You are on page 1of 48

1

PANANALIKSIK UKOL SA KAHALAGAHAN AT KATAYUAN NG “SOCIAL


MEDIA” NGAYONG PANDEMYA MULA SA MGA PILING MAG-AARAL NG
WESTMEAD INTERNATIONAL SCHOOL TAONG PANURUAN 2020-2021

Isinumite kay

(Joselyn D. Magmanlac)

Bilang Pangangailangan sa Kursong Filipino 2

Pagbasa at Pagsulat, Tungo sa Pananaliksik

Isinumite nina:

Babao, Annielarecon

Balmes, Aldrine

Cordero, Renier Jake

Gutierez, Jean Grie

Hernandez, Marissa

Macatangay, Mel William

Ikalawang Semestre Taong Panuruang 2020-2021


2

ABSTRAK

Pamagat : Pananaliksik ukol sa Kahalagahan at Katayuan ng "Social Media" ngayong


Pandemya mula sa mga piling mag-aaral ng Westmead International
School.
Mga Mananaliksik : Babao, Annielarecon

Balmes, Aldrine

Cordero, Renier Jake

Gutierez, Jean Grie

Hernandez, Marissa

Macatangay, Mel William

Kurso : General Engineering 124

Taon : 2020

Tagapayo : Joselyn D. Magmanlac

Ang pananaliksik na ito ay ang Kahalagahan at Katayuan ng Social Media Ngayong


Pandemya. Naglalayon ito ng kasalukuyang problema na nararanasan ng mga mag-aaral sa pag
gamit ng Social Media ngayong Pandemya. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng gawaing pang
mag-aaral na makatutulong sa kanila sa tamang pagsusuri.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitibong paraan sa pananaliksik.


Upang ipakita at ilahad ang kahalagahan ng social media. Upang malaman ang mga problemang
nararanasan ng mag-aaral sa pag gamit ng social media, gumamit din ang mga mananaliksik ng
talatanungan. Ang talatanungan ay ipinamahagi sa mga piling mag-aaral ng Westmead
International School gamit ang random sampling.
3

Batay sa naging resulta ng pananaliksik lumabas na kailangan ang Social Media


ngayon lalo na’t dun lang tayo nakakakuha ng mahahalagang impormasyon, at nakakatulong sa
pag-aaral ng bawat estudyante sa bansa, at mahalaga din ito dahil nalilibang natin ang sarili natin
sa iba’t ibang social media tulad ng Facebook, YouTube, Mobile Legends at iba pa. Ang
nagiging problemang nararanasan naman ng mag-aaral ay ang pagkahumaling sa mga iba’t ibang
laro at sa mga iba’t ibang nauuso trending ngayon sa kahit ano social media sites.

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng iba’t ibang gawaing pang mag-aaral na


makatutulong sa mga guro at mag-aaral upang higit na maunawaan ang Kahalagahan at
Katayuan ng Social Media ngayong Pandemya.

Marahil sa bawat bagong sistema na ipinapatupad ngayong may pandemya. Ang social
media ay may mga positibo at negatibo dulot. Isa-isa nating hihimayin ang bawat ideolohiya,
positibo man o negatibo, na dulot Social media sa mga mag-aaral, magulang at guro.
4

KABANATA I

MGA SULIRANIN

Panimula

Sa panahon ng pandemya, ang media at internet ay dalawa sa pinakamahalagang


instrumento ng impormasyon. Ang media ang nagbibigay sa atin ng balita tungkol sa mga
kaganapan sa ating lipunan. Bukod rito, ang media rin ay nagbibigay ng mga kaganapan tungkol
sa sakit na COVID-19. Napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga ito sa panahon ngayon.

Sa kasalukuyan, tayo ay narito sa tinatawag na social media era at digital age. Hindi
maikakailang sa panahon ngayon, halos lahat ng bagay ay makikita mo na online. Maraming uri
ng impormasyon ang maaari mo na ngayong makuha sa iyong mga social media accounts. Tunay
ngang hindi na natin mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. At tayo bilang tao, ay patuloy
ding binabago nito. Hindi natin maipagkakailang sa araw araw nating pamumuhay dito sa
mundo, ay kaakibat na natin ang Social media at ang iba’t ibang uri ng teknolohiya.

Ngunit ano nga ba ang katayuan at kahalagahan ngayon ng Social media sa mga mag aaral?

Sa nangyayaring pandemya ngayon, hindi na lamang nalilimitihan sa telebisyon, radyo o


mga dyaryo ang pinagmumulan ng mga impormasyon o balita. Napakalaking impluwensiya ng
social media bilang tagapaghatid ng mga balita o impormasyon sa masa. Napakalaking tulong ng
mga social media platforms upang magbigay impormasyon lalo na’t ngayong nagaganap ang
pandemic. Ilan nga sa mga social media sites ay ang Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat at
marami pang iba. Dahil kinakailangan nating manatili sa ating mga tahanan, patuloy pa rin
tayong nagiging konektado sa mundo sa pamamagitan ng social media. Dito tayo nakakakuha ng
agarang impormasyon at napapanahong balita tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin. Ayon
sa surbey ng Social Weather Stations noong 2019, isa sa kada limang Pilipino ang gumagamit ng
Facebook upang tumingin sa balita. Animnapung porsyento ang gumagamit ng telebisyon upang
kumalap ng balita at halos labing-apat na porsyento naman ang nagamit ng Facebook.
Pumapangalawa ang Facebook bilang pangunahing pinagmumulan ng mga balita at
impormasyon.
5

Ang social media ay mahalaga na sa buhay ng mga tao kahit wala pang pandemya sa bansa
dahil sa napakadami nito na naiiaambag sa bawat sarili. Sa dumadaming makabagong
teknolihiya sa mundo mas dumadami ang kahalagahan na naiiambag nito sa pang araw-araw
natin na pamumuhay. Ang social-media ay hindi maipagkakaila na produkto ng makabagong
teknolohiya na kung saan nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga sarili na minsan ay positibo o
negatibo lalo na sa mga mag-aaral. Ngayong nagkaroon ng pandemya sa bansa mas dumami pa
na mag-aaral ang gumagamit ng social media lalong higit na ‘online class’ ngayon na kung saan
gamit ito nagkakaroon ng komunikasiyon ang bawat isa. Gamit ito mas napapadali ang
pakikipagpalitan ng mga ng mahahalagang impormasiyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad lalong higit na pandemya ngayon.

Sa mga nakaraang taon o hanggang ngayong kasalukuyan ang social media ay maituturing
na mahalagang parte ng komunikasiyon at impormasiyon. Bilang isang mag-aaral mas napabilis
ang pagkalap ng mga impormasiyon na kailangan sa mga gawain at isa ito sa mga epektiobong
paraan para mas mapalawak pa ang mga kaalaman sa mga bagay-bagay sa mundo. Mahalagang
gamitin sa wastong pamamaraan ang pagamit ng social media para walang negatibong mangyare
sa buhay. Kahit dito mas lamang ang komunikasiyon masasabi pa rin na maraming naidudulot
ito na maganda sa buhay at kahit sino hindi iyon maitatanggi lalong higit ngayong may
pandemya na hindi nakakapag usap ng personal ang mga tao gamit ang social media pwede pa
silang makipag usap at pede pa nilang makita ang isa’t isa. Tunay na mas napalawak pa lalong
ngayong henerasiyon ang pagamit nito lalo na mga mag-aaral na binabalanse ang pag-aaral at
ang kanilang social life. Ang social media ay mayroong bahagi na pwedeng
lumikha,tumalakay,magahagi ng kani-kanilang opiniyon sa mga isyu sa bansa.

Ayon kay issaYalu, ang internet ay nagsisilbing makabagong ensayklopediya.


Nakakatulong ito sa mga magaaral upang masagot ang mga tanong nila sa iba’t ibang aralin.
Bukod dito, hindi lamang ito isang sanggunian, may iba’t ibang websites na nakakatulong sa
mga magaaral. Ito rin ay nagsisilbing komunikasyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante at
guro. Maaring magaplitan ng mensahe sa pamamagitan ng internet or emails. Sa pamamagitan
din ng internet,ang magaaral ay hindi nahuhuli sa mga bagong kaalaman.Ang mga anunsyo o
bagong kaalaman ay naibabahagi sa iba’t ibang panig ng mundo. Matagal na tayong gumagamit
ng internet, at halos lahat ng ating mga kailangang hanapin ay doon na rin natin makikita. Ang
6

internet ay isa na rin sa mga malalaking nakasasakop sa ating mga kabataan. Halos hindi na rin
natin maiwan-iwanan ang paggamit nito na minsan ay halos hindi na natin bitawan ang ating
mga gadgets para doon. Sinasabing importante ang internet dahil ito ay isa sa mga
pinakanakatutulong sa ating mga mag-aaral sa kasalukuyan. Halos lahat na ng mga kailangan
natin ay makikita na rito.

Sakop ng internet ang social media sapagkat kung walang internet hindi tayo makagagamit
ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay sa kanilang pag-
aaral ang mga bata. Isa sa halimbawa nito ay kung hindi nakapasok sa paaralan ang isang mag-
aaral maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklase kung
ano ang mga dapat gawin sa bawat asignatura. Isa din ang social media para magamit sa mga
bagay na iyong gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at
maghanap ng reperensya. Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon
ng komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na
naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang
pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon
na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube
naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung
paano gawin ang isang bagay. Ang social media ay isang instrumento upang mapabilis ang
pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-
aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.

Ang edukasyon ang sinasabing susi sa magandang bukas. Ngunit dahil sa kabi-kabilang
katiwalian, maraming isyung pang-edukasyon ang hinaharap ng bansa ngayon. Sa sitwasyon na
kinakaharap natin sa gitna ng pandemya, isang malaking hamon para sa mga estudyante kung
papaano makakasabay sa bagong sistema ng pag-aaral. Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon,
malaking pagsubok ang umusbong kaugnay sa edukasyon. Sa ayaw man o sa gusto ng mga
titser, magulang, estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda,
mas dadalas at magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online
learning” na dati’y madalang gamitin. Ang ahensya ng Gobyerno at ang Kagawaran ng
Edukasyon at ang mga eskwelahan ay nagbigay ng mga iba’t ibang paraan para masulusyunan
ang ganitong sitwasyon, ang dalawa sa paraang ito ay ang online class, at ang isa naman ay ang
7

modular. Sa ilalim ng mga paraang ito, kinakailangan ng mga mag-aaral at guro ng laptop,
internet connection,at printed modules. Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid
paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang edukasyon. Ang
online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa
pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng mga impormasyon at mga
kaalaman.

Ang layunin ng nagging pag-aaral na ito ay, na ang henerasiyon natin ay hindi nahuhuli sa
mga nauuso ngayon at kung nakakatulong ang social media ngayong may pandemya sa bansa
natin. Layunin din ng pag-aaral na ito na magbigay ng impormnasiyon at kahalagahan patungkol
ditto, lalong higit sa mga taong malalayo ang lugar na walang signal at nahuhuli sa paggamit ng
social media dahil alam naman na mahalag ito lalo na ngayong may pandemya sa bansa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Pananaliksik ukol sa Kahalagahan at Katayuan ng


"Social Media" ngayong Pandemya mula sa mga piling mag-aaral ng Westmead International
School, at naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan. Ang mananaliksik ay
gustong sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang profayl ng respondante:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang benepisyo makukuha ng isang mag aaral sa social media ngayong pandemya?

3. Ano-anu ang pwede maging epekto ng social media na ito sa mga kabataan ngayong
pandemya?
8

4. Ano ang rekomendasyon sa kahalagahan ng social media ngayong may pandemya sa mga
piling mag-aaral ng Westmead International School?

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng social media sa distance learning sa


panahon ng pandemya sa mga piling estudyante ng departamento ng inhenyero sa Westmead
International School sa unang taong panuruan 2020-2021.

Ang Social Media ay nagbigay ng napakalaking ambag ngayong pandemya at nakatulong ito
lalong lalo na sa mga mag-aaral dahil ito ang pinaka-ginagamit na instrumento sa pagaaral
halimbawa na nito ay ang pakikipagkomunikasyon ng mga magaaral sa guro. Saklaw ng pag-
aaral na ito ang isang uri ng online platform na social media at kung ano kahalagahan at
katayuan nito sa pandemya. Piniling suriin ng mga mananaliksik ang pagaaral na ito upang
makapagbigay ng impormasyon sa mga magaaral na hindi lamang pangentertainment ang social
media, maaari din itong gamitin sa pagaaral ngayong laganap ang sakit na COVID-19.

Saklaw rin sa pagaaral na ito ang ibat ibang saliksik tungkol sa kahalagan ng social media
sa ka-orasan ng pandemya upang mas mapatibay at magkaroon ng mga suportang deltalye na
makatutulong upang mas maunawaan at mabigyang linaw ang mga talakayin kaya mas
minabuting ng mananliksik na isama ito sa kanilang gingawang pagaaral.

Hindi saklaw sa pagaaral ang mga guro ng Westmead Internatonal School, limitado lamang
ito sa mga mag-aaral ng Westmead International School dahil sila ang isa sa mga
panggagalingan at magiging daan upang makamit ang kinakailangang impormasyon na
gagamitin sa pagaaral ng saliksik.

Ang pagaaral na ito ay limitado sa ibang impormasyon na kailangan, na hindi makikita sa


mga silid aklatan sa kadahilanang ito ay gumamit ang mga mananliksik ng internet sa
paghahanap ng datos at impormasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-daan upang malaman ang pagkatuto ng mga


mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kahalagahan at katayuan ng "Social Media" ngayong
9

pandemya sa Westmead International School sa Alangilan Batangas na siyang nagamit sa


patnubay sa katagumpayan ng kanilang pagkatuto sapag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay
inaasahang makakatulong ng malaki sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbing patnubay at


makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang
pananaw tungkol sa Kahalagahan ng Social Media ngayong Pandemya. makatutulong din ito
upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang
instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang
pinagtutuunang pansin ng mga estudyante sa ngayon na may pandemya. Sa pamamagitan ng mga
ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon
para sa mga estudyante nag oonline class.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay


makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga
hakbang para makatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw
tungkol dito sa social media.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay


upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may mapagkukunan sila ng
mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.
10

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng kaugnay na literatura at mga kaugnay na pag-aaral


tungkol sa Kahalagahan at Katayuan ng Social Media ngayong Pandemya sa mga piling mag-
aaral ng Westmead International School.

Literaturang Konseptwal

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang konseptwal na may kaugnayan sa pag-aaral


na binasa at sinuring saliksik na galing sa internet.

Social media. Ayon kay Villalobos A. (2016) Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema
ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng
ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Bukod dito, sabi din niya na ang social media ay may interactive platform na kung saan
ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin
ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na
pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.

Ayon sa pag-aaral ng state government sa Victoria (2019), ang social media ay


dalawahan ang direksyon. Tungkol ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Maaaring mga
kaibigan ito, kapamilya, kaklase, mga barkada o mga taong kapareho mo ng interes. Hindi ito
karaniwang tungkol sa pagdadownload ng impormasyon tungkol ito sa pagbabahagian at
pakikipagkomunikasyon. Ang mga site ng social media gaya ng Facebook at Twitter ay
hahayaan kang makita ang buhay ng mga kaibigan, at tinutulutan kang ipaalam sa kanila kung
11

ano naman ang nangyayari sa iyo. Ang YouTube na komunidad ng video at ang serbisyong
lagakan ng imaheng Flickr ay tinutulutan kang magbahagi sa kanila ng mga video at mga litrato
at ang software na Skype naman ay hahayaan kang malaman kung sino ang mga taong online at
kausapin sila agad nang walang bayad.

Batay sa pag-aaral na ito masasabi rin na ang internet ay isang tsanel kung saan madaliang
makakasagap ng impormasyon at madali din maibibigay nito. Isa sa paki-pakinabang nito ay ang
pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin kaya naman nauso o nagawa ang
napakaraming social networking site. Hindi kapani-paniwala ang bilis ng impluwensya ng social
media sa buhay ng mga pilipino o sa mag-aaral. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng
kultura natin, ang pagpapahalaga natin sa pakikipag-ugnayan.

Para kay Sandora A. (2019) Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng
makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at
kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong
pananaw ng bawat mag-aaral.

Ayon din kay Sandora, sakop ng internet ang social media sapagkat kung walang internet
hindi tayo makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging
mahusay sa pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban ang isang mag-
aaral maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklase kung
ano ang mga dapat gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay
ng komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong
gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng
reperensya.

Dagdag pa niya na ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-aaral.
Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang relasyon ng mga
magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang
dating magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang
ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social
media. Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa
teknolohiya umiikot ang ating buhay.
12

Ayon kay Sambuena A. (2016) Hindi maipagkakaila na ang social media ay nagpabago
sa kung paano tayo nakikipagusap sa iba’t ibang tao. Mula sa pagbahagi ng ating mga saloobin
hanggang sa pagplano kung saan natin gusto pumunta sa bakasyon ito ay halos nakalagay o
nakapaloob sa ating mga social media accounts tulad na lamang ng Facebook at Twitter. Ang
social media para sa atin ay ang tulay upang magkaroon ng komunikasyon sa mas maraming tao,
ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga kaibigan kahit nasa malayo man sila. Sa
pagkakaroon ng mga kaibigan sa malalayong lugar, umuunlad ang wika at napapalawak ang
ating bokabularyo.

Dagdag pa ni Sambuena, malaki din ang naitutulong ng social media sa ating wika sa
kadahilanan na maraming impormasyon o kaalaman ang ating nakukuha sa social media, katulad
na lamang ng pagkakaroon ng mga panibagong salita: barkada, balikbayan, at gimmick. Ngunit
ito din ay may kamalian sapagkat sa pagunlad ng social media, sa paglimot ng mga lumang wika
na galing pa sa ating mga ninuno at nasasalinan din ang wika ng halong Ingles na kung saan
nagiging islang ang ilan sa ating mga Pilipino. Isa ring negatibong epekto nito ay mas pinipili na
ng mga kabataan na makipagusap na lamang sa mga social networking sites kesa sa personal
magusap kasi para sa kanila mas mabilis at mas madalas nila itong ginagamit. Dapat may balanse
at limitasyon ang paggamit natin ng social media, huwag natin kakalimutan ang ating wika,
gamitin natin ang social media sa tamang paraan at sa alam nating makakatulong upang umunlad
ang ating wika.

Ayon sa pananaliksik nina Canete et al. (2016) ang mga kabataan sa kasalukuyan ay
nabibilang sa tinatawag na Generation Z na mahilig sa makabagong teknolohiya tulad ng
paggamit ng internet o isang sistemana ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at pag-aaral at
kadalasan ito ang pinakamadali na gamit sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at ito ang
tumutulong sa pagpapaunlad sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, siyensa at iba pa.Sa
kasalukuyang kalakaran partikular sa akademya, isa sa kinahuhumalingan ng mga ito ay ang
social networking sites o services. Halos bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino ang social media. Sa isang salita, ito ang mgawebsites na nagsisilbing daan sa
pakikipag-ugnayan tulad ng facebook na madalas gamitin ngayon sa ating bansa, gayundin ang
twitter, tumblr, my space, idagdag pa rito ang google sites at yahoo group. Ang mga site na
nabanggit ang nagiging daan upan mapabilis ang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang
13

kapwa, katulad ng mgakamag-anak, mga kakilala na nasa malayong lugar, matagal nang
kakilala, kapareho ng interes, kapareho ng mga gawain at iba pa.

Ayon kay Asniah H (2017) Ang social media ay mga website at application na ginagamit
ng malalaking grupo ng mga tao upang magbahagi ng impormasyon at upang bumuo ng mga
social at propesyonal na mga contact. Mahigit 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet at
karamihan sa mga ito ay kabataan nasa edad 30 pababa. Mahalaga ang internet at social meida sa
mga mag aaral dahil ito ay laging maasahan at marami itong naiitutulong at napapadali nito ang
mga gawain ng mga mag aaral. Sa tulong nito ay napapadali nito pagkuha ng mga mag aaral ng
mga impormasyon na kailangan ng mga mag aaral sa kanilang mga asignatura at mga
pananaliksik.

Dagdag rin niya na sa social media sites tulad nga facebook ay napapdali ang pakikipag
komunikasyon mga mag aaral sa guro at mas madali na tayong magabayan ng ating mga guro sa
proyektong ating ginawa nang hindi nahihirapan. Sa tulong ng facebook ay maari tayong
makipag usap at makipag chat sa ating guro online at sa tulong rin ng facebook ay maari tayong
mag send ng proyekto online sa ating mga guro. Sa loob ng labindalawang taon ay tumatala na sa
1.59 bilyon ang mga aktibong gumagamit nito buwan buwan.

Ayon kay Santos M (2020) Ang mga social media sites ay bahagi na ng ating pangaraw-
araw na pamumuhay at naging parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa paglipas ng
panahon, ang mga ito na produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating pagkatao. Ang mga
social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa ay may mga hindi
magandang naidudulot sa mga mag-aaral na dapat pagtuunan ng pansin. Ang pagbaba ng marka
sa mga asignatura ay isa sa mga masasamang dulot ng paggamit ng mga social networking sites
na ito. Sa halip na mag-aral ang ilang estudyante, inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-
chat sa kanilang kaibigan. Bilang epekto nito, sila ay nagka-cramming sapagkat ang mga araling
hindi nila naaral ay kanilang pinagtutuusan ng pansin sa mismong oras ng klase. Ang iba nga ay
nagpupuyat pa dahil hindi nila mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang mga account. Ang
resulta ay wala sila sa pokus habang sila ay nasa loob ng silid-aralan. Physically present but
mentally absent, ang sabi nga nila. Ang kanilang mundo ay umiikot na lamang sa mga social
14

networking sites na nagiging sanhi upang hindi nila magampanan ang kanilang mga obligasyon
bilang mga mag-aaral. Maging ang kanilang aspetong pisikal ay lubos na naaapektuhan.

Dinagdag niya na, sa kabilang dako, mayroon ding mga magagandang naidudulot ang
mga social networking sites. Ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook. Ginagamit nila
ito upang makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang takdang-aralin
kinabukasan. Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng mga takdaling-
aralin na ito. Sa pamamagitan din ng group chat, nagagawa nilang makahingi ng lektyur sa
kanilang mga kaklase at guro sa mas madaling paraan. Nalalaman din nila ang mga
mahahalagang anunsyo na kailangan nilang malaman.

Para kay Gonzales D. (2020) ang mga platform ng social media ay kabilang sa mga
pinaka malawak na ginagamit na mapagkukunan ng impormasyon sa Mundo, ang madali at
murang pag-access sa internet at isang malaking bilang ng mga gumagamit sa mga platform na
ito na ginagawa silang isa sa pinakamadali at pinakamabisang paraan upang makakuha na mga
impormasyon. Ang isang mabuting halimbawa ay makikita sa rurok ng mga paghahanap para sa
impormasyon sa Internet at mga platform ng social media sa Tsina bago pa ang rurok ng
insidente sa mga kaso ng COVID-19 ng 10-14 araw, kung saan ang mga impormasyon sa
Internet at mga social media network ay may nagpakita ng ugnayan. na may insidente ng sakit.
Ang mga platform ng social media ay naging kapaki-pakinabang din para sa publiko na
mapanatili ang komunikasyon sa mga kaibigan at pamilya upang mabawasan ang paghihiwalay
at inip na naiugnay sa pagkabalisa at pangmatagalang pagkabalisa, samakatuwid ay naging isang
mahalagang rekomendasyon para sa pag-iisa sa bahay upang matulungan na mabawasan ang
sikolohikal epekto. Ang ilan sa mga pinaka-kaugnay na katangian ng mga platform ng social
media sa pandemikong ito ay ang mabilis na pagkalat ng mga protocol sa antas ng rehiyon,
pambansa, at internasyonal. Ang pagbabahagi ng mga protocol tungkol sa paggamot, kagamitan
sa personal na proteksyon, o kahit na mga panukala para sa patas na paglalaan sa mga mahirap
na setting ng mapagkukunang medikal ay naging bagong normal.

Ayon din kay Gonzales, ang mga social media ay may mga adbentahe at disadbentahe,
ang responsableng paggamit ng mga bagay na ito ay makakatulong sa panahon ng isang
pandemya upang mabilis na kumalat ng bagong mahalagang impormasyon, pagbabahagi ng
15

diagnostic, paggamot at mga follow-up na protokol, na inihambing ang iba't ibang mga
estratehiya mula sa ibang mga bahagi ng mundo upang maiakma ang mga ito sa lugar at
magagamit na mga mapagkukunan ng mga pangangailangan ng mga tao. Samakatuwid,
ipinapayong huwag magbigay ng kontribusyon sa infodemik at sundin ang isang responsableng
paggamit ng social media kapag nagkakalat ng impormasyon.

Ayon sa pagaaral ni Kushner J. (2020) sa panahon ngayon ng pandemya ang social media
ang may pinakamalaking ginawa upang maging daan sa mga tao na magkaroon parin ng
komunikasyon at malaman ang mga nagaganap sa kasalukuyan. Sa paglaganap ng social media
sa modernong panahon nagkaroon tayo ng kakayahan malaman ang mga bagong balita sa mga
social network sites tulad ng Facebook at twitter at ang mga social media sites din ang
nakatulong satin upang mapanatili natin ang ating mga Negosyo sa paraan ng online business,
pagaaral o online class at iba pa.

Dagdag din niya na sa tulong din ng social media sites ay natuto tayo mag social
distancing at kung paano mag disinfect ng maayos at mag home quarantine upang makaiwas na
pandemya.

New normal. Ayon sa isang blog site sa internet (Lifestyle.eu 2020) sa tulong ng social
media ay nakapagtuloy parin tayo sa pag-aaral o online class. Ang online class ay isang
plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang
estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase
at makaharap ang guro at mga kamag-aral.

Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis,


nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang
pag-aaral gamit ang computer o mga mobile phones.

Ayon kay Galias J.(2020) bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic, ramdam na
natin ang learning crisis sa ating bansa at bilang mga guro, alam natin na habang tumatagal ang
panahon na hindi nakakabalik ang ating mga estudyante sa formal schooling, mas maraming
negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa kanilang mga sarili. Nakita na natin ang mga
nangyari sa Sierra Leone sa panahon ng Ebola outbreak kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa
loob ng isang academic year. Sa muling pagbubukas ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang
16

hindi na nagpatuloy ng pag-aaral bunga ng child labor, teenage pregnancy, child abuse and
neglect, health and family economic problems. Ayon din sa mga pandaigdigang pag-aaral, kahit
sa normal na dalawang buwang bakasyon, 20-50 % ng mga natutunang skills ay maaaring
mawala o nakalimutan na ng mag-aaral.

Ayon kay Alerto C. (2020) Malaki ang naitutulong Internet ngayon sa pag-aaral, sa
pamamagitan nito, mas nagiging alerto tayo sa paggawa ng mga proyekto sapagkat marami
tayong napapagkunan ng kaalaman. Bilang isang studyante ng ika dalwampu’t isang siglo, ako
ay may malaking pakinabang sa internet sa iba’t ibang larangan ng aking pagkatuto. Ngayon pa
lamang sa aking paggawa ng blog na ito upang mapalawak ang ating mga kaalaman ay nagamit
ko na agad ang malawakang daluyan ng impormasyon o information super highway na internet.
Gamit ang internet, maraming mga bagay ang aking natutunang gawin, tulad na lamang ang
paggawa ng iba’t ibang proyekto sa paaralan na maaring hindi o mahirap hanapin sa libro ang
mga pamamaraan. Sa internet, i-type mo lamang ang isang salita ay mahahanapan mo na ito ng
libo-libong kahulugan at impormasyon na makapagpapalawak ng iyong isipan.

Dagdag pa niya, madami ding bagay ang naitutulong ng internet sa mga estudyante ng
kasalukuyang panahon, hindi lamang sa akademikong pag-aaral kung hindi pati na rin sa mga
bagay na maaring makapawi ng kanilang pagod. Pamilyar naman tayong lahat sa iba’t ibang
social media sites tulad ng YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, at marami pang iba.
Nakakatulong ang mga ito sa pag-aaral sa pamamagitan ng komunikasyon, maaring makipag-
usap ang mga studyante sa kanilang mga kapwa studyante pati na rin sa kanilang guro kahit na
sila ay malayo sa isa’t isa. Makikitaan mo din ang mga social media siutes na ito ng iba’t ibang
paraan ng paglinang sa kaalaman ng mga studyante, hindi lamang sa pang-akademiko kundi pati
na rin sa iba pang aspeto na puwedeng makatulong sa pang-araw-arawna buhay ng mga
studyante pati na rin sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Palbaccal A. (2017) tayo ngayon ay namumuhay sa makabagong henerasyon


kung saan teknolohiya ang ginagamit ng karamihan. Kung iyong iisipin, nakapakaraming
naidudulot na maganda ang teknolohiya, napakalaking tulong niyo saating mga gawain pati na
rin sa ating trabaho at pag aaral. Ito ay nagiging masama lamang kapag ito ay ating ginagamit sa
maling paraan kung saan inaabuso natin ito, lumalampas tayo sa ating limitasyon at ginagamit
17

natin ito sa maling pamamaraan. Kapag sinabing teknolohiya, ang pinakamalaking nag
iimpluwensiya dito ay ang internet. Napakaraming tao ang gumagamit ng teknolohiya dahil ng
internet. Nag bibigay din ito ng impluwensya para ganahan ang isang estudyante na mag-aral ng
mabuti para makatapos.Ang internet ay nakatulong rin upang mapa- gana ang mga iba’t ibang
sites katulad ng google, kung saan halos lahat ng kasagutan sa iyong katanungan ay naka lahad
na sa iba’t ibang pagpipilian. Youtube, ito ay isang site na maaari kang manuod ng mga video
tutorial. Halimbawa may hindi ka naintindihan sa iyong paksa na matematika, maaari mong
hanapin sa youtube ang isang tutorial kung saan may mga nagtuturo kung paano ang proseso ng
pagsasagot at ito ay kabilang sa tinatawag na educational vlog. Maaari mo rin hanapin sa
youtube ang mga dokumentaryo na kalimitang ipinapa- panood sa mga estudyante bilang parte
ng pag aaral ng mga nakaraang tao o kasaysayan.

Ayon din sa kanya, dahil nga tayo ay namumuhay na sa modernong panahon, karamihan
sa mga kolehiyo ay may subject kung saan nangangailangang gumamit ng internet. Mayroong
pagkakataon sa mga kolehiyong estudyante na hindi kinakailangan pumasok sa paaralan at sa
halip nasa bahay lamang ngunit ikaw ay pumapasok pa rin sa pamamagitan ng internet. Ito ay
halos kaparehas rin ng home schooling. Isa rin sa napakalaking naiitulong ng internet sa mga
estudyante ay maaari mo nang makita sa internet ang iyong mga marka.

Ayon kay Langner I. (2020) Nang lumipat ang mga paaralan sa isang virtual na
kapaligiran sa pag-aaral noong Marso 2020, karamihan sa lahat ay kailangang mabilis na
umangkop sa isang ganap na naiibang paraan ng pag-aaral.

Ang isa sa mga problema na natuklasan ko sa paglipat ng isang magaaral sa bagong


kapaligiran ay ang pagiging mahirap sa paglipat ng mga takdang aralin. Sa pisikal na mundo,
tumawag ang mga guro para sa takdang-aralin sa takdang-aralin at pinalingon sila ng mga bata sa
pagtatapos ng klase. Sa bagong virtual na mundo, ang iba't ibang mga guro ay gumamit ng iba't
ibang mga platform para sa pag-on ng mga takdang-aralin, ibinahagi ng mga magulang ang mga
karaniwang aksesorya ng computer (mga printer, scanner, copier, atbp.) Na nakagambala sa
pagkumpleto ng takdang-aralin, at wala nang pisikal na pagbabalik ng mga takdang-aralin.

Ayon sa SINAG (2020) By The BEACON Publications Ang Katotohanan sa New


Normal sa Pambulikong Paaralan. Itinuturing na 21st century learners ang mga mag-aaral sa
18

henerasyong ito dahil umano sa kanilang adaptive abilities, at ang pagkuha ng kanilang
pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya. Noong araw, nasubukan nating pag-aralan ang mga
paksa kasama ang matinding gabay ng ating mga guro sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.
Ngunit sa panahon ngayon, ang mga magaaral ang siyang nagsisilbing kani-kanilang mga
personal na guro sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan. Ito ang kinalalagyan ng mga
estudyante sa pagsibol ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong taon.

Sa kalagitnaan ng krisis na dulot ng COVID-19, isiniwalat ng Department of Education


(DepEd) ang kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa pamamagitan ng blended learning na
binubuo ng online learning kasabay ng pagbibigay ng mga modyul o CAPSLET (Capsulized
Self-Learning Empowerment Toolkit). Isang kadahilanan dito ang mithiin na maibigay pa rin
ang karapatan ng mga kabataan sa libreng edukasyon sa kabila ng pandemya. Subalit, kasabay
nito ang mga pagsubok na siyang kinakaharap sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Gonzales A (2020) Tuloy-Tuloy Ang Edukasyon: DepEd Naglunsad Ng


Online Platform Para Sa Distance Learning. Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga
pinakamahahalagang maaari mong maipasa sa iyong mga anak. Kaya naman sa kabila ng banta
ng COVID-19 sa ating bansa, pilit na humahanap ang mga magulang ng mga paraan para
maipagpatuloy ng mga anak nila ang kanilang pag-aaral. Buti na lang at maraming mga
publishers, homeschooling moms, art teachers at iba pa ang nagbabahagi ng mga learning tools
at resources na pwedeng i-access online.

Katulad ng iba pang mga sangay ng gobyerno, pinaghahandaan din ng Department of


Education (DepEd) ang mga posibleng maging epekto ng kasalukuyang nangyayari sa ating
bansa sa pag-aaral ng mga bata. Kaya naman inilunsad ng kagawaran ang DepEd Commons.
Isang website kung saan makakakuha ang mga public school teachers, maging ang mga
magulang, ng mga libreng educational resources para sa mga batang kinder hanggang Grade 10.
Sa ganitong paraan, natututo pa rin ang mga estudyante kahit nasa bahay lang sila.
Maipagpapatuloy din ng mga guro at ng mga magulang ang pinaka-basic na pagtuturo sa mga
bata. Sa isang nauna nang report ng Manila Bulletin, sinabi ni Secretary Leonor Briones na
kailangang magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng kalamidad. “Education must continue even
in times of crisis, whether it may be a calamity, disaster, emergency, quarantine, or even war.”
19

Ayon kay Bergonia D (2021) Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang
kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo tulad ng
pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na rin ang mga tao sa
sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating pamahalaan na ipasara at ipagpaliban
muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng ating bahay upang magkwarantin
ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19
sa ating bansa.

Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap
buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng
radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga
mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at
pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa pamamagitan ng internet, kompyuter o maging
cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-
oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa mga empleyado at online
distance learning para sa mga estudyante.

Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa


atin ngayon sa gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na ang labis na
paggamit ng teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot nang masama at
ikapahamak hindi lang ng ating sarili ngunit ng ating kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat,
tayo ay maging wais sa paggamit nito upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa
o magampanan natin nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya.

Ayon kay Zaldariagga J (2020) Mga Pagsubok sa Bagong Normal sa Edukasyon.


Laman ng balita at posts sa social media ang mga pagsubok na nararanasan ng mga guro, mga
magulang at guardians ng mga estudyante sa pagsisimula ng online classes. Lalo pa itong
napatunayan nang ipinalabas sa programang pang-telebisyon na Kapuso Mo, Jessica Soho ang
sitwasyon sa mga liblib na lugar sa probinsya, kung saan iba-ibang klaseng sakripisyo ang
dinaranas ng mga guro para kumpletuhin at ipamigay ang learning modules sa mga estudyante.

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng positbong kaso ng COVID-19 sa bansa,


sadyang limitado ang opsyon ukol sa pamamaraan kung paano maaaring ituloy ang klase. Ang
20

bagong pamamaraan na ito ay tila isang pagsubok din sa husay at kakayanan ng mga guro sa
bansa. Napilitan ang pamahalaan, partikular na ang Department of Education (DepEd), na
ipatupad ang online o distance learning upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral
ngayong panahon ng pandemya. Bagama’t maaga pa upang makita at masabi kung epektibo ba o
hindi ang mga virtual online class na inilunsad ng DepEd, nararapat na bigyan ng pagkilala ang
mga guro para sa kanilang hindi matatawarang pagsisikap na magampanan ang tungkulin na
magturo at masiguro na magiging epektibo para sa kanilang mga estudyante ang tinatawag na
blended educational program sa ating bagong normal na paraan ng pamumuhay. Gaya ng iba
pang frontliner, matituturing din na tunay na bayani ang mga guro ngayong panahon ng
pandemya.

Ayon sa Sunstar Pampanga (2020), Ang edukasyon sa new normal na sitwasyon. Lahat
tayo ay nagulat, natakot, at nanibago sa nagaganap na pandemic. Paano nga ba haharapin ang
kasalukuyang pandemyang ito? Lalo na sa edukasyon, halos lahat ng magulang ay may
pangamba na papag aralin ang kanilang mga anak. Isusugal ba nila ang buhay ng kanilang mga
minamahal na anak?

Ang gobyerno ay ginagawa ang lahat upang maipagpatuloy ang edukasyon sa ating bansa.
Isa na rito ang pagtuturo sa new normal na sitwasyon. Maaaring ipagpatuloy ang eduksyon kahit
nasa bahay lang ang mga bata sa pamamagitan ng online class ngunit ito ay may kaakibat na
suliranin dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay mayroong sariling mga kagamitan para rito.
Dahil rito, naglunsad ng ang DepEd ng iba’t-ibang paraan upang hindi mahinto ang pagaaral ng
mga etudyante. Halimbawa nalang ang modular learning kung saan maaaring ipagpatuloy ang
edukasyon kahit na walang internet sa bahay.

Tinawag new normal dahil bago ang sitwasyon sa pamumuhay ng mga tao pati na rin sa
edukasyon. Ang pag-aral ay hindi kinakailangang face-to-face ang guro at mga estudyante, dahil
marami namang paraan upang matuto ang isang bata kahit ito ay nasa loob lamang ng kanilang
bahay tulad ng online learning kung saan gagamit ng mga gadgets gaya ng telebisyon, radio,
laptop, o desktop, at iba pa. Maaari ring gumamit ng mga modules na ibibigay ng guro sa tulong
ng barangay at paaralan na kung saan makakakuha ang mga magulang o guardian ng bata.
21

Maituturing na hindi sagabal ang pandemya para hindi matuto ang mga mag-aaral kahit na hindi
nila kailangang pumunta sa mismong paaralan.

Literaturang Pananaliksik

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang pananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral


na binasa at sinuri sa pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman,
na makapagpapayaman sa katagang taglay ng saliksik.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashley Melinis(2009), ang pagbabasa sa


elektronikong babasahin ay nakadudulot sa magaaral ng motibasyon sa pagiging mahusay
namambabasa. Mas nagkakaroon ng motibasyon sa pagbabasa ang mga mag-aaral dahil sa
binibigay ng elektronikong babasahin na animation, sound, music, at narration. Gaganahan ang
isang mambabasa dahil sa dulot ng makabagong teknolohiya.

Batay sa mga mambabasa na sinuri mas na engganyo sila mag-aral at magbasa gamit ang
makabagong teknolohiya natin. Mas napapadali matutunan ngayon ng mga kabataan at mag-
aaral ang mga gusto nila matutunan sa panahanon ngayon. At ang teknolohiya ay isa sa naging
dahilan kung bakit humuhusay at tumitibay ang ating ekonomiya.

Ayon sa pag-aaral nina Basilyo at Bemacer (2017) ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante sa pamamagitan ng social
media na produkto nang makabagong teknolohiya. Kay galing sa larangan ng kanilang pag-aaral
nakakatuwang isipin na mas nangingibabaw ang positibong epekto ng social media sa mga
estudyante.

Batay sa resulta na sinuri ang epekto ng social media, talagang nakakabuti ito dahil na
nga sa mga impormasyon natin na makakalap sa ating bansa at sa iba pa lugar sa mundo. Dahil
dito mas madami tayo bago kaalaman tungkol sa mga bagay na bagay na gusto natin alamin at
pag aralan sa henerasyong ito.

Ayon sa pag aaral ni Health Spokesman Dr.Fransisco Duque (2020), ang social media
ngayon ay ang isa sa mga nakakatulong satin ngayong may kinahaharap tayong pandemya.
22

Paliwanag ni Duque, madaling maimpluwensyahan ang mga tao, guro, magulang at lalo na ang
mga estudyante dahil na rin sa kailangan ito sa pang araw araw natin. Ang makakuha ng
impormasyon sa araw araw sa social media ay mahalaga na parte ng ating buhay. Dahil dito,
sinabi ni Duque na tinututukan ng department of health (DOH) ang pakikipag ugnayan sa
department of education (DEpEd) para sa impormasyon na makatutulong sa mga gawin tulad ng
dapat at hindi dapat sa tulong ng social media ngayong pandemya.

Ang pagsusuri ng DOH at DepEd sa lipunan natin ay makakatulong para sa atin. Dahil
iniingingatan at inaalalahanan pa din tayo ng mga tao sa gobyerno kung pano tayo mamumuhay
sa bagong takbo ng mundo dahil ng pandemyang kumakalat na tinatawag na covid, at ang
kahalagahan ng social media ngayon sa ating buhay. Pero sa kabila ng lahat unti unti na nating
naangkop at bumabangon tayo sa hirap buhay na ginagalawan natin ngayon. Ang pagsusuri ng
DOH at DepEd sa lipunan natin ay makakatulong para sa atin.Pero may ilan pa din na hirap sa
ganto sitwasyon. Kaya nandyan pa din sila umaalalay at gumagabay sa atin lalo na ngayong
pandemya.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD; (2020), ang social media
o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa
pagtuturo sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya. Maaring magbigay ito ng oportunidad
sa mga guro upang kumonekta sa kaniyang mga mag aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag
aaral mayroong advanteyj ang social media, maging sa mga guro.

Ang mga advanteyj ng social media na sinuri ay talagang makakatulong sa atin lalo na
sa sitwasyon natin ngayon. Hindi lang sa school ito magagamit kundi sa lahat ng aspeto natin sa
buhay ay may kaakibat na teknolohiya at social media. Dahil dito mas madaling kumonekta sa
lahat ng tao kahit saan pa mang lugar iyon. Gaya nga ng nauna mas mabilis at mas madali
ngayong panahon dahil sa tulong ng social media at teknolohiya.

Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abaiza (2020) ang social media katulad ng
facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay
ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon
dahil sa paggamit nito. Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang
pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon.
23

Ito ay maoobserbahan kahit sa grupo ng aming pangkat, dito nagpapahatid ng mga


mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa
aming mgakamag-aral. Ang mga naturang impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa
mas madaling paraan.

Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga mag-aaral ang social media kaso
huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumakain sa ating mahalagang panahon. Marami
ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media ngayong pandemya sa ating mga
pamumuhay bilang estudyante.

Sintesis

Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-


aaral, bukod sa telebisyon, cellphone at syempre ang personal kompyuter at ang dala nitong
internet. Masasabi natin na ang teknolohiya sa ating buhay, lahat ng sector sa ating komunidad
ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya sa pang araw-araw na
pamumuhay. Tunay nga‘t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng buhay ng mga mag-aaral. Sa
panahon ng pandemya na ating kinakaharap ngayon, nagging isang pagsubok para sa mga
kabataan ang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng bagong pamamaraan, marami ang nahihirapang makisabay sa


pagkatuto. Ngunit, hindi naging hadlang ang mga pagsubok na kinaharap ng mga mag-aaral
sapagkat naging sandalan nila ang internet. Ang internet ay naging daan upang ipagpatuloy ang
pag-aaral ng mga kabataan. Ito ay ginagamit upang maging konektado at magkaroon ng
kaalaman sa elektronikong pamamaran, sa kabilang banda, ito ay ginagamit din para sa libangan.
Hindi maiikaila na talamak ngayon ang paggamit ng social media platforms. Ito at mga
aplikasyon na kung saan ay maari kang magpahayag ng damdamin, malagay ng mga litrato at
makibalita sa nangyayari sa buong mundo. Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit
nito, ngunit ang tanong, nakakatulong ba ito sa kabataan sa gitna ng pandemya? Ano-ano ang
mga benepisyo nito? O baka naman may kahinaang dulot para sa mga kabataan.

Batay sa pagsusuri ni Ashley Melinis, may pagkakatulad ang naidudulot ang paggamit ng
social media sa makabagong panahon sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan sapagkat
binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng elektronikong pamamaraan sa paggawa ng
24

mga aralin. Napag-aralan din niya nag mas na-uudyok mag-aral ang mga kabataan gamit ang
mga animasyon, sounds at narration na mas nagbibigay ng kalidad upang maghatid ng mga
leksyon na talagang kapaki-pakinabang sa panahon ngayon. Ang lahat ng ito ay maaaring gawin
gamit ang social media, Bukod sa may kakayahan itong magpadala ng mga mensahe, madami
din itong mga modernong abilidad upang maging makabuluhan ang mga bagay na ibinabahagi sa
mga iba’t-ibang platforms kaya naman may malaki din itong ambag sa pag-aaral ng kabataan.

Nakasaad naman sa pag-aaral nina Basilyo at Bemacer ang kahalagahan ng mga guro
para sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sa makabagong panahon, hindi maiikaila ang
pagka-dakila nila sapagkat sila ang sang sandalan ng kabataan upang matuto ng aralin gamit ang
makabagong pamamaraan sa gitna ng pandemya. Gayunpaman ay kaya pa din nilang
isakatuparan at gampanan ang pagiging isang guro sa pamamagitan ng mga social media
platforms sapagkat maaari silang maging konektado sa isa’t-isa gamit ang modernong
kagamitan.

Tinalakay din ni Health Spokesperson Francisco Duque and kahalagahan ng social media
platforms sa gitna ng pandemya. Ayon kay Duque, hindi lang ito para sa mga mag-aaral sapagkat
maaari din itong gamitin ng mga nakatatanda o ng mga magulang na nais patnubayan ang
kanilang mga anak sa makabagong pamamaraan ng pag-aaral. Iba’t-ibang sangay ng pamahalaan
gaya ng DepEd at DOH ang nagpapatunay na may dalang benepisyo ang paggamit ng mga
platforms na ito.

Sumasang-ayon din naman sina Fionamae Abaiza at Ma. Fe Gannaban, sa mga kahalagan
at benepisyo ng social media sa panahon ngayon. Ayon sa kanilang pag-aaral, isang oportunidad
na gamitin ang mga platforms na ito para magpakalat at mangalap ng impormasyon sa mas
madaling pamamaraan. Hindi hadlang ang malayong ugnayan upang maging konektado tayo sa
isa’t-isa at ipagpatuloy ang paglinang ng kaalaman. Sa panahon ngayon, madami ng aplikasyon
ang naggamit natin upang maging instrument sa pagpapakalat ng impormasyon at hindi na
hadlang ang malayong distansya para maging konektado ang isa’t-isa.

Ang lahat ng nasabing pag-aaral ay sumasang-ayon sa benepisyong hatid ng social


media. Tinalakay ng bawat isa ang kahalagahan ng mga platforms nito at kung anong mga
abilidad nito upang maging makabuluhan ang buhay sa gitna ng pandemya. Iba’t-iba ang mga
25

naging punto ng mga tinalakay nap ag-aaral batay sa positibong dala ng social media. May mga
pagsusuri na nakapokus sa pag-aaral, may mga nagbigay-diin sa pagiging konektado sa mundo at
meron ding tumalakay ukol sa paggamit ng social media batay sa layunin o pangangailangan.
Gayunpaman, iisa lang ang naging direkyon ng pananaliksik na ito at yun ay ang benepisyong
hatid ng paggamit ng social media sa gitna ng pandemya.

Balangkas at Teoritikal

Ang pangunahing layunin ng mananaliksik na ito ay malaman ang kahalagahan at


katayuan ng social media ngayong may pademya sa bansa at kung gaano nga ang naitutulong
nito sa araw-araw nating pamumuhay. Malalaman sa bahagi na ito kung gaano kahalaga ang
pananaliksik na ito.

Ayon kay Gannaban (2013),Dumadami pa lalo ang gumagamit ng social media dahil sa
isang pindot lang ay mapapabilis na ang komunikasyon sa ibang tao,mapalapit o mapalayo man
ay maaari nangmakipag komunikasyon dahil sa social media sites. Naging parte na ng isang tao
ang paggamit ng social networking sites dahil maidudulot itong maganda para sa atin lalo na sa
mga kabataan, Dahil sa malakas nitong impluwensya, marami sa mga kabataan ngayon lalo na
ang mga sekondarya at kolehiyoang lubos na nahuhumaling dito.

Sinaad pa dito, maraming rin na epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking
sites pero sa kabilang banda kung gagamitin natin ito sa maling paraan ay magkakaroon ito ng
masamang dulot para sa atin. Ang social networking sites ay dapat gamitin nang mabuti at sa
maayos na pamamaraan. Ito rin ay isang daan tungo sa mabuti at maayos na pamumuno ng isang
organisasyon at gayun din sa pagaaral. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit
ang internet kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag "transaksyon sa iba’t
ibang sangay ng kalakal o negosyo parasa karamihan.

Ang social media ay nagging parte na ng pang araw-araw na pamumuhay dahil ito ang
naging daan upang makapag usap ang mga tao lalo na ngayong may pandemya. Ito ang
nagsilbing daan para mabilis magkakilala ang mga tao sa isang lugar o bansa.

Para naman kay Edward Sturtevant, ang pagkakaroon ng mga social media ay may iba’t
ibang dahilan kung gayon ang pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon at
26

pakikipagtalastasan. Isa narito ang facebook ito ay isang social media na ginagamit ng halos ng
bawat tao saan mang lupalop ng mundo. Sa pamamagitan nito nakakapag-usap ang mga
gumagamit kahit saan o anumang oras at panahon.

Ang social media ay hindi na mawawala sa isang tao dahil nakasanayan na itong gamitin.
Aminin man ng lahat o hindi pero ang social media ay isa na din sa mga dahilan na nagpatitibay
sa aspeto ng kultura na kung saan pinapakita ang pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan. Ngayong
may pandemya sa bansa higit na mas dumami pa ang gumagamit ng social media lalo na ang
mga kabataan na online ang pagpasok. Ang mga mag-aaral ang nangunguna sa paggamit nito sa
panahon ngayon na halos lahat ay nagamit na nito dahil gusto ng iba na makisabay sa mga uso
ngayon ang iba naman ditto sila kumukuha ng mga kasagutan sa mga gawain nila sa paaralan.

Maraming teorya ang pinagbatayan upang mabuo ng mas mabilis at mas maging
makatotohan ang gagawing pananaliksik.Tulad ng teorya ni Bandura (Social Learning Theory)
na nasasabi na isang tao ay natuto batay sa kanilang napapanood sa iba kagaya ng panonood at
nakikita sa social media at pwedeng magbago ang ugali ng isang tao dahil din dito. Ang ibang
teorya nina R. Steinberg,Jeremiah Villanueva at Ann Rosales ang ilan pa sa pinagbatayan. Ang
mananaliksik sa itinatagong pangalan na Resident Patriot, sa kanyang artikulo na Social Media at
Modernong Pilipino na nagsasaad ng mga epekto sa kanya at sa ibang tao ng social media.
Sinasabi na ang social media ay isang tulay na maaaring magdugtong sa ating
nakaraan,kasalukuyan at hinaharap na sitwasiyon at kaisipan.

Ang pag-aaral na ito ay masasabing ring kritikal sapagkat malaki ang impak sa isipan at
pamumuhay ng isang tao ang social media. Nais ng mananaliksik malaman ang kahalagahan at
katayuan ng social media ngayong may pademya sa piling mag-aaral ng Westmead International
School.

Sa unang kahon ay Input, inilalahad dito ang profyl ng mga tagasagot na piling mag-aaral
ng Westmead International School tulad ng edad, kasarian at mga katanungan na kung gaano
kadalas gumagamit ng social media, paano ito nakakatulong sa pag-aaral at ano ang maganda
nitong idinudulot sa pag-aaral ngayong may pandemya.
27

Sa pangalawang kahon naman ay ang Proseso, inilalahad naman dito ang hakbang na
gagawin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga kasagutan sa mga tanong at mga
impormasiyon na kailangan sa kanilang napiling paksa.

Sa huling kahon ay ang Output ng pag-aaral na sumasaklaw sa implikasiyon na kanilang


nakalap na datos, kahalagahan at katayuan ng social media ngayong mayroong pademya na
makakatulong sa kanilang gagawin na pag-aaral.

INPUT PROSESO OUTPUT


 Ano ang prorayl ng  Ang mga  Power Point
mga mag-aaral sa mga mananaliksik ay Presentation.
tuntunin nG: mamamahagi ng mga
a. Edad nasabing kwestyuner
b. Kasarian o survey sa mga piling
 Ano ang benepisyo estudyante sa
makukuha ng isang departamento ng
mag aaral sa social unang taon ng
media ngayong inhenyero sa
pandemya? Westmead
 Ano-anu ang pwede International School
maging epekto ng upang makakalap ngh
social media na ito sa mga impormasyon o
mga kabataan datos hinggil sa
ngayong pandemya? paksang pinag-aaralan
 Ano ang o atinatalakay.
rekomendasyon sa
kahalagahan ng social
media ngayong may
pandemya sa mga
piling mag-aaral ng
Westmead
International School?
28

Pigyur 1- Kahalagahan at Katayuan ng Social Media

ngayong Pandemya mula sa piling mag-aarl ng Westmead International School

Kahulugan ng mga Salitang Ginamit

Upang matulungang maunawaanng mambabasa ang kahulugan ng mga salitang ginamit,


binigyang paliwanag ang mga salitang ginamit na maaaring bago sa iba.

Social Media. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga


tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng
mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na
binuo ng gumagamit.Nagsimula ang social media November 1994 na isa sa pinaka maagang
nadiskubing social networking service

Pademya.Ang pandemya ay isang pandaigdigang pagsiklab ng sakit. Nangyayari ang mga


pandemya kapag lumitaw ang isang bagong birus na nakakahawa sa mga tao at maaaring
kumalat sa pagitan ng mga tao. Ang pandemya (mula sa Griyego παν pan lahat +
δήμος demos tao) ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng
mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit pandaigdigan

Covid-19.Ang COVID-19 ay isang bagong uri ng coronavirus na umaapekto sa iyong baga


at mga daanan ng hininga. Ang mga coronavirus ay malaki at iba't ibang pamilya ng mga virus
na nagiging sanhi ng mga karamdamang gaya ng karaniwang sipon. Ang Coronavirus disease
2019 (COVID-19), na kilala rin bilang coronavirus o COVID, ay isang nakakahawang sakit na
sanhi ng matinding talamak na respiratory respiratory coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Ang unang
kilalang kaso ay nakilala sa Wuhan, China, noong Disyembre 2019. Ang sakit ay kumalat mula
sa buong mundo, na humahantong sa isang patuloy na pandemya
29

Distance Learning.Ito ay uri ng pag-aaral na kung saan ang mga guro at mag-aaral ay
hindi sama sama sa iisang pasilidad. Hindi pisikal na nagkikita kita ang bawat estudyante at guro
sa kanilang pag-aaral. Ginagamit ito upang patuloy na makapag-aral ang bawat isa kahit malayo
sa bawat. ang unang kurso sa edukasyon sa distansya sa modernong kahulugan ay ibinigay ni Sir
Isaac Pitman noong 1840s, na nagturo ng isang sistema ng maikling salita sa pamamagitan ng
pag-mail ng mga teksto na nai-transcript sa shorthand sa mga postkard at pagtanggap ng mga
transkripsyon mula sa kanyang mga mag-aaral bilang kapalit ng pagwawasto.

Teknolohiya. Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,


makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Halimbawa
nito ang mga telepono, wifi, computer at iba pa. Ginagamit ito bilang isang bagay na
magpapadali sa buhay ng tao. Malaking tulong ito sa pangkabuhayan, pag-aaral, agham, dahil
kaya nitong makipag komunikasyon ng mabilis. Malawak ang sakop at mabilis na magagawa
ang isang bagay. Ang teknolohiya o aghimuan (Griyego τεχνολογια < τεχνη"kasanayan sa
sining" + λογος "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa
sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin
ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
30

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, inilahad ang disenyong pananaliksik at paraan ng pangangalap ng


datos at ang pamamaraan ng pagsusuri.

Disenyong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na alamin kung ano ang kahalagan at katayuan ng
social media ngayong pandemya sa mga piling mag-aaral ng Westmead International School.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraan kwantitibo o


quantitative na pananaliksik, upang mailahad ang kahalagan at katatayuan ng social media .
Nangangailangan din ito ng pag aanalisa ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa mga
respondente sa tulong ng talatanungang inihanda upang malaman kung ano nga ba ang
kontribusyon ng social media sa mga magaaral. Makakatulong ang pamaaraang kwantitabo
upang makalikha ang mga mananliksik ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon.base sa
datos na kanilang makukuha mula sa mga respondente.
31

Ayon kay Offredy et.al (2010) ang pamamaraang paglalaraawan o descriptive reaserch ay
maaring kwantitatibo o kwalitatibong pananaliksik. Sa kwantitatibong paglalarawan na
pananliksik ay may layunin na ilarawan ang mga datos at katangian tungkol sa pananaliksik,
ngunit mas marami ang maibibigay na impormasyon sa kwalitatibong paraan dahil ito ay sa
paraang interbyu.

Ayon kina Dotimas et al. (2001), ang pamamaraang paglalarawan o descriptive ay


nagbibigay-pansin sa mga kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Ang desinyong ito
ay angkop sa pag-aaral upang mapadali ang pangangalap ng datos mula sa repondente. Gumamit
ng talatanungan bilang instrumento ng pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuring pangnilalaman na naglalahad kung ano ang
kahalagaan ng social media sa panahon ng pandemya. Ito ay karaniwang maoobserbahan sa
totoong kalagayang nagaganap sa lipunan na ang mga makabagong henerasyon ay dumedepende
na sa social media. Ito ang napili ng mga mananaliksik sapagkat naniniwala silang
makapagbibigay, at mamumulat nila ang mga mag-aaral sa importansya ng social media
ngayong oras ng pandemya halimbawa na nito ay magamit sa online class at iba pa. Isa ito sa
magiging pangunahin instrumento sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga pangyayari na
kanilang nakikita at maging nararanasan.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok na nag sagot ng aming surbey ay nasa 25 katao na piling mag aaral
mula sa 1st year hanggang 4th year ng Westmead International School. Ang mga nag sagot na
mag aaral ay binubuo ng lahat ng nakatala sa panahon ng SY 2020-2021.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos.

Pagkatapos makapili ng paksa sa gagawing pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap


ng datos mula sa iba’t ibang websayt sa internet na maaaring iugnay sa kanilang paksa.Bukod
dito nagtanong-tanong ang mananaliksik sa mga taong may kaalaman sa kanilang napili na
paksa. Matapos pagtibayin ang paksa, gumawa sila ng talatanungan upang malaman kung ano
ang katayuan at kahalagahan ng social-media ngayong may pademya.Bumuo ng mga tanong ang
mananaliksik upang maging batayan ng magiging kabuuan ng kaniolang pag-aaral. Pagakatapos
32

makabuo ng talatanungan ipinasa ito sa guro upang malaman kung tama ang nagawa na mga
tanong pagkatapos makumpirma na tama ang ginawa na talatanungan hiningi na nila ang
pahintulot sa gagawing pagpapasagot sa mgaa piling mag-aaral.

Pagkatapos mabigyan ng pahintulot, isinagawa agad ang mga mananaliksik ang kanilang
pamamahagi ng talatanungan. Ang panganggalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng
pamamahagi ng talatanungan sa mga piling mag-aaral ng Westmead International School.

Ang lahat ng kasagutan ng mga respondante ay masusing tiningnan kung tama ang
pagkakasagot sa mga tanong na nasa talatanungan. Ito ay masusing sinuri ng mananaliksik upang
mas maging maayos ang kanilang gagawing interpretasiyon sa mga nakalap na datos at maging
maayos ang pagbibilang nila sa mga datos na nakalap. Inipon nila lahat ng naging kasagutan
upang mas mapabilis ang paglalahad,pagsusuri at pagpapakahulagan sa mga datos.

Mabilis nakasagot ang mga piling mag-aaral mula sa Westmead International School na
binigyan nila ng talatanungan. Ang lahat ng kasagutan na magiging impormasiyon nila ay higit
na makakatulong para mas maging makabuluhan ang kanilang pag-aaral na gagawin. Minabuti
ng mga mananaliksik na mabibigyan nila ng maayos na pagpapakahulugan lahat ng nakalap na
datos.

Instrumentong Pananaliksik

Sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay bumuo ng talatanungan upang makapangalap ng


datos. Nakapaloob dito ang propayl ng respondante na nakabase sa kanilang mga edad at
kasarian, ang benepisyo ng mag aaral na makukuha sa Social media ngayong pandemya at ang
epekto ng social media sa mga kabataan ngayong pandemya.

Paghahanda ng Talatanungan. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga kaalaman at


impormasyon batay sa layunin at suliranin ng papel pananaliksik. Ang mga datos na kanilang
nalikom ay pinagsama-sama, pinili at isinaayos para sa mga mahahalagang mga pahayag na
ibinigay sa mga respondente.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey o talatanungan upang mangalap ng datos


sa mga iginagalang na respondate. Ang nabuong talatanungan ay ipinakita at ipinabasa sa
tagapayo ng mga mananaliksik. Iwinasto at binigyang mungkahi ng tagapayo na agad-agad
33

binigyang pansin ng mananaliksik. Isinaayos muli ang ginawang talatanungan at pinagsasama at


muling naghanda ng sipi para sa balidasyon.

Balidasyon ng Talatanungan. Ang inayos at iwinastong sipi ng talatanungan ay ipinabasa


at ipina- validate ng mga mananaliksik sa kanilang tagapayo upang mabigyan ng mga puna at
mungkahi. Ang mga puna at mungkahi ng kanilang tagapayo ay muling sinunod ng mga
mananaliksik. Pagkatapos nilang maiwastong muli ang mga pagbabago, binuo na ang pinal na
kopya ng talatanungan at inilagay ito sa google form upang maipamahagi sa mga napiling
magiging respondente

Administrasyon ng Talatanungan. Nagsimula ng mamahagi ng mga talatanungan ang


mga mananalikisk. Sila ay namahagi ng talatanungan sa pamamagitan ng pakikipag usap sa
messenger sa kanilang mga respondente at pagbibigay ng link nito. Inabot ng limang araw ang
pamimigay at pagsasagot sa talatanungan na agad namang tinugunan ng mga respondente.

Estadistikang Ginamit

Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga mag-aaral na tumugon sa


talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong bilang ng mga
mag-aaral ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga
katanungan inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa pagkakaiba
ng mga tumugon. Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap upang
makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at madaling
pag-unawa sa mga nag nanais na makabasa ng nasabing pag-aaral. Ang mga sumusunod na
pormula upang maipakita ang mapagkakatiwalaang porsyento at weighted mean ng mga
nasabing sagot ng mga napiling respondent:

1. Bahagdan (Percentage)

Ang pormulang ginamit sa pagkuha ng porsyento ay

P=R/Nx100

Kung saan ang:


34

P – Bahagdan %

R – Bilang ng sumagot

N- Kabuuang bilang ng respondante

100% - lagging bilang o porsyento

2. Weighted Mean

WM=3(WM)+2(WM)+1(WM)

Kung saan ang:

WM – Weighted Mean

N – Kabuuang Bilang ng mga respondent.

KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAG SUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Dito nakapaloob ang talakay patungkol sa mga resultang nakalap sa ginawang servey. Sa
pamamagitan ng mga talahanayan at grapikong pantulong , higit na napadali ang organisasyon
ng mga inpormasyon patungkol sa Pananaliksik ukol sa Kahalagahan at Katayuan ng "Social
Media" ngayong Pandemya mula sa mga piling mag-aaral ng Westmead International School.

1. DEMOGRAPIKONG PROPAYL

TALAHANAYAN BILANG 1.1

Propaly ng mga respondent batay sa Kasarian.

Kasarian Bilang Porsyento


Lalaki 10 38.5%
Babae 15 61.5%
Kabuuan 25 100%
35

Nakatala sa bilang 1.1, ang bilang ng mga respondante batay sa kasarian. Makikita sa
talahanayan na karamihan sa mga respondante ay Kababaihan. Makikita rin sa talahanayan na ito
na Animnapu't isang punto lima (61.5%) porsyento ng kababaihan ang nagsagot sa aming
ginawang sarbey samantalang Tatlumpu't walong punto lima (38.5%) porsyento naman sa mga
kalalakihan. Makikita dito na mas malaki ang populasyon ng kababaihan kaysa sa mga
kalalakihan na piling mag-aaral ng Westmead International School.

TALAHANAYAN BILANG 1.2

Propaly ng mga respondent batay sa Edad.

Edad Bilang Porsyento


18 8 31.7%
19 11 43.3%
20 2 8.7%
21 3 12.5%
23 1 3.8%
Kabuuan 25 100%

Base naman sa talahanayan bilang 1.2, mayroong tatlumpu't isang punto pito (31.7%) porsyento
ang edad na labing-walo, may apatnapu't tatlong punto tatlo ( 43.7%) na porsyento naman ang
edad labing-siyam, samantalang walong punto pito (8.7%) porsyento naman ang edad
dalawampu, may labindalawang punto lima (12.5%) porsyento naman ang edad dalawampu’t isa,
at may tatlo punto lima (3.8%) porsyento ang edad dalawampu’t tatlo. Naglalaro lamang sa edad
labing walo hanggang dalawampu’t tatlo anyos kung saan pumapatak ang edad ng mga piling
mag aaral sa Westmead International School.

Talahanayan 2

Benepisyong makukuha ng isang mag aaral sa Weighted Interpretasyon


36

social media ngayong pandemya Mean Berbal

1. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng


pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
3.80 Lubos na sumasang
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
ayon
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network ngayong pandemya.

2. . Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at Lubos na sumasang


malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa ayon
3.68
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at
mga indibidwal.

3. Kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa 3.80 Lubos na sumasang


gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao ayon
malapit man o malayo sa iyo

4. Maraming kabataan na ginagawa ang mga social Lubos na sumasang


networking sites tulad ng Facebook, YouTube at iba ayon
3.72
pa bilang libangan at pantanggal inip ngayong
quarantine.

5. Isang dahilan ang social media upang mas maging 3.24 Sumasang ayon
mahusay sa pag-aaral ang mga estudyante kahit may
pandemya kinahaharap.

6. Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral


dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon upang
3.24 Sumasang ayon
maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya
sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.

7. Ang Google ang pinakamahalagang parte ng


social media kung saan dito mo mahahanap ang mga
3.76 Lubos na sumasang
impormasyon na iyong kinakailangan sa mga
37

reports, research, assignments, projects at iba pa. ayon

8. Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng 3.04 Sumasang ayon


mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung
paano gawin ang isang bagay.

9. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga


mag-aaral na mapagtibay ang relasyon ng mga
Lubos na sumasang
magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong
ayon
kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang 3.60
dating magkakaibigan na matagal nang hindi
nagkikita.

10. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na


sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang
3.24 Sumasang ayon
kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon kahit
na may pandemya.

Composite Mean 3.51 Lubos na


sumasang ayon

3.50-4.49-Strongly Agree

2.50-3.49-Agree

1.50-2.49-Disagree

1.00-1.49-Strongly Disagree

Sa una at pangatlong benepisyo na makukuha ng isang mag-aaral sa social media ngayong


may pademya parehas itong nakakuha ng weighted mean na (3.80%) at lubos na sumasang ayon
ang mga piling mag-aaral, sa una sabi ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
38

impormasiyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network ngayong pandemya at
sa pangatlo naman ang social media ay may kakayahan ng pagkakataon sa mga gumagamit na
makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo. Sa mga benepisyo na nabanggit sila
ang nakakuha ng pinkataas na porsyento na ibig sabihin ay maraming sumang ayon sa dalawa.
Ang pang pito naman na nabanggit ay nakakuha ng weighted mean na (3.76%) na kung saan
lubos na sumasang ayon ang mga piling mag-aaral at ang nakalagay ditto ay ang google ang
pinkamalaking parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasiyon na
iyong kinakailangan sa mga reports,research,assignments,projects at iba pa.

Ang pang apat naman ay may weighted mean na (3.72%) na ibig sabihin ay lubos na
sumasang ayon ang mga nagsagot nakalagay duon na maraming kabataan na ginagawa ang mga
social networking sites tulad ng Facebook,Youtube at iba bilang libangan at pangtanggal inip
ngayong quarantine. Sa padalawang benepisiyo naman nagkaroon ito ng weighted mean na
(3.68%) ibig sabihin lubos din sumasang ayon ang mga mananagot sa ang nagbibigay daan sa
isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasiyon sa pagitan ng mga organisasiyon
mga komunidad at mga indibidwal ay ang social media. Pang siyam na benepisiyo naman ay
nakakuha ng weighted mean na (3.60%) na kung saan lubos na sumasang ayon ang mga
nagsagot nakalagay dito na gamit ibat’ ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapatibay
ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakakahanap ng bagong kaibigan at nagkakaroon ng
komunikasiyon ang dating magkakaibigan na matagal na hindi nagkikita.

Ang pang lima, pang anim at pang sampung benepisyo naman ay pare-parehas nakakuha
ng weighted mean na (3.24%) na ibig sabihin ay sumasang ayon ang mga mananagot dito, sa
panglima nakalagay na isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay sap ag-aaral
ang mga estudyante kahit may pademyang kinakaharap. Nakalagay naman sa pang anim na isa
ang Facebook na nakakatulong sa pag-aaral dahil ditonagkakaroon ng komunikasiyon upang
maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na naglalaman ng mahalagang
impormasiyon. Sa pang sampu naman nakalagay na nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalong lalo
na sa mga mag-aaral at sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang
ngayon kahit na may pandemya.
39

Ang huli ang pang walong benepisyo at may pinaka mababang nakuha na porsyento na
kung saan may weighted mean na (3.04%) na ibig sabihin ay sumasang ayon ang mga nagsagot
dito, nakalagay na ang youtube ay nakakatulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng
mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Sa kabuuan ng talahayan dalawa nagkaroon
ito ng composite mean na (3.51%) na kung saan lubos na sumasang ayon ang mga piling mag-
aaral ng Westmead International School na sumagot dito sa mga benepisyo ng social media
ngayong may pandemya.

TALAHANAYAN 2.1

Epekto ng social media Bilang ng Porsyento Bilang ng Porsyento


sa mga kabataan estudyante na estudyante na
ngayong pandemya tumugon ng tumugon ng
“TAMA” “MALI”
Maraming sites sa internet 25 100% 0 0%
ang kadalasan na naaccess
ng mga kabataan. Kabilang
dito ang
facebook,twitter,instagram,
tumblr, at mga laro tulad
ng ML, COD at kung ano
ano pa.
Nagiging tamad ang mga 23 92.3% 2 7.7%
kabataan sa pag aaral dahil
sa mga sites na mayroon
sila at nahahati ang
40

kanilang atensyon.
Maraming kabataan na 23 92.3% 2 7.7%
ginagawa ang mga social
networking sites na ito
bilang libangan
Mas marami pa tayo na 20 80.8% 5 19.2%
ginugugol na oras sa pag
accss o paglalaro kaysa sa
pag aaral.
Dahil din sa mga social 25 100% 0 0%
networking sites na ito ay
nagiging aktibo ang mga
estudyante sa latest na
bagay at sa kung anong
uso.
Nagiging ugali natin na 15 61.5% 10 38.5%
makiuso sa mga sikat na
nagpapabago sa ating mga
ugali
Tayo ay nagkakaroon ng 24 96.2% 1 3.8%
kaalaman sa kasalukuyang
mga pangyayari
Sa ngayon ginagamit na 25 100% 0 0%
rin natin ang Social media
bilang isang marketplace!
Dahil sa social media 25 100% 0 0%
napaglalapit ang mga
gumagamit nito kahit nasa
malayong lugar.
Marami ang nabibiktima 25 100% 0 0%
ng social bullying and
41

cyber bullying na maaring


nagbibigay ng depression
at anxiety

Nakatala sa itaas may sampung tanong tungkol sa epekto ng social media sa mga
estudyante. Makikita sa talahayan na mas marami ang sumang ayon o ang isinagot ay tama kaysa
mali. Makikita rin sa talahayan na may dalawangpu’t lima estudyante ang sumagot sa mga
katanungan na may ibat’t ibang kasarian ang mga ito galling sa piling mag-aaral ng Westmead
International School. Sa una,pang lima, pang walo,pang siyam at pang sampung tanong makikita
na (100%) ng mg estudyante ang sumagot ng tama at sumang ayon sa epekto nito sa mga
estudyante at kahit isa ay walang sumagot ng mali. Ang pang pito naman na tanong ang
sumunod na may pinka maraming sumagot ng tama at itoy may weighted mean na (76.2%) na
dalawangpung apat na estudyante sa kabuuan at may isa naman na estudyante ang sumagot ng
mali o hindi sumang ayon sa epekto na ito na nakakuha ng (3.8%). Sumunod naman ang
padalawa at pangatlong tanong sa may maraming sumang ayon parehas na may dalawangpung
tatlo na estudyante ang sumagot ditto ng tama na may weighted mean na (92.3%) at may tig
dalawang estudyante ang sumagot ng mali na nakakuha ng (7.7%). Ang pang apat naman na
tanong ay may dalawangpung estudyante ang sumagot ng tama na may weighted mean na
(80.8%) at lima namang estudyante ang sumagot ng mali na nakakuha ng (19.2%). Ang pang
lima na tanong ang nakuha ng pinaka kakaunti na sumagot ng tama na may labinglima na
estudyante ang sumagot na may weighted mean na (61.56%) at may sampu na estudyante ang
sumagot ng mali na nakakuha ng (38.5%). Makikita naman natin na sa kabuuan mas marami pa
din ang sumagot ng tama kaysa mali.

Gawaing Pang Mag-aaral

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga gawaing


pang mag-aaral. Nais ng mga mananaliksik na mas mapatibay pa ang kanilang pagaaral sa
pamamagitan ng paglikha ng output na magbibigay ng impormasyon sa kanilang mga
respondente.
42

Unang gawaing inihanda ng mananaliksik ay ang paggawa ng powerpoint presentation na


naglaman ng kahalagahan, importansya at mga naitulong ng social media sa buhay ng mga tao sa
panahon ngayon ng pandemya. Powerpoint presentation ang ginamit ng mananliksik na paraan
upang lahat ng mag may gusto magbasa at makakita ng output ay magkakroon sila ng access
dahil ito ay kahit hindi ka gumamit ng internet.

Ang output na nabuo ng mga mananaliksik ay makatutulong upang higit na mapaunlad at


mapatibay ang social media sa mabuting paraan at upang malaman kung gaano kalaki ang
kontribusyon na naibigay ng social media hindi lamang sa mga mag-aaral, kasama na din ang
mga guro,may mga trabaho at may mga kabuhayan. Ang outpt ay may layunin na maglahad at
magbigay ng kaalaman sa mga magaaral kung paano gumamit ng social media sa mabuting
paraan ngayong pandemya at upang maipakita ang kahalagahan nito.

Dagdag pa ng mga mananaliksik, ang mga gawaing nabuo ay malaki ang magiging
epekto sa mga mag-aaral na nabibilang sa modernong panahon. Ang kasalukuyang panahon ay
halos nakatuon sa makabagong teknolohiya at social media. Malaki ang magiging epekto nito, sa
mga magaaral na malimit na gumamit ng social media.

KABANATA V

LAGOM, KONLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito nakatala ang mga paglalagom, natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na bahagdan ng mga kasagutan sa ikaapat na


kabanata.

Lagom

Ang pananaliksik na ito na may paksang Pananaliksik ukol sa Kahalagahan at Katayuan

ng "Social Media" ngayong Pandemya mula sa mga piling mag-aaral ng Westmead International

School ay naglalayon na malaman kung ano ang mga salik ukol sa kahalagahan at katayuan ng
43

social media. Mabatid ang propayl ng mga respondante batay sa kasarian at edad, at ang

rekomendasyon kaugnay ng kinahinatnan ng pag-aaral.

Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang dalawampu’t lima (25) mag aaral mula sa Unang
taon

hanggang Ikaapat na taon ng kolehiyo sa Westmead Internatinal School. Pinili ang mga

respondante sa pamamagitan ng random sampling. Ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang

deskriptibo-analitik at sarbey kwestyuner bilang instrumento sa pagpapalaganap nito.

Natuklasan

Mapapansin na mas malaki ang populasyon ng mga babae na sumagot sa mga


katanungan

sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner kaysa sa mga kalalakihan at makikita din na mas madami

ang sumagot sa edad na labing-siyam kaysa sa edad labing-walo, labing-pito, dalawampu,

dalawampu’t isa at dalawampu’t tatlo.

Konklusyon

Batay sa mga inilalahad na datos, ang mga mananaliksik ay humahantong sa mga


sumusunod:

1.) Ang mga respondente ng mga mananaliksik na ito ay binubuo ng mga mag-aaral.

2.) Ayon sa ginawang sarbey, Alam na alam ang napili ng mga respondante sa kaalaman nila
patungkol sa kahalagahan at katayuan ng social media ngayong pandemya.

3.) Ayon sa ginawang sarbey, na lubos nakakatulong ang Social Media ngayong pandemya ayon
sa mga respondente.
44

4.) Ayon sa sarbey, lubos na kinakailangan sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung
saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon sa social media
ngayong pandemya sa mga napiling mga respondente.

5.) Ayon din sa ginawang sarbey, lubos na natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang
relasyon ng mga magkakaibigan, at nakahahanap pa ng mga bagong kaibigan.

6.) Ayon din sa ginawang sarbey, ay nagbibigay daan ito sa isang matibay at malaganap na
pagbabago sa komunikasyon.

7.) Ayon din sa ginawang sarbey, Tayo ay nagkakaroon ng kaalaman sa kasalukuyang mga
pangyayari dahil sa mga iba’t ibang social media.

8.) Ayon din sa ginawang sarbey, Mahalaga ang pagkakaroon ng Social Media ngayong
pandemya ayon sa mga respondante.

Rekomendasyon

1. Para sa mga estudyante, panatilihing mag aral ng mabuti para makamit ang magandang
edukasyon at magandang buhay sa tulong ng social media kahit na may pandemya.

2. Para sa komunidad, maagap na tugon para sa pangangailangan ng bawat tao sa ating lipunan.

3. Para sa mga magulang, magkaroon ng sapat na tutok at gabay sa mga anak para maging wasto
at tama ang paglaki nila, para magkaroon ng kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang social media
sites ngayong pandemya.

4. Para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong ito sa kanilang kaugnay na pag-aaral at


makadaragdag sa kanilang kaalaman sa pag-aaral nito.

Talasanggunian

Hanguang Elektroniko

Villalobos G. (2020) Social Media. Retrieved from https://www.scribd.com/document/


45

45012470-/CHAP1PP finalest on July 05, 2020

Victoria (2019) Etika sa paggamit ng social media. Retrieved from https://www.academia.edu

/22732487/Etika_Pag_dating_sa_Paggamit_ng_Internet_at_Social_Media Sandora A. (2019)

Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon. Retrieved from

https://medium.com/@alyssasandorra/kahalagahan-ng-social-media-sa-edukasyon-

14995a6225b on January 07, 2019

Sambuena A. (2016) Pag-unlad ng Teknolohiya Retrieved from https://angelicasambuena.word

press.com/ on November 19, 2016 Canete et.al (2016) Impluwensya ng Social Media

https://www.academia.edu/31537634/
Social_Media_Impluwensiya_sa_Pagpapalago_Ng_Wikang Filipino on January 2016

Asniah H (2017) Kahalagahan ng Social Media sa Mag-aaral Retrieved from

http//filipinoproblog blogspot.com/2017 on October 15, 2017

Santos M (2020) Ang Epekto ng Social Networking sites sa mga mag-aaral Retrieved from

https://www.teacherph.com/social-networking-sites-ang-mga-epekto-nito-sa-mga-mag-

aaral/ on May 23,2020

Gonzales D. (2020) Kahalagahan ng Social Media Retrieved form https://internetatsocialmedia

wordpress.com/socialmedia/ Kushner J. (2020) Epekto ng Social media sa kalusugang

pangkaisipan ng mga estudyante.

Retrieved from https://www.coursehero.com/file/90776138/GROUP6-KABANATA-1-


5docx/ on September 2020

Lidestyle eu. (2020) Online Class: Ang bagong normal na pagaaral ng kabataan. Retrieved from

https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-
46

mga-kabataan/ on August 16, 2020

Galias J (2020) Mga Simpleng Aksyon ng Suporta para sa Mag-aaral Retrieved from

https://www.teacherph.com/mga-simpleng-aksyon-ng-suporta-para-sa-mag-aaral/ on

June 1 2020

Alerto C. (2020 Tulong ng Internet Retrieved from https://www.academia.edu ARALING

PANLIPUNAN_10_ISYU_AT_HAMONG_PANLIPUNAN_Panimula_at_Gabay_na_Tanong

Palbaccal A. (2017) Epekto ng Modernisasyon Retrived from https://www.academia.edu

/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High

_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan Langner I. (2020) Pag aaral sa isang Vitual World

retrieved from https://www.sjpl.org/ tl/blog/learning-virtual-world-learning-management-

systems on August 19, 2020

Sinag by the Beacon Publications (2020) Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong
Paaralan.

Retrieved from https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120.

Gonzales, A. (2020) Tuloy-Tuloy Ang Edukasyon: DepEd Naglunsad Ng Online Platform Para

Sa Distance Learning. Retrieved from

https://www.smartparenting.com.ph/life/news/deped-naglunsad-ng-online-platform-para-sa-

distance-learning-a00307-20200320

Bergonia, D. (2020) Teknolohiya sa Gitna ng Pandemya. Retrieved from https://sdo-

meycauayan.com/2020/08/27/teknolohiya-sa-gitna-ng-pandemya-ni-dennis-bergonia/
47

Zaldarriaga, J (2020) MGA PAGSUBOK SA BAGONG NORMAL SA EDUKASYON.

Retrieved from http://pilipinomirror.com/mga-pagsubok-sa-bagong-normal-sa-edukasyon/

Sun star Pampanga (2020) ANG EDUKASYON SA “NEW NORMAL” NA SITWASYON.

Retrieved from https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-

pampanga/20200727/281633897562180

Melinis, A (2009) ISANG PAGSUSURI PATUNGKOL SA EPEKTO NG " SOCIAL MEDIA "
SA PAG- AARAL NG MGA MAG-AARAL.

https://www.academia.edu/36139783/
ISANG_PAGSUSURI_PATUNGKOL_SA_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAG
_AARAL_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_PAARALAN_NG_RESPSCI on August 25,
2009

Basilyo at Bemacer (2017), Epekto ng Social Media sa Pag-aaral ng mga Estudyante.

https://www.academia.edu/31638900/
KABANATA_I_MGA_SULIRANIN_AT_SANLIGAN_Mga_Epekto_ng_Social_Media
_sa_Pag_aaral_ng_mga_Estudyante_sa_Kolehiyo_ng_Misamis_University on October
05, 2017

Health Spokesman Dr.Fransisco Duque (2020), Social media use and perceptions of physical
health.

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2405844018337484 on October 28,


2020

Gannaban, Ma. Fe PhD; (2020) EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA


MAG-AARAL

https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_
NG_MGA_MAG_AARAL on September 15, 2020
48

Abaiza, A. (2020) Pananaliksik tungkol sa epekto ng social networking sites sa tao.

https://pdfcoffee.com/pananaliksik-tungkol-sa-epekto-ng-social-networking-sites-sa-tao-
pdf-free.html on September 20, 2020

You might also like