You are on page 1of 5

PAGSUSURI SA SULIRANIN NG KALIDAD NG INTERNET SA PILIPINAS

Isang Panlipunang Pananaliksik na Iniharap kay


Binibining Mary Grace H. Gonzales
Departamento ng mga Wika at Pangmadlang Komunikasyon
Cavite State University - Imus Campus

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga Pangangailangan para sa Kursong
GNED10/11 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ramos, Karlo I.

BSIT-1B

Enero 2021
INTRODUKSIYON

Mabilis ang paglaganap ng Internet sa bawat bansa. Gayundin ang dagliang


pagkatuto sa paggamit nito ng bawat mamamayan, dulot na rin sa hatid nitong mga
benepisyong pang-ekonomiya, pang-edukasyon, pangkalap ng mahahalagang
impormasyon, at iba pa. Mayroong matibay na katibayan na ang paggamit sa Internet ay
isang pangunahing nagdudulot sa paglago ng ekonomiya (Scott, 2012).
Sa taong 1994, naranasan ng kauna-unahang Filipino ang paggamit ng Internet
(Minges, Magpantay, Firth, at Kelly, 2002). At nagpatuloy ang paglaki ng bilang at
paglawak ng populasyon ng bawat indibidwal na gumagamit nito sa Pilipinas. Ika nga
ni Ho (2009), malinaw na patuloy ang paghigop sa mga Filipino patungo sa tinatawag na
“World Wide Web” sa paggamit ng Internet. Kinilala rin ang bansang Pilipinas bilang
“texting” at “social media” capital ng mundo, dahil sa mabilis na pagyakap ng mga
Filipino sa paggamit ng Internet (Salac at Kim, 2016).
Ang maagang pagbubukas ng Internet sa publiko ng Pilipinas ay hindi
nangangahulugang malaki ang naging progreso ng kalidad nito sa pagdaan ng panahon.
Batay sa datos ay isa ang Pilipinas sa mga bansang mayroong pinakamababang ranggo
sa bilis ng Internet, kakayahang magamit ang Internet, at gayundin sa pagbabahagi ng
impormasyon (PIDS, 2016). Nagdudulot ng negatibong epekto ang suliranin sa Internet
ng Pilipinas sa pagiging produktibo ng bawat indibidwal na mamamayan nito. Gayundin
sa paglago sa industriya ng mga IT/BPO, agrikultura, turismo, at pagmamanupaktura.
Pati na rin sa larangan ng edukasyon, pagkalap ng impormasyon at balita, negosyo, at
iba pa. Ang pagkakaroon ng mabagal na Internet ay nangangahulugang mahina ang
pangkalahatang produktibo (Azcarraga at Peña, 2019).
Ang nararanasan ng mga Pilipinong mataas na presyo ngunit mabagal na Internet
sa Pilipinas ay sanhi ng magkakaugat na mga dahilan. Una, ang pagsasawalang bahala
ng gobyerno sa pagpapabuti ng kalidad ng Internet sa bansang Pilipinas. Ayon sa naging
resulta ng sarbey ng UN E-Government (2014), ang Pilipinas ay nasa ika-95 na ranggo, at
nagpapakita ito ng mahinang pamumuno ng gobyerno at iba pang mga kagawaran sa
bansa. Pangalawa, ang napabayaang Public Telecommunications Policy Act ng Pilipinas
(Genio, 2017). Pangatlo, ang tinatawag na “duopoly”, kung saan dalawang pangunahing
kumpanya ang kumukontrol sa pagbibigay ng serbisyo ng Internet o “ISP”, na
nagreresulta ng mahinang kumpetisyon sa pagpapabuti ng serbisyo ng kanilang Internet
(Change, Coalition for 2019). Pang-apat, ang tinatawag na “Red tape”, kung saan
pahirapan at matagal ang pagpoproseso ng mga dokumentong kinakailangan sa
pagpapatayo ng mga “cell sites”. At panghuli, ang kakulangan na mga “cell sites” sa
Pilipinas. Ang mga kadahilanang ito ang nag-uudyok sa mga “IPS’s” na limitahan ang
Internet na nagagamit upang mabahagian ang malaking bilang ng mga konsyumer nito
sa Pilipinas, na tinatawag na “bandwidth throttling” (Salac at Kim, 2016).
Ang Internet ay kabilang na sa mga mahahalagang pangangailangan ng mga tao,
katulad ng tubig, pagkain, tirahan, at trabaho. Ang pagkakaroon ng maayos na kalidad
na Internet sa Pilipinas ay isang karapatang panlipunan na nararapat pagtuonan ng
pansin at aksyon, hindi lamang ng gobyerno, gayundin ng mga nagbibigay serbisyo sa
Internet o “ISP”. Sa kadahilanang, ang pagtugon at pagsasaayos ng suliranin sa Internet
ng Pilipinas ay isa sa magtataguyod ng ekonomiya ng bansa, at sa iba’t ibang industriya
at sektor nito. At ang pagtugon sa suliraning ito ay magsasaayos ng isa sa kahinaan ng
bansa, ang Internet. Nang sa gayon ay makatulong ito sa pagpapalago at pagpapalakas
sa potensyal at pagiging produktibo ng ekonomiya ng Pilipinas (Salac at Kim, 2016). Ika
nga ni Labucay (2014), ang hindi maayos at kakulangan sa Internet, ay katulad ng suliranin sa
kahirapan at gutom na kinakailangang tugunan ng gobyerno.

Sa pananaliksik na ito ay maipapakita ang mga rason sa suliranin ng Internet sa


bansang Pilipinas. Nang sa gayon ay mamulat ang mamamayang Filipino sa puno’t dulo
ng nararanasan suliranin kaugnay rito. At nawa’y magbigay daan sa “gobyerno” at
“tagapagbigay serbisyo ng Internet o ISP” na bigyang aksyon ang mga hinaing ng
sambayang Filipino, na makakatutulong rin sa paglago at progreso ng ekonomiya ng
bansa.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa pagsagot ng suliranin na, ano ba ang


mga dahilan sa suliranin sa Internet ng Pilipinas.

Ang pananalikisik na ito ay inaasahang masasagot ang mga katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng Internet sa pang-araw araw na buhay ng mga


Filipino?

2. Bakit mahal ngunit mahina ang Internet sa Pilipinas?

3. Ano ang epekto ng mahal ngunit mahinang Internet sa mamamayang


Filipino at sa ekonomiya nito?

4. Sino ang may pananagutan sa suliranin sa Internet ng Pilipinas?


METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nakasaad ang iba’t ibang pamamaraan at istratehiyang


ginamit sa pag-aaral kung saan aalamin ang rason sa suliranin ng Internet sa Pilipinas.
Ito din ay naglalaman ng disenyo, kasangkapan at pamamaraan sa pagsuri ng mga datos.

Sa pamamagitan ng paggamit ng isang mahusay na pamamaraan ng


pananaliksik, makakalap ng mga kapaki-pakinabang, mahahalaga, at mas detalyadong
impormasyon ng mga isyu, kaso, o pangyayari (Arora at Stoner 2009).

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwalitatibong metodolohiya ng pag-aaral.


Ginamit ito sa pag-aaral dahil nagtataglay ito ng mabisang paraan upang matukoy ang
mga rason sa suliranin ng Internet sa Pilipinas.

Ang pamamaraan ng pag-aaral na ito ay gumamit ng interbyu sa pangangalap


ng datos sa iba’t ibang mamamayang Filipino. Random sampling at Simple naman ang
ginamit sa pagaaral upang maging maayos ang mga datos, at nang maintindihan ang
mga impormasyong nakalap. Ang mga impormanteng kinuhanan ng impormasyon sa
ginawang interbyu ay mga Filipinong nakaranas ng problema sa paggamit ng Internet
na may edad labing lima (15) pataas. Nakapaloob dito ang ilang mga katanungan
patungkol sa suliranin sa paggamit ng Internet, upang malaman ang mga saloobin at
karanasan ng mga ilang mamamayang Filipino, kung ano nga ba ang epekto ng mahal at
magabal na Internet ng Pilipinas. Sa pananayam, ginabayan ng mananaliksik ang
impormante sa pamamagitan ng panimulang tanong na nauukol sa interbyu upang
malaman ang kanilang karanasan, saloobin, at rekomendasyon sa kalidad ng Internet sa
Pilipinas. Gumamit din ng mga reperensiya mula sa iba’t ibang mga pananaliksik at
website upang suportahan ang ginawang pag-aaral.

Ang mga mamamayang Filipino na naapektuhan ng mahal at mabagal na


Internet sa bansa ang pinili ng mananaliksik na pagkuhanan ng impormasyon upang
masagot ng may katotohanan at may koneksyon ang pag-aaral. Nasa edad labing lima
(15) pataas ang kinuhanan ng impormasyon upang may kakahayan ng mag-isip at
masagutan ng wasto at angkop ang mga katanungan. Dalawangpung (20) iba’t ibang
mamamayang Filipino ang bilang ng impormante na kinuhanan ng impormasyon.

Sa instrumentong ginamit sa pananaliksik ay mayroong magkakaibang


katanungan sa mga impormante na magiging sukatan sa kabuuang resulta ng nakalap
na impormasyon. Ang mga tanong na nakapaloob sa interbyu ay sariling likha ng
mananaliksik.
Nakapaloob rito kung paano nangalap ng impormasyon ang mananaliksik.
Mayroong mga nilikhang katanungan na ginamit sa pananayam upang malaman ang
kanilang personal na saloobin at karanasan kung ano ang naging epekto ng problema sa
Internet sa Pilipinas sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Sinimulan ng mananaliksik ang pag-aanalisa ng mga datos mula sa mga


impormasyong nakalap sa panayam at binuo’t isinaayos ang resulta ng ginawang pag-
aaral.

Ang mga nakalap na datos ay pinagsasama-sama batay sa kategorya nito upang


mabuo ang isang sistematikong pahayag na naging kabilang sa pag-aaral at resulta. Ang
datos ay mula sa mga impormasyon na nakalap sa mga impormante. Ang kwalitatibong
interbyu ay isinulat ang eksaktong mga panayam ng impormante. Ang mga
impormasyon na nakuha sa mga impormante ay inilahad sa pagkakategorya sa
pamamagitan ng pagbase sa mga tema nito. At ang mga nakalap na datos mula sa
ginawang pananaliksik ay ginamit bilang pangsuportang impormasyon sa ginawang
pagsusuri ng datos.

You might also like