You are on page 1of 49

Ang Epekto ng Agwat Teknolohikal sa Akademiko ng mga Mag-

aaral sa Elementarya sa Panahon ng Pandemya

Isang Pananaliksik na iniharap para kay

Gng. MARIA ANGELICA S. LARAYA

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa

Asignaturang Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

(FILDIS)

Nina:

Bryan Blay

Valerie Myca L. Candor

Lance Frederick M. Dimaano

Criezel P. Malabanan

May 2022

i|P age
DAHON NG PAGTITIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang

Ang epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa

elementarya sa panahon ng pandemya

ay inihanda ng grupo mula sa IT 1204 bilang bahagi ng katuparan sa proyekto

sa asignaturang FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA.

Ang Pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa

pangangailangan ng asignaturang FILDIS.

G. MARIA ANGELICA S. LARAYA

PUNONG GURO

ii | P a g e
DAHON NG PASASALAMAT

Una at higit sa lahat, papuri at pasasalamat sa Diyos, ang Makapangyarihan, sa

Kanyang pagbuhos ng mga pagpapala sa kabuuan ng aming gawain upang matagumpay

na matapos ang pananaliksik. Nagiging realidad ang pananaliksik na ito sa mabait na

suporta at tulong ng maraming indibidwal.

Nais ipahayag ng grupo ang kanilang espesyal na pasasalamat sa kanilang guro,

si Ms. Maria Angelica Sison sa paggabay at pagbibigay ng pinakamahusay na payo

upang maging matagumpay ang proyektong ito at sa pagbibigay sa kanila ng

magandang pagkakataon na magsaliksik.

Nais din ng grupo na pasalamatan ang kanilang pamilya para sa paghihikayat

na tumulong sa kanila sa pagkumpleto ng proyektong ito. Ang pagpapahalaga at

pasasalamat ng grupo ay napupunta rin sa mga tao at kasamahan na kusang-loob na

tumulong sa kanilang mga kakayahan.

Kung wala sila, imposibleng maging matagumpay ang pag-aaral at puno ng mga

kabiguan. Dahil sa kanila, ginawa nilang hulma at inspirasyon ang proponent sa

paggawa ng pag-aaral na ito.

iii | P a g e
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT.…………………………………………………………………………… i

DAHON NG
PAGTITIBAY………………………………………………………………………….ii

DAHON NG

PASASALAMAT……………………………………………………………………...iii

TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………iv

TALAAN NG TALAHANAYAN…………………………………………………….vi

TALAAN NG PIGURA……………………………………………………………….vi

ABSTRAK…………………………………………………………………………….vii

KABANATA I: PANIMULA AT KALIGIRAN NITO…………………………….1

PANIMULA…………………………………………………………………...1

LAYUNIN NG PAG-AARAL………………………………………………...3

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL………………………………………..3

SAKLAW AT LIMITASYON………………………………………………...5

DEPINSYON NG MGA TERMINOLOHIYA………………………………..6


KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL.8
SALIK NG AGWAT TEKNOLOHIKAL………………………………8
KAALAMAN SA PAGGAMIT NG
TEKNOLOHIYA NG MGA ESTUDYANTE………………………….9
EPEKTO NG ONLINE CLASS SA
AKADEMIKO NG ESTUDYANTE…………………………………...10
MGA TANDA NG MAGANDANG AKADEMIKO
PERFORMANCE NG ESTUDYANTE………………………………...11
SINTESIS………………………………………………………………..12
BATAYANG TEORITIKAL KONSEPTWAL………………………….13
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK…………14
DISENYO NG PANANALIKSIK……………………………………….14
MGA RESPONDENTE………………………………………………….14
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK………………………………..15
TRITMENT NG MGA DATOS………………………………………….16

iv | P a g e
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTEPRETASYON
NG MGA DATOS……………………………………………………………..17
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON,
AT REKOMENDASYON…………………………………………………….33
LAGOM………………………………………………………………...33
KONKLUSYON………………………………………………………..33
REKOMENDASYON………………………………………………….34

BIBLIOGRAPY………………………………………………………………...35
APPENDICES…………………………………………………………………..38

v|P age
TALAAN NG TALAHANAYAN

TABLE 1. DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE…………………….15

TALAAN NG PIGURA

GRAP 1. DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE

AYON SA BAITANG………………………………………………..17

GRAP 2. PANSARILING ASSESSMENT NG RESPONDENTE

SA KANILANG KAALAMAN SA PAGGAMIT

NG TEKNOLOHIYA………………………………………………...18

GRAP 3. KARANASAN NG RESPONDENTE SA KANILANG

INTERNET KONEKSYON HABANG ONLINE CLASS…………..19

GRAP 4. KAWALAN NG MOTIBASYON NG RESPONDENTE

SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA………………………………20

GRAP 5. SITWASYON NG INTERNET NG MGA RESPONDENTE

DAHIL SA KANILANG LOKASYON………………………………21

GRAP 6. KAKULANGAN SA PERA NG RESPONDENTE

SA PAMBILI NG GADGET………………………………………….22

GRAP 7. SITWASYON NG MGA RESPONDENTE SA KAALAMAN

SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA UPANG

MAKAPAG-ARAL……………………………………………………23

GRAP 8. KASANAYAN NG MGA MAG AARAL UKOL

SA PAGGAMIT NG GADGET………………………………………..24

GRAP 9. HINDI SAPAT NA INTERNET O DATA SA

SA PAGTUGON SA KAALAMAN NG MGA

MAG-AARAL………………………………………………………..25

vi | P a g e
GRAP 10. KAWALAN NG MOTIBASYON DULOT NG MAHINANG

DATA CONNECTION O INTERNET SA MGA

MAG-AARAL…………………………………………………..26

GRAP 11. KALAGAYAN NG MGA RESPONDENTE SA

PAGPAPASA NG KANILANG ACTIVITY…………………..27

GRAP 12. PAGKAKAROON NG MAS MADALING ACCESS

SA INTERNET………………………………………………….28

GRAP 13. KALAGAYAN NG MGA RESPONDENTE SA

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA…………………………….29

GRAP 14. MGA RESPONDENTE NA NAHIRAPAN MAKABILI

NG GADGET SA KADAHILANANG NAWALAN

NG PINAGKUKUNAN NG PERA…………………………….30

GRAP 15. MGA RESPONDENTENG NAHIRAPAN SA

PAG-AADJUST SA MAKABAGONG PARAAN

NG PAG-AARAL……………………………………………….31

GRAP 16. MOTIBASYON NG MGA RESPONDENTE SA

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA

ONLINE CLASS………………………………………………32

vii | P a g e
ABSTRAK

Dahil sa pandemya na COVID-19, napilitan ang bawat eskwelahan na ipatupad

ang online learning kung saan ang bawat estudyante ay mag-aaral sa kani-kanilang

bahay gamit ang kanilang mga teknolohiya. Subalit, hindi lahat ng mga mag-aaral

lalo na sa elementarya ang may kakayahan na gumamit ng teknolohiya—At dito

papasok ang isyu ng agwat teknolohikal. Upang malaman ang epekto ng agwat

teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya, ang mga

mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv na pag-aaral at simple random sampling

design. May kabuuang 60 mag-aaral sa elementarya nagsilbing mga respondente

ng pag-aaral, sa pamamagitan ng straktured na sarbey na ang mga katanungan ay

close-ended. Ang mga datos na nakalap ay dadaan sa analisis sa pamamagitan ng

pagtatally at pagkuha ng porsyento. Dahil dito, pinapakita na lubos na naapektuhan

ang akademiko ng mga estudyante dahil sa agwat teknolohikal na lalong lumala

dahil sa pandemya.

Keywords: Agwat teknolohikal, Mag-aaral sa elementarya, Teknolohiya,

Akademiko, Pandemya

viii | P a g e
KABANATA I

PANIMULA AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa labis na pagdami ng nagkakaroon ng sakit na coronavirus (COVID-19), ang

virus na ito ay nakapag dulot na ng napakalaking pinsala sa buong mundo. Sa

pagkakaroon ng mahigit 3.67 milyon na naitalang kaso ng COVID sa Pilipinas,

napilitan ang gobyerno na magpatupad ng mga mahigpit na alituntunin, partikular na

ang social distancing at home quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Upang

mapigilan ang pagkalat ng virus, naging limitado na lamang ang maaring gawin ng

bawat isa. Dahil dito, napilitan ang mga paaralan sa buong mundo na itigil ang

pagsasagawa ng on-site na klase upang masunod ang mga alituntunin ng gobyerno

(Toquero, 2020). Tila nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat halos

lahat ng nagaganap sa silid-aralan ay biglang naging virtual. Sa ngayon, ang mga

estudyante ay nakikipag ugnayan na lamang sa kanilang guro sa pamamagitan ng

teknolohiya katulad ng selpon, laptop, at komputer.

Ngunit, hindi lahat may kakayahan na maka-access sa bawat teknolohiya at

dahil dito maaaring hindi na magtuloy ng pag-aaral ang mga estudyante. Partikular na

rito ang mag-aaral nasa elementarya pa lamang. Sa kadahilanan ng kanilang edad, hindi

pa sapat ang kanilang kaalaman sa paggamit ng teknolohiya o kaya naman wala silang

sapat na internet upang maisagawa ang virtual na pag-aaral. Sa suliranin na ito

pumapasok ang tinatawag na agwat teknolohiya. Ayon kay Van Dijk (2020), ang agwat

teknolohiya ay isang dibisyon sa pagitan ng mga taong may kakayahan sa paggamit ng

teknolohiya at sa mga taong walang kakayahan sa paggamit nito. Tinatayang na ang

naapektuhan sa agwat teknolohikal ay 52% ng babae at 42% ng lalaki sa buong mundo

1|P age
(Iberdrola, 2021). Bilang karagdagan, ang mga sanhi na nagdudulot ng agwat

teknolohiya ay kinabibilangan ng sosyo-demograpiko, katayuang sosyo-ekonomiko, at

geographic na lokasyon (sun, 2011). Dahil dito, nalilimita ang kaalaman ng mag-aaral

sapagkat hindi sapat ang kanilang kaalaman sa paggamit ng teknolohiya na kailangan

upang makapag-aral nang virtual.

Sa pagsiklab ng COVID-19, ang pakikibagay ng mga mag-aaral sa online

learning ay lubhang mahalaga para sa kalidad ng isinasagawa nilang pag-aaral.

Gayunpaman, hindi maikakaila na maaring naapektuhan ang akademiko ng bawat

estudyante. Sa kadahilanan ng ilan sa mga mag-aaral ay hindi marunong sa teknolohiya,

maari rin na maging hindi sapat ang kanilang pinag-aaralan. Kung kaya’t sa

pamamagitan ng pag-alam ng epekto ng agwat teknolohiya sa akademiko ng estudyante

sa elementarya, maaring magkaroon ng solusyon upang mapunan ang agwat na dulot

ng agwat teknolohiya. Bukod dito, ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa taong 2022.

Ang mga kalahok sa pangangalap ng datos ay ang mga estudyante sa elementarya sa

pamamagitan ng simple random sampling design. Sa pamamagitan nito, magkaroon ng

pantay pantay na pagkakataon sa paglahok sa pananaliksik. Bilang karagdagan, ang

mga datos ay makakalop sa pamamagitan ng survey at interbyu. Bilang pangwakas, ang

pag-aaral na ito ay may layunin na malaman ang epekto ng agwat teknolohikal sa

akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya

2|P age
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na pinamagatang “Ang epekto ng agwat teknolohikal sa

akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya” ay naglalayong

sagutin ang mga sumusunod:

1.) Ano ang sanhi ng agwat teknolohikal sa mga mag-aaral sa elementarya sa

panahon ng pandemya?

2.) Ano ang epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa

elementarya sa panahon ng pandemya?

3.) Paano naapektuhan ng pandemya ang agwat-teknolohikal?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing tulay upang malaman ang epekto ng

agwat teknolohikal sa akademikong pagganap ng mga mag aaral sa elementarya sa

panahon ng pandemya. Inaasahan na sa tulong ng pananaliksik na ito, ay malaman nila

ang mga salik na nagiging sanhi sa pagkakaroon ng agwat teknolohikal sa mga mag

aaral higit lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang pananaliksik na ito ay maaaring mga benepisyo sa mga sumusunod:

Mag aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa bawat mag aaral sa paraan na

maaari silang magkaroon ng kaalaman hinggil sa suliraning agwat-teknolohikal at ang

epekto nito sa kanilang akademiko.

3|P age
Guro

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro sa paraan na maaari

nilang malaman ang mga salik na pinagmulan ng pagkakaroon ng agwat teknolohikal

sa mga mag aaral ng elementarya. Bukod dito, maari silang makahanap ng solusyon sa

kung paano nila matutulungan ang kanilang estudyante upang maiwasan ang suliraning

ito.

Mga Magulang

Ang pag aaral na ito ay makakatulong na ipabatid sa mga magulang ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng teknolohiya sa akademikong paggamit ng kanilang

mga anak lalo sa panahon ng pandemya. Bilang karagdagan, magiging mulat din sila

sa kung paano nila matutulungan ang kanilang anak sa paglutas ng agwat teknolohikal.

Paaralan

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa paaralan na matukoy ang mga

hamon hinggil sa agwat teknolohikal na kinakaharap ng mga mag aaral sa panahon ng

pandemya. Bukod dito, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari silang makapag-

isip ng iba’t ibang estratehiya upang matulungan ang mga mag-aaral sa problemang ito.

Gobyerno

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa gobyerno sapagkat dahil

dito, maari silang makalikha ng iba’t ibang programa upang maresolba ang problema

sa agwat teknolohikal.

4|P age
Susunod na mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga susunod na mananaliksik sa

paraan na maaring gamitin ito bilang batayan sa kanilang magiging pananaliksik

tungkol sa agwat teknolohikal.

SAKLAW AT LIMITASYON

Sa kadahilanan ng pandemya na ito, maraming nagbago at kabilang na rito ang

makabagong paraan ng edukasyon. Kung kaya’t ang malaman ang epekto ng agwat

teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya

ang pangunahing dahilan ng pananaliksik na ito. Sa kabilang banda, ang pananaliksik

na ito ay hindi saklaw ang mga impormasyon sa kung paano mabibigyan solusyon ang

agwat teknolohikal na nararanasan ng mga mag-aaral sapagkat ang pag-aaral na ito ay

nakatutok lamang sa pag alam ng epekto nito sa kanilang akademiko.

Ang mga mag-aaral sa elementarya ang saklaw ng pag-aaral na ito sapagkat sila

ang kalimitan nakakaranas ng agwat teknolohikal dahil sa kanilang murang edad.

Bukod dito, gagamitin ang simple random sampling design sa pagpili ng mga

respondente. Mayroong kabuuang animnapu (60) respondente. Sampung (10) mag-

aaral sa bawat baitang sa elementarya mula baitang una hanggang anim. Bilang

karagdagan, ang mga datos ay makakalap sa pamamagitan ng survey kwestyuner.

5|P age
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Agwat teknolohikal. Isang dibisyon sa pagitan ng mga taong may kakayahan sa

paggamit ng teknolohiya at sa mga taong walang kakayahan sa paggamit nito Van Dijk

(2020). Ito ay gagamitin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy kung paano

naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa elementarya.

Akademiko. Tumutukoy sa edukasyon, pagiging iskolar, o pag-aaral na nagbibigay ng

pokus sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral sa mga praktikal o teknikal na paksa (Ki, 2018).

Ito ay gagamitin sa pag-aaral sa upang matukoy kung naapektuhan ba ng agwat

teknolohikal ang mga estudyante sa usapin ng akademya.

COVID-19. Isang sakit na dulong ng bagong strain ng coronavirus. Ang ibig sabihin

ng ‘CO’ ay corona, ‘VI’ para sa virus, at ‘D’ para sa sakit. Ang dating tawag sa sakit

na ito ay “2019 novel coronavirus” o “2019-nCoV.” Ang COVID-19 virus ay isang

virus na kaugnay sa parehong pamilya ng mga virus na severe acute respiratory

syndrome (SARS) at ilang uri ng mga karaniwang virus na nagdudulot ng sakit (Bender,

2020). Ito ay gagamitin sa pag-aaral bilang isang salik na nagpalala ng agwat

teknolohikal

Heograpikong lokasyon. Tumutukoy sa lugar kung saan umiiral ang isang parikular

na bagay. Ilang halimbawa nito ay ang kagubatan at kapatagan. Ito ay gagamitin sa pag-

aaral bilang isang sanhi na nakakapag resulta ng agwat teknolohikal.

Home Quarantine. Ito ay pananatili sa bahay at pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa iba

kung ikaw ay nagkaroon, o nalantad sa, isang nakakahawang sakit, hanggang sa

matapos ang nakakahawang panahon ng sakit, o hanggang sa malaman mo na hindi ka

nagkaroon ng sakit na mayroon ka nalantad. Nakakatulong ang quarantine na

6|P age
mapabagal ang pagkalat ng impeksyon sa isang populasyon (Victoria State

Government, N.D). Ito ay gagamitin sa pag-aaral isa sa kinikilalang sanhi na

pagkakaron ng agwat teknolohikal.

Online Learning. Edukasyon na nagaganap sa Internet. Madalas itong tinutukoy bilang

"e- learning" bukod sa iba pang mga termino. Bukod dito, ito ang pag-aaral na

nagaganap sa kani-kanilang bahay at hindi sa tradisyunal na silid-aralan (Stern, N.D).

Ito ay gagamitin sa pag-aaral ukol sa kung ano ang nangyayari ngayon sa estudyante

dulot ng pandemya.

Pandemya. Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na nakakaapekto sa

maraming tao sa sa buong mundo (RedCross, N.D). Ito ay gagamitin sa pag-aaral bilang

isa sa mga nakakaapekto kung bakit patuloy na lumaganap ang agwat teknolohikal.

Sosyo-demograpiko. Ang mga katangian tulad ng edad, kasarian, etnisidad, antas ng

edukasyon, kita, uri ng kliyente, mga taon ng karanasan, lokasyon (Dobronte, 2016).

Ito ay gagamitin sa pag-aaral bilang isang sanhi na nakakapag resulta ng agwat

teknolohikal.

Teknolohiya. Isang bagay na makakatulong upang magawa ang mga bagay na ninanais

ng tao (Leon, 2013). Ito ay gagamitin sa pag-aaral bilang isang instrumento upang

maisagawa ang online learning ng mga estudyante.

Virtual. Isang online learning environment, sa anyo ng web-based, portal o software

(Sohibun, S., & Ade, F. Y. 2017). Ito ay gagamitin sa pag-aaral ukol sa kung paano

nakikipag komunikasyon sa kanilang guro ang mga estudyante at kung paano sila

nakakapag-aral.

7|P age
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga literatura at mahahalagang pag-aaral

na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik. Ang bahaging ito ay kinabibilangan

ng kaugnay na pag-aaral, kaugnay na literatura, synthesis, at batayang

teoretikal/konseptwal.

Salik ng Agwat teknolohikal

Sa mabilis na pag-unlad ng dami ng mga birtual na teknolohiya, ay ang pagtaas

din dapat ng pangangailangan ng tao upang dagdagan ang kaalaman sa paggamit nito.

Gayunpaman, ang patuloy na pagtaas ng kalidad nito ay nagbibigay-daan din upang

malaman ang mga desbentaha na dulot ng hindi pagkakaroon ng kaalaman ng tao sa

teknolohiya at sa kung paano ang bawat isa nagkakaroon ng access dito. Ang dalawang

puwang sa pagitan ng dalawang demograpiko ay nagpapakita ng penomena tungkol sa

agwat teknolohikal; na tinutukoy ni Ragnedda at Muschert (2015) bilang “ang

kombinasyon sa pagkakaroon ng access at sa kaalaman sa paggamit ng internet.” Ang

mga konsepto at teorya tungkol sa agwat teknolohikal ay nakakapagbigay ng

pangkalahatang ideya sa kung paano ito nakakaapekto sa akademikong performance ng

mga estudyante. Bukod dito, ang agwat teknolohikal ay nakakaapekto sa akademikong

performance ng mga mag-aaral sapagkat nililimitahan nito ang mga gamit at materyales

ng mga estudyante upang sila ay matuto. Gayundin, ayon sa pag-aaral ni Metros (2014),

ang agwat teknolohikal ay hindi lamang nakakaapekto sa pag-access ng mag aaral sa

mga resources ng institusyon, kundi nakakaapekto rin ito sa pagkakataon nila na

gumamit ng teknolohiya. Samakatuwid, isang pag-aaral ni Lan Fang et al. (2019)

iminungkahi nito na ang edad ay ang pangunahing dahilan ng agwat teknolohikal;

8|P age
kasama ang iba pang sanhi katulad ng generational status, kita ng bawat isa, kasarian,

heograpikong lokasyon, at edukasyon. Dito sa mga salik na nabanggit nagmumula ang

kawalan ng accessibility o kawalan ng kakayahan ng isang indibidwal na gamitin ng

maayos ang mga birtual na teknolohiya.

Kaalaman sa paggamit ng teknolohiya ng mga estudyante

Ayon sa pag-aaral ni Roque (2015), Mahalagang may kaalaman sa paggamit ng

teknolohiya ang mga estudyante lalo na kung meron silang importanting hinahanap o

research dahil madali itong hanapin sa computer o internet. Ito ay mahalaga sapagkat

magagamit ang kompyuter sa pag-aaral dahil mas mapapalawak nito ang ating

kaalaman. Samantala, isinaad naman ni Abante (2018) sa kanyang pag-aaral na sa

kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ito

ang pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay naging madali at mabisa, kung

kaya naman marami sa mga mag-aaral ngayon ay sumasangguni sa teknolohiya sa

kanilang pag aaral. Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at

libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa personal computer, cellphone at dala nitong

internet. Ayon naman sa pag aaral ni Crisostomo et al. (2018), sa makabagong panahon

dinesenyo ang kompyuter upang mas mapagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral, mas

napapadali ang ginagawang pag-aaral at pananaliksik. Makikita rin na maraming mag-

aaral ang mayroong kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Dahil dito,

mas nagiging kapana-panabik at masaya ang talakayan sa loob ng silid aralan.

9|P age
Epekto ng Online Class sa akademiko ng estudyante

Taong 2020 ng biglang lumaganap ang pandemyang bunga ng nakakahawang

sakit na Coronavirus Disease 2019 (Covid 19) kung saan ay nagdulot sa mga tao ng

labis na pangamba. Upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng nasabing virus, ilang

mga panukala o protocol ang ipinatupad ng sa gayon ay hindi na lalong dumami pa ang

bilang ng nahahawa at nagkakasakit. Isa dito ang pag limita na lumabas ng kanilang

tahanan ang mga edad labing-walo (18) pababa at animnapu (60) pataas sapagkat sila

ang may malaking posibilidad na mabilis mahawa at makahawa nito. Isa ang sektor ng

edukasyon na lubhang naapektuhan ng suliraning ito, kaya't bilang solusyon ng

Kagawaran ng Edukasyon, ay naisip nilang mag kompromiso sa virtual learning sa

tulong ng makabagong teknolohiya. Kaakibat ng resolusyon na ito ang pag

pagsasagawa ng Online class bilang bahagi ng makabagong sistema sa edukasyon na

kabilang sa tinatawag na new normal.

Ang online learning, ayon kay Narayanan, S. (2016), ay may mahalagang papel

sa sistemang pang-edukasyon ng bansa. Lumabas sa pag-aaral ni Croxton (2014) na

maraming mga mag-aaral ang pumili ng online learning sapagkat nagbibigay ito sa

kanila ng higit na kakayahang umangkop at magbigay partisipasyon, magdulot ng

kaginhawaan, at mas madaling pag--access. Samantala, upang patuloy na matugunan

ang akademikong pangangailangan ng mga estudyante, ang mga pribadong institusyon

pang-edukasyon ay ginawang pamamaraan ang paggamit ng mga online web

applications katulad ng Google Meet, Zoom, Google Classroom, Microsoft Teams, at

iba pa. Sa tulong ng mga nasabing aplikasyon ay nagagawa pa ring ituro o talakayin sa

epektibong paraan ang mga aralin sa kabila ng kawalan ng presensya ng mga guro at

kakulangan ng mga materyales ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

10 | P a g e
Sa kabilang banda, ayon sa pag aaral ni de Haas et al., (2020), hindi maikakaila

na ang mga mag-aaral sa pangkalahatan ay madalas nagpapakita ng hindi gaanong

kasiyahan sa online learning sa gitna ng pandemya, sa kadahilanang nami-miss nila ang

interaksyon at sosyal na aspeto sa kanilang akademikong karanasan. Bukod dito, kahit

na ang impormasyon ay madali nang makuha sa internet at ang mga kaalaman ay

patuloy na lumalaki at nadagdagan, nagiging daan ang online learning sa pagkakaroon

ng limitasyon sa pangkalahatang mga karanasan sa pagkatuto ng mag-aaral tulad ng

pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag aaral at guro, praktikal at hands-on na aktibidad,

at access sa mas maraming espasyo at pasilidad sa pag-aaral.

Ayon kina Jelińska & Paradowski (2021), ang mga masamang epekto na dulot

ng kawalan ng interaksyon na nakasanayan ng mga mag aaral ay nakumpirma sa

pamamagitan ng pang-unawa ng mga guro sa emosyonal at akademikong kahirapan ng

kanilang mga mag-aaral sa pandemya. Higit pa rito, ayon kina Kapasiaa et al.,(2020),

ang ilang mga mag-aaral ay nahaharap sa mga problema katulad ng mahinang

koneksyon sa internet sa ilang lokasyon at hindi magandang kapaligiran upang

makapag pokus sa pag aaral.

Mga tanda ng magandang akademiko performance ng estudyante

Hindi madali matuklasan kung ang mag-aaral ay may maayos na akademikong

performance sa kanilang paaralan lalo na kung sila ay nasa online na pag-aaral.

Gayunpaman, ang bawat estudyante ay may kanya kanyang paraan upang ipakita kung

sila ba ay mayroong maayos na akademikong performance. Ayon sa MIT Vishwashanti

Gurukul (n.d), Ang isang mag-aaral na mayroong maayos na mataas na antas ng IQ at

11 | P a g e
mayroong positibong katangian ng personalidad. Bukod dito, binigyang diin ni Gurukul

na maituturing ang bawat estudyante na may mabuti na akademikong performance ay:

I. Disiplina sa sarili

II. Masipag

III. May tiwala sa sarili

IV. Responsable

Sintesis

Sa bahaging ito ay inilahad ng mga mananaliksik ang buod ng pahayag mula sa iba't

ibang manunulat tungkol sa epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-

aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya. Bilang pagtugon sa pang edukasyong

pangangailangan ng mga mag aaral sa gitna ng sistemang new normal, ang teknolohiya

ang naging daan upang patuloy na magabayan ang mga ito at hindi matigil ang kanilang

pagkatuto. Bagaman mayroon ilang mga aspeto na nakakaapekto sa edukasyonal na

proseso ng mga mag aaral na dulot ng agwat teknolohikal, ay hindi ito magiging daan

sa paglimita ng pagtuklas sa mas malawak na kaalaman na maaaring nilang matutunan.

Nagkaroon man ng pagbabago ay naging oportunidad ito para sa mga mag aaral na

lumipat sa makabagong teknolohiya mula sa tradisyunal na paraan ng edukasyon at

tumuklas ng bagong karunungan.

12 | P a g e
Batayang teoritikal konseptwal

Input Process

Output
Upang malaman Ang mga
ang epekto ng mananaliksik ay
agwat mamamalagi ng
teknolohikal sa sarbey sa mga Inaasahan ng
akademiko ng estudyante sa mga mananaliksik
mga mag-aaral elementarya na malaman ang
sa elementarya upang makakalap epekto ng agwat
sa panahon ng ng datos tungkol teknolohikal sa
pandemya, ang sa paksang akademiko ng
mga pinag-aaralan. mga mag-aaral sa
mananaliksik ay Bukod dito, ang elementarya sa
mag gagawa ng mga nakuhang panahon ng
sarbey na datos ay susuriin pandemya.
naglalaman ng at pag-aaralan
mga katanungan upang makakuha
sa bawat ng kasagutan sa
estudyante mga katanungan
tungkol sa ng pag-aaral.
paksang pinag-
aralan.

13 | P a g e
Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga

paraang ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-

aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay quantitative sapagkat nilalayon nitong sagutin ang mga

tanong sa layunin ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga numerikal na datos.

Partikular, isasagawa ang pag-aaral na ito sa paraang deskriptiv gamit ang mga close-

ended na sarbey-katanungan bilang pangunahing kasangkapan sa pangangalap ng

datos. Sa pamamaraang deskriptiv, ang pag-aaral na ito ay sistematikong mailalarawan

ang epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga estudyante sa elementarya.

Ayon kay Siedlecki (2020), ang layunin ng deskriptiv na pag-aaral ay ang mailarawan

ang mga individual, pangyayari, or kondisyon sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanila.

Bilang karagdagan, ang deskriptiv na pag-aaral ay tinitingnan ang mga katangian ng

isang populasyon at tukuyin ang isang suliraning umiiral sa loob ng isang populasyon.

Mga Respondente

Ang mga respondente para sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante sa

elementarya sapagkat sila ang kalimitan nakakaranas ng agwat teknolohikal dahil sa

kanilang murang edad. Bukod dito, gagamitin ang simple random sampling design sa

pagpili ng mga respondente upang magkaroon ng pantay na representasyon ng mga

datos. Mayroong kabuuang animnapu (60) respondente. Sampung mag-aaral sa bawat

baitang sa elementarya mula baitang una hanggang anim.

14 | P a g e
TABLE NO.1
Distribusyon ng mga respondente

Baitang Bilang ng mga Bahagdan

respondente

Baitang 1 10 16.67%

Baitang 2 10 16.67%

Baitang 3 10 16.67%

Baitang 4 10 16.67%

Baitang 5 10 16.67%

Baitang 6 10 16.67%

Kabuuang Bilang 60 100%

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey upang magkaroon ng

mas mahusay at komprehensibong pag-unawa sa epekto ng agwat teknolohikal sa mga

estudyante ng elementarya. Ang sarbey-katanungan ay straktured, at ang mga

katanungan ay close-ended. Sa pamamagitan ng sarbey mas madali magtatagumpay

ang mga mananaliksik na maisagawa ang layunin para sa pag-aaral na ito. Ang sarbey

na ito ay bubuuin ng dalawampu (15) na katanungan; partikular, lima (5) tanong

15 | P a g e
tungkol sa mga sanhi ng agwat teknolohikal na kanilang nararanasan, lima (5) tanong

tungkol sa epekto ng agwat teknolohikal sa kanilang pag-aaral, at lima (5) na tanong

tungkol sa kung paano sila naapektuhan ng pandemya ang agwat-teknolohikal. Sa

kabilang banda, ang sarbey-katanungan ay gagaming ng four (4) point likert scale. Ang

kategorya nito ay apat (4) -Lubos na sumasang-ayon, tatlo (3) -sumasang-ayon, dalawa

(2) - hindi sumasang-ayon, at isa (1) -lubos na hindi sumasang-ayon. Ang sarbey na ito

ay mapapasagutan sa pamamagitan ng google forms.

Tritment ng mga Datos

Bilang o dami lamang ng pumili sa bawat pamimilian ang kinakailangan upang

masagot ang mga katanungan sa layunin ng pananaliksik. Kung kaya’t, para sa analisis

ng mga nakalap na datos, ang pagtatally at pagkuha ng porsyento ang gagamitin ng

mananaliksik. Sa pamamagitan ng mga nakalap na datos at sa tulong ng pormula na

gagamitin, ilalarawan ng mga mananaliksik ang resulta sa pamamagitan ng graph upang

mas maging maayos at organisado ang analisis nito. Ang pormularyong gagamitin sa

pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng tugon

------------------------------------------- x 100

Kabuuang bilang ng respondente

16 | P a g e
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Grap 1. Distribusyon ng mga respondente ayon sa baitang

Ang grap 1 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga respondente ayon sa baitang.

Ang mga respondente na ito ay pinili sa pamamagitan ng simple random sampling

design. Sampu (10) ang bilang ng respondente sa bawat baitang at ito ay nagreresulta

sa 16.7% kada baitang.

17 | P a g e
Sanhi ng agwat teknolohikal sa mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng

pandemya

Grap 2. Pansariling assessment ng respondente sa kanilang kaalaman sa

paggamit ng teknolohiya

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 2 ay nagpapakita ng kalagayan ng mga respondente kung sila ay

nahihirapan gumamit ng teknolohiya dahil hindi nila alam kung paano ito gumagana.

Tatlumpu't tatlo (55%) sa kanila ang sumasang-ayon na sila ay hirap sa paggamit ng

teknolohiya. Labing apat (23.3%) naman ang lubos na sumasang-ayon, siyam (15%)

naman ang hindi sumasang-ayon, at apat (6.7%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

18 | P a g e
Grap 3. Karanasan ng respondente sa kanilang internet koneksyon habang online class

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 3 ay nagpapakita ng karanasan ng mga respondente ng kawalan ng

internet habang gamit nila ang kanilang gadget sa pag-aaral. Dalawampu't anim

(43.3%) ang lubos na sumasang-ayon na sila ay nakakaranas ng pagkawala ng internet

habang nag-aaral at Labinsiyam (31.7%) naman ang sumasang-ayon. Sa kabilang

banda, labing dalawa (20%) naman ang hindi sumasang-ayon at tatlo (5%) ang lubos

na hindi sumasang-ayon na sila ay nawawalan ng int ernet koneksyon habang nag-aaral

gamit ang kanilang gadget.

19 | P a g e
Grap 4. Kawalan ng motibasyon ng respondente sa pag gamit ng teknolohiya

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 4 ay nagpapakita kung wala bang motibasyon ang mga respondente

sa paggamit ng teknolohiya. Dalawampu't-walo (46.7%) ang hindi sumasang-ayon na

sila ay nawawalan ng motibasyon na gumamit ng teknolohiya. Labing pito (28.3%)

naman ang sumasang-ayon na sila ay nawawalan ng gana na gumamit ng teknolohiya.

Bukod dito, labing dalawa (20%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon at tatlo

(5%) naman ang lubos na sumasang-ayon.

20 | P a g e
Grap 5. Sitwasyon ng internet ng mga respondente dahil sa kanilang lokasyon

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Pinapakita ng grap 5 ang bilang ng respondente ayon sa sitwasyon nila tungkol

sa kanilang internet base sa kanilang lokasyon. Makikita na dalawampu't tatlo (38.3%)

ang lubos na sumasang-ayon at labing siyam (31.7%) naman ang sumasang-ayon na

limitado lamang ang kanilang internet dahil sa kanilang lokasyon. Bukod dito, labing

tatlo (21.7%) naman ang hindi sumasang-ayon at lima (8.3%) naman ang lubos na hindi

sumasang-ayon.

21 | P a g e
Grap 6. Kakulangan sa pera ng respondente sa pambili ng gadget

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Pinapakita ng graph 6 ang sitwasyon ng mga respondente kung may kakayahan

ba sila na bumili ng gadget. Makikita na dalawampu’t apat (40%) ang sumasang-ayon

at dalawampu’t tatlo (38.3%) naman ang lubos na sumasang-ayon na limitado lamang

ang kanilang pera kung kaya’t hindi sila makabili ng gadget. Sa kabilang banda naman,

labing dalawa (20%) ang hindi sumasang-ayon at isa (1.7%) naman ang lubos na hindi

sumasang-ayon.

22 | P a g e
Epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya

sa panahon ng pandemya

Grap 7. Sitwasyon ng mga respondente sa kaalaman sa paggamit ng teknolohiya

upang makapag-aral.

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang graph 7 ay nagpapakita ng porsyento ng bilang ng mga respondente tungkol

sa kawalan ng sapat na kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadget na nagiging

sanhi ng pagbaba ng kanilang partisipasyon sa online na klase. Makikita na

dalawampu’t dalawa (36.7%) sa mga mag aaral ang hindi sumasang-ayon na

bumababa ang kanilang partisipasyon sa online na klase, habang dalawampu (33. 3%)

naman ang sumasang-ayon. Samantala, labindalawa (20%) ang lubos na sumasang-

ayon at anim (10%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

23 | P a g e
Grap 8. Kasanayan ng mga mag aaral ukol sa paggamit ng gadget.

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang graph 8 ay nagpapakita ng porsyento ng bilang ng mga respondente tungkol

sa kanilang sitwasyon sa makabagong paraan ng pag aaral gamit ang teknolohiya.

Makikita na dalawampu’t apat (40%) ang hindi sumasang-ayon na hindi sila naninibago

sa pag aaral gamit ang kanilang gadget, habang labing pito (28.3%) naman ang

sumasang-ayon dito. Sa kabilang banda, labing isa (18.3%) ang sumagot ng lubos silang

sumasang-ayon at walo (13.3%) naman ang sumagot na lubos silang hindi sumasang-

ayon.

24 | P a g e
Grap 9. Hindi sapat na internet o data sa pagtugon sa kaalaman ng mga mag

aaral.

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang graph 9 ay nagpapakita ng porsyento ng bilang ng mga respondente tungkol

sa hindi sapat na internet o data upang matugunan ang akademikong pangangailangan

ng mga mag aaral. Makikita na dalawampu’t pito (45%) ang sumasang-ayon, habang

labinsiyam (31.7%) naman ang sumagot na lubos silang sumasang-ayon na kaunti

lamang ang kanilang natutunan dahil hindi sapat ang internet o data. Samantala, sampu

(16.7%) naman ang sumagot na hindi sumasang-ayon at apat (6.7%) ang lubos silang

hindi sumasang-ayon.

25 | P a g e
Grap 10. Kawalan ng motibasyon dulot ng mahinang data connection o internet
sa mga mag aaral.

1- Lubos na hindi sumasang-ayon


2- Hindi sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang graph 10 ay nagpapakita ng porsyento ng bilang ng mga respondente

tungkol sa pagka tamad ng mga mag aaral na umattend sa online class lalo na kung

mahina ang data connection o internet. Makikita na dalawampu’t isa (35%) ang

sumasang-ayon, habang dalawampu’t apat (40%) naman ang sumagot ng lubos na

sumasang-ayon na sila ay tinatamad umattend ng online class lalo na kung mahina ang

data connection o internet. Sa kabilang banda, labintatlo (21.7%) ang sumagot na hindi

sumasang-ayon at dalawa (3.3%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon dito.

26 | P a g e
Grap 11. Kalagayan ng mga respondente sa pagpapasa ng kanilang activity.

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 11 ay nagpapakita ng kalagayan ng mga respondente kung sila ay

kadalasang late na nakakapagpasa ng kanilang activity dahil sa mahinang data at

internet connection. Dalawampu't apat (40%) sa kanila ang sumasang-ayon na sila ay

kadalasang late na nakakapagpasa ng kanilang activity. Labinsiyam (31.7%) naman ang

lubos na sumasang-ayon, sampu (16.7%) naman ang hindi sumasang-ayon, at pito

(11.7%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

27 | P a g e
Epekto ng pandemya sa agwat teknolohikal

Grap 12. Pagkakaroon ng mas madaling access sa internet

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 12 ay nagpapakita ng kahirapan para sa mga respondente na

magkaroon ng mas madaling access dahil na limitahan ang pagpunta sa mga

pampublikong lugar na mayroong libreng internet dalawampu't anim (43.3%) ang

sumasang-ayon na mahirap para sa kanila na magkaroon ng access sa libreng internet.

Labinsiyam (31.7%) naman ang lubos na sumasang-ayon, habang sampu (16.7%)

naman ang hindi sumasang-ayon, at lima (8.3%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

28 | P a g e
Grap 13. Kalagayan ng mga respondente sa paggamit ng teknolohiya

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 13 ay nagpapakita ng kalagayan ng mga respondente kung naging

mahirap para sa kanila ang gumamit ng teknolohiya dahil walang nagtuturo at

gumagabay sa kanila. Dalawampu't apat (40%) ang sumasang-ayon na sila ay

nahihirapan dahil walang nagtuturo o gumagabay sa kanila. Labingwalo (30%) ang

lubos na sumasang-ayon, labing-apat (23.3%) ang hindi sumasang-ayon, habang apat

(6.7%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon.

29 | P a g e
Grap 14. Mga respondente na nahirapan makabili ng gadget sa kadahilanang

nawalan ng pinagkukunan ng pera

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 14 ay nagpapakita ng kahirapan para sa mga respondente na makabili

ng gadget sapagkat nawalan ng pinagkukunan ng pera. Dalawampu't dalawa (36.7%)

ang sumasang-ayon na sila ay nawalan ng pinagkukunan ng pera. Dalawampu't isa

(35%) naman ang lubos na sumasang-ayon, labing anim (26.7%) naman ang hindi

sumasang-ayon, Habang isa (1.7%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon.

30 | P a g e
Grap 15. Mga respondenteng nahirapan sa pag-aadjust sa makabagong paraan

ng pag-aaral

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 15 ay nagpapakita ng kahirapan para sa mga respondente na mag-

adjust sa makabagong paraan ng pag-aaral. Dalawampu't walo (46.7%) ang sumasang-

ayon na sila ay nahihirapang mag-adjust sa makabagong paraan ng pag-aaral.

Dalawampu't dalawa (36.7%) naman ang lubos na sumasang-ayon, siyam (15%) naman

ang hindi sumasang-ayon, Habang 1 (1.7%) naman ang lubos ng hindi sumasang-ayon.

31 | P a g e
Grap 16. Motibasyon ng respondente sa paggamit ng teknolohiya sa online class

1-Lubos na hindi sumasang-ayon


2-Hindi sumasang-ayon
3-Sumasang-ayon
4-Lubos na sumasang-ayon

Ang grap 16 ay nagpapakita ng kalagayan ng mga respondente na hindi

komportable sa online class kaya't nawalan ng motibasyon na gumamit ng teknolohiya.

Dalawampu't lima (41.7%) ang sumasang-ayon na hindi sila komportable sa online

class at nawalan ng motibasyon para gumamit ng teknolohiya. Labing siyam (31.7%)

naman ang lubos na sumasang-ayon, Labing apat (23.3%) naman ang hindi sumasang-

ayon, Habang dalawa (3.3%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon.

32 | P a g e
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon

sa pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Ang epekto ng agwat teknolohikal

sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya”

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang epekto ng agwat

teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa panahon ng pandemya.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptiv.

Upang matukoy ang mga epekto ng agwat teknolohikal, ang mga mananaliksik

ay naghanda ng isang talatanungan para sa mga mag-aaral sa elementarya. Ang datos

na nakalap at nasuri ay nagsilbi bilang pangunahing sangkap upang masagot ang mga

layunin ng pag-aaral na ito.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na detalye ay tungkol sa interpretasyon o pahayag batay

sa mga datos na aming nakalap sa isinagawang pananaliksik:

1. Ang mga sanhi ng agwat-teknolohikal na naranasan ng mga mag-aaral sa

elementarya sa panahon ng pandemya ay ang kakulangan sa kaalaman sa

paggamit ng teknolohiya, hindi sapat na internet koneksyon dahil sa kanilang

lokasyon, at ang kahirapan.

2. Ang epekto ng agwat teknolohikal sa mga mag-aaral sa elementarya sa panahon

ng pandemya ay kawalan ng motibasyon sa pag-aaral, kakaunti lamang ang

33 | P a g e
kanilang natutunan, at hindi sila makagawa ng mga aktibidades na binigay sa

kanila ng kanilang guro

3. Ang epekto ng pandemya sa agwat-teknolohikal ng mga mag-aaral sa

elementarya ay naging mahirap sa kanila ang pag bili ng gadget sapagkat

nawalan sila ng pinagkukunan ng pera, nahirapan silang mag adjust sa

makabagong paraan ng pag-aaral, at hindi sila komportable sa online class

kaya't nawalan sila ng motibasyon sa paggamit ng teknolohiya

Rekomendasyon

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, nais na imungkahi ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Para sa mga magulang, nais na irekomenda ng mga mananaliksik na gabayan

at turuan ang inyong mga anak sa tamang paggamit ng gadyet para sa kanilang

pag-aaral.

2. Para sa mga mag-aaral sa elementarya, nais na irekomenda ng mga

mananaliksik na paghusayan ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga epektong

dulot ng agwat teknolohikal.

3. Ang mga pang pribado at pampublikong paaralan ay dapat mas pagtibayin ang

mga programang nakalaan para sa mga mag aaral na nakakaranas ng

problemang dulot ng agwat teknolohikal.

34 | P a g e
Bibliography

Abante (2018). Naiambag ng teknolohiya sa kasaysayan ng edukasyon. Pangunahing

paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagging madali at mabisa.

Alawamleh, M. , et al. (2020). The effect of online learning on communication between

instructors and students during Covid-19 pandemic. Asian Education and Development

Studies. in Croxton, R.A. (2014), “The role of interactivity in student satisfaction and

persistence in online learning”, Journal of Online Learning and Teaching, Vol. 10 No.

2, p. 314.

Bender. (2020). Key Messages and Actions for COVID-19 Prevention and Control in

Schools. Unicef. https://www.who.int/docs/default-source/coronaviruse/key-

messages-and-actions-for-covid-19-prevention-and-control-in-schools-march-

2020.pdf

Crisostomo, K.G.,De Mesa,C.L., Estomante, K., Maglambayan, J.,Sta.Rosa, J.,

Tap,E.R.,(2018). Kaalaman sa Paggamit ng Kompyuter ng mga Mag-aaral.

Dobronte, A. (2016, December 8). The importance of socio-demographics in online

surveys. CheckMarket. https://www.checkmarket.com/blog/socio-demographics-

online-

surveys/#:%7E:text=Socio%2Ddemographics%20are%20nothing%20more,in%20all

%20kinds%20of%20surveys

Iberdrola. (2021, April 22). Digital divide throughout the world and why it causes

inequality. https://www.iberdrola.com/social-commitment/what-is-digital-

divide#:%7E:text=WHAT%20IS%20THE%20DIGITAL%20DIVIDE,and%2042%20

%25%20of%20men%20worldwide

Jelińska, M., & Paradowski, M. B. (2021). Teachers’ perception of student coping with

emergency remote instruction during the COVID-19 pandemic: The relative impact of

35 | P a g e
educator demographics and professional adaptation and adjustment. Frontiers in

Psychology, 12, 648443. https://doi.org/10.3389/fpsyg.2021.648443

Kapasiaa, N., Paulb, P., Royc, A., Sahac, J., Zaveric, A., Mallickc, R., Barmanc, B.,

Dasc, P.,& Chouhanc, P. (2020). Impact of lockdown on learning status of

undergraduate and postgraduate students during COVID-19 pandemic in West Bengal,

India. Children and Youth Services Review, 116, 1–5.

https://doi.org/10.1016/j.childyouth.2020.105194

Kin, K. (2018, December 18). Kahulugan Ng Akademiko – Ano Ang Ibig Sabihin Ng

Akademiko? Philippine News. https://philnews.ph/2020/12/18/kahulugan-ng-

akademiko-ano-ang-ibig-sabihin-ng-akademiko/

LEON, D. (2013). Ang Landas ng Pagtatanong ni Heidegger ukol sa Teknolohiya:

Pagtatalas sa Tanong sa Sein. KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 7(2).

MIT Vishwashanti Gurukul. (n.d.). Qualities of a Good Student - MIT Vishwashanti

Gurukul. Retrieved May 1, 2022, from https://www.mitgurukul.com/qualities-of-a-

good-Student.php

Narayanan, S., & Selvanathan, B. (2016). ONLINE EDUCATION: IT’S

IMPLICATION TOWARDS UNDERGRADUATE STUDENTS’AT PRIVATE

HIGHER LEARNING INSTITUTION AND MALAYSIAN EDUCATION SYSTEM

FROM EDUCATOR PERSPECTIVES.

Ragnedda, M., &Muschert, G. (2015). The Digital Divide: The Internet and Social

Inequality in International Perspective. abingdon, USA: Routledge. Fang, M. L.,

Canham, S. L., Battersby, L., Sixsmith, J., Wada, M., &

RedCross. (n.d.). Maging Handang RedCross.

https://www.redcross.org/content/dam/redcross/atg/PDF_s/Preparedness___Disaster_

Recovery/Disaster_Preparedness/Flu/Flu_ENG_TG_final.pdf

36 | P a g e
Roque, P. (2015). Ang kahalagahan ng kompyuter sa Edukasyon.

Siedlecki, S. L. (2020). Understanding Descriptive Research Designs and Methods.

Clinical Nurse Specialist, 34(1), 8. https://doi.org/10.1097/nur.0000000000000493

Sixsmith, A. (2018). Exploring Privilege in the Digital Divide: Implications for Theory,

Policy, and Practice. The Gerontologist. doi:10.1093/geront/gny037

Sohibun, S., & Ade, F. Y. (2017). Pengembangan media pembelajaran berbasis virtual

class berbantuan Google Drive. Tadris: Jurnal Keguruan Dan Ilmu Tarbiyah, 2(2), 121-

129.

Stern. (n.d.). Introduction to Online Teaching and Learning. Introduction to Online

Teaching and Learning. https://www.wlac.edu/online/documents/otl.pdf

Sun, J. C. (2011, November 30). ERIC - ED524846 - The Digital Divide and Its Impact

on Academic Performance, Online Submission, 2011. ERIC.

https://eric.ed.gov/?id=ED524846

Toquero, C. M. (2020). Challenges and opportunities for higher education amid the

COVID-19 pandemic: The Philippine context. Pedagogical Research, 5(4).

Van Dijk, J. (2020). The digital divide. John Wiley & Sons.

https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=6DvKDwAAQBAJ&oi=fnd&pg=

PT7&dq=what+is+digital+divide&ots=6AnOrHUgxz&sig=gKuLGfymWJggD6E1zE

CBb-tu5fo&redir_esc=y#v=onepage&q=what%20is%20digital%20divide&f=false

Victoria State Government. (n.d.). Quarantine at home - coping tips - Better Health

Channel. Better Health Channel.

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/quarantine-at-

home-coping-tips

37 | P a g e
Appendices

Kwestyuner

Ang epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa


elementarya sa panahon ng pandemya

Mga minamahal naming respondente,

Magandang Buhay!

Kaming mga mag-aaral na nasa ika-unang taon sa kursong Information


Technology ng Batangas State University-Alangilan ay lubos na humihingi ng inyong
pagtugon sa isinasagawa naming pagsisiyasat para sa pananaliksik na pinamagat “Ang
epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa elementarya sa
panahon ng pandemya” Ang talatanungan na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik
para makalap ang mga impormasyon o datos na kinakailangang mabigyang kasagutan
sa pag-aaral na ito. Hinihikayat ng mga mananaliksik na punan ninyo ang talatanungan
ng makatotohanang kasagutan. Sinisiguro ng mga mananaliksik na ang inyong mga
magiging sagot ay mananatiling pribado.

Maraming salamat.

4-Lubos na 3-Sumasang- 2-Hindi 1-Lubos na


sumasang- ayon sumasang- hindi
Katananungan ayon ayon sumasang-
ayon

Layunin 1: Ano ang sanhi ng agwat teknolohikal sa mga mag-aaral sa elementarya sa panahon
ng pandemya?

1.) Ako ay nahihirapan


gumamit ng
teknolohiya dahil
hindi ko alam kung
paano ito gumagana

38 | P a g e
2.) Ako ay kalimitang
nakakaranas ng
pagkawala ng
internet habang
gamit ko ang aking
gadget sa pag-aaral

3.) Wala akong ganang


gumamit ng
teknolohiya

4.) Limitado lamang


ang aking data o
internet dahil sa
aking lokasyon

5.) Hindi ako


makakabili ng
gadget dahil kulang
ang aking pera

Layunin 2: Ano ang epekto ng agwat teknolohikal sa akademiko ng mga mag-aaral sa


elementarya sa panahon ng pandemya?

1.) Hindi na ako


gaanong nakakapag
participate sa online
na klase dahil hindi
ko alam kung paano
ko gagamitin ang
aking gadget

2.) Hindi ako


naninibago sa pag-
aaral gamit ang
aking gadget

3.) Kaunti lamang ang


aking natutunan
dahil hindi sapat
ang aking internet o
data

4.) May pagkakataon


na tinatamad na
akong umattend sa
online class lalo na
kung mahina ang
data connection o
internet.

39 | P a g e
5.) Kadalasang ako ay
late na
nakakapagpasa ng
aking activity dahil
sa mahinang data at
internet connection.

Layunin 3: Paano naapektuhan pandemya ang agwat-teknolohikal?

1.) Naging mahirap


para sa akin na
magkaroon ng mas
madaling access
dahil na limitahan
ang pagpunta sa
mga pampublikong
lugar na may
libreng internet.

2.) Naging mahirap


para sa akin ang
gumamit ng
teknolohiya
sapagkat walang
mga tagaturo ang
nag gagabay sa
akin.

3.) Naging mahirap


para sa akin na
makabili ng gadget
sapagkat nawalan
kami ng
pinagkukunan ng
pera.

4.) Nahirapan akong


mag-adjust sa
makabagong paraan
ng pag-aaral kung
saan ginagamitan ito
ng teknolohiya.

5.) Hindi ako


komportable sa
online class kaya't
wala akong
motibasyon na
gumamit ng
teknolohiya.

40 | P a g e
Sarbey

https://forms.gle/R6RBuWMqxvsCAraX6

Tally

https://docs.google.com/spreadsheets/d/1jWtdaxA01mlxwqQ1ApbXEiMevcsRvngp8

PgsHYnmHA0/edit?usp=sharing

41 | P a g e

You might also like