You are on page 1of 3

Liwanag, Justin L. Student no.

2019134701
Section 18 Second semester, Second year college

a. Pamagat: Ang pagkadulot ng Pampublikong Espasyo sa Pilipinas

b. Tesis na pahayag:
Paraan kung pano umuunlad ang Pilipinas kaugnay ang tinatawag na internet o social media at
ang saklaw ng pampublikong espasyo

Introduksyon: Paano at ano-ano nga ba ang pwedeng maidulot ng social media/internet sa


Pilipinas sa kasalukuyan at mga epekto nito sa mga tao at ekonomiya. Mayroong adbentahe and
disadbentahe ang dulot nito pagdating sa politika at pampublikong espasyo sa ating bansa.

c. Gitnang bahagi ng sanaysay:

Ang tinatawag na internet o social media ay naimbento noong nakalipas na siglo at alam natin
lahat na ang internet ay isang sistema na ginagamit ng karamihan kabilang na ang buong bansa,
ito ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa mga tao at isa ito sa nagpapatibay na
isa itong aspeto pagdating sa ating kultura at ito ay may magandang naidudulot tulad ng
pakikipag ugnayan. Sa paglipas ng panahon ay palago nang palago ang tinatawag na internet at
maraming aspeto ang kaya nitong matulungan kabilang na dito ang “Pampublikong Espasyo”
kung saan ang mga tao ay natututong magbigay ng sariling opniyon sa isang bagay dahil sa
tinatawag na internet/social media, ang internet bilang espasyong politikal sa Pilipinas ay
mayroong mahahalagang gampanin hindi lamang tungkol sa politika kundi na rin sa mga tao sa
buong bansa dahil simula nang dumating ang internet/social media sa atin ay nagiging
desentralisado at demokratiko na ang tingin ng karamihan na tao dahil unti-unti nang nagbabago
ang sariling pananaw ng bawat tao pagdating sa pagtingin sa iba’t ibang bagay, ngunit hindi lahat
ng naidudulot ng internet/social media ay makakapagbigay ng benepisyo dahil mayroon din
atong disadbentahe pagdating sa demokrasya.
May mga negatibong epekto rin pagdating sa demokrasya ang Internet, Pampublikong espasyo at
pampublikong diskurso hindi lamang sa ibang bansa kundi kabilang na rin ang Pilipinas (Ward,
I. n.d) bilang estudyante ay naniniwala akong may positibo at negatibong epekto ang
pagkakaroon ng internet/social media sa Pilipinas pagdating sa Politika tulad ng kuwestyon kung
paano pauunlarin at pagagandahin ang sistema at mas mapapabuti pa ang takbo nito dahil sa
kasalukuyan ay nabanggit ng mga tatakbong presidente nitong 2022 na maraming plataporma
ang kanilang ihahanda pagdating sa sistema ng gobyerno kaya’t bilang estudynate ay sa tingin ko
ay maraming kailangan ayusin pagdating sa politika. Pagdating sa Pilipinas ang sistema ng
gobyerno sa demokrasiya ay masyadong malawak at ito ang mga halimbawa na kasalukuyan ay
nangyayari tulad ng Cyberdemocracy, ito ay may epekto pagdating sa ekonomiya dahil dito
nalalaman kung epektibo nga ba an gmga proyekto o may kakulangan sa mga administrasyon,
negatibong epekto ukol sa kalayaan ng bawat Pilipino, masyadong maraming impormasyon na
nakukuha ng mga tao kahit ito ay pekeng impormasyon at kasama na dito ang cybercrime (Barth,
T. June 18, 2014).

d. Konklusyon
Sa pagdating ng social media/internet sa Pilipinas ay maraming benepisyo itong naidulot
ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi rin mawawala ang disadbentahe dahil bilang tao ay may
sari-sariling perspektibo base sa kanilang impormasyong natatanggap dahil sa
internet/cyberspace na kanilang ginagamit ngunit hindi porket nakakatanggap tayo ng mga
impormasyon na gusto nating malaman ay dapat natin agad itong patunayan dahil ang
pananaliksik ay importante bago tayo magpahayag ng mga bagay na gusto nating ipahayag sa
mga tao.

References:
- Barth, T (2014 June 18) Cyber Democracy: The Future of Democracy?
https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-1-4939-1028-1_7

- Ward, I (n,d) how democratic can we get?: the internet, the public sphere, and public discourse
https://www.jstor.org/stable/20866148

You might also like