Professional Documents
Culture Documents
LIPUNANG PILIPINO
Isang Papel ng Pagsusuri sa mga Piling Babasahin
Bilang Isang Medyor na Gawain sa Asignaturang Dalumat
Mga Nagsuri:
Corpus, Jamaica
Gautane, Stephanie Rose
Paet, Stephanie
Perez Jaylla
Renegado, Nica
Mula sa:
Si Epifanio “Sonny” San Juan, Jr ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila si San Juan
noong Disyembre 29, 1938. Nag-aral sa Bonifacio Elementary School, Jose Abad Santos
High School, at nagtapos ng AB English sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang magna
cum laude. Ipinagpatuloy ni San Juan ang paglinang sa kaniyang kakayahan nang
kumuha ng PhD in English sa Harvard University noong 1958. Dahil nakitaan ng
husay, naging tagapag-turo si San Juan sa Harvard noong 1961 hanggang 1963. Isang
taon ang lumipas mula nang magturo sa Harvard, kinilala naman ng Espanya ang
kaniyang galing at natanggap ang Siglo de Oro prize for Comparative Literature dahil
sa kaniyang pagsusuri sa tulaan ni Luis de Gongora. Naging propesor din siya sa
Institute for the Advance Study of the Humanities sa University of Edinburgh. Kilala
rin siya bilang manunuri ng ilang akdang pampanitikan na lumabas sa ilang aklat tulad
ng After Postcolonialism: Remapping Philippines-US Confrontations.
Si San Juan ay isang sa English at Comparative Literature sa maraming
pamantasan sa Amerika. Bago magturo sa U.P. Diliman ngayong taon, siya ay propesor
ng Fulbright ng American Studies sa Katholieke Universiteit Leuven, Belgium at kapwa
ng Rockefeller Study Center sa Bellagio, Italya. Nagturo rin siya sa University of Trento,
Italy at Tamkang University, Taiwan. Si Epifanio San Juan, Jr., ay nag-ambag ng isang
artikulong "Racism, ideology at paglaban" sa Freedom Road Socialist Organization's
Forward Motion, isyu noong Setyembre 1991.
Sinuri niya ang mga isinulat ni Ferdinand Blumentritt sa Pilipinas, inuri ito, at
nagbibigay ng istatistikal at grapikong impormasyon tungkol sa mga ito. Ang mga
panahong ito at ang kaukulang bilang ng kanyang mga gawa.
II. DEPINISYON NG MGA TERMINO
Multikultural- Pagkakaroon ng maraming estado ng isang bansa; pinagsasama-samang
magkakaibang ideolohiyo, kultura, nakasanayan, at tradisyon na bumubuo sa kultura
sa isang komunidad.
Monokultural- Unang modelo ng pagsasabansa ng Pilipinas.
Multikulturalismo- Ay isang kamalayan, o ideolohiya, na minsan ay naisasabatas, na
kumikilala at nasisiyahan sa pagkakaroon ng isang estado ng maraming; maliliit na
bansa.
Federalismo- Ito ay sistema ng gobyerno kung saan ang kapangyarihan, pondo, at
programa ay binabahagi sa mga pamahalaang pang-relihiyon at pang-lokal.
Desentralisayon- Isang paraan ng pambansang pamahalaan na isalin ang
kapangyarihan at awtoridad sa lokal na pamahalaan.
Ekonomiya- Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa
o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at
ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,
at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
Ekonomista- Ito ang mga nag-aaral batay sa pagpili at pagpapasya ng mga tao sa
lipunan at ang epekto nito sa ekonomiya.
Banyagang Namumuhunan- Mga mamamayan ng ibang bansa na nagtatayo ng
negosyo sa Pilipinas.
Pang-ekonomiyang Pagkamakabayan- Adhikain, kagustuhan, at pagnanais ng isang
bayan na paunlarin ang kanyang materyal at kultural na kalagayan sa pamamagitan ng
sariling talento, kakayahan, at walang humpay na paggawa para sa kapakanan ng
buong mamamayan.
Modernidad - tumutukoy sa isang makasaysayang panahon na nakita ang ebolusyon
ng kapitalismo at industriyalisasyon.
Imperyalista - isang patakaran o ideolohiya ng pagpapalawak ng isang pamamahala ng
isang bansa sa mga dayuhang bansa, madalas sa pamamagitan ng puwersa ng militar o
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontrol sa politika at pang-ekonomiya ng ibang
mga lugar.
Neokolonisasyon - paggamit ng isang bansa sa kapangyarihan at kakayahan nito sa
ekonomiya, politikal, kultura at iba pang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang
isang bansa o rehiyon.
Lingua franca - wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba't ibang grupong
etnolinggwistiko na sumasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang
bansa ayon sa wika, kultura at etnisidad
Sibilisasyon - klase ng estado ng pamumuhay
Oligarkiya - isang uri ng pamahalaan na iilang tao lamang ang may kapangyarihan.
Alegorya - ito ay isang uri ng kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan, at kilos ay
may mas malalim pang kahulugan maliban sa literal na ibig-sabihin.
Sarswela - mula ito sa mga Kastila at ito'y isang klase ng dulang may kantahan at
sayawan na binubuo ng isa hanggang limang kabanata. Naglalaman ito ng mga tema
ng pag-iibigan at/o kontemporaryong isyu ng mga Pilipino.
Jones Law (1916) - batas patungkol sa pagpapasya kung saan pagkatapos ng ilang taon
ay maaari na ba at handa na ang bansang Pilipinas para sa kanyang kalayaan at
pagsisimula ng pagbabagong pamumuno.
Payne-Aldrich Act (1909) - galing sa mga pangalan nina Sereno E. Payne at ni senador
Nelson W. Aldrich, ang batas na ito ay nagbigay ng pahintulot sa pagitan ng Pilipinas
at ng Estados Unidos na maging malaya sa pagpapalitan ng mga kalakal.
III. DISKUSYON
Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang Pilipino ni
Dr. Feorillo Petronilo Demeterio III ay nagpapakita ng mga nilalaman na
magpapatunay patungkol sa kasaysayan ng ating bansa kung paano ito umangat mula
sa monokulturalismo patungong multikulturalismo. Ito ay nagsasaad din ng mga
naging masamang dulot nito sa mga mamamayan ng isang bansa o estado.
Ayon sa sulatin ni Demeterio III, bago pa man natin itangi ang ating mga sarili
bilang Pilipino, madalas muna nating binabanggit kung ano ang rehiyon na
kinabibilangan natin tulad ng Tagalog, Cebuano, Muslim, at marami pang iba. Madalas
itong mapapansin sa mga malalaking lunsod. Ayon pa sa kanyang halimbawa na tulad
na lamang sa Pamantasan ng Maynila, ang mga mag-aaral ay nagsasama-sama batay sa
kanilang rehiyon na pinagmulan. Maging ang mga Pilipinong nangingibang bansa ay
dala-dala pa rin ang rehiyonalismo.
Bakit nga ba nais ng mga tao ang magbuklod-buklod ayon sa kanilang rehiyon?
Nang ipatupad ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar, mas
lalong tumindi ang galit ng mga Muslim sa gobyerno. Para sa mga Muslim ito ay isang
paraan ng pang-aapi sa kanila. Hindi nila hahayaang mabura ang kultura na kanilang
kinagisnan at habang-buhay nila itong iingatan. May mga dahilan si Ferdinand Marcos
kung bakit naipatupad niya ang Batas Militar sa bansa, ngunit dahil na rin sa batas
militar, napasama ang turing ng mga Muslim sa gobyerno.
Kung inyong mapapansin, hindi pantay ang pagtingin sa bawat pangkat sa loob
ng isang estado. Una, sa konteksto ng “primate city” at ng ibang mga rehiyon.
Pangalawa, ang hidwaan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim. Sa bahaging ito, titingnan
naman natin ang konteksto ng kontradiksyon sa pagitan ng mga mayorya at minoryang
pangkat etniko.
Kapag ang mga katutubong pangkat tulad na lamang ng mga Maranao at Ifugao
ay lalabas sa kanilang heograpikal na teritoryo, at luluwas patungo sa malalaking
lunsod tulad ng Metro Manila o Metro Cebu, sila ay obligadong maki-sabay at maki-isa
sa kulturang mayroon ang lunsod na iyon. Sapagkat kung titingnan ang rehiyonal na
distansya, ito'y malayo sa kanila at mas malaki ang tyansa na magkaiba rin ang
paniniwalang mayroon sila. Paano nga ba mapapanatili ang kultural na kamalayan
kung ganito na ang sitwasyon?
Kung nais nating maunawaan ng mas malalim ang tungkol sa ang uri ng
multikulturalismong nararapat sa multi-etnikong istraktura ng mga malalaking lunsod
ay pag-aralan natin ang teorya nina John Rex, Max Weber, at Ferdinand Tonnies. Ang
modelo ng multikulturalismong iminungkahi ni Rex ay siyang naghati sa lipunan ayon
sa binaryo nina Weber at Tonnies.
Malaki ang naging papel ng mga binaryong iminungkahi na nabanggit kanina, lalo
na ang modelong imungkahi ni Rex dahil hindi lamang nito napagsasama ang mga
pangkat-etniko sa loob ng isang malaking lunsod kundi malaki rin ang naitulong nito
kung paano hanapin ang balanse sa pagitan ng pang-estado at rehiyonal na kultura.
Ngunit ayon katy Epifanio San Juan, ang teorya ni Rex ay may problema na
kailangang bantayan.
Sa mga taon mula 1930 hanggang 1942, umusbong ang mga usaping naka-sentro
sa lipunan, kasabay nito ay ang pagkakatatag sa Philippine Writers League taong 1939
na pinamunuan ng mga intelektwal tulad nina Federico Mangahas, Teodoro Agoncillo,
Salvador Lopez, Manuel Arguilla, Arturo Rotor, at iba pa. Nakabuod sa akdang
"Panitikan at Lipunan" ni Lopez ang ilang maseselang suliranin ng bansa. Mula naman
sa isinulat ni Teresita Gimenez Maceda na pinamagatang "Mga Tinig Mula sa Ibaba",
tinalakay nya sa ikatlong kabanata ng kanyang libro ang tradisyong katutubo at
radikalismo ni Pedro Abad Santos na Partido Sosialista.
Bilang isang mahirap na bansa, kailangang igiit na ang mga Pilipinas ang dapat
na gumawa at magpasa ng mga patakaran sa pag-unlad dahil kung patuloy paring
makikialam ang mga banyagang bansa at mga internasiyunal na institusyon, hindi
kailanman mapapaunlad ang Pilipinas at sariling sambayanan dahil patuloy paring
ibabalewala ang mga pangangailangan ng mga mahihirap. Sa ganitong kalakaran,
patuloy na yayaman ang mga mayayamang bansa at maghihirap ang mga mahihirap
na bansa.
IV. INTERTEXTUALIDAD
Ang tatlong babasahin ay nagsasaad ng kabatiran kung paano mabubuo ang
isang lipunang pang-masa at paano naisakatuparan ang pagkakaroon ng isang
maunlad na bansa. Sa mga babasahin nakapaloob ang mga kahirapan sa
pagsasakatuparan ng pagbuo ng isang bansa.
V. KONKLUSYON