You are on page 1of 16

KABANATA І

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Simula noong umusbong ang modernong teknolohiya sa

ating pang-araw-araw na pamumuhay at gawain, particular na

ang mga kompyuter, smartphones at ang internet, nagkaroon

ang mga tao na tinatawag na sosyal midya. Ang sosyalmidya ay

mga iba’t ibang websites at mga application na ginagamit ng

mga tao upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga netizens o di

kaya naman ginagamit ito upang makapag-ugnay sa mga tao na

epektibo at praktikal na pamamaraan, lalo na kung nasa

kalayuan ang nais kausapin.

Ayon kay Makaraig (2017) “Maraming naidudulot ang

sosyal midya at internet sa atin at sa lipunan dahil sa

tulong ng internet ay mas napapabilis ng takbo ng ating

buhay.” Ibig sabihin nito ay nakakatulong ang sosyal midya

upang makasabay sa uso at makibalita kung anong ganap sa

lipunan,higit dito ay nagdudulot din ito ng libang at aliw

sa marami. Nakakatulong din ito sa pagaaral ng mga

estudyante tulad ng paggawa ng mga takdang aralin at mga

proyekto. Sa panahon ng modernong pamumuhay ay kinakailangan


na sumabay kung ano mang nauuso upang hindi tayo mapag-

iwanan at umasenso sa modernong paraan.

Ang internet ay hindi lamang daan upang tayo ay

makiuso, maglibang at makiganap sa lipunan. Malaki din ang

tulong nito lalo na sa edukasyon. Maaari na rin magbahagi ng

mga interes ng isang indibidwal tulad ng mga makabuluhang

pangyayari na naganap sabuhay. Pwede rin maipakalat ang mga

larawan at mga bidyo na sa tingin ng isang netizen ay

nakakatuwa o nakakalibang na may kakaibang kahulugan sa

pang-araw-araw na buhay.

Ayon kay Ongsiako (2014) ”Sa Larangan naman ng

komunikasyon ay may positibo din naitutulong ang internet

gaya na lamang ng pakikipag komunikasyon sa mga mahal natin

sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa”. Sinasabi dito na

dahil mayroong sosyal midya, kaya nang subaybayan ng isang

tao ang kanyang mga kaibigan kahit wala sila sa tabi nila

upang makipagkwentuhan kung ano ang mga nangyayari sa

kanilang personal na buhay.

Subalit kung may magagandang epekto ang sosyal midya,

mayroon din namang masasamang epekto ito lalo na sa mga

kabatan at milenyals .Ngayong ika-21 na siglo, ang mga

kabataan ay lumaki kasama ang mga iba’t ibang sosyal midya

applications tulad ng facebook, instagram, twitter,


messenger, snapchat, tumblr at iba pa. Dahil dito,

nagsisilbing aliwan ito sa mga kabataan dahil ang pag-iskrol

sa mga sites na ito ay parte ng modernong pamumuhay at nais

ng mga kabataan na magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari

sa sosyal midya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga epekto ng

paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral ng 11ABMHT-1 at

11ABMHT-2 sa Pamantasan ng Araullo. Partikular na nakatuon

ang mga layunin ng pananaliksik na ito sa mga sumusunod:

1. Maipakita ang bilang ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng

palagiang paggamit ng sosyal midya batay sa mga

sumusunod na baryabol:

1.1 kasarian

1.2 edad

2. Maipakita kung bakit nawawala na ang interes sa pag-

aaral ng mga estudyante ng 11 ABM-HT sa Pamantasan ng

Araullo dahil sa paggamit ng sosyal midya.

3. Makapagbigay ng impormasyon ukol sa epekto ng sosyal

midya sa mga mag-aaral na gumagamit nito.

4. Maipakita ang dahilan ng pagkahumaling ng mga

estudyante sa sosyal midya kaysa sa pag-aaral.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mahalaga na malaman at mapag-aralan natin ang maaaring

epekto ng paggamit ng sosyalmidya. Makatutulong ang pag-

aaral na ito upang maipakita ang malaking dulot nito sa pag-

aaral ng mga mag-aaral.

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-

aaral na ito sapagkat maaari itong makatulong sa mga

sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral

Magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral kung ang

kanilang paraan ng paggamit ng sosyal midya ay nakakasama o

nakakatulong sa kanilang pag-aaral.

Sa Mga Guro

Mabibigyan ng kaalaman ang mga guro kung ano ang

naidudulot ng paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral ng

kanilang mga mag-aaral.

Sa Mga Magulang

Mabibigyan ng kaalaman ang mga magulang tungkol sa

posibleng epekto ng paggamit ng sosyal midya sa kanilang mga

anak.

Sa Mga Mamamayan
Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa mga

mamamayan ukol sa epekto ng sosyal midya sa pag-aaral ng mga

mag-aaral upang magabayan sila sa loob ng pamayanan.

Sa MgaMananaliksik Sa Hinaharap

Ang mga datos na nakalap ay magsisilbing basehan ukol

sa mga kaugnay na suliranin para sa pag-aaral o

pananaliksik, na makatulong sa ibang mga mananaliksik sa

hinaarap upang magamit ang mga ideya at kaalaman na

kailangan sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa hinaharap.

Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng

mga positibo at negatibong epekto ng sosyal midya sa pag-

aaral ng mga mag-aaral hinggil sa “Epekto Ng Paggamit ng

Sosyal Midya sa Pag-Aaral ng 11ABMHT-1 At 11ABMHT-2 sa

Pamantasan ng Araullo”

May kabuuang bilang na walumpu’t anim (86) na mag-aaral

ng Senior High School mula sa dalawang (2) seksyon ng ika-

labing-isang baitang ng ABM-HT taong 2018-2019 sa Pamantasan

ng Araullo ang nagging tagatugon ng mgamananaliksik sa pag-

aaralnaito.
Nilimitahan ang pag-aaralna itosa mga mag-aaral ng ika-

labing-isang baitang ng ABM-HT. Mga mag-aaral na lalaki at

babae na may edad labing lima (15) hanggang labing walos

(18).

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Upang maging madali ang pagkakaintindi ng mga

mambabasa, binigyan ng mananaliksik ng depinisyon ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang

mga ito. Narito ang mga sumusunod:

Pag-aaral: proseso ng pagkuha at pagbuo ng kaalaman ng mga

mag-aaral

Mag-aaral: mga taong bumubuo ng mga kaalaman sa loob ng

paaralan.

Paaralan: isang lugar kung saan pumapasok ang mga mag-aaral.

Smartphone: tumutukoy sa isang gadget o device na may

kakayahang magsagawa ng iba pang mga bagay maliban sa

karaniwang nagagawa ng isang telepono.

Internet: isang Sistema na ginagamit ng buong mundo upang

makapagkonekta ang mgakompyuter na dumadaan sa ibat’t ibang

klase ng telekomunikasyon.
Netizen: ang kombinasyon ng salitang internet at citizen.

Ang terminong netizen ay sumisimbolo sa taong gumagamit ng

internet.

Twitter: isang online na kuhanan ng mga balita at social

networking service kung saan ang mgagumagamit ay nagpopost

at nag-iinterak gamit ang mga mensahe na tinatawag na

“tweet”.

Facebook: pinakatanyag na online social media website sa

Pilipinas kung saan makakakita ng mga litrato at videos

galing sa mga netizens.

Instagram: isang libreng app sa pag babahagi ng litrato at

video na makukuhasa apple iOs, Andriod at windows phone.

Snapchat: ay isang app na pwedeng gamitin bilang pangkuha ng

litrato o bidyo na tumatagal lamang ng sampung segundo

hanggang dalawampu.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ang mga social networking sites ay mga serbisyong web-

based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng

pribado o pampublikong profayl sa loob ng sistema;

pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng

kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba

pang tagatangkilik ng sistema (Boyd & Ellison, 2007). Ang

social networking ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na

onlayn ng mga miyembro na may pareho-parehong interes at

gawain (Bautista, 2008). Ito ay kung saan ang isang tao ay

gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong

kaibigan bilang potensyal na koneksyon sa negosyo o social

life. Ang mga koneksyong ito ay makatutulong upang mapalawak

pa ang mga koneksyong mabubuo pa sa hinaharap (Bax, n.d.;

MacEntee, 2007; Glaser, 2007).

Ang Internet na kilala ring “information superhighway”

aymalawakang pang madlang daan na pinagsama-samang

kompyuternetworks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng

pocket switchingna gumagamit ng pamantayang Internet

Protocol(IP). Ito ay isang“network of networks” na binubuo

ng milyon na maliliit na networks salarangan ng pantahan,

pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaanat sosyal na

nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkodkatulad

ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng

salansanan atpinagdugtongdugtong na web pages at iba pang


mapagkukunan ngimpormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o

kumpanya anggumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang

ginagamit bilangonline diaries o talaarawan. Mahalaga ang

ginagampanang papel ngInternet sa pagpapalawak ng social

networking. Sa pamamagitan ngInternet nakakagawa ng e-mail

address na isa rin sa mahalangkasangkapan para maiproseso

ang SN (Aglosolos,2012)

Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay

nahihiligan ngmga teenagers bilang isang bagay o maaaring

pangyayari upangmapag-usapan ang isang isyung pangmadla o

kilala rin bilang forumpara ipakita ng kontra-sosyal at

palabang ugali. Kadalasan, angkomunikasyon sa Internet ay

nauugnay sa madalas na paggamit ngmga insulto, mga mura, at

agresibong pananalita. (Wallace,2000).Marahil ang kakayahan

na lumabas sa isang pag-uusap sa Internetang dahilan ng

pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ngkung

sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan

ngpaglo-logoff.Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng

adiksyon sa sarili at itoay ipinapakita sa dalawang klase ng

gumagamit ng Internet, angdependent at independent. Ayon kay

Young(1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa

Internet para sa sosyal na pakikipag-usap atpakikihalubilo.

Samantala, ang independent naman ay kumokonsumong 5 oras

para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang


mgamalungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang

sosyal angapektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang

nagbibigay ng kung anongwala sila sa totoong buhay. Sa mga

nasabi ni Young, makikita pa rinna mas mahina itong adiksyon

na ito kung ikukumpara sa mgalasenggo o durugista.

(Young,1996)

Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay

malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa

sa mga pagunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay

nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-

aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-

aaral.Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman

at libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa telebisyon ,

cellphone at syempre ang personal kompyuter at ang dala

nitong internet.Masabi natin na napakaraming naitulong ang

teknolohiya sa ating buhay, lahat ng sector sa ating

komunidad ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong

teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Tunay nga't

nabago na ng teknolohiya ang paraan ng buhay ng mga mag-

aaral. Ang mga imposible dati ay kaya ng gawin ngayon,

ngunit mayron nga bang disiplina ang mga mag-aaral upang

magamit ng maayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay

ay sumasama kapag nasubrahan at isa sa mga bagay na ito ay

ang teknolohiya.
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng

pagtuturo at pagaaral ngisang kasanayan, at saka ilang

bagay na hindi masyadong nadadama ngunithigit na malalim%

ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga atkarunungan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayagang

kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang

puhunanng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang

magingproduktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

Ito ay itinuturing nakarapatan ng mga mamayan sapagkat ang

lahat ng tao ay may karapatangmatuto at magaral. Ang pag

aaral ang nagbibigay pagkakataon sa mga taona mas umunlad pa

ang kaalaman, bigyan ng respeto, at magkaroon ngmagandang

oportunidad sa buhay. (unay ngang isa sa mgapinakamahalagang

karapatan ng tao ay ang edukasyon na tumutulongupang maging

matagumpay ang isang indibidwal.(Sangoyo,2010)

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social

networking sites ay mgaserbisyong web-baed na nagbibigay sa

mga indibiwal para (1) bumuo ng isangpangpublikong profile,

ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay

kapagnagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob

sa isang system, (2)makita ang profile ng ibang indibidwal

kung saan siya ay konektado, at (3) paramakita ang mga

profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag


pang mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko

dahil pinapayagan nitoang isang indibiwal na makilala ang

ibang tao.

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na

magkakaugnay ay maaaring maging basehan para sa interaksyong

sosyal na computer-mediated. Ito ay bungang The Network

Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot

ngpagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo.Ayon

sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995

sapagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang

Classmates.com, isangwebsayt kung saan ang mga miyembro nito

ay makahahanap ng kanilang mgalumang kaklase maging sa

kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili angkomunikasyon sa

pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon

StateUniversity(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng

websayt na ito. Sa karagdagan,sinabi ng Classmates.com na ng

kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mgaresidente ng

Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o

kasama nilanoong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang

mga kasama nila sa militar.Noong taong 1995, nagkaroon ng

mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali saSN na

ito.Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay

nagsimula sa websayt naSixDegrees.com. Sa websayt na ito,

nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao namakagawa ng profile,


mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng

mgakaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para

makonekta at makapagpadala ng mga mensahe sa mga kaibigan

nito. Kahit marami ang naengganyo saSixDegrees, hindi nila

masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong itokaya

hindi rin ito nagtagal.Pagkatapos naman ng Classmates.com,

maraming sumunod na SN tulad ngSixDegrees.com noong 1997,

LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong2002,

Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang

Facebook.com naman noong 2004.

Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman

ngmga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo

saibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas

ngkamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng

mgabinubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon

sila ngkaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila.Mayroon

rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay angpagtaas

ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natinang

cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa

buongmundo at mahirap tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI

Computer Crimeand Security(2000), sinasabi na 79% ng mga

empleyado angumaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa

sa mga abusong ito ayang pagdownload ng pornograpiya. Sa

karagdagan, sa isang sarbeyna ginawa ng NOL poll ng ICM,


sinasabing halos lahat ng respondent ay humihiling ng

karagdagang control upang maiwasan atpanloloko, pornograpiya

at pedopilya.(Sta Maria,2010)

Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa

13,000 mag-aaral sakolehiyo sa walong akademikong

institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng Internetupang

makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at

angakademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na

gumagamit ng Internet aykumokonsumo ng 100 minuto bawat araw

at ang maliit na grupong ito angnagsasabing ang Internet ay

humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.“America,

kilalanin natin ang mundo ng MySpace ”.(Frauenhelm, 2007)

Ito angsinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social

Revolution. Sinabi niya naang SN ay unti-unting sinasakop

ang iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay at isana dito ang

sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito.

Ayon kayFrauenhelm(2007), sa kasalukuyan ay mayroong higit

sa 14,000 na pangkatan saMySpace na may kaugnayan sa mga

kumpanya o mga katrabaho habang maywalong libong network sa

karibal na websayt na Friendster. Ang pagdating ngGeneration

Y (mga ipinanganak sa pagitan ng 1970 hanggang 2000) sa

industriyang pagtatrabaho ay nagsasabing ang mga kumpanya ay

may kaunti o walang mapilikung hindi ang iakma ang mga ito

sa mga dumadaming katrabahong mahiligmakihalubilo at gamay


ang umuusad na teknolohiya sa Internet.Sinasabi sa mga

nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ngInternet

sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay umuugnay sa mga isyung

debelopmentalna pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Samantala, habang ang ilang mag-aaral ay nasa kapaligirang

nagbibigay ng maraming oportunidad sapakikipagkita sa ibang

tao at pag-unlad ng bagong relasyon, ang ilan na hindi

mahilig makihalubilo ay may kahirapang sa pakikipagkapwa-

tao. Sa karagdagan,ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa

Internet ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng seguridad at

hindi mapanganib na oportunidad sa pagkakaroon ng relasyon

saInternet (Anderson).Ang paglago ng Sosyal Networking sayt

ay may kasabay na mga problema. Sinasabi sa artikulong

pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007)

Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual

Politics: Identity and Community in Cyberspace(1997),

sinasabi na may malaking kahalagahan ang mgakapalit o

katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga

teknolohiya. “Ang mgauri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay

ng malaking posibilidad na hindi tayo‘mawawala’”(Holmes,

1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating

kinokonsumoang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at

hinahanap kung gaano natin kilalaang ating sarili . Dahil

dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal, mental,


atemosyunal na mundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga

kagamitang komunikasyon.

You might also like