You are on page 1of 3

EPEKTO NG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO SA

ASIGNATURANG AGHAM AT MATEMATIKA

Isang Kultural na Pananaliksik na Iniharap kay


Binibining Mary Grace H. Gonzales
Departamento ng mga Wika at Pangmadlang Komunikasyon
Cavite State University - Imus Campus

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga Pangangailangan para sa Kursong
GNED10/11 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Deloy, Jarenfe C.

BSIT1C

Enero 2021
INTRODUKSIYON

Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon,
ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya
Sahalip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang
kanilang paligid. Kaya’t nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga
polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong

Isang mahalagang sangkap sa isang maayos na pagkatuto sa pag-aaral ang pagkakaroon ng


mainam na wikang gagamitin sa pag-aaral. Bagama’t hindi man napapansin ng ilan ay lubhang
nakakaapekto ito sa kakayahang matuto at umunawa ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay
ukol sa paggamit ng Wikang Filipino sa sa agham at matematika. Noong 1901, sa pangunguna
ng Philippine Comission, ginawang opisyal na wikang panturo ang wikang Ingles sa bias ng Btas
Blg. 74. Subalit noong 1925 ay napagtanto nila na hindi ito nagging epektibo sa pagkatuto ng
mga Pilipino sapagkat noong panahon na iyon ay hindi pa pamilyar ang mga Pilipino sa Ingles
ang impormasyon na ito ay ayon sa Monroe Education Survey Commission. Ngunit sa paglipas
ng panahon ay naging laganap na ang wikang Ingles sa bansa at dahil dito ay ginagamit na ito
bilang panturo sa iba’t-ibang asignatura tulad ng agham at Matematika, at nadagdagan ng iba
pang asignatura. http://independent.academia.edu/jharilcamposano

Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, Ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang ng pamamagitan ng mga panghihiram.
http://books.google.com.ph/books. Ang mananaliksik ay isinagawa ang pananaliksik na ito
upang malaman ang Epekto ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa asignaturang agham at
matematika.
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang Epekto ng wikang
Filipino bilang wikang panturo sa araling agham at matematika.

Layunin rin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga kasagutan sa mga sumusunod na
tanong:

1. Ano ang mas epektibong gamitin bilang wikang panturo?

2. Sa paanong paraan nakakaapekto ang paggamit ng wikang Flipino bilang wikang


panturo sa asignaturag Agham at Matematika?

3. Anu-ano ang maaaring positibo at negatibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino


bilang wikang panturo?

4. Bakit wikang Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng araling agham at


matematika?

You might also like