You are on page 1of 6

Tekstong Argumentatibo

(Posisyong Papel):
Malayang paggamit ng Internet at Social Media
sa Pag-aaral at Pagpapahayag lalo na ngayong
Pandemya

Ipinasa ni:
Krisha Shane Magsaysay
Ipinasa kay:
Bb. Mary Grace Gabriel
Malayang paggamit ng Internet at Social Media

Sa Pag-aaral at Pagpapahayag lalo na ngayong Pandemya

Makikita natin ang kaunlaran ng ating bansa pagdating sa ekonomiya sa


paglipas ng panahon. Sa pag-unlad nito ay ating nasaksihan ang pag-usbong din ng
makabagong teknolohiya na siyang ginagamit sa libangan at isang mabisang
kasangkapan sa komunikasyon. Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang
buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na
dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon. Ang social media ay hindi
maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon ng
epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na
magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral lalo na
ngayon na tayo ay nakararanas ng isang pandemya na tinatawag na, COVID-19.

Maraming naapektuhan na tao ngayong pandemiya ngunit hindi nito mapipigilan


ang pagkatuto ng mga estudyante. Ang Social Media ay ang pakikihalubilo sa lipunan
ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng
kompyuter, cellphone, tablet at iba pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa,
mga larawan, musika, mga aktibidad, mga gusto at ayaw, mga video at marami pang
iba na pwede mong maisip. Napakabilis ng pamamaraang ito sa pagpapadala ng
mensahe at impormasyon anupat ang ilang mga tao ay ginagamit ang Social Media
upang iparating sa iba ang ang kanilang hinanaing at mga gustong ibalita sa lahat ng
kanilang mga kaibigan sa social networks tulad ng Facebook, Instragram, Twitter atbp.
Mahalaga ang Social Media sa pag-aaral upang mapadali at mapabilis ang pagsagap
ng impormasyon sa ating mga gawain sa paaralan at makita nag iba’t ibang balita sa
ating bansa lalo na ngayong pandemiya, sa pamamagitan nito mas nababawasan ang
oras na inilalaan natin sa paggawa ng mga takdang aralin at proyekto sa paaralan. Dito
rin natin mahahanap ang mga impormasyong gusto natin malaman at upang
magkaroon ngdagdag kaalaman para sa katulad naming mag-aaral. ,mahalaga din ang
Social Media, di lang sa mag-aaral kundi pati na rin sa mga mamamayan dahil sa
pamamagitan nito ay mas napapadali ang

pakikipagkomunisyon natin sa ating mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.


Ang paggamit ng internet ay mas nagpapadali sa mga gawain ng mga
estudyante sa pag-aaral. Ang paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga aralin
o pananaliksik ng mga estudyante ay naisasagawa sa ilang pindot lamang sa tipaan ng
computer. Kahit nakaupo lamang ay makikita na agad ang mga hinahanap na may
koneksyon sa leksyon na tinatalakay. Kung noon ay kailangan pang pumunta sa mga
silid-aklatan sa pangangalap ng datos, ngayon ay titipa na lamang sa kompyuter ng
mga salita at lalabas na ang mga resultang sing-dami o mas madami pa sa mga
impormasyon na nasa silid-aklatan. Ang paggamit naman ng social media ay
nakakatulong sa pagkonekta o pakikipagusap ng mga mag-aaral sa isa’t-isa. Kung may
mga hindi kaagad naintindihan sa eskwelahan ay maaring matalakay muli kahit nasa
bahay. Maaaring itong gamitin na isang paraan para mas madaling matuto ang mga
estudyante. May mga guro din na gumagamit ng “social networking site” tulad ng
Edmodo at messenger, sa pagbibigay ng “powerpoints” at sa ngayon, ang mga ito ay
malaki na ang tulong sa mga mag-aaral. Ikaapat, sa pagpapahayag, ang twitter,
facebook at Instagram ang pangunahing daluyan ng mga impormasyon sa iba’t ibang
isyu ng bansa at maging ng mga tao. Dahil dito, mas napapadali ang pakikinig ng
gobyerno sa mga hinaing ng mga tao at ang mga posibleng solusyon sa problema ng
bansa. Ika-lima, ang mga “social networking sites” ay isa sa mga nagsisilbing libangan
ng mga tao mula sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad. At sa paglaganap ng
depresyon at stress ay maaring magsilbi itong sariwang hangin dahil dito nila maiilabas
ang kanilang mga saloobin. Ang paggamit ng internet at social media ay may
masasamang epekto ngunit kung titingnan na mabuti ay mas lamang ang mga
positibong epekto nito basta tama ang paggamit.

Ang internet at social media ay maraming pakinabang kaya naman nararapat


itong gamitin sa pag-aaral at paghahayag ng malaya para sa mas maunlad na mundo,
kasabay ng pag-unlad ng mga bagay na mayroon ang mga tao ngayon. Ang
pagkagumon sa social media ay nasa gumagamit nito, nasa sa kanya kung paano ito
kokontrolin at paano itatakda ang kanyang oras. Ang paggamit nito ay nangangailangan
lamang ng tamang pagdisiplina sa sarili. Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pang
ginagamit sa komunikasyon sa social media at pagpapahayag ay nagagamit ng mas
madali at mabilis kung kaya’t sinasabi ng iba na ito ay mali pero masosolusyunan ito sa
pagkamulat sa mga prayoridad, kung ano ang dapat unahin at hindi. Kung iisiping
mabuti, madaling makakakonekta ang mga tao kahit pa gaano kalayo sa isa’t isa. Higit
sa lahat, madali din na makakapagpahayag ng saloobin sa isang isyu at
makakapaghanap ng mga bagay-bagay na kailangan para sa iba’t ibang responsibilidad
ng mga tao.

Dahil sa pandemya, isa na nga ang sektor ng edukasyon sa tuluyang


naapektuhan. “Online Classes,” ang nakitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo
upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang
pumasok sa mga paaralan na gamit ang iba’t ibang plataporma sa Internet. Bilang
bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online
education ang nakitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na
pasukan. Ang online education ang naging daan upang matuto ang mga kabataan sa
paggamit ng makabagong teknolohiya. Nagkaroon kaming mag-aaral ng oras upang
tuklasin ang ilan sa mga bagong paraan ng pag-aaral. Sa hakbang ding ito, mas
nakasabay ang karamihan sa pagtanggap ng makabagong paraan ng tungo sa
paglinang at pagkatuto ng mga katulad naming kabataan sa bansa. Sa paraang ito hindi
na kinakailangang ng mga kung anu-ano pang mga kagamitan, basta’t may koneksyon
ka lamang sa internet ay maaari ka nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na
paraan. Hindi na kinakailangan ng mga mag-aaral na pumunta sa kani-kanilang
paaralan. Sa online education mas nakatipid ng oras ang lahat ng mag-aaral dahil hindi
na nila kinakailangan gumastos ng pamasahe papasok at siguradong makakabawas sa
gastos. Sa pananaw na ito, marami ang mas makakatipid habang patuloy na natututo
gamit ang internet at social media.

Sa kabila ng lahat ng ito, dapat lamang piliin ang mga binabasa at nakikita at i-
angkop sa edad ng gumagamit. Gaano man ito kalawak, nasa “users” pa din ang
pagbabalanse ng mga bagay-bagay at kung paano siya magpapaapekto dito. May
mangilan-ngilan man na masamang epekto, sa isang banda ay makatwiran namang
gamitin ang internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag upang mas
mapadali ang pagsasaliksik sa mga bagay na gustong malaman at makapagpahayag
ng sariling paninindigan. Malaking tulong talaga ang Internet at Social Media sa atin lalo
na ngayong pandemya kaya’t sikapin nating matuto at magpasalamat sa kabuting dulot
nito.

You might also like