang
mga makabagong teknolohiya na siyang nagsisilbing tulay sa mga pamilyang
magkalayo na mas napapaigting nito ang kanilang relasyon.
c) Mas napapadali na ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng mga
makabagong teknolohiya na siyang ginagamit sa alinmang larangan na siyang
mabisang paraan para mas mapabuti at mapaganda ang pamumuhay ng mga
tao.
7
Ang mga kabataan ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto ng
teknolohiya kagaya ng:
a) Ang mga makabagong teknolohiya ay maaaring magamit sa karahasan, at lingid
sa ating kaalaman ay naglipana na ang mga krimen kagaya ng child trafficking at
cybersex crime sa ibat-ibang lugar na siyang isa sa mga isyung dapat lutasin ng
ating pamahalaan para matigil na ang pambibiktima sa mga menor de edad.
b) Isa pa sa negatibong epekto ng mga makabagong teknolohiya ay maaring
makasira sa pag-aaral dahil naaadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga
offline at online games na sa gayon ay napapabayaan na nila ang kanilang pag-
aaral.
c) Sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya sa ating lipunan ay nagiging
tamad na ang mga tao na maging ang mga maliliit na bagay o gawain ay
kanilang iniaasa sa teknolohiya.
d) Nakakasira ng kalusugan ang madalas na paggamit ng mga teknolohiya dahil sa
radiation. Maaring sumakit ang ulo sa matagal na pagkababad sa kompyuter o
alin mang mga gadyets.
Lubos ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon ngunit lagi nating tandaan na
hindi puro mabuti ang naidudulot nito sa atin. Kaya huwag nating abusuhin ang
paggamit ng mga teknolohiya at maging responsible sana tayong mga kabataan sa
pagbalanse ng paggamit ng mga teknolohiya.
8
B. Mailahad ang tatlong pangunahing gadyet na pinakaginagamit o kinahihiligan
ng mga mag-aaral.
Sa aming mga nakalap na datos, ang cellphone ang pangunahing gadyet na
pinakaginagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw araw na buhay, pumapangalawa ang
"computer at laptop" at pangatlo ay ang "tablet".
Ayon kay James (1953) ang cellphone ay maraming kahalahagan tulad ng isa
itong instrumento para magkaroon ng magandang komunikasyon ang bawat isa. Sa
labas ng mga bagong modelo nito ay mas napapaigting pa nito ang paggamit kagaya
ng pagkuha ng litrato, paglalaro gamit ang mga makabagong aplikasyon at online
games at iba pa, hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin mga matatanda sa
kanilang mga gawain kagaya ng pamimili online o online shopping para makatipid sa
oras. Madali itong gamitin at magaan itong dalhin na naging dahilan kung saan ito ang
pinakagamitin ng mga kabataan maging ng mga matatanda.
Sa mga kabataan ang pagkahilig nila na gumamit ng cellphone sa pang-araw-
araw na buhay ay isang normal na na pangyayari sa ating panahon ngayon. Higit silang
gumagamit ng cellphone sa kanilang pag-aaral para mas mapabilis at mapabisa ang
kanilang pangangalap ng impormasyon para sa kanilang mga proyekto at mga takdang-
aralin. Sa tulong din ng internet ay nagiging mas madali ang pangangalap ng mga
9
impormasyon ng mga mag-aaral kaysa sa pagpunta ng mga silid-aklatan na nakaka-
ubos ng oras at nangangailangan ng ibayong pasensya sa pangangalap ng mga
kakailanganin nila sa kanilang pag-aaral.
Ang pangalawa sa pinakaginagamit na gadyet ng mga mag-aaral ay ang
“computer at laptop”. Ang isang "computer o laptop" ay isang pangkalahatang paggamit
na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang
hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod sunod na mga
operasyon ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa
isang uri ng problema kaya malaking tulong ang naiambag ng "computer" sa mga mag-
aaral partikular na sa paggawa ng mga alituntunin at sa paglalahad ng mga
impormasyon at mga saliksik nila para sa kanilang klase sa pamamagitan ng internet
connection, maging sa trabaho at para sa personal na multimedia at kompyuter sa mga
bahay natin.
Maging ang "tablet" na siyang ikatlo sa pinakaginagamit ng mga mag-aaral ay
nakakatulong din dahil gumagana ito kagaya ng smartphone na may malaking iskrin at
kakayahang magpatakbo ng mga apps at maging isang paraan ng pagpasok sa internet
na siyang pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at pananaliksik.
C. Maisa-isa ang tatlong pangunahing aplikasyon na pinakaginagamit o
kinahihiligan ng mga mag-aaral.
Hinggil sa pinakaginagamit na aplikasyon nga nga kabataan sa panahon ngayon
sa kanilang mga gadyet ay ang "Facebook" na isang social networking site,
10
pumapangalawa ay ang "Google" na isang web search engine at pangatlo ay ang mga
"Gaming apps" na siyang pinakapatok sa mga kabataan ngayon.
Patok ang "'Facebook" na isang social networking website na libre ang pagsali at
pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya sa mga
kabataan sa henerasyon ngayon dahil maaaring makakonekta at makihalubilo sa ibang
mga tao gamit ang Facebook. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala
ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam
sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Higit paring tinatangkilik ng mg
kabataan ang Facebook dahil sa patuloy njtong pagdagdag ng mga bagong features na
kawili-wili sa mga kabataan. Ngayon, maari na silang makipag-usap habang
binibidyuhan ang kanilang sarili o video call at i-post ang kanilang ginagawa sa
kasalukuyan gamit ang nasabing aplikasyon.
Pumapangalawa ang "Google Search", karaniwang tinutukoy bilang Google Web
Search o Google lamang, na isang web search engine na pagmamay-ari ng Google Inc.
Ito ang pinakamadalas gamiting search engine o panghanap ng mga impormasyon at
datos sa World Wide Web na siyang mainam na pantulong sa mga mag-aaral sa kani-
kanilang pangangalap ng mga datos para sa kanilang pag-aaral sa mabisa at mabilis na
paraan na hindi na dapat pumunta sa mga silid-aklatan na siyang nangangailangan ng
matinding pasensya at oras.
Ang mga “gaming apps” na siyang patok sa mga kabataan ngayon ay isang laro
na nilalaro sa ilang uri ng aplikasyon na nasa mga gadyets. Ito ay halos palaging
11
gumagamit ng internet o katumbas na teknolohiya at kung ang teknolohiya ang
mayroon: modem bago ang internet, at hard wired terminal bago ang modem. Isa na
ditto ay ang paglawak ng online gaming na sumasalamin din sa pangkalahatang
pagbabago ng mga network ng computer mula sa maliit na local na network sa internet
at ang paglago ng internet mismo.
D. Maipaliwanang ang uri ng pag-uugali ng nga kabataang nahihilig sa paggamit
ng teknolohiya.
Hindi maitatanggi na madaming klase ng tao ang gumagamit ng iba t-ibang
makateknolohiyang aplikasyon. Ayon kay Havas Media Ortega, ang mga tao ngayon ay
may dalawang pamumuhay, ang totoong buhay at angvirtual na pamumuhay. Sa virtual
na pmumuhay,ang isang tao ay umuubos ng kanyang oras sa paglalaro, paggamit at
pagkonsumo ng napili niyang aplikasyon. Sa kabilang banda, ang totoong buhay naman
ay sumasaad sa mga normal na gawain ng isang tao sa pang araw araw na buhay.
Hindi lang buhay natin ang kayang hubugin ng teknolohiya, maari din nitong hubugin at
baguhin ang pamamaraan ng pag-iisip at maging ang ating ugali ayon kay Carr (2010).
Isang kadahilanan kung bakit maaaring magbago o maapektuhan ang
personalidad ng isang tao na gumagamit o nahuhumaling sa teknolohiya ay ang
kakayahan nitong padaliin ang buhay ng bawat tao. Maaaring mawalan ng gana
kumilos ang isang taodahil maaari naman gawin para sa kanya ng teknolohiya ang
kinakailangan niyang gawin. Isa pang maaaring kadahilanan ay ang kapabilidad nito na
magbigay ng madaming impormasyon sa taong naghahanap gamit ang internet.
12
Inilalahad sa bahaging ito ang mga nakalap naming datos ukol sa kung anong mga uri
ng pag-uugali ng mga kabataan na nahihilig sa paggamit ng mga pangunahing
makabagong teknolohiya gaya ng cellphone, computer at laptop, at tablet.
(a) Kadalasan ang mga kabataan kapag nasa bahay, ay madalas na nakaupo
lamang at gumagamit ng cellphone, laptop at computer o tablet at hindi
tumutulong sa mga gawing bahay. Nang dahil sa mga makabagong
teknolohiya ay nagiging tamad ang mga tao at hindi na nakakatayo sa sarili
nilang mga paa at umaasa nalang sa mga teknolohiya.
(b) Mas gusto nila ang tahimik na kapaligiran kaysa maiingay para
makapagkonsentrayt sila sa kanilang pinagkakaabalahan na gawin at pokus
sila sa kung ano man ang kinakailangang gawin sa araw na ito ay kanilang
magagawa dahil na rin sa tulong ng mga makabagong teknolohiya gaya ng
internet.
(c) Mas tahimik sila sa bahay kaysa maingay, at kapag mayroong mga panauhin
sa kanilang mga tahanan ay nahihiya silang bumati o magpakita dahil sanay
sila na makipag-chat o text nalang sa mga taong nakapaligid sa kanila.
(d) Nahihirapan silang makipag-usap sa mga taong hindi pa nila kilala dahil
masyado silang pokus sa birtwal na mundong ginagawa nila.
(e) Mahilig makipag kaibigan sa birtwal na paraan (online friends) sa mga taong
hindi naman nila kilala o lubusang kilala sa personal.
13
VI. KONKLUSYON
Sa bahaging ito inilalahad ng mga mananaliksik ang mga nakalap na mga datos
ukol sa pag-aaral ng suliranin ng pananaliksik.
Ang pagkalulong ng mga kabataan at mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya ay
may kambal na mga positibong epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral kagaya ng
pagiging mabilis ang pagkonekta sa mga tao na siyang naging dahilan ng mabilis na
ang pagresponde sa mga kaganapan. Kapag may mga pangyayari sa ating lipunan ay
mas mapapabilis na ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga
makabagong teknolohiya. Mas napapalapit ang mga tao sa pamamagitan ng
komunikasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya na siyang nagsisilbing tulay sa
mga pamilyang magkalayo na mas napapaigting nito ang kanilang relasyon. Mas
napapadali na ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng mga makabagong
teknolohiya na siyang ginagamit sa alinmang larangan na siyang mabisang paraan para
mas mapabuti at mapaganda ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit mag mga negatibong epekto din ang labis na pagkalulong sa mga
makabagong teknolohiya na lubos na makakaapekto sa mga kabataan kagaya ng ang
mga makabagong teknolohiya ay maaaring magamit sa karahasan sa pambibiktima sa
14
mga menor de edad. Isa pa sa negatibong epekto ng mga makabagong teknolohiya ay
maaring makasira sa pag-aaral dahil naaadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga
offline at online games na sa gayon ay napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral.
Nagiging tamad na ang mga tao na maging ang mga maliliit na bagay o gawain ay
kanilang iniaasa sa teknolohiya. Nakakasira din ng kalusugan ang madalas na
paggamit ng mga teknolohiya dahil sa radiation. Maaring sumakit ang ulo sa matagal na
pagkababad sa kompyuter o alin mang mga gadyets.
Sa aming mga nakalap na datos, ang “cellphone” ang pangunahing gadyet na
pinakaginagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw araw na buhay, pumapangalawa ang
"computer at laptop" at pangatlo ay ang "tablet" na kung saan nakadepende ang mga
mag-aaral sa pangangalap ng mga impormasyon para sa kanilang pag-aaral at maging
libangan kapag nababagot o pamapalipas oras.
Hinggil sa pinakaginagamit na aplikasyon nga nga kabataan sa panahon ngayon
sa kanilang mga gadyet ay ang "Facebook" na isang social networking site,
pumapangalawa ay ang "Google" na isang web search engine at pangatlo ay ang mga
"Gaming apps" na siyang pinakapatok sa mga kabataan ngayon na kung saan
maaaring makahubog sa kanilang pag-uugali at paraan ng pag-iisip sa mga bagay-
bagay.
Sa aming mga nakalap na mga datos ukol sa kung ano ang mga pag-uugali ng
mga kabataan na nahihilig sa paggamit ng mga pangunahing makabagong teknolohiya
15
ay nabatid namin na kadalasan ang mga kabataan kapag nasa bahay, ay madalas na
nakaupo lamang at gumagamit ng cellphone, laptop at computer o tablet at hindi
tumutulong sa mga gawing bahay na siyang nagiging dahilan ng pagiging tamad nila.
Mas gusto nila ang tahimik na kapaligiran kaysa maiingay para makapagkonsentrayt
sila sa kanilang pinagkakaabalahan na gawin at pokus sila sa kung ano man ang
kinakailangang gawin sa araw na ito ay kanilang magagawa dahil na rin sa tulong ng
mga makabagong teknolohiya gaya ng internet. Ang mga kabtaan ay mas tahimik sila
sa bahay kaysa maingay, at kapag mayroong mga panauhin sa kanilang mga tahanan
ay nahihiya silang bumati o magpakita dahil sanay sila na makipag-chat o text nalang
sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nahihirapan din silang makipag-usap sa mga taong
hindi pa nila kilala dahil masyado silang pokus sa birtwal na mundong ginagawa nila. At
ang pinakamadalas na gawain ng mga kabataan ay ang pagkahilig nilang makipag-
kaibigan sa birtwal na paraan(online friends) sa mga taong hindi naman nila kilala o
lubusang kilala sa personal.
VII.Rekomendasyon
Mula sa nakalap na datos, nirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod:
Para sa mga kabataan na nahihilig sa paggamit ng teknolohiya, dapat hasain nila
ang kanilang sariling limitahan ang paggamit nito sapagkat ito ay nagdudulot ng
labis na adiksyon na maaring makaapekto sa kanilang pag-uugali.
Para sa mga magulang, dapat gabayan nila ang kanilang anak at limitahan sa
labis na paggamit ng teknolohiya sapagkat ito ay huhubog sa kanilang mga pag-
uugali na maging isang tamad sa paggawa ng mga gawaing bahay, tahimik at
16
hindi palasalita dahil sa pagkokonsentrayt sa pagse-cellphone, at mas
binibigyang pansin ang kaibigan sa social media at hindi nabibigyang pansin ang
realidad.
Para sa mga guro, dapat nilang gabayan ang kanilang mga mag-aaral sa
paggamit ng teknolohiya sapagkat sila ang nagsisilbing pangalawang magulang
ng mga mg-aaral. Ang lahat ng oras ng mga mag-aaral ang kadalasang
naigugugol sa eskwelahan, kaya ito ay isang malaking opportunidad sa kanilang
maituro ang wastong paggamit ng teknolohiya
Para sa mga kabataang adik na sa paggamit ng teknolohiya, dapat gawin nila
itong isang paraan upang magriserts ng mga pupwede nilang makuha sa labis
na paggamit nito. Dapat sila ay maging maalam sa mga positibo at negatibong
naidudulot ng teknolohiya sa paghubog ng kanilang pag-uugali.
17
MGA SANGGUNIAN:
https://www.academia.edu/36195869/EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_SA_PAG-
UUGALI_NG_MGA_MAG-AARAL
https://www.academia.edu/33268489/EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_PATULOY_N
A_PAGHUBOG_SA_UGALI_PERSONALIDAD_NG_MGA_KABATAAN_MULA_SA_SE
NIOR_HAYSKUL_NG_IMMACULATE_CONCEPTION_ACEDEMY_DASMAÑAS
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kompyuter
https://prezi.com/m/ospz5xwfuhc3/benepisyo-ng-teknolohiya-sa-mga-estudyante/
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Facebook
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Google_Search
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Mobile_game
https://digitalcommons.brockport.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1259&context=ehd_theses
https://www.ukessays.com/essays/education/educational-technology-has-positive-
effects-on-students-attitudes-education-essay.php