You are on page 1of 9

SLIDE 1

EPEKTO NG "ONLINE CLASS" SA MAKABAGONG SISTEMA NG EDUKASYON


NG MGA MAG AARAL EDAD DALAWAMPU HANGGANG DALAWAMPU’T
TATLO (20-23) NG NATIONAL POLYTECHNIC COLLEGE OF SCIENCE
TECHNOLOGY IKA-LIMANG DISTRITO NG LUNGSOD QUEZON
 Eto po yung napili kong paksa para po sa pananaliksik po namin eto po yung napili ko
dahil ito po yung kasalukuyanng nangyayari ngayon my mga negatibo at positibong
nakakaapekto sa mga mag aaaral at hindi lang po sa mga mag aaral alam naman po
natin na maging ganun din po sa mga guro, layunin po sa pag aaral na ito na tukuyin
ang mga epekto po ng online class sa mag aaral, Maraming mag-aaral ang nanibago at
hanggang ngayon ay naninibago sa pagbabago at meron naman ding mga mag aaral
na isinabuhay nalang at naging normal na lamang skanila ang pamamaraan ng
kanilang pag aaral.
SLIDE 2
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula:
 Sa taon po na dalawamput dalawampu kasabay po ng paglaganap ng pandemya na siyang
naging dahilan at nagdulot ng malaking pagbabago po sa buong bansa, Sa paglaganap po ng
isang krisis sa ating bansa na mapa sa hanggang ngayon ay kinakaharap ng buong mundo
dahilan po sa pandemyang dulot ng ‘corona virus’ ito po ay lubos na maituturing na
matinding pagsubok sa atin lahat sa buong mundo na naging sobrang malaking komplikado
sa sitwasyon ng pamumuhay ng mga tao. At alinsunod po sa mga panukala ng ating mga
eksperto sa larangan ng medisina mga bayaning doktor at nurse, maging ang ating
gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng sakit, mula sa paghihigpit sa pagpasok at paglabas
ng tahanan, nagsagawa ng social distancing at pagsusuot ng face masks at faceshields
tuwing lalabas at papasok ng bahay.
SLIDE 3
 Nang dahil nga po sa nangyari na pandemic nagpatupad ng mga limitasyon na pagpasok sa
paaraalan maging ang ilan ring mga trabaho ang pansamantalang ipinatigil habang ang ilan
din ay ginawa na lamang na online. Gayundin din ang pag-aaral na ginawa na rin online at
ilan naman ay modyular.

 Ang Online Class Ito ay isang paraan para makasagawa ng isang klase gamit ang internet at
gadgets sa isang paaralan o Unibersidad, ito ay kasalukuyan na ginagawa ngayon dahil nga
sa lumaganap na pandemya na ito rin naging ang solusyon ng DepEd upang magpatuloy ang
pag-aaral na tinatawag na Distance Learning, simula nung magkaroon ng Lockdown sa mga
bansang apektado ng COVID-19, para maipagpatuloy pa rin ng mga mag aaral mula
elementarya hanggang kolehiyo ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng online class.
Marami ang nagkaroon ng kagustuhan sa bagong paraan ng pagkatuto ng mga aaral dahil
nga nasa bahay lang at magagawa nila kung ano ang kanilang dapat gawin at para hindi na
makipagsapalaran sa araw araw ng nakakahawang bayrus, meron nahihirapan at naninibago
dahil bago lamang sakanila, at meron ding iba na nahihirapan dahilan ng walang internet
mga nahihirapan sa pagkonek ng signal o mga walang sapat na gadgets para gamitin sa
online class, kaya nahihirapan makasabay sa klase.
Ayon kay Edelman “ang edukasyon ay para sa pag-unlad ng tao at ng komunidad.”
Kaya’t tinuturing na ang edukasyon ang susi sa tagumpay hindi lang ng tao kundi ng
komunidad. Ang pagbibigay ng mahusay na edukasyon ay ipinagpatuloy sa kabila ng pandemya
sa pamamagitan ng Learning Continuity Plan o LCP. Ito ang solusyon ng DepEd upang
ipagpatuloy ang paghatid ng edukasyon sa mga mag-aaral. Ang LCP ay binatay sa DepEd
Order No. 012 (2020). Ang Learning Continuity Plan o LCP ng DepEd ito ay ginagabayan ng
mga prinsipyo na; una, protektahan ang kalusugan ng mag-aaral, guro, at ibang mga kawani, at
iwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Pangalawa, ipagpatuloy ang pagkatuto sa
pamamagitan na ginawa na pagbabago sa K-12 Curriculum pagsasaayos ng mga kagamitang
pampagkatuto, pagsagawa ng iba’t ibang learning delivery modalities, pagbibigay ng training sa
mga guro at namamahala sa paaralan, at pagsagawa ng oryentasyon sa mga magulang at mag-
aaral. Pangatlo, pagtiyak sa kaligtasan ng mga guro, mga kawani at mag-aaral sa muling
pagpapatuloy ng pag-aaral na sumusunod sa derektiba ng DOH at IATF (DepEd LCP, 2020).
Malinaw na ang distance learning ang magiging susi upang ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga
mag-aaral ayon sa Learning Continuity Plan ng DepEd. Ang online distance learning ay
kailangan nang maayos na internet connection, gadgets at iba pa. May apat na uri ang online
distance learning ito ay ang synchronous, asynchronous, hybrid, at modified hybrid (Almario at
Austria, 2020). Ang synchronous learning ay ginaganap na aktwal o live ang pagtuturo-
pagkatuto. Habang ang asynchronous learning ay hindi real-time interaction. Maaari rin
ipagsama ang synchronous at asynchronous learning ito ay tinatawag na hybrid. Ang modified
hybrid naman ay magkakaroon ng mga online task na kailangan gawin hindi din kailangan ang
online class o face-to-face online discussion ngunit maaaring gumawa kung kinakailangan
lamang.
SLIDE 4
Paglalahad ng Suliranin
 Ang pag aaral po na ito ay naglalayong tukuyin ang epekto ng online class sa akademikong
bagong sistema ng edukasyon ng mga aaral ng kolehiyo ng (NPCST)
Sa pag aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang mga sumusunod na mga suliranin:
1. Ano ang mga ginagawang paraan ng mga mag-aaral para sakanilang akedemikong pag
aaral?
2. Ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa paaralang kolehiyo ng (npcst) sa
ipinatupad na online na klase?
3. Ano-ano ang mga suliranin na ikinakaharap ng mga-aaral sa online class?
4. Nagkaroon ba ng benipisyo ang mga-aaral sa pagsagawa ng online class?
5. Mahalaga bang tinangap ng mga mag-aaral ang pagtupad ng online na klase bilang
bagong plataporma sa pag-aaral?
SLIDE 6
Kahalagahan ng pag-aaral
 Ang kahalagahan po sa pag aaral na ito ay isinagawa po ito para tukuyin ang mga epekto
ng "Online Class" ang resulta po sa pag-aaral na ito ay itinuturing na kapaki-pakinabang sa
mga ( BASA ISA ISA SA BABA )
Sa mga mag-aaral. maka-tutulong ito para malaman ang mga positibo at negatibong
epekto ng paraan ng pag-aaral na tinatawag nating "Online Class"
Sa mga guro. Ito po yung magiging resulta ng pananaliksik na magbibigay ng kaalaman
sa mga guro sa mga bagay na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag aaral, na magsisilbing
itong insiprasyon para mas pagbutihin pa nila ang pagtuturo at bigyan din ng mga pagkakataong
matugunan ang kanilang mga problemang kinakaharap ngayon sa pag-aaral.
Sa Pamunuan. Ito pong pag aaral po na ito ay maaring magiging makabuluhan para
gamiting basehan sa pagbuo ng mga estratehiya para mas mapaunlad at mapaganda at maging
maayos ang paraan ng pagkatuto mga mag aaral at sa iba pang mga programa.
Sa mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ito po ay magbibigay
kamalayan po sa mga magulang para mabigyan ng agarang atensyon at matugunan ng maayos
ang mga suliranin na pwdeng kaharapin ng kanilang mga anak sa online class.
Sa mga susunod na mananaliksik. Sa pag aaral na ito, Ito ay magsisilbing karagdagang
impormasyon na maipagpapatuloy na pagsisiyasat ng mga sususnod na mananaliksik sa
hinaharap tungkol sa epekto ng makabagong sistema ng online class sa mga mag-aaral.
SLIDE 7
Saklaw ng hangganan ng pag-aaral
 Sa pag-aaral po na ito ay nakatuon sa epekto ng “online class” sa mag-aaral. Ito po ay
sumasaklaw sa kabuuang epekto nito sa mga mag- aaral ng kolehiyo ng ( NPCST )
 Ang mga respondente sa pag aaral na ito ay galing sa kursong Edukasyon ng paaralan
pagtutuunan ng pansin ang pananaliksik ang epekto nito sakanila, at hindi po kasama rito
ang mga mag-aaral sa ibang kurso.
SLIDE 8
Katuturan ng mga katawagan
 Sa bahagi po ng pag aaral na ito binigyang kahulugan ang mga salita batay po sa kung
paano ito maunawaan ng mga mag-aaral o mambabasa.
Pandemya. Alam naman po natin na ito po ay buong mundo na lumaganap ang pagkalat ng
isang sakit na kung saan ito ay naglalarawan sa pamamagitan ng pagdami ng mga seryosong
kaso sa bawat bansa.
Epekto. Ito po ay isang pagbabago ng isang resulta o bunga ng isang aksyon o pangyayari.
Online class. Ito po ay isang plataporma ng isang pag-aaral na ginaganap po sa pamamagitan
ng paggamit sa internet at gadgets ng mga mag aaral na hindi kinakailangang lumabas pa ng
bahay, nang magkaroon po ng tinatawag na ‘lockdown’ sa mga bansang apektado ng
pandemya.
Learning Continuity Plan (LCP). Ito po ay isang solusyon ng DepEd para ipagpatuloy po
ang nahintong pag aaral ng mga studyante. Ito po ay DepEd Order No. Labing dalawa (012) sa
taong dalawamput dalawampu (2020). ito pong LCP ng DepEd ay saklaw na ginagabayan na
protektahan ang mga kalusugan ng mag-aaral, guro at ibang mga kawani ng edukasyon na
iwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit.
Asynchronus. Ito po ay isang pag aaral na hindi real-time interaction, ito po ay isang pag aaral
offline ng mga aaral.
(Ito ay isang pag-aaral na ang pagtuturo ay nakatuon sa mag-aaral kung saan ginagamit
ang mga mapagkukunan sa online na pag-aaral upang paganahin ang pagbabahagi ng
impormasyon sa pagitan ng mga tao sa isang network.)
Synchronus learning. Ito naman po ay nangyayari sa isang live na lecture o talakayan, katulad
po ng ginagawa po natin ngayon isang virtual pag aaral ito po ay real-time Interaction.
Hybrid learning. Ang hybrid naman po ay kapag pinagsamahang o maaring pagsamahin ang
asynchronus at synchronus learning
(Isang modelong pang-edukasyon kung saan ang ilang mga mag aaral ay pumapasok sa
klase nang personal, habang ang iba ay sumasali sa klase nang mula sa bahay lamang)
Modified Hybrid learning. Ito naman po ay magkakaroon ng mga online task na kailangan
gawin online class o face-to-face discussion.
(Isang pinagsasamang lecturer at ang mga iba't ibang aktibidad sa online na pag-aaral at
tradisyonal na mga kurso, na nagbibigay ng ilang virtual session at aktibidad na naa-access
nang malayuan ng mga mag-aaral.)

SLIDE 9
KABANATA II
Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura
 Dito po sa kabanatang ito nalalaman ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na
isinagawa po ng iba’t ibang mananaliksik at ang kanilang mga konsepto sa epekto po ng
makabagong sistema ng edukasyon sa mga mag aaral na tinatawag ngayon po na online
class.
Banyagang Literatura
 Ayon po sakanya hindi lamang ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng ating nakagisnan
at nakalakihan para sa pagkakaroon ng pagkatuto ng isang mag aaral, maging sa teknolohiya
ay nakakatulong din ito para sa paraan ng pagkatuto ng isang mag aaral na kahit saan man
naroong lugar lalo na sa pandemya ngayon na pinahinto ang face to face classes mas lalong
umusbong ang makabagong gamit ng teknolohiya at kasabay nito ang patuloy na pag-unlad
nito at mas naging kapaki-pakinabang sa lahat lalo na sa mga mag aaral at guro ngayon na
nasa online class.
(kay Stacey (2004) hindi lamang sa tradisyonal na klase nagkakaroon ng pagkatuto kundi
pati na rin sa mga makabagong teknolohiya tulad ng internet, natutulungan nito matuto ang
mga estudyante kahit saan man sila naroroon.)
SLIDE 10
 Ayon po dito my magandang epekto sa mga mag aaral ang paggamit ng teknolohiya
halimbawa po dito mas madaling makakahanap ng sagot sa mga asignatura o aktibidad sa
pamamagitang ng internet, madali mong masaliksik ang mga impormasyong kinakailangan
mo sa maikling oras, ganon den sa mga gadgets laptop selpon kompyuter na ginagamit sa
online class lumalawak ang mga kaalaman sa kung paano gamitin ang mga ito sa mga
pasikot sikot na paraan para mas mapabilis ang paggamit nito, na eenhance yung mga
kakayahan sa tama at maayos na paggamit ng teknolohiya.
(Ayon kina E. Guevarra J. E. Perez, J. J. Salas R. Mutuc (2013) sa pag-aaral na Online
Class: Digital Logic Design for Freshmen. Ang paggamit ng teknolohiya upang makabagong
modal ng pagkatuto ay nagdudulot ng magandang epekto sa mga estudyante at guro. Ang
konsepto ng internet na naguugnay sa edukasyon ay mas napabuti at napayabong Sinabi din
nila na may mahalagang papel ang online class sa mga kolehiyo.)
SLIDE 11
 Ayon naman sakanya my mga masama o hindi magagandang resulta o epekto sa mga mag
aaral gaya na lamang ng ilang mag aaral na pagkakaroon ng mga mahihinang internet
connection mga mahihinang signal sa kanilang mga tahanan kaya naman nagkakadahilan ng
hindi maayos na pagkakaintindihan sa mga pag unawa ng bawat mga mag aaral, my mga
ilan namang mag aaral na may kakulangan o wala talagang kagamitan para sa online class
kaya naman nahihirapan makasabay at makapasok sa klase., my mga ilan ding mag aaral na
masamang epekto sa kanilang kalusugan sa labis na oras na ginugugol nila sa kanilang pag
aaral.
(Ayon kay Knowles (2005) ang online learning ay mayroong hindi magagandang resulta sa
mga mag-aaral tulad na lamang ng pagkakaroon ng mahinang intemet connection habang
nagkaklase o kaya naman ay hindi pagkaintindi ng mahusay dahil sa iba't-bang persepyon at
pang-unawa ng mga mag-aaral.)
Ayon kay Beam at Micks (2001) ang online class ay nagbibigay ng kalamangan
kumpara sa tradisyonal na klase na ginaganap sa klasrum natatanggal ang mga bariyer
o ang mga sagabal sa pagkatuto tulad ng oras at espasyo, sa online learning mas natututo ang
estudyante dahil walang sinusunod na oras na nagbibigay ng oras sa mag-aaral.
SLIDE 12
Lokal na literatura
 Sa pagtuturo ayon kay skanya isang proseso ng komunikasyon na hindi lamang nakatuon sa
berbal na komunikasyon. Ang pagtuturo Ito ay isang paraan para maibahagi o maibigay ang
kaalaman na nararapat malaman ng isang indibidwal na kanyang magagamit para sakanyang
sariling kapakinabangan sa pag aaral, sa pmamagitan ng pagtuturo na ginagamitan ng ibat
ibang estratehiya na wasto, mga kagamitang intruksyunal sa pagbibigay ng mga
impormasyon, kasanayan at iba pang mga pag unawa at pagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga aaral para maging konkreto at ganap ang kanilang pagkatuto, at lubusang matuto, na
ang pagtuturo ay hindi lamang berbal na komunikasyon.
 (Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro
at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon
ng guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan
pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit
ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay,
katotohanan, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging
konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Sa paghahanda ng mga midyang
instruksyonal ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante.
Tiyakin ang layunin, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at
isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay ng
maayos ang mga ideya pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak,
humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga detelyadong paksa.)
SLIDE 13
 Ayon skanyang artikulo na meron advantage at dis advantage ang online class, ilan sa mga
advantage nito ay sinasabi na ang online education o online class ang magiging daan ng
karamihan para matuto ang mga kabataan at mag aaral sa paggamit ng makabagong
teknolohiya, hindi na kailangan ng kung ano anong kagamitan basta lamang my koneksyon
ka at internet maari ka ng makahana[p at makibahagi sa mabilis na paraan.
 Ang ilan namang dis advantage ay ang problema sa hindi maayos na koneksyon ng internet.
Alam naman natin na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na
koneksyon ng internet. Ito ang siguradong pinakamalaking problemang dadalhin ng mga
mag-aaral kung matutuloy ang bagong sistema ng pag aaral na online class, Ang
pagkakaroon din ng limitadong interaksyon ng mga mag-aral ang sistemang ito ay maaring
makapagdulot sa mga mga aaral ng “feeling of isolation‟ o ibig sabihin na nakapuwesto
lamang sa isang lugar na kung saan hindi maaaring umalis o lumabas. Walang magaganap
na maayos na pakikipag-usap o interaksyon sa mga kamag-aral tulad ng isang normal na
buhay estudyante.

(Ayon sa artikulo ni Vercide (2020) tungkol sa kung gaano ka-epektibo ang makabagong
paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral o tinatawag na “Online Class” Binanggit rin nya sa
kanyang artikulo ang mga advantage at disadvantage nito. Una sa mga advantage ay ang
pagyakap sa makabagong teknolohiya, sinasabing ang online education ang magiging daan
upang matuto ang mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Magkakaroon
sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga bagong paraan ng pag-aaral. Sa hakbang ding
ito, mas makakasabay na ang karamihan sa pagtanggap ng makabagong paraan ng tungo sa
paglinang at pagkatuto ng mga kabataan sa bansa. Pangalawa ay ang mabilis na proseso at
sistema. Sa paraang ito hindi na kinakailangang ng mga kung anu-ano pang mga
kagamitan, basta may koneksyon ka lamang sa internet ay maaari ka nang makibahagi sa
talakayan sa mas mabilis na paraan. Samantala, ilan sa mga disadvantage ng Online class ay
ang problema sa maayos na koneksyon ng internet. Alam naman natin na ang bansang
Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Ito ang
siguradong pinakamalaking problemang dadalhin ng mga mag-aaral kung matutuloy ang
sistemang ito. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na
koneksyon ng internet at isa pang problema nito ay ang mga lugar na wala ring maayos na
signal. Ang pagkakaroon ng limitadong interaksyon sa kamag-aral ay isa din sa mga hindi
magandang epekto ng Online class. Dahil ayon sa ilang mga pagaaral, ang sistemang ito ay
maaring makapagdulot sa mga bata ng “feeling of isolation‟o tila nakapuwesto sa isang
lugar na kung saan hindi maaaring umalis o lumabas. Walang magaganap na maayos na
pakikipag-usap o interaksyon sa mga kamag-aral gaya ng isang normal na buhay
estudyante. At ang huli, kinakailangang magkaroon ng maghigpit na disiplina sa sarili dahil
mahirap ang sistemang ito sa parte ng mga magaaral. Maraming magiging balakid at istorbo
sa kanilang mga pokus at maaring magdulot ng karagdagang stress at iba pang mga bagay.)
SLIDE 14
Banyagang Pag-aaral
 Ito ay tumutukoy sa kalagayang pisikal at mental na kalusugan ng mag aaral. ang mental na
kalusugan ay tumutukoy sa pag-iisip, nararamdaman, at pag-kilos ng isang tao emosyonal
na kalusugan dahil maraming patong-patong na mga aktibidad na ipinapagawa ng ilang
mga paaralan na karamihan sa mga estudyante ay sinasabing nakauubos at nakatutuyot ng
utak at energy sa katawan na nagiging resulta ng kawalan ng gana mag-aral o mas
partikular, ang depresyon o pagkabalisa malaki ang nagiging epekto nito sa pisikal naman
na kalusugan. Katulad na lamang ng pagbagsak ng timbang, hirap o wala na sa tamang
oras ang pagtulog, pagkapagod ng mata. at maaaring magdulot ng mga seryosong sakit sa
katawan.
 (Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Eastern Washington University sa Cheney,
Washington ang pag-aaral sa online ay nagpapakita ng isang pangunahing panganib sa
ating emosyonal at pisikal na kalusugan, na nagreresulta sa isang trend na malayo sa
mga aktibong paghahanap ng paglilibang at pampalakas. At ito ay humahantong
patungo sa isang hindi na aktibo na gawain partikular ang laging nakaupo (Wang, Luo,
Gao, & Kong, 2012). Ang hindi na aktibo na gawain (sedentary lifestyle) at pag-uugali
(mental health) ay humahantong sa maraming mga panganib sa kalusugan at kondisyon
tulad ng sakit sa puso, isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng katawan.)
SLIDE 15
Lokal na Pag-aaral
 Tumutukoy sa pag aaral na ito ang kasanayan sa teknolohiya na tayo ay nasa panahon ng
patuloy na pag-unlad at paglago sa agham at teknolohiya kaya kinakailangang maalam ang
mga mag-aaral gumamit nito at nang makasabay sa takbo ng panahon, lalo na ngayon ay
online classes ay magiging epektibo sa mga mag aaral at sa mga guro na dapat gamitin ang
mga hanay ng mga kapaki-pakinabang sa pagkatuto o pagsasanay mga kritikal na mga
kasanayan sa pag-iisip na may kaugnayan sa impormasyon, midya, at teknolohiya.
(Ayon naman sa isang pag-aaral na isinulat ni Allan Ortiz (2017) na batay sa framework for
21st Century Learning, ang mga tao ng ika-21 siglo ay nasasanay sa kabuhayang
teknolohiya at media-driven, dahil dito sa pagsasanay o kalakihan ng mga kabataan, sila ay
makakakuha ng mga impormasyong sa madaling paraan, Gayunman ay dapat kaya nilang
aralin ito sa kanilang mga gadgets o sa kanilang bahay, kaya ang paraan ng online classes
ay magiging epektibo sa mga mamamayan at manggagawa sa kasalukuyang siglo na dapat
gamitin ang mga hanay ng mga kapaki-pakinabang pagtuto o pagsasanay, at mga kritikal na
mga kasanayan sa pag-iisip na may kaugnayan sa impormasyon, midya, at teknolohiya.)

SLIDE 16
KABANATA III
Metodo ng Pananaliksik
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa
mga hakbang na ginawa ng mananaliksik upang malutas ang sularinin.
Disenyo ng Pananaliksik

 Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na
gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey
questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos
mula sa maraming respondante.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay nakita ng mananaliksik na magiging
mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa
pananaliksik.
Mga Respondente
Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang Epekto Ng
"Online Class" Sa Makabagong Sistema Ng Edukasyon Ng Mga Mag Aaral Edad Dalawampu
Hanggang Dalawampu’t Tatlo (20-23) Ng National Polytechnic College Of Science
Technology Ika-Limang Distrito Ng Lungsod Quezon.
 Ang napiling respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa Departamento
ng Edukasyon sa National Polythecnic Collge of Science and Technology. Ang mga piling
respondente ay binubuo ng dalawumpu’t isa na mag-aaral na kakatawan sa kabuuan ng pag-
aaral, Ang mga mag-aaral na sumagot sa talatanungan ay nasa edad na dalawampu (20)
hanggang sa dalawampu’t tatlo (23) taong gulang na kung saan ang mga ito ay mga
kasalukuyang nag-aaral sa paaralan.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik ay ginawa mismo ng mananaliksik. Ang
mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing
instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang survey ay naglalaman
ng mga katanungan na magbibigay ng mga kinakailangang impormasyon para masolusyonan
ang nasabing suliranin. Ang resulta na isinagawang survey ang magbibigay-linaw sa
mananaliksik sa kung ano nga bang Epekto Ng "Online Class" Sa Makabagong Sistema ng
Edukasyon sa mga mag-aaral.

You might also like