You are on page 1of 27

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


DARAGA COMMUNITY COLLEGE
SALVACION, DARAGA ALBAY

”EPEKTO NG PAGGAMIT NG MGA GADYET SA AKADEMIKONG PAGKATUTO

NG MGA

MAG-AARAL NG UNANG TAON SA KOLIHEYO

SA DARAGA COMMUNITY COLLEGE, TAONG PANURUAN 2023-2024”

ISANG PANANALIKSIK PAPEL NA INIHARAP KAY


BILANG BAHAGI NG PANGANGAILANGAN PARA SA
ASIGNATURANG PANANALIKSIK 2: PANANALIKSIK SA FILIPINO

INIHARAP NINA:
JHON RAINIEL F. NOGRALES
JANETTE S. MORCOZO
NIKKHA D. NACIONAL
MARIEL M. NACOR
MAYLENE M. NAVARRO
FROWENELLE NOBELA

III BSED FILIPINO A

ENERO, 2024
MGA NILALAMAN
PAMAGAT PAHINA

Dahon ng Pamagat………………………………………………………………………………………..i

Mga Nilalaman……………………………………………………………………………………….……ii

Mga Nilalaman ……….………………………………………………………………………….


…….....iii
Mga Nilalaman ……………………………………..…………………………………………...
………..iv

Paghahandog at Pasasalamat…………………………………………………..………………………v

Kabanata 1
Panimula ………………………………………………………………………..........................1

Panimula …………………………………………………………………………………….……
2
Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………………………………….
…...2

Kahalagahan ng Pag-
aaral…………………………………………………….........................2

Kahalagahan ng Pag-
aaral…………………………………………………….........................3

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………………………….…
4
Saklaw at Delimitasyon………………………………………………………………………….4

Tala………………………………………………………………………………………………..5

Kabanata 2
Mga Kaugnay ng Literatura
Kaugnay na Literatura …………………………………………………………………………..6

Kaugnay na Literatura…………………………………………………………………….……..7

Kaugnay na Literatura …………………………………………………………………………..8


Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………….
…………..8
Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………………….
………………..9
Sintesis……………………………………………………………………………………………9

Sintesis………………………………………………………………………………………..…10

Konseptwal na Balangkas……………………………………………………………………..10

Konseptwal na Framework …………………………………………………………………11

Gap ng Pag-
aaral……………………………………………………………………………….11

Teoretikal na Balangkas…………………………………………………………………….
….12
Teoretikal
Framework…………………………………………………………………………..13

Tala………………………………………………………………………………………………14

Kabanata 3
Pamamaraan ng Metodolohiya……………………………………………………………….15

Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………………………………15

Mga Respondente……………………………………………………………………...………16

Instrumento ng Pananaliksik………………………………………………...……………..
….16
Tritment ng Datos……………………………………………………………………...……….16

Tritment ng Datos……………………………………………………………………...……….17

Tala……………………………………………………………………………………………....17
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula

Sa panahon ngayon ay lumaganap ang mga teknolohikal na mga kagamitan na

nagpapadali nang ating mga buhay, na kung saan ay ginagamit upang malutasan o

mas mapadali sa pamamagitan ng paggamiit ng mga teknolohikal na gadyets kagaya

na lamang ng cellphones,ipad, laptop at iba pa. Dahil sa mga ito ay mas napapadali

ang pagresolba sa ating mga problema kagaya na lamang sa mga mag-aaral, na

ginagamit ito sa kanilang akademikong pag-aaral, kung saan ay nakakakuha nang mga

impormasyon patungkol sa kanilang mga pinag-aaralan. Ito rin ay maaaring kagamitan

upang makapaglibang, maaaring ginagamit sa panonood ng mga bagay na maaaring

kagiliwan at maaaring matuto nang mga bagay-bagay.

Sa ating panahon ngayon, kapansin-pansin ang pag- unlad ng paraan ng

pamumuhay na ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi matatanggi na

kalimitan sa pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Ang teknolohiya o

aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong

at paglapat ng mga kasangkapan makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna

pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Sa simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang

dulot nito sa ating buhay subalit sa paglipas ng panahon dumarami ang ating mga
pangangailangan. Ito ang maging dahilan upang umisip ng paraan ang tao kung paano

matutugunan ang mga pangangailangang ito. Sa tulong ng makabagong teknolohiya,

nagbago ang pamamaraan ng ating buhay pati narin ang ating kapaligiran.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag

ng teknolohiya Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit

ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-

aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Iniuugnay sa mga imbentong kagaya na lamang nang gadyet na ginagamit nang

mga tao upang makakuha ng impormasyon. Ito rin ay kadalasang ginagamit nang mga

mag-aaral sa kanilang akademikong pag-aaral. Mga gadyet na naimbento kagaya na

lamang nang cellphone, laptop,kompyuter at iba pa.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o

nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay may

masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng gadgets

dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangkalahatang paglalahad ng suliranin ng pananaliksik ay isinagawa upang

matuklasan at masuri ang mga epekto ng paggamit ng gadyet sa mga mag-aaral at

kung anong mga gawain o hakbangin na dapat gawin upang ito ay lubos nilang

maunawaan. Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Epekto ng paggamit ng gadget

sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo sa Daraga

Community College” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin;


1. Ano-ano ang mga gadyet na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa

paaralan?

2. Ano ang mga epekto nang labis na paggamit ng gadyets sa pag-aaral sa

akademikong pagkatuto?

3. Ano ang mga mungkahing gawain sa paggamit ng mga gadyets upang mapabuti

o mapaunlad ang akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin nang pag-aaral na ito ay upang alamin ang epekto nang labis na

paggamit nang gadyet nang mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo sa kanilang pag-

aaral.Na matukoy ang mga nagiging pagbabagong nangyari sa kanilang akademikong

pag-aaral,gamit ang teknolohikal na gadget.

Layunin din naming na malaman ang konkreto at epektibong mga gawain o

hakbangin na maaaring isagawa gamit ang mga gadgets upang mapabuti at mapaunlad

ang akademikong pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay kakalap ng mga impormasyon na

makakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng karunungan kung ano ang magiging

epekto sa kanila nang labis na paggamit nang gadyet sa kanilang pag-aaral.

CHED

Makakatulong ito upang makapagbigay ng gabay at makakuha ng impormasyon tungkol

sa mga naging karanasan ng mga estudyante sa paggamit ng makabagong gadgyets.


Kurikulum

Makakatulong ito dahil maaaring maging isang gabay upang magkaroon nang

malawakang kaalaman sa posibleng paggamit ng mga mag-aaral sa kanilang

akademikong pagkatuto.

Sa Administrasyon

Magiging gabay ito upang makabuo sila ng polisiya at programa na tutugon sa

mga epekto ng paggamit ng gadget sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral

Sa mga Guro

Makakatulong ito upang maunawaan nila ang mga hamon na kinakaharap ng

kanilang mga estudyante dahil sa paggamit ng gadyet. Maaari rin silang makabuo ng

mga stratehiya upang makatulong sa kanilang mga estudyante na maging mas epektibo

sa kanilang pag-aral.

Sa mga Magulang

Magiging gabay ito upang sila’y maging mapagmasid at maunawaan ang

kanilang mga anak na nag-aaral. Makakatulong ito upang sila’y maging mas aktibo sa

paggabay at pangangalaga sa kanilang mga anak na nag-aaral

Sa mga Mananaliksik
Maaaring magsilbing pundasyon para sa mga susunod na mananaliksik na nais

mag-conduct ng mas komprehensibong pagsusuri hinggil sa epekto ng teknolohiya sa

pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sa mga Mag-aaral

Magiging gabay ito upang malaman nila ang mga posibleng epekto ng paggamit

ng gadyet sa kanilang pag-aaral. Makakatulong ito upang sila’y maging mas

responsable at mapanuri sa kanilang paggamit ng teknolohiya.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng paggamit ng Gadgets sa

Akademikong pag-aaral ng mag-aaral sa Unang taon sa Koliheyo sa Daraga

Community College. Saklaw din ng pag-aaral na ito kung ano- ano ang magiging

opinyon ng mga mag-aaral sa Unang taon sa Koliheyo sa Daraga Community College

kung ano ang mabuti at masamang epekto ng paggamit nila ng gadgets sa kanilang

akademikong pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay nilimitihan ang kanilang pag-aaral sa grupo ng mag-

aaral ng unang taon sa koliheyo. Sa pamamagitan nito ay mapapadali ang pagkakalap

ng mga nararapat na datos. Tatlumpung respondent ang pipiliin ng mga mananaliksik

na gumagamit ng gadgets ng mag-aaral ng daraga community college sa unang taon.

Maingat at mabisang susuriin ng mga mananaliksik ang positibo at negatibong epekto

ng paggamit ng gadget.
Tala 1

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/social-physiology/

pananaliksik-final-example/28901702

https://www.scribd.com/document/559436734/ANG-EPEKTO-NG-MGA-GADYET-SA-

PAG-AARAL-SA-MGA-MAG-AARAL-O-ESTUDYANTE-.
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Maaaring makapagbigay rin ng

higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik

upang magkaroon ng maraming kaalaman ang mga mambabasa, dahil narin sa ito ay

may koneksyon sa mga napapanahong isyu na maaaring makapagbigay rin ng

kaalaman at hakbangin patungkol sa mga teknolohikal na gingamit at mga epekto nito.

Lokal na literatura

Ayon kay Regondola G. (2015) Dahil nasa makabagong panahon na tayo,

ordinaryong tanawin na lamang ang mga gadyets tulad ng cellphone, tablets, ipad at iba

pa. hindi lang man kasi pakikipag-usap, ang layunin nito kundi paka pag research din.

Kailangan na kailangang ito ng mag-aaral dahil sa pamamagitan nito marami silang

matututonan. Sa isang click lamang ay malalaman mo agad ang mga sagot sa iyong

katanungan.

Ayon sa pag-aaral ni Jhonriel Aranas (2017), sa panahon ngayon ay namulat

na ang mga kabataan sa makabagong gadyet tulad ng smartphone, laptop, ipad at iba
pa. kaya lingid na sa ating kaalaman na bawat estudyante na pumapasok sa paaralan

ay may kanya-kanyang smartphone. Maraming estudyante ang bumabagsak sa klase

dahil ginagamit lang ito sa pagpapahayag ng saloobin ng mga indibidwal sa pang

komunikasyon sa mundo dahil ito na ang pinaka sikat na paraan ng pakikipag

komunikasyon sa ating henerasyon. Mas mapapadali na ng mga estudyante ang

paggawa ng mga thesis dahil sa tulong ng mga makabagong gadyet.

Ayon kay RadyoMaN( 2018), ang mga gadgets ay naging parte na ng ating

pamumuhay. Ito ay tinatawag na ring “needs”. Ginagamit ito mapa-bata man o matanda

upang maging libangan o di kaya ay makipag-komunikasyon. Ngunit hindi lingid sa

ating kaalaman, ang labis na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa ating

kalusugan

Ayon kay Jem Sagcal, Offcrowd (2018), Sinabi rin niya na may maganda at

hindi magandang maidudulot ang makabagong gadyets sa pag-aaral ngunit kailangan

lang kontrolin ng mag-aaral ang kanyang sarili sa paggamit ng mga ito. Ang

pampublikong edukasyon at ang mga gadyets ay mahirap ibigay lalo na kung saan

karamihan ng mga mag-aaral ay nabubuhay ng higit sa pang-araw-araw na paraan

Ayon kay Iblametorong (2018), Hindi dapat pabayaan ang labis na paggamit ng

gadget ng mga kabataan sapagkat may negatibong epekto ang labis na paggamit nito.

Maari nilang mapabayaan ang kanilang pag-aaral at maari rin na maapektuhan ang

kanilang kalusugan. Ngunit ang paggamit ng gadyet ay mayroon ding positibong

epekto, maaari itong makatulong upang mapalawak pa ang kanilang kaisipan. Kung

kaya’t mas makabubuti kung lilimitahan ang mga kabataan sa paggamit nito.
Ayon kay Jenny Rose D. Navarro (2019),Tunay na ang sistema ng edukasyon

sa ngayon ay sumasalamin sa ika dalawangpu’t-isang siglo, ang pangunahing

kagamitan ng mga mag-aaral ay kompyuter at mga makabagong gadyets na

nagpapabilis at nagpapadali ng paraan ng pag-aaral.

Ayon kay Dr. Ethel Agnes P. Valenzuela, (2020), Tayo ay nasa panahon ng

gadyets at digital, i-maximize natin ang lahat ng ito at patuloy na tumulong sa isa’t isa at

humanap ng mga sulosyon sa mga hamon na kinakaharap ng sektor ng edukasyon.

Dayuhan na Literatura

Ayon kay Shy (2014) na hindi maitatanggi ng sinuman ang katotohanan na ang

mga gadyets ay hindi lamng nag pa simple sa buhay ng mga tao kundi nagging mas

komportable at maluho. Sa kayunayan, ang mga gadyet na ito ay talagang gumawa ng

malaking epekto sa buhay ng mga tao at naging bahagi nito.

Ayon kay Tech Crates, (2015) ang mga gadyets ay isang maliit na kagamitan o

instrument na may particular na kapaki-pakinabang na layuninat tungkulin. Ang mga

gadyets ay may posibilidad na maging mas kakaiba o matalinong idinisenyo kaysa sa

normal na teknolohiya. Mas madaling magawa ang mga pang araw-araw na gawain at

nagagawa rin ng mga tao ang trabaho nang may kahusayan.

Ayon kay Greenfield (2016) ang gadyets sa pagdating ng panahon ay maaring

magkaroon ng malaking epekto sa mga mag-aaral dahil maraming mga site ang

naglalabas ng mga hindi magagandang imahe o hindi kaaya-ayang sa kanila.

Importante lang na maging marespeto sa pagkakaiba ng opinion ng tao.


Ayon kay Xavieroo (2019), “Electronic gadgets modifies the world. It is

now the most acquires by many. This will show the true power of electronically

gadgets.” Ito ay makapangyarihang kasangkapan na higit na nakakatulong sa isang tao.

Karamihan sa mga tao ay gumagamit na nito at hindi na ito mawawala sa pang araw-

araw na buhay ng isang tao. Ang mga mag-aaral ay kadalasang ginagawa ito bilang

isang kasangkapan upang mas mapadali at maging kapaki-pakinabang ang isang

Gawain na ninanais nilang gawin. Itoy higit na nakakatulong upang mas maging

epektibo at matiwasay ang isang bagay na kanilang isasagawa.

Ayon kay Perfect Writers, (2019) Ang gadyet ay nagsisilbing napakahalagang

bagay sa larangan ng edukayon upang mas mapalawig at mapaghusayan ang kanilang

mga abilidad at kaalaman. Ito ay napakahalaga sapagkat nahahasa nito ang galling at

kaalaman na maaaringmaging susui patungo sa matagumpay na hinaharap. Tunay na

nagbibigay ito ng lubos na tulong upang matugunan ang pangangailangan ng isang tao.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga kabataan ay higit na gumagastos ng maraming oras at pagkuha ng

impormasyon gamit ang mga gadyet.” Ang internet, cellphone, instant messaging at

mga larong pang video ay humahawak ng malaking porsyento sa araw-araw na buhay

at gawain ng mag-aaral. Ngunit napakaliit ng kaalaman tungkol sa kung ano ang mga

epekto ng kanilang personalidad. Jakson (2014)

Nilalayon ng Technology enhanced learning (TEL) na magdisenyo, bumuo at

sumubok ng mga sosyo-teknikal na inobasyon na susuporta at magpapahusay sa mga


kasanayan sa pag-aaral ng mga indibidwal at organisasyon. Samakatuwid ito ay isang

domain ng aplikasyon na karaniwang sumasaklaw sa mga teknolohiyang sumusuporta

sa lahat ng anyo ng mga aktibidad sa pagtuturo at pagkatuto. Dahil ang pagkuha ng

impormasyon (sa mga tuntunin ng paghahanap ng mga nauugnay na mapagkukunan

sa pag-aaral upang suportahan ang mga guro o mag-aaral) ay isang mahalagang

aktibidad sa TEL, ang pag-deploy ng mga sistema ng tagapagrekomenda ay nakakuha

ng mas maraming interes, Sinusubukan ng kabanatang ito na magbigay ng panimula sa

mga nagrerekomendang sistema para sa mga setting ng TEL, gayundin upang i-

highlight ang kanilang mga partikularidad kumpara sa mga nagrerekomendang sistema

para sa iba pang mga domain ng aplikasyon ( 2014).

Natuklasan ng isa pang pag-aaral na ang pagsasama ng teknolohiya at mga

talakayan ng panitikan na pinangungunahan ng mga kasamahan ay maaaring magdulot

ng mas mataas na pakikipag-ugnayan at pagganyak ng mag-aaral. Kasama sa

teknolohiyang ginagamit sa maliliit na grupong talakayan ng panitikan na ito ang mga

wiki, online literature circle, at online book club. Gamit ang mga teknolohiyang ito,

nakipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa mga mambabasa mula sa ibang mga

paaralan, estado, at maging sa ibang mga bansa. Ang ganitong uri ng teknolohiya ay

isang masuri at nakakaganyak na paraan upang ilantad ang mga mag-aaral sa iba pang

mga ideya at kultura. Ang mga online na talakayan sa literatura ay may kakayahang

lumikha ng isang pakiramdam ng komunidad at pagyamanin ang positibong pakikipag-

ugnayan sa lipunan (2014)

Nalaman ng pagsusuri sa epektinong paggamit ng teknolohiya para sa mga nasa

panganib na mag-aaral na ang pagpapalit ng mga guro ng nakabatay sa computer ay


karaniwang walang pakinabang sa pag-aaral.sa halip ang paghahalo ay humahantong

sa mas mataas na pakikipag-ugnayan at mga nadagdag sa pagkatuto (2014).

Ayon sa Filipino Juanbee (2014) inilahad nila ang mga positibo at negatibng

epekto ng gadgyets. Sa panahon ngayon nagkalat ang iba’t ibang makabagong

gadgyets sa ating mundong patuloy na umuunlad katulad ng gadyets na sikat sa mga

mag-aaral dahil sa pamamagitan ng gadyets ay makakagawa sila ng account sa

anumang sosyal networking site tulad ng facebook, twitter at iba pa.

Isang pag-aaral na isinagawa upang matukoy kung ang teknolohiya ng Wika ay

magpapahusay sa mga kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa isang kolehiyo sa

Ingles. bilang isang klase sa pagsulat ng wikang banyaga ay nagpakita ng mga

benepisyo sa paggamit ng teknolohiya ng Wiki. Ang mga mag-aaral ay inanyayahan na

sumali sa isang pahina ng Wiki kung saan sila ay magsusulat at mag-post ng 5 mga sipi

at pagkatapos ay basahin at tutugon ang mga sipi ng kanilang mga kaklase. Ang mga

mag-aaral na kalahok sa pag-aaral ay nag-ulat na ang kanilang pagtanggap ng agarang

feedback mula sa instruktor ay isang benepisyo ng paggamit ng ganitong uri ng

teknolohiya. Ang mga mag-aaral sa pag-aaral ay nag-ulat din ng pag-aaral ng

bokabularyo, pagbabaybay, at istruktura ng pangungusap sa pamamagitan ng

pagbabasa ng gawain ng kanilang mga kaklase (2015).

Ang Epekto ng Mobile Application sa Lipunan (2018, Enero),, ngunit ngayon

ang trend ay nagbabago dahil ang mga gumagamit ng mobile phone ay mas marami sa

bilang kumpara sa mga gumagamit ng computer. Dahil mas marami ang mga

gumagamit ng mobile phone, ang nagmemerkado ay nakaisip ng mobile application

para sa mga gumagamit ng mobile phone. Ang paggamit ng mobile application sa binuo
na bansa ay nagiging mataas na pasilidad para sa mga tao, sa gayon ang lipunan ng

umuunlad na bansa ay nag-a-update sa kanilang sarili at gumagamit ng bagong uri ng

imprastraktura ng IT, upang ma-access ang mga serbisyo ng mobile application.

Ngayon, napakaraming tao ang gumagamit ng mga mobile application para makipag-

ugnayan sa kanilang mga kaibigan, para sa pag-browse sa internet, pamamahala ng

nilalaman ng file, paggawa at paghawak ng dokumento, entertainment atbp.

Ang teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga

mag-aaral ng napapanahong mga kasanayan at napapanahong mga ideya at

pagtuklas. Ngunit Ngayon, nakikita natin ang mga inobasyon na hinahamon maging ang

mismong pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at mga ratio ng guro-mag-aaral.

Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay mapapakinabangan ng mga mag-aaral ngayon at

bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis, at mas madaling ma-

access.Sa isa pang artikulong sinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong 2016,

Maaari ding makinabang ang mga guro mula sa mga tool sa pag-aaral na hindi

nangangailangan ng tradisyunal na logistik at maraming materyales. Halimbawa,

Inilunsad ng DepEd ang Learning Resources Management and Development System

(LRMDS), isang portal para sa online na pagtuturo at mga materyales sa pagkatuto na

Nilikha ng mga guro at katuwang sa edukasyon Krista Garcia sa Rappler.com (2018

Sa pag-aaral ni Anna Detorres (2019), ang makabagong gadyets, sa panhon

ngayon ay may malaking tulong sa mga estudyante lalo na sa kanilang pag-aaral.

Napapadali ang kanilang mga gawain sa ibat’t ibang asignatura napapadali rin ang

kanilang pakikipag-uganyan sa iba’t ibang tao. Sa kabilang dako, nagiging bulag ang

mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa kanilang pag-aaral at pati narin sa
pag-uugali. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga

bagy na produkto ng makabagong gadyets, mga kinahihiligang mga larong online,

maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Mas napapagtuonan nila ng

pansin ang paglalaro ng iba’t ibang uri ng online games.

‘’ Sa edukasyon ang paggamit ng gadyets ay mas napapabilis at nagiging

organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon

para sa kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. ito’y

nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon’’

Lannnao, Mich Ysabel,(2019),

Lagom ng Sining

Ang pagsusuri sa epekto ng paggamit ng gadget sa akademikong pag-aaral ng

mag-aaral ay naglantad nang komprehensibong perspektiba sa kasalukuyang

edukasyunal na landskeyp. Ang paggamit ng gadgets ay nagdadala ng positibong

epekto sa pagpapa bilis ng access sa impormasyon at pagpapa-unlad ng digital na

kasanayan. Ngunit, may mga negatibong aspeto parin, tulad ng pagkakaroon ng

distraksyon at posibleng epekto sa kahandaan ng mag-aaral sa tradisyonal na paraan

ng pag-aaral, na kung saan maaaring magdulot nang hindi magandang pag-uugali dahil

narin sa sobrang paggamit ng kanilang gadyets. Sa kabuuan ay ang layuning ng

pananaliksik ay naglalayong magbigay ng masusing pagtingin sa epekto ng paggamit

ng gadgets sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo

sa Draga Community College, na nag-aambag sa mas malalim na pang-unawa at

posibleng pamamahagi ng mga rekomendasyon para sa edukasyon sa hinaharap.


Gap ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ipakita ang Epekto ng Paggamit ng Gadgets

sa Akademikong Pagkatuto ng mga mag-aaral ng Daraga Community College. Ang

mga kaugnay na pag-aaral na nakalap at sumusuporta sa paksang tinatalakay ay

makakatulong upang malutas ang suliranin ng pananaliksik. Ang nasabing pananaliksik

ay nakapokus lamang sa lahat ng mag-aaral ng nasabing paaralan. Sa pag-aaral na

gagawin lisa-isahin ang mga dahilan kung bakit ito kinahuhumalingan mga positibo at

negatibong epekto nito sa pisikal, mental, sosyal, at emosyonal na aspeto.

Teoritikal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito ay may paksang. “Epekto ng Paggamit ng Gadyet sa

akademikong pag-aaral nang mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo ng Draga

Community College na bibigyang modelo upang madaling maunawwan ang tutunguhin

ng pag-aaral na ito. Simula sa pananaw ni Jenny Rose D. Navarro 2019, tunay na ang

Sistema ng edukasyon sa ngayon ay sumasalamin sa ika dalawampu’t-isang siglo, ang

pangunahing kagamitan ng mga mag-aaral ay kompyuter at mga makabagong

teknolohiya na nagpapabilis at nagpapadali ng paraan ng pag-aaral. Ginamit ng

mananaliksik ang teoryang Technological Determinism, ang pag-unlad ng teknolohiya

ay maaarin maging pangunahing nagtatakda ng pagbabago sa lipunan

Ginagamit rin ang Cognitive Load Theory, na kung saan ang sobrang

impormasyon daw mula sa gadgets ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng mag-

aaral na magproseso ng mga bagong kasanayan. Ayon din sa Self-Determination


Theory, ang indibidwal ay may pangangailangan para sa autnomy, competence at

relatedness

Pigura 1. Paradaym ng Balangkas Teoritikal

Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng mga gadgets sa akademikong pag-aaral ay

napakahalaga. Kahit alam na natin na ang mga gadgets ay bahagi na ng pang-araw-


araw na buhay ng mga tao, mahalagang suriin pa rin ang impluwensya nito sa paraan

ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng isang batayang konseptwal na

balangkas ay nagbibigay-daan para sa mas maayos na pagsasagawa ng pananaliksik.

Ito ay nagbibigay ng estruktura at gabay sa mga mananaliksik upang mas maunawaan

at masuri ang mga epekto ng mga gadgets sa pag-aaral, mula sa mga positibong

impluwensya hanggang sa mga potensyal na hamon na maaaring maidulot nito. Ang

proseso ng pagtatasa at pagsusuri ay mahalaga upang magkaroon ng maliwanag na

pag-unawa at posibleng solusyon sa mga isyu na maaaring dulot ng paggamit ng mga

gadgets sa larangan ng edukasyon.

Pigura 2. Paradaym ng Balangkas Konseptwal


Mga Tala

https://rmn.ph/masamang-epekto-ng-mga-cellphone-at-gadget-sa-kalusugan/

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/agriculture/kaugnay-

na-literatura-tunhkol-sa-epekto-ng-teknolohiya/26807752

https://www.bantleby.com/essay/The-Impact-of-Application-on-Society.

https://www.scribd.com/document/400305913/78560106-Konseptwal-Framework-docx

https://www.scribd.com/document/437024443/Konseptwal-Na-Balangkas

https://www.scribd.com/document/559436734/ANG-EPEKTO-NG-MGA-GADYET-SA-

PAG-AARAL-SA-MGA-MAG-AARAL-O-ESTUDEYANTE-NG-GRADE-11

“FINAL-Epekto, NG Gadyets sa Pag-aaral PDF”

https://www.scribd.com/document/452413394/FINAL-Epekto-ng-Gadyet-sa-pag-aaral-

docx
Kabanata III
Pamamaraan at Metodolohiya
Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng

pananaliksik, respondent, instrumentong gagamitin, at istatistikal na tritment sa

pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ngmga mananaliksik upang

mabigyang katuparam ang layunin ng pag – aaral.

Pamamaraan ng Metodolohiya

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenya ng

pananaliksik, respondente ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na

tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga

mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinasagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya. Pinili

ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng

talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na

ang disenyong ginamit ay angkop para sa paksa sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng datos nat isinasagawa.

Nauunawaan ng mga mananaliksik na ang Descriptive Survey Research Design ay

nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado lamang ang kanilang


respondente. Ito ay sa kadahilanang hindi lamang sila nakadepende sa mga sagot sa

kanilang talatanungan kundi ay maaari rin silang magsagawa ng panayam upang

idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon.Ang mga mananaliksik ay

naniniwala na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong paglalarawan o deskriptibo

sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa kanilang isinasagawang pananaliksik.

Mga Respondente

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa paaralan ng Daraga Community

College kung saan tumutukoy Ang Epekto ng paggamit ng gadgets sa Akademikong

pag- aaral ng mag-aaral ng Unang taon sa kolehiyo sa daraga community college. Ang

mga ito ay nangalap ng tig-30 respondente sa Daraga community college Ang mga

taong sumagot sa sarbey ay nasa edad na labingwalong taong gulang pataas (18+) na

kung saan ang mga ito ay mga estudyante.

Istrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit nang talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay mahahati sa dalawang pangkat ang profile at ang sarbey ukol sa

paksang pinag-aaralan. Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa

katangian, aksyon o opinion ng grupo ng mga mag-aaral na binubuo ng iba’t ibang

estilong paghahanap.

Narito ang sipi ng survey questionnaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon

ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.


Tritment ng Datos

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap. Mula sa

talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik galing sa iba't ibang

bayan, gumamit ang mga mananaliksik ng mga sumusunod na tools ng istastika.

1. Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondente ayon

sa kanilang edad at kasarian.

FORMULA: P = f/n x 100

P = Porsyento

f = prikwensiya

n = kabuuang bilang ng mga respondente.

100 constant value

2. Average weighted mean ay ginamit para sa pagtatasa ng mga respondente paukol

sa kanilang mga sagot sa survey questionnaires.

FORMULA: Xfx/n

X = weighted mean

f = prikwensiya

n = kabuuang bilang ng mga kaso


Tala

https://www.studocu.com/ph/document/kingfisher-school-of-business-and-

finance/financial-accounting-2/kabanata-iii-final-research/15665381
Bibliography

https://rmn.ph/masamang-epekto-ng-mga-cellphone-at-gadget-sa-kalusugan/

https://www.bantleby.com/essay/The-Impact-of-Application-on-Society.

https://www.scribd.com/document/400305913/78560106-Konseptwal-Framework-docx

https://www.scribd.com/document/437024443/Konseptwal-Na-Balangkas

https://www.scribd.com/document/559436734/ANG-EPEKTO-NG-MGA-GADYET-SA-

PAG-AARAL-SA-MGA-MAG-AARAL-O-ESTUDYANTE-.

https://www.scribd.com/document/559436734/ANG-EPEKTO-NG-MGA-GADYET-SA-

PAG-AARAL-SA-MGA-MAG-AARAL-O-ESTUDEYANTE-NG-GRADE-11

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/agriculture/kaugnay-

na-literatura-tunhkol-sa-epekto-ng-teknolohiya/26807752

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/social

physiology/pananaliksik-final-example/28901702

https://www.studocu.com/ph/document/kingfisher-school-of-business-and-finance/

financial-accounting-2/kabanata-iii-final-research/15665381

You might also like