You are on page 1of 6

A.

Pamagat Ng Akda o Aklat

Social Media ng Modernong Kabataan

B. Uri o Genre Ng Aklat o Akda


Ang tekstong ito ay may layunin na magbigay ng mga argumento at katibayan upang patunayan
ang pahayag na ang social media ay may positibong epekto sa kabataan. Maaaring isama rito ang mga
datos mula sa pananaliksik, mga personal na karanasan, at mga pagsusuri ng manunualat.

C. May-akda
Erica Apteen Lores
● Nakatira siya sa Tuguegarao City, Cagayan.
● Kasalukuyang nag-aaral sa West Visayas State University

D. Pag-unawa

Isinalaysay nang may-akda na ang makabagong teknolohiya ay maraming magagandang


naidudulot sa buhay ng isang tao at lalo na sa mga kabataan at isa na rito ay madaling paraan upang
makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon at kaalaman sa iba. Tinalakay din niya na ang
social media ay isang paraan upang makahanap tayo ng bagong kaibigan o makakilala tayo ng mga
taong hindi pa natin nakikita, magkaiba man kayo ng lahi sa tulong ng social media ay kaya kayo nito
pagharapin. Isinalaysay niya rin na sa tulong ng social media ay mas mapadali ang pakikipag-ugnayan
natin sa mga mahal natin sa buhay kahit malayo man sila o nasa ibang parte pa man sila mundo ay
maaari mo pa rin silang makausap.

Maraming kabataan ang natutulungan nito tulad na lamang ng mga kabataang hindi
masyadong palalabas, mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng
sideline income, mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat. Kaniya ring
sinabi na ang social media ay pinalalakas nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagbibigay-
importansiya natin sa pakikipag-ugnayan.

Ang teksto na isinulat ni Erica Apteen ay nagpapakita kung gaano nga ba kapaki-pakinabang
ang mga bagong social media at teknolohiya sa buhay ng mga tao at maging ng mga kabataan sa
modernong panahon. Ang teksto na ito ay mahalaga din sa pamilya dahil sinasabi nito na ang social
media ay nagbibigay-daan sa amin na makipag-usap sa ating mga pamilya kahit na sila ay malayo o
malapit o kahit na sila ay nasa ibang lugar sa mundo. Maaari din nitong tulungan ang komunidad sa
pamamagitan ng pagpapadala ng mga anunsyo sa mga social media page, tulad ng mga alerto sa
kalamidad.Ito ay may kabuluhan ding dala sa ating daigdig dahil halos lahat ng bansa sa mundo ay
gumagamit ng makabagong teknolohiya,ito ay makakatulong upang malaman kung paano
nakakaapekto ang social media sa mga tao at mga kabataan at magsilbing gabay sa kanilang pag-
unlad.Pinapakita sa tekstong ito ang positibong epekto ng social media na hindi natin madalas
nababasa.

E. Pagsusuri at Pagpapakahulugan
Ang tekstong ito ay masasabing napapanahon dahil hanggang ngayon mas lalo pa ring
umuusbong ang pag-unlad ng social media at patuloy pa rin dumadami ang nabibigyan nito ng
magandang epekto sa buhay ng mga tao. Napapanahon ang paksang social media dahil ito ay
nagbibigay-daan sa mga tao na magkaroon ng konektado at komunikasyon na hanggang ngayon ay
importante pa din, mag-access din sa impormasyon at balita, magagamit para sa negosyo at
marketing, ipahayag ang kanilang opinyon, at makipag-ugnayan sa iba para sa mga personal at
propesyunal na layunin.Ang teksto ding ito ay tapat at makatuwiran dahil binaggit niya ang
pinagmulan ng kanyang mga impormasyon na ibig sabihin ito ay nagbibigay katuwiran at
katotohanan para sa mga mambabasa.
Ang may akda ay malinaw na naipahayag ang kakanyahang nararapat
maisaalang-alang ng maayos na tekso. Ang teksto ay nakakitahan ng ilang katangian at bahagi ng
isang impormatibong teskto. Inumpisahan ni Lores ang teksto sa panimula na kung saan inilarawan
niya na bawat henerasyon ay may mga bagong teknolohiya ang nalabas, at kaniya ring inilahad na
ang teknolohiya ay produkto ng makabagong panahon at naging bahagi na rin ng buhay ng mga tao,
kasabay nito angpag usbong ng mga modernong kabataan. Sa pamungad na pagtatalakay ay rito niya
inilahad kung ano nga ba ang social media upang maging malinaw sa mga mababasakung ano nga ba
ang social media sapagkat ito ang pangunahing paksa ng tekstong ito.Ang may akda ay naisulat ang
tekstong ito ng maayos st kayang maunawaan ng mga magbabasa nito,ngunit ang akdang ito ay
medyo nakulangan lamang sa mga datos, maaaring maglahad ng datos ang may akda upang mas ma-
suportahan ang paksa nito. Ngunit ang tekstong ito ay isa pa ring isang mahusay na tekstong
impormatibo.
Masasabing madaling basahin ang tesktong ito dahil ang mga salitang ginamit sa teksto
ay angkop at mahusay na naglalarawan ng impormasyon. Ang mga mambabasa ay mas mabilis na
mauunawaan ang tekstong ito dahil ang mga salitang ginamit dito ay maayos na ginamit. Ang
paggamit ng pormal na wika ng may-akda ay nagpaganda sa teksto at ginagawa itong mas kaaya-
ayang basahin dahil ang wikang pormal ay kaaya-aya para sa bawat mambabasa.

Angkop ito para sa mga mambabasa dahil maraming nakakaunawa na meron ding
positibong epekto ang social media at hindi lang puro negatibong epkto ang madudulot natin
dito.Ang social media ay isang mahalagang bahagi ng araw-araw na buhay ng maraming tao kaya
marami ang interesado sa pag-aaral ng mga epekto at implikasyon nito.Marami ring mambabasa ang
aktibo sa social media platforms, kaya't ang pagsusuri sa mga aspeto nito ay maaaring magkaroon ng
personal na koneksyon sa kanila. Ang pag-aaral ng social media ay maaaring magbigay ng mas
malalim na pang-unawa sa kanilang mga karanasan sa paksang ito.

Mahalagang matutunan ang paksang ito dahil ito a y isang pangunahing paraan ng
komunikasyon sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng social media, natututo tayo kung
paano makipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng mga tao sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ito ay
nagpapalawak ng aming kaalaman at kasanayan sa pakikipagtalastasan.Maraming mahahalagang
impormasyon ang maaari nating makuha sa pamamagitan ng social media, mula sa mga balita at
kasalukuyang mga pangyayari hanggang sa mga bagong ideya at kaisipan mula sa iba't ibang tao.
Ang pag-unawa sa paggamit ng social media ay nagbibigay-daan sa atin na magiging matalino at
responsable sa pagproseso ng impormasyon na natatanggap natin.Mahalaga na suriin naman natin
ang positibong epekto ng social media dahil madalas nalang nating nababasa na teskto ay ang mga
negatibong epekto nito.Ang pag-aaral sa positibong epekto ng social media ay nagbibigay-daan sa
pag-unawa sa potensyal nito na maging kapaki-pakinabang na kasangkapan para sa edukasyon,
pakikipagkapwa, pang-ekonomiya, at pagbabago sa lipunan.

F. Pagpapahalaga

Ang pag-aaral ng mga tekstong nauugnay sa social media ay mahalaga dahil nagbibigay-
daan ito sa mga kabataan na manatiling konektado sa kanilang mga kaibigan at pamilya saanman sila
naroroon. Ang social media ay maaaring maging isang mapagkukunan ng impormasyon at kaalaman
para sa mga kabataan dahil pinapalakas nito ang kanilang koneksyon sa iba't ibang tao at nagbibigay
ng platform para sa pagbabahagi ng mga karanasan at damdamin. Ang social media ay nagbibigay-
daan sa mga kabataan na ipahayag ang kanilang mga opinyon, interes, at mga talento. Ito ay
nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa at kakayahan sa pagpapahayag ng sarili.

Isa sa mga kaisipan na nais ibahagi ng may akda ay kung ano ang magagandang dulot
ng social media sa mga tao at sa mga kabataan. Kaniyang binigyang diin kung ano ang mabubuting
epekto ng social media sa mga kabataan, kung sa paanong paraan nito natutulungan ang
mgakabataan.Ang social media ay nagbibigay-daan sa mga kabataan na makipag-ugnayan sa kanilang
mga kaibigan at pamilya, kahit na sila ay malayo. Ito ay nagpapalakas ng kanilangkasanayan at
nagbibigay-daan sa kanila na mapanatili ang kanilang mga ugnayan kahit sa online na mundo.

Isa sa mga mahinang aspekto ng tekstong ito ay ang kakulangan sa paglalahad ng mga
datos,ng tekstong ito ay medyo hilaw sa mga datos at dapat ang may akda ay naglagay man lang ng
mga ilang datos, upang mas maging matatag ang teksto at may sapat na mga pundasyon upang mas
maging epektibo ang teksto. Hindi nasagot ng may akda ang ilang mga tanong nito sa kanyang teksto,
hindi naibabahagi ng may akda sa mga mambabasa kung ano ang epekto ng social media sa pag-
uugali nating mga tao,sapagkat ang social media ay nakaka-apekto sa pag-uugali ng isang tao.Hindi
din niya naibahagi ang ilan sa mga negatibong epekto ng social media sa kabataan ngayon.

Pinapakita sa tekstong na meron pa ring mga positibong epekto ang social media sa ating
buhay. Naipahayag ng may-akda na napakalaki ng impluwensya ng social media sa pangkabuhayan
ng mga Pilipino dahil marami tayong makukuha dito na ibat ibang impormasyon,o balita para meron
tayong magamit sa ating pang araw-araw,ito rin ang ating ginagamit upang magkaroon tayo ng
komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nasa malayong lugar para mag trabaho.Ang social
media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap dahil ito ang
nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan,at kaalaman na maaaring makatulong sa karamihan.

G.Pagpapalawak

Sa kabila ng mga negatibong epekto ng social media,ay meron parin itong mga positibong
epekto na dapat matuklasan dahil sa kabila ng lahat malaki pa rin ang natutulong nito hindi lang sa
kabataan ngunit pati na rin sa mga nakakatanda.Kailangan pa rin alamin ang magandang naidudulot
ng social media dahil malaki talaga ang impak nito sa ating pang araw-araw na kabuhayan bilang
isang tao. Tayo ay nabubuhay na sa isang makabagong panahon na kung saan kaliwa’t kanan ang mga
bagong na iimbento ng mga tao. Sa pagbabagong ito nandyan pa rin ang mabubuting epekto at dapat
lagi din natin itong bigyan ng pansin.

Isang maganda at mahusay na teksto na makakatulong sa mga mambabasa na matuto. Ito ay


isang makabagong panahon kung saan ang mga tao ay gumagawa ng mga bagong bagay sa lahat ng
lugar. Bagama't mayroong mga positibong epekto ng pagbabago sa pagbabagong ito, dapat nating
tandaan na ang mga negatibong epekto nito ay patuloy na mayroon sa atin. Kaya, ang teksto na
tinatawag na "Social Media ng Modernong Kabataan" ay isang mahalagang teksto na makakatulong
sa lahat ng magbabasa nito, hindi lamang sa mga kabataan.Alam ko na maraming masamang epekto
ang social media pero ngayon alam ko na rin na kung gaano man karami ang negatibong epekto nito
ay ganon din karami ang mga positibong epekto ng social media,kailangan lang talaga natin itong
tuklasin para magkaroon tayo ng kaalaman kung gaano ito kahalaga sa ating buhay.

Mahalaga na bigyan din ng pansin ang mga mabuting epekto ng social media at hindi nalang
puro negatibong epekto nito.Lagi nating turuan ang mga kabataan kung paano gamitin ang social
media ng wasto at tama upang makamit natin ang totoong kahalagahan at epekto nito.Alamin ang
mabuting epekto nito ay mahalaga upang magkaroon ng mas malawak na perspektibo ang mga
kabataan sa kung paano ito nakakaapekto sa ating lipunan at indibidwal.

You might also like