You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

CAVITE STATE UNIVERSITY – IMUS CAMPUS

Cavite Civic Center, Palico IV, Imus City, Cavite 4103

ANG “ONLINE NA KLASE’’ BILANG BAGONG MODO NG PAG-AARAL:

PANANALIKSIK SA PAGKA-EPEKTIBO NG “ONLINE NA KLASE” SA PANAHON

NG PANDEMYA SA MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO SA

CAVITE STATE UNIVERSITY – IMUS CAMPUS.

Ang Kultural na Pananaliksik na ito inihanda para kay

Bb. Grace Gonzales

Bilang pagtupad sa Pangangailangan ng Kursong

Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino

(KON-KOM)

Ipriniprisinta ni:

Christian Louierico Acedillo

Petsa

Enero 2021
INTRODUKSIYON
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Panimula

Taong 2020 ng mag simula ang pandemya na tinatalagang nag umpisa sa bansang china
at mabilis na kumalat sa iba’t ibang parte ng mundo. Nang dahil sa pandemyang ito ay maraming
negosyo ang nag sara at maraming nawalan ng trabaho. Mula sa ulat ng Philippine Statistic
Office ay umakyat 17.7 percent ang unemployment rate sa bansa sa panahon ng pandemya at
patuloy pang nababa. (Abante News, 2020) Sa kabila nito ay itinuloy parin ng DepEd and plano
ng pagbubukas ng klase. Sa katunayan ay milyon-milyong kabataan ang hindi nakapag-enroll
para sa pagaaral sa taong 2020-2021. Marami naman ang nakahabol sa ekstensyon ngunit
dalawang araw bago ang itinalagang oras ng pagtatapos ng pag eenroll ay tinatayang 7 milyong
estudyante pa ang hindi pa nakakapag enroll at posibleng dina mag aaral sa darating na pasukan
(Abante News, 2020) Higit na magpapabigat sa hirap na pinapasan ng mga estudyante at
kanilang mga magulang ang ‘online na klase’ na isinusulong ng Commission on Higher
Education (CHED) dahil hindi lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay may kaya. (Joy Cantos,
2020) Marami ang tumututol at kumukwestion sa “online na klase” na isinusulong sa bansa. Ito
ay tinawag na “Anti-Poor’’ o hindi para sa mahirap. (Julia Mari Ornedo, 2020) Dahil nga sa
hindi ito balanse para sa lahat ng mag-aaral at hindi lahat ng magulang ay kayang pag aralin ang
kanilang mga anak sa pampribadong paaralan at libre man ang pag-aaral sa pampublikong
paaralan ay magiging problema parin nila ang suliranin sa pagbabayad ng buwan-buwan na
pagbabayad sa internet at pagbili ng bagong “smartphone” o kung ano mang makabagong
teknolohiya na magagamit sa online na klase.

"Learning will continue, COVID or no COVID. Sinubukan namin dahil maraming


nagsasabi 'hindi kaya ng DepEd, hindi marunong ang DepEd, hindi nila makakayanan ang
ganitong kalaking trabaho,'" dinagdag niya. "Nagkaroon kami ng simulation sa city ng Navotas
with the cooperation and full support of Mayor (Toby) Tiangco and it was a very successful
simulation kindergarten, high school and college." -Sec. Briones (CNN Staff, 2020)

Sa kabila nito ay marami parin ang di nasiyahan dito at patuloy parin pagbabatikos at
mga tanong ukol sa pagiging epektibo ng online class para sa mga mag-aaral. Tulad ng kung
naging sapat ba ang paghahanta ng DepEd para sa online class o ang iba naman ay kinukwestion
kung may matututunan ba ang mga bata dito. Umaangat rin ang mga tanong na maari ring
maapektuhan ng online class ang ‘’mental health’’ ng mga bata o mag aaral. Dahil nga sa
panibagong implementasyon na ito may inaasahan na magdudulot ito ng malaking pagbabago sa
mga kinasanayan. Batay sa isinagawang pag aaral ni (Magi Aguinaldo, 2020) Mas natatandaan
ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online kumpara sa 8-10% lang kung sa silid-
paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng bata ang isang aralin sa
online learning. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata ang aralin, puedeng lumaktaw at
umabante sa ibang konsepto batay sa sariling kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa
bagal ng pagtuturo ng titser sa silid paaralan.

“PAG-AARAL AY DAPAT PARA SA LAHAT AT HINDI LANG PARA SA MAY KAYA,


LAHAT DAPAT AY MAKAKAPAG-ARAL”

Makalipas ang ilang mga buwan ng online na pag kaklase at lumalabas na ang mga
positibo at negatibong epekto nito sa mga mag aaral, magulang at mga guro. Ang iba ay
nahihirapan dahil sa maingay sa kanilang bahay at mahina ang signal. Ngunit ang iba naman ay
natutuwa dahil nakakapag aral sila habang nag tratrabaho. (Abante News, 2020) Ilan lang ito sa
mga naidulot ng online na klase. Sa pag susuri ng mananaliksiksik ay may problema sa
sistemang ito, batay na rin sa mga nalakip na mga impormasyon dahil sa kalidad ay sinasabi na
mas maganda ang online na klase dahil ang mga studyante ay mababalik balikan ang mga
nakaraang pag aaral kumpara sa normal na klase ngunit kung ang kapalit nito ay maraming
bilang ng mga studyanteng hindi makakapag aral dahil sa walang kakayahan para dito. Kaya’t
itong pananaliksik na ito ay ginawa para malaman ang tunay na suliranin na hinaharap ng mga
magaaral sa online na klase. Ang paksang ito ay mahalaga para sa mga mamamayan at malaman
nila kung ang online na klase ba ay dapat gawing permanente o pansamantalaga para makaraos
sa kinakaharap na problema ng bansa sa kabila ng pandemya.

Kaligiran ng pagaaral

Nang magkaroon ng ‘’lockdown’’ sa mga bansang apektado ng COVID19,


nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang
pag-aaral gamit ang smartphone, laptop, desktop computer at iba pa. (Akoaypilipino.eu, 2020)
Ito ay alternatibo habang hindi pa magagawa ang tradisyonal na pagkaklase dahil sa dulot ng
pandemya.

Ang layunin ng papel na ito ay: (1) Mailahad ang mga bagay na nagpapahirap sa pagaaral
ng mga estudyante. (2) Malaman ang mga magagandang dulot ng online class na mas nagpa-
pagaan sa pag aaral ng mga estudyante. (3) Matukoy ang pinakamalaking epekto ng online na
klase sa mga mag-aaral.

Iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung saan ay may personal na interaksiyon
sa pagitan ng guro at mga estudyante, kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo at
imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga bata ay magkaroon ng pokus at
ibuhos ang kooperasyon. Kaya masasabing trending ang online na klase ngayon at isa ring
matinding hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito kahit sa panahon ng kwarantin.
May kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang magkaroon ng
internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang na
may subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipagkomunikasyon gamit ang Facebook o
Messenger.

Tinalakay ng mananaliksik sa papel na ito ang: (1) Ang epekto ng online class bilang
bagong modo ng education sa pagaaral ng mga estudyante. (2) Pagsasaliksik sa mga bagay na
nagpapahirap sa online na pag aaral ng mga estudyante. (3) Ang pag kuha ng impomasyon sa
mga magagandang dulot sa edukasyon ng mga mag aaral sa tulong ng online na klase. (4) Pag
tuklas sa pinakamalaking epekto ng online na klase sa pag-aaral ng mga estudyante.

Kaugnay sa Pag-aaral at Literatura

Ang online na pagka-klase ay bagong modo na inilabas upang alternatibo sa tradisyonal


na klase. Ito ay ginawa upang makapag patuloy sa pag-aaral ang mga estudyante sa kabila ng
pandemya.

Online na klase

Ang Online na klase ay isang plataporma na nag aalok ng dekalidad na pag-aaral kung
saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na
kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang
guro at mga kamag-aral. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa tulong ng mga makabagong
teknolohiya.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na ginawa ng mananaliksik para sa kapakinabangan ng: (1) Mga
estudyante, upang malaman nila ang mga epekto ng online class sa kanilang pag aaral. (2) Sa
mga guro, upang sila ay bigyan ng ideya kung paano nila mas payayabungin ang kaalaman ng
mga estudyante sa online na klase. (3) Para sa mga nagpapataas ng antas ng kurikulum, maaari
nila itong gamitin ang aking mga nasaliksik upang maging gabay sa pag gawa ng bagong modo
ng pagaaral o kurikulum na pasok sa bawat antas. (4) Para sa mga bagong mananaliksik,
magagamit nila itong aking mga nasaliksik upang mas palakasin pa at palawakin ang kanilang
mga saliksik na ginagawa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral na kolehiyo ng Cavite State
University-Imus Campus sa taong 2020-2021. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga
epekto ng online na klase sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Cavite State University – Imus
Campus.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing Suliranin: Ano-ano ang mga epekto ng online class sa mga mag aaral ng
kolehiyo sa cavite state university imus campus.
Mga tiyak na suliranin:
Ang mga mananaliksik ay naglalayong sagutin ang mga tiyak na suliranin na:

1. Ano-ano ang mga bagay na nagpapahirap sa online na pagaaral ng mga


estudyante sa kolehiyo ng Cavite State University Imus Campus?
2. Ano-ano ang mga dulot ng online class na nagpapagaan sa pagaaral ng mga
estudyante sa kolehiyo ng Cavite State University Imus Campus?
3. Ano ang naging malaking epekto ng online na klase sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Cavite State University Campus?

Depinisyon ng Termino

Ang mga salitang ginagamit sa Pag-aaral na ito ay bibigyan ng kahulugan ayon sa


istandard na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.

• Covid – sakit na kumalat sa iba’t ibang parte ng mundo.

• Pandemya - ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng


mga populasyon sa isang malawak na rehiyon.

• Modo – Ito ay ang pagpili ng kung ano ang gagamitin para sa pag-aaral ng mga
estudyante.

• Tradisyonal – nakagawian o nakasanayan.

• Interaksiyon – pakikipagpalitan ng salita sa ibang tao.

• Kurikulum - ay isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayon makapanaliksik,


makapagpaunlad, at makapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum na
nakapagpapataas ng mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng
mga paaralan.
METODOLOHIYA
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik,
Instrumento ng Pananaliksik, Impormante ng Pananaliksik, Koleksyon at Pamamahala ng Datos
at Istatistikal na Tritment ng Datos.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng isang imbestigasyon ng tanong kung ano ang
karanasan ng mga mag-aaral sa online na pag-aaral, at gumamit ang mananaliksik ng
kwalitatibong metodolohiya ng pag-aaral.

Ayon kay Major & Savin-baden (2010) Makakatulong ito upang pamahalaan at
maunawaan ang lumalaking batis ng mga impormasyon sa pagsasaliksik.bilang ito ay
tumutulong sa pag ayos ng mga natuklasan mula sa indibidwal na pag-aaral. Ito rin ay
nagbibigay-daan sa mga practitioner at nagawa ng patakaran upang bumuo ng teoretikal na
pananaw batay sa isang hanay ng mga pananaliksik, na kung saan sila ay madalas na mas gusto
ang isang partikular na pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Interbyu ang napili ng mananaliksik na gamitin sa pagkalap ng impormasyon upang


malaman ang pagka-epektibo ng online na klase sa panahon ng pandemya sa mga mag-aaral sa
kolehiyo ng Cavite State University – Imus Campus.

Impormante ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay pipili ng tatlo sa bawat kurso at seksyon ng kolehiyo upang


interbyuhin at makuhanan ng impormasyon na makakatulong sa pagsasaliksik na ito. Ang bawat
tanong ay nakatuon lamang sa epekto ng online na klase sa kanilang pag-aaral at masusing
ginawa ng mananaliksik.

Koleksyon at Pamamahala ng Data

Ang mananaliksik muna ay gagawa ng liham para sa guro upang payagan ang
mananaliksik na kumuha ng impormasyon sa kanyang mga estudyante. Sa oras na pumayag ito
ay agad ring irerecord at iinterbyuhin ang tatlo sa bawat seksyon sa kolehiyo. Ang oras ng pag
interbyu ay naka gagawin lamang sa bakanteng oras ng estudyante upang hindi ito magambala sa
pag-aaral. Pag tapos ma-interbyu ang lahat ng tatlong estudyante sa bawat seksyon ay
pagsasama-samahin ang mga sagot ng impormante upang masagot ang suliranin ng pananaliksik.
Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Upang magkaroon ng isang mas mahusay na paliwanag ng mga impormasyon na natipon


mula sa mga impormante. Ang mananaliksik ay gagamit ng “Mean, Percentage frequency”
Gayundin, ang mananaliksik ay aayusin ang mga impormasyon na natipon sa kung ano ang may
pinakamataas na porsyento at dami ng sumagot upang makuha ang sagot sa kung ano ang
pinaka-malaking epekto ng online na klase. Nasa ibaba ang gagamitin na pormula:

You might also like