You are on page 1of 3

KONSEPTONG PAPEL:

“Kasalukuyang kalagayan ng mga Student Assistant sa Bulacan State University.”

PANGKAT BLG: 2

MIYEMBRO:

Bulaong, Richard San Gabriel, Marjorie Santiago, Sam

Soco, Mary Mabelle Palacio, Sarah Jane Dela Cruz Reynaldo

De Guzman, Maria Angela Arino, Carl Derek

RASYUNAL:

Maraming kabataan ang nagnanais na makapag-aral. Sa panahon ngayon, iilan na lamang

ang nakatutungtong sa kolehiyo dahil sa mga problema na sadyang kaakibat na ng

pagiging isang pilipino. Kaya naman hindi na bago sa ating kaisipan na may mga

kabataang nagtatrabaho upang makapag-aral. Maraming trabaho ang maaaring pasukan

ng isang studyante. Dahil dito napagdisisyunan ng aming grupo na manaliksik patungkol

sa kasalukuyang kalagayan ng mga Student Assistant sa Bulacan State University. Kahit

na marami ang pamilyar na may mga kabataang pinagsasabay ang pag-aaral at ang pagta-

trabaho ay lingid parin sa kanilang kaalaman ang tunay na hirap at sakrispisyong

kinakaharap ng mga ito. Ang paksang ito ay napagdesisyunang saliksikin ng aming

pangkat upang mabigyang linaw at kaalaman ang mga mambabasa sa kasalukuyang

kalagayan ng mga S.A. at dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga nagnanais na maging

Student Assistant.
PANGKALAHATANG LAYUNIN: Malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga

Student Assistant sa Bulacan State University.

PARTIKULAR NA LAYUNIN:

1. Makapagbigay ng sapat na impormasyong nauukol sa isang student assistant ng

Bulacan State University.

2. Maimulat ang mga mambabasa sa mga epekto, adbentahe at disadbentahe ng

pagiging isang student assistant.

3. Masuri kung ang pagiging Student Assistant ay nagreresulta sa kakulangan ng

oras sa pag-aaral.

4. Malaman ang mga regulasyon na ipinatutupad ng Bulacan State University para

sa mga Student Assistant sa unibersidad.

5. Mapukaw ang mga mambabasa sa mga kwento ng pagiging isang manggagawang

mag-aaral at sila ay magsilbing inspirasyon upang magpursigi sa buhay.

METODOLOHIYA:

Sa gagawing pananaliksik ukol sa kalagayan ng mga Student Assistant ng Bulacan State

University, ang mga mananaliksik ay gagamit ng pamamaraan na “interview”. Upang

makakalap ng impormasyon sa kalagayan ng pag-aaral ng mga S.A ay magpapanayam

kami ng tatlong propesor na may Student Assistant at isang Librarian na nangangasiwa sa

silid-akalatan. Magpapanayam din kami ng sampu hanggang labing-limang mga Student

Assistant upang sumagot ng aming mga katanungan.


INAASAHANG OUTPUT:

Inaasahang makakabuo ng 20-25 na pahina ng papel pananaliksik. Makagawa ng isang

maikling dokumentaryo tungkol sa mga students asssistant na naglalayong ipaalam sa

mga manonood ang kalagayan ng isang student assistant.

You might also like