You are on page 1of 5

Ang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro kuro hinggil sa isang

paksa at karaniwang isinulat ng entidad gaya ng isang partido pulitikal Nagbibigay


daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong
na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na
karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat.
Isa sa mga dapat mahubog sa mga kabataang Pilipino ay ang kakayahang
manindigan sa isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o
prinsipyo. Maisasagawa ito kung may kakayahang mangatwiran sa desisyon o
panig na napili sa pamamagitan ng paglalatag ng matitibay na ebidensya o
katibayan
Ang pangangatwiran ay isang uri ng diskursong naglalayong mapatunayan ang
katotohanan ng ipinahahayag at pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o
bumabasa ang katotohanang iyon . Mahalagang ang taong nangangatwiran ay
may sapat na kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiran . Kailangan
mabatay ang katwiran sa katotohanan upang ito ay makahikayat o makaakit nang
hindi naman namimilit
Ayon kay Jocson , et al (2005) sa kanilang aklat na “ Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik” ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o
argumentasyon na maaring maiugnay sa mga sumusunod na paliwanag
•Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang
patunay na tinatanggap ng nakararami.
•Ito ay isang uri ng paglalahd na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan
•Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinion at
mapahayag ang opinyong ito sa iba

Narito ang mga dapat isaalang alang para sa isang mabisang pangangatwiran
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
3. Sapat na katwiran at katibayan ang makapagpapatunay .
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat
5. Pairalin ang pagsasaalang alang , katarungan , at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad sa katwiran

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga
argumento at pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng
mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik . Kaya naman,
napakahalagang mapag isipan at mapaghandaang mabuti ang paggawa nito.

1.Pumili ng paksang malapit sa iyong puso


2.Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
3.Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
4.Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyongpahayag ng tesis o posisyon
5.Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya

Narito ang mga hakbang na maaring sundin sa pagsulat ng posisyong papel:


Maaaring isaalang alang ang sumusunod na mga sanggunian sa pangangalap ng
mga katibayan batay sa kakailanganin impormasyon.

Para sa higit na pagpapatibay ng iyong posisyon ay maaaring ring gamitin bilang


saligan ng paliwanag ang mga pananaw ng mga taong eksperto sa larangang iyong
tinalakay tulad ng doktor abogado propesor at iba pa o kaya naman ay personal
na karanasan ng kaibigan kamag anak o kakilala na makapagdaragdag ng
damdamin para sa iyong paksa.

Ayon kay Constantino at Zafra 2000 nauuri ang sa dalawa ang mga ebidensyang
magagamit sa
Pangangatwiran.

a. Mga katunayan ( ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo


dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig , naamoy ,
nalasahan , at nadama . Hindi laging kailangang ang mananaliksik mismo
ang nakaranas o nakakita ng pangyayari para magamit itong katibayan ,
maaari ring ito ay nasaksihan o naranasan ng ibang tao . Angkanyang mga
pahayag ay maaari mong magamit bilang testimonya o patotoo

b. Mga opinyon ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao mga ideyang
nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo . Hindi
ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng katunayan . Kung gagamiting
ebidensya ang opinyon sa iyong sulating papel , kailangang manggaling ito
sa taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isyu o paksa . Karaniwang
kinikilalang may awtoridad ang mga taong may posisyon o may mahalagang
ginagampanan sa lipunan tulad ng mga iskolar , propesyonal , politiko ,
akademiko at siyentipiko

6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel . Bago tuluyang isulat ang kabuoang
sipi ng posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para rito . Narito ang
pormat na maaaring gamitin para rito:
I.Panimula
a. Ilahad ang paksa
b.Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit
mahalaga itong pag usapan
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa
isyu

Sa pagsulat ng panimula mahalagang maunawaan na ito ay mayroong


dalawanglayunin Una, upang ipakilala ang paksa at ang tesis at pangalawa upang
maantig ang interes ng mga babasa nito Tunghayan ang halimbawa nito
a. Isa sa napapanahong isyung pinag uusapan sa lipunan ngayon ay ang
Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533
b. Bawat pamilya at mag aaral na Pilipino sa kasalukuyanay labis na
naapektuhan ng programang ito . Puspusan ang isinasagawang paghahanda
at pagsasanay ng pamahalaan upang maihanda ang mga paaralan at mga
guro sa maayos na pagpapatupad nito
c. Mahalagang maihanda ang mga mag aaral sa totoong buhay lalo na sa
paglinang sa kanilang mga kasanayang kakailanganin sa papasuking
larangan o trabaho kaya mahalagang maipatupad ang programang ito

II. Paglalahad ng Counter Argument o ar gumentong tumututol o kumukontra sa


iyong tesis
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit
na counter argument
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counter argument na iyong
inilahad
d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginagawang panunuligsa
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag
 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto
 Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa mapagkakatiwalaang
sanggunian

b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag


 ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto
 Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian

c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag


 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto
 Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa tatlong
mapagkakatiwalaang sanggunian

IV.
Kongklusyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis
b. Magbigay ng mga plano ng Gawain o plan of action na makatutulong sa
pagpapabuti ng kaso o isyu
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel
ay sa pamamagitan ng muling pag banggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad
nito at ang pagtalakay sa mga magiging implikasyon nito

You might also like