You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: _______ Iskor: __________

Paaralan: ____________________ Guro: _________________ Asignatura: Filipino 11

Manunulat ng LAS: CATHERINE D. ALERTA Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL


Paksa: Tekstong Impormatibo Quarter 3 Week 2 LAS 2
Mga Layunin: a. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto (F11PS-IIIb-9).
b. Nasusuri ang isang tekstong Impormatibo batay sa katangian at kalikasan.
c. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa binasang teksto.
Sanggunian: Dayag, A., Del Rosario, MG., 2016. Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.,pp 8-24

Nilalaman

Ang katangian ng isang tekstong impormatibo ay may katotohanan ang mga datos. May malawak na
kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
Ang kalikasan ng isang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na
impormasyon, at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. Isang tiyak na paksa lamang ang
tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata. Sa
pagbasa ng tekstong impormatibo, magkaroon ng pukos sa mga impormasyong ipinahahayag. Isulat ito kung
kinakailangan.
Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti
ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

Gawain

PANUTO: Basahin at suriin ang teskto at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

“Social Media at ang Modernong Kabataan”

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa


ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging
produkto ng makabagong panahon at kasabay nito ang pag-usbong ng modernong kabataan.

Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay
may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang
ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng
bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi masyadong outgoing, mga taong gustong
magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng
bagong impormasyon at mga gustong magpasikat.

Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga
kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-
ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-
text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at pagtatambay sa
Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook, at iba pang social media’s,kung kaya’t
hindi nakapagtataka na napakataas na porsiyento ng mga online na pinoy sa social networks.

Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad
nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon ang
walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na
websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa pag uugali natin? partikular sa mga kabataan
ngayon?
Ang mga katanungan na naisawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social media
at ang modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang siyang nagpausbong at mas lalo pang
naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking impluwensya ng social media sa
panahong ito lalong lalo na ang facebook, siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa
sa mga mabuting epekto ng social media sa kabataan ngayon ang easy access o madaling paraan upang
makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon o mga balita na interesado ang lahat na malaman,
kagaya ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na marami tayong
matututunan.

Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng
bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan
ng mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong
makakaimpluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na makapagpapaunlad sa ating kinabukasan.

1. Tungkol saan ang binasang teksto?


__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

2. Ano ang maganda at hindi magandang epekto ng Social Media? Bakit?


_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

3. Paano makatutulong ang social media sa bawat indibidwal?


__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

4. Sa iyong palagay, may mahalagang kontribusyon ba ang social media sa ating ekonomiya?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

5. Ano anong mga katangian ng tekstong impormatibo ang makikita sa teksto?


__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

You might also like